Parenting: Touch Situations

Naging biktima ka na ba ng maliit at mapanakit na mga kamay?

Ang napakabatang anak, na hindi pa naglalakad, ay determinadong makuha ang anumang bagay na mapag-interesan niya. Walang masama dito ngunit minsan ay nakaka-irita ito.

Kapag hawak mo ang bata at pilit niyang kinukuha ang salamin mo sa mata, hindi mo maipaliwanag sa kanya ang nakakahiyang ginagawa niya sa isang pampublikong lugar. Ang maliit na taong ito ay hindi pa natatakot sa awayan at mapahiya sa ibang tao. Ang ginagawa mo ba ay hinahawakan siya nang mahigpit nang pasimple upang hindi niya maabot ang iyong mukha? Mas mabuti pa ay sanayin mo siyang huwag humawak. Kapag nasanay mo ang iyong anak na tumalima sa utos na “Huwag” ay magkakaroon ka na ngayon nang kontrol sa iba pang bagay na ipagbabawal mo sa iyong anak.

MAGHANDA NA SA PAGSASANAY!

Hawakan mo siya kung saan madali niyang maabot ang iyong salamin. Tingnan mo siya nang diretso sa kanyang mga mata. Aabutin niya ito. Huwag kang umatras. Huwag mong depensahan ang sarili mo.

Mahinahon mong sabihing “Huwag” Hangga’t maaari ay ibaba mo lang ang iyong boses, huwag mo itong itaas. Huwag mo itong gawing mukhang mas seryoso kaysa unang pagsaway mo. Tandaan, sinasanay mo siya sa uri ng pag-uutos na gagamitin mo sa buong panahon ng kabataan niya. Kapag hinahawakan niya ulit ang salamin mo, sabihin mo uli, “Huwag” at samahan na rin ito ng tapik sa kamay (sapat na sakit upang maramdaman lang niya).

Madalas ay hindi nila ito napapansin, ang naiisip nila ang salamin o ang “Huwag” ang nagdulot sa kanila ng sakit na iyon. Sa teorya niyang ito susubukan ulit kunin ang salamin. At tama nga siya, ang salamin ang nagdulot sa kanya ng sakit; at ang sakit ay laging may kasamang mahinang “Huwag.”

Maaaring abutin ito ng isa o dalawang subok bago niya isuko ang pagiging “glass snatcher,” ngunit darating din sa puntong susuko siya.

Missions: Indonesia

indonesia

Kung gusto mong lakbayin ang buong bansa ay kailangan mo ng barko hindi ng kotse. Ang Indonesia ay isa sa mga pinakamahirap ma-envangelize na bansa, hindi dahil walang kalayaan ng relihiyon dito, kundi dahil kung gusto mong maikalat ang ebanghelyo rito ay kailangan mong isa-isahin ang tatlo hanggang labintatlung libo at anim na daan nitong mga isla. At iba’t iba ang kultura ng bawat isa—ibang-iba ang isang isla sa isa pang isla. Ang pagiging magkakaiba siguro ng kanilang kultura ang naging dahilan para sila ang gawing pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo dahil sa bagal ng daloy ng papeles. Pero gaano man kalaki ang pagkakaiba-iba nila, iisa lang ang kailangan—ang makilala nila ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon.

POPULATION: 250 million approximately

Ang Indonesia ang pang-apat sa may pinakamaraming tao sa buong mundo, ngunit ang populasyon nito ay natipon sa isla nitong Java na may densidad na 900 katao bawat kilometro kwadrado, kumpara sa isla nitong Irian Jaya na 10 katao lamang bawat kilometro kwadrado.

LITERACY: 78%, at tumataas pa.

Opisyal na Lingwahe: Indonesian. Kung may pagkakaisa man ang bansa, ito ay sa ginagamit nilang lingwahe. Bumababa na ang kahalagahan ng 706 pa nilang dialekto. Mga Lingwaheng may Bible 16Bibles, 21New Testaments, 56portions.

CAPITAL: Jakarta Urbanization 31%

Ang bansa ang may pinakamaraming Muslim sa buong mundo. At 50% ng populasyong ito ng bansa ay concentrated sa Jakarta, dahilan para sumikip doon at bumagal ang pag-unlad nito. At dahil isla-isla ang bansa, may kahirapan din sa komunikasyon, since ang telepono doon mayroon lamang sa 1 sa 172 na Indones.

RELIGION: Muslim ang majority bagaman may kalayaan sa relihiyon. Ang kalakihang ito ng mga Muslim ay dahilan para limitahan ang kapangyarihan ng mga Cristiano na maikalat ang ebanghelyo.

Muslim 87% (official). Hindi talaga ito masasabing totally Muslim, dahil ang ilan habang sinasabing sila’y mga muslim, ay kasali pala sa isang mistikal na relihiyon.

Animist 1%. Hindi ito opisyal na kinikilala ng gobyerno bagaman malaki ang impluwensiya nito sa kultura at gawi ng mga mamamayan nito.

Hindu 1.9%.

Buddhist/Chinese religions 1%.

Christendom 12.5%

Protestant 9.3%. Growth 4.6%

Evangelicals 4.4% of pop

Roman Catholic 3.1%

Marginal 0.11%

 

  1. Purihin ang Diyos sa mabilis na paglago ng Church sa Indonesia!
  2. Ipanalangin ang mga spiritual conflicts dito, lalo na sa Java, kung saan naroon ang karamihang mamamayan.
  3. Lumaki ang mga hamon sa Church simula noong dekada 80. Ipanalangin na manindigan ang mga Cristiano sa oras ng matinding impluwensiya ng Muslim sa bansa.
  4. Ipanalangin ang pagdami ng mga trained leaders at workers for young believers.
  5. Nakaka-encourage ang vision ng Indonesia para sa missions. Ipanalangin ang kanilang mga mission projects.
  6. Ipanalangin ang patuloy na pagtaas ng mga kabataang naliligtas sa Indonesia.
  7. Ipanalangin na lumago ang mga Cristianong Indones sa mga universities. 30% ang estimated number ng mga Cristiano roon.
  8. Ipanalangin din ang missions na ipinapadala mula roon.

Sa pamamagitan ng panalangin at suporta sa mga misyonero roon, magagawa nating dalhin sa Panginoon ang largest archipelago at makamtan ang pinakamalaki nilang pangangailangan—ang kaligtasan.

Temperaments: Melancholy Blends

MelSan

Isa sa mga pinaka-gifted sa lahat ng mga temperaments ay si MelSan. Natural na para sa kanya ang maging magaling sa academics, karaniwan pa nga ay A’s at B’s ang nakukuha niya throughout school. Bagaman sa pangkalahatan ay isa siyang introvert, may sapat siyang Sanguine para bigyan ng sigla ang kanyang personalidad. Madalas ay napakagaling niya sa musika na nagiging napaka-emotionally involved niya sa pagpe-perform na kaya niyang i-sway ang audience sa pamamagitan ng kanyang charm. Nang sabihin ni Shakespeare, “All the world’s a stage,” siguro ay nasa isip niya ang mga MelSan (o ang kabaligtaran, SanMel), sapagkat ang melancholy side niya ay bigay sa pag-arte kahit sa punto na gumagaya sa iba, samantalang ang sanguine part niya ay kayang ma-touch ang audience.

Siya ay isang napaka-emosyonal na tao at karaniwang nasa ilalim ng black moods ng melancholy. Pero ang masayahing parte ng kanyang sanguine ay kadalasang itinataas ang kanyang ispiritu na makapagpapaikli ng kanyang depresyon. Pwede rin siyang maging malikhain at matuto na ipahayag ang sarili sa sining, musika, math, computers, at marami pang iba.

Siya ang pinakamadaldal sa lahat ng melancholies, kaya dapat siyang mag-ingat na huwag saktan ang ibang tao sa pamamagitan ng kanyang kritisismo at manghina ang loob ng iba sa pamamamagitan ng kanyang pagiging negatibo. Dapat siyang matuto na huwag lagi ibulalas ang mali ng kanyang asawa. Dapat siyang magsanay na mag-encourage kaysa mag-criticize.

Madalas ay may maayos na prayer life si MelSan at nasisiyahang makipag-usap sa Diyos. Karamihan sa mga dakilang propeta ay malamang na mga MelSan. Pero kagaya ng lahat ng melancholy, dapat ay masanay siyang magpasalamat sa buhay.

MelChlor

Ang maraming kakayahan ng melancholy ay napapagyaman ng bahaging choleric ng temperament na ito. Ito ay parang pagdadagdag ng malakas na kalooban at determinasyon sa pinakamalikhain sa lahat ng tao. Maraming posibilidad sa kanyang buhay, ngunit maaari rin siyang humarap sa mga matitinding problema. Siya ay obnoxious, at kaya niyang makipagdiskusyon sa ibang tao masabi niya lamang ang kanyang punto.

Emotionally, siya ay pwedeng maging parehong galit at matatakutin. At dahil siya ay kadalasang hindi makapagpatawad o kaya ay hindi na lang pansinin ang mga pang-iinsulto, pamamangkra, at di maayos na pagtrato, karaniwan ay iniipon niya ito sa loob ng mahabang panahon.

Bagaman ang kanyang talino ay magdadala sa kanila ng acceleration sa mga academic fields, idagdag pa na ang kanyang choleric side ay pwede siyang dalhin sa administrative o organizational role, ay dapat pa rin siyang maging aware sa sarili. Imbes na maging matigas sa mga tao ay dapat niyang maisip na mas mabuti ang encouragement.

MelPhleg

Isa sa mga pinakatahimik sa lahat ng temperaments si MelPhleg. (Si PhlegMel lang ang mas matahimik sa kanya.) Hindi siya katulad ng iba na sumasabog pag galit, ngunit karaniwan siya ay nabubuhay sa sobra-sobrang takot, pag-aalala, pagkabalisa, at pakiramdam na hindi siya sapat. Napaka-gifted ni MelPhleg, pero naipapakita niya lang ito sa simpleng paraan. Yon ang dahilan kung bakit nagiging estudyante siya buong buhay niya. Kadalasan ay ayaw niyang sumubok nang bago, lalo na kung labas na ito sa kanyang comfort zone. Iniisip pa lang ang pagbabago, pakiramdam niya ay nanganganib na siya. Dahil doon, kadalasan ay nananatili siyang single buong buhay.

Sila na yata ang pinaka-emosyonal sa lahat ng temperaments, kaya dapat matuto silang kontrolin ang kanilang emosyon. Kung hindi, matututo silang palakihin ang mahirap at paliitin ang mga resources. Hindi pa man nangyayari, madalas na niyang isipin na ang kanyang desisyon ay magdadala ng negatibong resulta. Dapat niyang isipin na sa bawat desisyong gagawin niya ay kasama niya ang Diyos.

Kagaya ng lahat ng mga Maria sa Bible, si MelPhleg ay may potensyal na maging lingkod; marami sa mga propeta at lingkod ng Diyos sa Biblia ay MelPhleg. Ngunit hindi nila maa-achieve ang kanilang potensyal kung hindi sa kapangyarihan ng Banal na Ispiritu. BD

_____________________________________

Kilalanin naman ang Phlegmatic Blends sa susunod na What in the World?            

Meditation on the Song “Praise the Lord, He Never Changes”

Totoo—“the only constant thing in this earth is change.” Bumibilis na ang mga araw—kung dati ay walang problema kung maglakad ka man papunta sa trabaho mo, ngayon hindi ka lang makapag-jeep ay late ka na agad. Ang bilis ng buhay ay pwede mong ihalintulad sa evolution ng sasakyan: kamelyo ay naging kabayo, na naging bisikleta, na naging motorcycle, na naging jeep, na naging bus, na naging kotse, na naging eroplano. Bawat araw ay pabilis-nang-pabilis—kung dati sapat na ang ama para magtrabaho, ngayon ay kailangang magtrabaho na rin ang ina. Pagbabago. At ngayon ay hindi na natin masabi kung ano’ng mangyayari bukas—kaya ang mga tao, kung anu-anung landas ang tinatahak—na wala namang pupuntahan, walang magandang kahihinatnan. Buti na lang at mayroon pa ring isang tamang landas.

Bihira na rin ngayon ang magkakaroon ng kaibigan at kakilala na makakapiling mo magpakailanman—para lamang silang abo sa hangin na darating at mawawala din. Kahapon ay kakatuwaan mo; pero bukas pag nalaman mo na ang tunay na katangian na hindi mo maintindihan kung bakit nagkaganoon, ay aalis na lang sila. Maging yung mga bagay na inaasahan natin ngayon  ay paunti na nang paunti araw-araw. Buti na lamang at kahit ganito, mawala man lahat—may natitira pa ring isa—ang Siyang magpapakita ng tamang landas sa atin.

Ang Panginoon! Hindi Siya nagbabago— “the same yesterday, today, and forever.” Amen! Purihin natin Siya. Mapalad tayo dahil bilang mga Cristiano ay lagi natin Siyang malalapitan. Lagi Niya tayong inaaliw sa bawat daan ng buhay, at hangga’t maaari, Siya ang pumapasan ng ating mga kabigatan.

Kahit kailan ay hindi Siya magbabago—kahit ano’ng mangyari—at hindi rin magbabago na Siya ang “katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kung ano Siya noon, ganoon pa rin Siya ngayon, at iyon pa rin Siya bukas at magpakailanman.

Iyon ang mensahe ng awitin ni Stormie Omartian—na sa kabila ng maraming pagbabago, nandiyan pa rin Siya—walang pagbabago—Siya pa rin ang buhay na Diyos, na Tagapagligtas ng sangkatauhan.

Ganoon din ang Kanyang Salita: mula noon hanggang ngayon hindi nagbabago at hanggang magpakailanman. Pakinggan lamang at sundin natin, hindi tayo magkakamali—ng landas na tatahakin.

Sing It: Praise the Lord, He Never Changes (Lyrics)

“Life is moving faster than it ever has before.

What tomorrow brings us isn’t certain anymore.

So many paths from which to choose,

don’t know which way to run,

‘cause every road leads nowhere,

Every road except for one.

“Praise the Lord, He never changes,

I come to Him, He’s always there.

He comforts me on every level

Takes the burdens that I bear.

“Praise the Lord, He never changes,

He’s never any other way.

And He’ll be the same

Tomorrow as He was and is to today.

“Friends and faces come and go like ashes in the wind.

Attitudes arise that I don’t fully understand.

The things that you can count upon

grow fewer every day,

But when their numbers gets to one,

That One will show the way.”

 

(Repeat Stanzas II, III)

 

Life Stories: Masaklap na Katuparan (Based on a True Story)

“Children, obey your parents in the Lord: for this is right. Honour thy father and  mother, which is the first commandment with promise, that it may be well with thee, and thou mayest live long on the earth” (Ephesians 6:1-3, KJV).

Hindi pwede, Lenny*.”

Humingi siya ng permiso sa ina at ama na pumunta sa resort pagkatapos ng prayer meeting sa church para i-celebrate ang 3rd anniversary nila ni Levi* bilang mag-boyfriend. Tapat naman siya sa magulang tungkol sa kanyang relationships, at isa pa, tapat din sa church si Levi. Kaya nagtataka siya kung bakit ayaw siyang payagan ngayon ng magulang. “Bakit Ma? Wala naman kaming gagawin ni Levi doon, eh.”

“Basta, Lenny,” sabi ng kanyang ina bago magsimula ang service. “Gabi na, baka ano pang mangyari sa iyo. Si Papa mo na rin may sabi, huwag ka nang mangulit.”

Magsasalita pa sana siya nang magsalita na ang song leader para sa pag-awit. Habang kumakanta ay nasabi niya sa sarili, Basta, pupunta ako doon. Nothing will happen to me.

Sa buong prayer meeting service ay hindi siya nakinig. Pasikreto siyang nakipag-text kay Levi. Um-absent ito para sa event na iyon. Kaya hindi niya dapat ito biguin.

Mag-e-eight fifteen ng gabi natapos ang service. Wala sa loob siyang nakipagkamay sa mga miyembro. Tapos ay pumuslit siya palabas ng auditorium para makaalis na agad at huwag nang makita ng magulang. Agad siyang pumara ng jeep na papunta sa resort na sinasabi ni Levi. Tumigil naman ito at siya ay sumakay.

‘Saan ka na?’  na-receive niyang text mula kay Levi habang bumabiyahe siya.

‘Papnta n jan nkasakay na aq sa jeep,’ reply niya rito.

Tiningnan niya ang phone niya. Mag-a-alas-nuwebe na wala pa rin siya sa destinasyon. Sabi ni Levi fifteen minutes lang daw ay makakarating na siya roon.  Eight-twenty pa siya nakaalis sa church. Bakit ganon?

‘Nasan k n?’ na-receive niyang text mula kay Levi.

‘Kinakbhan aq, parang iba na2ng dnadaanan namin.’

“Obey your parents in the Lord…”

“Hindi pwede, Lenny.”

Isa-isang bumabalik sa utak niya ang mga sinabi sa kanya—una ang Salita ng Diyos, pangalawa ang salita ng kanyang ina.

“Gabi na, baka ano pang mangyari sa iyo…”

Tumingin siya sa driver. Halatang mabilis ang patakbo nito sa dyip. “Driver, nasaan na po tayo?”

Hindi man lang lumingon ang lalaki.

Kinakabahan na siya. Mukhang alam na niya kung ano ang mangyayari. Hindi man lang siya makakatakbo dahil hindi naman niya alam kung saan siya pupunta.

“That thou mayest live long on the earth.”

At dahil sumuway siya sa kanyang mga magulang, isang masaklap na katuparan ng hula ng Biblia ang matutupad sa kanya—ang kanyang katapusan.

Charity Begins at Home

charity

by Mrs. Olivia Abanto

As we have therefore opportunity, let us do good unto all men, especially unto them who are of the household of faith.

—Galatians 6:10

Maraming mahahalagang kagawian ang halos hindi na makita kahit sa ating mga Kristianong pamilya. Isa sa mga ito ay ang kabaitan o gawang kabutihan sa loob ng tahanan. Tila mas madaling magpamalas ng kabaitan o kabutihan, kahinahunan o pagpitagan, katiyagaan o pagpapasensiya sa labas ng tahanan. Mas madali ring maging maingat sa pagbibitiw ng mga salita na maaaring makasakit sa damdamin ng iba. Mas magaan magbahagi ang isang kalaro ng kanyang pagkain o laruan sa kanyang kalarong kapit-bahay.

Dito nating higit na mauunawaan ang sinasabi ng Biblia na ang kalikasan ng tao ay laging salungat sa Espiritu ng Diyos, hindi nakakapagtataka kung bakit ang pangkaraniwang tao ay ganito at kahit na tayong mga Kristiano ay nagpapatuloy pa rin sa ating mga maling gawi sapagkat ang lumang pagkatao ay nasa atin pa rin. Ang kaibahan nga lamang ay mayroon na tayong maka-Diyos na kalikasan na may pagnanais lumaban at magtagumpay sa lumang kalikasan upang matupad ang kalooban ng ating Ama. Kung may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti para sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa ating mga kasambahayan ng pananampalataya. Kaya dito natin paiiralin ang kasabihang “Charity begins at home.”

Maingat nating pagbulay-bulayan ang katotohanang ito. Ako ba’y totoo sa aking pagka-Kristiano? Ako ba’y Kristiano sa harap ng ibang tao, kung kaya’t nagagawa kong maging mabait at mahinahon? Alam kong nanatili pa rin akong Kristiano kahit ang sarili kong kapatid sa pananampalataya o sa laman ang kaharap ko, sariling asawa, sariling magulang at sariling anak, kung kaya’t magagawa ko pa rin ang parehong katangian. Ito’y patuloy kong gagawin nang may higit na mabuting kalooban para sa aking mga kapatid sa pananampalataya.

Napansin kong higit na binigyan ng pahalaga ng Salita ng Diyos ang karelasyon sa pananampalataya dahil hindi nga laging ang buong pamilya ang kumikilala sa Panginoong Hesus. Ito ang naghihiwalay sa relasyong pampisikal sapagkat makikita o natatanto ang kahalagahan ng mga bagay at kahit ng relasyon ayon sa itinatagal nito. Ang pisikal na relasyon ay natatapos sa kamatayan, datapwa’t ang ispiritwal na relasyon ay walang hanggan. Nawa nga mga kapatid, anak at kaibigan sa pananampalataya higit nating ipakita at ipadama ang ating pagpapahalaga, kabutihan, kabaitan at kahinahunan sa isa’t isa. Sa gayon matutupad natin ang kalooban ng Diyos na “Charity Begins at Home.”

Subukan nating isaalang-alang ang mga katotohanang ito para sa ating mga kapatid.

1) Ako’y tinanggap ng Panginoon bilang isang anak sa kabila ng aking kapintasan.

2) Ako’y pinatawad sa lahat ng karumihan at kasalanan.

3) Ako’y patuloy na minamahal at inaaruga sa kabila ng aking pagsuway.

4) Sa kahabagan at biyaya Niya ako’y walang hanggang makakaranas ng pagkupkop sa piling Niya.

Ganito tayo kahalaga sa ating Panginoon, kaya pahalagahan din natin ang isa’t isa. BD

 

The Church Must Not Die

RIP CHURCH

by Pastor Felizardo Abanto

“Without God and the doers of the Word, our ministry here in Cavite will die.” We do not have a book in the Bible entitled “The Sermons of the Apostles.” What we have is “The Acts of the Apostles.” The history of the first Baptist Church is about what the Apostles did, particularly the ministries of Apostle Peter and Paul. Even Muslims recognize that without the Apostle Paul the gospel of Jesus Christ will not spread throughout the then known world. Without the doers of the Word in our church, I mean if our members here and abroad will not obey the Bible, then no one will go out soul winning, no one will give tithes and offerings, no one will give to missions, no one will preach and teach the Word. We may be physically present but will be as unprofitable and unproductive as the fig tree which was cursed by the Lord and died an untimely death. We do not want that to happen to us. We want to be like the Blessed Man of Proverbs chapter one. We want to be like Onesimus, who was before unprofitable but because of  Apostle Paul became profitable, to him and to the ministry. We want to be like the house of Stephanus who have “addicted themselves to the ministry.” We want to “adorn the doctrine of God our Savior” by our exemplary behavior. We want that whatever we do, whether we eat or drink, we do everything for the glory of our Lord and Savior Jesus Christ.

LAUGH! Lighten Up

Nang kami’y nagmamaneho sa Pennsylvania Dutch county, ang aking pitong-taong-gulang na apo na si Michael ay hindi maalis sa kanyang isip ang mga Amish doon. “Lolo, bakit mas gusto nila ng kabayo imbes na kotse?”

“Dahil hindi sila naniniwala sa automobiles,” paliwanag ng kanyang ina.

Tahimik si Michael nang sandaling panahon nang muling magtanong, “Hindi ba nila ito nakikita?” —Christian Reader 1996

Si Barbara, ang limang-taong-gulang kong anak, ay sumuway sa akin kaya pinagkulong ko siya sa kanyang kwarto. Pagkalipas ng ilang minuto, pumasok ako doon para kausapin siya tungkol sa kanyang ginawa.

Naluluha, nagtanong siya, “Bakit tayo gumagawa ng maling bagay, Mommy?”

“Well,” sagot ko, “may mga panahong sinasabihan tayo ni Satan na gumawa ng mali at nakikinig tayo sa kanya. Imbes ay sa Diyos dapat tayo makinig.”

Nang marinig niya iyon suminghot siya at nagsabi, “Ayaw naman kasi Niya magsalita nang malakas!” —CR 1996

 

Bible Facts: Prophecies Fulfilled

Karamihan sa mga propesiya ng Biblia ay napatunayan ng mga nakasulat na kasaysayan—at ang kahanga-hanga ay sinabi ang hulang ito sa panahong hindi kapani-paniwalang matutupad ito. Ito ang ilan:

  • Na ang templo ng Israel ay mawawasak (Daniel 9:26b), ay natupad noong 70 A.D. sa pamamagitan ni Emperor Titus ng Rome. Sinabi ang hulang ito sa panahong hindi pa naitatayo ang templo.
  • Na magkakaroon ng malawakang pagtalikod sa daigdig o apostasy (Luke 18:8), ay kasalukuyang natutupad sa ngayon. Hinulaan ito sa panahong hindi pinaniniwalaan ng karamihan si Jesus.
  • Na magiging mga witnesses ang mga tagasunod ni Kristo sa kadulu-duluhang bahagi ng daigdig (Acts1:8), ay kasalukuyang tinutupad ng ating missions movement. Hinulaan ito sa panahong nagsisimula pa lang ang Iglesiya.
  • Na babalik ang lahi ng Israel sa kanilang lupain pagkatapos maikalat sa buong mundo (Ezekiel 37), ay natupad simula noong 1881 hanggang sa kasalukuyan. Hinulaan ito sa panahong nasa captivity ang Israel sa Assyria at Babylon lamang.