Temperaments: Choleric Blends

ChlorSan

Kailanman na paghaluin mo ang isang extrovert temperament at isang superextrovert, magtatapos ka sa isang makapangyarihang personalidad. Si ChlorSan ang pinakamalakas na natural na pinuno sa lahat ng kombinasyon ng temperament at pangkaraniwan ay siya ang napipiling lider ng isang grupo o organisasyon. Puno siya ng opinyon at may kakayahan para pasang-ayunin ang sinuman sa sarili niyang palagay. Napakamakapangyarihan niya na kadalasan ay mahirap malaman kung siya ay nagsasalita ng sarili niyang opinyon o ng Dios.

Hindi lang siya powerful, determinado rin siyang magawa ang gusto niya. Hindi siya mapanalangin; mas gusto niyang gumawa kaysa mag-pray. Sa tingin niya ang dapat lang ipanalangin ay ang malalaking problema; sa tingin niya ay hindi na kailangang ilapit ang maliliit na bagay. Kailangan niyang maibaba, at karaniwan kailangan niya munang makaranas ng matitinding pighati at problema bago matutong umasa sa Dios.

Si ChlorSan ay mayroon talagang charm mula sa sanguine side niya, at karaniwan niya itong ginagamit para maikasal. Makakahanap siya ng isang tahimik, medyo walang-kibong phlegmatic; umaasa siya na kapag naging mag-asawa sila ay mapapalabas niya ang potensyal nito. Pero ang hindi niya alam, pumapasok siya sa isang “tulak-hilang relasyon,” kung saan sumasabog na siya emotionally at ang isa naman ay tumatakbo sa makapal na kabibe para protektahan ang sarili. Hindi ito magbibigay sa kanila ng saya.

Emotionally, kailangan ni ChlorSan na hanapin ang Dios para matalo niya ang kanyang galit na personalidad. Kailangan niyang humingi ng tawad sa mga nasasaktan niya at gawin ang gustong ipagawa ng Dios kaysa kanyang kagustuhan. Kailangan niyang maisip na hindi siya kailangan ng Dios—imbes, kailangan niya ang Dios.

Isa pang mabago kay ChlorSan, ay ang kawalan niya ng panahon sa pamilya dahil mas concentrated siya sa kanyang trabaho kaysa kung ano pa man.

Hindi sila magagamit nang buo hangga’t hindi siya lalakad sa Banal na Espiritu at hindi sa laman. Para sa kanyang pamilya, magiging isang masaya ang araw kung kailan matutunan niya na sa huli, ang kalooban ang Dios ang pinakamagandang gawin.

ChlorMel

Si ChlorMel ay isang napakasipag at may-kayang tao. Mayroon siyang bahagi sa kanyang personalidad na magagawa niyang magtagumpay sa anumang bagay na pinaplano niyang gawin. Pero karaniwan ang kanyang leadership ay nakakasagasa ng mga tao sa daan ng proseso papunta sa kanyang pagtatagumpay. Si ChlorMel ay isang napaka-insensitive na tao.

Madalas din silang nagiging sobrang busy sa trabaho na nakakalimutan na nilang bigyan ng pansin ang kanilang mga kaibigan, asawa, at pamilya, at babalawalain lang kapag nag-reklamo. Kagaya ng lahat ng temperaments, kailangan niyang dumipende sa Banal na Espiritu.

Kadalasang kinakakatakutan ni ChlorMel, minsan ay ginagalang, ngunit hindi laging nagugustuhan. Kaya karaniwan ang kanyang negative melancholy side ay napapaisip, “Walang may gusto sa akin” o kaya naman ay tinatanong niya kung bakit wala o kaunti lang ang kanyang kaibigan. Ang hindi naiisip ni ChlorMel ay dahil ito sa sobrang niyang kritikal at mapanghatol sa ibang tao kaya ayaw siyang makasama ng tao.

Kadalasan siyang nananalo sa mga argumento, ngunit sa huli, kapag nanalo siya, mawawalan siya ng kaibigan. Kailangan talaga ni ChlorMel na umasa sa Banal na Espiritu.

ChlorPhleg

Isa sa mga pinaka-organized na temperaments ay si ChlorPhleg. Gusto niyang maging maayos ang mga bagay-bagay dahil sa choleric side niya, at nagiging detalyado ito sa phlegmatic side niya. Walang bahay na mas malinis pa kaysa kay ChlorPhleg, idagdag pa ang isang dosenang mga proyektong sabay-sabay niyang ginagawa. Bagaman siya ay natural leader (dahil sa kanyang choleric dominance), ay may sapat siyang magiliw na phlegmatic temperament para maging parehong isang doer at people person.

Sa kasamaang palad, kadalasan ay hindi siya nagagamit sa iglesiya dahil pangkaraniwan ay wala siyang pakielam sa kalooban ng Dios o dahil ayaw niyang marinig ang sarkasmo mula sa kanya. Mas gusto niyang maging lider sa labas ng church kaysa loob.

Ang maganda kay ChlorPhleg, ang kanyang mga gawain ay may layunin at kahulugan at alam niya kung ano ang dapat gawin at ang pinakamabilis at pinakamaikling paraan para magawa ito. Kaya kapag naging committed siya kay Kristo at naipakilala sa Gawain ng Dios, mahirap na para sa kanya na pumunta sa anumang walang kaugnayan sa Christian service. At dahil sa parang boundless niyang energy, kung hindi siya makakita ng lugar na paglilingkuran, magsisimula siya ng kanya.

Meditation on the Song “Tell It to Jesus”

Napakahalagang manalangin—lahat ng nasa iyong puso at isip ay sinasabi mo sa Kanya—sa Dios. Ang personal na panalangin ang siyang pinaka-intimate na pakikipag-usap sa Dios, ngunit kung hindi natin maiisip ang kahalagahan nito ay magiging pahirap lang ito sa atin.

Ang Post-Christian Era ang pinaka-emosyonal na bahagi ng ating kasaysayan; dito hindi walang halaga ang masaktan sa pisikal na paraan (generally), ngunit mas matindi ang damdamin. Sa sobrang busy ng mundo ngayon, nakakapagod na rin at bumibigat na ang ating puso, iniisip kung bakit tayo kailangang magtrabaho ng ganoon ka-busy. Sa sobrang stress, nakakalimutan na natin ang mga taong nakapaligid sa atin—nagre-resulta para iwan nila tayo—sila na tanging nagbibigay ng saya sa ating buhay.

Minsan dumarating ang pagkakataon na naipon na ang lahat ng luha sa ating mga mata na bigla na lang aagos. Kung hindi ito dahil sa mga hinanakit na ating natatanggap mula sa ating kapwa, karaniwan ito ay dahil sa mga nagawa nating kasalanan na hindi nakikita ng tao, na patuloy na gumugulo sa ating isip.

Para makaiwas sa lungkot at pighati, karaniwang pumupunta ang mga tao sa mga bagay na sa tingin nila ay magbibigay sa kanila ng saya. Maraming nagiging busy na ihanda ang sarili—nagtatrabaho, nagnenegosyo—dahil sabi nila, “hindi natin alam ang bukas.”

Maraming pumupunta sa iba’t ibang relihiyon dahil natatakot silang pag sila’y namatay ay magiging pangit ang kanilang kapalaran. Patuloy na ring nababalita ang pagbabalik ni Kristo, na bumabagabag sa mga tao, kahit na Cristiano.

Sa lahat ng ito, isa lang ang tanging solusyon—sabihin ang mga ito kay Jesus. Tanging siya ang magbibigay ng sigla at lakas sa atin para magpatuloy; umaliw sa atin kapag iniwan tayo; patawarin tayo sa mga kasalanang ginawa natin; bigyan ng saya, katiyakan para sa kinabukasan, tapang para harapin ang kamatayan nang may kahandaan at Kanyang pagbabalik.

Kay dami pala ng kapakinabangan ng paglapit kay Jesus sa panalangin. Siguro ngayong alam mo na ay lagi ka nang manabik sa oras na mukhaan at personal mo Siyang mahaharap. Tiyak na isang masayang oras ang matatagpuan mo. Ano pa’ng hinihintay mo?

Tell It to Jesus (Lyrics)

by Edmund S. Lorenz

“Are you weary, are you heavy hearted?
Tell it to Jesus, tell it to Jesus.
Are you grieving over joys departed?
Tell it to Jesus alone.”

Refrain

“Tell it to Jesus, tell it to Jesus,
He is a Friend that’s well known.
You’ve no other such a friend or brother,
Tell it to Jesus alone.

“Do the tears flow down your cheeks unbidden?
Tell it to Jesus, tell it to Jesus.
Have you sins that to men’s eyes are hidden?
Tell it to Jesus alone.

“Do you fear the gathering clouds of sorrow?
Tell it to Jesus, tell it to Jesus.
Are you anxious what shall be tomorrow?
Tell it to Jesus alone.

“Are you troubled at the thought of dying?
Tell it to Jesus, tell it to Jesus.
For Christ’s coming kingdom are you sighing?
Tell it to Jesus alone.”

Pray Muna Ako, Ha?

pray muna ako

Alas-siyete na nang umaga nang magising mula sa higaan si Rayford.  Ito ang unang araw ng kanyang pasok. Unang-unang araw at late pa siya! Napaupo na lamang siya.

“Ray! Ano ka ba? Gising na!” narinig niyang sigaw ng ina mula sa labas ng kanyang kwarto.

“Opo, Ma, sandali lang,” sagot niya. Kailangan niya pang magbasa ng Bible—kailangan pa niyang mag-pray. Imbes na lumabas ng kwarto ay tinungo niya ang kanyang study table at kinuha ang kanyang manipis na Bible mula sa personal niyang book shelf. Hindi bale na, nasabi ng kanyang isip, First day pa lang naman, eh. Sinimulan na niyang basahin ang four-chapter Scripture reading sa Old Testament para sa araw na iyon.

“Anak, ano ba?” narinig na naman niyang sigaw ng ina.

“Ma, magbabasa muna ako ng Bible,” sagot niya. Alam niyang hindi siya maiintindihan nito dahil siya lang ang Cristiano sa pamilya. “First day pa lang naman po eh.”

“Bible-Bible!” simula ng kanyang ina. “Tapos mamaya magpe-pray ka naman? Hay naku, mag-pari ka na lang nga!” Narinig na lang nagmura ang ina at umalis mula sa kanyang pinto.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Bakit kaya hindi maintindihan ng kanyang magulang ang kanyang ginagawa?

May masama ba sa ginagawa niya? Masama bang unahin ang Dios kaysa sa ano pa mang bagay? Alam niyang ‘wala’ at ‘hindi’ ang sagot kaya nagpatuloy siya sa pagbabasa.

7:40 na nang matapos niyang basahin at pagbulay-bulayan ang Scripture. Ngayon ay magpe-pray naman siya.

“Rayford, hindi ka pa rin tapos?” narinig na naman niyang bulyaw ng ina.

“Ma, pray muna ako ha?” nasabi na lamang niya.

“Pray—ngayon ka pa lang nagpe-pray? Mauubusan ka ng almusal!!”

“Ma, pray muna ako ha?” sabi niya at binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto. “Please, Ma, hayaan niyo po muna ako. Gusto ko po munang makausap ang Dios bago ang ano pa man.” Naku! Nagsalita na naman siya nang matalinhaga! Maintindihan kaya ng Mommy niya?

“Ma, hayaan niyo na yan, mahal niya ang pagiging Baptist niya kaysa atin at sa pag-aaral niya,” rinig niyang sabi nang may pagkutya ng kanyang kuya Ramil. Gusto niya sanang mag-react pero pinili na lang niyang tumahimik—kaysa hindi pa siya makapag-pray.

“Sige na, Ma.”

“Bahala ka. Pag walang natira sa lamesa, wala na ako doon.” Umalis na ito sa kanyang harapan.

Dahan-dahan niyang sinara ang pinto. “Lord, kailan po kaya nila ako maiintindihan? Mahal ko po kayo, kaya gusto ko po kayong unahin bago ang ano pa man.” Maluha-luha na rin siya. Mabilis niyang pinahid ang nagbabantang luha mula sa kanyang mga mata. “By the way, Lord, salamat sa Inyo sa araw na ito. You gave me another day to live. Ngayon po ay haharapin ko po uli ang panibagong yugto ng buhay ko—ang pagsu-school. Maraming challenges, pero alam ko po nandiyan po kayo. Gabayan niyo po ako. Basta, kahit anong mangyari kayo ang uunahin ko—maging sa pagpe-pray.”

Who is the Real Me?

Who is me

by Mrs. Olivia Abanto

Maraming sinasabi ang ibang tao na mabuting katangian o kapintasan natin. Minsan nakakatuwa at minsan nakakasakit. Tinanong ko sa aking sarili, “Ako ba talaga ang sinasabi nila?” o kaya, “Hindi naman ako ganun.”

Tinanong ko na rin ang sarili ko, “Sino ba talaga ako?” Sa marami nang pag-aaral at pakikinig, dumating ako sa pagkaunawa na ang totoong ako pala ay kung ano ang pagkatao o ‘character’ ko. Ano ba ang ‘character’? Maraming pagsasakahulugan rito. Isa rito ay ang kung anong ginagawa ko sa panahon na wala ang mga kakilala ko sa lugar na kung nasaan ako. Ano ba ang ginagawa ko sa pagkakataong ito? Ito ang isang paraan upang makilala ko ang sarili ko. Mayroon ding pagpapatunay na ang tunay na ako ay kung ano ang unang reaksyon ko sa mga problema na dumadating nang biglaan. Kung papaano ako mag-react sa pagtuligsa sa aking pagkatao. Di ba pangkaraniwang sinasabi ng kausap mo bago siya magsabi nang negatibo, “Huwag kang mabibigla o magagalit.” Sa pamamagitan nito maihahanda natin ang magiging reactions natin pero pag biglaan, doon natin malalaman ang tunay na pagkatao natin.

Malalaman din kung sino ba talaga ako kung ano ang tingin ng tao pagdating ko, ito ay maaaring mali o tama. Ang siguradong ako ay ang sasabihin nila pag umalis na ako. Parang ganito: “Suplada naman pala ang babaeng iyan,” “Ay mabait naman pala” o vise versa.

Bakit ko piniling bigyan ng pansin ang paksa na ito? Upang tunay na makilala natin ang ating sarili. Mabuti o masama, maganda o pangit man ang kalabasan ng mga sagot kung sino ba tayo talaga ay parehong makakatulong sa atin. Pangit ba o masama ba ang pagkatao natin? May Dios tayong malalapitan upang tayo’y magsisi at magbago sa kapangyarihan Niya. Maganda ba o mabuti ang pagkatao natin? Hindi tayo dapat na maapektuhan sa mga maling paghusga sa atin ng tao dahil kilala natin ang sarili natin at ang Dios ang huhusga sa bawat isa.

Kilala mo na ba ang tunay na ikaw? Kilalanin mo—ngayon na, upang magawa mo na rin ang ukol na hakbang para dito—maging sino ka man.

My God is Alive!

by Pastor Felizardo D. Abanto

1 Chronicles 16:9a

It was May 20, when my fourth son, Micah, 16 years old, left our house. He wrote a letter telling us not to look for him. It will be a waste of time, he said, because he planned to be away for a long time. When I read his letter to our children they became sad and silent. Each of us might be thinking of blaming any of us but we chose not to talk a little about him. He graduated from high school last March and planning to enter Bible College this year. I did not do anything that week. We did not look for him. But that week I prayed differently. I believe God is alive. But I told God to show He’s alive by making my son return to me. I believe God is powerful. But I told God to show His power by protecting my son while he was away. I have seven children. I love them all equally. My wife and I told God we will not allow any one of them to be taken by the Devil. We will fight for them and do everything for them. That’s why I gave all of them to the Lord. My five sons will be pastors and my two daughters well be pastors’ wives. They will be serving the Lord full time all of their lives like us. But that Sunday I felt I couldn’t wait any longer. I would tell my other son to look for him starting Monday. That Monday as I went to our terrace Israel told me Micah was downstairs.  I went down and motioned Micah to follow me to the terrace. There I embraced him and we cried for a while. Yes! My God is alive! He made my son to return to me. He answered my prayer! God protected him from harm and wicked men. How about you my brethren? I think it’s TIME for us to prove our God. I believe God will “show Himself strong in the behalf of them whose heart is perfect toward Him.”

Praying Alone

Ang pananalangin ay pwede nating gawin sa apat na paraan: kasama ang Iglesiya, ang iyong pamilya, iyong partner, at iyong sarili. Nakapanalangin ka na ba kasama ang iyong sarili? Nananalangin sa isang tahimik na paligid, kung saan walang nakakakita at makakaistorbo sa iyo. Sa lahat ng klase ng panalangin, ito na yata ang pinakamaganda ngunit pinakapinababayaan nating mga Cristiano.

Maganda manalangin sa Panginoon kasama ang karamihan, ngunit kung sa personal nating buhay ay napapabayaan natin ang prayer—mahirap para sa ating lumago at mapalapit sa Kanya. Ang lahat ng mga taong naging malapit ang puso sa Dios ay yung personal na lumalapit sa Kanya sa panalangin—si Abraham, Moises, Samuel, David, Daniel, Nehemiah, Ezra—at lalong hindi matatawaran kung paano nagkaroon ng personal na panalangin si Jesus sa Kanyang Ama. Huwag nating pabayaan ang personal at private prayer.

MISSIONS – South Korea: The Country Open Arms to Christianity

South Korea

Ang Kristianismo sa Korea ay may maikli lamang na kasaysayan, ngunit pagkatapos ng mahirap na simulain ito ay nakita niyo ang paglago at tagumpay sa bansa. Pinahirapan ng mga relihiyong tradisyonal (Buddhism, Shamanism, at Confucianism) ang paglago ng Kristianismo sa bansa bagaman nagbago ito simula noong 1784 nang hamunin ito ng Roman Catholic Church, na siyang naunang Christian-professing denomination sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang prayer-house laban sa mga templo. Sumunod ang Protestantismo noong 1884, ngunit mabagal pa rin ang paglago hanggang noong 1950. Ngunit noong mga 1960s, dahil sa pagkilos ng Dios, ay dumami ang mga lumapit kay Kristo at tinalikuran ang mga tradisyunal na mga relihiyon.

Area 99,646 sq. km. 22% lamang ng bansa ay patag; lahat ay mabundok na.

Peoples Ang Korea ang isa sa mga bansang homogeneous ang lahi.

Korean 99.8%

Other 0.2%. US military at Chinese.

Literacy 92%. Official Language Korean.

Capital Seoul. Approximately 23 million population, with Buddhist and Christian majorities. Urbanization 47%.

Economy Isa sa mga mabilis na umunlad na bansa, nandito ang headquarters ng Samsung, LG Group, Huyndai, Kia motors, at Daewoo Corporation, pinagpala talaga ng Panginoon. Panglima ang bansa sa may pinakamaraming transnational companies sa buong mundo.

Religion Mayroong complete religious freedom. Open arms ang gobyerno sa Kristianismo, dahil ito ay nakikita nilang magandang hadlang para mapasok ng Komunistang ideolohiya.

Ayon sa statistics na isinagawa ng gobyerno ng bansa, ito ang percentages ng relihiyon sa bansa.

Non-religious 46.5%.

Buddhism 22.8%. Pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa bansa.

New Religions 0.6%. Kabilang dito ang Jeungism, Daesunism, Chendoism, Taoism, Confucianism, at Won Buddhism.

Christendom 29.3%. Pinakamarami sa lahat ng grupo ng relihiyon. Ang South Korea ang pangatlo sa may pinakamalaking bilang mga Asian Christianity, sumusunod sa ating bansa at sa East Timor.

Roman Catholic 10%.

Protestantism 18.3%. Bagaman marami din ang percentage ng mga Baptists dito (KBC, 800,000), ay pinakamarami sa bansa ang mga Pentecostals (na alam nating maraming maling doktrina)—ebidensya na ito ng 830,000 na miyembro ng Yoido Full Gospel Church lamang, na siyang pinakamalaking kongregasyon sa bansa. Isa pa ang mga Baptists sa bansa ay majorly Southern Baptists, na alam nating hindi lahat ng kautusan ng Biblia ay sinusunod.

Patuloy natin ipanalangin ang mga Baptist sa bansa na maging patotoo sa mga hindi pa nakakakila sa tunay na Dios at maging handa laban sa pagtalikod sa doktrina.

LAUGH! Lighten Up

All from the Reader’s Digest August 1994.

 

Mga ilang araw pagkatapos kong makipaglaro sa aking asawa ng golf sa unang pagkakataon, narinig ko siyang nakipag-usap sa kanyang kaibigan tungkol doon. “Sana makalaro ko rin ang asawa ko ng golf,” sabi ng kaibigan niya.

“Masaya kasama ang asawa ko doon,” sagot ng aking asawa. “Pero ang hirap talagang sabihing, ‘Nice, shot, honey’ nang 142 na beses nang seryoso.”                        —Barbara Oakes

Nang dalhin ang aking asawa sa ospital para magpa-hip surgery, sinabi sa kaniya ng anesthesiologist na pwede siyang pumili ng musikang papainlalang sa operation room. Hiniling niya ang classic rock. Habang nagsisimula ang operasyon, isang CD ni Eric Clampton ang tumunog. Ang unang kantang bumati sa kanyang asawa habang dinadala siya sa operating room ay “Knocking on Heaven’s Door.”

—Rodney Hammack

Tumawag ako sa aking kaibigan, pero ang naabutan ko lang ay ang kanyang answering machine. Sabi nito: “Hello, ito si alam-mo-na-kung-sino, at wala kami sa alam-mo-na-kung-saan, kaya sa alam-mo-na-kung-kailan mag-iwan ka ng alam-mo-na-kung-ano at tayo’y… alam mo na!”                                                                                              —Mike Gresham

Tumawag ako sa bahay mula sa university isang umaga at nagising ko ang nanay ko. Sa tingin ko hindi siya masaya na marinig ako nang ganoon kaaga, kaya sabi ko, “Hindi ba ang ganda na gumising po kayo sa tunog ng boses ko?”

“Mas maganda siguro,” sagot ni Mommy, “kung hindi ko muna narinig ang boses ng operator na nagtatanong kung tatanggapin ko ang bayad sa tawag mo.”

—Heather Reid

Great Quotables: Prayer

When we bend our knees to pray, God bends His ear to listen.

God stretches our patience to enlarge our soul.

 

Prayerful thinking leads to purposeful thanking.

 

Pray as a child talks to his father.

 

Begin the day with prayer; end it with praise.

 

It’s not the words we pray that matter, it’s the condition of the heart.

Though millions are bending God’s ear in prayer, He listens to each individually.

 

From Our Daily Bread.