How Great is My God!

by Sis. Olivia Abanto (written 2009)

May 10, 1979—nang ipakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa akin sa pamamagitan ng pangangaral ng Salita ng Diyos. Nakilala ko Siya bilang Tagapagligtas at Panginoon. Napakadakilang pagkaunawa ang ibinigay Niya sa akin—na may Diyos na umibig sa akin at nagnais na ako’y iligtas sa kapahamakan ng impyerno. Hindi kayang isilid sa aking puso ang kagalakang nadama ko nang ito’y maunawa ko na ang dakilang Diyos na ito ay umibig sa akin at nagbitaw ng pangakong buhay na walang-hanggan sa isang tulad kong makasalanan na nagtiwala sa Panginoong Jesu-Kristo.

Tatlungpung taon nang nakaraan at lalo kong napatunayan ang katotohanan ng awiting “The longer I serve Him, the sweeter He grows.” Kung maaari kong baguhin ang mga salita, ay “The longer I serve Him the greater He becomes” sa aking puso. Simula noong panahon na iyon, araw-araw kong nakikilala kung gaano kadakila ang Diyos na nahabag at nagpakilala sa akin. Kung gaano Siya hindi maaaring ikumpara kaninuman o sa ano pa man.

Just to give the clear unseen picture of my God, hindi ko mapigilang hindi ibahagi ang aking mga karanasan sa mga taong nasa palagid ko. Yung mga taong minahal ko nang higit, hindi ko mapipigilang minsan ay iwanan ako sa loob ng isang panahon para sa isang dakilang dahilan, sabi nga nila. Ngunit ang aking Diyos at aking Panginoon ay nagsabi, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” Sino ang makakatalo dito? At ito ay napakatotoo sa aking buhay. Sa bawat oras na ako ay lalapit sa Kanya, hindi ko naramdaman na ako ay nag-iisa ni ang tinalikuran. Ang mga taong pinagtuunan mo ng halaga, dinala mo sa Panginoon, at nagbago ang buhay ay siya ring magiging sanhi ng iyong kabiguan at kalungkutan ngunit ang dakilang Panginoon kong ito ay nagbigay ng Mang-aaliw sa panahon ng aking kalungkutan at katibayan ng pagtupad sa Kanyang mga pangako. May mga taong nagiging sanhi ng aking kabagabagan datapwa’t Siya bilang aking Pastol ang nagdadala sa akin sa mapayapa at luntiang pastulan. Mga ibinibigay at pinararanas Niya sa akin na walang halagang katapat na maaaring bayaran ng pilak at ginto.

Mga kapatid na tinatawag nang minsang ako’y matulungan ay nanumbat at nagpamukha ng lahat ng kanilang nagawa ay ni minsang di ko naramdaman o naranasan sa aking Panginoon, sapagka’t Siya’y nagbibigay ng sagana at hindi nanunumbat. Mga kaibigan kong itinuturing nang ako’y magkamali at matumba ay lalong inapakan pababa sa kailaliman ng mga mapanghusgang mga dila. Datapwa’t itong aking Panginoon na dakila nga ay laging handa upang ako’y iahon sa putik na kinasadlakan. Mga dakilang bagay na naranasan sa piling nitong aking Panginoon ay di kayang isulat lahat man ng tinta o pluma sa mundo ay maubos.

Tama ang winika ni Apostol Pedro, nang kanyang tugunin ang tanong ng aking Panginoon, “Ikaw ba ay aalis din?” ng “Saan ako tutungo, Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang-hanggan.” O gaano ka-miserable ang buhay kung di kita nakilala, ang akin namang maiwiwika. Ang taong tulad ko ay mahina ngunit ikaw ay malakas; ako’y malupit ngunit Ikaw ay mahabagin. Makakalimutin ako ngunit di nalilingid sa Iyo ang bawat ginagawa sa pangalan ni Jesus at di rin mawawalan ng gantimpala. Kanino pa ako pupunta? Sa Iyo na ako mananatili.

Diyos na tunay na dakila, karapat-dapat ipagmapuri!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s