Straight from the Pastor’s Heart: Perseverance

Hebrews 12:1-2

Ang buhay-Kristiano ay parang isang Tour de France. Ang Tour de France  ay isang taun-taong karera na may habang 3,500 kilometro sa bansang France at mga kalapit na bansa. Ang karera ay tumatagal ng tatlong linggo at umaakit ng mga bisiklista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang karera ay nahahati sa labindalawang mga bahagi, na tinatawag na stages. Sa ganitong klase ng karera ay kailangan, hindi lamang ng lakas at bilis, kundi determinasyon na matapos ang karera. Paano kang makakatagal sa ganoong kahabang karerang umaabot ng halos isang buwan? Kailangan ng perseverance. Siguradong sa karerang iyon ay maraming hadlang sa daan, kabilang na ang sobrang habang distansya nito. Ganundin sa buhay-Kristiano. Bilang mga Kristiano, tayo ay nasa karera. At para matapos natin ang karera nang matagumpay ay dapat tayong magkaroon ng perseverance, o katiyagaan.

Paano ba tayo magkakaroon ng katiyagaan?

 

Alisin ang mga hadlang.

 

Ang kasalanan na siyang kumukubkob at gumugulo sa atin, at mga kabigatan, ay iba-iba para sa bawat isa sa atin. Anuman iyon, dapat nating alisin ang mga iyon.

Ang mga hadlang ay makakapigil, at nililihis tayo sa tamang landas. Naaalala niyo ang Israel, dahil sa kanilang kasalanan, ay hindi nila lubusang mawasak ang kanilang mga kaaway.

Limiin ang talinhaga ng binhi sa Lukas 8:4-8, 11-15. Makikita natin na sa apat na tagapakinig, tanging yung isang naligtas ang nagtiyaga at nagbunga. Ang mga tunay na mananampalataya ay magtitiyaga. Upang tayo’y makapagtiyaga, kailangan nating alisin ang mga hadlang—ang mga bagay na pumipigil sa atin mula sa pagtitiyaga, ang mga tinik sa ating buhay, mga alalahanin sa ating buhay, mga kayamanan at kalayawan.

Huwag kayong maging tulad ni Esau na hinayaan ang ibang mga bagay na lamangan ang kanyang relasyon sa Diyos. (Hebrews 12:16) Hindi naman kasalanan ang pagkain. Ngunit mas binigyan niya ng atensyon ang kanyang tiyan kaysa pamana ng Diyos. (1 Corinthians 6)

Kapag nilagagay natin ang Diyos sa likuran ng ating trabaho, mga gawain, mga pampalipas-oras, mga senswal na kalayawan, o telebisyon, ay pinipigilan natin ang ating kakayahan na magtiyaga, maaaring hindi man ngayon, ay paglaon naman sa ating buhay, dahil ang ating pinili ngayon ay makakaapekto sa ating pipiliin paglaon. Tulad ni Esau—oo masaya nga siyang kumain ng pagkain noong oras na iyon, ngunit noong tatanggapin na niya ang kanyang mana, ay hindi na niya nakuha, sa kabila ng kanyang mga luha at pagsisisi.

 

Tanggapin ang Palakas-Loob ng Diyos.

 

  1. Mula sa mga tao ng pananampalataya (v.1)—ang mga dakilang lalaki at babae ng Hebrews 11 (11:24-26, 32-12:1)

 

Wala tayong maraming mga Kristiano na nabuhay bago tayo, na nagtayo para sa atin ng isang halimbawa ng katiyagaan at isang halimbawa ng pagdaan sa buhay, na dapat tayong magtiyaga.

Kung tayo ay magtitiyaga sa buhay nang matagumpay, nararapat tayong maging bahagi ng isang iglesiya, isang iglesiya kung saan ang mga tao ay nagmamalasakit sa bawat isa at nagpapalakas ng loob ng bawat isa, at nagmamahalan ang isa’t isa.

 

  1. Mula sa Tagaganap ng Pananampalataya—si Jesu-Kristo (vv. 2-3)

 

Kapag ating tinutuon ang ating mga mata kay Jesus at nalalaman kung ano ang ginawa Niya para sa atin, ang mga loob natin ay dapat na mapalakas sa ating sariling mga paghihirap.

Si Pablo, dahil sa kanyang pagtingin kay Jesus, ay masasabing:

 

For I am now ready to be offered, and the time of my departure is at hand.

I have fought a good fight, I have finished my course, I have kept the faith:

Henceforth there is laid up for me a crown of righteousness, which the Lord,

the righteous judge, shall give me at that day: and not to me only,

but unto all them also that love his appearing. (2 Tim 4:6-8, KJV)

 

Nagpapatotoo si Santiago:

 

Blessed is the man that endureth temptation: for when he is tried, he shall receive the crown of life, which the Lord hath promised to them that love him. (James 1:12, KJV)

 

  1. Mula sa Salita ng Pananampalataya—ang Biblia (v. 5a)

 

Ang Salita ng Diyos ay magpapalakas sa atin na magtiyaga dahil ito ang ating pagkain, ating karunungan—kung ano ang nangyayari sa pagtingin ng Diyos—ang katotohanan.

Yun ang dahilan kung bakit tayo may pang-araw-araw na pagbabasa ng Kasulatan sa Luma at Bagong Tipan. Yun ang dahilan kung bakit tayo may mga kinakabisadong mga talata. Yun ang dahilan kung bakit tayo may Sunday school. Yun ang dahilan kung bakit tayo nagtatagal sa iglesiya at mahabang pangangaral.

 

Tanggapin ang disiplina ng Diyos.

 

Upang magtiyaga papunta sa tagumpay, upang makakita ng pag-ani ng katuwiran, namunga sa pamamagitan natin, kailangan nating tanggapin ang disiplina ng Diyos.

Tayo ay may pagpili kapag dumadaan sa mahirap na pagkakataon: gulo sa pamil ya, problemang pinansyal, sakit at karamdaman, kaguluhan sa lipunan, problema sa trabaho, problema sa iglesiya—maaari tayong mapalakas sa pamamagitan ng pagtingin sa Panginoon. O tayo ba ay nagrerebelde laban dito at tumatalikod mula sa Panginoon?

Ang disiplina ng Diyos ay para sa ating kabutihan, tulad ng sinasabi sa Psalm 119:67, 71:

 

Before I was afflicted I went astray: but now have I kept thy word. …

It is good for me that I have been afflicted; that I might learn thy statutes.

 

Dapat nating tingnan ang mga panahon ng disiplina bilang ang Diyos na tinatrato tayo bilang mga anak na lalaki at babae na minamahal Niya at na nais Niya ang pinakamainam para sa atin.

Ang mga kahirapan o hardships ay mga bagay na nangyayari na hindi naman dahil sa ating sariling pagkakamali, ngunit kailangan nating tiisin ang mga ito bilang pagdidisiplina sa atin na mas umasa sa Panginoon kaysa sa sanlibutan.

Alam niyo ba yung tulang Footprints in the Sand? Sa unang parte ng tula ay makikita na nung masaya ang sumulat, ay may dalawang pares ng marka ng talampakan na makikita sa buhangin, ibig-sabihin magkasama silang dalawa ng Panginoon. Ngunit nung nasa panahon na ng kahirapan at kalungkutan, ay isang pares na lamang, kaya nagtanong siya sa Panginoon, “Bakit isang pares na lang? Nandyan lang po ba kayo kapag masaya ako?” kung saan sumagot si Jesus, “Hindi. Dahil sa mga panahon na nahihirapan ka, ay pasan kita sa aking likuran.”

Ikaw ba ay nagtitiyaga?

 

And not only so, but we glory in tribulations also:

knowing that tribulation worketh patience; And patience, experience;

and experience, hope: And hope maketh not ashamed;

because the love of God is shed abroad in our hearts

by the Holy Ghost which is given unto us. (Romans 5:3-5, KJV)

 

Kung ikaw ay nahihirapang magtiyaga, nais kong bigyan ka ng dalawang bagay na gagawin upang makabalik ka sa takbuhan:

1) Tumalon ka sa ating SRP: Scripture Reading Plan.

2) Maging AIC: Active in Church.

 

May malaking bahagi si Scott Kirchen sa pagkakasulat ng artikulong ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s