Will You Vote for God?

ivoted-carousel-2-20130511

A Christian may wonder, “If the God of the Bible became a political candidate, will the people vote for Him?”

Malapit na ang eleksyon para sa susunod na mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas, kung saan sentro ang tatlo sa mga pinakamataas na posisyon: pangulo, pangalawang pangulo, at senador. Ang eleksyon ay gaganapin sa ika-9 ng Mayo, Lunes, at lahat ng mga kumakandidato sa mga ninanais nilang posisyon ay puspusan na ang ginagawang pangangampanya upang ipakitang sila ang karapat-dapat ihalal ng taong-bayan sa araw na ito.

Dito sa aming lugar, sa Trece Martires, Cavite, napakarami sa mga lokal na kandidato ang gumagala sa lungsod kasama ang kanila-kanilang mga jingle na halaw sa mga sikat na musika ng ating panahon. Ako, personally, ay natatawa at naiirita sa ganitong uri ng pangangampanya, at marami akong mga kakilala na hindi ito nakikitang epektibong paraan para kumbinsihin ang mga tao na iboto ka. I’m not here to give ideas on how to make your election campaign effective, pero bilang taong kabilang sa mga mamamayan ng bansa na boboto sa darating na eleksyon, ang alam kong epektibong paraan ng pangangampanya ay ang ipakita mo kung sino ka at kung ano ang iyong nagawa at kung ano ang iyong gagawin para sa bayan. Hindi rin nakakatulong ang mga salitang ikaw ang “pag-asa ng bayan” o mga katulad na salita na parang ang dating ay ikaw ang Dios na gagawa ng tunay na pagbabago sa bayan.

Nagsasalita na rin lang ako tungkol sa pagiging “pag-asa ng bayan” at sa Dios, tayong mga Kristiano ay nalalaman na wala nang ibang pag-asa ang bayan na ito, at ang kahit anong bayan, kundi ang ating Panginooong Jesus. Alam natin na ang pagbabagong kailangan ng bayan ay hindi pagbabago sa labas, kundi pagbabago sa kalooban. Ang pinakamalaking pagbabago na magagawa ng mga maihahalal na opisyal ng gobyerno ay mga mabuting pagbabago sa labas na aspeto, ngunit tanging ang Dios lamang ang makakagawa ng mabuting pagbabago sa loob, pagbabago na pangmatagalan at kumakalat hanggang labas. Sa kaibuturan ng aking puso alam ko na walang tunay na pagbabagong magaganap kung hindi ang Dios ang katatakutan at susundin ng mga tao. Naniniwala tayong mga anak ng Dios na balang-araw ang Panginoong Jesus ay babalik dito sa lupa at mag-hahari, at ang mabuting pamamahala at tunay na pagbabago ay tuluyan nang mangyayari. Sa ngayon, ang mga masunuring Kristiano ang ginagamit Niya upang gumawa ng pagbabago sa kalooban ng mga tao, sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo sa kanila sa iba’t ibang paraan. Sa kakaunting bilang ng mga tao na ating nadadala sa Panginoon, na tunay na binabago ni Jesus, nakikita natin ang halimbawa ng kung ano ang mangyayari kapag Siya ay naghari na dito sa lupa.

Na nagdadala sa akin sa topic na ito: “Kung kakandidato kaya ang Dios ngayon, iboboto kaya Siya ng mga tao?” Kung tumakbo kayang opisyal ng gobyerno, iboboto kaya Siya? Para sa mga totoong Kristiano, wala nang paliguy-ligoy pa, isang malaking “oo” ang ating isasagot. Pag-isipan man natin ito nang maigi, alam nating Siya pa rin ang ilalagay natin sa ating balota anumang posisyon ang Kanyang takbuhin—ito ay dahil Siya naman talaga ang inaasam nating mamuno sa ating bansa, saanman bansa tayo isang mamamayan.

Paano kung mga hindi ligtas ang ating tatanungin? Iboboto kaya ng pangkaraniwang Pilipino ang Dios kung Siya ay kakandidato sa anumang posisyon sa gobyerno, lalo na sa mga posisyon na may kinalaman sa paggawa at pagpapatupad ng batas? Nalalaman ang sinasabi ng Salita ng Dios, mayroon na akong konklusyon sa tanong na ito, gayunpaman, ninais kong malaman ito mula mismo sa mga mamamayan ng bansa.

Mula April 10-13 ng taong ito ay nagsagawa ako ng survey na sasagot sa tanong na ito. Gayunpaman, hindi ko tinanong nang direkta ang “Iboboto mo ba ang Dios?” dahil, nalalamang ang Pilipinas ay isang relihiyosong bansa, alam kong walang isip-isip ay “oo” na ang kanilang sagot. Ngunit kapag inalam na nila ang plataporma ng Dios kung sakali, alam kong ang mga sagot ay hindi gayon. Kaya tinanong ko sila tungkol sa mga isyu na sentro sa ating panahon ngayon at ilan sa mga alam ko na magiging mahalaga sa Panginoon kapag naghari na Siya sa buhay ng mga tao. Ito ang mga napili kong tanong:

1) Pabor ka ba na gawing legal sa bansa ang same-sex marriage?

2) Pabor ka ba na ipagbawal na ang paninigarilyo?

3) Pabor ka ba na tuluyan nang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa?

4) Pabor ka ba na tuluyan nang ipagbawal ang alak?

5) Pabor ka ba na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal sa bansa?

6) Pabor ka ba na gawing batas ang pagsisimba?

Mayroon sigurong mga tao, maging mga Kristiano, na magtatanong kung paano ako nag-come up sa mga tanong na ito. Ang aking sagot ay sa aking tingin kabilang ito sa mga isyu na kinasasangkutan ng ating bansa ngayon, at ang isa ay alam kong may espesyal na halaga sa ating Panginoon. May mga magsasabi na ang mga ito ay kaunti o maliit na mga isyu lamang kumpara sa iba pang mga kinasasangkutan ng ating bansa ngayon, gayunpaman ang nais kong malaman ay hindi ang posisyon ng mga Pilipino sa lahat ng mga isyu ng bansa, kundi kung iboboto nila ang Dios kung sakali, at nakita ko na ang mga ito ay kabilang sa mga dapat kong itanong kung nais kong malaman ang sagot sa pinakamalaking tanong na ito.

Ito ngayon ang resulta ng aking survey. Para sa survey na ito ay nakipag-usap ako sa 100 na tao sa aking tinitirhang lungsod, lahat nasa mga botanteng edad (18 years old pataas).

Ukol sa isyu ng same-sex marriage, 80 out of 100 ang nagsabing hindi sila pabor na gawing legal ito, an overwhelming majority. Pinapabulaanan nito na tunay nang nagbabago ang opinyon ng Pilipino sa bagay na ito. Dito ko napatunayan na ang mga bumatikos sa mga pahayag nina Pacquiao at Quiambao tungkol dito ay bumubuo lamang sa minoridad ng mga Pilipino—sa aking survey, 20% lamang ng mga Pilipino. Mukhang nangingibabaw pa rin ang impluwensya ng Kristianismo at ng Islam sa bagay na ito sa mga Pilipino. Makikita ko sa mga ekspresyon ng mga mukha ng nagsabing hindi sila pabor na hindi talaga sila pabor.

Ukol sa isyu ng paninigarilyo, 88% ang pabor na ito’y gawin nang ilegal sa bansa. “Nakakasama sa atin iyan,” sabi ng nakararami. “Mabuti talagang ipagbawal na iyan.” Ang natitirang labindalawa na nagsabing hindi ay mga tao mismo na naninigarilyo o nagsasabing maraming mawawalan ng trabaho kapag naging ilegal ito.

Ukol sa isyu ng alak, 53% ng mga tao ang pabor na ito’y ipagbawal na. Nakikita kong mas matindi ang conviction sa bagay na ito ng mga babaeng nakausap ko, marahil sa nagagawa nito sa kanilang mga asawa. Ang 47% na hindi pabor ay natatawang nagsabing sila mismo ay umiinom, at sa palagay nila ay hindi na ito mapipigilan pa kahit gawin pang ilegal, at may iba ring nagsabi na maraming mawawalan ng trabaho kapag naging batas ito.

Ukol sa isyu ng pagsugpo sa ilegal na droga, 97% ang nagsasabing pabor sila. Hindi naman nakakagulat na marami talagang pabor rito; ang ikinagulat ko ay may 3 pa na hindi pabor. Dito ko nakita na hindi buo ang posisyon ng mga Pilipino ukol sa bagay na ito. Sa lungsod na kasunod ng Trece Martires, ang Tanza, ay may mga area na patuloy na gumagamit ng ilegal na droga at nagbebenta nito, nire-reflect lamang ng 3% na ito na hindi lahat sang-ayon sa tuluyang pagsugpo sa ilegal na droga.

Ukol sa isyu ng pagsusugal, 78% ang sang-ayon na ang lahat ng uri nito’y ipagbawal na. Sa aking survey, ay binigyang-diin ko ang “lahat ng uri,” dahil maraming sugal na pinapayagan ng gobyerno sa ngayon, tulad ng lotto o sweepstakes, casinos, sabong, bingo, at iba pa. Ngunit sa opinyon ng karamihan, ito ang pinagmumulan ng kaguluhan, patayan, at inggitan, kaya mas maigi na ito’y ipagbawal nang lahat. Sa mga nagsabing hindi ito mainam, ito ay dahil marami daw ang mawawalan ng trabaho. Na-realize ko ito nang mapadaan kami ng kasama kong si Joshua Nazaire sa isang store kung saan puro pakain sa manok ang ibinibenta. Totoong magsasara ang mga katulad nito kapag naging ilegal na ang lahat ng uri ng sugal.

Ukol sa isyu ng pagsasabatas ng pagsisimba, 60 out of 100 ang nagsabing pabor sila. A majority of them evidently do not attend their respective churches or mosques, but if made a law, they said they would gladly obey. Sa mga taong nagsabing nagsisimba sila, may isang nagsabi na kung gagawin itong batas, mas mapapalapit ang mga tao sa Dios, dahil siya mismo ay ganito ang kaso. May isa namang nagsabi na kung tutuusin, hindi na dapat gawing batas pa ito “dahil sa Kanya nanggaling ang lahat ng mayroon tayo, kaya isang kawalang utang na loob sa Kanya ang hindi gawin ito.” Ang apatnapung nagsabing hindi dapat ay nagsabing hindi dapat ipilit sa tao ang ganitong uri ng mga bagay; sila ang dapat magpasya kung nais nilang magsimba o hindi. Sinasabi pa nilang factor ang “separation of church and state.”

Ngayon, para masabing iboboto ng isang tao ang Dios, dapat ay ito ang isasagot nila sa bawat tanong: 1) hindi; 2) oo; 3) oo; 4) oo; 5) oo; 6) oo. Ang mga sagot na ito ay may biblikal na batayan at hindi maaaring balewalain.

Sa lahat ng aking mga sinurvey, 32 out of 100 lamang ang sumagot ng tama sa lahat ng mga tanong. That’s just almost one-third of the people, a minority. Ito ay nangangahulugan na 68% ang hindi boboto sa Dios kung sakaling kumandidato Siya, dahil hindi sila sumasang-ayon sa isa o higit pang mga plataporma Niya. Alam ko na mas kakaunti pa ang porsiyentong ito kung magdaragdag pa ako ng ibang mga isyu, o mag-i-interview pa ako ng mga pulitiko mismo at mga mayayamang tao tulad nina Lucio Tan, Henry Sy, at iba pa, na silang may pisikal na kapangyarihan sa bansang ito.

Tandaan natin na kapag nanalo ang Dios sa isang eleksyon sa pagiging pinuno ng bansa, ang unang magbabago ay ang form of government. Ang makikita nating pinakapinapaboran Niyang uri ng gobyerno ay absolute monarchy (1 Sa. 12:12; Psa. 10:16; 24:8, 10; 29:10; 47:2; 84:3, etc.). Sa monarkiya, ang magpapasya ay hindi ang karamihan ng mga tao (hindi tulad ng demokrasya), kundi ang hari. Sa monarkiya, apektado ang lahat ng aspeto, maging ang relihiyon. At Siya ang magiging hari sa monarkiyang ito.

Ang Dios ay laban sa same-sex marriage. Sinabi ng Dios sa Biblia na ang kasal ay para lamang sa lalaki at babae, hindi lalaki lalaki, hindi babae babae (Gen.  2:24, 25; Mat. 19:4-6). Makikita natin sa Biblia na napopoot ang Dios sa mga sexual perverts, o mga taong nagpa-practice ng pakikipag-sex sa kapwa nila kasarian (Lev. 18:23; 20:13). Sinasabi ng Dios na hindi nila mamanahin ang kaharian ng Dios (1 Cor. 6:9).

Ang Dios ay pabor sa smoking ban, sa total illegal drugs ban at alcohol ban. Itinuturing ng Dios ang katawan ng tao bilang isang banal na lugar, isang templo, isang bagay na hindi dapat sirain at wasakin (1 Cor. 3:16,17). Maraming beses binanggit sa Biblia ang epekto ng alak sa tao. Alam naman nating lahat na ang paninigarilyo, pagdodroga at pag-inom ng alak ay hindi maganda sa pangangatawan, kaya tiyak, kapag naging opisyal Siya, ipagbabawal Niya ang mga bagay na ito.

Ang Dios ay pabor sa gambling ban. Kung ang Dios ay pinuno ng bansa, gagawin Niyang ilegal ang mga malalaking sugalan tulad ng casino, sweepstakes, at magiging ang mga maliliit tulad ng sabong, bingo at mga katulad na sugal. Ito ay dahil sinasabi ng Dios na huwag tayong mag-imbot (Exo. 20:17) at na ang mga bagay-bagay ay pinaghihirapan, hindi nakukuha sa pagbili ng sampung piso o bente pesos na scratch card (Gen. 3:19; Eph. 4:28).

Isasabatas ng Dios ang “Church-Going Mandate.” Kapag naging pinuno ng bansa ang Dios, ang pagdalo sa simbahan ay magiging batas na. Utos ng Dios na Siya ay sambahin (Mat. 4:10), at kaakibat ito ng pagdalo sa simbahan (Heb. 10:25). Makikita natin sa Israel noong panahon ni Moises, na ang Sabbath, kapag hindi tinupad ng isang tao, ay may parusang kamatayan (Exo. 31:14, 15). At sa darating Niyang paghahari sa lupa, ang mga taong hindi pupunta sa isang lugar upang Siya ay sambahin ay paparusahan Niya (Zec. 14:16-19).

You see, voting for God is actually deciding to make Him King over your life. And men are bent on reigning over themselves will not welcome a God who must become Lord of all.

Advertisements

The Facebook Generation

millennials (blog-sap.com)

Nearly 2 billion people in the world use Facebook. Is it a good thing or a bad thing?

As of March 2016, ang mundo ay mayroon nang tinatayang populasyon na 7.4 billion.1 And as of December 2015, Mayroon nang 1.59 billion active users ang social media network giant na Facebook.2 Ibig-sabihin nito, mas marami pa ang nag-set-up ng kanilang Facebook accounts, bagaman ang iba ay hindi ito aktibong nagagamit. That is roughly 22%, o higit sa 1/4, ng buong populasyon ng mundo. At patuloy pa itong dumarami.

Ang pinakasikat na video-sharing website, ang Youtube, ay ginagamit, as of 2014, ng 1 billion users, at umaabot na sa 4 billion ang bilang ng mga views ng mga videos nito per day.3

Ang isa pang social media site, ang Twitter, ay lumampas na sa 500 million ang bilang ng mga users, at 320 million ang aktibo kada buwan, as of December 2015,4 na tiyak na dumami pa, dahil sa pagsikat ng ALDUB loveteam sa maraming mga bansa simula noong July 2015. Mas marami ang gumagamit ng photo sharing website na Instagram (acquired by Facebook), na ayon sa kanilang press release, ay may 400 million-plus monthly active users, pagkatapos lamang ng halos anim na taon nang ito’y i-launch.5

Ang Wikipedia, isang online encyclopedia, ayon sa isang New York Times newswriter, ay may 500 million unique visitors kada buwan.6 Ang Google, ang pinakasikat na search engine sa buong mundo, ay may 1.17 billion unique searchers as of 2013,at kada buwan ay lumalagpas sa 100 billion ang mga searches.7

And there is no slowing down. Bagaman may mga reports na milyung-milyong mga users ang iniwan na ang paggamit ng kanilang mga social media accounts,8, 9, 10 na-o-offset ito ng pagdagdag ng mga bagong users kada buwan.

I’ve decided to conduct a survey in my city, Trece Martires, Cavite, to know how technology and social media are doing. (Kasama ko si Jay Tolentino sa survey na ito.) Naniniwala ako na ang lungsod na ito ay salamin ng maraming mga lungsod sa buong bansa at maging maraming mga lungsod sa buong mundo, especially sa mga developing countries tulad ng sa atin. (Tiyak na sa mga developed countries tulad ng USA at Japan, mas malaki ang magiging kaibahan ng resulta.)

From March 3-6, ako ay naka-acquire ng 100 respondents sa aking survey, with ages ranging from 13-71 years old. They have different backgrounds: may mga estudyante sa kanila (high school and college), professionals and workers, employed and unemployed, singles and marrieds, Christians and nonChristians. Mayroon akong mga nakausap sa kalye, sa malls (as a working employee or a shopper), sa bahay, at iba’t ibang pampublikong lugar. All in all, I have surveyed 0 children (ages 0-12), 38 teenagers (ages 13-19), 55 young adults (ages 20-39), 5 mature adults (ages 40-59), and 2 senior adults (60 and above). So if you want an age-based survey, my survey wouldn’t be a proper reference.

Sa isangdaan na aking na-survey, 97 ang nagsabing mayroon silang at least one gadget, most of them cellular or smartphones. (It still amazes me na may tatlong nagsabing wala silang phone, all of them coming from mature adults.) 42 sa kanila ang may higit sa isa, most of them having a tablet or a laptop as second device.

Nang tanungin ko sila kung gaano karaming oras ang kanilang ginugugol sa kanilang mga gadgets kada araw, ang pinakamarami ay nasa magkabilang extremes. 23 people said they use their gadgets more than 1 to 3 hours a day, and an equal number said they used them from 11 to 19 hours a day. 9 lamang ang nagsasabing gumagamit lamang sila nito ng ilang minuto hanggang isang oras, 19 ang nagsasabing 4-6 hours a day, 16 ang nagsasabing 7-10 hours sila gumagamit daily, but I was amazed na may 7 na nagsabi na ginagamit nila ito round the clock (or 20-24 hours). Bagaman higit pa rin sa kalahati ang nasa lower end (from minutes to 6 hours), malaki pa ring figure ang nasa higher end ng usage (47%). Honestly, I belong to the higher end.

When I asked them what apps they used when using their gadgets, 85 out of 97 (88%) ang gumagamit ng Facebook. Other apps frequently used are Youtube, Instagram, Twitter, Google, and Wattpad, but in decreasing frequency.

When I asked for other purposes of use, 61% said they use it for watching videos and movies, while 38% use it for games (madalas banggitin ang Clash of Clans). Mayroon pa ring gumagamit nito exclusively for calling and texting (7%), ngunit nagulat ako na mas marami ang hindi na ito ginagamit sa kanilang phones (or hindi binabanggit na gayon, meaning they take it for granted). Iba pang layon ng paggamit ay research (citing Google), typing, reading, listening to music, video calling (Skype), and dictionary, but in a much smaller degree.

Makikita natin na ang tatlong pinakamalaking paggamit ay Facebook usage (which has chat, news, etc.), video-watching and gaming.

Tinanong ko sila kung pagkagising nila ay gumagamit na sila nito (bukod sa alarm use), at 46 sa kanila (halos-kalahati) ang nagsabing oo. (Hindi ko sinali rito ang mga nagsabi ng minsan.) Nang tanungin ko kung kinakatulugan na nila ang paggamit nito, 40 ang nagsabi ng oo (bukod pa sa mga nagsabi ng minsan). This means that roughly half of these people make these devices the first and last thing of their days.

Then I came up with a clincher question: Do you have any spiritual activities, like praying, Bible reading or church-going? I am about to get amazed, dahil ang nagsabi na wala silang devices (3 of 100) ay sila rin ang mga walang spiritual activities whatsoever. Nagulat lang ako dahil I suppose na ang mga taong walang ganito ang may mas maraming oras para magsimba, manalangin o magbasa ng Biblia, even ang maglingkod sa Dios. Ngunit lahat ng sinurvey kong Baptists like me (13 in all), all have devices. Some who professed to be active members of the Roman Church and INC (by that I mean church-going), all have techno-gadgets. Dalawa lang sa mga nagsabing mayroon silang gadget ang nagsabing wala silang spiritual activities. Ang mga taong ito na may gadgets actually have a spiritual life, even if it’s little.

Ngunit ang papuri ko ay hanggang doon lamang. Dahil kumpara sa kanilang gadget usage, nasa isang oras lamang ang pinakamalaking nagugugol ng karamihan sa kanila para sa Dios. (I am not biased, but the ones who are using more of their time for God are my fellow Baptists, who are regular church goers, frequent pray-ers, Bible-sharers and many of them, choir members.) Marami sa kanila ay nagsabi ng “minsan” ukol sa regularity ng mga spiritual activities, at ang mga nagsabi ng “palagi” ay halos-lahat patungkol lamang sa pagdadasal, which are actually less time-consuming for them. Many are citing their workload or their studies, ngunit kung titingnan ang oras na ginugugol nila sa gadgets at kung para saan nila ito ginagamit (nakita natin ang top 3 usages), I know they can be doing more.

May ilan akong mga natutunan sa pag-aaral na ito, which I will share with you.

Ang dami ng oras na ginagamit mo ang iyong gadget ay singhalaga ng kung para saan mo ito ginagamit. Maaaring sabihin ng iba na porket marami kang ginagamit na oras para sa mga ito at social media, ay sinasayang mo ang oras mo, ngunit ang konklusyon na iyon ay kulang. Ang pagiging makabuluhan o sayang ng oras ay nakadepende sa kung saan mo ito ginagamit. Gadgets and social media are just instruments, in themselves they are not good or bad—they are neutral. It’s how you use them that matters.

I will admit, sa aking calculation I spend 13 hours a day on gadgets. Gayunpaman, most of them I use for making publications and writing articles like this one. I use my laptop frequently for research for those articles. Gumagamit ako ng Facebook, ngunit madalas ko itong ginagamit para mag-post para sa CYPA Paper Ministries at Capitol Bible Baptist Church pages, bukod pa sa mga helpful posts ko sa aking timeline. I upload photos and videos, sometimes. I do look at posts of friends and pages, and I like them, sometimes comment, sometimes share, ngunit maliit lamang iyon na oras. I use Twitter and Instagram, but just minutes (tumitingin lang ako ng mga news updates, specially ALDUB updates). I use Internet frequently to read articles. I don’t play games. Ni hindi ako mahilig sa chat (I always have my Facebook chat offline.) Kung mayroon mang marami-rami akong oras na ginugugol, iyon ay sa panonod ng movies and TV shows, and I actually pick what I watch carefully—I still want it to be a learning experience.

Nagiging sayang lamang ang oras na ginagamit nating maraming oras kung iyon ay puro lamang sa ating entertainment, which is obviously reflected by the top three usages. People use technology to communicate and to be entertained, na hindi naman masama kung kaunting oras lang ng isang tao ang ginugugol, ngunit ang paggamit natin nito exclusively for those things in a long period of time, that—that is what we should call wasting of time.

Kung ginagamit mo ang iyong gadgets para lang sa Facebook, panonood at paglalaro, at sa malaking panahon, sinasayang mo ang iyong oras.

Hindi rin kailangan na magkaroon ka ng gadget para magawa mong sayangin ang iyong oras. Ang katotohanan na nakakapagdasal at nakakapagsimba pa rin ang mga taong may gadget (however small time they give) ay may ibig-sabihin. Ang tatlong taong na-survey ko na walang gadget o cellphones ay walang oras para magsimba, manalangin, o magbasa ng Bible. How could that be? Their answer: work. Ang isa ay tindera, ang isa ay tricycle driver, at ang isa ay grocer. Ang trabaho ay maaaring makabuluhang oras para sa maraming tao, ngunit para sa akin, at ayon sa sinasabi ng Biblia, all that counts is what you do for God. So technically, ang pinakanagsasayang ng oras ay hindi ang mga gamit-nang-gamit ng gadgets (at hindi ko sila kinukunsinti, whatsoever), ngunit ang mga trabaho-nang-trabaho at wala nang panahon sa Dios.

Ikaw na isang Facebook at social media user, ano ang ginagawa mo tuwing naroroon ka? Ikaw na nanonood ng videos at movies sa iyong gadgets, anu-ano ang iyong mga pinapanood? Ikaw na isang gamer, are you becoming a better, more intelligent and more godly person because of the game you’re playing? The time you spend is as important as the things you spend it on.

 

Redeeming the time, because the days are evil.

—Ephesians 5:16

 

Huwag mong sayangin ang iyong oras. Do things that are worthwhile. At para sa akin, ang pinakamakabuluhang oras sa iyong buhay ay ang mga oras na ginagamit mo para sa Dios.

 

Whether therefore ye eat, or drink, or whatsoever ye do, do all to the glory of God.

—1 Corinthians 10:31

 

Hindi mo kailangan maging pastor para magamit mo ang iyong oras para sa Kanya. Ang kailangan mo ay ang ibigay sa Kanya ang iyong sarili bilang isang buhay na hain, at sundin ang lahat ng ipag-uutos Niya sa’yo.

This Facebook generation can still be people who uses their time wisely, people who spend time for God.

The images above are the actual survey forms I used where I based this article.

NOTES

1 “World Population Clock,” http://www.worldometers.info/worldpopulation. | 2 “Facebook Climbs To 1.59 Billion Users And Crushes Q4 Estimates With $5.8B Revenue,” http://techcrunch.com/2016/01/27/facebook-earnings-q4-2015. | 3 “By the Numbers: 130+ Amazing Youtube Statistics,” DMR, http://expandedramblings.com/index.php/youtube-statistics. | 4 “Twitter Usage | Company Facts,” https://about.twitter.com/company. | 5 “Press News,” https://www.instagram.com/press. | 6 Cohen, Noam (February 9, 2014). “Wikipedia vs. the Small Screen,” The New York Times, http://www.nytimes.com/2014/02/10/technology/wikipedia-vs-the-small-screen.html?_r=0. | 7 “By the Numbers: 100 Amazing Google Statistics and Facts,” DMR, http://expandedramblings.com/index.php/by-the-numbers-a-gigantic-list-of-google-stats-and-facts. | 8 “Facebook and Twitter experience year of declining popularity,” YouGov UK, June 5, 2014, https://yougov.co.uk/news/2014/06/05/facebook-and-twitter-experience-year-declining-pop. | 9 “More Than 11 Million Young People Have Fled Facebook Since 2011,” TIME, January 25, 2014, http://business.time.com/2014/01/15/more-than-11-million-young-people-have-fled-facebook-since-2011. | 10“Survey: Nearly 4 in 10 Women Have Decreased or Stopped Using Social Media,” Print in the Mix, March 2013, http://printinthemix.com/Fastfacts/Show/691.