Loving God: Faith and Obedience (Part 2)

by Charles Colson

Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli, tinawag ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na salubungin Siya sa Bundok ng Mga Olibo (Mount of Olives). Isipin mo na lamang ang kanilang pagkasabik, dahil noong oras na iyon ay naniniwala silang ititindig na ng kanilang Amo ang Kanyang kaharian sa lupa at tutuparin na ang dakilang pangako kung saan kumapit ang mga Judio sa daan-daang taon ng pasakit at pananakop. Magiging hari si Kristo, hindi lamang ng Israel kundi ng buong mundo. At sila ay magiging nasa tabi Niya, na hinahatulan ang mga bansa, nagpapataw ng mga parusa, nagpaparangal ng mga matutuwid. Ang labing-isang lalaking ito, na karamihan ay mga mangingisdang walang-pinag-aralan, ay isinugal ang kanilang mga buhay kay Jesus; naiwala ang lahat sa Pagpapako sa Krus ni Jesus; nakita ang kanilang pag-asa na bumalik noong Pagkabuhay-na-Muli; at sa araw na ito ay makikita ang Jesus na kanilang pinagtiwalaan na naghahari sa lupa. O paanong ang tibok ng kanilang mga puso ay bumilis sa pag-aabang nila habang nagmamadali sa mga daan ng Jerusalem at pataas sa bundok.

At ang halos-walang-hinga nang kagandahan ng sandali sa nasa kanila; ang kanilang minamahal na si Jesus ay naghihintay sa kanila, nakatingin nang malalim sa bawat mata nila. Mismong ang Kanyang presensya ay nakapagdulot ng ganoong paghanga na isa-isa sila ay nagpaluhod sila. Ito na ang Koronasyon.

Sa wakas ang isa sa kanila ay bumulalas ng isang tanong na gusto nilang lahat itanong: “Panginoon, ikaw ba sa oras na ito ay gagawing ibalik ang kaharian sa Israel?” (Mga Gawa 1:6).

Matalim si Jesus, nangangastigo sa Kanyang tugon. “Hindi para sa inyo na malaman ang mga panahon at mga petsa, na inilagay ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan.” Inutusan na Niya sila na maghintay sa Jerusalem; ngayon ay sinabi naman Niya na may isang kapangyarihan na darating sa kanila doon. “At kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, at sa lahat ng Judea, at sa Samaria, hanggang sa kadulu-dulahang bahagi ng mundo” (Acts 1:7-8).

Pagkatapos noon ay parang bigla huminga ang kalawakan, na naglalagay ng malaking espasyo sa pagitan Niya at nila. Bago pa sila makapagprotesta, wala na Siya, at umakyat sa isang ulap.

Mahirap kahit na isipin ang mga matitinding emosyon na maaari nilang naranasan sa sandaling iyon. Banal na paghanga? Nakakagilalas na takot? At anong inisyal na pagkadismaya! Naiwan na silang nag-iisa, mga tinalikuran sa kanilang sariling lupain. Kaunti lamang ang kanilang mga pinagkukuhanan ng yaman. At higit sa lahat ng mga ito, inutusan pa sila na bumalik at maghintay—ang pinakamahirap sa lahat para sa mga malalakas na lalaki na gawin.

Nalalaman kung gaano sila katao at kung saan nanggaling ang bawat isa, maaari nating isipin ang mga pagpipilian na maaaring pinag-isipan nila; si Philip, ang isang mahinang ito, ay nais na magtago sa mga burol; si James at John ay gusto na agad na ipakalat ang salita; si Simon Zelotes ay gusto na bumuo na lamang ng isang gerilya; ang iba ay nakikita ang kanilang pag-asa sa mga kilusan tulad ng pag-agaw ng kontrol ng gobyerno—ang mga kaparehong opsyon na kinai-interesan ng napakaraming mga mananampalataya ngayon.

Ngunit inutusan sila ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Maghintay para sa ano? Laban man ito kung iisipin sa kanilang bawat pakiramdam, ang “maghintay” ang eksakto nilang ginawa. Sila ay sumunod at, mahirap man na intindihin, ay ginawa ito nang may “dakilang kagalakan.”

Sa loob ng sampung araw sila ay naghintay—120 sila lahat-lahat, nagsasama-sama sila, nang may isang pag-iisip at nagpapatuloy sa panalangin. Sila ay naghintay. At pagkatapos ito ay dumating.

Nang may pwersang tulad sa isang libong ipo-ipo ang kapangyarihang ipinangako ay nahimlay sa kanila at ang Banal na Ispiritu ay pinalakas ang mga ordinaryong lalaking ito na gawin ang Gawain ng Dios. Bawat isa sa kanila ay naging higante ng pananampalataya. Bilang resulta, sa loob ng isang dantaon kalahati ng kilalang-mundo noon ay kumilala kay Kristo.

Ang desisyon ng mga alagad na sumunod kay Jesus pagkatapos ng Pag-akyat sa langit ay nagpatunay ng isang punto ng pagbabago sa kasaysayan. Hindi na ulit tulad ng dati ang mundo.

Ang realisasyon ng mga alagad na si Kristo ay kung ano ang sinasabi Niyang Siya ang tumulak sa kanila sa pagsunod. Iyan ang mala-kasaysayang realidad ng Kristiyanismo.

Nauunawaan na ito’y napakahalaga, dahil ito ang nag-iiba ng Kristiyanismo mula sa lahat ng ibang mga relihiyon. Ang Kristianong pananampalataya ay nakahimlay hindi lamang sa mga dakilang katuruan o pilosopiya, hindi sa karisma ng isang pinuno, hindi sa tagumpay sa pagtataas ng mga moral na pagpapahalaga, hindi sa kakayahan o kahusayang-magsalita o mabubuting gawa ng mga kakampi nito. Kung magkaganon, ito ay wala nang higit na pagtawag sa awtoridad kaysa sa mga kasabihan ni Confucius o ni Mao o Buddha o Mohammed o sinuman sa libu-libong mga kulto. Ang Kristiyanismo ay nahihimlay sa katotohanang pangkasaysayan. Si Jesus ay nabuhay, namatay, at nabuhay mula sa mga patay upang maging Panginoon ng lahat—hindi lamang sa teorya o pabula, kundi sa katotohanan.

Nauunawaan iyon, ang Kristiyanismo ay dapat na maglabas mula sa mananampalataya ng kaparehong tugon na nakuha nito mula sa mga unang alagad: isang masidhing kagustuhan na sundin at lugurin ang Dios—isang ginustong pasukin na disiplina. Iyan ang simula ng totoong pagiging disipulo. Iyan ang simula ng pagmamahal sa Dios.

 

Para sa alagad ito ay malinaw na malinaw; malinaw silang inutusan ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Ngunit paano natin malalaman ang dapat nating gawin? Ang ganyang kalinaw na mga utos ay hindi kadalasang dumarating sa ating kaligtasan; walang boses mula sa langit na nagbibigay sa atin ng mga utos. Kaya saan tayo pupunta para mahanap ito?

May isang mambabatas, isang Fariseo na nagnanais na ilagay si Jesus sa isang patibong, na nagbigay ng kapareho ding tanong sa Kanya ilang dantaon nang nakakaraan. “Guro,” sinabi nito, “ano ang pinakadakilang kautusan sa Batas?” (Mateo 22:36). Ang tugon ni Kristo ay naitatak sa mga alaala ng mga mananampalataya mula noon: “Ibigin ang Panginoon mong Dios na buo mong puso at buo mong kaluluwa at buong mong pag-iisip. Ito ang una at pinakadakilang kautusan.”

“Ngunit paano ba natin mamahalin ang Panginoon?” maitanong natin. Sinagot ito ni Jesus sa isang diskusyon kasama ang mga alagad: “Kung mahal ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga kautusan” (John 14:15). O, tulad sa isinulat ng apostol Juan paglaon, “Ito ang pag-ibig ng Dios, na tuparin natin ang Kanyang mga kautusan” (1 John 5:3).

At iyon ang nagdadala sa atin sa isang lugar: ang Banal na Biblia. Upang masunod ang Kanyang mga kautusan, dapat nating malaman ang Kanyang mga kautusan. Nangangahulugan iyon na dapat natin malaman at sundin ang mga Kasulatan, ang susi sa pagmamahal sa Dios at ang simulang punto para sa pinakasabik-sabik na paglalakbay ng buhay.

Ngunit mabalaan kayo: Kung hindi ka pa handa na maalis ang iyong mga kaaliwan sa buhay, mas mabuti pa na tumigil ka nang magbasa ngayon.

Ilang taong nakalilipas may isang artikulo sa magazine tungkol sa aking ministeryo sa kulungan na nagtapos sa “ang kulungan ang nagbago ng buhay ni Chuck Colson.” Nauunawaan ko naman na maaaring maisip iyon ng taga-ulat, ngunit ito ay hindi sa gayon. Maaari naman akong lumaya sa kulungan at kalimutan na lamang ito; sa totoo nga lang iyon ang gusto ko. Ngunit kahit na ang bawat makataong pakiramdam ay nagsasabi, “Alisin mo na ito sa iyong isip magpakailanman,” patuloy na inihahayag ng Biblia sa akin ang pagkasidhi ng Dios para sa mga nasasaktan at nagpapasakit at nahihirapan; ang Kanyang mapilit na Salita ay sinasabi sa akin na maawa din ako tulad Niya.

Ang “nagbago” sa akin ay hindi ang kulungan, ngunit ang pagsasapuso ng mga katotohanang inihayag sa Kasulatan. Sapagka’t ang Biblia ang siyang kumompronta sa akin nang may bagong kaalaman ng aking kasalanan at pangangailangan para sa pagsisisi; Biblia ang nagdulot sa akin na magutom para sa katuwiran at hanapin ang kabanalan; at ang Biblia ang tumawag sa akin sa pakikisama sa mga nagdadalamhati. Ang Biblia ang patuloy na humahamon sa aking buhay ngayon.

Iyon ay isang matinding bagay. Ito ay nakaka-convict. Ito ang kapangyarihan ng Salita ng Dios at ito ay, sa sarili lamang nito, ay nakakapagbago ng buhay.

Handa ka na bang magpabago nang totoo sa Salita ng Dios at sumunod sa Kanya bilang patunay ng iyong pag-ibig sa Dios?

 

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 36-40. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s