Dad, I Love You

by Charles R. Swindoll

Sa panahon kung saan binibigyang-diin ang pantay na mga karapatan at pantay na oras, tama lamang na bigyan ng tamang atensyon ang mga ama. Nitong nakaraang buwan ang mga ina ang nakatayo sa entablado. Alis, mga kababaihan … bigyang-daan ang mga kalalakihan, o piling grupo ng mga kalalakihan—mga ama. Tama lamang na ito’y gawin dahil ang panahong ito ay para sa Araw ng mga Ama.

Para namang hindi mo alam! Bawat pamilihan, bawat diyaryo, at pambansang magazine sa bansa ay may parada ng mga ideya para sa ireregalo nitong nakalipas na buwan. Nag-iisip ang mga pamilya kung bibigyan tayo ng bagong damit, bubusugin tayo sa pagkain, sosorpresahin tayo ng mga espesyal na bagay, kikilitiin tayo ng mga bagong kagamitan, o basta babalutin na lang tayo ng mga halik. Kung kilala ko ang mga ama, karamihan sa kanila ay mamumula ang pisngi anuman ang gawin mo para sa kanila. Nasanay na sila sa pagbibigay, kaya ang pagtanggap mula sa iba ay wirdo para sa kanila. Minsan pa nga eh, sobra pa silang nahihiya! Karamihan sa mga ama ay mabilis na magsabi sa kanilang mga pamilya (na may mapapatawad namang “ere”):

Teka—umupo lang kayo diyan at mag-relax … bayaan niyo na sa amin ang pagtatrabaho!

Isipin mo ang iyong ama ngayon, okay? Pagbulay-bulayan mo kung ano ang naibahagi ng nag-iisang taong iyan sa iyo. Isipin mo ang kanyang impluwensya sa iyo, kanyang na-invest sa iyo, mga kaalamang naibahagi sa iyo. Pag-aralan mo ang kanyang mukha … ang mga linya na nakatatak na sa iyong isip. Makinig kang muli sa kanyang boses … sa kanyang nakakahawang tawa … yung mga kakaibang ekspresyon sa kanyang bibig na natatandaan mo. Hawakan mo ang kanyang kamay … ramdamin mo ang malakas at matibay na braso sa iyong mga balikat. Ang hawak na iyon na nagpapahatid ng kakaibang pagsasama ng kabaitan at determinasyon … kasidhian at kalakasan … “Nauunawaan ko” at “Tumayo ka na!” Panoorin mo ang kanyang paglalakad. Mayroon bang katulad ang kanyang paglalakad? Mga siguradong hakbang. Ang mga hindi magagayang paghakbang.

Ngunit higit sa lahat, alalahanin mo ang matutularang katangian niya. Maaaring isa roon ay ang integridad. Habang binabasa mo ito, tumigil at alalahanin ang kahit isa lang o dalawang mga pagkakataon sa iyong nakaraan kung saan siya’y nakatindig lang nang mag-isa … nang tumayo siya sa tabi mo … sa panahon ng bagyo. Nung protektahan ka niya mula sa mapait na hampas ng malulupit na dagok ng buhay. Nung sabihin niyang, “Pinapatawad na kita,” imbes na, “Mahiya ka naman!”

Sa lahat ng iniwan sa iyo ng iyong ama na hindi kayang maagaw ng panahon, magpasalamat ka sa Diyos. Yun lang. Magpasalamat ka sa Tagapagbigay ng bawat mabuti at sakdal na kaloob para sa mga makabuluhang marka na itinatak sa iyong karakter ng iyong ama … ang mga magagandang kaugalian na inihabi niya sa iyong laman. Habang ikaw ay naglalakbay sa gitna ng gubat ng pagiging sentimental, tumigil ka sa harap ng isang malaking puno na nagngangalang Proverbs at pagbulay-bulayan ang mga salita na iniukit ng marunong lalaki sa balat nito tatlumpung sentenaryo nang nakakaraan:

The just man walketh in his integrity: his children are blessed after him. (Proverbs 20:7)

O gaano ito katotoo!

Hindi siya perpekto. Siya malamang ang mauunang magsasabi nito. Ni hindi siya walang mali, isa sa mga ikinadidismaya din niya. Hindi rin siya talaga pantay sa kabuuan … ni palaging tama. Ngunit may isang bagay na isa siya—palagi at sa kabuuan—siya ang iyong ama … ang nag-iisang amang mayroon ka. At sa totoo lang, isang bagay din lang ang kanyang kailangan sa Araw ng Mga Ama—simple lang—kailangan niyang marinig na sabihin mo ang tatlong salitang ito:

Tatay, mahal kita.

Iyon ang pinakamagandang maireregalo mo sa kanya. Kung ibibigay mo sa kanya ang iyong pagmamahal, kahit wala nang iba pang mga regalo. Isipin mo, ito ang pinakamahalagang regalo sa lahat. bdj

 

Palalimin ang Iyong Mga Ugat

Exodus 20:12; Ephesians 6:1-4; Hebrews 12:7-11; 1 Kings 2:1-4; 1 Kings 3:3-15

 

Pagsasanga

  1. Sulatan ang iyong ama ng isang note at ipaalala mo sa kanya ang isang personal na alaala na ibinigay niya sa iyo na nagpapakita kung gaano kalalim ang kanyang pag-ibig para sa iyo.
  2. Magsulat ng sampung bagay tungkol sa iyong ama na maipagpapasalamat mo sa Diyos. Sige na … magpasalamat ka sa Diyos!
  3. Imbes na bilhan mo ang iyong ama ng isang regalo, gawan mo na lamang siya o kaya gumawa ng isang espesyal na bagay para sa kanya na lagi niyang sinasabing gusto niyang gawin, ngunit wala naman siyang oras para gawin ito. Gumawa ka ng alaala ninyong magkasama.

 

Ang article na ito ay isinalin ni Bro. Elijah Abanto mula sa ingles na article na “Fathers,” ng aklat na Growing Strong in the Seasons of Life, ni Charles R. Swindoll, published by Multnomah Press, pp. 219-20.

 

Advertisements

Dads, Front & Center

by Charles R. Swindoll

Sa libro ni Charlie Shedd, Promises to Peter, ay sinasabi niya kung paanong ang pamagat ng kanyang mensahe sa pagmamagulang ay nagbago nang maranasan niya ang pagiging ama. Noong mga unang taon ng kanyang pangangaral, bago siya maging ama, tinawag niya itong, “Paano Palalakihin ang Iyong Mga Anak.” Maraming mga magulang ang dumayo para mapakinggan ito. Nang magkaroon ng isang anak si Charlie, may kaunting panahon bago niya ibinigay ang mensaheng iyon uli. Nang ginawa niya, may bago na itong pamagat: “Ilang Mga Suwestiyon sa Mga Magulang.” Nadagdagan pa ng dalawa ang kanyang mga anak at ilang taon pagkatapos, tinatawag na niya itong “Mahihinang Paalala sa Mahihinang Magulang.” Ilang taon pa ang lumipas at ilang anak pa, bihira na niyang ibigay ang mensaheng iyon. Ngunit kapag ginawa niya, ang pamagat na ay “Mayroon ba ritong may kaunting mga salita ng karunungan?”

Mahirap maging isang ama. Halos imposible na maabot ang ating mga sariling mga pamantayan, bukod pa ang pamantayan ng Diyos. At ang pinakamahirap sa lahat ay, sa loob-loob natin, alam nating nag-iiwan tayo ng isang hindi mabuburang marka sa buhay ng ating mga anak. Mula sa simple at praktikal na ama hanggang sa komplikado at maraming ideya na ama; mapatigasin at agresibo o mahina at pasibo; siya man ay lulong sa trabaho o lulong sa alak—walang ama na hindi alam na ang kanyang mga “fingerprint” ay nasa kanyang mga anak habang sila’y kanyang hinuhugis patungo sa katandaan.

Paano ito magagawa ng mga ama nang maingat at may karunungan? Sa araling ito ay kukuha tayo ng kaunting tips sa pagmamagulang mula kay apostol Pablo. Hindi natin alam kung si Pablo ay naging ama nang literal. Ngunit sa kanyang sulat sa mga taga-Tesalonika ay makikita natin ang ilang katangiang pang-ama na dapat tularan.

 

A LITTLE BACKGROUND

Ang unang dalawang iglesiyang naitatag sa Europa at nasa Filipos at Tesalonika. Nang maglakbay si Pablo papuntang Tesalonika, nakita niya ang potensyal ng lungsod na iyon at nagnais na manatili roon, kahit na siya’y hinahabol at inuusig ng mga hindi mananampalataya (tingnan ang 1 Thessalonians 2:1-2). Sa loob ng anim na linggo ay ibinuhos ni Pablo ang kanyang sarili sa mga mananampalataya rito, nagtatrabaho nang umaga’t gabi upang patibayin ang mga ito sa bago nitong pananampalataya. Bagaman hindi na makakabalik si Pablo para sa isa pang malalim na pagbisita, ay nahuli ng mga mananampalataya ng Tesalonika ang kanyang puso. Kaya noong marinig niya ang tungkol sa mga hampas ng pag-uusig na nagbabantang lunurin ang pananampalataya ng mga ito, ay hinagisan niya ang mga ito ng dalawang “life preservers.”

Pinadala niya si Timoteo sa kanila. Dahil hindi kaya ni Pablo na pumunta roon sa kanyang sarili, ay pinadala niya ang kanyang kaibigan si Timoteo dala ang mga salita ng pag-asa at pampalakas ng loob (3:2).

Nagpadala siya ng isang sulat. Nang bumalik si Timoteo kasama ang isang masamang balita, ay sumulat si Pablo ng isang masidhing sulat ng pagtatagubilin. At ang bumubuhos sa pamamagitan ng kanyang panulat ay isang bukal ng pag-ibig mula sa puso ng isang ama.

“But we were gentle among you, even as a nurse cherisheth her children: … and charged every one of you, as a father doth his children.” (2:7, 11b)

Bilang isang ina, bilang isang ama—ang mga salitang ito ay hindi mo makikita sa iba pang mga sinulat ni Pablo. At sa konteksto ng mala-amang puso ni Pablo tayo kukuha ng ilang mga prinsipyo ng pagmamagulang.

 

FIVE GUIDELINES FOR GOOD DADS

Ang mga talatang 8-12 ng kabanata 2 ay nagpipinta ng isang inspiradong larawan ng isang ama kasama ang kanyang mga anak, isang larawan na karapat-dapat na gayahin.

Magiliw na nasasabik. Ang unang katangian na inilalarawan ni Pablo ay pagkagiliw: “So being affectionately desirous of you” (v. 8a). Mayroon naman sa dulo ng kanyang mga daliri na anim na terminong Griego na pwede niyang magamit sa pagsusulat nito ngunit, pinili niya ang terminong isang beses lamang makikita sa buong Bagong Tipan—isang terminong nangangahulugan “na maramdaman ang sarili na malapit sa isang bagay o tao.” ito’y isang termino ng pagmamahal … isang termino na parehong mariin at malambot, ang larawan ng isang amang maingat na dinuduyan ang kanyang maliit na anak. Ngunit gaano natin kadalas talagang naipapakita ang ganitong klase ng “magiliw na pagkasabik”? Napakadaling yumakap at humalik ng isang sanggol, kahit na isang bata. Ngunit habang lumalaki ang isang bata, ang pisikal na pagkagiliw ay madalas na napapalitan ng pisikal na paglayo. Sa kanyang aklat na The Effective Father, ay nagsama si Gordon MacDonald ng isang kabanata na may pamagat na “Please Show Me That You Care.” Doon ay isinulat niya:

Ang pisikal na ekspresyon ng ating pagkatuwa ay may malaking kahalagahan. Ating pinapatibay kung ano ang isang tao, at ating pinapahalagahan kung ano ang ginagawa niya. Ngunit ang katiyakan na ito ay dapat na maibigay nang higit sa mga salita. Pagkagiliw, ang paraan ng pagpapahayag ng pagiging malapit na hindi gumagamit nang salita, paghawak at pagpisil ay isa sa mga pinakamahalagang karanasan na ibinabahagi natin sa isa’t isa.

Ipinapakita sa ilang mga pag-aaral na ang pagiging mahilig sa sex sa isang babae ay madalas na nag-uugat sa kakulangan ng pagkagiliw ng isang ama sa kanyang pagkabata at kabataan (Dan Benson, The Total Man, [Tyndale House Publishers], p. 178). Mga ama, ipakita ang iyong pagmamahal—ngayon, bago pa ito hanapin ng iyong anak sa ibang lugar.

Isang bukas na pagkatao. Ang talatang 8 ay nagpapatuloy na ilarawan ang ikalawang gabay: isang bukas na pagkatao.

So being affectionately desirous of you, we were willing to have imparted unto you, not the gospel of God only, but also our own souls, because ye were dear unto us.

Hindi ba mahalaga ang ebanghelyo? Siyempre mahalaga! At hindi ba ito sapat? Siyempre hindi! Kinakailangan na marinig ng iyong mga anak ang ebanghelyo para makilala din nila ang Tagapagligtas na iyong iniibig; at lalong mas maganda kung ang Mabuting Balita ay nagmumula mismo sa iyong mga bibig. Ngunit higit pa roon. Kailangan nila ng pagtuturo tungkol sa buhay, at kailangan nila ng isang ama na hinahayaan silang makita siyang  ipinapamuhay ito, mga pagkakamali at lahat. Kailangan nilang makita kung paano mo hawakan ang iyong pera, kung paano ka gumagawa ng mga desisyon, kung ano ang iyong mga pinapahalagahan, at kung ano ang nagpapatawa sa iyo. Kailangan nilang marinig mula sa’yo na inaamin mo kung ikaw ay mali at makita ka na tumatayo para sa iyong pananampalataya. Kailangan nilang makilala ka “from the inside out”—at maramdaman ang iyong interes at paniniwala sa kanila. Ang salitang “impart” ay nangangahulugang “pagpapakita, pagbabahagi, pagbibigay nang buo” sa mga anak na alam nang walang pag-aalinlangan na sila’y mahal sa iyo.

Isang hindi maramot na pagsusumikap. Sa talatang 9, si Pablo ay gumuguhit ng isang larawan ng matinding paggawa, ng isang ama na inilalagay ang kanyang sarili sa gawaing nasa kamay.

For ye remember, brethren, our labour and travail: for labouring night and day, because we would not be chargeable unto any of you, we preached unto you the gospel of God.

Ito ay isang detalyadong larawan ng pinansyal na responsibilidad at pagtitiis sa ilalim ng mga pangangailangan. O anong halimbawa na dapat makita ng iyong mga anak! Hindi nila kailangan ng mga materyal na mga bagay kapalit ng iyong panahon. Hindi nila kailangan na makita ang bunga ang pagpapagal ng kanilang ama imbes na kanilang ama mismo. Ngunit kailangan din nilang makita na ang kanilang ama ay nagtatrabaho talaga ng walong oras para sa walong oras na sweldo; kailangan din nila ng mga oportunidad na kumita sa kanilang paraan.

Pagiging totoo sa ispiritwal na aspeto. Ginamit ni Pablo ang mga talata 9b-10 na binibigyang diin ang dalawang mahalagang aspeto ng ispiritwal na responsibilidad ng isang ama: pananampalataya at pag-uugali.

We preached unto you the gospel of God. Ye are witnesses, and God also, how holily and justly and unblameably we behaved ourselves among you that believe:

Napakaraming mga ama ay hinahayaan na ang ispiritwal na aspeto ng pagpapalaki ng anak sa ina—kung tinuturo man si Kristo, ay kadalasang galing iyon sa ina. Ngunit ipinapakita rito ni Pablo na ang mga ama ay dapat rin na ituro si Kristo … at pagkatapos ay kanilang mga buhay sa paraan na ito’y sinusuportahan.

Isang positibong impluwensya. Ang huling pagguhit sa pagpinta ni Pablo ng pagmamagulang ay isang positibong impluwensya.

As ye know how we exhorted and comforted and charged every one of you, as a father doth his children, That ye would walk worthy of God, who hath called you unto his kingdom and glory. (vv.11-12)

Si Dan Benson, sa kanyang aklat na The Total Man, ay sinasabi ang mga resulta isang nakakabahalang pag-aaral: sa bawat isang positibong pangungusap na sinasabi sa isang ordinaryong tahanan, ay may sampung negatibong pangungusap. Napakahirap na maging positibo habang ang iyong mga anak ay lumalaki. Ngunit ang mga anak na puno ang mga tainga ng mga salitang “Hindi” at “Huwag” at “Itigil mo yan!” ay natututong huwag magtiwala sa kanilang mga kilos at gawi. Ang mga anak na naririnig ang “Ang galing!” at “Kaya mo yan!” na kasindalas ng “Hindi magandang ideya iyan” ay haharap sa mga bagong hamon nang may tiwala sa sarili at tuklasin ang kanilang potensyal nang walang takot.

 

Ang article na ito ay isinalin ni Bro. Elijah Abanto mula sa ingles na article na “Dads, Front and Center,” ng aklat na Growing Wise in Family Life, ni Charles R. Swindoll, published by Insight for Living and Multnomah Press, pp. 16-19.

 

How to Love Your Mother

by Charles F. Stanley

Mahal mo ba ang iyong ina?

Alam ba ng iyong ina na mahal mo siya? Mayroon ka na bang ginawa para ipakita sa kanya na mahal mo siya? Sinabi mo lang ba sa kanya? Kung mayroon bang lumapit sa’yo at tinanong kung bakit mo mahal ang iyong ina, ano’ng sasabihin mo? “Ah, kasi, eh…, nanay ko siya eh.” Hindi iyon isang magandang sagot. Maraming mga tao ang iniisip na mahal nila ang kanilang ina, ngunit hindi naman—hindi nga nila alam kung paano.

Ipinapakita mo ba ang iyong debosyon sa kanya at iyong pagiging mapagpasalamat para sa lahat ng nagawa niya para sa iyo? Isang bagay ang pagsabi na mahal mo ang iyong ina, ngunit isang bagay rin ang gustuhin na ibigay ang kinakailangan upang siya’y igalang at magmalasakit para sa kanya. Malamang ang pinakadakilang halimbawa nito ay pinakita mismo ni Jesus habang Siya’y nakapako sa krus.

Sinasabi sa atin ng John 19:26-27, “Nang makita ni Jesus ang Kanyang ina, at ang alagad na Kanyang iniibig na nakatayo malapit sa Kanya, sinabi Niya sa Kanyang ina, ‘Babae, masdan ang iyong anak!’ at pagkatapos ay sinabi Niya sa alagad, ‘Masdan ang iyong ina!’ Mula noong oras na iyon ang alagad na iyon ay dinala siya sa sariling tahanan nito.” Kahit sa mga oras ng Kanyang kamatayan, ay inisip ni Jesus ang Kanyang ina at gumawa ng paraan upang ito’y maalagaan.

Tinatrato mo ba ang iyong ina nang may kaparehong pag-ibig at respeto na ipinakita ni Kristo? Kahit na ikaw ay tumira na malayo sa iyong ina o kung hindi na siya nabubuhay, ang paraan kung paano mo siya pag-usapan sa harap ng ibang tao at kung paano ka mabuhay ay nagsasabi ng maraming bagay sa kung ano ang iyong ugali sa iyong ina. Narito ang sampung paraan na mamahalin at igagalang mo ang iyong ina sa paraan na nakalulugod sa Diyos.

  1. Ibigin mo ang iyong ina sa salita. Kailangan ng isang babae na marinig na siya ay mahal, kaya sabihin sa iyong ina na nagmamalasakit ka para sa kanya araw-araw, hangga’t maaari. Ipakita ang iyong paghanga para sa kanyang mga magagandang katangian, at huwag mo siyang pupunahin sa paraan na masasaktan siya. Alalahanin, sinasabi ng Exodus 20:12, “Igalang ang iyong ama at iyong ina, upang ang iyong buhay ay humaba.” Kung kailangan mong komprontahin ang iyong ina tungkol sa isang bagay, gawin ito nang magalang na may pag-ibig at respeto. Ipinapangako ng Diyos na kapag ginawa mo ito, ang buhay mo ay magiging buo.
  2. Ibigin ang iyong ina sa pisikal na paraan. Ang iyong ina ang unang humawak at kumalong sa’yo. Siya ang nagpakain sa’yo, nagdamit sa’yo, at nagtatag ng iyong karakter sa paraan na hindi magagawa ng kahit sino. Kailangan niya ng mapagkalinga mong haplos. Samakatwid, yakapin ang iyong ina nang madalas. Kahit na kung hindi niya alam kung paano ibabalik ang iyong pagmamahal, yakapin pa rin siya kapag may pagkakataon. Gagawa ito ng malaking pagkakaiba sa kanyang buhay—at maging sa iyo.
  3. Ibigin ang iyong ina nang mapagpasensya. Walang tao na perpekto, ngunit kung may isang tao na karapat-dapat para sa ating pang-unawa, yun na ang iyong ina. Bagaman totoo na ang ating mga ina ay nakakapagsabi minsan at nakakagawa ng mga bagay na hindi natin gusto, dapat nating alalahanin na sila ay nagpapagal sa ilalim ng isang malaking responsibilidad. Ito ay talagang totoo kapag iniisip natin ang mga nag-iisa sa buhay na mga ina na pinapalaki ang kanilang mga anak sa kanilang sarili. Hindi lamang nila dinadala ang bigat ng pagpapakain at pagdadamit sa kanilang pamilya, kundi pati ng pagpapaaral sa kanila, pagtuturo sa kanila na hanapin ang Diyos, at paggabay sa kanila na mabuhay sa moral na paraan. Imbes na magreklamo, dapat natin silang ipanalangin nang madalas.
  4. Ibigin ang iyong ina nang mapagpasalamat. Anumang klase ng paraan ka pinalaki ng iyong ina, siya ang nagbigay sa iyo ng buhay at ginawa ito sa pinakamainam na paraang alam niya. Mapagpasalamat ka ba sa kanyang mga pagpupunyagi? O malamang ay hinahatulan mo siya sa pamamagitan ng isang hindi makatwirang pamantayan? Mayroon mga alaala sa kanyang puso na hindi mo na malalaman kung ano. Sa totoo lang, kung alam mo lang ang lahat ng mga pangyayaring naka-impluwensya sa kung paano ka niya pinalaki, baka magulat ka sa kung paano niya nagawa ito. Samakatwid, humanap ng mga paraan upang ipakita ang iyong pagpapasalamat para sa lahat ng ginawa ng iyong ina para sa iyo. Itaas mo siya sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang maka-diyos na buhay at pagpasa ng pag-ibig at mga prinsipyo na itinuro niya sa iyo sa iyong mga anak.
  5. Ibigin ang iyong ina nang mapagbigay. Kailan ang huling pagkakataon na gumawa ka ng isang bagay para sa iyong ina upang ipakita ang iyong pag-ibig para sa kanya? Inisip mo ba kung ano ang pwede mong gawin para maging madali ang pamumuhay ng iyong ina? Ano ang bagay na gusto o kailangan niya? Panatilihing bukas ang iyong mga tainga at mata para sa mga bagay na maibibigay mo sa kanya. Palaging tandaan, hindi nakakalugod sa Panginoon na ang isang mananampalataya ay nagpapayaman at iniiwan ang kanyang ina sa kahirapan. Huwag mo siyang kalimutan. Imbes, ibigay sa kanya ang anumang kailangan niya nang mapagmahal at nagsasakripisyo.
  6. Ibigin ang iyong ina nang magiliw. Maging bukas at sensitibo sa mga damdamin ng iyong ina. Sa kabuuan, ang mga ina ay natural na emosyonal (ganoon ang pagkakagawa sa kanila ng Diyos), at ang lahat na talagang kailangan nila bilang balik ay para sa atin na pansinin sila at makinig sa kanilang mga iniisip at mga damdamin. Sa totoo lang, habang tumatagal ang buhay ng iyong ina, palaki nang palaki ang oras na gusto niyang makasama ka. Siyempre, kailangan nito ng iyong maingat na atensyon at pasensya. Ngunit kapag iyong mapagtanto na hindi mo laging mararanasan ang kasiyahan na makasama siya, makikita mo kung gaano kahalaga ang mga sandaling iyon.
  7. Ibigin ang iyong ina nang mapagpatawad. Ang katotohanan ay, walang lehitimong rason para ikaw ay magpanatili ng tampo laban sa iyong ina. Sa Ephesians 4:32, itinuturo ng apostol Pablo, “Maging mabait sa isa’t isa, may malambot na puso, nagpapatawad sa isa’t isa, tulad na ang Diyos alang-alang kay Kristo ay pinatawad din kayo.” Kung may pagkakataon na nagsisimula kang magalit tungkol sa nakalipas na sakit, alalahanin ang maraming mga pagkakataon na pinatawad ka niya at ng Diyos. Isipin mo ang tungkol sa lahat ng mga pagkakataon na siya ay nagsakripisyo para sa iyo, at pagdaka’y magpakita sa kanya ng pagpapatawad at awa.
  8. Ibigin ang iyong ina nang mapamintuho (devotedly). Kailan ang huling pagkakataon na nanalangin ka kasama ang iyong ina? Tumindig ka na ba para sa kanya nitong huli, sinisiguradong naiisip niya na ikaw ay nasa kanyang panig? Kahit na ano ang mangyari, kailangan ng iyong ina na malaman na nasa kanya ang iyong suporta. Kaya siya’y ipagtanggol, protektahan, at aliwin mo. Magbigay-atensyon sa kung ano ang kanyang inaalala at kung ano ang kanyang mga interes. At siguraduhin mong alam niya na nandyan ka para sa kanya, anuman ang dumating.
  9. Ibigin ang iyong ina nang may kasiyahan. Sa maraming mga pagkakataon ay dinadala natin ang ating mga alalahanin sa ating mga ina, at nakakalimutan na dalhin ang ating mga ligaya at tagumpay sa kanila nang katulad. Kailangan ng ating ina ng pampalakas—na malaman na tayo’y nasa mabuting kalagayan. Kaya dapat nating siguraduhin na manatiling positibo, patawanin sila, at alalahanin ang lahat ng mga magagandang pagkakataon na mayroon kayo nang magkasama.
  10. Ibigin ang iyong ina nang may paggalang. Nabubuhay ka ba sa paraan na ang iyong ina ay matutuwa sa iyo? Wala nang ibang nakapagpaparangal sa iyong ina kaysa ang makita ka at iyong mga anak na nagiging makadiyos na mga mananampalataya na buo ang debosyon kay Jesu-Kristo. Ipakita sa kanya na ang mga binhi ng pag-ibig na itinanim niya sa iyo ay nagresulta sa isang kamangha-manghang pag-ani ng bunga para sa kaharian ng Diyos.

 

KONGKLUSYON

Mahal mo ba ang iyong ina? Alam ba niyang nagmamalasakit ka sa kanya? Paano mo siya napapalakas at naipapakita ang iyong debosyon sa kanya? Wala nang ibang mas mahalaga sa mundo tulad ng isang makadiyos na ina, at malaking bagay na ito’y iyong mapagtanto. Kaya ibigin ang iyong ina sa salita, sa pisikal na aspeto, nang mapagpasensya, mapagpasalamat, mapagbigay, magiliw, mapagpatawad, mapamintuho, may kasiyahan, at magalang. Magsimula ka na ngayon. Nabubuhay man siya nang malapit sa’yo o kasama na ng Panginoon, ipagdiwang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng kung paano ka mabuhay.

Ang artikulong ito ay ibinase sa pangangaral, at Life Principles Notes ni Dr. Charles R. Stanley, In Touch Ministries, www.intouch.org. Na-access May 13, 2010. Isinalin sa Tagalog ni Elijah Abanto.

 

Are You Like Jesus?

Madalas, tayong mga kabataan ay magaling sa maraming mga bagay bukod nga lang sa kung paano natin ipapakita ang ating pagmamahal sa ating magulang, partikular sa ating mga ina. Kapag tatanungin tayo kung mahal natin ang ating ina, kadalasan ay sasabihin nating “Oo,” pero nabibigo tayong ipakita ito. And every time we try, we always end up disappointing them. Pagkayakap natin sa ating ina pagkauwi galing sa eskwela, ay bigla naman tayong makikipagsagutan sa ating kapatid, na alam nating sisira sa araw ni nanay.

Mayroon pa sa ating nagtatago ng tampo o maging galit sa ating ina, at maaaring lehitimo ang dahilan—ngunit alam naman nating hindi tama. May ilan pang nagbabalak maglayas. We’ve willingly done almost every thing para sila’y i-disappoint.

Pero kung sakaling nais mong itama na ang lahat, una mong tingnan si Jesus. Siya ang the best na naging anak sa Kanyang ina dito sa lupa. Masunurin Siya (Luke 2:19) at hindi Siya sakit ng ulo ng Kanyang pamilya at lipunan (v. 20). Ayon sa kasaysayan at tradisyon, maagang namatay si Joseph, at bilang panganay ay tinupad ni Jesus ang kanyang katungkulan na tumayo bilang breadwinner hanggang dumating Siya sa tamang edad. Kahit na alam Niyang hindi pa oras, ay sumunod Siya sa hiling ng Kanyang ina (John 2:1-11). At kahit sa oras ng Kanyang kamatayan, inisip Niya pa rin ang magiging kalagayan ng Kanyang ina (John 19:25-27). Jesus is the best example of a son we ought to follow.

—Bro. Elijah Abanto

 

A Mother’s Greatest Gift

by Dr. Charles F. Stanley

Bilang mga magulang, nais natin na ang ating mga anak ay maglaan ng oras kasama natin, makipag-usap sa atin, at manatiling malapit sa atin habang buhay. At mas mahalaga, nais natin silang gustuhin din ang kaparehong bagay. Ngunit kung hindi natin sila iibigin nang walang pasubali o kondisyon ngayon, malamang ay hindi nila gugustuhin na maging malapit sa atin sa darating na panahon.

“Ngunit hindi ba ako ang responsible para tulungan silang malinang tungo sa kanyang pinakamataas na potensyal?” maaari mong itanong. “Wala bang mga pagkakataon na kailangan kong itulak pa sila nang kaunti?”

Tumpak! Sa totoo lang, ang pagmo-motivate sa ating mga anak patungo sa kagalingan at pag-unlad ay bahagi ng pagpapakita ng walang-pasubaling pagmamahal at pagtanggap sa kanila. Kapag hinahayaan natin ang ating mga anak na basta na lamang makasabay sa buhay, ito ay isang anyo ng hindi-direktang pagtanggi.

Kung nais mong ma-motivate ang iyong mga anak nang hindi nagpapakita ng kahit anong ugali ng pagtanggap na may hinihinging kondisyon, dalawang mga bagay ang dapat na maging totoo:

Una, ang lahat ng iyong pagtulak at pagtatagubilin ay dapat na unahan ng pagpapakita ng walang-kondisyong pagmamahal sa kanila. Nararapat na magkaroon ng mga alaala ng kanilang pagiging karapat-dapat sa iyong mga mata. Sa mga alaala, ang ibig kong sabihin ay mga naunang pangyayari o pakikipag-usap na malinaw na nagpakita ng iyong pagmamahal.

Ang mga alaala ay nakakatulong dahil nagbibigay ang mga ito sa iyong mga anak ng mga bagay na maaalala para mapaalalahanan kapag tinutulak mo silang gumawa. Minsan ang iyong mga inaasahan ay magiging napakataas, at sila’y mabibigo. Kapag walang mga paalaala ng iyong walang-pasubaling pagtanggap, maaaring katakutan ng mga anak ang iyong pagkadismaya at pagtanggi.

Ang mga alaala ay maaaring maisagawa sa anyo ng isang regalo o kahit na pagbibigay ng ilang mga pribilehiyo. Sa pagbibigay ng regalo, idiin na iyon ay hindi konektado sa anumang partikular na okasyon o aksyon sa kanilang bahagi; binibigyan mo sila dahil mahal mo sila.

Pangalawa, upang maayos mong ma-motivate ang iyong anak, dapat mo siyang sukatin sa pamamagitan ng kanyang kakayahan, hindi sa kakayahan ng iba. Ang pagkukumpara ng nagagawa ng isang anak sa nagagawa ng iba pagdaka ay nakasisira ng tamang pagtingin sa sarili, pagpapahayag ng indibidwalidad, at pagiging malikhain.

Ang tunay na susi rito ay ang tingnan ang bawat isa sa iyong mga anak bilang isang indibidwal na unique, o walang katulad. Ang bawat bata ay pinagkalooban sa isang partikular na paraan. Ang iyong layunin bilang isang magulang ay ang makita ang kalakasang ito at idiin ito habang ang iyong anak na lalaki o babae ay lumalaki,  sapagka’t sa lugar ng talento ng iyong anak ay nakahimlay ang pinakamalaking potensyal para sa kagalingan. Sa pamamagitan ng paglilinang ng mga kalakasang ito, ikaw ay makakagawa din ng mga dakilang bagay para sa tamang pagtingin ng iyong mga anak sa kanilang sarili.

Nung ako’y lumalaki, hindi ako naging mahusay sa high school. Naging okay naman ang lahat, pero hindi ako nagkaroon ng magandang simula. Bilang resulta, hindi ko sinabi sa aking mga anak na inaasahan ko silang makakuha ng mga A o B habang sila’y nasa eskwela. Hindi ko sinabi sa kanila na kailangan nilang makasali sa baseball team o maging pinaka-popular. Imbes, ang aking tanong ay, “Ginawa mo ba ang the best mo?”

Isang magandang paraan upang malaman kung nakakaramdam ang iyong mga anak nang walang-pasubaling pagtanggap o hindi ay sa pamamagitan lamang ng pagtatanong sa kanila, “Ano sa tingin mo ang kailangan mong gawin para maipagmalaki ka ni Nanay at Tatay?”

Limiin ang sagot nang maingat. Ito ba ay may kaugnayan sa ginawa? Nararamdaman ba nila na kailangan muna nilang gawin ang lahat ng mga gawain araw-araw o maging estudyante na puro A? Pakiramdam ba nila na sila’y obligado na makasali sa isang grupo, o makagawa ng isang gawain upang makuha nila ang iyong pagtanggap?

Marahil ang sagot ay mas may-kaugnayan sa karakter. Naniniwala ba ang iyong mga anak na ang paggawa ng kanilang pinakamagaling sa bawat gawain na mayroon sila ay ang siyang magpapasaya sa’yo? Alam ba nila na maipagmamalaki mo sila sa pagsunod sa Diyos, anuman ang kapalit?

Ang kanilang sagot ay magbibigay sa’yo ng kaalaman sa kung ano talaga ang iyong naiparating, anuman ang iyong nasabi. Ang naitatag mong sistema ng pagpapahalaga ang magsisilbing basehan kung saan matatanggap nila ang kanilang mga sarili at ibang tao.

Ang pagsasabi sa iyong mga anak na tinatanggap mo sila nang walang kondisyon ay hindi sapat. Sumulat ang apostol Juan, “Mga maliliit kong mga anak, huwag tayong umibig sa salita o dila lamang, ngunit sa gawa at sa katotohanan” (1 John 3:18). Ang walang-kondisyon na pagmamahal at pagtanggap ay naipaparating nang mas malinaw sa pamamagitan ng ating ginagawa at kung paano natin ito gawin kaysa sa kung anong sinasabi lamang natin.

Ang ating mga anak ay dapat na magkaroon ng nakatabing mga alaala upang mapanatili ang kanilang paniniwala na tunay natin silang minamahal, anuman ang mangyari. Ang ganitong klase ng pag-ibig ay sinasabi sa ating mga anak na tinatanggap natin sila sa kung sino sila—anuman ang kanilang nagagawa. O anong klase ng seguridad at pagtanggap ang naibibigay nito sa kanila!

Pinapalakas mo ba ang loob ng iyong mga anak upang magtagumpay? Hindi mo kailangang magtulak ng mga ekspekstasyon sa kanila. Kung ating ide-derekta ang kanilang tuon sa Panginoon, ay gugustuhin nilang maging masunurin at gawin ang kanilang pinakamagaling para sa Kanya.

Huwag mong baliwalain ang impluwensya na mayroon ka sa buhay ng iyong mga anak. Tandaan, ang paraan kung paano ka kumilos sa harap nila ngayon ay nakaka-impluwensya nang malaki sa paraan kung paano sila tutugon sa’yo bukas.

 

Ang artikulong ito ay ibinase sa aklat ni Dr. Charles R. Stanley na, “How to Keep Your Kids on Your Team” (1986) at nakuha sa www.intouch.org, May 13, 2010. Isinalin sa Tagalog ni Elijah Abanto.

 

Jesus Loves You, Mother!

Madalas ay hindi mahusay ang mga anak sa pagpapatunay ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang, partikular na sa mga ina. Maaari mang wala lang ito sa mga ama, ngunit napakahalaga nito para sa mga ina. Tulad na nais niyang ipakita ng kanyang asawa ang pagmamahal nito sa kanya, nais din ng isang ina na mahalin siya ng kanyang mga anak at ipakita ito sa kanya. But kids always fall short. Madalas pagkatapos ng isang mahigpit na yakap sa ina pagkagaling sa school ay makikita naman ni nanay na nakikipagsigawan sa kapatid. At alam ng lahat ng mga anak na sira na ang araw ni mommy dahil doon.

Maraming nagbabasa nito ay isang ina. Ina, kamusta na? Nanay, isa na naman bang araw ng pagtitiis? Mommy, okay ka lang ba ngayon? May mga magsasabi po siguro sa inyo, “Okay na sana, kung hindi lang sa mga pasaway kong anak.” Iniisip niyo na ginagawa niyo nang lahat para sa kanila, pero, parang walang epekto—walang pinatutunguhan. Araw-araw ay dinadalaw kayo ng takot, “Maglalayas din kaya siya? Magrerebelde?” at kakabit noon ay isang panalangin, “Sana’y hindi. Sana’y hindi.” But there’s more than that. Ang isang anak na tulad ko ay hindi rin kayang maarok ang pag-ibig para sa akin ng aking ina. At dahil doon ay nakakagawa ako ng mga bagay na nakakasakit sa kanya.

Pero buti na lang, magkulang man kaming mga anak, may isang tunay na nagmamahal sa inyo—si Jesus. Naging anak din Siya ng isang ina, ngunit, hindi Siya nagkulang. Hanggang sa kamatayan sa krus, ay hindi Niya nakalimutan ang kalagayan ng kanyang ina. Siniguro niyang may mag-aalaga at magkakalinga rito bago Siya mamatay. (John 19:25-27) At kung parang hindi man nararamdaman ng inyong mga anak ang bigat na inyong pinapasan, sigurado, naramdaman Niya iyon. (Luke 23:27-29)

Mga ina, mahal kayo ni Jesus! Mahal na mahal kayo ni Jesus na pinili Niya ring mamatay para sa iyong mga kasalanan. At handa Siyang tanggapin ang lahat ng kabigatan mo, ibigay mo lamang sa Kanya. “Casting all your care upon Him; for He careth for you” (1 Peter 5:7).

—Bro. Elijah Abanto

 

The Power of Story

Sinabihan tayong makinig; kaya naman sinisikap nating makinig. Ngunit hindi doon nagtatapos; kahit ang nagsasalita ay dapat na ginagawa ang nararapat upang talagang makinig ang tao, hindi basta napipilitan lamang. May nagsabi ngang isang professor ng isang Christian university sa US, “Kasalanan ang i-bore ng guro ang estudyante habang pinepresenta niya ang katotohanan.” The truth is not boring, yes; pero kung ito’y itinuturo sa nakaka-boring na paraan, hindi rin niya makukuha ang atensyon ng nakikinig.

Which brings us to the subject of how to teach. Paano natin tinuturuan ang ating mga estudyante, sa Sunday School, secular school, o sa ating tahanan mismo? Si Kurt Bruner, group vp ng media and communications sa organisasyong Focus on the Family, ay ikinuwento ang kanyang experience kasama ang kanyang anak. Tinanong niya kung ano’ng lesson noong Sunday School. Sumagot ito at nagsabi, “Ah, tungkol uli sa Diyos.” Halos maramdaman na niya ang paghikab sa boses nito. That’s not the way it should be.

So, kung gusto nating i-improve ang ating teaching skills, matuto tayo mula kay Jesus, ang tinaguriang Master Teacher. Ano ang ginagawa Niya para magturo ng mga katotohanan? He tells stories. Basahin mo ang mga ebanghelyo, at makikita mong nagbabahagi Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng kwento. Kaya naman mula bata hanggang matanda, kayang makinig nang buong maghapon sa mga salita Niya.

We must be like Jesus, right? And so, we must be  good storytellers. Bilang magulang na nagtuturo ng mga aralin sa buhay sa ating mga anak, kailangan ito. Bilang mga guro sa kahit anong larangan, we must be good at telling stories. Kung alam nating ang ating ibabahagi ay isang mahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos, stories are needed. In fact, basahin mo ang Bible. Hindi ba ang mismong librong ito ay aklat na puno ng kwento? Kung atin pang iisipin, ang Biblia ay isang kwento—ang kwento ng Diyos at Kanyang pakikitungo sa mga tao. No wonder ang Bible ay bestseller.

—Bro. Elijah Abanto

Yea and Nay: Jesus’ Simple Command of Verbal Integrity

by Charles R. Swindoll

Nakakamangha na ang mga isyung binigyang-pansin ni Kristo sa Kanyang pangangaral noong unang dantaon ay may kaugnayan pa rin sa ngayon tulad noong una Niyang sinabi ito. Pagpatay (Matthew 5:21-22) at kaguluhan (vv. 23-26). Paghihiwalay (vv. 27-32) at mga kasinungalingan (vv. 33-37). Ngayon ay pag-usapan natin ang huli.

Patungkol sa mga pangangako, binibigyang-pansin naman ni Jesus ang katapatan sa mga sinasabi.

Again, ye have heard that it hath been said by them of old time, Thou shalt not forswear thyself, but shalt perform unto the Lord thine oaths: But I say unto you, Swear not at all; neither by heaven; for it is God’s throne: Nor by the earth; for it is his footstool: neither by Jerusalem; for it is the city of the great King. Neither shalt thou swear by thy head, because thou canst not make one hair white or black. But let your communication be, Yea, yea; Nay, nay: for whatsoever is more than these cometh of evil.

Matthew 5:33-37

Inaamin ko, nabasa ko na yan ng isang dosenang beses bago ko maintindihan, kaya huwag kang mawalan ng loob kung sa unang tingin mo ay parang naguguluhan ka.

Huwag natin itong gawing komplikado. Kitang-kita naman, ang paksa ay mga taong nagsasabi ng katotohanan. Ang mga sumpa ay may kinalaman sa paggawa ng pangako sa layuning makapagdadagdag ito ng katotohanan sa isang bagay na sinabi. Kapag ako ay nanghiram ng libro at sinabi ko sa iyo, “Ibabalik ko ito; pangako,” ’yon ay isang pangako. Kung gagamitin ang biblikal na termino, ito ay isang sumpa. May mga halimbawa pa akong naiisip. Kapag ang isang presidente ay kakahalal pa lamang, inilalagay niya ang kanyang kamay sa isang Biblia at gumagawa ng pangako na itataas ang Konstitusyon ng bansang iyon. Tinatawag pa nga natin yung “taking the oath of office” (panunumpa). Ang mga indibidwal na inordinahan sa ministeryo ay gumagawa ng pangako na may kinalaman sa pagiging matapat sa paglilingkod habang kanilang itinatalaga ang kanilang mga sarili sa isang buhay na dalisay at may debosyon kay Jesu-Kristo at Kanyang Salita. Kapag ikaw ay pumupunta sa korte upang maging testigo, ikaw ay nanunumpa na, “nasasabihin ang katotohanan, ang lahat ng katotohanan, at pawang katotohanan lamang, kaya tulungan mo ako Diyos.” Gumagawa ka ng isang sumpa. Hindi ito nagpapanatili sa’yo mula sa iyong kasalanan, ngunit ginagawa ka nitong responsible kung ikaw ay talagang nagkasala, sapagka’t nangako ka na sasabihin mo ang katotohanan.

Kapag sinasabi ni Jesus na, “Huwag ka nang gumawa ng sumpa,” sinasabi ba Niyang hindi na nga dapat mangako? Sinasabi ba Niya sa ating presidente na huwag nang ipatong ang kanyang kamay sa ibabaw ng Biblia at mangako na kanyang itataas ang Kontitusyon? Sa tingin ko’y hindi. Ang sinasabi ni Jesus ay may kinalaman sa mga pangako na idinadagdag sa isang pangungusap, iniisip na ang karagdagang mga pangako ay magiging mapagkakatiwalaan ang pangungusap na iyon. Hindi. Ang punto ng sinabi ni Jesus ay, dapat ang mismong sinabi ay tumayo sa sarili nito. Kung pwede namang isang salita lang, bakit ka pa magsasayang ng iyong hininga sa marami pang salita? Simplehan mo lamang. Sabihin mo kung oo o hindi. Ang dami ng salita ay hindi nagpapatunay na totoo nga ang sinasabi.

Sinasabi mo, “Wala namang problema dun, ah. Pambihira, kaya namang gawin iyan ng kahit sino eh.” Okay, hayaan niyo akong magtanong tungkol dito. Sabihin nating nangako ka na maghuhulog ka para sa isang utang kada buwan. Ginagawa mo ba iyon? Binabayaran mo ba ito nang on-time? O kaya ay sabihin nating nanghiram ka ng isang kasangkapan mula sa iyong kapit-bahay at sinabi mong ibabalik mo iyong pagkatapos mong gamitin. Ginawa mo ba? Nangako ka na magiging tapat ka sa iyong asawa. Tapat ka nga ba? Sa isang seryosong sandali ng pagka-convict mo ikaw ay nangako sa Panginoon na ikaw ay titindig para sa Kanya. Ginagawa mo ba iyon? Hindi na kailangan na magdagdag pa ng maraming salita o matutunog na mga pangungusap na naninigurado; gawin mo na lang.

May ibang taong nag-iisip na sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salita mas magiging kapani-paniwala ang mga sinasabi mo. Hindi ganun. Ang kailangan lamang ay, “Magkita tayo bukas dito nang alas-dos ng hapon,” hindi “Pupunta ako dito, sinisigurado ko sa’yo, nang alas-dos nang hapon. Sinusumpa ko sa’yo, gagawin ko. Sa ngalan ng langit, mapagtitiwalaan mo ang salita ko.” Hindi iyon nakapagdadagdag ng katotohanan sa iyong sinasabi. Kailangan ko lamang na siguraduhin sa sarili ko na nandoon ako sa kung nasaan ako dapat nang alas-dos ng hapon. Ang oo ay dapat na oo. Ang hindi ay dapat na hindi. Simplehan mo lamang.

Minsan ang isang simpleng pangungusap ng katotohanan ay maaaring maging isang malakas na motibasyon para sa mga taong nasa paligid mo. Nagsabi ang Koreanong ebanghelistang si Billy Kim ng isang magandang kwento na inilalarawan ang aking punto.

Pagkatapos ng digmaan ay dumagsa ang mga komunista sa South Korea mula sa North. Isa sa mga una nilang ginawa ay ang pagsama-samahin ang isang grupo ng mga Kristiano sa kanilang church building, kung saan pinwersa nila ang mga pinuno na ikaila ang kanilang Panginoon. Sinamahan pa nila ang kanilang pamemwersa ng mga pahirap at panakot sa mga buhay ng mga preso nila. Isa-isa ang mga pinuno ay sumuko. Nung ang mga nagpahirap ay iniabot ang mga Bible sa mga ito at inutusan na duruan ito, ginawa nung mga pinuno. Hanggang sa dumating sa isang maliit na babae.

Walang takot siyang tumingin nang matalim sa kanyang mga tagapagpahirap at nagsabi, “Maaari niyo akong martilyuhin nang martilyuhin. Maaari niyo akong paluin hanggang mamatay ako, ngunit hindi ko ikakaila ang aking Panginoon!” Pagkatapos ay nagsimula siyang umawit, pagkatapos lumingon sa mga pinuno na bumagsak at nagsabi, “Maawa nawa ang Diyos sa inyong mga kaluluwa.” Ano ang naging resulta? Ang mga tao kasama sa iglesiya ay sinamahan siya sa pag-awit. Iniba niya ang direksyon papuntang pagtanggi sa Panginoon na sinimulan ng mga pinuno. Ano ang ginawa ng mga komunista? Kanilang pinatay ang mga pinuno na ikinaila si Kristo at pinalaya ang babae na malinaw na ipinakita ang kanyang katapangan.1

Ang payo ng Panginoon ay malinaw: hayaan ang iyong oo ay maging oo; at hayaan ang iyong hindi ay maging hindi. Sa ibang mga salita, makilala bilang isang tao na may integridad ang mga sinasabi. May mga naghihintay na espesyal at minsan ay nakagugulat na resulta para sa kanila na tumatangging magdagdag pa ng mga salita sa kanilang sinabi. Pinaparangalan ng Diyos ang payak na katapatan.

Sa kanyang gawa, The Christian Century, ay sumusulat si Lloyd Steffen ng isang panahon pabalik sa ika-labinwalong dantaon nang si Haring Frederick II ng Prussia ay bumisita ng isang preso sa Berlin. May isang nakakulong tapos isa pa na sinubukang kumbinsihin ang hari na siya ay inosente. Sinabi ng mga ito na sila ay naparusahan nang hindi karapat-dapat para sa mga krimen na hindi naman nila ginawa—lahat sila, iyon ay, bukod sa isang lalaki na nakaupo nang tahimik sa isang sulok habang ang iba ay ikinuwento ang kanilang mga mahahaba at komplikadong mga istorya.

Nakikita ang lalaki na nakaupo roon, walang pakielam sa komosyon, ang hari ay tinanong ang hari kung bakit ito nakakulong. “Armed robbery ho, Mahal na Hari.”

Nagtanong ang hari, “Totoo ba ang akusasyon sa’yo?”

“Oho,” sinabi nito nang hindi sinusubukang pasubalian ang maling nagawa.

Doon nagbigay ng utos si Haring Frederick sa bantay: “Palayain ang makasalanang taong ito. Ayokong dumihan niya ang pag-iisip ng lahat ng mga inosenteng tao rito.”2

 

Ang bahaging ito ng pangangaral ni Jesus ay hindi mahirap na intindihin. Nagsasalita Siya sa mga salitang naiintindihan ng kahit sino, bagaman totoo ring hindi lahat ay nakikita ang Kanyang mga sinasabi na madaling tanggapin. Nagsasalita Siya tungkol sa katapatan sa mga sinasabi. Ating ibuod ang kanyang katuruan sa pamamagitan ng suwestiyong ito.

Sabihin ang nais mong iparating at gawin ang sinabi mo. Ganun lang kasimple. Wala nang mumbo-jumbo, wala nang mahaba, makukulay, at tunog-relihiyong mga salita ang kinakailangan. Basta sabihin mo lang ang totoo.

1Billy Kim, sinipi sa Stuart Briscoe, Now for Something Totally Different (Waco, Tex.: Word Books, 1978), 100-101.

2Lloyd H. Steffen, “On Honesty and Self-Deception: ‘You are the Man,’” The Christian Century, 29 April 1987.

Ang artikulong ito ay sinipi mula kay Charles R. Swindoll, Simple Faith (Dallas, Tex.: Word Publishing, 1991; Nashville, Tenn.: W Publishing Group, 2003), 89-92.

I’m Going to Church If…

Isa nang karaniwang tanong para sa atin ang, “Bakit hindi ka naka-attend nung Sunday?” At siyempre karaniwan na rin ang litanya ng mga paliwanag na “Ganito kasi” o “Kasi ganito” kung saan ang tao ay walang magawa kundi sa bandang huli ay itango na lamang ang kanyang ulo. Thankfully, I’m the one who asks and not the one who’s being asked. Salamat sa aking upbringing, wala akong matandaan na naka-miss ako kahit isang service. Ngunit kakabit nito ay ang pag-aalala sa mga taong dahilan nang dahilan kapag hindi naka-attend.

May kondisyon ka ba muna bago ka um-attend ng church? Hindi man natin aminin, ang mga paliwanag na ibinibigay natin ay isang maingat na paglalatag ng ating kondisyon sa Diyos para tayo’y maka-attend. “May pasok kasi ako eh,” para mo na ring sinabi na aattend ka lamang pag walang pasok sa trabaho o school. “Walang sasakyan eh,” para mo na rin sinabi na aattend ka lamang pag may nanundo. “Nagbakasyon kasi ako,” parang sinabi mo na rin na makaka-attend ka lamang kapag hindi bakasyon. “May problema kasi ako sa pamilya ko,” sinabi mo rin na kapag walang problema, doon ka lamang dadalo sa church.

That’s not good. Humingi ba ng kondisyon sa’yo ang Panginoon nang iligtas ka Niya? Sinabi ba Niyang ililigtas ka lamang Niya kung ganito, kung ganyan ka? Alam mong hindi. Sa sinumang tatanggap sa Kanya, ay ibinibigay Niya nang walang-bayad ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesus. Kaya naman hindi ko maiwasang mamangha sa aking puso sa mga tao kapag may lakas pa ng loob magdahilan kung bakit hindi naka-attend. Never did I once hear, “Walang karapat-dapat na dahilan sa hindi ko pag-attend; pinili kong huwag um-attend.” No one.

—Bro. Elijah Abanto

Straight from the Pastor’s Heart: The Purpose of Going to Church

by Pastor Felizardo Abanto

John 20:19-23, 26

Ang ating binasa (mula sa John) ay nagpapakita kung ano ang nami-miss natin kapag hindi tayo uma-attend ng kahit isang service. Nung um-absent si Thomas noong Linggo ng gabi ay doon unang dumating si Jesus. Dahil sa hindi niya pagdalo ay na-miss niya ang blessing na sana ay dapat na natanggap. Nagdalawang-isip pa siya kung maniniwala siyang nabuhay nga si Jesus mula sa mga patay, isang bagay na hindi na dapat nangyari kung nandoon lamang siya noong gabing iyon.

Bakit ba mayroong church? Maraming isasagot ang tao, ngunit ang mga sumusunod na dahilan ay masasabi kong hindi mga pangunahing dahilan kung bakit sinimulan ang church:

Ang church ay hindi sinimulan para maging lugar ng pagsamba. Kaya mong sambahin ang Diyos nang mas maayos kapag ikaw ay nag-iisa. Mas maganda ang pananalangin sa Diyos nang mag-isa. Kapag tayo’y nagsasama-sama para sa dahilang sasamba o mananalangin lamang, ay natutukso pa tayong magpakitang-gilas sa isa’t isa.

 

I hate, I despise your feast days, and I will not smell in your solemn assemblies. Though ye offer me burnt offerings and your meat offerings, I will not accept them: neither will I regard the peace offerings of your fat beasts. Take thou away from me the noise of thy songs; for I will not hear the melody of thy viols.

Amos 5:21-23

 

Pangalawa, hindi rin itinatag ni Jesus ang iglesiya bilang isang lugar ng ebanghelismo. Mayroong mga iglesiya na ginagawa ang morning service na panahon upang ipangaral ang ebanghelyo para may maligtas. Tinatawag ang ganitong iglesiya na “evangelistic church,” ngunit, ang ganitong konsepto ay wala sa Biblia. Ang nasa Biblia ay ang tinatawag na “soul winning church.”

Hindi tayo laban sa mga tao na naliligtas sa iglesiya, o sa paminsan-minsang pangangaral tungkol sa kaligtasan. Ngunit, iyon ay hindi ang pangunahing layunin ng iglesiya, ni ang dahilan kung bakit nasimulan ang iglesiya. Ang iglesiya ng Bagong Tipan ay isang institusyong nag-aakay ng kaluluwa kung saan ang lahat ng mga miyembro ay nag-aakay ng mga kaluluwa kay Jesus. (Acts 5:42; 8:1, 4; Mark 16:15)

Napupwersa ang mga ebanghelista na baguhin ang kanilang mga ministeryo, mula sa paraan ng Ephesians 4:11, 12:

And he gave some, apostles; and some, prophets; and some, evangelists; and some, pastors and teachers; For the perfecting of the saints, for the work of the ministry, for the edifying of the body of Christ.                        —Ephesians 4:11-13

Ginagawa na lamang “evangelistic” ang kanilang mga mensahe dahil hindi ginagawa ng mga miyembro ng church ang kanilang trabaho.

 

Narito ang mga tunay na dahilan kung bakit itinatag ang iglesiya:

 

Una, ang iglesiya ay itinatag para sa kaaliwan.

 

Then the same day at evening, being the first day of the week, when the doors were shut where the disciples were assembled for fear of the Jews, came Jesus and stood in the midst, and saith unto them, Peace be unto you. And when he had so said, he shewed unto them his hands and his side. Then were the disciples glad, when they saw the Lord.

—John 20:19-20 (KJV)

 

Nung panahong nasa libingan pa si Jesus, ang mga alagad Niya ay nabalot ng takot na baka hulihin sila at patayin ng mga Judio. Kaya sila’y nagsimulang magtipun-tipon sa “upper room,” ang lugar kung saan napapalis ang takot ng mga tao.

 

Pangalawa, ang iglesiya ay lugar para sa pagpapalakas. Kadalasan ang mga tao ay hindi na dumadalo sa church dahil sa problema o dahil sila’y napanghihinaan ng loob. MALI. Mas nararapat pa nga na dumalo ng iglesiya kapag nanghihina, dahil dito, tayo ay lumalakas at tumitibay. Kitang-kita naman sa mga Kristiano—kung sino ang dumadalo, siya ang malakas; kung sino ang hindi dumadalo, siya ang mahina.

 

Not forsaking the assembling of ourselves together, as the manner of some is; but exhorting one another: and so much the more, as ye see the day approaching.

—Hebrews 10:25 (KJV)

 

Napapalakas din ang loob ng mga Kristiano dahil dito, lahat ay pantay-pantay: mahirap o mayaman, bata o matanda, anak ng miyembro o anak ng pastor, mga lider at mga hindi lider.

 

For if there come unto your assembly a man with a gold ring, in goodly apparel, and there come in also a poor man in vile raiment; And ye have respect to him that weareth the gay clothing, and say unto him, Sit thou here in a good place; and say to the poor, Stand thou there, or sit here under my footstool: Are ye not then partial in yourselves, and are become judges of evil thoughts?

James 2:2-4 (KJV)

 

Pangatlo, ang iglesiya ay lugar upang ibigay ang ikapu at mga handog sa Diyos.

 

Now concerning the collection for the saints, as I have given order to the churches of Galatia, even so do ye. Upon the first day of the week let every one of you lay by him in store, as God hath prospered him, that there be no gatherings when I come.

1 Corinthians 16:1-2 (KJV)

 

Pang-apat, ang iglesiya ay lugar para sa paglago. Pagkatapos banggitin ang mga kaloob ng Diyos sa iglesiya at ang layunin ng mga ito, ay mababasa natin sa Ephesians 4:13-15:

 

Till we all come in the unity of the faith, and of the knowledge of the Son of God, unto a perfect man, unto the measure of the stature of the fulness of Christ: That we henceforth be no more children, tossed to and fro, and carried about with every wind of doctrine, by the sleight of men, and cunning craftiness, whereby they lie in wait to deceive; But speaking the truth in love, may grow up into him in all things, which is the head, even Christ:

 

Kaya may church ay para hindi tayo manatiling mga sanggol sa ispiritwal na aspeto; ni manatiling mga karnal, umaakto na parang hindi ligtas; lalo na ang manatiling mahina laban sa mga bulaang doktrina, kundi maging matibay. Narito tayo para lumago. Ang pinakamadaling paraan para malinlang ay ang maging hindi matapat sa iglesiya.

Kailangan na nagkakaisa tayo at matapat sa ating iglesiya. Halimbawa, may mga pagkakataong iimbitahan o yayayain tayo sa isang iglesiya. Ang isang miyembrong matapat sa kanyang iglesiya ay magsasabi sa nagyaya, “May Gawain din po kami.” Sinasabi nga sa verse 13, “unity of the faith.”

 

Panglima, ang iglesiya ay lugar para magkaroon ng inspirasyong humayo at mag-akay ng kaluluwa. Sa buong iglesiya inutos ni Jesus ang pagso-soul winning:

 

Then the eleven disciples went away into Galilee, into a mountain where Jesus had appointed them. And when they saw him, they worshipped him: but some doubted. And Jesus came and spake unto them, saying, All power is given unto me in heaven and in earth. Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost: Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you alway, even unto the end of the world. Amen.

Matthew 28:16-20 (KJV)

 

Hindi na kailangan na dumalo pa sila sa church para maligtas; pupunta tayo kung nasaan sila para doon sila maligtas. Tsaka natin sila dadalhin sa iglesiya pag ligtas na sila.

Ang First Baptist Church of Hammond, Indiana sa Amerika (pangunguna ni Dr. Jack Schaap sa ngayon) ay mayroong 4,000 na miyembrong lumalabas para mag-akay ng kaluluwa. Nung buhay pa ang mas nauna nitong pastor, si Dr. Jack Hyles, ay sinabi niya hindi pa siya kontento. Nais niya na ang bawat isang miyembrong dumadalo ay lalabas upang mag-soul winning. Kung tayong lahat lamang ay mag-aakay ng kaluluwa, hindi na kailangan ng “evangelistic sermon” tuwing Sunday morning service.

 

Pang-anim at huli, ang iglesiya ay lugar para makipag-fellowship, isagawa ang Lord’s Supper, matuto ng Biblia, at matuto para manalangin.

 

Then they that gladly received his word were baptized: and the same day there were added unto them about three thousand souls. And they continued stedfastly in the apostles’ doctrine and fellowship, and in breaking of bread, and in prayers.

Acts 2:42 (KJV)

 

Ang fellowship ay nangangahulugang communion o pakikiisa. Sa iglesiya, tayo nakikiisa kay Kristo kasama ang bawat isa.

 

Huwag tayong lumayo mula sa tunay na layunin ng iglesiya. Tuparin natin ito—ang ating misyon, ang ating pangitain. Maging matapat tayo!