Long Distance Relationship: Will It Endure? Does It Work?

long distance

by Mrs. Olivia Abanto

Ang isang nagpapatibay ng lahat ng uri ng relasyon ay ang komunikasyon. Ngunit sapat ba ito upang mapanatili o mapatibay ito?

Ito ang mga bagay na sumagi at naglaro sa aking isip nang aking bigyang pansin ang iba’t ibang uri ng relasyon.

Sa relasyon ng magkaibigan, isang kapatid ang minsang nagsabi sa akin, “Sa dinami-dami ng kaibigang tinuring ko ikaw ang binilang kong the best sa mga kaibigan na ’yon.” Hindi lang isa o dalawa ang nagbigkas ng ganyang mga kataga sa akin, pero dahil walang ganoong komunikasyon, sa anumang kadahilanan, ang pagiging best friends na tinatawag ay hindi ko napatunayang nanatili o tumibay, marahil hanggang sa puso lamang.

Isang pagiging katuwang sa gawain nang buong buhay ang naging pangako ng magkapatid sa Panginoon. Naunawaan niyang ang ‘gawain’ ay tunay na di simpleng grupo na pinupuntahan kada Linggo, pakikinig ng pangangaral ng Salita ng Diyos, pagkukumustahan—kundi ito’y pagtatalaga ng sarili upang sa lahat ng makakayang paraan ay maging katuwang ang isa’t isa sa pagpapatuloy at pagsulong nito. Datapwa’t sa agwat ng distansya tila ang pagtatalaga (commitment) ng pangako ay napapako. Nakakalungkot mang isipin, ang kasabihang, “Out of sight, out of mind” ay nagkakatotoo.

Sa harap ng bandana, dalawang mag-sing-irog ang nagbitiw ng pangakong “till death do us part,” datapuwa’t sa kahirapan ng buhay napilitang lumayo ang isa sa kanila upang pag-unlad ng pangarap ay magkaroon ng katuparan. Bihira sa ‘hindi’ ang pangakong “till death do us part” ay naibigay na sa malapit na kapiling na nagpadama ng pagmamahal na tunay daw.

So far so bad ang sagot sa tanong na hinahanapan natin ng sagot. But don’t lose hope, I still have one stick to go before we make a conclusion.

Tatlumpung taong nakalilipas nang tinanggap ako ng Diyos bilang anak, sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Physically ang Ama ay napakalayo sa akin. Ngunit ang mga pangakong pagtanggap at pag-ari sa akin bilang anak kailanman ay hindi binawi sa akin. Malayo man ang Ama sa akin ngunit ang Kanyang pangakong pagtatalaga na “kailanman ay hindi kita iiwanan ni pababayaan man”—wala akong naaalalang pangyayari o sapantaha na iniwan Niya o pinabayaan man ako. Naniniwala akong kahit isa sa Kanyang mga anak ay hindi nakaranas ng pagpapabaya. Bagaman sa pisikal na aspeto ay wala ang Diyos sa piling natin at di tiyak kung kailan ang takdang panahon ng pagsasama natin sa Diyos, walang pagkikitaan sa buhay ko na ang pagmamahal ng tunay ng Diyos ay di Niya pinadama sa akin. Hindi naging hadlang ang kawalan ng pisikal na presensya ng Diyos sa akin upang mapatunayang ang pangako Niya ay laging tapat. Laging ang linya ng komunikasyon ng Diyos ay bukas at di naging pang-abala sa Kanya. Ang pangako ng di pagpapabaya at pagmamahal ay lagi Niyang pinararanas sa bawat anak Niya.

In my sense of terms: Long Distance Relationship: Will it endure, does it work? Yes. Dahil ang ating Ama ay pinatunayan ito. Manatili lamang sa tamang landas, manatili lamang sa pagsunod sa ating Ama, dahil Kanyang sinasabi, “It is God which worketh in us both to will and to do of his good pleasure” (Philippians 2:13). Mabuti Niyang kaluguran na ang mga ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan, magkakapatid, at mag-aasawa ay trabahuhin at pagtiisan kahit na ang distansya ay mahaba. Nagawa ito ng Ama kaya kaya rin natin itong gawin.

Pagpapalain kayo ng Diyos!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s