Talents, Talents, Talents…

Tayo ay nasa isang consumer-oriented society. Ang lagi nang tanong ng isang tao tungkol sa isang bagay, “May makukuha ba ako diyan?” At siyempre, sa isang church, no instant benefit, so why bother? Tapos kakanta ka pa? Magtuturo ka pa? “Napaka-effort naman niyan!” sabi ng mga maaarteng tao sa balat ng lupa. Kaya tayo, sapat na sa atin ang um-attend (at least all meetings!), makinig sa preaching, matuto, at uuwi pagkatapos!

Talents, talents, talents… ginagamit mo ba kung anong kakayahan mo para kay Lord? O patumpik-tumpik ka lang diyan? Hopeless ka kapatid. Huwag ka sanang matulad sa nangyari sa isang lingkod sa Parable of Talents sa Matthew 25:14-30. Hindi naman kita tinatakot. Nais ko lamang ipakita sa inyo na hindi lang pera ang kailangan ng gawain ng Dios, kundi mga talentong ipapagamit sa Dios. Kung marunong kang magturo, ba’t hindi ka magturo? Kung marunong kang umawit, ba’t di sumali sa choir o mag-special number? Kung marunong kang magpatawa, bakit hindi mo iyan gamitin para pasayahin ang mga kapatid mo sa Panginoon? Lahat ng kakayahan natin, mukhang maliit man sa paningin ng tao, at malaki sa paningin ng Dios, dahil Siya ang nagbigay sa iyo niyan. Gamitin mo na, ha? =)

My Clock and My Calendar

clockcalendar

Dalawang “C” ang may kaugnayan sa oras o time: ang mga salitang “clock” at “calendar.” Ang “clock” ay tumutukoy sa mga particulars—seconds, minutes, at hours. Ang “calendar,” sa kabilang banda, ay mga generalities—days, months, at years. But either way, makikita mo ang oras na nade-demonstrate. Also take in mind na may tinuturo sa atin ang dalawang “C” na ito sa ating paggamit ng oras.

Your Clock. Ito ay tumatayo sa kung paano mo ginagamit ang bawat segundo, minuto at oras na mayroon ka. Maaaring isipin mo na porke ang mga ito ay mga maliliit na bahagi “lang naman” ng oras natin ay gagamitin natin ito sa bagay na basta gusto nating gawin. Maaaring gamitin mo ang ilang segundo para makapagsinungaling, makapagmura, makapangopya sa test o kung anong sandali lang naman na mga bagay. Ang mga minuto pwedeng gamitin sa pagtingin ng mga “larawan” sa Internet, sumilip sa mga bagay, tao, o pangyayaring hindi dapat silipin; o mga oras sa “counter strike,” “Friendster,” “Youtube,” panonood ng TV, pakikipagdaldalan sa kapwa, kaysa magbasa at mag-aral ng Bible, manalangin, makinig sa preaching, o mag-aral para sa school. Pero ang Ephesians 5:16, hindi nagkukulang sa paalala: “Redeeming the time, because the days are evil.” (KJV) Ginagamit mo ba ang bawat segundo, minuto at oras mo para sa Dios?

Your Calendar. Ito ay sumasaklaw sa paggamit mo ng bawat araw, linggo, buwan, at taon na dumaan sa buhay mo. Sa araw ba na ito ay may project ka na natapos, o itinulog? Sa linggo o buwan bang ito ay nakagawa ka ng accomplishment sa iyong buhay-Cristiano,  o nakagawa ka ng malaking pagkakamali sa buhay mo? Sa taon bang ito ay nakapagdala ka na ng kaluluwa kay Kristo, o nakapagdala ka ng kahihiyan sa iglesiya at iyong patotoo?

“Whatsoever ye do, do all to the glory of God.” (1 Corinthians 10:31)

Pareho bang para sa Dios ang iyong “clock” at iyong “calendar”?

The Way Out of Depression

way

Hope. Thought renewal. Help. Dependence upon God. These must be the things a depressed person needs to get back to life. But most people who are really depressed hardly go back to normal but end up in suicide or total destruction of living. With these in mind, what can we do to help a depressed person or even ourselves to go out of depression?

First, we must know what depression is. Depression is the state of mind that causes people to see everything around them in a negative way. They experience feelings of sadness, failure, rejection, and lose sight of reality. They are overwhelmed by a feeling that God has abandoned them. Knowing these things, follow these simple steps:

1) Show the person that he is not alone. Take him to Hebrews 13:5 and emphasize the fact that God is with him and that he must seek Him.

2) Encourage him to renew his mind (Romans 12:2). Changing his way of thinking will enable him to see the marvelous plans that God has for his life.

3) Invite him to cast his cares on to Jesus (Matthew 11:28). It is His desire that we give Him all our worries so that we can find our rest in Him.

4) Pray with him. It must be a confession of victory, a declaration of the excellent things God has for us and must emphasize how much God loves us and believes in us.

New believers, I encourage you not to let your problems oppress you. Trust in Jesus and bring all your feelings and problems to Him. With this in mind, and Romans 12:2 (“be ye transformed by the renewing of your mind”), there will sure be a way out of the most undesirable situation in every man’s life—depression.

Time Keeper

Hinahabol ako ng oras. Kung akala niyo ang pagiging lingkod ng Dios ang pinakamadaling trabaho sa buhay na ito, nagkakamali kayo. Kung talagang may gagawin lang kami, marami at hindi sapat ang isang araw para matapos iyon. At kung mayroon man na mas may dahilan para hindi magamit nang tama ang oras para sa Dios dahil sa ka-busy-han, kami na iyon. Isa kami sa mga may pinakamalaking hamon kung paano gagamitin ang oras para sa Dios. Ito ay dahil pwede naming gawin ang gawain ng Dios na hindi talaga kami naglilingkod sa Kanya gamit ang oras na ibinigay Niya sa amin. Kaya ang topic ngayong Linggo ay talagang kailangan namin—stewardship of time. At kung kailangan namin, kailangan din ninyo.

Dapat tayong maging timekeeper. “Redeeming the time, because the days are evil,” sabi ng Ephesians 5:16, kaya dapat wala tayong sayanging oras para sa Panginoon. Bilang teacher, Bible student, church worker, house worker, publisher, at e-mailer, ay talagang mahirap para sa aking budget-in ang oras ko. Idagdag pa ang mga personal responsibilities ko tulad ng Quiet Time (sa Dios), pagiging anak, kapatid, at kaibigan (sa pamilya at ibang tao). At maraming oras nasasayang ko ang oras na ipinagkatiwala Niya sa walang kabuluhan, o makasalanang gawain. Ngunit alam ko kung ipagkakatiwala ko lang sa Kanya ang aking oras, at gagawin ko Siyang partner patungkol dito, wala akong problema—magiging good timekeeper ako.

Before It’s Too Late

father

Spiritual leadership in the home starts now.

by Joe White

Kaunting gawain lamang ang mas fulfilling kahit na challenging, mas thrilling kahit na mas demanding, mas rewarding ngunit mas exasperating kaysa sa pagiging ama at ang responsibilidad ng pagiging ispiritwal na pinuno ng tahanan.

Para sa akin, ang pagiging spiritual leader ko ay nagsimula sa kawalan ng kaalaman. Nang iuwi namin ang una sa apat naming baby sa bahay, wala akong ni isang clue kung gaano kalaki ang magiging gawain ko o kung paano simulan ang aking paglalakbay. Kamalian ang nagmarka sa mga unang taon ng trabaho kong ito.

Ang pinakamatanda kong anak, si Brady, ay lumaking may malaking ngiti at sensitibong disposisyon na naging dahilan para magtrabaho ako nang maigi sa aking magas-pang na ugali. Ang kauna-unahang niyang matagumpay na pagba-bike nang walang training wheels ay dumating noong siya ay 5 years old sa kainitan ng pagpapatakbo ko ng mga summer camp. Excited siya; busy naman ako sa trabaho (as usual).  Nahuli niya ako noong lunch at ipinahayag ang magandang balita.

“Tatay, hulaan mo kung anong nagawa ko ngayon.”

“Sabihin mo na, Anak!”

“Natutunan ko nang mag-bike—walang helper wheels!”

“Wow, ang galing! Dapat makita ko yan. Mamayang hapon pakita mo akin.”

“Hindi po, Tay, pagkatapos na ng summer.”

“Bakit pagkatapos pa ng summer?”

Ibinaba niya ang kanyang mga mata. “Nagtatrabaho po kayo tuwing summer, eh.”

 

Ang mga salitang iyon ay patuloy akong ginugulo. Ang totoo, nagtatrabaho ako tuwing taglagas, tuwing taglamig, at tuwing tag-ulan din—hindi lamang ako available para sa aking mga anak.

Noong summer din na iyon ang aking 6-year-old na anak, si Courtney, ay inilaan ang isang linggo sa aming nalalapit na maiksing camp. Nagkasundo kami na huwag magkita nang isang linggo. Ang hirap noon!

Sa panglimang araw niya sa camp, na-home sick si Courtney. Nagsimula na siyang umiyak, at ang kanyang tagapayo ay pumunta sa tabi ng kanyang higaan para bigyan siya ng mga yakap.

“Huwag ka nang umiyak. Makakauwi ka rin pagkatapos ng dalawang araw, at makikita mo na uli si Tatay.”

“Hindi ko na siya makikita!” protesta niya.

Pagkatapos ng summer, pumunta ang camp director sa aming tirahan. “Umupo ka,” bigla niyang sinabi. Umupo ako. Sinabi niya ang kwento tungkol sa pag-uusap ni Courtney at ng counselor nito. Nadurog ang puso ko.

Pagkatapos ay nagsabi siya, “Ano ang gagawin mo tungkol dito?”

Napaisip ako. Tumingin siya nang malalim sa aking mga mata. Tumunog ang telepono at habang sinasagot ko iyon, tumunog naman ang intercom. Pagkatapos ay dumating sa pintuan at may emergency. Umupo akong muli. Tumitingin pa rin siya sa akin.

“Tinanong kita, ano ang gagawin mo tungkol dito?” pilit niya.

“Hindi ko alam… Ang hirap… Napakaraming pangangailangan.”

“Joe, sino ang pinaka-importanteng mga tao sa buhay mo?”

“Ang pamilya ko.”

“Hindi mo pinapakita iyon!”

Umupo lamang siya roon at hindi pinalampas ang sitwasyon. Pinwersa niya ako na gumawa ng mga commitments para sa aking pamilya na gagawin ko ngayon. Nandiyan pa rin ang mga pangangailangan, pero nagbago ang aking mga prayoridad.

 

Maliwanag ang Kasulatan. Ang mga prinsipiyo ng Dios para sa success at fulfillment ay hindi nagbabago. Alam ng Dios ang bawat hininga na ating kukunin at nakikita ang bawat hibla ng buhok na nahuhulog mula sa ating mga bubunan. Ang kanyang walang sukat na karunungan ay tumatawag sa mga ama na mamuno spiritually sa ating mga tahanan kagaya ng ginawa ng Karpintero mula sa Nazareth sa mga nakapaligid sa Kanya. Ang pamumuno ay nangangahulugang paghuhugas ng mga paa, paghuhuwaran ng walang kapintasang integridad at pagkuha ng ating mga krus para sumunod kay Kristo.

Kailangan kong matutunan ito sa mahirap na paraan 25 taong nakalilipas nang ang aking apat na anak ay sumigaw para sa aking spiritual leadership sa aking tahanan. Aking nadiskubre na hindi pa huli ang lahat para magsimula, ngunit laging napakaaga para tumigil.

 

Translated from the article of the same title of Focus on the Family magazine, June 2006, ©2006 Focus on the Family. http://www.family.org.

 

Fathers: Thy Rod and Thy Staff… They Comfort Me?

sinturon

Bakit ako ang may pinakamaliit na kwarto sa bahay?” reklamo ng trese-anyos na si Terry sa kanyang ama. “Lahat ng kaibigan ko anlalaki ng kwarto, samantalang ako naiipit na sa cabinet na ito!”

“Manatili kang mag-reklamo nang ganyan, anak, at matutuwa kaming ilagay ka talaga sa totoong cabinet,” sagot ng kanyang ama. “Sa kabila nga ng lahat, kung paanong ang pagne-negosyo ay bumaba sa ngayon, dapat ka pang magpasalamat na may bubongan yang ibabaw ng ulo mo, pagkain para makain, at damit para maisuot.”

Noong kinagabihan, pumunta si Terry sa kanyang ama. “’Tay, paumanhin po at nagreklamo ako kanina. Siguro naiingit lang ako sa kung anong meron si Jason—DVD player, laptop, swimming pool, at lugar para paglagyan noon lahat. Pero naisip ko: Maraming pera ang tatay ni Jason, pero mayroon kang binibigay sa akin na hindi niya binibigay kay Jason.”

“Ano `yon, anak?” tanong ng kanyang ama, halatang interesado.

“Binibigyan mo ako ng mga patakaran. Parang corny, pero yon ang nagsasabi sa akin na concerned ka sa akin. Marami akong alam na hindi masasabi iyon tungkol sa tatay nila.”

 

  • TAKE A LOOK/Luke 11:11-13

Sinasabi ng 1 Thessalonians 2:11-12, na isang bagay na ginagawa ng isang mabuting ama ay ang aliwin ang kanyang anak. Kadalasan ay iniisip natin na ang pang-aaliw ay pagpapasaya sa atin tuwing tayo’y nasasaktan o nalulungkot. Ngunit iyon ay nangangahulugan din na gawing komportable ang isa sa pamamagitan ng pagpuno sa mga pangunahing pangangailangan ng taong iyon. Ginagawang komportable ng mga ama ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagpapatnubay ng tirahan, pagkain, damit, pamasahe, at gamot. At kung kaya nila, magbibigay pa sila ng higit pa rito.

Basahin ang Luke 11:11-13. Paano inihahambing ni Jesus ang iyong makalupang ama sa iyong makalangit na Ama? Ano’ng sinasabi nito tungkol sa Dios?

 

  • TAKE A STEP

Ang mga patakaran ng ama ay mga ‘comforts’ din. Hindi lang meron nito para ilayo ka sa kasiyahan, kundi para protektahan ka mula sa mga panganib na hindi mo maiisip na nandoon. Kapag nabali ang mga patakarang ito, kahit na ang disiplina ay bahagi pa rin ng “comfort” na ibinibigay ng ama.

“…Tayo ay nagkaroon ng mga ama sa ating laman na nagwawasto sa atin, at binigyan natin sila ng pitagan…” (Hebrews 12:9).

Nasa tamang edad na si Terry para maunawaan ang “comfort” sa kanya ng ama sa pamamagitan ng gabay, patakaran, at disiplina. Umisip ng tatlong patakaran na ginawa ng iyong mg magulang. Paano kang napoprotektahan ng bawat isa? Sa anong mga paraan ka pa binibigyang-aliw ng iyong ama?

 

From More Family Walk, ©1992 Walk Thru the Bible Ministries, published by Zondervan.

 

Great Quotables: Fathers

The best fathers not only give us life—they teach us how to live.

Our heavenly Father longs to spend quality time with His children.

 

The best thing a father can spend on his children is his time.

 

A heart filled with praise brings pleasure to God.

 

In prayer, God hears more than words; He listens to your heart.

 

Spoiled children are given what they want; wise parents give them what they need.

 

All quotations from Our Daily Bread.

 

No one understands like Jesus.

Praying for Dad (A Story)

praying for Dad

Father’s Day na. Iyon ang realisasyong pumasok sa isip ni Cristine ng idilat niya ang kanyang mga mata. Pinatay niya ang alarm clock na kanina pa kumikiriring, at tumayo at binuksan ang switch ng ilaw sa kanyang kwarto.

5:30 na. Pinlano nila ng kanyang kapatid na si Calvin na gumising nang ganito kaaga. May mahalaga silang dapat gawin.

May narinig siyang katok mula sa labas. Walang-duda, si Calvin ang kumakatok. Pinagbuksan niya ito. “Pasok.”

Nakangiti itong pumasok at umupo sa sahig kagaya niya. Sa loob ng sampung minuto ay nagtitigan sila. Unang nagsalita si Cristine. “Kuya, ano’ng pagpe-pray natin for Daddy?”

“Iniisip ko pa nga rin eh,” sagot ni Calvin, halatang balisa na sa pag-iisip.

“Kuya, isipin natin kung ano ang mga ginagawa niya,” suwestiyon niya kay Calvin.

“Oo, nga,” sagot nito, at kumuha ng papel at ball pen mula sa kanyang study table. “Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung ano’ng pagpe-pray.”

“Pumapasok si Dad sa trabaho,” una niyang banat.

“Pag-pray natin na bigyan siya lakas at kalusugan sa pagtatrabaho, pati wag siyang matanggal.”

“Nagde-date sila ni Mommy,” dagdag pa ni Cristine.

“Pag-pray natin na lalo pang maging close sina Daddy at Mommy at wag laging mag-away,” tugon naman ni Calvin.

“Hinahatid niya tayo sa school,” sabi pa ni Cristine.

“Sana magkaroon siya lagi ng oras para gawin iyon, at tsaka sana laging may pang-gas.” Bigla siyang may naisip. “Yung church!”

“Oo nga, pag-pray din na lagi tayong makapag-church kasama si Daddy at Mommy, at matuto siya at tayo sa mga preaching ni pastor at sa turo sa Sunday School.” Kumikislap na ang mga mata ni Cristine sa mga ideyang pumapasok sa kanilang isip.

“Devotion,” nasabi ni Calvin.

“Sana lagi tayong mag-devotion,” naikomento ni Cristine.

“Tinuturuan at pinapalo niya tayo.”

“Sana lagi siyang bigyan ng katalinuhan sa pagtuturo sa atin—teka—ano’ng pagpe-pray natin sa pagpapalo ni Daddy sa atin?” Hindi niya alam. Siguro ang ipapag-pray niya ay huwag na silang paluin.

“Kaya tayo pinapalo ni Daddy dahil may ginawa tayong mali,” sagot ni Calvin. “Mahal niya tayo kaya ganon. Yon ang sabi niya sa atin.”

“So?”

“Sana paluin o disiplinahin niya tayo kapag nagkakamali tayo—” nakita niya ang pagkurba paibaba ng bibig ni Cristine. “At bigyan ng reward kapag gumagawa tayo ng tama.”

Umaliwalas uli ang mukha ni Cristine. “Tama ka nga, Kuya. Kaya tayo pinapalo dahil sa kasalanan natin. Mahal tayo ni Daddy. Sige, yun ang ipag-pray natin.”

“So tapos na ang listahan.”

“Pray na tayo. Sino ang una?”

“Ikaw. Mas bata ka.”

Sa sagot ng kanyang kapatid ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata at pinagsama ang dalawang palad. Magsisimula na siyang mag-pray.

Pagpe-pray nilang dalawa ang kanilang Daddy—ang ever-loving nilang Daddy. Pagpe-pray nilang manatiling may takot sa Dios ang kanilang ama.

Ito ang pinakamagandang regalong maibibigay nila sa kanilang Daddy—ang panalangin na maririnig at sasagutin ng Dios sa langit.

A Father’s Greatest Gift by Charles F. Stanley

father and child

Maraming klase ng regalo ang binibigay ng mga ama sa kanilang mga anak. Bilang mga Cristiano, alam natin na ang pinakamahalagang regalo sa lahat na ibinigay ng ating makalangit na Ama ay pagpapadala ng Kanyang Anak na si Jesu-Kristo: ang Kanyang pagkamatay sa krus ay nagbigay ng kaligtasan para sa buong sangkatauhan. (Romans 6:23) Samantalang importante para sa atin na ipakilala sa ating mga anak ang Tagapagligtas o ang ipaliwanag kung paano magkaroon ng walang-hanggang relasyon sa Dios, hindi natin pwedeng gawin ang desisyong ito para kaninuman—hindi maging para sa ating mga anak. Ngunit patungkol naman sa mga kaloob na kayang ibigay nating mga makalupang ama sa ating mga anak, ang pinakadakilang bagay na pwede nilang ihandog na isang bagay na kailangan at gusto ninuman, ang isang bagay na gusto rin ng Dios para sa ating lahat na magkaroon: ang walang pasubali at magpagmahal na pagtanggap.

May ilang mga ama sa kasamaang-palad na naiuugnay sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagmamahal na may pasubali, na nagsasabing, Mahal kita kung…, kapag…, o ngunit… Ang walang pasubaling pagmamahal, sa kabilang dako, ay nagsasabi, Wala akong pakielam kung ano ang iyong nagawa o gaano kadalas ka gumawa ng maling desisyon, basta mahal kita. Kahit na hindi tayo sang-ayon sa ugali o hairstyle, ang ating pag-ibig ay hindi nagbabago.

Ang nakakalungkot, maraming mga bata ang lumalaki na dumaranas ng kabaligtaran: di-pagtanggap. Pag-abuso sa bata, isang malaking problema ngayon, ay dumarating sa iba’t ibang anyo, kasama ang maling pagtrato, pisikal man o emosyonal. Ang pinakasumisira at karaniwan ay verbal abuse, na sumisira ng tamang pagtingin sa sarili.

 

Subtle and

Not-so-subtle Rejection

May ilang magulang na sinasaktan ang kanilang anak sa pamamagitan ng pagsasabi ng, “Hindi ka namin gusto” o “Wala kang mararating.” May hindi masyadong halatang klase ng rejection (subtle), tulad ng pagde-desisyon para sa anak. Nagbibigay ito ng isang masakit na mensahe, “Wala ka pang kakayahan, sobrang bata mo pa. Wala akong tiwala sa’yo.”

Kailangan nating maging maingat na ang ating disapproval ay iniisip na rejection. Dapat nating alalahanin na sa loob natin ay may nabubuhay na pagiging bata natin. Lahat nang naranasan natin nung unang bahagi ng ating buhay ay dala-dala natin hanggang sa ngayon, at nakaka-impluwensiya ito sa kung paano natin harapin ang buhay.

May naalala akong middle-aged na lalaki na nabibigatan sa mga pagsubok na dumarating na nag-resulta ng kapaitan sa kanyang buhay. Nang tanungin ko siya tungkol sa panahon noong bata pa lamang siya, sinabi niya, “Lagi kong naalala noong bata lang ako, na narinig ko na nag-aaway ang mga magulang ko, at si tatay na sabi, ‘Hindi naman natin siya gusto eh.’” Ang kanyang utak ay parang may tape recorder na hanggang sa maging 35 years old na siya ay nagpe-play pa rin. Basahin ang Ephesians 4:29.

Ang pagmamahal ng isang magulang ay binalangkas para maging wangis ng agape love ng makalangit na Ama. Tinatanggap Niya ang Kanyang mga anak kung ano sila, kahit ano pa sila—na nagbibigay sa atin ng dahilan para maging tiwala at magkaroon ng katiwasayan.

Gusto kong ibahagi ang limang resulta ng isang maka-Dios na pagmamahal ng isang magulang:

  1. Ang mapagmahal na pagtanggap ang naglalaan ng tamang biblikal na imahe ng Dios. Ang unang titingnan ng anak na representasyon ng Panginoon ay tayong mga ama. Kapag tama ang pakita ng isang ama sa kanyang anak, iisipin ng anak na ang Dios-Ama ay ganun din. Kaligtaran naman kung hindi.
  2. Ang unqualified love ay nagbibigay-daan para ang isang bata ay magtiwala kay Kristo bilang Tagapagligtas nang maaga sa buhay. Medyo naiilang ako kapag may lima o anim na taong gulang na bata na lumalapit para tanggapin si Kristo, pero natutunan ko na ang tamang pagpapalaki ng ama ay nagpapadali sa anak na magtiwala sa Dios para sa kanyang kaligtasan.
  3. Ang walang-pasubaling pagtanggap ay nagtataguyod ng malusog na pagtingin sa sarili. Noong tawagin ni Jesus sina James at John para maging mga tagasunod Niya (Matthew 4:21-22), pwede nilang nasabi, “Jesus, tinatawag mo kami? Mga hamak lang kaming mga mangingisda na walang pinag-aralan. Gusto sana naming sumunod sa Iyo, pero wala kami, at ikaw ay Messiah—hindi Mo gugustuhin na makita kang may kasama kang tulad namin.” Pero hindi. Imbes ay agad nilang iniwan ang lahat at sumunod sa kanya. Lumaki sila sa pagmamahal ng kanilang amang si Zebedee, na hinubog ang kanilang magandang pagtingin sa sarili.
  4. Ang maka-Dios na pagmamahal ay nagpo-protekta sa mga anak mula sa paghuhubog ng mapang-rebeldeng ugali. Alam natin na may panahong sinasagot ng mga anak ang kanilang magulang. Alam natin na kapag nabig-yan ng proper training ang ating mga anak, hindi nila iyon lilisanin hanggang sila’y tumanda. (Proverbs 22:6)
  5. Ang pagtanggap sa ating mga anak kung sino sila ay hinahanda sila para makahubog ng mga magandang pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kapag naramdaman ng isang anak ang init ng pagmamahal ng isang ama, lumalaki silang may pakiramdam na sila’y mahal at tanggap. Sa ganoong paraan, kaya nilang maka-relate sa mga kaibigan nang hindi nagiging critical at kagustuhang mabago sila. Ang mga lalaki at babae na lumaking mahal at tanggap, mas nagiging maganda ang pagsasama.

Children: God’s gift to you

Tinatawag ng Psalm 127:3 ang mga anak na “kaloob ng Panginoon”; dapat nating pahalagahan ang mahalagang biyayang ito mula sa kamay ng Dios. Hindi mo kailangan gumastos ng pera para mahubog ang tamang pagtingin sa buhay ng iyong anak. Pero may mas malaking presyong kasama: Kailangan mong ipuhunan ang iyong buhay. (1 John 3:16) Bigyan mo ang iyong mga anak ng oras, hindi lang kapag libre ka, kundi tuwing kapag alam nilang ikaw ay nagsa-sakripisyo para sa kanila. At magpakita ng interes sa mga bagay ay binibigyan ka nila ng kahalagahan, kahit na kumukuha iyon ng pagsisikap natin. Siguro iniisip mo, Paano ko ito magagawa? Kapag sinusunod mo ang gabay ng Banal na Ispiritu, ang iyong mga kilos, ugali, at nakatuong atensyon ay magpapakita ng walang-pasubaling pag-ibig—ang pinakadakilang regalo na maibibigay ng isang ama.

Translated from the article of the same title of In Touch magazine, June 2006, ©2006 In Touch Ministries. Website: http://www.intouch.org.

Children are Fragile–Handle with Care (for Fathers)

words

Translated from Family Walk, published by Walk Thru the Bible Ministries and Zondervan.

Kahit ngayong siya ay binata na, naaalala pa rin ni Ray Marshall ang masasakit na salita ng kanyang ama. Napagtanto niya ngayon na hindi ibig ng kanyang ama na saktan siya, ngunit ramdam pa rin ni Ray ang sakit na kanyang naranasan labinlimang taon na ang nakakaraan.

Si Ray ay limang taon noon. Siya at  ang kanyang ate ay nagmamaneho kasama ang kanilang magulang para bisitahin ang kanilang tita Judy, tito Vaughan, at ang bago nitong baby – isang lalaking nasama sa isang pamilya ng tatlong babae. Ang buong pamilya—mga abuelo’t abuela, tito’t tita, kahit kanilang mga pinsan—ay sabik na makita ang bagong dating. Habang nasa biyahe sinubukang isipin nina Ray at kanyang ate kung gaano kasabik ang lahat nung sila’y ipinaganak. Si Mr. Marshall, na nakatuon ang pansin sa pagmamaneho sa gitna ng malakas na ulan, ay hindi masyadong nakikinig sa usapan.

Bigla na lang ay sumandig paharap si Ray at binalot ang kanyang mga braso sa leeg ng kanyang ama. “Pustahan napakasaya niyo po na magkaroon ng anak na lalaki, hindi ba, ’Tay?”

“Ano ba, Ray!” sigaw ni Mr. Marshall. “Hindi, hindi namin iniisip kung babae ka o lalake; masaya na kami ng Nanay mo at buhay ka.”

  • TAKE A LOOK

Proverbs 1:8-9; 2:1,5; 3:1-2; 4:1-6

Gusto ni Ray na marinig mula sa ama kung gaano kasaya ito na magkaroon ng anak na lalaki. Sa halip, parang walang pakielam ito. Ngunit ang nasa isip ni Mr. Marshall ay ukol sa mahirap na pagbubuntis ng kanyang asawa bago ipanganak si Ray. Agad na ipinaliwanag ni Mr. Marshall na mas nag-aalala siya sa maayos na pagluwal sa sanggol kaysa kung babae ito o lalaki. Pero ang paliwanag niyang ito ay hindi nag-alis ng sakit sa kanyang mga salita.

Ang mga salita ay may napakalaking epekto—pwede itong makatulong o makasakit. Ang mga salita ng ama na nakapagpapalakas ng loob ay nagsasabi sa anak kung gaano siya nito kamahal. Nakakatulong ito upang gawin ng kanyang pinakamahusay sa anumang ginagawa nito. Si Haring Solomon, ang sumulat ng libro ng Proverbs, ay isang marunong na ama. Basahin ang mga talata. Ano’ng masasabi mo kay David, ang kanyang ama?

  • TAKE A STEP

He taught me also, and said unto me, Let thine heart retain my words: keep my commandments, and live (Proverbs 4:4, KJV).

Ang mga nakapagpapalakas-ng-loob na salita ng isang ama at kung paano siya nabubuhay ay nagtuturo sa kanyang anak kung paano haharapin ang mga pangyayari sa buhay sa paraang maka-Dios. Mapa-matanda o bata ka man, isipin mo kung paano ka in-encourage ng iyong ama. At pagkatapos ay ikaw naman ang mag-encourage sa kanya!