Sing It!: I AM

“I Am the Root of David,

The Bright and Morning Star,

I Am the Lion of Judah,

I Am, I Am.

“I Am Alpha and Omega,

The Beginning and the End,

The First and the Last,

I Am, I Am.

“I Am Faithful and True,

I Am the Word of God,

I Am the Lamb,

I Am, Am.

“I Am the Resurrection

And He that lives,

I Am alive forevermore,

Amen, Amen.

“I Am the King of kings and Lord of lords,

I Am holy, holy, Lord God Almighty

Which was, and is, and is to come,

I Am, I Am, I Am that I Am, I Am!”

Life Stories: Matutupad!

Siya na nakikikaing kasama ko ay tumayo laban sa akin.”

Ang hulang ito ni David ay paulit-ulit na naririnig ni Jesus sa Kanyang isip. Ito na yata ang pinakamasakit na hula na dapat matupad—at matutupad—sa Kanya. Ang lalaking pinili Niya, pinagtiwalaan Niya, at minamahal Niya ang siyang magiging dahilan para Siya’y mamatay. Mamatay. Alam Niyang malapit na itong dumating, ngunit ang realidad na kaibigan Niya ang magkakanulo sa Kanya ay parang pakong ipinupukpok sa Kanyang puso—masakit. Pero matutupad. Matutupad. Matutupad. Dahil iyon ang hula ng Diyos—Salita ng Diyos—at walang bagay na hindi natupad sa Salita ng Diyos. At kasama ang bagay na ito doon.

“Kung ano’ng gagawin mo, gawin mo nang madali,” bulong Niya kay Judas, bagay na inutos Niya sa taong magdadala sa Kanya sa kamatayan. Kahit Siya hindi makapaniwalang sinabi Niya ang bagay na ito. Ngunit matutupad. Walang hindi matutupad.

——————————————————————

Hindi nagdalawang-isip ni Judas. Hindi man niya masyadong maunawaan ang sinasabi ni Jesus, ang ipagkakanulo niya, ay natunugan na nito na ipagkakanulo niya ito.

“Gawin mong madali,” ang huling salitang narinig niya mula kay Jesus.

“Oh, heto, 30 pirasong pilak para sa gagawin mo,” sabi ng mga punong saserdote sa kanya, hawak-hawak ang isang supot ng kumakalansing na salapi.

Sa pagtanggap niya ng pabuyang ito ay dumating sa kanyang alaala ang Kasulatang nagsasabi, “At ibinenta niya ako sa halaga ng isang alipin.” Hindi niya pinansin ang alahahaning iyon. Hindi niya alam na isa-isa niyang tinutupad ang hula. Tinutupad. Matutupad.

———————————————————————

Pinagpapawisan na nang gabutil si Jesus. “Ama, kung kagustuhan Mo, alisin Mo ang sarong ito ng paghihirap mula sa Akin,” pakiusap Niya. “Ngunit matupad ang Iyong kalooban, hindi Akin.”

Labis na Siyang binabagabag ng mga susunod na mangyayari. Alam Niyang dito, sa Hardin ng Gethsemane, ang simula ng Kanyang paghihirap.

Matutupad.

Habang Siya ay papalapit na sa Kanyang mga natutulog na disipulo, sa likuran ng Kanyang mga mata, ay isang liwanag ng apoy ang Kanyang nakita.

“Ito na…,” naibulong Niya.

Bagaman madilim, kitang-kita ng Kanyang dalawang mata ang taong magkakanulo—nagkanulo—sa Kanya.

Sa mga huling sandali, naalala Niya ang Kanyang mga sinabi, “Ang henerasyong ito ay hindi lilipas, hangga’t hindi natutupad ang Kasulatan.”

Matutupad.

Partnership: What is It?

Sa Tagalog ito ay ang “pagiging katuwang.” Katuwang—katulong, kasama, alalay, suporta, kabalikat—mga kahawig na salita nito na kung uunawain ay mga iba’t ibang ginagampanan ng isang katuwang. Ang katulong ay katuwang upang magpuno ng kakulangan sa kakayahan ng iisa. Ang kasama ay katuwang upang magdagdag ng tapang sa nag-iisa. Ang alalay ay katuwang na nagpapakita ng malasakit, habang ang suporta ay gawain ng katuwang sa pagpuno ng pangangailangang materyal. At huli, ang kabalikat ay katuwang na nagbabawas ng bigat na binubuhat ng nag-iisa.

Talagang angkop-na-angkop ito sa katotohanang sinasabi sa Ecclesiastes 4:9— “Two are better than one.” Nangangahulugan na ang bawat isa ay nangangailangan ng katuwang. Ang pagtutuwang ay isang pribilehiyo na ibinigay sa atin; hindi sa kahit kanino, o kahit sa mga anghel kundi sa ating mga anak ng Diyos na tumanggap sa Panginoong Hesu-Kristo. Tinupad at tinapos ng Panginoon ang paraan ng pagliligtas at tayo ang katuwang upang maiparating sa buong sangkatauhan ang pagkakataong tanggapin at maranasan ang kaligtasan na ito. Napakalaking pribilehiyo at napakabigat na tungkulin ang iniatang sa ating balikat ng Panginoon. Pribelihiyo sapagkat sa dahilang ang makapangyarihang Diyos ang nagtalaga sa atin upang maging katuwang; tungkulin sapagkat ang nakasalalay ay kaluluwa ng tao sa pagpunta sa Langit o Impyerno magpakailanman.

Kung ating paglilimi-limiin na anumang pagtatalaga ng ating sarili upang maging katuwang ay napakalaking desisyon na buong buhay nating paninindigan sa harap ng tao at higit sa lahat sa harap ng Diyos. Ang desisyon nating kilalaning Panginoon si Hesu-Kristo, ang desisyong tanggapin ang ating katuwang sa pag-aasawa sa pamamagitan ng kasal, ang dugtong na hindi makakalas ng magulang sa anak at kapatid sa kapatid kapwa sa ispiritwal at pisikal na aspeto.

Ang magkatuwang ay may dinaraanang pagsubok, pagbabata at paghihirap ngunit hindi sa mga ito natatapos ang pagiging magkatuwang. Kaya’t dito ko naunawaan ang kadahilanan ng Diyos nang ako’y angkinin at tanggapin Niyang anak na pinangakuang “Kailanman ay hindi kita iiwan ni pababayaan man.” sa humigit-kumulang 30 taon napatunayan kong tapat at totoo ang pangako Niya. Sa biyaya at kahabagan Niya ay ipagpapatuloy at tatapusin ko ang itinalaga sa akin ng Ama upang maging katuwang. Patuloy na idadalanging magbigay ang Diyos ng marami pang katuwang, at patuloy na maging katuwang ang mga kapatid na nagtalaga na ng kanilang sarili upang maging katuwang habang nabubuhay hanggang sa pagbabalik ng Panginoon, Amen!

Baptist or “Baptwist”?

I Peter 1:18-19— “…But with the precious blood of Christ…”

Napakahalaga ng ating kaligtasan dahil napakahalaga ng dugo ni Kristong ipinangtubos sa atin. Pero kung kumilos ang ibang “Baptist” ay parang walang kwenta ang kaligtasang ito. Dahil kung pinapahalagahan nila ang kaligtasan sila ay magiging mapagmahal sa nagligtas sa kanila, si Jesu-Kristo. Kung mahal naman nila ang Panginoon pahahalagahan at susundin nila ang Kanyang mga utos. Isa sa mga mahahalagang utos ng Panginoon ay, “Huwag pababayaan ang sama-sama nating pagtitipon” (Hebreo 10:25a). Tinuruan mo naman sila. Sinusundo pa nga. Pinagtitiyagaang paalalahanan. Binabasahan pa ng Biblia. Pero para kang nagbuhos ng tubig sa likod ng pato o sa dahon ng gabi—wala ring epekto. Sa mga matatagal nang mga “Baptist” iniwan na nila ang una nilang pag-ibig kung meron man, o kaya baka talagang hindi nakakilala sa Panginoon. Sa mga bagong “Baptist” baka talagang hindi pa sila ligtas. Baka talagang hindi nakakilala sa Panginoon. Paano nga namang makikipagtipon sa buhay ang patay? Baka talagang hindi pa nakakita. Paano nga namang hahangaan ng bulag ang “Liryo sa Parang” at ang “Maningning na Tala sa Umaga”?

Kaya ano’ng gagawin natin para sa mga unsaved na “Baptist”? Turuan uli ng ebanghelyo at babalaan na may totoong Impyerno.

Meditation on the Hymn “O, Zion Haste”

Ang awit na ito ay nagpatuloy hanggang sa ating panahon. Ito ay sinulat ni Mary A. Thomson (1834-1923), at nilagyan ng musika ni James Welch (1837-1901). Ang “O Zion, Haste” ay isa sa mga pinakakilalang awit patungkol sa missions. Kitang-kita sa puso ng mga Cristianong musikerong ito ang pag-ibig sa Dakilang Utos ng ating Panginoong Jesu-Kristo—ang ipakalat sa buong mundo ang walang hanggang ebanghelyo. Ang salitang Zion sa kanta ay tayong mga Cristiano. Sinasabi ng awit na tayo’y magmadali, sikaping abutin ang mundo dahil hindi gusto ng Diyos na ni isang kaluluwa ay mapahamak sa lawa ng apoy. Sa pangalawang stanza ay malungkot na sinasabi sa atin na maraming kaluluwa ang nananatili sa kapalaran sa Impyerno, at wala— “none”— ang nagsasabi sa kanila tungkol sa pagkamatay ni Jesus sa Krus para tayo’y maligtas.

Sinasabi din ng awit na ito ang ating responsibilidad na sabihin ang Mabuting Balita—ipaalam sa kanila na mayroong Diyos na ginawa ang lahat para iligtas ang kanyang ligaw na nilikha.

Sinasabi rin sa huling stanza na bawat isa sa atin ay dapat na mag-witness, ibigay ang ating salapi para makatulong sa iba para mapadali ang kanilang paggawa. Kailangan din nating ipanalangin sila na taos-puso. Madalas tayong mga Cristiano ay nakakalimutan nang gawin ito. Masaya na tayong ligtas at hindi natin maisip ang mga kaluluwa na nasa ating paligid; ang mga misyonero na nagpapasakit para madala sa Panginoon ang mga dayuhang wala silang kinalaman—kahit man lang sa panalangin ay nakakalimutan natin sila! Ito ang pinakamalaking pagsuway na ating magagawa sa ating buhay Cristiano.

Nawa ang awit na ito ay hindi lang natin inaawit sa congregation—nawa ay tinutupad natin at nakikita nawa ito sa ating buhay. We must “publish glad tidings”—para tulad natin, maranasan din ng iba ang kaligayahang dulot ng kaligtasan; “tidings of peace”— ang kapayapaang dulot nito; “tidings of Jesus”—ang pinakadakilang balita ni Jesus— “redemption”—katubusan; “release”—kalayaan. Ikaw lang ba ang dapat makaranas nito? “O Zion Haste!”

Sing It! “O, Zion Haste”

O Zion, haste, thy mission high fulfilling,
to tell to all the world that God is light,
that he who made all nations is not willing
one soul should perish, lost in shades of night.

Refrain:
Publish glad tidings, tidings of peace;
tidings of Jesus, redemption and release.

Behold how many thousands still are lying
bound in the darksome prisonhouse of sin,
with none to tell them of the Savior’s dying,
or of the life he died for them to win.
(Refrain)

Proclaim to every people, tongue, and nation
that God, in whom they live and move, is love;
tell how he stooped to save his lost creation,
and died on earth that we might live above.
(Refrain)

Give of thine own to bear the message glorious;
give of thy wealth to speed them on their way;
pour out thy soul for them in prayer victorious;
O Zion, haste to bring the brighter day.
(Refrain)

CHURCH Facts

  • 3,500 bagong churches ang nagbubukas bawat linggo sa buong mundo.
  • 28,000 ang nagiging Cristiano araw-araw sa China. Noong 1950s may 1 million na Cristiano sa bansa ngunit ngayon ay umaabot na sa 60 to 70 million.
  • 20,000 ang nagiging Cristiano araw-araw sa Africa.
  • 70,000 ang nagiging Cristiano araw-araw sa buong mundo.
  • Ratio ng Non-Christian to evangelical Christians: 7 to 1 (kumpara noong ad 100 na 360 to 1)

Mula sa Frontiers magazine (published/reprinted by Tyndale House Publishers, Inc.

GREAT QUOTABLES

Ang Sampung Utos ay hindi pinasimulan ng mga salitang “Kung ikaw ay nasa mood.”        —Laura Schlessinger

Ang totoong dakilang tao ay siyang nagbibigay ng pangalawang pagkakataon.—Paul Duffy

 

Mamuhay sa paraang gusto mo ring mamuhay ang iyong mga anak.—Michael Levine

 

Pag ang alak nasa loob, ang talino’y nasa labas.—English proverb

Ang pinakapatunay ng pag-ibig ay pagtitiwala.—Joyce Brothers

 

Sa karamihan ng tagapayo ay mayroong kaligtasan.—Proverbs 11:14

 

Ang mga kasalanang ginawa mo ng dalawa-dalawa, kailangan mong pagbayaran nang isa-isa.—Rudyard Kipling

 

LAUGH! Lighten Up

Ang mga sumusunod ay hatid sa inyo ng Reader’s Digest American Edition April 2000 magazine:

Bilang isang 4th year teacher, sinisigurado kong marunong gumamit ng dictionary ang aking mga estudyante. Habang binabasa ang isang kwento ng malakas, nagtanong ang isang estudyante, “Ma’am Carson, ano’ng ibig-sabihin ng salitang ito?”

“Tingnan mo sa dictionary,” aking sinabi. Tumingin siya sa kanyang katabi ang nagsabi, “hindi niya alam, eh.” —Rosann Carson

Habang papalabas ng grocery store, napansin kong may isang lalaking nakatingin sa aking mga anak na ampon. Madalas na napapansin ang dalawa, dahil ang anak kong lalaki ay isang blond Russian, samantalang ang babae kong anak ay maitim ang balat galing sa Haiti. Patuloy na nakatitig ang lalaki hanggang sa makarating kami sa aming kotse. Sa huli ay nagtanong ito, “Mga anak mo?”

“Oo naman,” buong-pagmamalaki kong sabi.

“Inampon mo?”

“Oo,” sagot ko.

“Sabi na, eh,” sabi niya. “Naisip kong napakatanda mo na para magkaanak ng ganyang kababata.” —Cynthia S. Meyer

Ako at ang asawa ko, kasal ang labintatlong taon, ay nakadamit para sa isang okasyon. Laki ng pagbabagong ginawa ko sa buhok ko sa parlor, at sa paglabas ko doon ay nagtagpo kami sa hallway at wala man lang siyang sinabi. Nagreklamo ako na hindi man lang niya napansin ang buhok ko. “Dati kahit maliit na bagay napapansin mo at ngayon hindi mo man lang napansin `to! Aba, binabale-wala mo na ako!”

Nakatayo lang ang asawa ko habang hinihimas ang kanyang mukha at hinahayaan akong magwala. Natigilan ako—napagtanto ko: inahit na pala niya ang balbas niyang anim-na-buwan na. —Melony Anderson

Nakakainis din minsan tumingin sa mga labels ng produkto. Kasi parang walang alam ang costumer. Tingnan niyo na lang:

Sa isang camera: “This camera only works when there is fim inside.”

Sa isang pakete ng mani sa airlines: “Open packet and eat contents.”

Sa isang chain saw: “Do not attempt to stop chain with your hands.”

Sa salamin ng isang bike: “Remember—objects in the mirror are actually behind you.”

Sa bote ng isang flavored milk drink: “After opening, keep upright.”

Sa kandado ng steering-wheel: “Warning—remove lock before driving.”

—Richard Lederer, American Enterprise

 

Para sa kanilang 1st anniversary, ibinili ng lalaki ang kanyang asawa ng isang cell phone. Excited siya habang nakikinig sa paliwanag ng lalaki tungkol sa features nito. Nang sumunod na araw nang siya’y nagsa-shopping ay tumunog ang kanyang phone.

“Hi, honey,” sabi ng lalaki. “Kamusta na ang iyong bagong cell phone/’

“Gusto ko siya!” bulalas ng babae. “Napaka-cute at napakaliit—at malinaw-na-malinaw ang boses mo. Pero may hindi lang ako maintindihan.”

“Ano yon?”

“Paano mo nalamang nadito ako sa Walter Mart?” —Orville Hinz

Pagkatapos ng ilang taon naming kasal, nagdesisyon ang aking asawa na hiwalay kami ng tutulugan tuwing Lunes hanggang Biyernes dahil hindi siya makatulog sa hilik ko. Nang magsimula akong matulog sa kabilang kwarto, isang gabi pumunta siya roon at ginising ako. “Okay ka lang ba?” tanong niya.

“Oo naman. Bakit?”

“Hindi kasi kita naririnig humilik,” sagot niya. “Kala ko kung ano nang nangyari sa iyo.” —Paul Parvin

Intense Discipline vs. Training

Hindi matutumbasan ng matinding disiplina ang kawalan ng pagsasanay.

Ang tamang pagsasanay ay gumagana o ume-epekto sa bawat bata. Ang pagpapabaya sa pagsasanay ay paggawa ng mga miserableng pangyayari para sa sarili mo at sa iyong anak. Dahil na rin sa di-pagkakaalam marami sa atin ang binabale-wala ang pagsasanay at umasa na lamang sa disiplina na magbunga o magdala ng tamang pag-uugali mula sa ating anak.

“TENN-HUTT!!”

Kapag ang kabataang mga lalake ay sumapi sa military, sila ay tinuturuan unang-una nang pagtayo at manatili sa posisyong ito. Ang mahabang oras ng pagsasanay nila sa “field”  na wala namang ibang ginawa kundi ang sumunod sa utos ng commanding officer nila na pagtayo nang matagal, pagpihit, pihit ulit, lakad, martsa paikut-ikot ay simple lang ang nais ituro sa kanila—ang pagpapasakop ng kanilang kagustuhan. Ang “ATTENTION!” ay pino-pronounce nang “TENN-HUTT!!”—sa Tagalog, ang “Handa, harap!” ay “Dahh-Rapp!!” Ito ay hudyat ng pag-uumpisa ng mga kautusan. Isipin mo na lang kung ano’ng ginhawa ang dulot kung sa isang utos ay makukuha mo ang totoo, tahimik, at buong atensyon ng mga anak mo. Ang isang sarhento ay maaaring tawagin ang atensyon ng kanyang mga sundalo at pagkatapos ay walang pagpapaliwanag na di iintindihin ang mga ito, at mananatili lamang ang mga iyon sa ganoong posisyon hanggang sa himatayin ang mga ito. Ang mga utos na “Kaliwa-harap, kanan-harap, Balangayyyy—Tigil”  ay walang halaga sa isang digmaan bukod sa pagkukundisyon nito sa mga sundalo na sumunod agad nang walang pagtatanong.

Katulad nang sa militar, lahat ng kautusan sa tahanan ay nagsisimula sa pagtawag ng atensiyon. 3/4 ng lahat ng problema sa pagdidisiplina sa tahanan ay masusolusyunan kaagad kung sa lahat ng oras ay makukuha mo ang tahimik at hindi natitinag na atensyon ng iyong anak. Kung ang “Pabalik-na” ay isasalin sa salitang pantahanan ay mangangahulugan ito ng “Lumabas ka ng kwarto,” o kaya’y “Matulog ka na.” Walang tanong na tatalikod ang mga ito at susunod. Ito ay normal para sa pamilyang matiyagang sinanay.

“WHOA, HORSE!”

Maselan ang pagsasanay sa isang kabayo upang sumunod ito sa may-ari. Hindi maaaring iasa sa paglatigo dito ang pagsunod nito. Isang pagkakamali at siguradong disgrasya.

Ang kabayo ay unang sinasanay na manatiling nakatayo at ipaalam dito na siya ay pag-aari na ng taong iyon. Hindi niya dapat katakutan ang bridle o harness. Pag inutusan siyang huminto sa kalsada upang hintayin na mawalan ng sasakyan, hindi dapat sundin ng kabayo ang kagustuhan niyang maglakad sa harap ng 80,000 pounds ng nagmamadaling truck.

Dapat ihanda ang kabayo at sanayin sa lahat ng maaaring makaharap niyang sitwasyon. Ito ay nagagawa sa isang kontroladong paligid kung saan may mga ginawa o sinadyang sitwasyon upang subukan at i-kondisyon ang mga reaksyon ng kabayo. Ang kabayo ay unang kinokondisyon sa pagpapalakad dito sa lugar na sanayan (nakabakod na lugar) sa paghawak sa bridle at paggabay sa kabayo, sasabihin ang “Whoa!” at huminto. Pagkatapos ng ilang ulit, ang kabayo ay hihinto sa utos na ito.

Ang tagasanay ay dapat may iisang ginagamit na tono ng boses sa pag-utos sa kabayo upang pasunurin ito. Kapag sumigaw  ka ng “Whoa!” ang kabayong ito ay hindi hihinto sa hinaharap kung hindi mo isisigaw ang utos. May isang magsasaka na sinanay ang mga kabayo niya sa pasigaw na pagpapasunod. Karamihan sa mga kalapit na bahay na sinanay ang mga kabayo nila sa mahinahon na pagpapasunod, ay nahihirapang pasunurin ang kabayo ng tagasanay na ito dahil hindi sila sanay na magtaas ng boses  para magpasunod.

[Sanayin ang iyong anak na sumunod sa mahinahon mong tono, at pagdating ng araw ay hindi mo na kailangan pang sumigaw at mawalan ng boses para sumunod ang anak mo sa iyo.]