Hindi Sapat ang Pag-ibig Mo

Kung Bakit ang Respeto ay Mas Mahalaga sa Isang Lalaki Kaysa Pag-ibig

ni Shaunti Feldhahn

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Elijah E. Abanto

“Pumili kayo sa dalawang bagay na ‘to,” sabi ng isang tagapagsalita. Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong silid na binubuo ng mga single na lalaki sa isang banda, at mga single na babae sa kabilang banda. “Ano’ng mas gugustuhin niyo, maramdaman na mag-isa ka lang at hindi minamahal, o maramdaman na ikaw ay masahol at hindi nirerespeto?”

Anong klaseng pamimili iyon? naisip ko dati. Sino’ng pipili na maramdamang hindi siya mahal?

“O sige, mga kalalakihan,” sabi ng tagapagsalita sa mga lalaki sa silid. “Sino ang mas gusto na maramdaman na hindi siya mahal?”

Napakarami ng nagtaas ng kamay. Hindi mapigilang mapasinghap ng mga kababaihan sa nasaksihan. Isang katotohanan ang naipakitang hindi napansin ng mga babae: Mas gugustuhin pa ng mga lalaki na makaramdam ng respeto kaysa ating pag-ibig.

Simula noon ay sinimulan ko ang misyon para maunawaan kung paano ba talaga mag-isip at makaramdam. Nag-interview ako ng higit sa 1,000  na mga lalaki: mga malalapit na kaibigan, mga estranghero sa grocery store, mga may-asawang lalaki sa church, at sa single na estudyanteng katabi ko sa eroplano. Nakipag-usap ako sa mga CEOs, abogado, pastor, mga magagaling sa gadget, negosyante, isang security guard, at yung mga lalaking nasa likod ng Starbucks counter. Pati propesyunal na mang-aawit ng opera at dating NFL player ay hindi ko pinalampas.

Marami akong natutunan mula sa mga lalaking ito, at sa totoo lang, ako’y namangha sa aking mga nakalap. Malamang ang pinakamahalagang rebelasyon ay ang katotohanan na ang mga asawang lalaki ay kailangan—as in kailangan—na i-respeto at patibayin ng kanilang mga asawa. Para sa isang lalaki, respeto, kaysa pag-ibig, ang siyang magiging daan para ang buhay-may-asawa ay maging isang kaigaya-gayang lugar ng pagsasama na itinakda ng Diyos.

 

Paano Yun Nangyari?

Kadalasan sa ating babae ay gusto na, higit sa lahat, ay maramdamang minamahal at pinapahalagahan, kaya naman ating pinapakita ito sa mga lalaki. Sa mga panayam, lagi kong naririnig ang mga may-asawang lalaki, “Hindi ako nagdadalawang-isip na mahal ako ng asawa ko.”

Ngunit magpapatuloy ang marami sa kanila, “Pero, nagda-dalawang-isip ako kung nire-respeto niya ako.” Ang problema, magkasintimbang lamang ang samang dulot sa kanila ng pakiramdam na walang respeto at ang samang dulot sa atin pag pakiramdam natin ay hindi tayo mahal. Tatlo sa apat ng mga lalaking aking in-interview ay nagsabi na mas makakaya pa nila na walang pagmamahal, kaysa walang pag-respeto.

Sinasabi kong “pakiramdam” dahil bagaman karamihan naman sa atin ay nire-respeto naman talaga ang lalaki ng ating mga buhay, mas madalas na wala sa isip tayong nagpapadala ng maling signal. Halimbawa, kapag siya’y gumagawa ng isang desisyon, awtomatiko natin itong kinikwestiyon, o binibigay natin ang lahat ng dahilan kung bakit maaaring mali siya. O pinapalabas natin sa mga anak natin na mas mainam ang ating naiisip. O kinikwento natin sa publiko ang isang “nakakatawang” kwento tungkol sa kawalan niya na kakayahan para ayusin yung gripo sa panlimang subok.

Kadalasan nating hindi nakikita ang implikasyon ng ganung ugali; iniisip natin na nagiging matulungin lamang tayo, o na mayroong tayong mas magandang solusyon. Ngunit para sa isang ordinaryong lalaki, ang mga ganitong aksyon ay masakit at nagsasabi ng isang bagay nang malakas at maliwanag: “Wala akong tiwala o respeto sa’yo.”

At ang malakas na mensaheng iyon ay hindi rin biblikal, tulad ng kultural na ideya natin na, habang ang pag-ibig ay walang kasamang kondisyon, ang respeto ay pinag-hihirapan. Sinasabi sa atin ng Biblia sa Efeso 5:33:

 

“Gayunman, ang bawat isa sa inyo ay magmahal sa kaniyang asawang babae tulad sa kaniyang sarili. Ang asawang babae ay magpitagan sa kaniyang asawa.”

 

Marami sa atin ang nararapat na alisin ang mga taon ng mga palagay at kaugalian habang ating natututunan na suportahan ang ating mga lalaking asawa sa paraan na talagang kailangan nila.

Sa puntong ito, nag-iisip siguro ang mga babaeng may-asawa, Tungkol naman lahat ito sa kanya. Ano’ng makukuha ko sa usapang ‘to? Ang Diyos ang Siyang puno ng kabalintunaan (paradox), at tulad na ang walang kondisyong pag-ibig ni Jesus para sa atin ay nagiging daan para ating gustuhin na maging karapat-dapat para dito, ang ating desisyon na magpakita ng respeto (nang walang pasubali) sa ating asawang lalaki ay nagiging daan para gustuhin niya na paghirapan ito—at mahalin tayo. Ang lalaki na binibigyang-galang at pinapatibay ng kanyang asawa ay nagiging asawang lalaki na ginawa siya ng Diyos na maging, isang lalaking mas linang na paliguan ang kanyang asawa ng walang kondisyong pag-ibig na inaasam-asam nito.

 

The 30-Day Challenge

Sa susunod na tatlumpung araw, huwag magsalita ng kahit anong negatibo tungkol sa iyong asawa, sa kanya o sa kahit sino pa man; imbes, mag-isip at magsabi lamang ng mga bagay na iyon na karapat-dapat ng papuri.

Habang ang hamong ito ay hindi awtomatikong magsasaayos ng bawat ugali na hindi magalang, bubunutin nito ang maraming tahimik na mapanirang kasanayan at isyu ng puso na hindi pa natin napapagtanto noon. At habang ating nire-respeto ang ating mga asawa sa paraang kailangan nilang mai-respeto, mararanasin natin ang kaligayahan na makita silang maging mga lalaking makadiyos na iniibig din tayo bilang balik. BDJ

Ang artikulong ito ay ang isinalin na bersyon ng “Your Love is Not Enough” ni Shaunti Feldhahn, In Touch® Magazine, May 2005, pp. 14-15.

 

Si Shaunti Feldhahn ay awtor na mabentang aklat na For Women Only: What You Need to Know About the Inner Lives of Men (Multnomah) at walong iba pa.  Maaari mong bisitahin ang kanyang website: www.shaunti.com.

Si Bro. Elijah Abanto ay concerned na sa relasyon ng mag-asawa kahit bata pa lamang dahil gusto niya itong paghandaan. Isang paraan ang isinalin niyang article na ito, bukod pa sa iba.

Advertisements

MGA YUGTO NG ADIKSYON SA PORN

nina Gene McConnell at Keith Campbell

 

Hindi lahat ng nakakakita ng porn ay magiging adik dito. May ilang mga aalis na mayroong maling ideya tungkol sa babae o lalaki, sex, buhay-may-asawa at mga bata. Ang ganitong uri ng pagkasira ay sapat na. At hindi lang porn ang sangkap para sa adiksyon. Kadalasan, sila na nagiging adik ay may isang uri ng emosyonal na kakulangan na pinapahintulot ang adiksyon na talagang mag-ugat.

May ilan sa inyo na binabasa ito ay magiging adik, tulad ko. Walang paki-elam ang mga kompanya ng porn kung ikaw ay lubusang maging adik sa kanilang produkto. Maganda ito para sa kanilang negosyo. Ang adik na costumer ay babalik-nang-babalik para sa mas marami pa. Kaya pinupuno nila ang kanilang porn ng mga larawang magpapasabik sa iyo, pumukaw sa iyo, at padaluyin ang iyong mga hormon. Sinasabi ni Dr. Victor Cline na ang sex at porn ay maaaring maging mas mahirap na adiksyon na itigil kaysa cocaine.

Limang Yugto ng Adiksyon

  1. Maagang pagkahantad. Karamihan sa mga taong na-a-adik sa porn ay nagsisimula nang maaga. Nakikita nila ang mga larawan kapag sila’y bata pa, at ito’y nakakaapak na sa pintuan.
  2. Adiksyon. Pabalik-balik ka sa porn. Nagiging regular na itong bahagi ng iyong buhay. Hindi mo na ito matigil.
  3. Paghahanap ng Mas Marami. Nagsisimula ka nang maghanap-nang-maghanap ng mas matinding klase ng porn. Gumagamit ka na ng mga porn na noon ay pinandidirihan mo. Ngayon ay pinapasabik ka na nito.
  4. Disensitisasyon. Paglaon, nagsisimula ka nang maging manhid. Kahit na ang pinakamatindi, pinakanakakababang porn ay hindi ka na mapasabik. Nagiging desperado ka na maramdaman ang parehong pagkasabik ngunit hindi mo na ito makita pa.
  5. Aktwal na pag-akto. Sa puntong ito, maraming mga tao ang gumagawa ng isang mapanganib na paghakbang at nagsisimula nang umakto. Lumilipat sila mula sa papel at plastik at elektronik na larawan papunta sa totoong mundo.

Nang ako’y personal na nakarating sa “aktwal na pag-akto,” nagsimula akong magpantasya tungkol sa kung ano ba talaga ang pakiramdam na makapanamantala ng isang babae. Di naglaon ay sinubukan ko ito isang gabi nang makakita ako ng babae na sakto sa eksena na tinuro ng porn na hanapin ko. Napakapalad ko. Napakapalad. Hindi ko nagawa. Pagkatapos na maisumbong, maaresto, at magpalipas ng panahon sa kulungan, doon ko na nagawang simulan ang proseso ng pag-aalis ng lahat ng kasinungalingan ng porn.

Ang iba’y hindi ganon kapalad. Ang convict na si Ted Bundy ay ganito rin nagsimula. Nang hindi na siya mapasabik, sinubukan niya ang “katotohanan”—panggagahasa, at pagkatapos ay pagpatay. Nang magtagumpay siya, ginawa niya itong muli. At muli. Seryoso ang adiksyon sa porn.

Ikaw ba ay adik na sa porn? Kung nakikita mo ang iyong sarili sa anumang punto sa progresyong ito, ikaw ay nasa seryosong panganib, kailangan mo itong mapagtanto—at humingi ng tulong. BDJ

Sinipi mula sa babasahing Dare to Dig Deeper na “Toxic Porn,” nina Gene McConnell at Keith Campbell. ©1996 Focus on the Family. Kinuha sa TroubledWith.com, isang ministeryo ng Focus on the Family. Isinalin sa Tagalog ni Bro. Elijah E. Abanto.

—————————————————————————————————————

First Aid Help for Porn Addicts: 1) Aminin at pagsisihan ang kasalanan na ito at ihingi ito ng tawad sa Diyos. 2) Sabihin sa isang makakaintinding tao, at humingi ng payo. 3) Basahin, pagbulay-bulayan, at kabisaduhin ang mga sumusunod na talata sa Biblia: Mateo 6:22-23; 1 Corinthians 6:18-20; Psalm 101:3; Ephesians 5:11-12; 1 Thessalonians 5:21-22; Job 31:1.

Isang Proklamasyon ng mga Isyu at Alalahanin sa Kalagitnaan ng mga Iglesiyang Bible Baptist sa Pilipinas

percussion

ni Pastor Archie Alvarez

Bible Baptist Mission of Imus, Cavite

(PART 1)

 

Paalala ng Editor: Kumuha lamang ng mga pinakamahalagang punto o sipi mula sa artikulong orihinal at hindi ang kabuuan ang isinalin sa Tagalog.

 

Nito lamang huli ay may ilang mga iglesiyang Baptist sa Pilipinas na nagsimula nang manghiram ng mga kakatwang mga kasanayan at naging bukas na modernong uri ng pagsamba. Hindi namin mapigilan na itigil ang aming katahimikan tungkol sa ilang mga isyu na kumukubkob sa grupo ng mga Baptist ngayon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba ring mga bahagi ng mundo.

 

Artikulo 1

Nararapat Ba na Gumamit ng Tambol ang mga

Kristianong Iglesiya sa Pagsamba?

 

Bagaman totoo na ang mga tambol ay katulad din lamang ng iba pang mga instrumentong pantugtog sa mundo ng musika, kailangan na ating suriin nang malawak ang ilang mga babala at katotohanan tungkol sa kontrobersyal na instrumentong ito kung ito ay dapat gamitin o hindi dapat gamitin sa isang pagsambang Kristiano.

Hindi kailanman na aking intensyon na sirain o ibaba ang sinuman na maaaring “PRO” sa paksang ito ngunit ang magbigay liwanag at magprisenta ng mga patunay ng kasaysayan at katotohanan ng Biblia na hindi base sa lohika lamang at pansariling opinyon o damdamin. Iminumungkahi ko na alisin muna natin ang anumang pagkiling pansumandali at maglaan ng seryosong konsiderasyon sa mga bagay na maya-maya ay maihahayag.

 

MGA PATUNAY

 

Yamang ang TAMBOL, PAGSASAYAW, at PAGSAMBA ay medyo napapagsama-sama, wala na tayong pagkukuhanan pa kundi ang mga Biblikal at historikal na katunayan para ipagtibay ang katotohanan tungkol sa paksa. Hayaan niyo akong maglahad ng limang katotohanan.

 

Unang Katotohanan

Ang tambourine o timbrel (minsan ay tinatawag na tabret) sa Biblia ay hindi parehong instrumento na ginagamit sa Rock Music at ilang mga Kristianong iglesiya sa ngayon na tagasunod ng pagsambang may tambol.

Sa desperasyon na patunayan na ang mga tambol ay ginagamit sa Biblia, ang mga tagasunod ng “Drum Worship” ay gumagamit ng ilang mga talata sa Biblia, tulad ng mga sumusunod: Exodo 15:20; Awit 81:2; 149:3; Awit 68:25; 1 Samuel 18:6.

Pagkatapos na banggitin ang mga talatang ito ay magpapatuloy sila sa pagpapaliwanag na ang salitang Hebreo na “toph” ay payak na nangangahulugang tambol; ngunit iyon ay kalahating katotohanan lamang at naniniwala ako na ito ay ipinapaliwanag sa ganoong paraan para patunayan ang kanilang paniniwala tungkol sa tambol na ginagamit sa pagsamba ngunit laliman pa natin.

Ang tabret ay isang sinaunang instrumentong perkusyon na wala na sa ngayon sa orihinal na porma. Ang pinakaunang pagbanggit nito (Genesis 31:27) ay bumabalik sa taong 1740 BC—iyon ay 3,700 taon nang nakakalipas. Ang ugat na salita para sa tabret ay tabor, na naglalarawan ng isang maliit na balangkas ng tambol na may isang ulo. Ang salitang tabor ay ginagamit din upang isalarawan ang balangkas na ginagamit para sa pagbuburda—may dalawang pabilog na ginagamit para mapanatiling mahigpit yung bagay. Kung ang timbrel ay mayroong maliliit na kuliling, singsing, o bakal na pabilog na nakadikit sa balangkas para gumawa ng isang masayang ingay, maraming nagsasabi na ang tabret ay wala ng mga ito. Bilang isang tambol, ang tabret ay malamang na pinapatunog sa pamamagitan ng pagpukpok gamit ang isang maliit na panambol, o sa pamamagitan ng pagtapik ng kamay. Kadalasan itong sinasaliwan ng isang pipa.

Sa mga sinaunang panahon, lumalabas na ang tabret ay ginamit ng mga Israelita, bagaman malamang ay hindi sa pagsamba sa Templo. (2 Kronika 5:12; Gen. 5:12; 1 Sam. 10:5; Job 17:6; Isaiah 5:12)

Ang timbrel, sa kabilang dako, ay isang instrumentong perkusyon na mayroon ngang mga kuliling, singsing, o bakal na mabibilog na nakadikit para gumawa ng isang masayang ingay kapag inalog o tinapik ng kamay. Mula sa ugat na salitang Hebreong toph (o tof), unang lumabas ito sa kasulatan sa Exodo 15, (mga 1490 BC), na nagkukumpirma, na ito rin, ay mula pa sa sinaunang panahon. Tulad ng tabret, ang timbrel ay mayroong mga laso, palawit, o bandereta na nakadikit para sa dekorasyon. Ang ilang mga sinaunang timbrel ay mukhang mayroong isang ulo ng tambol, tulad ng tabret, at ang ilan ay mukha lamang na balangkas.

Ang timbrel ay ginamit para sa maraming iba’t ibang kadahilanan kabilang ang: pagpuri, kaligayahan, kasiyahan, tagumpay, pag-awit, pakikipaglaban, selebrasyon, prusisyon, at pagsalubong. Pinapatunog ito sa maraming lugar: sa tahanan, sa labanan, sa mga pista at selebrasyon. (Job 21:12; Esaias 30:32)

Ang tambourine ay isang modernong katawagan sa timbrel.

Tingnan ang sumusunod na larawan:

 

 

Ngayon ang tambourine ba na ito ay pareho ang hitsura at gamit kumpara sa mga tambol ngayon tulad ng sumusunod?

 

 

 

 

 

 

Siyempre ang sagot ay HINDI.

 

Ikalawang Katotohanan

Ang tambol ay noon pa may koneksyon sa paganismo at sa diyablo.

1) Sa Aprika ang mga tambol ay ginagamit sa maka-demonyong mga ritwal tulad ng “Voodoo.”

Ang mga pulso ng tambol sa rock music ay pareho ding pulso na makikita natin sa mga ritwal ng mga tribong Aprikano. Ang kanilang mga seremonya ay naka-sentro sa pagsamba ng diyos na ahas na si Damballa sa pamamagitan ng pag-awit, pagsasayaw, at pagsapi ng ispiritu. Ang mga ito ang pumupukaw sa ispiritu, at ang pinakamatinding karanasan ay ang masapian sila ng demonyong iyon.

Ang pulso ng tambol ang siyang nagsasama-sama ng mga indibidwal sa iisang katawan, pinapagalaw sila na paraang iisa, na parang ang lahat ng mga katawang ito ay pinagdugtung-dugtong ng sinulid ng isang pulso, na dinadala ang katawan isang mabagal na paikut na alon na nagsisimula sa balikat, pagkatapos ay sa gulugod, mga hita at balakang.

Nangyayari rin ito sa isang modernong konsyerto ng rock. Ang mga aksyon na makikita mo sa madla ay magbibigay sa atin ng impresyon na parang may nangyayaring uri ng pagsapi. Ang walang tigil at maramihang ritmo na pinapatunog sa mga pabilog na mga tambol sa isang voodoo ritual ang siyang katalista ng rhythm and blues, rock and roll, at heavy metal ngayon.

2) Ang mga tambol ay may koneksyon sa “Shamanism.”

Ang Shamanism ay ang primitibong relihiyon ng mga Ural Altaikong mga bayan sa Hilagang Asya, base sa paniniwala sa kumukontrol na ispiritu na maiimpluwensyahan lamang ng isang “shaman” (isang saserdote na may mahika sa mga sakit at mga masasamang ispiritu).

Sa Siberia, sa Hilagang Asya, ang mga tambol ay ginagamit sa mga ritwal ng shaman para magpagaling. Pinaniniwalaan na magagawang makipag-usap ng isang shaman sa mundo ng ispiritu sa pamamagitan ng tambol.

Sinabi ni Danny Sugerman sa aklat niyang Appetite for Destruction na ang mga tambol ay kasing-kahulugan ng pakikipag-usap sa mga ispiritu ayon sa mga shaman. (p.208) Sinabi pa ng ekspertong si David Tame sa aklat niyang The Secret Power of Music na walang pagkakaiba ang tagatambol ngayon at shaman noon (p. 199). BDJ

From The Manifesto of Issues and Concerns among Bible Baptist Churches in the Philippine Islands, ©2009 by Pastor Archie Alvarez. Translated by Bro. Elijah Abanto with permission.

Sumasamba Ba Tayo?

Isang Imbestigasyon Tungkol sa Tunay na Pagsamba sa Diyos

by Bro. Elijah E. Abanto

 

Nito lamang nakaraang Disyembre, 2008, noong ikatlong anibersaryo ng ating iglesiya, ay ipinangaral ng isang panauhing beteranong pastor ang kahalagahan ng pagsamba sa Diyos. Bagaman nagkamali ito sa aplikasyon ng konsepto na ito (dahilan para i-adopt nito ang istilong “praise and worship” at gibberish tongues), ay biblikal naman ang kanyang pagtingin sa kahalagahan nito at kakulangan nito sa karamihan ng mga Baptist na iglesiya.

At nito lamang mga nakaraang linggo, isang beteranong misyonero naman ang nagsabi na karamihan sa mga iglesiyang Baptist ay hindi talaga sumasamba sa Diyos dahil hindi pangsamba ang mga inaawit natin sa himnaryo, kundi mga patotoo lamang at pang-ebanghelismo.

Sa parehong pagkakataong ito ay hindi naging malinaw kung ano ba ang tinatawag na pagsamba o worship. At nang ako’y nag-imbestiga, aking nakita na sa kabuuan, ay nagkukulang tayo sa aspetong ito.

Si Donald S. Whitney, isang Baptist na awtor ng aklat na Spiritual Disciplines for the Christian Life (NavPress), ay ibinahagi ang kanyang karanasan  noong ikasumpung kaarawan niya. Masaya na sana ang kanyang kaarawan, dahil maraming handa, regalo; naroon din lahat ng kanyang pamilya at kaibigan. Ngunit nang sila’y manood na ng baseball, iniwanan siyang lahat ng mga ito at naiwan siyang nag-iisa habang nanonood. “Ipinapaala sa akin nito,” sabi niya kaugnay ng kwento, “ang paraan kung paano natin tratuhin ang Diyos sa pagsamba. Bagaman dumadalo tayo sa isang okasyon kung saan Siya ang Panauhing Pandangal, posible na Siya’y bigyan natin ng nakasanayan nang paghahandog, umawit ng kaunting mga alam na nating kanta sa Kanya, at pagkatapos ay lubusan na natin Siyang makalimutan habang tayo’y nakatuon sa ibang tao at nakikisaya sa pagganap ng mga taong nasa harapan natin” (Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life, p. 86, translated). At pagkatapos nito, sabi pa niya, ay sa tingin natin ay nagawa natin nang tama ang ating obligasyon na Siya’y sambahin. Ngunit hindi pala.

Ayon sa Encarta® World English Dictionary, ang salitang worship ay nagmula sa Matandang Ingles na salitang weortscipe, o worthship, na ang ibig-sabihin ay “condition of worth” o kahalagahan. Ito ay sang-ayon sa mga talatang mababasa natin sa Biblia na nagsasalaysay ng mga eksena ng pagsamba sa Diyos tulad ng Pahayag 4:11; 5:12-13. Pagbibigay ng karapat-dapat na pagpapahalaga sa Diyos—yan ang isang kahulugan ng pagsamba.

Sa Webster’s Seventh-New Collegiate Dictionary, ang pagsamba ay nangangahulugang “paggalang o pagpitagan sa isang dibinong persona [tulad ng Diyos]” (p. 1031, translated). Ang “paggalang o pagpitagan” ay isang gawaing hindi nagsisimula sa labas paloob, kundi mula sa loob palabas. Bago ka sumagot sa iyong magulang nang pabalang ay nasa puso mo muna ang hindi paggalang. Bago mo matapat at mahigpit na yakapin ang iyong asawa o anak o kaibigan ay mayroon munang pag-ibig na nasa iyong puso. Ganoon din sa Diyos.

At mula sa panloob nating nararamdaman ay hindi natin mapigilan na tumugon at ituon ang atensyon sa Kanya. Pag nakikita mo ang magandang paglubog ng araw, o tinig ng mga ibon, ay maiisip mo ang kadakilaan ng Lumikha at mula sa puso mo ay mapapaluhod ka, o maiiyak, o mapapa-awit, o makakapagbigkas ka ng pasasalamat sa Kanya. Iyon ang pinaka-ibig-sabihin ng pagsamba: “ang pagtutuon ng atensyon at pagtugon sa Diyos” (Whitney, Spiritual Disciplines, p. 87). Basahin mo ang dalawang siping ito mula sa Biblia ng mga halimbawa ng pagsamba: Juan 20:28; Pahayag 4:8. Makikita mo rin na sa maraming pagkakataon ang mga pinagaling ni Jesus ay “lumuhod at sumamba sa harapan Niya.”

Mula doon ay masasabi natin na hindi totoo ang sinabi ng misyonero na hindi talaga tayo sumasamba sa Diyos kung hindi pang-worship ang kinakanta natin. Mali din ang aplikasyon ng beteranong pastor na iyon na masasamba mo lamang ang Diyos kung magpe-praise and worship style tayo. Paano ang pipe na hindi man lang makapagsalita? Paano ang mga lumpo at paralisado na hindi makatalon o maitaas ang kamay tulad ng ginagawa ng mga Pentecostal? Ang pagsamba ay higit pa sa pagkanta ng worship song o pagtalon o pagtaas ng kamay na sinasabi nila.

Dadalhin tayo sa pagsamba sa Diyos ng mga pagpapahayag Niyang ito: sa pamamagitan ng (1) sangnilikha o Creation (Roma 1:20); (2) Kanyang isinulat na Salita, ang Biblia (2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:20-21); at ng (3) Buhay na Salita, si Jesu-Kristo (Juan 1:1, 14; Hebreo 1:1-2).

Hindi lamang pag-awit ang ekspresyon ng pagsamba. Maaaring ikaw ay sumasamba sa Diyos kahit sa pagbabasa mo lamang ng Biblia; pakikinig ng pararangal; pananalangin at pakikinig sa pananalangin; maging ang pagsunod sa Kanya at anupamang bagay na ginagawa sa ngalan Niya, ay maaari yung maging pagsamba. Ngunit higit pa rito, ang pagsamba ay yung punung-puno ang iyong isip at puso ng tungkol sa Diyos na hindi mo na maisip na gumawa ng anupamang bagay. Yun ang pagsamba.

Ngunit, tulad ng aking nasabi, marami sa ating iglesiya, at sa palagay ko’y karamihan sa mga iglesiyang Baptist, ay hindi talaga sumasamba sa Diyos—pangunahin na rito ang mga manggagawa. Hindi porke na isa ka sa mga pinaka-abala sa worship service ay ikaw na ang pinakasumasamba sa Diyos. Madalas ay kabaligtaran.

Nakita ko ang katotohanang ito sa aming mga estudyante sa Bible school. Tandaan na kadalasan ang mga nag-aaral sa Bible school ay mga manggagawa sa kani-kaniyang iglesiya. Tuwing kami’y magde-devotion sa umaga o chapel hour sa tanghali ay kita mo ang kawalang sinseridad sa ginagawa ang mga estudyante rito—minsan ay kabilang ako. Makikita mo na dinidiktahan ang nagpapakanta o nangungunang mag-aaral, niloloko o pinagtatawanan ang mensahe o patotoo, nagkikwentuhan ang mga estudyante, at walang paki-elam sa kaayusan ang mga ito. Ang nakikita kong pinaka-sinsero sa ginagawa niya tuwing ganitong oras ay yung isang 1st year student na anim na buwan pa lamang sa Baptist church na kanyang kinabibilangan at galing pa sa Pentecostal. Wala, ayaw-na-ayaw mag-special number, kung aawit man, ay hindi talaga pinaghandaan.

Pag-uwi sa iglesiya, may makikita kang palingon-lingon na ina habang nananalangin; mga kabataang nakikipagdaldalan habang preaching o choir number; mga batang kumakain ng sitsirya habang nagpi-preach ang pastor; mga taong akyat-baba dahil “nasi-C.R.” Ang mga workers naman ay abala sa pagpigil ng ingay, pagkuha ng bilang, pagpapa-fill-up ng visitor’s slip, at pagtatanong kung ano na ang susunod sa “worship” programme. Aawit lang kung kailan naisip, magbabasa kapag sinipag, at ipipikit ang mata kapag ginusto lang. Hindi nga nakikipagdaldalan, ngunit hindi naman iniisip ang ipinapangaral ng pastor. Nakapikit nga ang mata, ngunit sa totoo lang ay pagkain sa tanghalian ang umiikot sa utak. Marami din ang natutulog. Umaawit nga, wala naman sa puso ang kinakanta. Nagbibigay nga, ngunit parang gawa lamang ng responsibilidad. Aktibo nga sa iglesiya, ngunit ang buhay ay hindi tama sa harap ng Diyos. Mga kapatid, hindi ito pagsamba. Ito’y pagpapahiya sa Diyos. Ang Panauhing Pandangal ay gusto na lamang sigurong umalis dahil parang wala naman ang tinatawag na pagsamba. Alalahanin, ang pagsamba ay mula sa loob palabas.

Para na tayong mga Fariseo, na sinasabihan ni Jesus, “Pinaparangalan ako ng mga taong ito ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang puso ay malayo sa Akin. Sinasamba nila Ako nang walang kabuluhan” (Mateo 15:8-9). Ang tawag dito ay ka-ipokritohan.

Ang pagsamba sa Diyos ay pagsamba sa Kanya “sa ispiritu at katotohanan” (Juan 4:24). Sa ispiritu, o sa loob, at sa katotohanan, o sa panlabas. Ganoon ang tunay na pagsamba. Hindi na kailangan at hindi na dapat mang-hiram pa ng musikang hindi sang-ayon sa Diyos para masabing sumasamba ka. Hindi kailangan ng pagtalon at pagtaas ng kamay para masabing sumasamba ka. Ang kailangan ay pagtuon ng atensyon at pagtugon sa kung sino Siya.

Sumasamba ba tayo? Alam na natin ang tunay na pagsamba. Totohanin na kaya natin ngayon?

Sincerely Yours, Job (Part 3)

by Bro. Elijah E. Abanto

Base sa sermon ni Charles R. Swindoll, What Job Teaches Us About Ourselves

Last time ay tinalakay natin ang apat sa mga bagay na tinuturo ni Job tungkol sa ating mga sarili, at ang dalawang pinakahuli ay na kailangan ng matinding pag-intindi para matutop ang maling payo mula sa mga taong malapit sa atin—hindi palaging mayroong maka-Diyos na pagtingin ang mga mahal natin sa buhay, ang Biblia lamang. Kailangan din nating tamang doktrina para tayo’y manatiling matibay. At ang teolohiyang alam ni Job noong oras na iyon ay ang kaalaman na tayo ay hindi narito para maging masaya—narito tayo para bigyang-kalualhatian ang Diyos. Wala tayo sa mundo para lamang tumanggap ng kabutihan, narito tayo para purihin at sambahin ang Diyos sa lahat ng pangyayari sa ating buhay.

Narito ang panlimang prinsipiyo: Ang mga nag-aalala at sensitibong kaibigan ay alam kung kailan sila darating, paano mananatiling tahimik, at kung ano ang sasabihin (kung mayroon man!). Dito papasok ang mga kaibigan ni Job. Pansinin mo ang mga sumusunod na talata:

Nang mabalitaan nga ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat na kasamaang ito na sumapit sa kaniya sila’y naparoon bawa’t isa na mula sa kanikaniyang sariling pook, si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamathita: at sila’y nangagkaiisang loob na magsiparoon upang makidamay sa kaniya at aliwin siya. At nang kanilang itanaw ang kanilang mga mata mula sa malayo, at hindi siya makilala, kanilang inilakas ang kanilang tinig, at nagsiiyak at hinapak ng bawa’t isa sa kanila ang kanikaniyang balabal, at nagbuhos ng alabok sa kanilang mga ulo sa dakong langit.Sa gayo’y nangakiumpok sila sa kaniya sa ibabaw ng lupa na pitong araw at pitong gabi, at walang nagsalita sa kaniya: sapagka’t kanilang nakita na ang kaniyang paghihirap ay totoong malaki.(2:11-13)

Ang isang mabuting kaibigan ay hindi nabibigong puntahan ang kanyang kaibigan sa pangangailangan—sa tamang panahon. Alam ng tatlong ito na kailangan ni Job ng karamay, kaya hindi sila nagdalawang-isip na puntahan at damayan ito. Sila’y nalungkot at nakiramay sa damdamin ni Job—sila’y umiyak at  naghagis ng alabok sa ulo. Alam dapat ng kaibigan kung kailan magsasalita at hindi magsasalita sa tamang panahon, at sa pagkakataong ito ay nagawa nila iyon. Kapag ganito ang isang kaibigan, maaari tayong makakuha ng lakas para magpatuloy sa kabila ng pagdurusa.

Alalahanin natin sina David at Jonathan. Sa pakikipagkaibigan ni Jonathan ay nagawa ni David na magpatuloy sa kabila ng oposisyon at patuloy niya itong naging inspirasyon hanggang siya ay maging hari ng Israel. Kung babasahin mo ang Mga Awit ay makikita mo na karamihan sa mga psalmong isinulat niya ay puno ng kalungkutan at panghihina, at maaaring isang bagay na tumulong sa kanya para ito’y makayanan ay ang pagkakaibigan nila ni Jonathan.

Sa ikatlong kabanata ng Job ay makikita natin ang ika-anim na prinsipiyo:

Pagkatapos nito’y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan. (v. 1)

Madali lamang na magpakatibay sa simula, ngunit paglipas ng panahon ay manghihina rin tayo. Iniisip mo siguro noong una na tapos na ang istorya ni Job—na pinuri niya at sinamba ang Diyos, na hindi niya isinumpa ang Diyos, at “hindi siya nagkasala sa kanyang mga bibig.” Ngunit hindi. Marahil ay iniisip ni Job, Siguro nakita na ng Diyos na hindi ko Siya susumpain kahit nagkaganito ako kaya marahil ay ibalik na niya ako sa dating kalagayan. Ngunit ang pag-asang ito ay naudlot. Kaya naman siya, sa tindi ng kanyang discouragement at panghihina at pagdurusa, ay hindi na mapigilan ang sarili na sumpain ang kanyang kaarawan. Ganun naman lahat sa atin eh—kahit sa mga matitibay na Kristiano ay nangyayari ito—madali lamang sa simula na magpakatibay ngunit kapag tumatagal na, parang mahirap na—at hindi exception si Job. Tingnan pa natin ang mga sumusunod na talata:

At si Job ay sumagot, at nagsabi, Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag. Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw. Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan. Narito, mapag-isa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig. Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya. (vv. 3-8)

Maging ang kanyang mga kaibigan na sa simula ay ginawa ang trabaho ng isang kaibigan, ay hindi rin nakatiis at nagkomento na nang maling akala sa kanyang mga pagdurusa—at mula sa maling akalang ito nabuo ang chapters 4 hanggang 41 ng Job! The key is, kung hindi tayo kakapit at titingin sa Diyos nang maigi, manghihina at magkakamali talaga tayo sa ating paghatol sa mga bagay.

Bagaman nakita natin kung paano sinumpa ni Job ang kanyang “kaarawan,” ay hindi niya pa rin sinumpa ang Diyos. Alam niyang may layunin ang Diyos sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanyang buhay. Alam niyang may mas maganda pang nakalaan para sa kanya pagdating ng araw. Kaya tiniis niya pa rin ang kawalan, sakit, at mga maling bintang ng kanyang mga kaibigan hanggang sa pinakahuling araw nito sa kanyang buhay. Huling prinsipiyo: Ang paglinang ng masunuring pagtitiis, ang siyang nagpapakita ng marka ng maturidad. Alam niyo, may dalawang pagtingin ang tao sa pagdurusa: it’s either sa tingin niya ay isa itong hindi magandang panghihimasok ng Diyos sa kanyang buhay (na magre-resulta sa galit) o kaya ay isang oportunidad na ibinibigay ng Diyos upang ipakita sa Kanya ang iyong hindi nagbabagong katapatan (na magre-resulta sa pagtitiis hanggang wakas). Tumalon tayo sa huling kabanata ng aklat ni Job para bigyang-patunay ang huling prinsipiyong ito.

Nang magkagayo’y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi, Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya’t aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako’y magsasalita; ako’y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng pakinig; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata, Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo. (42:1-6)

Ganito ang tunay na maturidad: hindi mo ikakaila ang iyong mali; instead ay aaminin mo ito (na mahirap kung iisipin mo, Ang dami kong tiniis ah!) at magsisisi. At hindi umasa si Job na babaguhin ng Diyos ang kanyang kalagayan pagkatapos nito, ang mahalaga ay naunawaan na niya na hindi lahat ng bagay ay dapat niyang maunawaan—ang mahalaga, nandyan ang Diyos, at walang bagay na hindi nangyayari nang hindi Niya pinayagan at nang walang dahilan.

Please, Don’t Ignore!

bato

by Marbien Beniza

Edited by Elijah Abanto

IS IT HARD TO SEEK FOR THE TRUTH OR MAYBE WE ALREADY KNOW THE TRUTH BUT WE KEEP ON BEING BLIND BECAUSE WE WANT TO STICK TO WHAT WE GOT USED TO?

Base sa ating pananaw, kung ano ang ating kinalakihan ay yun na ang tama. But we’re ABSOLUTELY WRONG! Hindi natin malalaman ang katotohanan unless we’ll make our own research. Hindi tayo dapat dumepende na lang sa kung ano ang kinalakihan natin–bakit hindi tayo maging open-minded? Pag may bagay tayong natuklasan huwag natin itong balewalain. Instead, we must make our own research about it. Ang katotohanan ay nariyan lang sa harapan natin ngunit ayaw pa natin harapin.

This is based on my own experience. I was baptized as Roman Catholic—lumaki ako sa maraming kaugalian, pamahiin at tradisyon na pinalaganap nila.

When I was in elementary, there we had a subject named “RELIGION”. As usual, kasama sa tinuturo sa subject yung “TEN COMMANDMENTS” (lahat tayo alam yan!). Do you remember what does the 2nd commandment says? Exodus 20:4-6:

Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

Malinaw naman kung ano ang nakasaad dyan diba?! Ngunit bakit parang dumadaan lang ito sa mata natin at hindi na-a-absorb ng utak natin upang malaman natin na sa 2nd commandment pa lang ni God ay palpak na ang mga Katoliko?!

Ano ang mga ito? At sa lahat ng relihiyon… sino lang ang merong ganito?

Malinaw naman siguro kung ano yan… Yan ang batong kinalakihan natin! Bato! Gawa yan sa bato, minsan sa clay at sa mga ivory or porselaine!

Mula nang magkaisip kami ay tinuro sa amin na lumuhod at magdasal sa mga batong ito. Tuwing nagpupunta kami ng Baclaran para magsimba eh tinuro din sa amin na himasin ito bilang tanda ng pananampalataya dito. Hindi ba’t lahat tayong mga Katoliko e yan ang kinalakihan?

Pag meron tayong hihilingin na napakalaki ay magsisimba tayo at hihimasin natin (kung minsan ay panyo pa ang gamit natin) at ating dadasalan at pinakamalala sa lahat ay iiyakan diba?!

Minsan pa nga pag meron tayong hihilingin eh isusulat pa natin sa papel at i-pa-pardible natin sa mga batong ito!

Siguro nagtataka kayo kung bakit “bato” ang tawag ko sa mga yan?! Marahil ang iba sinasabi na ang bastos ko naman dahil hindi ko nirerespeto ang mga yan, pero totoo naman eh! Bato lang yan! Bato na likha ng tao! Bakit natin kailangan luhuran, dasalan, iyakan at sambahin ang mga batong yan!

Mula sa mga santo hanggang kay Maria at Hesukristo ay ginawan ng imahe! Karamihan pa nga eh ginagawa itong koleksyon…

Hindi ba’t sa bawat simbahan ay may nakalagay sa Sampung Utos ng Diyos? Ngunit bakit tila yata hindi nasusunod iyon? Sa pangalawa palang ay palpak na paano pa kaya sa mga sumusunod?

Hindi tayo kailangan gumawa ng mga batong ito upang ipakita ang pagsamba natin sa ating Panginoon… ang Diyos nandyan lang! Hindi mo pa sinasabi ay alam na niya kung ano ang nasa loob mo! Kaya bakit pa tayo kailangan gumawa ng mga batong ito?!

Isa lang yan sa mga naging palaisipan sa akin… Sumunod ay ang holy water. Oh! There is no such thing as “holy water”. Paano ko nalaman? Bakit hindi natin subukan buksan ang ating mga Bibliya… andun lahat ng kasagutan sa ating mga tanong. Yan ang sumagot sa aking mga curiosity! Wag natin gawing pang display o di kaya’y bulokin ang ating mga Bibliya.

Before, it never comes to my mind to read the Bible. Why? Because no one told me so, much more forced me to. I thought all you need is to have one… I never realized that I have to give myself a time to read it… I have lots of time but I just wasted it!

Do you know who made me realize that I need to read it in order to answer my questions? My brother! My brother, whom everyone laughed at and thought he made a wrong decision for his whole life!

My brother started visiting me when he left our grandma’s place… Grabe! Naawa ako sa itsura niya… laki ng pinayat niya at initim.

Everytime he visits me, he encourages me to visit his church. But I always decline. He always tells me what they are doing in the church. Minsan pa nga nagka-kwentuhan  kami at nabanggit ko sa kanya na kahit Katoliko ako eh hindi naman ako deboto! Hindi ko sinusunod ang karamihan sa mga tradisyon ng mga ito lalo na ang pagsamba sa mga bato nila! Nagsisimba ako, oo! Pero hindi ako sumusubo ng ostya or nagsasawsaw sa so-called holy water nila. Tinanong niya ako kung bakit, sabi ko wala lang! Hindi kasi ako naniniwala duon at I feel someone telling me not to follow it because it is wrong. He then told me na bakit pa rin ako nananatili sa pagiging Katoliko kung ganoon.

The next time my brother visited me, he gave me a comics! hahaha… siguro iniisip niyo yung comics na pang bata?! Hindi noh?!

The comics was all about the Catholics! Roman Catholics! Wonder what’s inside of it? Hayaan niyo bibigyan ko kayo ng kopya!

My brother gave me two comics: The Godfathers and Alberto.

I’ve finished reading The Godfathers for about 2 weeks, kasi naman paulit-ulit ko binabasa every page of it dahil nasa-shock ako sa mga nabasa ko at parang feeling ko namamalik-mata lang ako! I really can’t believe what I have read! It makes me realize na puro kasinungalingan lang ang Katoliko!!!

Grabe! Grabeng torture ginawa nila sa mga tao para lang mapalaganap ang Katolisismo!

The secong comics I’ve read was Alberto. Alam niyo ba ko kung gaano ko katagal binasa yun? Hours lang! Dahil nang maumpisahan ko yun eh hindi ko na maipikit ang mga mata ko! Nawala ang antok ko! Mas grabe pala ito sa unang nabasa ko! Yung title ng comics na Alberto ay pangalan ng nagkukuwento dun sa comics! This comics was based on a true to life story! Dr. Alberto Rivera was both the author of The Godfathers and Alberto. He was a jesuit priest before (priest of Roman Catholic)—na naging Baptist! Habang tumataas ang posisyon niya eh dumarami rin ang natutuklasan niya tungkol sa Romano Katoliko! Pati ang pang-to-torture ay naranasan niya dahil sa kagustuhan niyang tumiwalag na dito. Himala at nabuhay siya.

Maybe you are wondering why it made me believe to those comics that it was stating the truth about Catholic? I made a research on my own! Lagi akong nag i-internet at nag re-research, pero hindi man lang pumasok sa isip ko na mag research din about the inquisition of the Roman Catholics.

Nang i-type ko yun sa search box ng Yahoo, andaming lumabas at pare-parehas lang ang sinasabi. Katulad ng mga nabasa ko sa comics na pinabasa sa akin ng kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko… sobra ang pagtayo ng mga balahibo ko! Pati sa Youtube meron din.

Nasa harapan ko lang pala ang kasagutan sa mga tanong ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin kaya ngayon ko lang nalaman lahat ng ito with the help of my brother.

After reading Alberto, may parang nagsabi sa akin na buksan ko ang Bible at basahin ang Revelation. After reading the Revelation… I felt crying and remorseful for the sins I have made.

I closed the Bible and started to pray… I confessed all of my sins… I admitted I was a sinner ang asked for forgiveness to God! I told God that I believe that He sent His son Jesus to save us for all our sins and that Jesus Christ died on the cross and shed His blood to pay for the price for our sins, and that He arose again. I also asked God to save me, and I ask Jesus Christ to be the Lord (to take control) of my life. Since then, I was now a Christian! That’s my second birthday!

I started reading the Bible each day… At andami kong natutunan na hindi tinuturo sa Katoliko…

I then realized, why not try to visit my brother’s church?! Kasi tinuturo dun every word of God… hindi puro kanta, sermon at ostya. I’ve decided that I would be attending their church whether my husband likes it or not! At isasama ko mga anak ko dahil ayaw ko silang lumaki sa maling paniniwala. No one can stop me…. Hindi ko iintindihin sasabihin ng iba!

Ngayon pa nga lang eh na-fi-feel ko na pinpigilan ako ng demonyo from pursuing the decisions I’ve made. Tama ang kapatid ko… hindi madali tumiwalag sa Katoliko! Pipigilan ka ng demonyo! Ngayon ko napatunayan yun.

Sabi ni Jesus, we have to be born again before we enter the kingdom of God! Hindi madali yun… mahirap baguhin ang mga kinasanayan natin! Pero sa akin gagawin ko lahat para lang magbagong buhay… with the help of God! God is with me! I will leave all the consequences to God!

Hindi nakakapagtaka kung bakit dami may gusto sa Katoliko kasi naman napakaluwag nito!

Before, there wasn’t any religion. There was only one Christianity! But Satan could not destroy it, that’s why he made a false Christianity with false beliefs and traditions. Para maguluhan ang mga tao kung saan pupunta! Siyempre katwiran ng iba eh kung saan ang nakararami ay duon sila!

We must also be careful reading the Bible. Hindi matatanggal ni Satan ang Bible kaya ang ginawa niya ay dinagdagan niya at binawasan ang Salita ng Diyos upang malito ang mga tao! Isang version lang ng Bible ang tama at yun ay ang King James Version. He preserved the Word of God. He translated the Word of God from Hebrew word for word!

Isa pa, never confess your sins to priests! Why? Because God never told us to confess our sins to priests! Jesus already saves us from our sins, all we need to do is to repent and ask for forgiveness and accept Him as our Savior! Remember, He is the truth, the way and the life. No one can come to the Father but by Him!

God made a way through my brother! Now I know why he made my brother a Baptist and made him decide to be a pastor, it’s because he wants us to open our mind—na  mali ang kinabibilangan namin.

Before, I judged his pastor ang blamed him of brainwashing my brother’s mind. And that he just wanted my brother to join them so that it will be an addition to his tithes. But I was WRONG! PREFECTLY WRONG!!!

I even told my father that the pastor was just using my brother in order to get some money from him because he knew that my father was a seaman. I even told my father not to support my brother to made him realize that what he did was wrong. Kaya lalong nagalit si papa!

After realizing that everything I did was wrong, I felt remorse!

Kaya ko ginagawa ito upang maitama ang nagawa kong pagkakamali… at upang buksan din ang isip ng mga mahal ko sa buhay tulad ng nangyari sa akin.

Ang Bible ang magiging daan natin upang mabuksan ang ating isipan!

I love you all! That’s why I’m saying this!

Hindi karamihan sa inyo ang laging sinasabi ay ang Diyos lang ang nakakaalam kung tayo ay mapupunta sa langit… Ngunit nagkakamali tayo! Tayo ang nakakaalam nun… Kung talagang tinanggap at may tiwala tayo kay Jesus Christ na niligtas niya tayo mula sa atin mga kasalanan eh wala tayong alinlangan na sa langit ang punta natin.

Kahit gaano kalaki kasalanan natin ay bayad na yun! Dahil bumababa at pinako si Jesus Christ upang tayo ay iligtas mula sa ating mga kasalanan. BDJ

Life Questions:

1) Ligtas ka na ba? Nagsisi ka na ba sa iyong kasalanan at tinanggap si Kristo bilang Tagapagligtas ng iyong kaluluwa?

2) Research—yan ang isa sa mga pinakamatunog na salitang nabasa mo sa artikulong ito. Tanong: Inaalam mo ba kung talagang totoo ang mga itinuro sa’yo? Nagre-research ka ba? Kung alam mong totoo nga, inaalam mo kung bakit natin iyun pinaniniwalaan?

3) Church—gaano kahalaga sa iyo ang iglesiya? Pwede ka bang lumago sa iyong ispiritwal pag wala nito?

4) Bibliya—isa pa sa mga paulit-ulit na binanggit sa artikulo. Binabasa at ina-apply mo ba ito, o hinahayaan mo lamang na “mabulok”?

5) Ang sumulat ng artikulong ito ay tinuturo ang kanyang kapatid na nagbukas sa kanya ng pagkakataong makilala si Jesus. Nagsisikap ka ba na maabot ang iyong kapamilya o kaibigan ng Salita ng Diyos?

6) Anu-ano ang mga naging blessing sa iyo ng artikulong ito?

Subukan mong ipa-xerox ang artikulong ito at ipabasa sa kilala mong unsaved, at ipanalangin mong gamitin ito ng Diyos.

Sincerely Yours, Job (Part 2)

by Bro. Elijah E. Abanto

Base sa sermon ni Charles R. Swindoll, What Job Teaches Us About Ourselves

Isa sa mga bagay na ayaw-na-ayaw (kung hindi man pinaka-ayaw) nating maranasan ay ang paghihirap. Mas gugustuhin nating mamatay na lamang kaysa dumaan pa sa serye ng mga pagkawala—ng pag-aari, pamil-ya, kalusugan, o kaibigan. Ngunit kung mayroon mang dapat makaranas nito, tayo iyon, mga Kristiano—at ito rin ang nangyari sa buhay ni Job na tatalakayin natin ngayon. May pitong prinsipiyo na nais ituro sa atin ni Job (ng kwento ni Job) patungkol sa ating mga sarili, at titingnan natin ngayon ang unang apat sa mga iyon.

Basahin natin ang Job 1:6-19:

Isang araw nga nang ang mga anak ng Dios ay magsiparoon na magsiharap sa Panginoon, na si Satanas ay naparoon din naman na kasama nila. 7 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Saan ka nanggaling? Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon. 8 At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Iyo bang pinansin ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na sakdal at matuwid na lalake, na natatakot sa Dios at humihiwalay sa kasamaan. 9 Nang magkagayo’y sumagot si Satanas sa Panginoon, at nagsabi, Natatakot ba ng walang kabuluhan si Job sa Dios? 10 Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa’t dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain. 11 Nguni’t pagbuhatan mo siya ng iyong kamay ngayon, at galawin mo ang lahat niyang tinatangkilik, at itatakuwil ka niya ng mukhaan, 12  At sinabi ng Panginoon kay Satanas, Narito, lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay. Sa gayo’y lumabas si Satanas na mula sa harapan ng Panginoon.

13  At nangyari isang araw, nang ang kaniyang mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay. 14  Na dumating ang isang sugo kay Job, at nagsabi, Ang mga baka ay nagsisipagararo, at ang mga asno ay nagsisisabsab sa siping nila: 15  At dinaluhong ng mga Sabeo, at pinagdadala; oo, kanilang pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 16  Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang apoy ng Dios ay nalaglag mula sa langit, at sinunog ang mga tupa, at ang mga bataan, at pinagsupok; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 17  Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang mga Caldeo ay nagtatlong pulutong, at dumaluhong sa mga kamelyo, at pinagdadala, oo, at pinatay ng talim ng tabak ang mga bataan; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo. 18  Samantalang siya’y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay: 19  At, narito, dumating ang malakas na hangin na mula sa ilang, at hinampas ang apat na sulok ng bahay, at lumagpak sa mga binata, at sila’y nangamatay; at ako lamang ang nakatanang magisa upang magsaysay sa iyo.

Mula sa mga magandang katayuan sa buhay ni Job, ay biglang lalapit si Satanas sa Diyos upang akusahan siya. Alam nating lahat na si Satanas ang ating taga-akusa, at kahit ang ating mga mabubuting intensyon ay lalagyan ng ibang kulay sa harap ng Diyos para tayo’y saktan lang. At mababasa natin na, yun, pinayagan ng Diyos na mangyari kay Job ang nangyari. Unang prinsipiyo: Hindi natin alam ang mga plano ng Diyos para sa atin. Hindi natin masisigurado na dahil naglilingkod tayo sa Kanya ay pagpapala ang darating sa atin, o hindi natin masasabi na parusa ang darating sa kanila na sumusuway. Mula na lamang sa kawalan ay binagyo ng samu’t saring delubyo ang buhay ni Job—sa isang iglap. Kaya isang aral: Laging maging handa sa kahit-anong bagay, pagpapala man o pagsubok, dahil hindi natin alam. Hindi natin alam.

Mula sa reaksyon ni Job ay malalaman natin ang ikalawang prinsipiyo:

20 Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba; 21  At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon. 22  Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job, ni inari mang mangmang ang Dios.

Ang bertikal na perspektibo ay nakakapigil sa horizontal na pagkataranta. Sa lahat ng pwedeng maging reaksyon ni Job sa sunud-sunod na mga pangyayaring ito, ay pagsamba pa at pagpuri sa Diyos ang kanyang ginawa. Mauunawaan siguro ng Diyos kung magalit si Job sa Kanya, dahil alam naman Niya kung ano’ng klaseng mga bagay ang nangyari, ngunit, heto si Job, nagpupuri at sumasamba! Bakit? Dahil nakita niya ang perspektibo ng Diyos, na ang lahat ay pwede Niyang ipalaganap, masaya man o malungkot—dahil Siya ang Tagapaglikha ng lahat, at kabilang siya roon.

Pagpunta natin sa ikalawang kabanata ng Job ay makikita na naman natin si Satanas na lumapit sa Diyos at nagbigay na naman ng reklamo kay Job. Ang resulta: bibigyan ng sakit si Job, ngunit hindi papatayin. At yun nga. At para sa asawa niya, husto na. Hindi na niya makaya ang dinaranas ni Job, kaya:

Nang magkagayo’y sinabi ng kaniyang asawa sa kaniya, Namamalagi ka pa ba sa iyong pagtatapat? itakuwil mo ang Dios, at mamatay ka. (2:9)

Isang makatwirang payo mula sa isang mahal sa buhay, at lahat na ng dahilan ay mayroon si Job para “itakuwil ang Diyos”—besides, asawa na niya ang maysabi! Ngunit sa sumunod na talata:

Nguni’t sinabi niya sa kaniya, Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ng kaniyang mga labi. (v. 10)

Kahit sinong nag-iisip nang tama ay alam na mali ang payong ito—pero pag naroon na sa ganoong sitwasyon, paano na? Ikatlong prinsipiyo: Matinding pag-intindi ang kailangan para matutop ang maling payo mula sa taong malapit sa’yo. Masakit siguro para kay Job na sabihin ito sa kanyang asawa, ngunit dahil nanatili siya sa tamang pag-iisip, nagawa niyang makita ang mali nito.

Pang-apat: Kapag ang mga pangit na bagay ay naging mas masahol pa, ang malalim na teolohiya ay gagawin kang marangal at matibay. Kung walang alam sa doktrina itong si Job, hindi niya magagawang maging matibay sa gitna ng pagsubok. Tayo, bilang mga Kristiano, ay dapat na maalam pagdating sa Biblia at doktrina, dahil maaari natin itong panghawakan pagdating ng tamang panahon, tulad ni Job.

Hindi Sila Genius, Pero…

genius

by Elijah Abanto

Nang ang aking ama ay nagsabi na kasama dapat ng mga bata ang mga magulang sa pananambahan sa pamamagitan ng paghahalimbawa ng isang bata sa aming iglesiya, ay isang lalaki ang sumagot at nagsabing, “Malamang eh genius ang batang yun. Hindi naman lahat ng bata ay genius katulad niya.” Hindi ko maiwasang mapangiti at malungkot sa parehong pagkakataon.

Napangiti ako dahil magandang paglalarawan iyon para sa isang bata. Matutuwa ang sino mang kilala ang batang iyon pag nasabihan ng “genius.” Ngunit sa loob-loob ko ay nalulungkot ako dahil ginamit ang deskripsyong iyon para bigyang-dahilan ang paghihiwalay ng mga bata sa worship service. At hindi ito magandang dahilan para bigyang-katwiran ang kasanayan ng paghihiwalay ng mga bata sa mga kabataan at matatanda. Masasabi ng isang nag-iisip na tao na hindi nag-iisip ang sinumang maysabi nito.

Hindi ko naman masisisi ang mga taong may ganitong pag-iisip. Ito ay dahil unang-una, ang unang henerasyon ng mga naligtas at naging miyembro ng iglesiya ay mga malalaki na—ibig-sabihin, maaaring matanda na o kabataan na sila nang maligtas. At dahil ganito nga, mas pamilyar sila sa kung paano tratuhin ang mga kapwa nila, dahil mas nauunawaan nila ang mga ito. Sa kabilang dako, kawalang-kaalaman ang naging bunga ito sa kung paano tatratuhin ang mga bata sa iglesiya. Hindi sila naging bata sa iglesiya; hindi nila alam kung ano’ng gagawin kung sakaling magkaganyan at magkaganon. Kaya ang naiisip nilang paraan para alisin ang gulo sa worship service ng mga bata ay ang gawin kung ano ang ginawa sa kanila noong hindi pa sila ligtas—in short, noong mga bata pa sila—ang ihiwalay sa mga matatanda. At sa simula, mukhang wala namang problema—dahil sa totoo lang, mawawalan nga naman ng gulo—makakapagsamba sila sa Diyos nang walang “istorbo.” Ngunit pagdating ng panahon ay magtataka tayo, “Bakit naging ganon sila?”

Ngunit, nang may pagpapakumbaba, ay masasabi kong mas may alam ako (sa biyaya ng Diyos) kung paano tratuhin ang mga bata sa iglesiya—dahil lumaki ako sa iglesiya, sa pamilya ng pastor, at naligtas ako bilang bata, at naging miyembro ako bilang bata—at narito ako ngayon, sa biyaya ng Diyos, naglilingkod nang buong puso kay Jesus. At nalalaman ko na hindi dapat ihiwalay ang batang katulad ko sa mga worship service.

Kailangan ko bang maging isang genius para magawang mag-behave noon sa service, makinig, mag-take notes, at mag-amen? Hindi. Natututo ang bata sa kung ano ang tinuturo sa kanila. Natuto akong sumamba dahil pinalaki ako nang nasa sambahan. Natuto akong magbasa ng Biblia at manalangin dahil pinalaki akong nagbabasa nito, hindi lamang nakikinig ng Bible story sa Sunday School at nagpe-pray ng simpleng “Dear Lord Jesus.” Tinuruan ako. Hindi ako kailanman inihiwalay. Salamat, Tatay at Mommy. Minahal niyo kami nang ganito para hindi ihiwalay sa inyo. Lagi niyo kaming isinasama. Hindi ba ang ganda?

Hindi kailangan na maging genius ang bata para maisama sa service o maglingkod sa Panginoon. Para ma-encourage kayo, heto ang mga halimbawa mula sa aming iglesiya:

  • Si Joshua, noong siya’y sanggol pa lamang, ay napapatahimik mula sa pag-iyak sa service ng ating pastor. Si Jem-Jem, na halos dalawang-taong gulang pa lamang, ay nakakanta na ng buong “Jesus Loves Me” sa church bilang special number. (!)
  • Isang batang nagngangalang Daniel Joseph (barely two years old) ay laging nagsasabi ng “Amen” sa preaching ng pastor. Ang mga bata ring kasing-edad niya ay kaya nang pumikit pag nagpe-pray.
  • Si Justin (just turned 7) ay alam kantahin ang “When the Saints Go Marching In” nang tama at walang mali.
  • Sa aming iglesiya ay kasama na mula 3 years old sa visitation, at namimigay ng tracts. Examples: Jhona (4) at Joshua (3). Karamihan sa mga bata sa aming iglesiya 12 pababa ay alam na kung paano mag-witness, at may dalawa nang nakagawa nito nang aktwal: si John Mark (12) at Jisilyn (10).
  • Kasama sa Bible quiz ang mga bata, at nakaka-score sila!

Iyan at marami pang ibang halimbawa ang magpapatunay. Nagsisimula iyan sa kung paano tingnan ng bawat tao ang mga bata: mula sa pastor, mga magulang, at lahat ng miyembro. Turuan natin sila!

Isang Mapanganib na Pilosopiya: “Huwag Manghusga!”

by Pastor Felizardo Abanto

judge

Isa sa mga paboritong argumentong ginagamit ng mga tao na gustong magbago o nais maki-ayon ay “Huwag humatol.” Isa sa mga pinakakilalang halimbawa nito ay si Rick Warren ng sikat ding aklat na “Purpose Driven Life.” Sinasabi ni Warren, “Paulit-ulit tayong binabalaan ng Diyos na huwag pumuna, magkumpara, o hatulan ang bawat isa. … Tuwing ako’y humahatol ng isang mananampalataya, may apat na bagay na agad na nangyayari: nawawalan ako ng pakikisama sa Diyos, nilalantad ko ang sarili kong kayabangan, dinadala ko ang sarili ko na hatulan ng Diyos, at sinisira ko ang pakikisama ng iglesiya.”1 Yung mga sumasang-ayon sa kanya ay nagsasabi na hindi dapat sila hatulan batay sa sinusuot (tulad ng mga babaeng napa-pantalon), sa buhok (tulad ng mga lalaking nagpapahaba nito), sa uri ng musika na kanilang ginagamit, sa pakikipagtulungan nila sa mga ekumenista tulad ni Franklin Graham sa ebanghelismo, sa bersyon ng Biblia na kanilang ginagamit, atbp.

“Sa tipikal na pamamaraan ng isang New Evangelical ay hindi nagbibigay ng kaibahan si Warren sa pagitan ng mapagpa-imbabaw na paghatol (na ipinagbabawal sa Mateo 7) o paghatol batay sa pansariling mga kagustuhan sa mga bagay na hindi ipinag-uutos sa Kasulatan at paghatol batay sa Biblia.

Sa totoo lang, ang anak ng Diyos ay may obligasyon na hatulan ang bawat bagay sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Pinagsabihan ang mga mananampalataya sa Korinto dahil sila ay hindi maingat sa bagay na ito at mapagpahintulot sa mga bulaang tagapagturo (2 Korinto 11:1-4). Ang mga taga-Berea, sa kabilang dako, ay kinikilala dahil maingat nilang sinusubok ang bawat bagay sa pamamagitan ng mga Kasulatan (Mga Gawa 17:11). Sinasabi ng Biblia na “siya na ispiritwal ay hinahatulan ang lahat ng mga bagay” (1 Korinto 2:15) at itinuro ni Jesus na tayo ay dapat na “humatol nang tamang paghatol” (Juan 7:24). Dapat nating hatulan ang ipinapangaral (1 Kor. 14:29) at kasalanan sa mga iglesiya (1 Kor. 5). Dapat nating subukin ang mga ispiritu (1 Juan 4:1).

“Ang pagsubok sa mga mangangaral at kanilang mensahe nang maingat sa pamamagitan ng Salita ng Diyos ay hindi isang isyu ng yabang, kundi ng karunungan at pagsunod.”2

Mga miyembro at mga kapatid hindi tayo dapat matakot sa akusasyon na tayo’y mapanghusga (judgmental). Hangga’t tayo’y humahawak at nagpapatuloy sa “mga bagay na iyong natutunan at sa mga bagay na nakakatiyak ka, nalalaman kung kanino mo natutunan ang mga ito” (2 Timoteo 3:14), tayo ay ligtas at tama sa pananampalataya.

1Rick Warren, The Purpose-Driven Life, p.164. Translated from English. Same as Note 2.

2David Cloud, “Rick Warren’s Dangerous Judge Not Ecumenism,” O Timothy, Issue 8, 2004, p. 15.

Life Application

Nakatulong marahil sa’yo ang artikulong ito upang maliwanagan tungkol sa tunay na ibig-sabihin ng “paghatol,” at na ito’y isang responsibilidad ng bawat Kristiano. Maaari mong siyasatin ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod:

1) May mga pagkakataon ba na ikaw ay nasasabihang “judgmental” dahil sa iyong pinaniniwalaan? ____

2) Saan mo maigu-grupo ang klase ng iyong paghatol? Pumili sa tatlong binanggit sa artikulo. ___________________________  _________________________________

3) May sapat ka bang ebidensya o patunay ng Kasulatan para suportahan ang iyong paghatol? ___________________ _________________________________

4) Nahihirapan ka ba na sabihin ang iyong paghatol dahil baka kutsain ka lamang? Pagbulay-bulayan ang 2 Timothy 1:7 at humingi ng lakas sa Diyos para ito’y maisagawa.

Magpakabanal Ka! (A Story, Finale)

Saturday, 6 PM. Hapag-kainan. Kakatapos lang ni Sis. Jemelina, asawa ni Pastor Joab, na kumain.

Pastor Joab: Si Jhon?

Jemelina: Pagkatapos ng klase sa school dumiretso na sa church house para mag-practice para sa Pas—

Pastor Joab: Ano’ng ‘pas’?

Jemelina: Hindi, ano yun. Nagpatawag kasi ng quick rehearsal ang choir rehearsal ng leader ng music group.

Pastor Joab: Ah, ganon ba? O, sige. Pray na muna tayo.

Jemelina: Sige. (pipikit ang mata)

Pastor Joab: Ama, salamat po sa biyayang aming tatanggapin. Basbasan Niyo po ito para sa aming kalakasan at kalusugan. Ito po ang aking dinadalangin sa pangalan ng Panginoon Jesus, Amen. (Didilat ang mata) Kain na tayo!

Jemelina: Sweetheart, lumapit sa akin si Sister Claudia kanina habang nasa visitation ka.

Pastor Joab: Oh, ano daw?

Jemelina: Sinabi niya sa akin na isa siya sa mga nagpakalat ng tsismis tungkol kina Bro. Jefferson at Sis. Colette. Nagsisisi siya sa ginawa niya. Nag-pray kami.

Pastor Joab: Praise God! Ito nga rin ang nakakatuwa, si Bro. Nards nakausap ko kahapon, babalik na raw siya sa mga church activities.

Jemelina: Siya nga? Buti naman! Nakita ko nga rin kanina si Sis. Andrea, nag-wi-witness sa may palengke. Nakakatuwa siya. Sana nga maging kasingsigasig niya ako.

Pastor Joab: Na-promote na rin Bro. Claudio sa trabaho. Ang patotoo niya, kahit na gipit, binigay pa rin niya ang dapat sa Panginoon. Magte-testimony nga siya sa Sunday eh.

Jemelina: Testimony? First time niyang magpapatotoo! Kahit kaligtasan yata hindi pa nagagawa noon!

Pastor Joab: Oo nga, eh. Parang nakakakita ako ng revival sa buhay-Kristiano ng mga miyembro natin.

Jemelina: Meron silang sinurender.

Pastor Joab: Oo. Si Bro. Martin kaya?

(may maririnig na katok; bubuksan ni Jemelina)

Jemelina: Oh, speaking of, Bro. Martin, bakit?

Pastor Joab (tatayo at haharapin si Martin): Oh, Bro. Martin, ano’ng sadya mo?

Jemelina: Oo nga.

Martin: Pwede ho bang makahiram ng mga Christian song CDs? Kasi ho gusto ko na hong makinig sa mga awit para sa Diyos.

(magtitinginan sina Pastor Joab at Jemelina at ngingiti)

How about you? Kailan ka magsu-surrender? Alam mo ang pagsuko ng buhay ay hindi pag-forward sa harapan para pumasok sa Bible School. Hindi lang ito para sa mga workers o Bible Students – para ito sa iyo. Ang pagsuko ng buhay ay ang pagpapasya na talikuran ang kasalanan patungo sa pagsunod sa anumang kalooban ng Diyos. Yan ang surrender. Kailan mo isu-surrender ang kasalanan ng hindi pag-aaral ng Biblia, hindi pagpe-pray, hindi pakikinig sa Christian music, pagtsitismis, hindi pagdadamit nang tama, pakikipagrelasyon nang wala sa oras, hindi pagso-soul winning o pagpapatotoo, hindi pagsali sa church activities, hindi pagbibigay? Ngayon na dapat.