How Can I Grow?

by Pastor Felizardo Abanto

And beside this, giving all diligence, add to your faith virtue; and to virtue knowledge; and to knowledge temperance; and to temperance patience; and to patience godliness; and to godliness brotherly kindness; and to brotherly kindness charity. For if these things be in you, and abound, they make you that ye shall neither be barren nor unfruitful in the knowledge of our Lord Jesus Christ.” —2 Peter 1:5-8

Are you a new believer? Or an old-time Christian? Every Christian needs to grow in his Christian life. To grow, you need to do these things:

1) Be a disciple and not merely a church-goer. A disciple follows Christ obediently every day.

2) Spend time reading the Bible each day, beginning with the New Testament. Meditate on what you have read, asking these three questions:

  1. A)What does this tell me about God? (That would be His personality, character, and attributes.)
  2. B)What is He commanding me to do? What does God want me to do in obedience to Him?
  3. C)What is God promising me? Which promises is the Lord inviting me to claim today?

3) Pray to God in a conversational way (the way you talk to a person). The prayer should be both spontaneous and sincere. Prayer has various aspects including worship, petition, confession, and intercession.

Start a daily discipline of reading the Bible, meditating on it, and praying. Even if it is for fifteen minutes at the beginning, this will be a good start for you.

Advertisements

What Sort of Friend Are You?

by Keith Piper

Proverbs 27:1-27

One of the greatest blessings that God offers us is the gift of His friendship, love and acceptance. “Henceforth I call you not servants…but I have called you friends…” John 15:5. If we are to be like Christ like, we should show this same friendship of Christ to others.

Question: Why are some people unsuccessful at winning people to Christ? Answer: One reason may be that they are not willing to be friends to those that they share Christ with. For any church to grow, quality friendships must be shown.

Consider these verses about friendship: Job 6:14; Psalm 41:9; Proverbs 17:17; 18:24; 19:6; 27:6, 10, 17; Matthew 11:19; 26:50; Proverbs 22:24; James 2:23; 4:4; 3 John 14.

What is a friend? A friend is a trusted confidante to whom I am mutually drawn as a companion and ally, whose love for me is not dependent on my performance, and whose influence draws me closer to God.

The three levels of friendship are: a) Casual friends or acquaintances. These are people that you know of. There is nothing wrong with being friends with the unsaved as long as you are on this level and nothing more. B) Close personal friends. C) Intimate best friends. Those few with whom we share our deepest feelings (maybe three or four people).

What are the eight characteristics of a good friend? A) Loyal (Proverbs 20:6). It means defending him (2 Timothy 4:16,17) and supporting him (Proverbs 17:17). B) Deep Sharing. It consists of listening (James 1:19) to: what is said, the message conveyed, its meaning, and the message behind the words; speaking (Proverbs 15:4; 25:11);  accepting (Eph. 1:6); and understanding (Prov. 2:6). C) Fun to be with. Do things together. D) Stimulating—meaning to encourage, help, ask, and propose new tasks (Hebrews 10:24,25). E) Encouraging. Share Scriptures, pray together and lift their loads—also keep them from sin. (Hebrews 3:13) F) Self-sacrificing (John 15:13; Philippians 2:4). G) Agape Love. Giving, expecting nothing in return. H) Spiritually Challenging. Friends drive us toward God, or away from God.

Note: TIME and EFFORT builds these qualities into a friendship.

How to Overcome Temptation

by Pastor Felizardo D. Abanto

There hath no temptation taken you but such as is common to man: but God is faithful, who will not suffer you to be tempted above that ye are able; but will with the temptation also make a way to escape, that ye may be able to bear it.—1 Corinthians 10:13

1) God knows us and He will never let us receive any temptation that is too great for us to resist.

2) God provides us with a way of escape from temptation.

3) Because Christ was tempted Himself and overcame it, He is there with us when we are tempted and is able to help us overcome it.

I encourage you, believers, to honestly acknowledge your weaknesses, and ask God’s help because He is our Only Source of help. Spend time doing things that will strengthen your spiritual life, like studying and reading the Bible, praying, helping in church. Realize how many things you can lose if you give in to temptation—your fellowship with God and other believers, your joy in the Christian life, and your inward and outward testimony.

Ligtas Ka Na Ba?

Ligtas ka na ba? Kung bihira ka lang siguro dumadalo sa simbahan, magiging kakaiba para sa iyo ang tanong na ito. O sige, padaliin natin. Kung sakali bang dumating sa iyo ang kamatayan sigurado ka na sa Langit ka pupunta?

Hindi ito napag-uusapan sa pang-araw-araw nating buhay, ngunit ang kahalagahan nito ay napakalaki—ito ang magdidikta ng susunod mong buhay.

So, hindi pa natitiyak? Sinasabi sa Bible na ikaw ay makasalanan (Romans 3:23), nakatakdang pumunta ng Impyerno para pagbayaran ito (Revelation 21:8). Sa kabutihang palad, namatay si Jesus para sa iyong kasalanan (Romans 5:8), at kapag nagsisi ka at tumanggap ka sa Kanya bilang Tagapagligtas at matitiyak mo na ang pagpunta sa Langit (Matthew 4:17; John 1:12).

Kailan mo ito gagawin? Mas mabuting ngayon na.

Ang Tunay na Pagpapasalamat: Ang Pasasalamat Hindi Lang Isang Araw

giving thanks

by Ellen Vaughn

Kailan lang ay nakarinig ako ng isang kwento tungkol sa dalawang batang lalaki na na-stranded sa dagat. Bigla pagkatulak nila palayo, ay nahuli sila ng malakas na agos. Dinala sila nito palayo at palayo mula sa mga pamilyar na mga boses ng mga tao sa beach.

Pagkatapos ng isang oras, mga ilang milya na sila mula sa pangpang na walang pagkain, tubig, maging mga pampatagal ng buhay, at komunikasyon. Mga ilang oras pa bago maisip ng mga tao na sila’y nawawala.

Noong una nilang gabi sa bukas na dagat, ang lamig ng hangin ay bumaba sa below freezing degree. Doon sa bangka ay nakahiga silang ginaw-na-ginaw at takot-na-takot. Ang isang araw ay naging linggo na, at ang pag-asa nilang mabuhay ay halos mawala na. Lumipas ang mga araw na kanilang pinag-uusapan ang kanilang mga pinakamagagandang alaala, mga matatalik na kaibigan, at paboritong pagkain: banana split at Mountain Dew. Nanigas ang kanilang mga dila sa uhaw, at nanuyo ang kanilang mga bibig. Sa ika-anim na araw, umukit sila ng mensahe ng pamamaalam sa mga minamahal sa bangka at hinintay ang kamatayan.

Ngunit noong sumunod na umaga, sila’y gumising nang may bahag-hari. Habang sila’y lumulutang-lutang, isang agos ng tubig ay tumaas, dahilan upang makakita sila ng isang sasakyang malapit sa kanila. May dalawang mangingisda roon—isang balabas-saradong kapitan at kasama nito: “mga anghel,” na tinawag di naglaon ng mga bata sa mga ito. Tinulungan sila ng mga lalaki mula sa kanilang bangka, binigyan sila ng tubig, at ibinalik silang ligtas.

Ngayong Thanksgiving, hindi ko maialis sa isip ko ang kwento ng dalawang batang ito. Ang mga handa sa aating lamesa ay mga simbolo ng mga pagpapalang dakila ng Diyos sa buong taon. Mayroon kami ng lahat ng aming kailangan, at higit pa. At kontra sa mga desperadong mga batang ito na-stranded sa dagat, kami ay mainit at ligtas. At oo, kami’y mapagpasalamat.

Ngunit isipin niyo na lamang kung ano magiging ang Thanksgiving namin kung nadala kaming palutang-lutang sa karagatan—malamang papangarapin din naming maligtas at matutuwa kung ganoon nga ang mangyari. Ang aming pasasalamat ay aapaw, umaapaw na kami’y napapaluha na, natatawa, may lubos na ginhawa, at ligaya. Sila na nailigtas mula sa gutom ay mapagpasalamat sa pagkain sa paraan na ang laging kumakain ay hindi.

At halata din naman ito sa ating ispiritwal na bahagi. Sila na talagang nakita ang kalakihan ng kanilang kanilang kaligtasan ay umaapaw sa pasasalamat sa biyaya ng Diyos. Kinakain nila ang Salita ng Diyos at hindi sila mabusug-busog rito. Gusto nilang sabihin sa lahat ng tao kung gaano sila naging ligaw noon at natagpuan ni Jesus. Sobrang ligaya nila. Hindi nila matapos-tapos na isipin kung gaano sila kamahal ng Diyos at niligtas sila mula sa ispiritwal na kamatayan, at gusto nila na maligtas rin ang kanilang mga kaibigan.

Pero ano namang balita sa atin na nasa ligtas na kalsada ng pananampalataya sa ngayon? Kaya ba nating umupo sa mesa ng Pasasalamat at maging ganito ka-wild sa pagpapasalamat?

Oo. Ngunit para magawa ito, kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang pagbibigay-pasalamat.

 

Ang Layon ng Ating

Pasasalamat

May dalawang uri ng pasasalamat: ang isa ay pumapangalawa, ang isa ang pinakapangunahin. Ang pumapangalawang uri ay pasasalamat para sa mga pagpapalang natanggap—ang mga unang bagay na pumapasok sa harap ng mesa ng Pasasalamat: buhay, kalusugan, tahanan, pamilya, kalayaan, mga kaibigan, pagkain. Ito ay isa nang pag-iisip ng pagpapahalaga sa lahat ng mga mabubuting kaloob, malaki man o maliit.

Tinawag ito ng 19th century na mangangaral na si Jonathan Edwards na “natural na pasasalamat.” Maganda ito—ngunit mahirap itong dumarating kapag masungit ang buhay sa atin. Sinasabi ni Edwards na kung mahal natin ang Diyos dahil lang sa mga binibigay Niya sa atin, ang ating pagmamahal ay nagsisimula sa maling bahagi.

Ang isa pang uri ng pasasalamat ay tinatawag ni Edwards na “mabiyayang pasasalamat”—pasasalamat hindi para sa kung anong binibigay ng Diyos sa atin, ngunit sa kung sino Siya. Ito ay tungkol lahat sa Kanya at pagtataas sa Kanyang kabutihan, pag-ibig, kapangyarihan, at biyaya, anumang tanggapin natin. Ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang tunay na katunayan ng presensya ng Banal na Ispiritu sa buhay ng isang tao, at ito’y lumalabas sa gitna ng hirap o sakit. Makikita natin ito sa hindi natitinag na pahayag ni Job: “Kahit na ako’y patayin Niya, magtitiwala pa rin ako sa Kanya” (Job 3:15).

Ang apostol Pablo ay umaapaw sa ganitong klase ng pasasalamat. Kapag pinagbabantaan ng kamatayan, na kadalasan ay nangyari, nagsasabi siya ng mga bagay tulad ng, “Sige! Ang mamatay ay pakinabang!” Kapag nanatiling buhay, okay pa rin: “Para sa akin, ang mabuhay ay si Kristo!” (Filipos 1:21) Hindi siya mapigilan, puno ng pasasalamat at kapayapaan at kaligayahan, hindi sa dahil sa kung anong mayroon siya, kundi sa kung Sino na kanyang nakilala.

 

Ang Pinagmumulan ng Tunay na Pasasalamat

Sila na puno ng mabiyayang pasasalamat ay umaapaw na parang fountain. Sila ay umaapaw sa kaligayahan, pagsamba at misyon. Sa paraan na sila’y nabubuhay at sa mga salitang kanilang ibinibigkas, ang mga mapagpasalamat na mga mananampalataya ay nagpapatotoo sa Isa na naligtas sa kanila. Walang makakapigil sa kanilang pumunta sa kung saan sila itinuturo ng Diyos, kung saan may pangangailangan.

Ang beverage dispenser ay isang halimbawa na lumalarawan sa aking buhay. Kahit na gaano ko kaalam na dapat akong “manatili kay” Kristo, tulad ng sinabi Niya (Juan 15:5), ako’y madaling naaalis mula sa saksakan. At narito na naman ako, nagpapawis na dinadala nang mag-isa ang dalahin kaysa na umapaw sa bagong kapangyarihan ng Ispiritu.

Ngunit paano tayo mananatiling “nakasaksak”?

Aking natagpuan na ang gustuhing pasasalamat ng puso ay susi para sa totoong pagbabago. Ang ating ispiritwal na kapangyarihan ay naka-depende sa bawat sandali na pakikipag-ugnayan sa Panginoon. At nabubuo natin ito sa pamamagitan lamang ng pasasalamat sa Kanya sa lahat ng bagay (Efeso 5:20), hindi lang sa kung anong ibinibigay Niya, kundi sa kung sino Siya. Ating sinasanay ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng pasasalamat para sa kanyang di-kapani-paniwala at mabiyayang katangian.

 

Ang Kwento ng Ating Kaligtasan

Ano ang naging dahilan para maging ganoon na lamang magpasalamat si Pablo? Ito ang dahilan: naalala niya ang kanyang kaligtasan. Sa buong buhay niya, sa bawat oras na ikaw ay lumingon, sinasabi niya ang kanyang pagkakakila kay Jesus. Si Pablo ay dating naging mayabang na Pariseo, puno sa kanyang sarili, puno ng kayabangan sa kanyang mga relihiyosong mabubuting gawa. Itinumba siya ni Jesus sa lupa mula sa kanyang mataas na kabayo sa daan patungong Damasko. (Mga Gawa 9:4) Binulag siya ng liwanag ni Kristo; niligtas siya ng pag-ibig ni Jesus.

Alam ni Pablo na siya ay iniligtas. Tinawag niya ang sarili na “pinuno ng mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15) at itinaas ang himala ng pagkakaligtas mula sa kasalanan at ispiritwal na kamatayan. Umaapaw sa pagpapasalamat sa napakadakilang kaligtasan, kanya laging inalala kung ano ang ispiritwal na gutom na noon ay mayroon siya. At kaya, sa natitira niyang buhay, siya ay totoong mapagpasalamat sa biyaya.

Ang manunulat na si Elie Wiesel, isang taong nakaligtas mula sa Holocaust at nabuhay sa kadiliman sa Auschwitz, ay minsang nagsabi na “walang iba ang mas may kakayahan ng pasasalamat kaysa sa kanila na nakatakas mula sa kaharian ng kadiliman.” Sa biyaya ng Diyos, ang mga mananampalataya ay nakatakas mula sa kaharian ng gabi pupunta sa kaharian ng Liwanag. Mas madalas nating maalala ang dakilang kaligtasang ito, mas lalong magiging madalas ang ating pasasalamat na parang isang hindi mapipigil na bukal.

Ngayong Thanksgiving, sa aming tahanan, aming ililista ang mga partikular na mga bagay na aming ipinagpapasalamat—kahit ano mula sa basketball hanggang sa aming alaga hanggang sa pagkain hanggang sa mga kaibigan at pamilya. Ang ganitong klase ng pasasalamat ay mabuti.

Ngunit ang radikal na pasasalamat ang pinakamaganda. Ito ay dumarating sa tuwing tayo ay palibot ng mesa at nagsasabi ng mga kwento ng kung paano tayo iniligtas ng Diyos mula sa tiyak na kamatayan. Ating aalahanin kung paano tayo naging mahirap spiritually, sira-sira, at gutom—at kung paanong ang isang mabiyaya at maawain na Diyos ay natagpuan at nailigtas tayo. Pagkatapos ay dadaloy ang tunay na pagpapasalamat—binabaha ang ating mga buhay at binubuhos sa iba.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa artikulong “Radical Gratitude: Thanksgiving Isn’t for One Day Only,” In Touch®, November 2006, pp. 18-21.

Salamat sa Diyos! Pagpapakita ng Pasasalamat sa Paraan ng Biblia

sticky note

by Charles F. Stanley

Isipin mo ang huling beses na ikaw ay nanalangin. Ang iyo bang pakikipag-usap sa Ama ay mas nakatuon sa iyong mga pangangailangan at kahilingan? Gaano karami sa iyong mga panalangin—o gaano kakaunti—ang iyong binibigay sa pagpapasalamat sa Diyos para sa kung sino Siya at kung anong ginagawa Niya?

Sa Awit 92:1 ating nababasa, “Mabuti na ikaw ay magbigay-pasalamat sa Panginoon.” Sa ibang salita, ang pagpapakita ng pasasalamat sa Kanya ay may pakinabang. Pero itatanong natin, “Pakinabang kanino?”

Una sa lahat, ang Diyos mismo ay natutuwa tuwing nagsasabi tayo ng pagpapahalaga. Ang mga ekspresyon ng pasasalamat ay nagluluwalhati sa Kanya at nagpapakita na ating kinikilala ang pinanggagalingan ng ating mga pagpapala.

Pangalawa, ang mga taong nakakarinig sa ating nagpapasalamat sa Diyos ay nagsisimulang makita kung gaano kamahal ng Diyos ang Kanyang mga anak at ginagawa maging ang mga mahihirap na sitwasyon para sa ating kabutihan. (Roma 8:28) Sa ganitong paraan, ang di-nananampalatayang pamilya, katrabaho, kaibigan, at mga kakilala ay magsisimulang isipin, Kung ang Diyos ay ganito gumawa sa iyong buhay, magagawa Niya rin kaya sa akin? Ang ating papuri ay maaari ding magdala sa kanila sa konbiksyon tungkol sa kanilang kakulangan sa kanilang Manlilikha at kanilang pangangailangan para sa Kanyang kapatawaran at kaligtasan.

Sa totoo lang, isang biblikal na prinsipyo na sa tuwing ang Diyos ang totoong pokus natin, anuman ang ating ginagawa sa Kanya o para sa Kanya ay natatapos sa pagpapala sa atin. Siyempre, dapat nating bantayan ang ating mga maramot na mga intensyon kapag inaalayan natin Siya ng papuri—ang pagbibigay para makatanggap ay hindi isang dalisay at matapat na motibo na nakikitang kalugud-lugod sa Panginoon. Ngunit ang ating totoong pagpuri at pagpasalamat ay magreresulta sa pitong kapakinabangan.

1 Ang pagpupuri at pagbibigay-pasalamat ay muling nag-aayos ng ating pokus. Kapag sinimulan nating magpuri sa Panginoon, naaalala natin na ang buhay ay naka-sentro sa Kanya—hindi kabaligtaran. Ang pagpapakita ng ating pasasalamat ay maaaring magbalik ng ating kamalayan na tayo dapat ay nasa patuloy na pakikisama sa ating Manlilikha.

2 Ang pagpapasalamat sa Diyos ay nagpapaalala sa atin ng ating pag-asa sa Kanya. Ang pagpapasalamat sa Kanya ay napapaalala sa atin na ang mga pagpapalang ating ine-enjoy ngayon ay dahil lamang sa Kanyang kabutihan at ginagawa tayong may kamalayan sa kung gaano natin Siya kakailangan.

3 Ang pag-aalay ng papuri ay nagbubunga ng kalayaan mula sa pagkabalisa. Kapag nagsimula tayong magpasalamat sa Kanya, nagkakaroon ng magandang epekto ito sa ating mga katawan—ang ating pag-iisip ay nagbabago, at ang mga emosyon ay nagiging kalmado. Naniniwala akong imposible na manatiling hindi mapalagay habang nagpupuri sa Diyos.

4 Ang pagpapasalamat ay nagpapabago ng ating relasyon sa Panginoon. Ang pagpuri sa Diyos ay nagpapalalim ng ating personal na relasyon sa Kanya.

5 Ang pagpapasalamat ay nagpapadalisay ng ating ispiritwal na pakiramdam. Ang ating pagkaunawa sa kung sino Siya, kung paano Siya mag-isip, at iba pang malalalim na bagay Niya ay mapapatalas.

6 Ang pasasalamat ay nagpapalakas ng ating pananampalataya. Habang tayo’y nagpapasalamat sa Panginoon, ang ating mga iniisip ay napupunta sa kung paano Niya sinagot ang ating mga panalangin, pangangailangan, pinrotektahan tayo, at gumawa sa ating buhay. Mas lalago ang ating pananampalataya upang lalo Niya tayong magamit sa darating na panahon.

7 Ang pagpuri sa Diyos ay nagpapaligaya sa ating mga ispiritu. Kapag patuloy tayong nagbibigay-pasalamat sa kanyang mga pagpapala, nakakaranas tayo ng malalim at walang-katulad na ligaya.

Kapag palagi tayong nagpapasalamat sa Kanya, tayo ay nagkakaroon ng mas malinaw na larawan ng Kanyang katangian at Kanyang kinalaman sa ating mga buhay. Ang resulta, tayo mismo ang mga nakikinabang sa papuring ibinibigay natin sa Kanya. Ang tanong ay, Paano nating mabibigyang-pasasalamat ang Diyos?

 

Malamang bawat isa sa atin ay nakapagsabi na ng, “Thank you, Lord!” pagkatapos matanggap sa trabaho, makakuha ng mataas na exam. Ngunit mas marami pang itinuturo ang Biblia tungkol sa pagbibigay-pasalamat sa Diyos. Halimbawa, sabi ng Awit 92:1, “Mabuti… na umawit ng mga papuri sa Iyong ngalan, O Kataas-taasan”. Mahalaga na kapag tayo’y nagbibigay-papuri sa Panginoon na makita ang kahalagahan ng paggamit ng Kanyang pangalan. Walang mali sa pagtawag sa Kanya bilang “Diyos,” ngunit ating nakakaligtaan ang lalim at kayamanan ng kung sino Siya hangga’t hindi natin nakikita ang kagandahan ng Kanyang maraming-marami pang pangalan sa Kasulatan. Magsimula sa paggamit ng Jehovah (“ang magpakailanman,” “ang isang nabubuhay,”) at Elohim (“ganap sa katapatan,” “walang hangganan ang kapangyarihan”), at purihin Siya sa kung anong pinapakahulugan ng mga pangalang ito.

Isa pang paraan ng pagpuri sa Kanya ay sa pag-awit ng Kanyang mga papuri. Naniniwala ako na kaya binigay ng Diyos ang musika unang-una para Siya’y purihin. Kapag tayo’y umaawit, dapat ay buong puso, sa kongregasyon man o sa choir, hindi lang mekanikal—at buong atensyon. Pwede mong sabihin, “E hindi ko naman kaya.” Kaya mo! Kapag itinataas mo ang iyong boses sa pagpuri sa Kanya, hindi mo kailangan mag-alala sa opinyon ng sinuman sa iyong mga kakayahan. Hindi ka nagpe-perform kapag sinasamba mo Siya sa isang kanta; ikaw ay nagpapakita ng pasasalamat at pagmamahal sa iyong makalangit na Ama.

Isa pang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng paglakad nang matuwid sa harap Niya. Paulit-ulit na sinasabi sa atin ng Bibliya na tayo ay dapat na maging banal dahil ang Panginoon ay banal. (Levitiko 11:44; 19:2; 20:7) Maaari mong isipin na imposible ito para sa atin na gawin. Ngunit alalahanin, si Satanas ay isang manlilinlang (Juan 8:44), at sinusubukan niyang dalhin sa maling paniniwala ang mga mananampalataya sa isiping ito: Sinabi nga siguro iyan ng Diyos, pero alam Niyang iyon ay imposible. Hindi naman talaga ito ang ibig-sabihin Niya. Sa tingin mo ba ay kasanayan na ng Diyos na magsabi ng mga bagay na hindi talaga Niya ibig-sabihin? Ang Diyos ay katotohanan, at imposible sa Kanya na magsinungaling. (Juan 1:14; 14:6)

Sa ating mga sarili, talagang hindi natin kayang magpakabanal, ngunit sa sandali ng ating kaligtasan, ipinadala ng Diyos ang Banal na Ispiritu para manahan sa atin at mabuhay ng banal na buhay ni Kristo sa pamamagitan natin. (Galacia 2:20) Samakatwid, ang pag-akto bilang santo ay hindi isang aksyon ngunit isang ugali ng puso. Tayo lagi ang may huling pagpili sa kung ano ang mangunguna sa ating mga aksyon—kung ang “laman” o ang Banal na Ispiritu. Sa tuwing hinahayaan nating tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Ispiritu, ating nasasagawa ang utos ng Diyos na maging banal, na nangangahulugang maging hiwalay para sa banal na pamumuhay.

Isa pang paraan upang makapagpasalamat sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagbibigay nang buong-galak at mapagkaloob. (Mateo 10:8; 2 Korinto 9:7) Kapag tayo’y totoong mapagpasalamat, ibabahagi natin ang kung anong mayroon tayo. Sa kabilang dako, kapag tayo’y makasarili, mas gugustuhin natin na ipunin ang lahat para sa ating mga sarili. Hindi man natin kayang ibigay lahat, ang pagiging mapagkaloob sa bawat isa at ikasusulong ng Kanyang Gawain ay sapat na.

Kadalasan ay mayroon tayong tendency na maging mga magagaling na tagahingi at magagaling na tagatanggap; tuwang-tuwa pa tayong magsabi ng mga talatang magpa-palakas-loob sa atin na humiling sa Panginoon (Mateo 7:7-11’ 21:22); ating sinasaulo ang mga bahagi na nagsasabing ibibigay Niya ang lahat ng ating kailangan (Filipos 4:19; Roma 8:32). Hindi rin di ba dapat tayong maging excited na magpasalamat sa mapagmahal at dakila nating Panginoon, na tumubos sa atin, na nagpatawad sa atin, na nagbigay sa atin ng buhay na walang-hanggan, at na bawat isang araw ay nagbibigay pagpapala sa atin? Huwag tayong maging guilty sa kung anong pwedeng maging pinakamalaki nating kasalanan: ang hindi natin pagpapasalamat sa Diyos. Oo, dalhin natin sa Diyos ang ating mga kahilingan, ngunit sinasabi rin sa Filipos 4:6 na may: “pagpapasalamat!”

Hindi napapagod ang Ama na tayo’y pagpapalain—o makarinig ng ating papuri. Tulad ng Awit 150, na bagaman may 6 na talata lamang, ay nagpupuri sa Diyos nang 13 beses, pag-apawin mo ang iyong pasasalamat! BD

TIPS: 1) Subukan mong isulat ang iyong mga pananalangin sa isang journal sa loob ng pitong araw, mag-focus sa iyong mga pasasalamat. 2) Gamit ang Genesis 22:14 at 35:11, magsimula ng isang listahan ng mga pangalan ng Diyos at isulat kung paano naging totoo ang pangalan iyon sa iyong buhay.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa artikulong “Thank God! Showing Gratefulness the Biblical Way,” In Touch®, November 2006, pp. 6-10.

Andrew sa Labas ng Anino

by Allen Harris

Subukan mong pagnilay-nilayan ang kasabihang, “Nabubuhay sa anino ng iba.” Siguro ay alam mo na kung ano ang pakiramdam nang ganito. Ang best friend mo ang sikat, successful lagi sa anuman at bawat bagay na kanyang ginagawa. O, siguro nararamdaman mo ito sa iyong tahanan—siguro lagi kang nalalamangan ng iyong kapatid. Maraming mga bata ang lumalalaki nang may ganitong alaala sa kanilang mga isip: Bakit hindi ka maging tulad NIYA? o Bakit hindi ka katulad NIYA?

Kung mayroon man sa Kasulatan na malamang ay nakaranas ng “anino syndrome,” si Apostle Andrew iyon. Pag-isipan mo kahit sandali—hindi mo siguro maalala kung kailan ang huling pag-aaral mo sa Bible tungkol kay Andrew. Paul? Siyempre. John? Malamang. Mayroon pa ngang mga churches na may taon-taong pag-aaral tungkol kay Judas Iscariot tuwing Biyernes Santo, for goodness sakes. Pero si Andrew? Pati nga manunulat ng mga Ebanghelyo ay hindi siya pinag-usapan nang ganoong kadalas!

ANG SIKAT NA KAPATID

Si Andrew ay lumaki sa anino ng kanyang sikat na kapatid, si Simon Peter. Kilala mo naman si Peter—siya yung naglakad sa tubig. Siya ang tao na unang tunay na nakilala si Jesus bilang Anak ng Diyos. Siya rin yung nangaral sa Pentecost. Siya ay matigas, masigla, at passionate. Ang kanyang mga taas-baba sa mga gospels ay hanep! Pero tungkol kay Andrew? Nasaan na siya kapag nakay Peter ang camera?

Ang Kasulatan ay tahimik na nagpapatunay na tama si Andrew kung saan siya kailangan—nasa paningin ni Jesus, ngunit isang hakbang sa likod ni Peter. Yun ang kanyang stage, isang lugar kung saan malaya niyang magagawa ang gawain na iniatang sa kanya. At ano ang partikular na ministeryo kung saan nag-excel si Andrew? Simple lang—ito ay ang pagdadala ng kaluluwa kay Jesus.

ANG TAGAPATOTOO

Ngunit bago muna siya makapagdala ng iba sa Panginoon, dapat muna niyang makilala si Jesus nang personal. Ang pagtatagpo ito ay inilarawan sa Juan 1:35-42, kung saan siya ay ipinakita bilang siyang unang alagad na tinawag ni Kristo. Isang tagasunod ni John the Baptist, madaling nakilala ang hiwaga sa paglalarawan ng deskripsyon ni Jesus bilang “Kordero ng Diyos” (Juan 1:36). Nang walang pagdadalawang-isip, diretsong lumakad si Andrew papunta kay Jesus at pagkatapos ay nag-spend ng buong araw kasama Siya.

Fresh mula sa kanyang oras kasama si Kristo, ano ang unang bagay na kanyang ginawa? Ipinahayag ng Juan 1:41-42 na “natagpuan muna niya ang kanyang sariling kapatid na si Simon” at “dinala siya kay Jesus.” Ang kanyang chief concern ay hindi lang basta mai-share ang Magandang Balita, kundi ang mismong pagdadala ng kanyang kapatid sa presensya ng Panginoon. Mukhang naintindihan agad ni Andrew na hindi sapat ang basta lang na pagsasabi sa isang tao tungkol sa Panginoon; kinailangan ipakilala ang taong ito kay Kristo. Dito nagsimula ang makulay niyang missionary career.

Paglaon, sa Juan 6:8-9, si Andrew ang siyang nagdadala kay Jesus ng isang batang lalaki na may mahinhing alay: limang piraso ng tinapay at dalawang maliliit na isda. Habang kumakamot ang lahat ng ibang mga alagad sa kakulangan ng pagkain, nakita ni Andrew ang isang tao sa gitna ng 5,000 na pinaka-kinakailangang makilala si Jesus one-on-one. Ang resulta ay isang mayamang pag-ani ng pananampalataya at isang at himalang bilang ng mga tira-tira—lahat dahil ang mapagbantay na mananampalatayang ito ay ipinakilala ang isang hindi kilalang bata kay Kristo.

Nagbibigay ng isa pang nagliliwanag na halimbawa ang Juan 12:20-22 ng pagkatawag ni Andrew na iugnay ang mga tao kay Jesus. dito, sinasabi ng Kasulatan na may ilang Griyego, na pwede nating ipalagay na mga Gentil (hindi Judio), na gusting makilala si Jesus. Nakilala nila si Philip bilang isa sa 12 alagad, kaya siya ang napagtanungan. Hindi ba interesante kung ano ang sunod na nangyari? Sa halip na dalhin direkta kay Jesus, dinala niya ito kay Andrew. Bakit? Mayroong bang pagdadalawang-isip sa bahagi ni Philip sa paglapit kay Jesus? Ito ba ay isang halimbawa ng lebel ng pamumuno sa loob ng Labindalawa?

Hindi man natin maunawaan ang ginawa ni Philip, ngunit, hindi natin basta-basta maiiwasan ang motivation ni Andrew, ayon kay John Mac Arthur. Sabi niya, “Hindi nalito si Andrew nang mayroong gusting makita si Jesus. Basta niya lamang itong dinala sa Kanya. Naintindihan niya na gusto ni Jesus na makilala ang sinumang gusto makita Siya. … sa Juan 1 dinali ni Andrew si Peter kay Kristo, na ginawa siyang kauna-unahang misyonero sa tahanan. Ngayon dinala naman niya ang Griyego kay Kristo, na ginawa naman siyang kauna-unahang foreign missionary.” Hindi niya kaya—o hini magagawa—na i-ignore ang tsansa na ipakilala ang sinuman kay Jesus.

PANG-ARAW-ARAW NA EVANGELISM

Ang sanlibutang ito ay nangangailangan ng mas maraming lalaki at babae na tulad ni Andrew. Walang-hirap na na nagdadala ng iba sa Panginoon, tumatayo si Andrew bilang modelo ng “pang-araw-araw na evangelism.” Ipinamuhay niya ang pagwi-win ng kaluluwa sa pang-araw-araw na basis; para sa kanya, ang paglilingkod ay hindi isang okasyon, kundi isang lifestyle.

Paano mo ia-apply ang ugali ni Andrew sa iyong buhay?

  1. Mag-abang lagi para sa mga spiritual seekers.
  2. Makipagkilala sa mga tao sa paligid mo.
  3. Huwag pahirapin ang mga bagay-bagay.
  4. Alalahanin: Ang kaligtasan ay hindi mo responsibilidad.

ANG HAMON

Tulad ng isang magaling na matchmaker, ginugol ni Andrew ang kanyang buhay sa pagdadala ng mga kaibigan at estranghero nang mukhaan sa kanilang true love: ang Panginoong Jesu-Kristo. Hindi siya kinilala sa kanyang ministeryo sa mga gospels, pero hindi kaso iyon kay Andrew. Hindi niya hinahanap ang spotlight, papuri, o pagtataas ng tao. Ang kanyang sigaw ay hindi, “Tumingin kayo sa akin!” kundi, “Tumingin kayo sa Kanya!”

Sa henerasyong “ako muna,” ang panawagan palayo sa sarili at papunta sa anumang Mas Mataas ang talagang noteworthy. Ito ang hamon sa atin ni Andrew: na ang mga ligtas ay yakapin nang may dignidad ang kanilang posisyon sa anino ni Kristo, masigla at may kababaang magpakilala ng mga lalaki at babae kay Jesus.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa article na “Andrew Out of the Shadow,” In Touch® Magazine, June 2006.

Lobo sa Damit ng Tupa? Ang Tunay na Mukha ng Tsismis

wolf sheep

by Mark D. Roberts

Napansin mo ba kahit isang beses kung paanong may mga kasalanan na madaling makatawag-pansin ng lahat samantalang ang ibang kasalanan naman ay hindi pinapansin? Kadalasan, tinututok natin ang spotlight ng panghuhusga sa maliliit na kasalanan ng iba—habang ang atin namang mga kasalanang kasinlaki ng troso ay pinapalabo ang ating mga paninging moral.

Tsismis ang isa sa mga kasalanan na napakadaling lumipad palayo sa ating radar. Kaya nating magkwento sa ating kaibigan ng malalaki at masasamang kasalanan ng iba na hindi man lang naiisip na, sa paggawa nito, tayo mismo ay gumagawa din ng sarili nating malaki at masamang kasalanan. Madali nating napapaliit ang ating pagsuway, kadalasan sa pamamagitan ng pakunwaring pag-aalala para sa ibang iyon. Sa tingin naman kasi natin, higit sa lahat, ay mahalaga ang maging tapat. Pero, ang pagtsitsismis ay maaaring kainin ang ating mga puso at maging ang buhay ng ibang tao.

Sa madaling salita: Ang tsismis ay pag-uusap tungkol sa ibang tao sa likod nila. Karaniwang nitong laman ay mga negatibo at pribadong detalye that nilalagay ang isang indibidwal sa masamang posisyon. Bagaman maaari na hindi naman ganoon kaskandaloso ang nilalaman ng diskusyon, ang ating mga walang ingat na mga pananalita ay maaari pa ring makasakit.

Ano Ba’ng Masama Sa Tsismis?

Tinatawag lang naman ng Biblia ang walang-kwentang usapang ito na kasalanan, tuldok. Kung ikaw ay napapaisip na ang tsismis ay isa lamang maliit na pagkakamali, pansinin mo na lang kung paano ito ilarawan ng Romans 1:29-30: ito ay “hindi matuwid,” kasama sa kategorya ng “kasakiman, masamang hangarin, inggit, pagpatay, paglalaban-laban, panlilinlang, hangaring manakit,” paninirang-puri, at kayabangan. Anumang may kaugnayan sa pagpatay at masamang hangarin ay mas malamang na may mapanirang kapangyarihan!

Matinding makasira ng mga relasyon ang tsismis: ito ay “… nakapaghihiwalay ng pinakamatalik na magkaibigan” (Kawikaan 16:28), nagbubunga ng paghihiwalay, galit, at kapaitan. Magpakita ka sa akin ng isang church na puno ng tsismisan, at magpapakita ako sa iyo ng tahanang hati, napaghiwalay ng sakit at kawalan ng tiwala. Ngunit gaya ng sinasabi ng isang kawikaan, “Kung saan walang kahoy, doon ay nawawala ang apoy: kaya kung saan walang tagatsismis, doon nawawala ang sigalutan” (26:20).

Mukhang Okay, Pero Pasama Pala

Ang pakikipag-usap tungkol sa iba ay maaaring makalikha ng bulaang pakiramdam ng pagiging matuwid ng sarili. Kung nakakalaklak ka ng nakakalasong alak ng tsismis, alam mo na sa likod ng panlabas na pag-aalala, sa totoo lang ito ay “tungkol lahat sa akin.” Sa katotohanan, kadalasan nating ibino-broadcast ang mga sikreto o pagkakamali ng iba, para sa atin ding kapakinabangan, bagaman manumpa tayo na para din sa kaniya. Hindi lang natin pinapayabang ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita na “alam ko iyan,” ngunit atin ding ipnapahiwatig na mas matino kaysa sa ibang tao.

Ang tsismis ay nakakatukso: kapag tayo’y nangtsi-tsismis, pakiramdam natin tayo ay mga taong mas mataas ang moralidad. Mas matindi, kung nagawa mo ito sa prayer meeting (sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang “alalahanin” tungkol sa isang indibidwal), nakakaramdam ka ng kakuntentuhan na para kang isang ispiritwal na higante. Ngunit ang panandaliang “kasiyahan” na iyon ay hindi mo maikukumpara sa maaari nitong maging bunga—sa church o sa iyo mismong sarili.

Ang Tupa ay Lumalaban

Sa pamamagitan ng pagtsi-tsismis, mukhaan nating ipanakikita na tayo ay mga makasalanang ni nalinlang ng sarili na kulang sa paglago upang pagkatiwalaan ng pribadong impormasyon. Ouch. Ating tahasang sinusuway ang Salita ng Diyos at sinisira ang Kanyang katawan.

Ngunit may pag-asa pa! hindi natin kailangan na mahuli sa mga ngipin ng tuksong ito.

  1. Kilalanin ang tsismis sa kung ano ito. Kung tinatawag ito ng Biblia na kasalanan, dapat lamang na ituring din natin itong kasalanan. Kapag nagsasalita tayo ng laban sa kapwa, ito ay halos palaging mali. (Mayroong mga pagbubukod kapag ang pagsasalita ay tama, tulad ng pag-uulat ng isang krimen o pagsasabi sa mga magulang tungkol sa mapanganib na pag-uugali ng kanilang anak.) Kung natutukso ka nang magtsismis, huwag mo nang isipin pa—hayaan ang Banal na Ispiritu ang magdala ng conviction sa iyo at dalhin ka sa pagsisisi.
  2. Unawain ang lawak ng pwedeng sirain ng tsismis. Binalaan ni Santiago ang iglesiya, “Ang dila … ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. … Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung tayo nabubuhay.” (3:5-6) Ang isang bagay na mukhang hindi naman nakakasakit sa simula ay sa totoo lang ay isang nakamamatay na virus na nagbabanta sa kalusugan ng church. Kung tayp’y nagmamalasakit sa pagkakaisa ng church tulad ng Panginoon (Juan 17:20-21), tayo’y mag-iisip muna bago magsalita.
  3. Gamitin ang kapangyarihan ng iyong mga salita upang makapagpalakas at makapagpatibay ng iba. Sinasabi ng Santiago 3:2-4 na, tulad ng timon ng barko, ang maliit na dilang ito ang magdidikta ng ating kahihinatnan—buhay o kamatayan. Kapag nakita natin na ang ating mga salita ay mayroong kapangyarihan upang gumawa ng mabuti at masama, titigil na tayong maliitin ang sakit na maidudulot ng tsismis at sisimulan mo nang gamitin ang mga ito upang palakasin ang iba, kahit na hindi tainga sa tainga.
  4. Kung ikaw ang tsini-tsismisan,sadyain na purihin ang pinagkakatsismisan, upang mapalitan ang masasakit na salita nang totoong pagpapatibay. Kapag sinagot ang isang malisyosong balita ng isang salita ng totoong pagpapalakas-loob ay maaaring ihayag ang kasalanan ng tsismis; sa proseso, pwede nitong itigil ang taong nangts-tsismis at ito ay magsisisi at makipag-ayos. Ipinapaalala ng 1 Pedro 4:8 sa atin, “Ang pag-ibig ay tumatakip sa maraming kasalanan.”

Kapag ating tinalikuran ang tsismis—na isang pagsisikap sa pagpapatibay ng sarili—makikita natin na tanging ang Diyos lamang ang magpupuno ng ating pangangailangan para sa ating halaga at tiwala. Madidiskubre din natin ang ligaya ng paggamit ng mga salita upang magbigay-buhay at pagkakaisa sa iglesiya.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa article na “The Wolf in the Sheep Suit,” In Touch® Magazine, March 2006.

Pamemeke ng Church

by Dan Schaeffer

Hinintay niya ang kanyang pagkakataon, pinapraktis kung ano ang na-ensayo niya kasama ang kanyang  asawa, kinakabahan na maranasan ang matinding pagpupuring alam niyang darating. Maya-maya lang ay malulunod siya sa papuri para sa kanilang pagiging palabigay na wala ng tinira para sa kanilang sarili. Lingid sa kanilang kaalaman, sila ay gumagawa ng kasaysayan bilang unang mga “church fakers”.

Ang kwento nina Ananias at Sapphira sa Acts 5:1-11 ay lubhang nakakabahala. Parehas silang namatay sa dulo ng kwento, at “malaking takot ang naghari sa buong iglesia, at sa gaya ng marami na nakarinig ng mga bagay na ito.” (v. 11) Nagsimula ito nang hindi napapansin: nasaksihan ng mag-asawa ang  pagiging bukas-palad ng iba sa iglesya sa Jerusalem na ibinenta ang kanilang mga sariling mga lupain at ibinigay ang kanilang buong napagbentahan para ipamigay sa mga nangangailangan (4:32-39). Ang pinakanapansin nina Ananias at Sapphira ay hindi ang “pagiging bukas-palad” kundi ang nag-aantay na ispritwal na papuri sa sinumang makagawa nito.

Ang mag-asawa ay nag-benta ng piraso ng kanilang pag-aari, pero nang dalhin nila ang kanilang mga napagbentahan, kalahati lamang ang kanilang ibinigay. Okay lang naman. Kahit anong gawa ng pagiging bukas-palad ay tanggap na sana. Ang problema ay ang pandaraya sa kanilang mga puso. Sinasabi nilang ibinibigay nila ang buong halaga ng kanilang kabuuang kita. Maaari nating isipin si Ananias na ibinibigay ang pera sa mga apostoles na may ngiting nagpapakita na kontento siya sa sarili niya. Iniisip niya kung paano makakakuha ng mataas na reputasyon sa kalahating presyo, ang pinakarurok na spiritwal na tawaran.

Kadalasang itinatanong ng mga tao kung bakit pinili ng Holy Spirit na ihayag ang kasalanan ng mag-asawang ito sa ganoong bayolenteng paraan—ang kamatayan para sa atin ay medyo mabagsik. Habang hindi natin alam ang lahat ng pangyayari nung araw  na ‘yon, isang bagay lang ang maaari nating masigurado: ang kabanalan ng Diyos sa loob ng Kanyang iglesya ay nakataya. Nais Niyang ipaalala sa kanyang bayan na ang kadalisayan ng motibo ay palaging higit sa “ministeryong” naglilingkod lamang sa sarili o pagtulong sa tao.

Tayo ay tinuruan na makaramdam ng matinding pagkagalit sa kanilang halimbawa, pero nangangamba akong ito’y ating nagagaya kaya nga lang sa mas mababang antas. Nadiskubre kong may mas malala pang “Ananias at Sapphira” sa akin  higit sa mga tanggap ko ng meron ako. Madalas akong makatanggap (at oo kung tatrabahuhan din) ng ispiritwal na reputasyon na hindi nababagay sakin. At alam ko, hindi ako nag-iisa. Bakit kaya “malaking takot” ang pumukaw sa buong iglesia nang marinig nila ang tungkol sa kamatayan ng dalawang mamemeke? Malamang sila ay natatakot sa kung ano man ang maaaring manirahan sa kanilang sariling mga puso, dahil sa totoo lang mayroon ding munting Ananias at Sapphira sa mga pinakamatino sa kanila.

Ito ay malusog na “pagkatakot” kasi ang nagdudulot nito sa atin na suriin ang ating mga puso, at ituon ang ating paningin sa Diyos. Sa kawalan ng ganitong kamalayan, sinisimulan nating dayain ang ating mga sarili tungkol sa ating espiritwal na motibo – at yon ay isa lamang maliit na hakbang sa paniniwalang kaya nating dayain ang Panginoon.

Gumugol ako ng maraming taon bilang nagpapagaling ng church faker. Ako’y naging isang pastor, may-akda, at tagapagsalita sa mahabang panahon at ako’y nakikipaglaban sa aking pag-uugaling mameke ng church sa buong pagkakataon. At ngayon alam ko na kung bakit.

Ang Kaanyuan ng Pagka-makadiyos

Bilang bata, karamihan sa atin ay mahilig maglaro ng kunwa-kunwarian.

Kaya nating bigyang-layaw ang ating pinakamalalim na kagustuhan na maging kung ano ang hindi tayo sa sandaling oras – at gawin ito nang walang pakiramdam ng pagsisisi, dahil isa lang naman itong laro. Pero isang araw, “ nagtatapos  ” tayo mula sa pagkabata,  at posibleng mapagtanto (na may kasamang konting pagka-distress dahil sa pagkabigo at disappointment) na gusto pa ring maging kung ano ang di tayo. Ang ganitong kagustuhan ay sinusundan tayo hanggang sa pagtanda, sa labas ng mundo ng pagpapaniwala, kasayahan at mga laro. Ang buhay maya-maya’y tuturuan tayo sa proseso ng panlilinlang, natutunan natin na minsan kaya nating papaniwalain ang iba sa mali nating imahe – at kadalasan ito’y kumikita ang pagiging Kristyano ay hindi na kaagad napapaamo ang halimaw na nasa ating katawan; sa katunayan, kadalasan binibigyan nito ang halimaw ng bagong butas para matukso tayo. Ito ang malamang  na nangyari kina Ananias at Sapphira. Sa oras na matutunan natin ang mga tamang ispiritwal na mga termino at tamang makadiyos na lingwahe ng katawan maaari tayong lumabas at magpakita at magtunog bilang napaka-maka-Diyos. Pagmamalaki, kapaitan, pita, pagseselos, at at marami pang mga kasalanan ay kayang magpatuloy sa pananamantala sa loob natin, maingat na nakatago sa loob ng pinabanal na mukha.

Ilang taon din ang nakalipas, bilang isang batang pastor na nasa pagsasanay, sinusubukan kong maging kung ano sa tingin ko ang bawat pastor ay dapat maging. Nagsalita ako ng may hangin ng pagkasabik, pagtitiwala, at kasiyahan—kahit na malayo ako sa pagkakaroon ng mga ganitong pag-uugali. Ang katawa-tawa, nakatanggap pa ako ng “Joy Award” mula sa aming children’s ministry, na namigay ng awards ayon sa fruits of the Spirit! Isa itong plastic na tropeo para sa isang plastic na Kristiyano. Tulad ng kapanipaniwalang sinabi ni Paul Eldredge, “Hinuhulma natin ang ating mukha para magkasya sa ating maskara.” Hindi ko lang ito pinepeke; nabigyan pa ako ng gantimpala para sa aking kilos. Nakakatakot, di’ba?

Habang ako’y lumalago sa aking pananampalataya sa paglipas ng mga taon, nasimulan kong maunawaan kung gaano kalalim ang isip at puso ko’y namantsahan ng kasalanan. Ilan sa mga kasalanan ko ay madali ko lang makita ngunit may ibang namang inaabot ng mga taon para matukoy. Pagmamalaki, halimbawa na lang, ay tumatakbo nang higit na mas malalim sa buhay ko kaysa sa buong inaakala ko. Malayang umaagos sa malalim na kweba ng aking kaluluwa habang pinapanatili ko itong nakatago sa mahabang panahon, nananatili pa rin itong naroon. At pagkatapos, tulad ng isang geyser, bigla na lamang itong puputok ng may hindi kapanipaniwala, hindi inaasahang lakas.

Ano ang Iyong mga Motibo

Ang pamemeke ng church ay isang hindi kapansin-pansin na kasiraan mula sa katotohanan tungkol sa ating ispiritwal na mga paninidigan and motibasyon. Kung maiiwang hindi nagagamot, maaari itong magdulot ng panlabas na kasiraan sa iglesya mismo habang ang ating mukha ay maging mahirap na panatilihin.

Hindi ako naniniwalang nagsisimula talaga tayong ang intensyon ay makapandaya. Hindi tayo tumitigil sa paglilingkod kay Kristo nang biglaan; pero sa paglipas ng panahon ang ating motibo sa paglilingkod ay unti-unting mas humihina. Kinukumbinsi ang ating mga sarili na ang gusto lang natin ay “kaluwalhatian ng Diyos.” Kadalasan tayo’y naglilingkod nang may mabuting scriptural na mga dahilan—ngunit hindi na iyon ang pangunahing dahilan ba’t tayo naglilingkod.

Sa isang punto, pumasok tayo sa isang pintuang ‘di nakikita ng karamihan pero malinaw na nakikita ng Diyos. Nagsisimula tayong mag-ministeryo, tumulong, manguna, mag-organisa, mag-plano, magluto, magturo, mag-preach, umawit, mag-bisita, at magbigay, unang-una (kahit na hindi eksklusibo) para sa ikakukuntento ng pakiramdam ng pagiging ispiritwal at pagtanggap ng papuri mula sa iba. Di magtatagal ang pinakamaliit na tanda ng sinseridad ay sapat na upang ilarawan ang ating mga motibo bilang dalisay.

Nang ako’y inimbitahang magsalita sa isang conference, madali kong nakumbinsi ang aking sarili na ito ay isang malaking oportunidad para makapag-ministeryo, hindi pinapansin ang katotohanang ang pagkasabik na nadarama ng aking sarili ay may konti lang na kinalaman sa paglilingkod kay Kristo. At, muli, ang istorya nina Ananias at Sapphira ay idinrama lang. Kapag nakakalimutan natin kung sino ang ating pinaglilingkuran, nawawalan tayo ng paningin kung bakit tayo naglilingkod, at nagtatapos tayo sa paglilingkod sa ating mga sarili. Kung ang gusto talaga natin ay ang maluwalhati ang Diyos lamang, Siya ang dapat na magpakahulugan sa ating paglilingkod—at, mas malamang, ang ating paglilingkod ay di magiging tulad ng gusto natin. Kung tayo’y mayroong konting bahagi dito, malamang pagpuno at pagpapatigas ng ating mga sariling layunin gamit ang mga ispiritwal na mga elemento, hindi Siya tuluyang maluluwalhati. Ngunit kung meron tayong tibay ng loob na harapin ang katotohanan ng ating mga pinaghalo-halong mga motibo, bibigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihang magbago.

Gusto ba nating magbago? Aaminin mo bang pinepeke natin ito? Dyan nakasalalay ang ating pinakadakilang pakikibaka. Ngunit ang pagbabago ng ating gawain ay isang pagkilos patungo sa pagiging tunay, kalayaan at kapayapaan na ipinangako sa atin ni Kristo. Ang pinaka-dakilang kasiyahan na maaari tayong magkaroon ay ang pagkatutong mabuhay at maglingkod sa Iisang Tagapanood—ang Diyos. Natutunan ng mga unang Kristiyano sa mahirap na paraan ang aral na kahit kaila’y di natutunan nina Ananias at Sapphira. Marahil ito ang oras para tayo’y matuto na rin.

Isinalin ni Ella May Calderon mula sa article na “Faking Church,” In Touch® Magazine, July 2006.

 

Natatakot Ako… (A Story for the New Christian)

by Elijah Abanto

Kakagaling lang ni Danny mula sa church. Sinunod niya ang sinabi ni Emerson (ang taong nagpatanggap sa kanya kay Jesus) na pagkatapos maligtas ay ipahayag sa mga tao ang kanyang naranasan. Masaya siya sa ginawa, ngunit hindi niya malimutan ang mga sinabi nito: “Alam mo ngayong tumanggap ka na sa Panginoon, huwag mong aasahan na magiging mabuti na sa iyo ang buhay. Actually, simula pa lang ito ng matitinding pangyayari na susubok sa iyong pananampalataya kay Jesus.”

“Anong ‘matitinding pagsubok’”? tanong niya.

“Hahadlangan ka ng mga magulang mo to the point na pwede ka nilang higpitan o bawasan ang allowance o lalo’t higit pa, ang itakwil ka,” sabi nito.

Mahal na mahal pa naman niya ang kanyang mga magulang. Lahat ay ginagawa niya para maging proud sila sa kanya. Pero ngayon ligtas na siya … Ganon?

“At maaaring pati kaibigan mo layuan ka,” dagdag pa nito. “Danny, maraming pwedeng tanggalin ang Diyos sa buhay mo para subukan kung mananatili ka o hindi.”

“Bakit mo ito sinasabi sa akin ito?”

“Dahil baka magulat ka sa mga susunod na pangyayari dahil hindi mo alam na ganito pala ang pwedeng mangyari,” sagot ni Emerson. “Danny, alam mo namang may mga inuutos ang Diyos sa atin pagkatapos maligtas, di ba?”

“Oo, nagawa ko na nga yung una kaso tumakas lang ako,” sagot niya. “Ang iba pa ay ang magpa-baptize at sabihin sa iyong mga mahal sa buhay na kailangan din nilang maligtas kagaya ko.”

“Bakit hindi ka pa rin nagpapa-baptize?”

“Dahil baka malaman nila na nag-iba na ako ng relihiyon,” sabi niya.

“Ngayon nakikita ko na sa iyo ang takot,” sabi ni Emerson nang walang alinlangan. “Alam mo, Danny, para masunod mo ang Panginoon kailangan mo ng tapang—courage. Alalahanin mo na anak pa sila ng Diyablo kaya ginagamit sila ngayon niya para pigilan kang sundin ang Panginoon. Naranasan ko na rin ito, Danny. Pero naging matapat at mas sinunod ko ang sinabi ni Jesus. At nakita mo naman ngayon na nandito na ang aking pamilya sa church.”

“Bakit ganito? Susundin ko pa ba Siya?” tanong niya sa sarili. Maaaring mawala ang pamilya niya … ang kaibigan niya … ang mga hilig niya …

“Pero ito ang tinitiyak ko sa iyo, lagi mong kasama ang Panginoon. Hadlangan ka man nila, layuan ka man nila … masisiguro mo, lagging nandiyan ang Panginoon, nasa likod mo. Kasama mo.”

“Kasama ko si Jesus …”

Nawalang lahat ang takot niya. Susundin niya ang bawat iuutos ni Jesus simula ngayon. Mawala man sila …

 

QUESTIONS TO PONDER:

Ligtas ka na ba? Kagaya ka ba ni Danny na natatakot na baka hadlangan siya ng magulang, kaibigan, o kakilala? Basahin mo ang 2 Timothy 1:7 sa iyong Bible, pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong na ito:

1) Ayon sa verse, binigyan ba tayo ng Diyos ng ispiritu ng takot?

2) Ano ang binigay Niya?

3) Ano ngayon ang dapat mong maging attitude ngayong nabasa mo ito?