The Lord’s Supper: The What

Narito ang isang paksa na nangangailangan ng maingat na pag-aaral ng Salita ng Dios. Tulad ng bautismo, ang ordinansa ng Lord’s Supper ay hindi nauunawaan nang tama; at ang mundo ng relihiyon ay may maraming mga pamalit sa totoong bagay.

Ang tanging mga reperensya sa Lord’s Supper sa Bagong Tipan ay ang mga tala ng mga Ebanghelyo sa Matthew 26:17-30, Mark 14:12-26, Luke 22:7-20, at sa unang sulat ni Pablo sa mga taga-Korinto (kung saan pinapagalitan niya ang iglesya doon para sa mga seryosong pagkakagulo sa mesa ng Panginoon)—1 Corinthians 10:14-22 at 11:17-34.

Bago mo tapusin ang pag-aaral na ito, maingat na basahin ang bawat isa sa mga kasulatan sa itaas. (Ang mga reperensyang madalas na sipiin mula sa Acts [2:46; 20:7, 11] ay hindi tumutukoy sa Hapunan ng Panginoon sapagka’t hindi nila binabanggit “ang saro” at sapagka’t sa huling reperensya ang pagpuputol ng tinapay ay ginawa ng dalawang beses sa parehong gabi. Tumutukoy ang mga ito sa isang uri ng pagkain nang sama-sama.)

 

ANO ANG LORD’S SUPPER?

Bigyang pansin ang tamang mga katawagan rito: “communion” (1 Cor. 10:16), “the Lord’s table” (1 Cor. 10:21), “the Lord’s Supper” (1 Cor. 11:20). Hindi nagbabanggit ang Biblia ng mga terminong gawa ng tao tulad ng “the Mass,” “Holy Communion,” at “Eucharist.”

Ito ay isang ordinansa ng iglesya. Kung pagkukumparahin ang 1 Cor. 11:2 at verse 23 (ang nagdurugtong na parilalang “… I delivered unto you …”) makikita na ito ang kaso.

Kapag tayo’y nakikibahagi sa Lord’ Supper, ginagawa natin ito bilang pag-alala kay Kristo (1 Cor. 11:24, 25) at pagpapakita ng kamatayan ng Panginoon (1 Cor. 11:26). Mula sa mga Kasulatang ito ating mahihinuha na ang Hapunan ng Panginoon ay hindi isang sakramento kundi isang simbulo; hindi isang daan ng biyaya (upang maligtas) kundi pag-alala.

Makikita natin sa 1 Cor. 11:24, 25 na ang pangingilin ng Banal na Hapunan ay inutos at hindi isang pagpipilian.

 

ANO ANG SIMBOLISMO NG LORD’S SUPPER?

Ang Mga Elemento ng Hapunan. (1) Tinapay na walang lebadura/pampaalsa (1 Cor. 11:23; Mt. 26:17,26). (2) Bunga ng Ubas (Mt. 26:29). Para rito, ang ginagamit na termino ng 1 Corinthians ay ‘ang saro’ (1 Cor. 11:25,26). Pabatid: Walang tinutukoy sa Biblia na ‘wine’ bilang bahagi ng Lord’s Supper. Ang alcohol na alak ay isang resulta ng aksyon ng lebadura (pampaalsa). Ang lebadura ay isang simbulo ng kasalanan—1 Cor. 5:6,7. Kaya hindi magiging karapat-dapat na simbulo ng walang dungis na Anak ng Dios ang alcohol na alak at pinaalsang tinapay.

Ang Simbolismo ng Tinapay. Nilalarawan ng tinapay ang pinagputul-putol na katawan ng Panginoong Jesu-Kristo (1 Cor. 11:24). Ipinapaalala sa atin nito ang matinding paghihirap ng ating Panginoon, bagaman walang kahit isang buto sa Kanyang katawan ang naputol. Basahin: Isaiah 52:14; 53:4-7; Mt. 27:29-31; John 19:31-37.

Ang Simbolismo ng Saro. Ang saro (katas ng ubas) ay nilalarawan ang itinigis na dugo ng Panginoong Jesu-Kristo (1 Cor. 11:25). Ipinapaalala nito sa atin na kung walang pagbububo ng dugo ni Kristo, walang kapatawaran ng kasalanan (Hebrews 9:22). Basahin: 1 Peter 1:18, 19.

Ang Layunin ng Hapunan ng Panginoon. Tulad ng ordinansa ng bautismo, ang Lord’s Supper ay isang larawan ni Jesu-Kristo. Ang BAUTISMO ay isang larawan ng kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay-na-muli ng ating Panginoon. [Balikan ang Doctrine Series: Immersion (Baptism).] Kapag ating tinutupad ang HAPUNAN NG PANGINOON ipinapakita natin ang kamatayan ng ating Panginoon hanggang sa Siya ay dumating.

 

SINO ANG DAPAT NA TUMUPAD

NG LORD’S SUPPER?

Nang itatag ni Jesus ang Lord’s Supper (noong kasalukuyang nagpa-Paskwa ang Israel), ang naroroon ay ang mga alagad, sa ibang mga salita, mga miyembro ng iglesya (Mt. 26:20). (Makikita sa Jn. 13:18-30 na umalis si Judas Iscariote sa hapunan na iyon upang ipagkanulo si Jesus bago simulan ng Panginoon ang Lord’s Supper.) Makikita natin sa 1 Cor. 12:28a na ang iglesya ang bumubuo sa grupong ito. Kung pagkukumparahin pa natin ang Mt. 26:20 at Heb. 2:12 ipinapakita na ang Lord’s Supper ay itinatag sa loob ng iglesya.

Basahin ang 1 Cor. 11:17-21. Dito si Apostol Pablo ay pinapagalitan ang iglesya sa Korinto dahil ginawang lasing na kapistahan imbes na payak na hapunang pag-alaala ang Lord’s Supper. Gayunpaman, pansinin ang mga sumusunod: “kayo ay nagsasama-sama” (v. 17), “kayo ay nagsasama-sama sa iglesya” (v. 18), “kayo ay nagsasama-sama sa isang lugar” (v. 20). At dahil ang sulat ay para sa “iglesya ng Dios na nasa Korinto” (1 Cor. 1:2a), maiintindihan natin na para sa mga iglesya ng Panginoon lamang ang pagtupad ng mga ordinansang tulad ng Lord’s Supper.

Bilang konklusyon, ang Lord’s Supper ay isang ordinansang pang-iglesya lamang. Ibig-sabihin, ang Lord’s Supper ay para lamang sa mga miyembro ng ating Iglesya na nasa maayos na katayuan. (Bibigyang-linaw pa ito sa susunod.)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s