Fear (A Poem)

by Elijah Abanto

I tremble, I shake, sometimes I break

I think, “This is more than I can take,”

Here he comes, oh here he comes

FEAR, with his ugly, big thumbs.

 

He prowls, he prowls, shout does He

Insults, revilings, or threats they may be.

And insult, revile, threaten he did—

All I could do is watch while I hid.

 

But then I realized, there’s still one bigger Giant

“I’m more powerful, more strong,” He did grant

So why should I tremble, shake, or break

When God, my Savior, is the Refuge I take?

 

Now O Fear, how I know to defeat you, my dear!

I’ll just listen to the voice of God, I now hear

And follow what He says, and do what He wills

And I will take COURAGE, and kill you, you Fear!

Advertisements

Ang Walang Mayroon

by Elijah Abanto

Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga magkabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan. At kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o  pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.

At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatangging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)

Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay idedika sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap `pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo `pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?

Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya na naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.

Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.

Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil wala Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong  kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.

Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos? Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.

Tamang Gamit Naman Oh!

by Elijah Abanto

Hayaan niyo pong isa-isahin ko ang mga bagay na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos:

clock

Time (oras). Ang pinakamahalagang binigay sa atin ng Diyos para gamitin ay ang oras. Lahat ng tao sa mundo ay may pare-parehong bilang ng oras na natatanggap (24 oras kada araw)—walang sobra, walang kulang. At inaasahan ng Diyos na ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon ay ginagamit natin nang may katuturan at naaayon sa Kanyang gusto. Mas mainam pa na mabuhay ka ng 20 taon sa mundo na naglingkod ka sa Diyos kaysa 100 na taon na ginamit lamang para magbisyo at pumunta sa party kaysa church. (Ephesians 5:16)

choir

Talent (kakayahan). Bawat isang tao ay may kakayahang natanggap sa Diyos, at nararapat lang na gamitin natin ang mga kakayahang ito para sa Kanya. Nakita naman natin sa Biblia kung paanong ginamit ng mga alagad ng Diyos ang kung anong mayroon sila para sa Diyos: si Moises ay may tungkod, yung balo ay may dalawang kusing, si Elias ay may mantel, at si Dorcas ay may karayom at tela. (Maaari mong alamin kung paano ginamit ng bawat isa ang kung anong mayroon sila sa Biblia o magtanong ka sa isang may alam na Kristiano.) Nagagamit mo ba ang sa iyo?

fruits

Body (katawan). Bakit ba tayo nagsusuot ng maayos na damit? Bakit ba tayo hindi naglalasing at naninigarilyo? Bakit ba tayo nagpapahinga at natutulog? Bakit tayo kumakain ng masustansya? Dahil isa rin ang ating katawan sa pinagkatiwala ng Diyos sa atin. Oo nga may 24 oras ka nga, may talento ka, ngunit sakitin ka naman, kung hindi naman maayos ang paggamit mo sa iyong katawan? Wala din. Unang-unang ginagamit natin upang makapaglingkod sa Diyos ay ang ating katawan, kaya dapat lamang nating ingatan. (1 Corinthians 6:19-20)

tract

Gospel/Salvation (ebanghelyo/kaligtasan). Hindi tayo niligtas ng Diyos para lang pumunta ng Langit at maligtas mula sa Impyerno—may dahilan kung bakit tayo naligtas. Nakapagbabahagi ba tayo ng Ebanghelyo sa mga hindi pa naliligtas? Hindi na kailangan ng Soul Winning Program para gawin iyon! (1 Peter 4:10; Romans 1:14; Mark 16:15)

Opportunities (mga pagkakataon). May mga pagkakataon na binibigay sa atin ang Diyos na maaari nating gamitin para makapag-lingkod sa Kanya. Nagagamit ba natin o pinapalagpas lamang natin? Dapat nating sikapin na ito’y kunin at gamitin para sa Kanya.

cash

Money and Possessions (salapi at mga pag-aari). Saan mo ginagamit ang iyong “mammon”? Diyan malalaman kung isa kang mabuting katiwala ng Diyos. Dapat ay nag-i-ikapu at nagbibigay-handog ka. Ngunit hindi lamang doon nagtatapos—maghanap tayo ng paraan para makatulong sa kapwa—at kung mayroon tayo magbigay tayo. (Deut. 8:18; Malachi 3:10)

Ngayon, tanong—nagagamit ba natin ang mga bagay na ito nang tama at maayos? Hinilihiling ko sa Diyos na sana ay nasa tama tayo.

May salitang kanto na kapag mali ang pagkagamit ng isang bagay o pananalita ay sinasabihan ng, “Tamang gamit naman oh!” at kapag ako ay nagaganon ay nag-iisip ako kung may mali akong ginawa (o kung mayroon man, eh mangangatal na akong magsalita). Masasabihan kaya tayo ng Diyos ng ganitong ekspresyon? Kung sakaling tingnan Niya ang iyong mga “records,” matutuwa kaya Siya? O masasabi Niyang “Tamang gamit naman oh!”

Nawa ay hindi. Sa tulong ng Diyos, gamitin natin ng totoong tama ang mga pinakatiwala Niya sa atin.

Hindi Na Mabigat

pail of water

by Elijah Abanto

Timbang puno ng tubig. Matabang tao. Kaldero ng kanin. Bag na puno ng libro. Mesa. Kilu-kilong bigas at karne.

Ano’ng pumapasok sa isip mo?

Sa tingin ko mabasa mo pa lang ang mga salitang ito nabibigatan ka na. Parang pasan-pasan mo na ang buong mundo.

Ano’ng pumasok sa isip mo?

Mabigat.

Ang salita pa lang na ito ay mabigat na bigkasin.

Mabigat.

Ini-imagine mo pa lang parang hindi mo na matagalan—parang gusto mo nang ipasa kahit wala naman.

Tutal nag-i-imagine na rin lang tayo, imagine-in mo nang may dala kang napakabigat na bagay. Iniisip mo na dapat ingatan mo ito nang maigi. Ingat ka nang ingat. Ayan, ayan… Dahan, dahan lang… O kaya naman dahil sa’yo naman sa tingin mo, ay kung papano na lang… Magtapon na lang kaya ako ng iba… Pagkatapos maya-maya ay may lumapit sa`yo at nagsabi, “Akin po yan.” Ano kayang mararamdaman mo?

Titingnan mo nang maigi yung gamit tapos…

Mapapaupo ka. Ang bigat ay biglang mawawala.

Ano kamo? Sa’yo?

“Oo nga pala, pinagkatiwala mo lang pala sa akin.” All of a sudden para sa isang ingat-na-ingat, ay mawawala ang bigat at sasabihin sa may-ari, “Tulungan mo naman ako.” At sa isa na kung papano na lang ay lalaki na lang ang mata ay, “Sorry, paano na yan? Natapon ko na ang iba!”

And yet think of this—halos-lahat ay either of the two sa simula. Do you know na ang lahat ng mayroon tayo ay hindi talaga sa atin?

“The earth is the Lord’s, and the fullness thereof; the world, and they that dwell therein” (Psalm 24:1).

“For every beast of the forest is mine, and the cattle upon a thousand hills. I know all the fowls of the mountains: and the wild beasts of the field are mine” (Psalm 50:10-11).

“The silver is mine, and the gold is mine, saith the Lord of hosts” (Haggai 2:8).

Kaya tayo hirap-na-hirap sa mga bagay na mayroon tayo (kabilang ang pera), ay dahil hindi natin napapagtanto na hindi talaga sa atin ang mga iyon, kundi mga bagay lamang na ipinagkatiwala. At tulad ng ingat-na-ingat ay hihingi tayo ng tulong sa Panginoon, na Siya talagang nakakaalam kung paano iyon gagamitin. At para sa nagbalewala, ay hindi tayo magkandatuto sa pagsisisi, at maaaring ngayon ay binabayaran na natin ang mga sinayang natin.

Nangyari na ito sa akin. Minsan ay masyado na akong nabigatan sa hawak-hawak ko, hindi ko na alam ang gagawin. Ngunit nang Makita ko ang Panginoon sa mga bagay na ito, simula noon ay magkatulong na kaming nagdadala ng bigat—at mas magaan na.

Hindi na mabigat.

Hindi na mabigat.

Di ba ang sarap ng pakiramdam?

Kailan natin yun mare-realize? Mas mabuti, ngayon pa lang ay humingi na tayo ng tulong, at huwag na tayong magpabaya.

At alam niyo isang paraan ng pagpapagaan?

Para maging magaan?

Pagbibigay.

They Gave

by Elijah Abanto

Pagbibigay. Isang napakagandang salita, hindi ba? Oo, lalong-lalo na kung ikaw ang nabigyan. Right. (Pangiti-ngiti ka na siguro. Dahil siguro alam niyo na kung ano ang mga susunod na salita.) Pero kung ikaw kaya ang magbibigay? What do you think? Hindi siguro maipinta ang ating mga mukha kapag ganon ang sitwasyon—lalo na kung mayroon kang maibibigay.

Naranasan ko rin ang naranasan niyo. Minsan kasi bago maligo si Kuya Israel ay nanghingi siya ng shampoo sa akin. “Pahingi naman ng shampoo, ’Loy,” sabi niya. At alam niyo kung ano’ng naging itsura ng mukha ko. “Eh…” sambit ko pa, ngunit sa bandang huli ay binigyan ko rin siya. Parang ang hirap kong magbigay, samantalang kakarampot na shampoo lamang ang hinihingi.

Kaya hindi ako magtataka kung maging kayo ay nahihirapan din. Pero nagawa niyo na bang magbigay nang walang sakit sa dibdib? Yung masaya ka pa? Well, hayaan niyong magbigay ako ng halimbawa ng mga ganon.

Si Mommy, si Ate, si Bunso. Ang tatlong pinakainiibig kong mga babae sa buhay ko ang nagpakita ng ganitong kabaitan. Si Mommy, hangga’t may ibibigay, magbibigay. Makikita ko na lang na ilalabas niya pati ang mga mahahalaga niyang mga ipon at ibibigay kapag kailangan namin ng pera. Yes, si Ate Abigail rin. Mula noon, hanggang ngayon, hindi siya nagsawa na ibigay ang mayroon siya. Mapamayroon (noong nagko-kolehiyo siya marami siyang pera) o Mapawalang pera (ngayon), hindi niya kami pinagdamutan. Si Olivette, na kapag mayroong sitsirya ay lalapit at magse-share. I love these three people. Because they gave.

Yung babaeng balong may dalawang barya at yung isang batang may limang tinapay at dalawang isda. Ang bawat isang taong ito mula sa Biblia ay binigay lahat ng mayroon sila, hindi iniisip kung may babalik pa sa kanila. Mga simpleng tao, mga dukhang tao—pero nagkaroon sila ng kabuluhan. Because they gave.

Si Hadassah. Well, piksyunal lang ang taong ito, mula sa nobela ni Francine Rivers, A Voice in the Wind. Isa siyang alipin na Kristiano, at nakakatanggap lamang siya ng kaunting barya mula sa may-ari sa kanya. Ngunit imbes na impukin, ay ibinigay niya sa isang Romanong babae, ina ng isang sundalo na nagpapaalala ng malagim na sinapit ng kanyang pamil-ya sa Jerusalem. Nang tanungin siya kung bakit binigay pa niya ang kaunting perang iyon, sagot niya, “May pagkain ako. May tinutulugan ako. May damit ako. Ngunit siya wala ni isa sa mga ito. Mas kailangan niya iyon kaysa sa akin.” Napamahal ako kay Hadassah. Because she gave.

Ang Diyos. Siya ang Pinakamataas na Halimbawa ng pagbibigay. Binigyan tayo ng Diyos-Ama ng kalayaan, at mga pagpapala na hindi natin dapat tamasahin, dahil tayo ay mga makasalanan. Bumaba ang Diyos Anak na si Jesus para mamatay lang para sa ating kasalanan; binigay Niya ang Kanyang sarili. Ang Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Ispiritu, upang malaman natin kung paano mabuhay sa sanlibutan. At dahil doon, we are destined to have heaven for our home. Because He gave.

Naalala ko yung favorite verses ni Ate sa Proverbs 3 sa scripture reading noong Lunes, “Withhold not good from them to whom it is due, when it is in the power of thine hand to do it. Say not unto thy neighbour, Go, and come again, and to morrow I will give; when thou hast it by thee” (vv. 27, 28). And surely, these people lived up to that verse. Nagbigay sila nang walang reserbasyon. Dapat tayong sumbatan at hamunin ng mga halimbawang ito. Simula ngayon, magbibigay na ako—nang buong-puso. Ikaw—kailan ka magbibigay nang buong-puso?

God is Alive! (A Script Story) Finale

by Elijah Abanto

Daniel (nakayuko at nakapikit): Lord, nawa po isuko na po ni Isaac ang kanyang buhay sa inyo, tulad ko Panginoon. Gusto ko pong makasama siya sa paglilingkod sa inyo at pagpasok sa Bible School pagka-graduate po niya. Hipuin Niyo po ang Kanyang puso’t isip. Sa pangalan ni Jesus, Amen. (dumilat at tumingin kay Isaac) Isaac?

Isaac (lumuluha): Oo na, susunod na ako sa Kanya. Hindi ko na siguro dapat tigasan ang puso ko. Hindi ko naman kailangan sarilinin ang mga problema, di ba? Oo, tama ka, tama sila. Susunod na ako sa Kanya…

****************************************

Temperamente Residence, 8:30 PM.

(Papalapit si Abigail sa tarangkahan ng bahay ng mga Temperamente. Sa kanyang mukha ay may implikasyon ng isang misyon na dapat tuparin. Buo ang determinasyon nito sa kung ano’ng dapat niyang gawin sa oras na iyon. Pagkapindot niya ng doorbell, ay humakbang siya pabalik at naghintay.)

Psalmia (binuksan ang gate): Sino po sila?

Abigail (ngumiti): Ako si Abigail, kaibigan ni Luke.

Psalmia: Ay, wala po siya. Nasa church po siya.

Abigail: Ikaw talaga ang pakay ko.

Psalmia: Ako ho?

Abigail: Oo. May mahalaga tayong pag-uusapan. Pwede ba akong pumasok?

****************************************

TR, 8:45 PM.

(Nasa gate na si Cephas. Kinuha niya ang kanyang susi sa gate. At pumasok. Ngunit nang bubuksan na niya ang pinto ay natigilan siya nang may narinig siyang umiiyak.)

Cephas (bulong): Psalmia?

Psalmia: Panginoon,…

Abigail: Humihingi po ako ng tawad…

Psalmia (umiiyak): Humihingi po ako ng tawad…

Abigail: Sa aking mga kasalanan…

Psalmia: Sa aking mga kasalanan…

Abigail: Nagsisisi po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko…

Psalmia (uulitin ang sinabi ni Abigail)

Abigail: Pinapapasok ko po Kayo sa aking puso…

Psalmia (uulitin)

Abigail: Bilang Tagapagligtas at Panginoon…

Psalmia: (uulitin)

Abigail: Sa pangalan ni Jesus…

Psalmia: (uulitin)

Abigail: Amen.

Psalmia: Amen. (Dumilat at niyakap si Abigail) Salamat po, Ate Abie. A-attend na po ako!

Cephas (hindi pa rin pumapasok): Salamat, Panginoon!

****************************************

TR, 8:48 PM.

(Nakauwi na mula sa prayer meeting sina Naomi, Luke, at Isaac. Kasama rin nila sina Pastor Solomon, Sister Ruth, at Daniel. Halata sa kanilang mukha ang pagtataka kung bakit nakaparke na ang sasakyan ni Cephas sa harapan ng kanilang bahay. Nagulat na lamang sila nang buksan ni Cephas ang gate.)

Naomi (mukhang nagulat): Cephas! (niyakap ang asawa at lumuha)

Cephas (lumuluha na rin): Naomi, aking asawa!

Luke: Tatay! (Yumakap din)

Isaac: Si Psalmia, kasama si Abigail.

(tingin lahat sa dalawa; nag-thumbs-up si Abigail. Tumitingin kay Pastor Solomon, Sister Ruth, at Daniel. Nag-thumbs din ang tatlo.)

Luke: What do you mean by…?

Psalmia (tumakbo at yumakap din): Ligtas na ako, Kuya!

Isaac: Talaga?

(Tumango si Psalmia)

Daniel: Si Isaac, may announcement.

Isaac: Magba-Bible School na po ako!

Naomi: Talaga? (Yinakap ang anak)

Pastor Solomon (tumingin sa langit): GOD IS ALIVE! (WAKAS)

God is Alive! (A Script Story) Part 4

by Elijah Abanto

Overnight House, 7:03 PM.

(Sari-saring makukulay na ilaw ang umiikot sa loob ng beerhouse. Maraming nagsasayawan na kababaihan, na mahahapit ang suot, at tuwang-tuwang pinapanood ng mga kalalakihang lasing-na-lasing. Makikita naman sa bandang dulo ang pag-akyat ng isang babae nakasuot ng maikling shorts at damit kasama ang isang sabik-na-sabik na lalaki sa isang hagdan papunta sa tinatawag nilang “Langit.” Samantalang si Cephas, habang nagsasaya ang kanyang mga katrabaho at boss, ay nasa beer counter at umiinom ng sinasabi nilang “white wine.” Kitang-kita ang lungkot sa mukha nito at guilt.)

Alberto (medyo hindi na pantay ang paglalakad at boses): Oh, pare, sumali ka naman dito! Naghuhubad na yung babae, oh!

Cephas: Kayo na lang. Dito na lamang ako.

Alberto: Sigurado ka? O, sige, maiwan na kita ah. May prospect na rin ako mamaya para sa Langit. (Tawa habang palayo sa kanya)

Cephas (kinakausap ang sarili): Alam ko po na mali ang ginagawa ko. Pero wala na akong maisip na paraan para mawala ang problema namin sa bahay. Pakiramdam ko wala akong kwentang asawa at ama, sa church lang ako active. Hindi ko napapasaya si Naomi, hindi ko na makitang masaya si Luke, si Isaac tahimik lang iyon pero alam ko ang sakit din sa kanya, at si Psalmia, pakiramdam ko hindi na siya makakakilala sa Panginoon. Bakit? Bakit, Panginoon? Nandyan Ka nga ba? Buhay Ka nga ba? Sabihin Mo! Paki-usap… (mapapayuko; biglang mapapatingin sa relos; magmumukhang bumalik sa ulirat) PRAYER MEETING! (Napatayo)

****************************************

TBBC, 8 PM.

(Tapos na ang mensahe ni Pastor Solomon, at offering period na. Pagkatapos ay kanya-kanya nang nagpunta sa mga partner ang bawat miyembro ng simbahan. Si Naomi ay nakikitang lumapit kay Sis. Ruth; si Isaac kay Daniel; si Luke kay Pastor Solomon.)

Sis. Ruth: Mukhang balisa ka, Sister. Bakit? Nasaan nga pala si Bro. Cephas?

Naomi (napaluha): Kasalanan ko itong lahat, Sister! Kasalanan ko ito. Hindi pa umuuwi si Cephas sa bahay, mukhang sinisira na niya ang kanyang sarili. At dahil iyon sa akin! (umiiyak na) Inaaway ko siya sa mga simpleng bagay dahil sa pagiging perfectionist kong babae! Lagi ko na lang siyang binubungangaan! Kasalanan ko ito! Kasalanan ko! (umuungol na sa sobrang iyak)

Sis. Ruth (hinaplos ang kanyang mukha): Sister Naomi, tama na ho iyan. Lahat ho ng tao nagkakamali. Kailangan lang ho nating ilapit sa Dios ang ating mga nagawa, ihingi ng tawad, at humingi ng tulong na baguhin tayo. Sister, gusto niyo pong mag-pray?

Naomi: Sige ho. (ipipikit ang kanyang mata) Ama naming Dios, lumalapit po kami sa Inyong banal na trono, humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawa, sa aking kawalang-galang sa aking asawa, patawad po. Patawad po dahil sa aking pag-uugali ay nagkakanda-sira-sira ang aming buhay. Nawa po ay tulungan Niyo po akong baguhin ang aking sarili, maging maunawain na asawa po ako. Inilalapit ko rin po si Cephas, kung nasaan man po siya, ingatan Niyo po siya, umuwi po nawa siya, nawa hindi pa po huli ang lahat. Si Luke, aking panganay, nawa ay ibalik Niyo ang saya sa kanyang paglilingkod sa Inyo. Nawa po ay huwag niyang sisihin ang sarili sa mga nangyayari. Nawa ay ibalik Niyo po ang sigla at buhay sa kanyang paglilingkod sa inyo. Si Isaac po, nawa po ay sumunod siya sa inyong pagkatawag. Nawa po ay huwag na siyang magdalawang isip na isuko ang kanyang buhay sa Inyo. At si Psalmia, aking bunso, nawa ay maunawaan po niya ang inyong kaligtasan, at tanggapin niya po kayo bilang Tagapagligtas at Panginoon Niya. Ito po ang aking sinasamo’t dalangin, sa pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

****************************************

Sigalutan-Theophania Road, 8:10 PM.

(Madaling nagmamaneho si Cephas. Hindi na siya nagpaalam sa mga katrabaho.)

Cephas: Hindi solusyon ang pag-inom sa problema ko. Kayo lang!

****************************************

 

TBBC, 8:10 PM.

Pastor Solomon: Napapansin ko, nawawalan ka na ng sigla sa pagpapakanta, ha.

Luke: Iyon nga rin po ang nilalapit ko sa Panginoon, eh. Sa sobrang daming problemang kinakaharap ng aking pamilya, hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Naiisip ko na nga pong itigil ang aking pag-aaral sa Bible College, eh. Panginoon lang ang naghihila sa akin pabalik. Sana po ay panumbalikin niya ang sigasig at sigla ko. Ipanalangin din po natin si Tatay, hindi pa po siya umuuwi. Si Isaac po, sana po magsuko na siya ng buhay niya sa Panginoon bago siya gr-um-aduate. At si Psalmia, sana maligtas po siya.

Pastor Solomon: Sige ipapanalangin natin iyan, Luke. Buhay naman ang Dios, di ba? Walang imposible sa Kanya!

(Huling bahagi sa susunod na issue)

God is Alive! (A Script Story) Part 3

by Elijah Abanto

Narrator: Temperamente Residence, 12:01 PM.

(Scene: Makikita si Naomi sa kusina na kumukuha ng mga plato, kutsara at tinidor. Sumisingaw ang amoy ng ulam na kanyang niluto na menudo at kakalutong kanin. Pinansin niya rin ang paligid at medyo natuwa nang makita niya na maayos ang bahay. Ngunit sa kabila noon, ay naging seryoso siya na tila may biglang pumasok sa kanyang isip.)

Naomi (kinakausap ang sarili): Bakit Mo ba ako nilikha nang ganito? Nabasa ko sa Spirit-Controlled Woman, isa akong melancholy. Of all people, yun pang negative, criticizing, at depressive personality pa ang binigay Niyo sa akin. Ang talino at galing na ibinigay niyo sa akin ang nagiging dahilan para lagi kong maliitin ang aking asawa sa kawalang-disiplina niya sa sarili. Alam ko, dahil sa klase ng aming relasyon ni Cephas, ay malungkot si Luke. Ayaw magsuko ng buhay ni Isaac. At ayaw kayong kilalanin ni Psalmia! Panginoon, paano ba namin maaayos ito? Ayaw ko nang humantong sa matinding sitwasyon ang problemang ito. Paano ba?

Isaac: `Ma, I’m home. Si Kuya?

Naomi: Oh, Isaac. Si Luke ba? Pauwi na raw, galing sa church.

Isaac: Ha? Di ba day-off niya po ngayon?

Naomi: Yun nga rin pagkakaalam ko. Pero pagkaalis na pagkaalis niyo, umalis na rin. Sa text nga lang nagpaalam eh. Baka dahil sa… sa… alam mo na. (tumingin sa sahig) Oh, siya. Kain na. Menudo ang ulam.

Isaac: Ahh…

(papasok si Psalmia)

Isaac: Psalmia, sabay ka na sa akin.

Psalmia: Sige, Kuya. Sandali lang.

Naomi: Oh, ilagay mo sa tamang lugar yang sapatos mo.

Psalmia (may katigasan ang boses): Opo…

(papasok sa kanyang kwarto; maya-maya ay lalabas)

Psalmia: Kuya Isaac, si Kuya?

Naomi: Pauwi na, galing sa church.

Psalmia: Bakit nandon na naman siya? Di ba day-off niya ngayon?

Isaac: Oo nga eh.

Psalmia: Ahh… siguro sa sitwasyon dito sa bahay. Wala naman kasi talagang tatagal sa ganitong klaseng—

Naomi: Psalmia! Pigilin mo iyang bibig mo!

Psalmia (pasigaw): Bakit? Di ba totoo naman? Totoo namang sigawan na lang kayo parate ni Tatay?

Isaac: Psalmia… (holds Psalmia’s hand)

Psalmia: Hayaan mo ako, Kuya.. (titingin sa ina) Di ba—

(lilitaw si Luke)

Luke: Psalmia, bakit?

(Tatakbo si Psalmia palapit kay Luke)

Psalmia: Kuya, sabihan mo nga sina Mommy at Tatay na huwag na silang mag-away! Ayaw pang umamin ni Mommy, eh! Totoo naman! Tahimik ka lang kasi lagi, eh! Siguro pag nagsalita na kayo ni Kuya Isaac, baka pakinggan nila kayo!

****************************************

Narrator: Theophania National Science High School, 2:36 PM, Break time.

(Scene: Makikita ang rooms ng eskwelahan na kakaunti lang ang naroroon at puro nasa labas ang mga estudyante. May mga nagbabasa ng mga makakapal na libro sa ilalim ng puno, may naglalaro ng sepak takraw, at may mga bumibili naman sa canteen. Kabilang doon sina Isaac at Daniel. May hawak silang Zesto® Big Juice Apple Flavor sa kanang kaliwang kamay at sandwich sa kanan.)

Isaac (kakagat sa kanyang sandwich): Ganon nga.

Daniel: That’s not a good situation.

Isaac: Oo nga eh… Wala nga akong magawa kaya hindi na ako nagsasalita.

Daniel: Pinagpe-pray mo ba?

Isaac: Minsan. Pero nagsasawa na rin kasi ako kasi wala namang nangyayari, ganun pa rin. Parang hindi naman nakikinig si Lord.

Daniel: Hindi naman.

Isaac: Ewan ko. (iinom ng juice)

Daniel (iinum ng juice): Kaya siguro ayaw mong mag-surrender sa Church work.

Isaac (tumingin sa ibang direksyon): Ano? Hindi…

Daniel: Eh, ano pa?

Isaac: basta… eh.. mahirap eh. Basta. Ayaw ko.

Daniel: Di ba sabi mo parang may nararamdaman ka na calling?

Isaac: Parang lang iyon. Kung totoong tinatawag ako ng Panginoon, dapat hindi kami nagkakaganito. Pati si Kuya Luke nanghihina na rin eh. Hindi ko alam.

Daniel: Basta Isaac. Ipagpasa-Dios mo lang iyan. Basta sundin mo ang panawagan niya. Pumasok ka sa Bible School.

Isaac: Ay, basta.

Daniel: Bahala ka.

****************************************

Narrator: Temperamente Residence, 6 PM.

(Scene: Nakahanda na ang lahat para sa mid-week at prayer service. Naka-peach long sleeve si Luke; naka-lavender polo naman si Isaac; nakabulaklaking bistida naman si Naomi. Kagaya ng dati ay magpapaiwan si Psalmia sa kanyang Uncle na nasa kabilang bahay. Ngunit kitang-kita ang pagtataka sa mukha ng mga ito.)

Luke: Si Tatay?

Naomi (kitang-kita ang pag-aalala sa mukha): Hindi naman siya nagte-text sa akin.

Isaac: Ano kayang nangyari?

God is Alive! (A Script Story) Part 2

by Elijah Abanto

Narrator: EveryTel Call Center, Theophania, Thursday, 8 AM.

(Makikita si Cephas na nagmamadaling pumasok sa glass door ng kanyang opisina sa Call Center. Muntik pang mahulog ang kanyang salamin sa pagmamadali. Nakahinga siya nang maluwag nang maibaba ang kanyang gamit sa kanyang desk. Lalapit sa kanya ang kapwa supervisor na si Alfredo.)

Alfredo: Cephas, kamusta? Mukhang pinagbagsakan ka ng langit, ah! Muntik ka pang ma-late. Are you alright?

Cephas: Nagbunganga na naman kasi si Misis kanina. (Napapailing)

Alfredo: Hay, naku, `Pas! Hindi ka na ba nagsawa sa asawa mo! Ba’t ayaw mong sampalin nang tumigil!

Cephas: Mali naman yon. Asawa ko pa rin siya. Ipagpe-pray ko na lang siya.

Alfredo: Cephas, umiral naman iyang pagkarelihiyoso mo! Ilang beses mo nang sinasabi sa akin iyang pagpe-pray-pagpe-pray pero may nangyari ba? Wala! Hanggang ngayon bungangera pa rin ang asawa mo!

(hindi na sumagot si Cephas)

Alfredo: Hindi ba, totoo? Hayy, try mo lang na sipain yang Misis mo!

(tumingin sa desk si Cephas)

Alfredo: By the way, Cephas, may dinner out party tayo mamaya. Announced ni boss Gammy.

Cephas: `Fredo, alam mo namang hindi ako—

Alfredo: Opps, opps, opps! Ayan ka na naman! Puro ka na lang “hindi pwede.” “May problema.” Ano ka ba? Mag-enjoy ka naman! Plus, may mga girls doon. Sexy. Pwedeng-pwede. (babalik na sa kanyang sariling desk)

Cephas (tumingin sa kanyang bolpen): (sa isip) Oo nga, Lord! Bakit parang hindi mo sinasagot ang panalangin ko! Gusto ko namang ayusin ang sarili ko eh! Inaamin ko namang masyado akong undisciplined at magulo pero gusto ko namang mabago iyon. Plus, hindi Niyo po ba pinapa-realize kay Naomi na nasasaktan ako sa sinasabi niya! Paano maliligtas ang aming anak na si Psalmia kung ganoon ang relasyon naming dalawa?

Cephas (titingin kay Alfredo): Alfredo, baka makasama ako.

Alfredo: Okay! Tumino ka din!

**********************************************************************************

Narrator: Theophania National Elementary School, Thursday, 11:30 AM.

(Makikita sa isang classroom ng VI-Solemn ang mga estudyante habang patapos na ang klase sa asignaturang Science. Kasama doon si Psalmia. Sa hitsura niya ay halatang may yamot siyang tinitimpi.)

Teacher: Okay, class dismissed!

Psalmia:  Classmates, `lika na!

Classmate 1: Sabi mo ayaw mong umuwi!

Psalmia: Oo nga! Pero alangan naman hindi ako kumain ng lunch!

Classmate 2: Oo nga, gusto mo sa amin na lang kayo kumain.

Psalmia: Hindi, okay lang ako. Gusto kong makasama si Kuya Luke kahit sandali. Tuwing Huwebes lang siya nasa bahay nang buong araw. Gusto ko naman siyang maka-bonding.

(Lalakad na sila palabas ng room)

Classmate 3: Kamusta na parents mo?

Psalmia (dumilim ang itsura): Inaasar mo ba ako? Ganon pa rin. Away pa rin.

Classmate 3: Kahit kaninang umaga?

Psalmia: Oo, bago ako ihatid ni Tatay, binungangaan muna siya ni Mommy. Ang sarap ng almusal ko. Di ba? Dito na nga lang pahingahan ko eh, kung tutuusin. Dito ko nagagawa ang lahat ng gusto ko.

Classmate 1: Hindi ka ba nalulungkot sa situation niyo?

Psalmia: Siyempre nalulungkot. Hindi naman ako tuod eh. Pero ano lang mang yayari sa akin kung puro lungkot iisipin ko? Mamamatay ako nang maaga kung ganon. Kaya iniiyak ko na lang pag gabi at nangti-trip ng classmate kinabukasan.

(Nasa labas na sila ng gate ng school)

Classmate 2: Mabait ba yon si Kuya Luke na sinasabi mo? Hindi ko pa kasi yon nakikita, eh. Si Isaac lang. Gwapo din ba siya?

Psalmia (aaliwalas ang itsura): Oo naman! Eto ang picture niya, oh. (May ilalabas na litrato na wallet-size siya mula sa kanyang pitaka) Look…

Classmate 3: Wow, super gwapo talaga! Ilang taon na?

Psalmia: Guess what!

Classmate 2: 17, 18…

Psalmia: 19 years old. Wala pang GF!

(mapapadaan sa harap ng TBBC)

Classmate 1: Psalm’, di ba yan yung church niyo?

Psalmia: Yan? Hindi ko church iyan! Mga masusungit mga tao diyan! Sina Kuya Luke at Isaac lang ang mabait diyan!

God is Alive! (A Script Story)

by Elijah Abanto

Narrator: Theophania, Wednesday, 8 PM.

(Scene: Makikita si Luke na nakangiti habang pababa mula sa bus na may dalang matabang bag. Kita sa kanya ang pagod sa pagbabiyahe ngunit hayag din ang saya sa kanyang mukha. Papasok siya sa isang eskinita at kinakausap ang sarili.)

Luke: Ang sarap talaga ng pakiramdam ng nakakapag-witness. Buti na lang tumanggap si Kuya Alberto. Thank you, Lord! Sana magpatuloy siya. Nawala din ang pagod ko mula sa pagbiyahe sa Bible School! Matutulog ako nang mahaba ngayong gabi.

(tumigil sa pagsasalita nang may makasalubong na babaeng padaan)

(Papasok sa gate ng isang bahay na hindi naman kalakihan at magpapatuloy kausapin ang sarili.)

Luke: Buti na lang ginawa munang day-off ang Thursday. Makakapagpa—

(matitigilan sa sigaw na maririnig)

Naomi: Wala ka talagang kaayusan sa sarili mo, `Pas! Ano bang klase kang lalaki ka, ha?! Pagkatapos mong tumunganga sa harap ng telebisyon iiwanan mo lang nakabukas! Nakalagay pa ang tsinelas mo sa iba—

Cephas: Sorry na! sorry na! papatayin ko na oh! Yan, masaya ka na! Oh, kukunin ko na ang aking tsinelas at itatabi ko na! Sorry na! Para yan lang nagagalit ka na agad—

Naomi: Ano’ng—

Isaac: Ma, si kuya Luke, nandiyan na. (titingin sa direksyon ni Luke ang lahat)

Naomi: Ay, anak, pumasok ka na. Pasensya ka na, Luke, ah, kasi… (titingin sa asawa at magsasalita na pigil ang galit) Walang disiplina sa sarili itong Tatay mo eh. Luke, pakihanda naman itong Kuya mo ng hapunan.

Isaac: Opo. Kuya, `lika na.

============================================================

Narrator: Theophania Bible Baptist Church, Thursday, 8 AM.

(Scene: Makikita si Luke na tumitipa sa grand piano. Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit halata ang pag-aalala sa kanyang kilos. Parang may iniisip siyang malalim na hindi maintindihan.)

Luke (nagsasalita ang kanyang isip): Bakit ba ako nandito? Di ba day-off ko ngayon? Nalulungkot ako. Lagi na lang ganon sina Mama at Tatay. Away nang away. Ang saya ko kagabi sa pagwi-witness ay agad ding nawala sa sigawan na narinig ko. Well, I should not be surprised, but, hindi ko rin dapat ikatuwa iyon. Ilang minuto na kaya sila nag-aaway noong dumating ako? 10 minutes? Nung pumunta ako sa kwarto ni Psalmia, nakita ko siyang umiiyak. Sabi niya dahil araw at gabi na lang daw sila lagi mag-away. Si Isaac parang nasanay na lang sa eksena, pero alam ko apektado rin siya. Baka nga yon ang dahilan kung bakit ayaw niyang magsuko ng buhay sa Panginoon. At ang dahilan kung bakit ayaw mag-church ni Psalmia. Hayy… (Iyuyuko ang kanyang ulo)

(May tatapik ng kanyang likod)

Abigail (ngingiti): Luke, ano’ng problema?

Luke (titingala at ngingiti din): Abie… ahh… I’m okay.

Abigail (napakunot-noo): Talaga? Hindi eh. Your parents again?

Luke (bubuntung-hininga): I’m worried for them all. You know… It seems everything in our family is not okay. At kahit ganon, hindi naman pwedeng sumimangot sa harap ng mga miyembro, o bisita. Tuwing tatayo ako sa harap para magpakanta, gusto kong umiyak, pero I must smile para hindi ma-embarrass ang mga tao.

Abigail: It’s sure sad. Pero hindi ba there are also many things for you to be thankful for? Ako, though I have my share of difficulties and struggles, I still have many things to be thankful for the Lord. It maybe not the same as yours pero the truth is, we have something to be thankful for.

Luke (tumango at sinubukang ngumiti): You’re right. “In everything give thanks” sabi nga ng Bible. Tama, marami pa rin akong dapat na ipagpasalamat sa Kanya. Thank you, Abigail, for the reminder. Siguro I must give all my anxiety to Him, don’t you think?

Abigail (tumango sa pagsang-ayon): Yeah, you’re right. By the way, would you mind if  we have a snack?

Luke: Sure, let’s go!