Witnessing

Walang anumang duda, ang pinakamalaki at pinakakapansin-pansing pagkakaiba sa pagitan ng apostolikong Bagong Tipang Kristiyanismo at kasalukuyang Bagong Tipang Kristiyanismo ay ang witnessing! Ang mga dating iglesya ay pinaka-napansin para sa kanilang pagsaksi kay Kristo—maraming mga iglesya sa panahon ngayon ay kilala sa kakulangan ng pagiging saksi.

Sa araling ito ikaw ay matututo na kalooban ng Dios para sa iyo na sumaksi at maging isang tagapag-akay ng kaluluwa para sa Kanya. Matututunan mo rin kung paano maging isang soul winner; iyon ay, kung paano mag-akay ng isang tao kay Kristo.

Ang lahat ng ibang mga araling iyong napag-aralan at natutunan sa pamamagitan ng Doctrine Series ay mababawasan ng malaking halaga kung ang iyong buhay ay hindi nagbubunga.

 

Ano ang Ibig-Sabihin ng “Pagsaksi”?

Ang saksi sa isang paglilitis sa korte ay inaasahang sabihin kung ano ang kanyang nalalaman, ano ang kanyang nakita, o ano ang kanyang narinig. Hindi niya pwedeng sabihin ang sinabi ng iba—dapat niyang ibahagi ang sarili niyang karanasan sa kanyang sariling mga salita. Ang pagsaksi para sa Panginoong Jesu-Kristo ay katulad nito. Ito ay IKAW na sinasabi sa IYONG sariling mga salita kung ano ang nangyari sa IYO.

Basahin ang kwento kung paano pinagaling ni Jesus ang bulag na lalaki sa Jn. 9:1-38. Nang tanungin ng iba, sa tingin mo ba ang lalaking ito ay kayang magbigay ng detalyadong paliwanag ng kung ano ang nangyari? Oo. Ano ang kayang sabihin ng lalaking ito? Tingnan: Jn. 9:25b. “Isa lamang ang aking nalalaman, na, dati ako’y isang bulag, ngunit ngayon ako ay nakakakita na.”

Basahin ang kwento ng kung paano inakay ni Jesus ang isang babae sa Kanyang sarili sa Jn. 4:5-30. Ano ang unang bagay na ginawa ng babaeng ito nang mapagtanto niyang natagpuan niya mismo si Kristo? (verses 28-30) Iniwan ng babae ang lalagyan niya ng tubig, pumunta sa lungsod, at sinabi sa mga tao, “Halikayo, tingin niyo ang lalaki, na sinabi ang lahat ng mga bagay na ginawa ko: hindi ba ito ang Kristo?

 

Ang “Pagsaksi” Ba at “Pag-aakay ng Kaluluwa”

ay Pareho Lamang?

Madalas mong maririnig ang dalawang salitang ito—parehong mga salita sa Biblia ang mga ito. Pagsaksi = pagbabahagi ng iyong sariling karanasan ng kaligtasan. Pag-aakay ng kaluluwa = paggamit ng iyong patotoo at Salita ng Dios upang dalhin ang iba sa kaligtasan.

Hindi mo kayang paghiwalayin ang pagsaksi at pag-aakay ng kaluluwa. Jn. 15:8— “Dito ang aking Ama ay nalulualhati, na kayo ay nagbubunga nang marami.” Pr. 11:30— “Ang bunga ng matuwid ay isang puno ng buhay; at siya na nag-aakay ng kaluluwa ay marunong.”

 

Bakit Ka Dapat Maging Isang Saksi at isang Tagapag-akay ng Kaluluwa?

Narito ang siyam na dahilan ng Biblia kung bakit IKAW ay dapat na magsikap na sabihan ang iba tungkol kay Kristo at sikaping akayin sila para sa Kanya.

Dapat kang mag-akay ng kaluluwa dahil:

  1. Ito ay isang utos. Tingnan ang Acts 1:8. “… at kayo’y magiging mga saksi…”
  2. Ito ay isang tungkulin. Tingnan ang Mt. 4:19. “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”
  3. Ito ay isang utang. Tingnan ang Rom. 1:14. Ang sabi ni Pablo, “Ako’y isang may pagkakautang.” Ang kaloob ng kaligtasan ay walang bayad, ngunit isang utang na loob ang mayroon tayo para sabihan ang iba.
  4. Ito ay isang responsibilidad. Tingnan ang Ezk. 3:17, 18. Sa isang banda, totoong ginawa ka ng Dios na isang BANTAY. Ang tungkulin ng isang bantay ay ang balaan ang mga taong nasa panganib. Kapag nabibigo tayong sabihan ang iba tungkol kay Kristo: Ang masamang tao ay mamamatay sa kanyang kalikuan, ngunit hihingin ng Dios ang kanyang dugo sa ating kamay.
  5. Ito ay isang panawagan. Tingnan ang 2 Cor. 5:20. Ang bawat manananampalataya ay tinatawag na isang sugo para kay Kristo (ambassador). Ito ay isang napakahalagang posisyon para ipagkatiwala sa atin.
  6. Mayroong pangangailangan. Tingnan ang Mk. 8:36. Bakit mahalaga ang pag-aakay ng kaluluwa? Sapagka’t ano’ng maipapakinabang sa isang tao, kung makuha niya ang buong sanlibutan, at maiwala niya ang kanyang kaluluwa?
  7. Mayroong isang pagbibigay-sulit. Basahin ang 2 Cor. 5:10, 11a. Isang araw ikaw ay tatayo sa harap ng iyong Panginoon sa hukuman. (Ito ay isang paghatol ng kung paano mo pinag-lingkuran ang Panginoon.) Ano ang nagtutulak kay Pablo na akayin ang mga tao? Ang kilabot ng Panginoon.
  8. Ito ay pagmamalasakit. Halos-lahat ng pagmamalasakit ngayon ay nakasentro sa mga pisikal na pangangailangan ng tao. Ang tunay at makadios na pagmamalasakit ay nakatuon sa mga pangwalang-hanggang pangangailangan ng isang tao. Tingnan ang Ps. 142:4. Ang talatang ito ay nagpapahayag ng isang totoong trahedya— “… walang taong nagmalasakit para sa aking kaluluwa.”
  9. Ito ay nagdadala ng kagalakan. Tingnan ang Acts 8:5, 8, 35, 39. Mayroong KAGALAKAN sa bahagi ng taong inakay kay Kristo. Tingnan naman ang Lk. 15:7, 10. Mayroong KAGALAKAN sa bahagi ng Dios at Kanyang mga anghel. Tingnan naman ang Ps. 126:5, 6. Mayroong KAGALAKAN sa bahagi ng taong nag-akay ng kaluluwa.

 

Ang Pagpapatotoo Ba ay

Tungkulin ng Bawat Kristiano?

Mayroong mga taong nag-iisip na ang pagpapatotoo at pag-aakay ng kaluluwa ay tungkulin lamang ng pastor, mga diyakono, mga guro sa Sunday School, o ng mga taong may ‘kaloob ng pag-aakay ng kaluluwa.’

Malinaw na ipinapakita ng Biblia na para sa BAWAT Kristiano ang maging isang saksi. Ps. 107:2— “Hayaan ang tinubos ng Panginoon ang magsabi ng gayon.” Acts 8:4— “Samakatwid sila na nagsipangalat ay humayo kahit saan na ipinapangaral ang salita.” Tingnan ang Acts 8:1. Ang grupo bang ito ng mg tao sa verse 4 ay may kasamang mga apostol (mga pastor)? Wala.

Gaano Kadalas Ka Dapat na

Maging Isang Saksi?

Ayon sa Acts 5:42 at Acts 20:31, nagpatotoo ang apostolikong Bagong Tipang mga Kristiano tungkol kay Jesu-Kristo nang araw-araw, umaga at gabi, at sa bawat bahay.

 

Anu-ano ang mga Hinihingi ng Dios para Ikaw ay Maging Isang Saksi para kay Kristo?

Magkaroon ka ng kabigatan para sa mga kaluluwa. Basahin ang Est. 8:6; Rom. 9:1-3; at Rom. 10:1. Habang binabasa mo ang mga talatang ito, hilingin sa Dios na mag-alab ang mensahe nito sa iyong puso. Karamihan sa mga Kristiano ay hindi sumasaksi at nag-aakay ng kaluluwa dahil wala silang tunay na kabigatan para rito.

Magkaroon ka ng pag-ibig para sa mga kaluluwa. Basahin ang Jude 21, 22; 2 Cor. 5:14a; at Ps. 126:5. Pag-ibig ang nagsugo kay Jesu-Kristo sa mundong ito na sinumpa ng kasalanan upang mamatay sa krus (Jn. 3:16)—at pag-ibig rin ang magtutulak sa iyo na dalhin si Kristo sa mga ligaw.

Mamuhay ka ng isang malinis at hiwalay na buhay. Basahin ang 2 Tim. 2:21; Jude 23; at Philp. 2:15. Ang kasabihang, “Mas malakas magsalita ang mga kilos kaysa salita” ay totoong-totoo pagdating sa usapin ng pag-aakay ng kaluluwa.

Mapuspos ka ng Banal na Ispiritu. Basahin ang Acts 1:8 at Eph. 5:18. Ang gawain ng Dios ay dapat na gawin sa paraan ng Dios sa kapangyarihan ng Dios.

Magkaroon ng pagbabata. Basahin ang Mt. 22:1-10; 1 Cor. 15:58; at Gal. 6:9. Ang trabaho natin ay hindi ang akayin ang bawat isa, kundi ang SABIHAN ang bawat isa—Acts 13:46. Hindi lahat ay makikinig. Hindi lahat ay maliligtas. Ngunit ang pag-aakay ng kaluluwa ay isang gawain kung saan nangangako ang Dios ng tagumpay. Ps. 126:6— “… ay WALANG DUDANG muling darating.”

 

Apat na Mga Hakbang sa Isang

PAgsaksing Nag-aakay ng Kaluluwa

Ang pinakakaraniwang ilustrasyon ng pag-aakay ng kaluluwa na makikita sa Biblia ay sa isang “halaman.”

Tingnan: Ps. 126:6; Mt. 13:3-9; Jn. 4:35-38; at 1 Cor. 3:6-8. Mayroong ilang mga hakbang na dapat isagawa bago makakuha ng isang ani:

 

Unang Hakbang—Humayo

Walang magsasaka ang umaani nang walang maraming paghahanda at matinding trabaho. Hindi ka KAILANMAN makakapag-akay ng kaluluwa para kay Kristo kung hindi mo muna gagawin ang hakbang na ito!

  • Ps. 126:6— “Siya na humahayo…”
  • Mk. 16:15— Humayo kayo sa buong mundo at mangaral…”
  • Acts 5:20— “Humayo, tumindig at magsalita…”

Ang araling ito ay walang gamit sa iyo hanggang sa pagpasyahan ng iyong puso na gawin ang unang hakbang na ito sa pag-abot ng isang mahalagang kaluluwa.

PAANO AKO “HAHAYO”?

Dapat na mayroon ang iyong iglesya ng mga takdang oras ng “visitation” kung kailan ang mga miyembro ay humahayo sa komunidad upang gawin alinman sa dalawang bagay na ito—kumatok sa mga pintuan upang mag-imbita ng mga tao sa mga pagtitipon (magkaroon ng mga prospects), o bumisita sa mga tahanan ng mga prospects (upang akayin sila).

Ang lahat ng mga pagbisita ay dapat gawin nang dalawahan—at ang isang bata o hindi-pa-sanay na Kristiano ay ipapareha sa isang mature o sanay nang Kristiano. Matututo ka bilang isang “tahimik na kasama.”

Karagdagan pa rito, kailangan mong umupo at gumawa ng listahan ng mga tao na iyong kakilala o naiimpluwensyahan na hindi pa ligtas—mga kamag-anak, mga kapit-bahay, mga kaibigan, mga katrabaho, atbp. Lahat sila ay maggugugol ng walang hanggan sa isang lugar. Pagkatapos ay magsimula ng isang plano ng pagkilos upang magpatotoo sa kanila at akayin sila kay Kristo.

 

Ikalawang Hakbang—Maghasik

Maaaring kailanganin na humayo ka nang wala sa iyong plano upang tulungan ang isang tao. Kakailangan mo siguro na imbitahan ang isang tao sa iyong bahay upang kumain. Dapat mong makuha muna ang tiwala ng isang tao—ngunit bago sila maaaring maligtas, ang binhi ay dapat munang ihasik.

  • Ps. 126:6— “… nagdadala ng mahalagang binhi
  • Lk. 8:11— “ang binhi ay ang Salita ng Dios.”
  • 1 Pet. 1:23-25— Ang Kasulatang ito ay nagsasabi na ang hindi nasisirang binhi ay ang Salita ng Panginoon.

Tunay na tunay na kailangan na gamitin mo ang Biblia kapag ikaw ay nagpapatotoo at nag-aakay ng kaluluwa kay Kristo. Ang kaligtasan ng isang kaluluwa ay gawain ng Dios (hindi mo); kung gayon kailangan mong gamitin ang “sandata” ng Dios.

Babala!! Hindi ka makakaasa ng bunga kung magtatanim ka ng sirang binhi. (Siguraduhing gamitin lamang ang purong Authorized, King James Version of the Bible!)

Ayon sa Eph. 6:17, ang Tabak ng Ispiritu ay ang Salita ng Dios. Hindi kailangan para sa iyo na gumamit ng lohika, pilosopiya, teolohiya, o pagiging negosyante pagdating sa pag-aakay ng kaluluwa. Gumagana ang Salita ng Dios!!

PAANO AKO MAGHAHASIK?

Sanayin ang iyong sarili na magdala ng mga tama sa katuruang mga tracts pang-Ebanghelyo kasama mo—sa iyong bulsa, sa iyong pitaka (sa mga babae), sa iyong sasakyan. Mag-iwan ng babasahin sa sinumang makakatagpo mo—mga empleyado sa mga grocery store, mga garahe, fastfood restaurant, gasolinahan, mga kaibigan. Mag-iwan ng babasahin sa stante ng telepono, sa mesa ng restawran, sa silid-hintayan. Magsama ng isang babasahin sa bawat sulat na pinapadala mo. Maraming mga tao ang naligtas sa tahimik na pagsaksi ng isang babasahin.

Pabatid: Laging tiyakin na ang pangalan ng ating Iglesya at numero ng telepono ay nasa babasahin.

Pabatid: Mag-ingat na huwag magkalat o sumuway sa mga rasonableng mga  ordinansa sa basta-bastang paggamit ng mga babasahin.

Mag-imbita ng mga tao sa mga pagtitipon ng ating Iglesya. Huwag kang sumuko kapag ang tao ay tumatanggi sa una o gumagawa ng mga palusot. Sikaping makapagdala ng isang taong kasama mo bawat Linggo.

Maging “soul-conscious.” Hilingin sa Dios na tulungan kang maging aware na bawat isang nakakatagpo mo ay isang kaluluwa na gugugol ng walang-hanggan saanman. Linangin ang kakayahan na maglagay ng kaunting patotoo sa bawat pakikipag-usap—magbahagi ng pagpapala, isang talata, isang babala, atbp. Huwag maging mapilit o matulak, ngunit huwag ring maging tahimik.

Pag-aralan ang “Romans Road to Heaven.” Ito ay isang plano ng kaligtasan na kinuha mula sa Aklat ng Roma sa Bagong Tipan. Maraming iba pang mga Kasulatan ang maaari at kailangan mong gamitin (at gagamit ka rin pagdating ng oras), ngunit ito ay isang mabuting simula. Sa apat na mga Kasulatang ito ay maaari mong ipakita sa isang tao kung paano maligtas.

  • Rom. 3:23—ang katotohanan ng kasalanan.
  • Rom. 6:23—ang mga konsekwensya ng kasalanan.
  • Rom. 5:8—ang kagamutan sa kasalanan.
  • Rom. 10:9, 10, 13—ang paano upang maligtas

 

Ikatlong Hakbang—Magdilig

Dapat na mayroong tubig bago tumubo ang binhi.

  • Ps. 126:5— “Sila na naghahasik sa mga luha…”
  • Ps. 126:6— “Siya na humahayo, at tumatangis…”
  • Acts 20:31— “…gabi at araw na may mga luha.”

Ito ay tumutukoy sa pangangailangan ng panalangin. Kapag ikaw ay nakapag-hasik ng isang binhi sa puso ng isang tao, ipinalangin sila nang sinsero at masidhi hanggang sa sila ay maligtas.

Isa sa mga katangian ng isang Kristianong nag-aakay ng kaluluwa ay isang durog at masidhing puso. Maraming mga luha ang madalas na itinitigis para sa isang ligaw na mahal sa buhay.

 

Ikaapat na Hakbang—Mag-ani

Ang pangalawang pinakadakilang kagalakan ng buhay-Kristiano, pagkatapos ng kagalakan ng kaligtasan mismo, ay ang kagalakan ng mismong pagdadala ng isang mahalagang kaluluwa kay Kristo—ang maging uri ng isang “ispiritwal na kumadrona” at saksikan ang himala ng muling kapanganakan. Nangangako ang Dios sa iyo ng isang pag-ani.

  • Ps. 126:5— “… ay aani sa kagalakan.”
  • Ps. 126:6— “… ay walang duda na darating muli nang may pagsasaya, dinadala ang kanyang mga tangkas (ani) kasama niya.”

Mayroon ka bang nakitang halamang “nag-aani ng kanyang sarili”? Wala! Walang tanim ang bubunot sa kanyang sarili. Ang pag-ani ay humihingi ng pagpapagal at pamamaraan.

PAANO AKO MAG-AANI?

Planuhin mo! Kamangha-mangha kung gaano karami ang mga Kristianong nabibigong maakay ang kanilang sinasaksihan sa simpleng dahilan na hindi naman sila umaasa. Kumilos sa pananampalataya—paniwalaan ang Dios sa Kanyang Salita, at umasa ka na aani.

Tiyakin (sa pagtatanong) na ang taong kinakausap mo ay nauunawaan ang plano ng kaligtasan nang buo. Huwag kang tutuloy sa pag-ani kung wala ka namang nakikitang conviction ng mga kasalanan o kung walang tunay na pagkaunawa ng kung ano ang ginawa ni Kristo. Alalahanin, ang isip ng tao ay ang “gumawa” para sa kaligtasan. Huwag mag-aani ng “hilaw na bunga”! Gayunpaman, kung hindi pa oras umani, LAGING iwan ang pintuan na bukas.

Ipaliwanag nang mabuti na ang kaligtasan ay PANINIWALA sa kanyang puso, na ito’y nangangahulugang PAGTANGGAP (kay Kristo), at na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtawag sa Panginoon sa pamamagitan ng isang payak na panalangin.

Ang tinatawag na “panalangin ng makasalanan” ay walang nakatakdang ayos, ngunit kailangan na ito’y mayroong dalawang mahalagang elemento—PAGKILALA sa mga katotohanan [Ako’y isang nasasak-dal na makasalanang nakatakda sa Impyerno], at PAGSISISI [pagtalikod sa kasalanan] at PANANAMPALATAYA [pagtanggap sa Panginoong Jesu-Kristo bilang sariling Tagapagligtas].

Pagkatapos mong mag-akay ng isang kaluluwa upang tanggapin ang Panginoon—manalanging kasama niya, makisaya kasama niya, palakasin ang loob niya na dumalo sa iglesya sa susunod na pagkakataon. Hikayatin ang iba na ipanalangin ang bagong “sanggol” na ito kay Kristo, at makipag-usap sa iyong pastor tungkol sa pagtuturo sa kanya ng Doctrine Series na ito.

ASSIGNMENT #1: Anong araw at oras ang itinakda sa’yo ng iyong iglesya upang mag-visitation?

ASSIGNMENT #2: Magtabi ng mga babasahin tungkol sa iyong Iglesya, gayundin ang mga babasahin tungkol sa ebanghelyo ng kaligtasan.

ASSIGNMENT #3: Maglista ng dalawa o tatlong taong ipapanalangin mo sa Panginoon na maligtas sa susunod na apat na linggo.

ASSIGNMENT #4: Sa isang papel ay isulat ang iyong patotoo ng kaligtasan kung paano mo ito sasabihin sa iba: buhay mo bago ka maligtas, paano ka naligtas at anong ginawa mo, at pagbabago sa buhay mo mula noong maligtas ka.

Categories Christian life, dealing with people, doctrine, evangelism, faith, truthTags

Leave a comment