The Preacher’s Wife (A Poem)

In the shadow of the parsonage
Stands a figure oft obscure.
Just behind the faithful pastor
Is his wife, devout and pure.
She is with him every moment
Helping make his work progress,
And you can’t discount her portion
In the measure of success.
Oft behind the scene of action,
Often never seen or heard,
Yet she stands forever ready
Just to give a helping word.
It is not in active service
That her worth is really shown,
But in the bearing heavy burdens
That to others are unknown.
With encouragement and vision
She must urge God’s servant on,
When the shadows are the darkest
And his courage’s almost gone.
With her home forever open
And her work quite never done,
She is ever his lieutenant
In the battles fought and won.
– T. R. Buzzard

Advertisements

Back to the Basics

by Charles R. Swindoll

Ang yumao nang stratehista sa football, si Vince Lombardi, ay isang panatiko pagdating sa mga saligan. Sila na mga naglaro sa ilalim ng kanyang pamumuno ay madalas na magsabi ng tungkol sa kanyang sidhi, kanyang pwersa, kanyang hindi nawawalang sigasig para sa laro. Regular siyang bumabalik sa mga pangunahing pamamaraan ng blocking at tackling. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang pangkat, ang Green Bay Packers, ay natalo sa isang mas mahinang koponan. Masama na ang matalo … ngunit ang matalo sa koponan na iyon ay hindi mapapasubalian. Tumawag ng pagsasanay si Coach Lombardi noong sumunod na umaga. Tahimik na nakaupo ang mga kalalakihan, na mas mukhang hinagupit na mga tuta kaysa isang koponan ng mga kampiyon. Wala silang ka-ide-ideya kung ano ang aasahan mula sa lalaking kanilang pinakakinatatakutan.

Nagtitimpi at tumititig sa bawat isang atleta, nagsimula si Lombardi:

“Okay, babalik tayo sa simula ngayong umaga. …”

Hawak-hawak ang isang football sa taas na makikita ng lahat, patuloy siyang sumigaw:

“… mga ginoo, ito ay isang football!”

Tingnan mo naman kung gaano ka-basic iyon! Ang mga lalaking nakaupo doon ay naglalaro na ng football nang labinlima hanggang dalawampung taon … sila na mas alam ang opensa at depensa higit sa mga pangalan ng mga anak nila … at ngayon ay ipinapakilala niya ang football sa kanila! Para iyong pagsasabi, “Maestro, ito ay isang gabilya.” O, “Librarian, ito ay isang aklat.” O, “Marine, ito ay isang rifle.” O, “Ina, ito ay isang kawali.” Halatang-halata naman kung ano iyon!

Bakit naman sa tanang mundong ito makikipag-usap ang ekspertong coach na ito sa mga propesyunal na atleta sa ganoong paraan? Pero gumana naman iyon, sapagkat walang sinuman ang nagdala sa isang koponan sa tatlong magkakasunod na kampyonato sa buong mundo kundi siya. Ngunit—paano? Gumawa lamang si Lombardi sa isang simpleng pilosopiya. Naniwala siya na ang kagalingan ay pinakamainam na nakakamit sa pamamagitan ng pagma-master ng mga basics ng isang laro. Ang panlilito, pagpapasaya sa madla, at larong pakikipagsapalaran ay pupuno ng stadio (nang pansamantala) at maaaring makapagpanalo ng ilang mga laro (paminsan-minsan), ngunit sa huling pag-aanalisa ang mga palaging nananalo ay mga koponan na naglalaro nang matalino, taas-noo, at matigas na football. Kanyang stratehiya? Alamin ang iyong posisyon. Matuto kung paano ito gawin nang tama. Pagkatapos ay gawin ito nang buo mong lakas! Ang ganoong kasimpleng plano ang naglagay ng Green Bay, Wisconsin, sa mapa. Bago dumating si Lombardi, ang Green Bay ay isa lamang tigilan sa pagitan ng Oshkosh at Iceland.

Ang gumaganang stratehiya sa laro ng football ay gumagana rin sa iglesya. Ngunit sa mga ranggo ng Kristiyanismo, medyo mas madaling malito. Ah, hindi lang medyo: sobrang daling malito. Kapag sinasabi mong “church” sa ngayon, para lamang itong pag-order ng mainit na inumin … mayroon kang tatlumpu’t-isang klase ng mga lasa na pagpipilian. Maaari mong piliin ang mga madidiskarte, o mga humahawak ng ahas, o mga positibo mag-isip. Mga bandang may makukulay na ilaw, mga nakadamit na “pari” na may madudugong mga patalim, mga inahit na ulo na may magagandang mga bulaklak, at sumisigaw na mga showman na may mga nagpapagaling na mga linya ay mayroon din. Kung hindi pa iyon sapat, hanapin mo ang paborito mong “ismo” at magiging okay na: humanismo, liberalismo, matinding Calvinismo, politikal na aktibismo, antikomunismo, supernatural na spiritismo, o lumalabang pundamentalismo.

Pero teka! Ano ba talaga ang mga basics ng “iglesya”? Ano ang pinakapangunahing Gawain ng isang iglesyang naniniwala sa Biblia? Kung aalisin ang lahat ng mga hindi kinakailangan, ano ang matitira? Makinig tayo sa ating Coach. Sinasabi Niya sa atin na mayroon tayong apat na pangunahing prayoridad kung nais nating matawag na isang iglesya:

katuruan … pagsasama-sama … pagpuputul-putol ng tinapay … pananalangin (Mga Gawa 2:42).

Sa apat na ito tayo ay dapat na “patuloy na igugol ang ating mga sarili.” Ang mga matitibay, balanse, at “nagwawaging” mga iglesya ay sila na mina-master ang mga basics na ito. Ang mga ito ang bumubuo ng aspeto ng ano ng iglesya.

Ang paano ay pareho lamang na mahalaga. Muli, ang Coach ay sinasabihan ang ating koponan. Sinasabi Niya na ang iglesya na ginagawa ang kanyang trabaho ay ang iglesya na:

… nagsasanay sa mga banal para sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Kristo … (Efeso 4:12).

“Aba, ang dali naman pala,” sasabihin mo. “Napaka-simple naman yata?” itatanong mo. Handa ka na ba sa isang panggulat? Ang pinakamahirap na trabaho na maaari mong maisip ay ang pagpapanatili ng mga pangunahing gawain na ito. Maraming mga tao ang walang ideya kung gaano kadaling iwanan ng mga kinakailangan at mapasali sa ibang mga gawain.

Maniwala ka—mayroong tuluy-tuloy na daloy ng mga hiling mula sa mabubuti, at nakatutulong na sources na gamitin ang pulpit bilang isang plataporma para sa kanilang agenda. Inuulit ko, mabubuti at nakakatulong na sources, ngunit hindi kinakailangan … hindi direktang may kaugnayan sa ating pangunahing layunin. Ang layunin ng iglesya ay ang interpretasyon, eksposisyon, at aplikasyon ng Banal na Kasulatan.

Ngunit ang ganoong iglesya ay napakabihira sa ating lupain, parang gusto mong tumayo at magsabi:

“Mga Kristiano, ito ay Biblia!”

 

Pagpapalalim ng iyong mga ugat: Acts 2:42-47; Ephesians 4:12-16; Ephesians 2:19-22

Pagsasanga: Gawin ang mga sumusunod na basics: 1) matuto sa mga tinuturo; 2) makipag-fellowship sa kapwa mananampalataya; 3) sumama sa mga activities ng church; 4) manalangin.

—Mula sa Growing Strong in the Seasons of Life ni Charles R. Swindoll, pp. 372-375.

Honoring and Being Honored

Bawat isa sa atin ay may tinanggap na isang dakilang tungkulin. Pag sinabing “dakila” ito ay isang mabuting bagay na mahirap gawin kung tutuusin ngunit tinanggap pa rin nang buong puso. Ang gawaing ito ay maaaring ginawa natin sa maikling panahon, o kaya ito ay naging katayuan na natin sa buhay at gagampanan na natin sa panghabang-buhay. Kung ang gawaing ito ay pinagsikapan nating gawin nang tama at nararapat, nais natin (bagaman hindi natin sinasabi) na tayo’y parangalan.

Ilan sa mga halimbawa ng pagpaparangal ay makikita natin sa mga taong nag-aral mabuti; ngayon ay inaasahan nilang sila’y makakatanggap ng medalya o kahit man lang excellence certificate. Minsan pa nga ay kahit mabanggit lang ang pangalan ay okay na, basta nalamang may nagawa kang tama o karapat-dapat. Kaya may Father’s Day at Mother’s Day at Grandparents’ Day ay para magbigay-parangal sa mga naging mabuting ama, ina, at mga lolo’t lola. Kaya may Pastor’s Sunday ay para parangalan ang pastor. Kaya may National Heroes Day, Ninoy Aquino Day, All Saints’ Day, All Souls Day, at halos-lahat na ng mga “Day” ay dahil may isa tayong partikular o grupo ng tao alalahanin at parangalan—mapa mga bayani, politiko, patay, o santo pa yan.

Kapag Lord’s Day, handa ka ba ngayong parangalan ang Dios sa lahat ng Kanyang nagawa para sa iyo? Mula ba sa iyong paggising hanggang sa oras na binabasa mo ito hanggang sa iyong pagtulog ay itinakda mo na ba ang iyong sarili na parangalan ang Dios sa lahat ng ginagawa mo? Nais ko lang ipaalala na kahit hindi tayo karapat-dapat ay iniligtas Niya tayo, binago ang ating buhay, at binigyan ng pagkakataon para mabuhay para sa Kanya at paglingkuran Siya. Gagawin mo ba ito ngayon?

Kung nais nating maparangalan sa mga bagay na ginagawa nating tama o nararapat, mauna muna tayo. Paparangalan tayo ng tao kung paparangalan natin sila. Paparangalan tayo ng Dios kapag inuna natin Siya.

Kailangan nating maparangalan. Kung gayon, bigyang-parangal mo rin ang iba! Ngayon na!

Ways to Appreciate

Nang tingnan ko ang Tagalog translation ng appreciate sa Lingvozone (http://www.lingvozone.com), isa sa mga ipinakita nito ay “pagpapasalamat.” Pinag-isipan ko iyon nang maigi— ”pagpapasalamat”? Pagkatapos ay ito ang naging kongklusyon ko: Ang “appreciation” ay pagpapasalamat; ngunit higit pa roon ay pagpapasalamat na may kakabit na gawa upang ipakita ito.

Mayroon bang isang taong nakagawa sa iyo ng kabutihan ngayon? Then you must appreciate him. Paano? Alam kong mayroon na kayong naiisip, ngunit hayaan niyong ibigay ko pa rin ang ilan sa mga paraan para magawa niyo ito:

  • Sinsero kang magpasalamat sa kanya. Maraming klase ng “Thank you,” kabilang na doon ang simple at ang taos sa pusong pasasalamat. Mas maganda kung taos sa puso. Makikita ito sa ekspresyon ng iyong mukha at katawan.
  • Ibili mo siya ng kahit ano’ng alam mong gusto niya. May isa akong naging schoolmate sa Bible school na napakabait sa akin. Kaya paminsan-minsan ay binibilhan ko siya ng egg pie mula sa bakery o kaya suman, o kakanin. Ngumingiti siya nang malapad kapag ginagawa ko ito.
  • Mag-presentang tumulong. Matutuwa din siya kapag ganito. Maaari siyang tumanggi nang magalang, ngunit sa puso niya ay natutuwa siyang may gustong makibahagi sa ginagawa niya.
  • Sulatan siya. Minsan ay mas madaling ipahayag ang iyong appreciation sa pamamagitan ng sulat. Hindi naman kailangan na talagang sulat per se, pwedeng tula, o kaya ay kwento.
  • Patawanin mo siya.

Ipag-pray mo siya. Hindi ko mapigilang ilapit ang isang tao sa Dios sa panalangin kapag may nagawa siya sa aking kabutihan.

Poetry for Grandparents

grandparents

Poetry

Nagpapadala ang Makapangyarihan sa Lahat ng mga makalangit na nilalang sa buhay ng bawat bata, sa anyo ng mga lolo at lola. Sila ay mga mahal na mga kaloob ng Dios sa sangkatauhan, pinili upang magbahagi ng lakas, karunungan at pag-ibig mula sa isang henerasyon papunta sa isang henerasyon. Ang kanilang init ay madarama sa kanilang yakap at ang kanilang pag-ibig para sa atin ay naaaninag sa kanilang tumatanda nang mata. Maraming mga manunula ang pinuri ang mga huwarang nilalang na ito sa kanilang mga tula. (Pinanatili na lamang sa ingles ang linggwahe ng mga sulatin upang mapanatili ang ganda ng tula.)
God’s Gift of Grandparents

Grandparents are like honeybees;

They are the very sweetest.
They give you hugs and kisses,
And their stories are the neatest.

The honey they produce
Is more valuable than gold,
For this honey is the lessons
That we lovingly are told.

Grandparents want the best for us
And say we can achieve
Any goal that we have set,
If only we believe.

They help us spread our wings
So when we leave our honeycomb ,
We’ll make the right decisions
Though we be away from home.

Yes, grandpas are like silver,
And grandmas are a gem,
But better than one hundred diamonds
Are the things I learn from them.
– By Alyssa Marie Bentham

Grandparents
Few can bring the warmth
We can find in their embrace,
And little more is needed to bring love.
Than the smile on their face.

They’ve a supply of precious stories,
Yet they’ve time to wipe a tear,
Or give us reasons to make us laugh,
They grow more precious through the years.

I believe that God sent us Grandparents
As our legacy from above,
To share the moments of our life,
As extra measures of His love.
– By Unknown Author

God’s Gift of Angels
She rocks another baby…
hums an age old lullaby
She hopes no one is watching
as with thanks, she starts to cry

Remembering the time
when the babies were her own
And her mother told her gently
too soon they would be grown

Lots of bedtime stories,
skinned knees, and tears to dry
Teddy bears, toy trucks and dolls
and kites up in the sky

First days of school, first loves,
the proms, the wedding days
Sand castles and snowball fights
and teaching them to pray

Now, as she holds her grandchild
and gives thanks unto the Lord
She knows to be a Grandma
is motherhood’s reward!
– By Unknown Author

 

This article was taken from http://www.thegrandparentsday.com/poems/christian-poems.html. All rights reserved.

Growing Old

growing old

by Charles R. Swindoll

Ang pagtanda, tulad ng buwis, ay isang katotohanan na dapat nating harapin. Ngayon, huwag na huwag ninyo akong tatanungin kung kailan tumitigil ang paglaki at kailan nagsisimula ang pagtanda—hindi ko masasagot iyan! Ngunit mayroong ilang mga senyales na mababasa natin sa paglalakbay ng ating buhay na nagsasabi na tayo’y pumapasok na sa paglipat na ito.

Sa pisikal na aspeto, ang tumatandang katawan ay lagi nang “pumipreno.” Mabilis ka nang hingalin, kumpara nung dati na halos hindi ka na tumigil sa pagtakbo. Mas gusto mo na ngayong umupo kaysa tumayo … na manood na lamang kaysa gumawa … na kalimutan ang iyong kaarawan imbes na alalahanin ito! Sa mental na aspeto, ang tumatandang utak ay naghahanap na ng pahinga. Hindi ka na makaalala nang kagaya ng dati, at hindi ka na tumutugon na tulad ng dati. Nagsisimula ka nang magbulay-bulay tungkol sa nakaraan at kinabukasan imbes na tungkol sa ngayon. Sa emosyonal na aspeto, dumadaan ka na sa mga kakaibang takot at damdamin na dati’y sinumpa mo pang “hindi mangyayari sa akin,” tulad ng:

  • Pagiging negatibo, kritikal, at talaga namang iritable sa ilang pagkakataon.
  • Pagdadalawang-isip na hayaan sila na mas bata na magpasan ng mas maraming responsibilidad.
  • Pakiramdam na hindi ka gusto at “nasa daan” nila.
  • Pagdalas ng pag-iisip ng “paano na kung…?”
  • Pagkaramdam ng guilt sa mga nakalipas na pagkakamali at mga maling desisyon.
  • Pakiramdam na ikaw ay nakalimutan na, hindi mahal, nag-iisa, at dinadaanan lang.
  • Madaling mabagabag ng mga tunog, bilis, kalabuan ng bukas patungkol sa pinansyal na aspeto, at sakit.
  • Pag-iwas sa pangangailangan na mag-adjust at makibagay.

Ang lahat na ito—at mayroon pang mas marami—ay pinapalala pa ng alaala nung mga araw na iyon kung saan ay sapat-na-sapat ka pa, may kakayahan, kailangan, at buo. Habang tumitingin ka na ngayon sa salamin, napipilitan kang umamin na ang mga daliri ng pagtanda ay nagsimula nang magkintal ng mga marka sa bahay mo ng putik … at mahirap nang maniwala na ang mga natitira mong taon ay mayroon pang halaga.

Ngunit hindi ito tama! Maling-mali ito! O gaano maaaring maging kapani-panira ang ganyang klase ng pag-iisip! O kay bilis na madadala ka ng ganyang pag-iisip sa kulungan ng pagkaawa sa sarili, napapalibutan pa ng apat na malalamig na pader ng pag-aalinlangan, depresyon, kawalang-kabuluhan, at kalungkutan.

Ang mga patriyarka ng Dios ay palagi nang kasama sa mga pili Niyang pag-aari. Higit na naging epektibo si Abraham nung siya’y tumanda na at naging mas malumanay. Hindi nakaranas ng higit na sukat ng tagumpay hanggang sa mag-otsyenta na siya.  Otsyenta-singko anyos na si Caleb nang simulan niyang ma-enjoy ang mga pinakamagagandang layon ng Dios. Matandang-matanda na si Samuel nang pangunahan siya ng Dios ng Israel na itayo ang “school of the prophets,” isang institusyon na nagkaroon ng matagal na impluwensya para sa ispiritwalidad at pagkamaka-Dios sa ilang dantaon pang darating. At sino ang makakatanggi sa paraang ginamit ng Dios si Pablo noong kanyang mga huling araw, nagsusulat ng mga titik ng pagpapalakas ng loob sa sulatin na pinapahalagahan natin ngayon!

Walang sinuman ang nabibigong makita na ang pagtanda ay may sariling kahirapan at sakit sa puso. At totoo ito. Ngunit ang makita lamang ang mga mainit na buhangin ng iyong karanasan sa disyerto at makaligtaan ang mga kaibig-ibig na oasis dito at doon (kaunti man ang mga ito) ay parang pagbabago ng huling bahagi ng iyong paglalakbay sa buhay sa isang tuyo at mapait na pagtitiis kung saan ang sinuman ay nagiging miserable.

Huwag mong kalimutan—desisyon ng Dios na ikaw ay mabuhay nang ganito katagal. Ang matanda mong edad ay hindi isang pagkakamali … o pagkalimot … o anumang huli na naisip. Hindi ba oras na upang palamigin ang iyong dila at palambutin ang iyong ngiti na isang nakakapanariwang inumin mula sa tubig ng oasis ng Dios? Kay-tagal mo nang nauuhaw para rito.

Palalimin ang Iyong Mga Ugat

Proverbs 16:31; Psalm 92:14; Isaiah 46:4; Titus 2:2-3

 

Pagsasanga

  1. Gumugol ng oras kasama ang isang matanda at alamin ang ilan sa kanyang mga pinakamagagandang alaala, at sa mga paraang ginamit siya ng Dios, o sa mga pinapangarap niyang magamit sana siya ng Dios.
  2. Magsimulang manalangin para sa hinaharap, na ikaw ay magiging isang matapat at kagamit-gamit na sisidlan.
  3. Itanong ito sa tatlong matatanda na tinuturing mong maka-Dios: Ano ang palagi mong ginagawa (gayundin ang paminsan-minsan) upang makalinang ka ng isang mas malapit na relasyon sa Dios? Pakinggan mo ang kanilang mga salita.

 

Isinalin mula sa Ingles na artikulo ni Charles R. Swindoll, “Growing Old,” sa aklat niyang Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 348-49, inilathala ng Multnomah Press.

 

Appreciation

Gusto mo bang gumawa ng mabuti? Kung ikaw ay isang Kristiano, anak ng Dios, true Baptist, sigurado akong gusto mong gumawa ng mabuti. Kung maaari nga eh, mil-yong beses tayo gagawa ng kabutihan. Ngunit ano ba ang humihila sa atin pabalik upang huwag gumawa nito? Una ay baka unawain ng tao ang ginagawa mo bilang pagpapakitang-gilas lamang—paraan upang masabing ispiritwal, mabait, atbp., kahit hindi naman talaga iyon ang iyong motibo. Pangalawa ay dahil wala namang nag-a-appreciate o kumikilala, o pinapahalagahan, ang ginagawa mong kabutihan. Ang pangalawang dahilan ang mas nakaka-discourage; alam ng tao ang ginawa mong kabutihan ngunit hindi man lang sila nagpakita ng pagkilala rito o kahit man lang “Thank you.”

Ngunit ang aking tanong, kinikilala mo ba mismo ang mga kabutihang ginagawa sa’yo? Madalas ay hindi rin natin napapansin ang mga ginawa para sa atin kaya natural lamang na hindi rin pansinin ang ginawa nating kabutihan. Natutunan ko ito sa relasyon ng magulang at mga anak. Nagre-reklamo ang mga anak kung bakit puro na lang negatibo ang naririnig nilang komento mula sa mga magulang—ngunit ang hindi nila napapansin ay kahit sila mismo ay hindi nakikita ang mga paghihirap na ginagawa para sa kanila ng kanilang magulang. Wala man lang “thank you,” o kahit magbigay ng napitas na rosas kung saan para kay Nanay ay hindi pa magawa.

To be appreciated we must learn to appreciate first. Para kilalanin ang ginagawa mo sa iba, kilalanin mo muna din ang mga ginagawa ng iba para sa’yo. I often learned that to be very effective. Hinihintay ko isang beses ang isang kaibigan na magpakita ng appreciation sa ginawa kong bagay para sa kanya—wala akong nakikitang ginagawa niya. Napansin ko tuloy ang kabutihang ginagawa niya sa akin at naisip kong kilalanin ito—tinulungan ko siya sa simpleng “computer problem,” at pagkatapos niyon, out of the blue, ay narinig ko siyang magsabi, “Alam mo nabasa ko yung sinusulat mong kwento sa Facebook—maganda siya ha.” Tumango lang ako nang nakangiti habang nilalasap ang tagumpay na ma-appreciate kahit papaano.

Kailangan nating ma-appreciate, alam ko. Kaya mang-appreciate na rin tayo!

Loving God: Faith and Obedience (Part 2)

by Charles Colson

Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli, tinawag ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na salubungin Siya sa Bundok ng Mga Olibo (Mount of Olives). Isipin mo na lamang ang kanilang pagkasabik, dahil noong oras na iyon ay naniniwala silang ititindig na ng kanilang Amo ang Kanyang kaharian sa lupa at tutuparin na ang dakilang pangako kung saan kumapit ang mga Judio sa daan-daang taon ng pasakit at pananakop. Magiging hari si Kristo, hindi lamang ng Israel kundi ng buong mundo. At sila ay magiging nasa tabi Niya, na hinahatulan ang mga bansa, nagpapataw ng mga parusa, nagpaparangal ng mga matutuwid. Ang labing-isang lalaking ito, na karamihan ay mga mangingisdang walang-pinag-aralan, ay isinugal ang kanilang mga buhay kay Jesus; naiwala ang lahat sa Pagpapako sa Krus ni Jesus; nakita ang kanilang pag-asa na bumalik noong Pagkabuhay-na-Muli; at sa araw na ito ay makikita ang Jesus na kanilang pinagtiwalaan na naghahari sa lupa. O paanong ang tibok ng kanilang mga puso ay bumilis sa pag-aabang nila habang nagmamadali sa mga daan ng Jerusalem at pataas sa bundok.

At ang halos-walang-hinga nang kagandahan ng sandali sa nasa kanila; ang kanilang minamahal na si Jesus ay naghihintay sa kanila, nakatingin nang malalim sa bawat mata nila. Mismong ang Kanyang presensya ay nakapagdulot ng ganoong paghanga na isa-isa sila ay nagpaluhod sila. Ito na ang Koronasyon.

Sa wakas ang isa sa kanila ay bumulalas ng isang tanong na gusto nilang lahat itanong: “Panginoon, ikaw ba sa oras na ito ay gagawing ibalik ang kaharian sa Israel?” (Mga Gawa 1:6).

Matalim si Jesus, nangangastigo sa Kanyang tugon. “Hindi para sa inyo na malaman ang mga panahon at mga petsa, na inilagay ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan.” Inutusan na Niya sila na maghintay sa Jerusalem; ngayon ay sinabi naman Niya na may isang kapangyarihan na darating sa kanila doon. “At kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, at sa lahat ng Judea, at sa Samaria, hanggang sa kadulu-dulahang bahagi ng mundo” (Acts 1:7-8).

Pagkatapos noon ay parang bigla huminga ang kalawakan, na naglalagay ng malaking espasyo sa pagitan Niya at nila. Bago pa sila makapagprotesta, wala na Siya, at umakyat sa isang ulap.

Mahirap kahit na isipin ang mga matitinding emosyon na maaari nilang naranasan sa sandaling iyon. Banal na paghanga? Nakakagilalas na takot? At anong inisyal na pagkadismaya! Naiwan na silang nag-iisa, mga tinalikuran sa kanilang sariling lupain. Kaunti lamang ang kanilang mga pinagkukuhanan ng yaman. At higit sa lahat ng mga ito, inutusan pa sila na bumalik at maghintay—ang pinakamahirap sa lahat para sa mga malalakas na lalaki na gawin.

Nalalaman kung gaano sila katao at kung saan nanggaling ang bawat isa, maaari nating isipin ang mga pagpipilian na maaaring pinag-isipan nila; si Philip, ang isang mahinang ito, ay nais na magtago sa mga burol; si James at John ay gusto na agad na ipakalat ang salita; si Simon Zelotes ay gusto na bumuo na lamang ng isang gerilya; ang iba ay nakikita ang kanilang pag-asa sa mga kilusan tulad ng pag-agaw ng kontrol ng gobyerno—ang mga kaparehong opsyon na kinai-interesan ng napakaraming mga mananampalataya ngayon.

Ngunit inutusan sila ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Maghintay para sa ano? Laban man ito kung iisipin sa kanilang bawat pakiramdam, ang “maghintay” ang eksakto nilang ginawa. Sila ay sumunod at, mahirap man na intindihin, ay ginawa ito nang may “dakilang kagalakan.”

Sa loob ng sampung araw sila ay naghintay—120 sila lahat-lahat, nagsasama-sama sila, nang may isang pag-iisip at nagpapatuloy sa panalangin. Sila ay naghintay. At pagkatapos ito ay dumating.

Nang may pwersang tulad sa isang libong ipo-ipo ang kapangyarihang ipinangako ay nahimlay sa kanila at ang Banal na Ispiritu ay pinalakas ang mga ordinaryong lalaking ito na gawin ang Gawain ng Dios. Bawat isa sa kanila ay naging higante ng pananampalataya. Bilang resulta, sa loob ng isang dantaon kalahati ng kilalang-mundo noon ay kumilala kay Kristo.

Ang desisyon ng mga alagad na sumunod kay Jesus pagkatapos ng Pag-akyat sa langit ay nagpatunay ng isang punto ng pagbabago sa kasaysayan. Hindi na ulit tulad ng dati ang mundo.

Ang realisasyon ng mga alagad na si Kristo ay kung ano ang sinasabi Niyang Siya ang tumulak sa kanila sa pagsunod. Iyan ang mala-kasaysayang realidad ng Kristiyanismo.

Nauunawaan na ito’y napakahalaga, dahil ito ang nag-iiba ng Kristiyanismo mula sa lahat ng ibang mga relihiyon. Ang Kristianong pananampalataya ay nakahimlay hindi lamang sa mga dakilang katuruan o pilosopiya, hindi sa karisma ng isang pinuno, hindi sa tagumpay sa pagtataas ng mga moral na pagpapahalaga, hindi sa kakayahan o kahusayang-magsalita o mabubuting gawa ng mga kakampi nito. Kung magkaganon, ito ay wala nang higit na pagtawag sa awtoridad kaysa sa mga kasabihan ni Confucius o ni Mao o Buddha o Mohammed o sinuman sa libu-libong mga kulto. Ang Kristiyanismo ay nahihimlay sa katotohanang pangkasaysayan. Si Jesus ay nabuhay, namatay, at nabuhay mula sa mga patay upang maging Panginoon ng lahat—hindi lamang sa teorya o pabula, kundi sa katotohanan.

Nauunawaan iyon, ang Kristiyanismo ay dapat na maglabas mula sa mananampalataya ng kaparehong tugon na nakuha nito mula sa mga unang alagad: isang masidhing kagustuhan na sundin at lugurin ang Dios—isang ginustong pasukin na disiplina. Iyan ang simula ng totoong pagiging disipulo. Iyan ang simula ng pagmamahal sa Dios.

 

Para sa alagad ito ay malinaw na malinaw; malinaw silang inutusan ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Ngunit paano natin malalaman ang dapat nating gawin? Ang ganyang kalinaw na mga utos ay hindi kadalasang dumarating sa ating kaligtasan; walang boses mula sa langit na nagbibigay sa atin ng mga utos. Kaya saan tayo pupunta para mahanap ito?

May isang mambabatas, isang Fariseo na nagnanais na ilagay si Jesus sa isang patibong, na nagbigay ng kapareho ding tanong sa Kanya ilang dantaon nang nakakaraan. “Guro,” sinabi nito, “ano ang pinakadakilang kautusan sa Batas?” (Mateo 22:36). Ang tugon ni Kristo ay naitatak sa mga alaala ng mga mananampalataya mula noon: “Ibigin ang Panginoon mong Dios na buo mong puso at buo mong kaluluwa at buong mong pag-iisip. Ito ang una at pinakadakilang kautusan.”

“Ngunit paano ba natin mamahalin ang Panginoon?” maitanong natin. Sinagot ito ni Jesus sa isang diskusyon kasama ang mga alagad: “Kung mahal ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga kautusan” (John 14:15). O, tulad sa isinulat ng apostol Juan paglaon, “Ito ang pag-ibig ng Dios, na tuparin natin ang Kanyang mga kautusan” (1 John 5:3).

At iyon ang nagdadala sa atin sa isang lugar: ang Banal na Biblia. Upang masunod ang Kanyang mga kautusan, dapat nating malaman ang Kanyang mga kautusan. Nangangahulugan iyon na dapat natin malaman at sundin ang mga Kasulatan, ang susi sa pagmamahal sa Dios at ang simulang punto para sa pinakasabik-sabik na paglalakbay ng buhay.

Ngunit mabalaan kayo: Kung hindi ka pa handa na maalis ang iyong mga kaaliwan sa buhay, mas mabuti pa na tumigil ka nang magbasa ngayon.

Ilang taong nakalilipas may isang artikulo sa magazine tungkol sa aking ministeryo sa kulungan na nagtapos sa “ang kulungan ang nagbago ng buhay ni Chuck Colson.” Nauunawaan ko naman na maaaring maisip iyon ng taga-ulat, ngunit ito ay hindi sa gayon. Maaari naman akong lumaya sa kulungan at kalimutan na lamang ito; sa totoo nga lang iyon ang gusto ko. Ngunit kahit na ang bawat makataong pakiramdam ay nagsasabi, “Alisin mo na ito sa iyong isip magpakailanman,” patuloy na inihahayag ng Biblia sa akin ang pagkasidhi ng Dios para sa mga nasasaktan at nagpapasakit at nahihirapan; ang Kanyang mapilit na Salita ay sinasabi sa akin na maawa din ako tulad Niya.

Ang “nagbago” sa akin ay hindi ang kulungan, ngunit ang pagsasapuso ng mga katotohanang inihayag sa Kasulatan. Sapagka’t ang Biblia ang siyang kumompronta sa akin nang may bagong kaalaman ng aking kasalanan at pangangailangan para sa pagsisisi; Biblia ang nagdulot sa akin na magutom para sa katuwiran at hanapin ang kabanalan; at ang Biblia ang tumawag sa akin sa pakikisama sa mga nagdadalamhati. Ang Biblia ang patuloy na humahamon sa aking buhay ngayon.

Iyon ay isang matinding bagay. Ito ay nakaka-convict. Ito ang kapangyarihan ng Salita ng Dios at ito ay, sa sarili lamang nito, ay nakakapagbago ng buhay.

Handa ka na bang magpabago nang totoo sa Salita ng Dios at sumunod sa Kanya bilang patunay ng iyong pag-ibig sa Dios?

 

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 36-40. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

Ways to Encourage

Kung mas mahalagang magpalakas ng loob kaysa pumuri, then dapat ay gawin nating habit ang pag-encourage sa ating kapwa. Ngunit paano?

  • By words. Ang mga salita ay may malaking epekto sa tao, at ang salita na nakapagpapalakas ng loob ang higit na kapaki-pakinabang. Try mo ang ganitong salita: “Huwag kang mag-alala,” “Kaya mo yan sa tulong ng Dios,” “Nandito lang ako ah,” “Gusto mong ipag-pray kita?” Kahit nga ang kantahan siya ay okay rin. Tip: Huwag kang magsasabi ng “Naiintindihan kita,” dahil ang problema ng isang tao ay unique sa kanya; at ang “Huwag ka nang malungkot,” dahil mas mabuti para sa kanya na ilabas ang totoong damdamin. Hindi rin minsan nakakabuti ang magbigay ng payo sa ganitong sitwasyon.
  • By gestures. Mayroong mga tao na hindi kailangan magsalita, ngunit nakakapag-encourage. Mga paraan: tapik o haplos sa balikat, pagngiti, pagyakap o paghawak sa kamay (sa kapwa gender).

 

  • By silence. May mga pagkakataon na kailangan mo na lamang tumahimik o walang gawin, ang importante ay nasa tabi mo siya habang siya’y nagkikwento, umiiyak, atbp. That’s why ang Dios ay magaling na Encourager—nakakaalis ng bigat ang katahimikan Niya habang ibinabahagi natin sa Kanya ang lahat sa panalangin.
  • By giving him something. Nakaka-encourage din sa isang tao na bigyan mo siya ng isang bagay, tulad ng panyo kung umiiyak siya. Minsan nga kahit simpleng tinupak lang o chocolate bar o kahit candy ay nakakapagpalakas ng loob. It makes an impression na mahalaga siya sa’yo.
  • By appreciating what he does. Sabihin mo ang kagandahan ng kanyang mga ginagawa.

 

Marami pang paraan para makapagpalakas ng loob. Pero, ang tanong, gagawin mo ba ang mga iyon? Be an encourager today, dahil hindi mo alam, baka dahil sa isang encouragement na binigay mo magkaroon ng malaking pagbabago.

Encouragement

Sa ngayon ay pabata na nang pabata ang mga artista. May isa akong artistang kilala na mukhang mas matured ang hitsura sa akin ngunit dalawang araw pa pala ang tanda ko sa kanya. Ito naman talaga ang target pa noon ng movie industry; ang kumuha nang kumuha sa kanilang industriya ng mga mas batang itsura upang mas maengganyo ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga produkto. Sa kabilang banda, ang mga “batang” ito ay nagpapaakit naman sa alok ng industriya dahilan sa dalawang bagay—pera, at higit pa rito, kasikatan, o fame.

Sa ganito o ganoong paraan ang bawat isa sa atin ay may kagustuhan na makilala kahit papaano. Bagaman hindi sa punto na sasali tayo sa mga contest, mayroon tayong naiisip na paraan para makilala saan mang dako tayo naroroon. Mayroong gumagamit ng pagiging maloko, babaero, o daldalero upang maging kilala sa eskwela. Mayroon na ginagamit ang pagsisikap o pagsisipag sa trabaho upang sa gayon ay ma-promote, na magre-resulta sa pagiging mas kilala sa isang kompanya. Kahit ang mga tao sa iglesya ay hindi ligtas sa pagkakaroon ng ganitong hangarin. Mayroon akong mga kilala na kaya gustong mag-song lead, umawit, mangaral, at magturo sa Sunday School ay para makilala nang mas marami, at sa gayon, ay makatanggap ng papuri. Nakatanggap na rin ako ng papuri mula sa ibang tao, ngunit ang ngiti dulot ng papuri na iyon ay may kasama ring pakiramdam na parang ayaw tanggapin ang papuring iyon. Kadalasan pang mag-resulta ang papuri sa yabang kung hindi mababantayan.

Ngunit ang i-encourage—sa tingin ko ay higit pa ito kaysa papuri. Ang pagpapalakas ng loob ay karaniwang dumarating sa panahong mababa ang iyong ispiritu, walang sigla, o takot ka na gawin ang isang bagay dahil tingin mo ay hindi mo ito kaya o baka may masamang mangyari. At sa aking palagay, higit itong nakakatulong kaysa daan-daang papuri. Ang papuri ay parang nagsasabi na kaya mong gawin ang lahat ng bagay nang ikaw lang, ngunit ang pagpapalakas ng loob ay nagsasabi na magagawa mong gawin iyan—magtiwala ka lang. Hindi yabang kundi lakas at tibay ng loob ang idinudulot ng encouragement. So, sino nang na-encourage mo ngayon?