Magpakabanal Ka! (A Story, Finale)

Saturday, 6 PM. Hapag-kainan. Kakatapos lang ni Sis. Jemelina, asawa ni Pastor Joab, na kumain.

Pastor Joab: Si Jhon?

Jemelina: Pagkatapos ng klase sa school dumiretso na sa church house para mag-practice para sa Pas—

Pastor Joab: Ano’ng ‘pas’?

Jemelina: Hindi, ano yun. Nagpatawag kasi ng quick rehearsal ang choir rehearsal ng leader ng music group.

Pastor Joab: Ah, ganon ba? O, sige. Pray na muna tayo.

Jemelina: Sige. (pipikit ang mata)

Pastor Joab: Ama, salamat po sa biyayang aming tatanggapin. Basbasan Niyo po ito para sa aming kalakasan at kalusugan. Ito po ang aking dinadalangin sa pangalan ng Panginoon Jesus, Amen. (Didilat ang mata) Kain na tayo!

Jemelina: Sweetheart, lumapit sa akin si Sister Claudia kanina habang nasa visitation ka.

Pastor Joab: Oh, ano daw?

Jemelina: Sinabi niya sa akin na isa siya sa mga nagpakalat ng tsismis tungkol kina Bro. Jefferson at Sis. Colette. Nagsisisi siya sa ginawa niya. Nag-pray kami.

Pastor Joab: Praise God! Ito nga rin ang nakakatuwa, si Bro. Nards nakausap ko kahapon, babalik na raw siya sa mga church activities.

Jemelina: Siya nga? Buti naman! Nakita ko nga rin kanina si Sis. Andrea, nag-wi-witness sa may palengke. Nakakatuwa siya. Sana nga maging kasingsigasig niya ako.

Pastor Joab: Na-promote na rin Bro. Claudio sa trabaho. Ang patotoo niya, kahit na gipit, binigay pa rin niya ang dapat sa Panginoon. Magte-testimony nga siya sa Sunday eh.

Jemelina: Testimony? First time niyang magpapatotoo! Kahit kaligtasan yata hindi pa nagagawa noon!

Pastor Joab: Oo nga, eh. Parang nakakakita ako ng revival sa buhay-Kristiano ng mga miyembro natin.

Jemelina: Meron silang sinurender.

Pastor Joab: Oo. Si Bro. Martin kaya?

(may maririnig na katok; bubuksan ni Jemelina)

Jemelina: Oh, speaking of, Bro. Martin, bakit?

Pastor Joab (tatayo at haharapin si Martin): Oh, Bro. Martin, ano’ng sadya mo?

Jemelina: Oo nga.

Martin: Pwede ho bang makahiram ng mga Christian song CDs? Kasi ho gusto ko na hong makinig sa mga awit para sa Diyos.

(magtitinginan sina Pastor Joab at Jemelina at ngingiti)

How about you? Kailan ka magsu-surrender? Alam mo ang pagsuko ng buhay ay hindi pag-forward sa harapan para pumasok sa Bible School. Hindi lang ito para sa mga workers o Bible Students – para ito sa iyo. Ang pagsuko ng buhay ay ang pagpapasya na talikuran ang kasalanan patungo sa pagsunod sa anumang kalooban ng Diyos. Yan ang surrender. Kailan mo isu-surrender ang kasalanan ng hindi pag-aaral ng Biblia, hindi pagpe-pray, hindi pakikinig sa Christian music, pagtsitismis, hindi pagdadamit nang tama, pakikipagrelasyon nang wala sa oras, hindi pagso-soul winning o pagpapatotoo, hindi pagsali sa church activities, hindi pagbibigay? Ngayon na dapat.

Magpakabanal Ka! (A Story, Part 6)

After prayer meeting…

Daddy Claudio: Tama lang pala yung ginawa ni Pastor. Hoo! Na-encourage talaga ako… at na-convict.

Mommy Claudia: Ano naligtas ka na?

Daddy Claudio: Loko-loko ito! Hindi no. (maaantok at hihiga na)

Mommy Claudia: Huy, hindi ka pa nagba-Bible reading!

Daddy Claudio: Mahal, intindihin mo naman ako. Maghapon ako sa trabaho, tapos pagbabasahin mo pa ako.

Mommy Claudia: Claudio, hindi ako nag-uutos sa’yo na magbasa ng Bible—ang Diyos! Sa totoo nga lang, isang verse lang ang sinasabi na magbasa ka—Revelation 1:3. Halos-lahat ng mga talata tungkol sa Biblia ay mga utos na i-meditate ito, o kaya i-memorize, o kaya i-apply. Kaya bumangon ka na diyan at magbabasa tayo!

Daddy Claudio: (babangon) Ano ba Scripture reading?

Mommy Claudia: Hindi mo nabasa yung kaninang umaga, kaya babasahin natin yun ngayon. Leviticus 13, 14 ngayon.

Daddy Claudio: (lalaki ang mata) Leviticus ba kamo?

Mommy Claudia: Oo nga!

Daddy Claudio: Eh yang Leviticus ang pinaka-nakaka-boring na libro na nabasa ko sa tanang buhay ko!

Mommy Claudia: Ang sama mo naman!

Daddy Claudio: Eh totoo naman!

Mommy Claudia: Kaya ka di lumalago.

Daddy Claudio: (kukunin ang Bible mula sa kamay) Sige na nga.

Mommy Claudia: Salit-salitan tayo.

Daddy Claudio: Ang haba naman nito!

Mommy Claudia: Huwag ka nang mag-reklamo!

“Blessed is he that readeth, and they that hear the words of this prophecy, and keep those things which are written therein: for the time is at hand” (Revelation 1:3).

Friday, araw ng sweldo… Hapon.

Daddy Claudio: Salamat po. (aalis mula sa reception o kuhanan ng sweldo) (bibilangin ang natanggap na sweldo) One, two, three, four, five, six, seven, eight thousand pesos. Ano nga pa lang kailangan ni Martin sa school? Magte-thesis yung batang yun kailangan ng malaking pera non next week. Pambaon pa niya. Malapit na rin yung due ng electric at water bills ng bahay. May hinuhulugan pa kaming TV. Oo nga pala! Tithes! Eight hundred pesos. May commitment pa ako para sa Pastor’s Sunday, due na sa Sunday. Magkano ba yun? Five hundred pesos. May offerings pa. one hundred pesos na lang yun. Missions? Next month na lang. Magta-tithe pa ba ako?

————————-

Daddy Claudio: Tanggap ko na yung sweldo. (uupo sa may mesa)

Mommy Claudia: Ibawas mo na yung tithes and offerings! (kukuha ng papel at lapis)

Daddy Claudio: Ha?

Mommy Claudia: Sabi ko yung tithes and offerings ibawas mo na. May missions pa at tsaka yung commitment mo sa Pastor’s Sunday.

Daddy Claudio: Huwag na lang muna kaya ngayon?

Mommy Claudia: Bakit? Gumugulo na naman iyang utak mo, Claudio. Umayos ka.

Daddy Claudio: Eh alam mo namang—

Mommy Claudia: Tithes, offerings, missions, at commitments yan! Hindi mo pwedeng hindi ibigay yan! Sa Diyos yan!

Daddy Claudio: Eh paano si Martin—

Mommy Claudia: Mayroon pa yan!

Daddy Claudio: Yung bills nati—

Mommy Claudia: Mababayaran natin yan!

Daddy Claudio: May hinuhulugan tayong TV! (tatayo)

Mommy Claudia: Ano ka ba? Magpo-provide ang Panginoon! Ang mahalaga ibigay natin iyan!

Daddy Claudio: (uupung muli) Sige, ibawas mo na. Naalala ko yung preaching noong Thursday. “The just shall live by faith.”

Mommy Claudia: Buti na lang umayos na yang utak mo.

Daddy Claudio: Salamat ha. Buti na lang isang giver ang napangasawa ko.

Mommy Claudia: Kahit papano naman gusto kong sumunod kay Lord, kahit sa attendance lang o giving.

Daddy Claudio: Sumali na rin kaya tayo sa choir at soul winning?

Give, and it shall be given unto you” (Luke 6:38a). “It is more blessed to give than to receive” (Acts 20:35b). Paano malalagyan ang bulsa kapag puno na?

Magpakabanal Ka! (A Story, Part 5)

(mga taong nakaupo sa bangketa, nakasumbrerong pabaligtad, kasama si Andrea)

Voice of Andrea: Lulong ako sa drugs… dahil dito…

(si Andrea nasa gitna may hawak na phone sa tainga)

Boses sa Phone: Break na tayo, Andrea! Drugs ka na lang ng drugs!

(Andrea, titingin sa audience, at magmumukhang malungkot)

Voice of Andrea: Pero tuluy-tuloy pa rin ako, pinalayas na nga rin ako ng mga magulang ko eh!

Mga Magulang ni Andrea: (papasok sa eksena) Lumayas ka na! Nakakahiya ka sa mga kapit-bahay!

Voice of Andrea: Ngunit isang dating kaibigan ang pumasok muli sa aking buhay—si Nards. Kaklase ko siya noong high school. May sinabi siya sa aking bagay na mahalaga.

Nards: Sinasabi ng Biblia na tayong lahat ay makasalanan, nakatakdang pumunta ng impyerno para iyo’y pagbayaran. Ngunit alam mo Andrea, may pag-asa pa—dumating ang Anak ng Diyos na si Jesus para mamatay sa iyong kasalanan. At maaari mong matiyak ang pagpunta sa langit ngayon. 

Andrea: And the rest is history. Tinanggap ko siya bilang Tagapagligtas noong February 14, 2009, at pupunta na ako ng langit anumang oras. Maraming salamat sa Panginoon! (sumisinghot; parang sumisinga) Ligtas ka na ba? Hindi ka siguro naging gaya ni Jess noon na drug addict o hopeless, pero, sabi nga niya, pantay-pantay lang ang lahat ng tao—pare-parehong makasalanan. Bakit hindi mo siya tanggapin sa iyong puso bilang Tagapagligtas at Panginoon sa puso mo ngayon? “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved” (Romans 10:13). 

(mga taong palakad pauwi; nandoon din sina Andrea at Nards)

Andrea: Ang saya ko! Ang sarap pala ng pakiramdam pag nagte-testimony!

Nards: (naglalakad kasabay si Andrea) Salamat, ha. Na-motivate ako at na-encourage.

Andrea: Okay ka lang ba?

Nards: (tumigil sa paglalakad) Okay lang ako. Naisip ko lang yung mga kamag-anak ko. Yung mga kaklase ko noong high school ako. Yung mga nakatrabaho ko sa work. Paano na lang kung mapunta sila sa impyerno? Gusto ko silang mapunta ng langit.

Andrea: Oo nga, kahit yung mga magulang ko rin. O mga kabarkada ko. O kahit yung dati kong boy friend.

Nards: Ang problema kasi sa maraming churches, workers lang ang nagso-soul winning. O kung mayroon mang iba, 10% lamang ng kabuuang kongregasyon ang gumagawa nito. Imagine-in mo, 10%! Kung mayroon kang 200 active members sa church, ibig-sabihin 20 lang ang soul winners! At hindi iyon araw-araw! Kadalasan once a week lang iyon. Kung mayroon lang pananampalataya ang Cristiano tulad noong una, magso-soul winning ang bawat member.

Andrea: Ano ngayon gagawin mo, Nards?

Nards: Anong oras na ba?

Andrea: Eight P.M., eksakto.

Nards: Sama ka?

Andrea: Saan? Ano ang gagawin mo?

Nards: She-share-an ko ang mga kaibigan ko. Habang mainit pa ako mula sa pagpe-pray, sa preaching, at sa testimony mo, magso-soul winning na ako.

Andrea: Really? Join ako!

“Go ye into all the world and preach the gospel to every creature” (Mark 16:15). Kasama ka ba sa 90% na hindi nagso-soul winning? Huwag mong tigasan ang iyong puso—win souls!

Strength and Beauty

strength and beauty

by Sis. Olivia E. Abanto

Ang “lakas” (strength) ay pangkaraniwang nakikita sa katauhan ng mga lalaki, lalo’t kung ang pagbabatayan ay lakas ng pangangatawan at aspetong emosyonal. Ang “ganda” (beauty) ay pangkaraniwang nakikita sa pagkagawa sa mga babae. Ngunit ang dalawang katangiang ito ay kapwa ko nakita sa ating Panginoon. Sa Awit 96:6b ay sinasabi, “Ang lakas at ganda ay nasa iyong santwaryo.” Kahit sa aking personal na karanasan napatunayan ko na ang Diyos ay malakas at makapangyarihan sa lahat ng aspeto. Siya ay nagpamalas din sa akin ng kakaibang ganda sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal at pagpapatawad at iba pang katangian. Binibilang ko itong kagandahan ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Tayo ay nilalang ng Diyos sa Kanyang wangis, kaya ako’y naniniwalang ang dalawang katangian na ito ay nasa atin din na Kanyang mga anak.

Strength and beauty—dalawang katangian na tila mahirap at bihirang matagpuan sa lalaki at babae sa magkasabay na pagkakataon. Nais ko pa ring panghawakan ang hamon ng Salita ng Diyos sa sulat ni Pablo para sa mga Taga-Filipos 4:13: “Magagawa ko ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Kristo na nagpapalakas sa akin.” Mayroon akong pitong (7) pinagsamang katangian ng “lakas at ganda” upang ang biyaya ng Panginoon ay maipamuhay at maipamalas natin para sa kapurihan ng ating Diyos:

1) Lakas para ipakita ang Kagandahan ng Pagiging Mapag-asikaso o Hospitality (1 Pedro 4:9). Hindi madaling ipakita ang kagandahan ng bukas na tahanan, ngunit kung mauuna tayong buksan ang ating mga puso para sa nangangailangan ng karamay at pagmamahal ay kasunod ding lalabas ang lakas na maipakita ang ganda ng bukas na tahanan na may galak at taos-pusong pagtanggap sa sinumang nangangailangan nito.

2) Lakas para ipakita ang Kagandahan ng Pananampalataya. Kailangan ng lakas para tumayo nang matatag upang makayang pagtagumpayan at lampasan ang samu’t saring krisis ng buhay, kung may pagtitiwala o pananampalataya sa ating Diyos. Sapagka’t nangako Siya na “ang sinumang nagtitiwala sa Kanya ay hindi mapapahiya.” Naalala ko pa nang ako ay bago pa lamang na Kristiano. Isang taong malapit sa aking puso ang agad na humamon sa aking pananampalataya sa Diyos. Napatunayan kong may lakas na ibinigay sa akin ang Diyos upang tumindig nang matatag para makita ng taong ito na ang pagtitiwala sa Diyos kailanman ay hindi pagkukulangin.

3) Lakas para Sabihin ang Katotohanan sa Kagandahan ng Karunungan. Mga Kawikaan 31:26—“Binubuka niya ang kaniyang bibig na may karunungan; at ang batas ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila.” Mas madaling isara na lamang ang bibig upang maiwasan ang anumang hindi pagkakasundo, lalo na kung ang pinag-uusapan ay katotohanan. Ngunit hindi makakatulong sa bawa’t isa kung ang katotohanan ay natatakpan at nananatiling nakatago. Ang lakas o tapang upang ihayag ang katotohanan ay mabuti lalo’t kung ito’y sasamahan ng karunungan na sabihin ito sa tamang panahon, paraan at lugar. Marami ring mabilis magsalita ngunit kulang ng karunungan, at ito’y nagdudulot ng pagkasira ng ispiritu ng sasabihan. Ngunit kung may karunungan, ito may makabasag man ng pansariling-kalooban, ay hindi ang ispiritung maselan.

4) Lakas na Gumawa upang ang iba ay maranasan ang Kagandahan ng Pag-ibig. Kung ang ating Panginoon ay hindi kinaya ang magpagal ng hirap at pasakit sa krus, hindi rin natin mararanasan ang ganda ng pag-ibig ng Diyos upang tayo ay mabuhay nang walang-hanggan sa piling Niya sa tinakdang panahon. Maraming pagkakataon sa mga karanasan ng ating buhay na kung walang lakas upang maghirap o magtiis ng hirap, ang ganda ng pagbubuklod nang may pagmamahal sa loob ng tahanan ay hindi mararanasan: ang pangakong “kamatayan ang magpapahiwalay sa atin” ay mapapako. Ang katagang “kaibigan magpakailanman” ay mapapalitan ng “walang permanenteng kaibigan.” Nagawa ito ng ating Panginoon kaya’t makakaya rin natin.

5) Lakas para Itaas ang Kagandahan ng mga Pamantayan (Awit 29:2). Laging may dulot na ganda ang “standards” o pamantayan sa pagiging Kristiano sapagka’t ang Diyos ang nagtakda nito, ngunit sa bawat lakad ng panahon maraming pagsubok upang ito’y sirain o pababain. Kaya’t kailangan ng lakas upang ito’y panatilihing pinanghahawakan natin at ipinapamuhay sapagka’t ang ating Diyos kailanma’y hindi nagbago o nang-hina sa Kanyang mga pamantayan, kabanalan, kalinisan, at kaayusan—mananatili itong kalikasan ng ating Diyos, sapagka’t Siya’y hindi nagbabago kahapon, ngayon at magkailanman. (Hebreo 12:3)

6) Lakas para Makapagbuo sa Kagandahan ng Pusong Nagpapatawad (Colosas 3:13). Dahil sa pagpapatawad ng Panginoon ay maraming buhay ang muling naitatag, maraming buhay ang muling nabuo. Ito ay nasaksihan ko sa maraming pamilya at indibidwal sa buhay. Napakabuti at kay-gandang pagmasdan ang mga buhay na muling binuo sa biyaya ng Diyos kung tayo ay isa sa mga ginamit Niya at binigyan ng lakas upang magbuo sa pagpapatawad na ibinigay natin sa kanila na nagkasala sa atin.

7) Lakas na Mamuno sa Kagandahan ng Isang Halimbawa o Modelo. Kung walang lakas, hindi magagawang pangunahan ang anumang gawain. Katulad ng sinabi ni Pablo, “Sumunod kayo sa akin tulad na ako ay sumusunod kay Kristo.” Una niyang nakita ang pangunguna ng Panginoon bilang halimbawa ng pagsunod sa Ama. Kung kaya’t nasabi niya ang mga katagang ito, “Sundin niyo ako katulad ng pagsunod ko kay Kristo.” Tunay ngang kailangan ng lakas makapanguna upang sumunod at upang maipakita ang kagandahan ng isang modelo o halimbawa. Pangkaraniwang sinasabi ng anak sa magulang na nagsasabi ng “Sumunod ka sa ama mo,” ay “Bakit ako susunod sa kanya, ikaw nga hindi sumusunod sa kanya?” Hindi binibigyang katwiran ang anak sa pagkakataon na ito ngunit ito ay katotohanan na nagaganap sa kahit anong relasyon kung ang kagandahan ng isang pagiging modelo ay hindi natin naipapamalas kahit tayo’y may lakas upang manguna.

Maaaring ang pitong pinagsama-samang katotohanang ito ay hindi pa ang lahat upang ipamalas ang buong katangian ng “lakas at kagandahan” ng ating katauhan, ngunit naniniwala akong ito’y sapat upang mapatunayan na ang kalakasan at kagandahan na ito sa ating buhay ay makakapagpamalas ng kapangyarihan at kagandahan ng Diyos sa bawa’t buhay. Higit Siyang may kakayahang magtanggol, magpanatili, manguna, bumuo at magtaas sa atin. Ang Kanyang maingat na kamay, pag-ibig, kahabagan, biyaya, laging pagpapatawad, pagtanggap sa akin ay ang nagpapanatili sa akin upang mabuhay nang may lakas at ganda sa bawa’t araw.

Magpakabanal Ka! (A Story, Part 4)

Martin: Aba, ispiritwal ka ngayon, ah!

Colette: Hindi ko nga rin maintindihan kung ano’ng nakain nitong si Jeff, eh!

Jefferson: Tumigil na kayo sa pang-aasar. Naintindihan ko lang ang tama, guys. At gusto kong aksyunan ang mga mali ko at itama ito—ngayon. By the way, magkapareho lang naman tayo dati. Pero I’ve realized many things. Buti na lang. Lika na, Colette, late na tayo.

Martin: Wait! Na-convict ako sa sinabi mo, a-attend na ako.

Hayy… ang galing talaga ng Panginoon! Sana lahat ng Cristiano ganito ano? Tulad ni Jeffer, na tinupad ang sinabi ng Hebrews 3:8, “Harden not your hearts.” At dahil doon, may mga nadala siya. Parang may ibang kahulugan ang Romans 5:19b: “By the obedience of one shall many be made righteous.” Oops. Kala niyo nakalimutan ko na. Ang topic sa scene na ito ay ang Church attendance. By the way, sa Hebrews 10:25 nagmumula ang sinabi ni Jefferson. Napakapamilyar na nitong talatang ito sa atin, ngunit karamihan sa atin ay hindi pa rin ito tinutupad. “Not forsaking the assembling of ourselves together, AS THE MANNER OF SOME IS.” Sunday ng umaga, Sunday ng gabi, Afternoon fellowship, Midweek Service, Prayer Meeting, at any meeting, dapat nandiyan ka. No excuses.

Pastor Joab: Amen. Good evening! Pwede na po kayong umupo. We will begin by hearing a testimony of salvation from our members. Sino ang nais magpatotoo?

(mapupunta ang eksena kina Daddy Claudio at Mommy Claudia)

Daddy Claudio: (bubulong kay Mommy Claudia) Hay, naku si Pastor. Hindi ba siya nagsasawa sa segment na ’to? Kaligtasan, kaligtasan! Lahat tayo dito ligtas na tapos testimony ng kaligtasan?

Mommy Claudia: Bakit, Claudio, may masama ba? Maganda na yang ganyan. Parang hindi ka naman naligtas!

Daddy Claudio: Ito si Claudia Kontra! Oo nga, kaya nga ligtas na tayo, bakit kailangan pa sa Thursday Prayer Meeting, na puro members ang uma-attend, mga mature members—

Mommy Claudia: Mature? Ikaw? Eh sa inuugali mong iyan, Claudio, para kang bata!

(mapupunta kina Nards at Andrea ang eksena)

Andrea: Pwede ba ako?

Nards: Huwag na! Magkamali ka pa sa harap, mapahiya ka pa.

Andrea: Pwede nga ba ako?

Nards: Oo, pero—(magtataas ng kamay si Andrea; pipigilan ni Nards) Huy! Ano ka ba? Huwag na! Hayaan mo na yung medyo matagal!

Andrea: Bakit ba? (inaalis ang kamay ni Nards sa braso niya) Sige na, hayaan mo na ako—

Pastor Joab: (mapapansin ang komosyon; tingin niya ay tumataas ng kamay si Andrea) Sis. Andrea, magte-testimony ka ba? (magfe-fade ang boses niya)

(matitigilan si Andrea at titingin kay Pastor; titingin uli kay Nards)

Nards: Ikaw kasi eh!

Pastor Joab: Sis. Andrea?

Andrea: (titingin uli kay Pastor, ngingiti) Opo.

Pastor Joab: Sige huwag kang mahiya. Lapit ka rito sa harapan.

(aalis si Pastor Joab sa pulpit; pupunta si Andrea sa pulpit)

Andrea: (hihinga nang malalim at ngingiti) Good evening po. (magfe-fade ang boses niya)

(darating sina Martin, Jefferson, at Colette)

Martin (lalaki ang mata): Oh, si Andrea. My only love Andrea. Magte-testimony siya? Buti na lang um-attend ako.

Colette (uupo): Siya ba yung bagong member? Ang lakas naman ng loob niya ah.

Jefferson: Buti nga siya eh, nakakapag-testimony, tayo hindi, ang gulo kasi ng buhay natin, eh. (titingin na sa harap; babalik ang focus kay Andrea)

Andrea: Lahat na po siguro ng masamang bagay masasabi niyo na sa buhay ko…

Magpakabanal Ka! (A Story, Part 3)

Boys, una sa lahat kayo ang dapat na magkaroon ng determinasyon na sumunod sa Panginoon. Susunod na lamang ang ladies sa inyo. Tularan niyo si Jefferson; bagaman nagkamali noong una, ay hindi inisip na huli na ang lahat!

Samantala, ang babaeng kinahuhumalingan ni Martin, si Andrea, ay isa palang kakaligtas pa lang na Kristiano, at buo ang puso niya na maglingkod sa Panginoon. Ngunit ang problema, ang mas matagal na sa kanya ay siya pang nagpapahina ng kanyang loob—ang nagdala sa kanya sa church: si Nards. “Serve the Lord with gladness” (Psalm 100:2).

Andrea: Nards, ikaw ba talaga nagdala sa akin kay Lord?

Nards: Bakit? Oo, siyempre naman!

Andrea: Thank you. Lagi kasi akong napapaisip na iba yata nagdala sa akin sa church. Know why? Kasi hindi ba dapat ikaw ang nag-e-encourage sa akin na maglingkod sa Diyos? Bakit puro discouragement na lang ang naririnig ko mula sa iyo?

Nards: Hindi mo ako naiintindihan. Lahat ng iyan nasalihan ko na. Yang soul winning program, yang choir, yang art ministry, yang ushering, basta halos lahat. At walang kaibahan—ang sasama ng mga ugali ng kasama diyan, kaya umalis na lang ako. Ayoko rin namang ma-offend ka. Buti na nga lang tumagal ako sa church ng hanggang limang taon sa kabila ng mga iyon.

Andrea: Hindi ba sabi ng Bible, “Looking unto Jesus”? Di ba si Jesus naman sine-serve natin?

Nards: Oo, pero… basta! Ikaw bahala ka kung gusto mong sumali. Basta ako, huwag na lang. Okay na sa akin ang um-attend.

Andrea: Bahala ka.

(tunog ng organ)

Nards: Magsisimula na.

Andrea: Doon tayo sa harap.Ganito talaga ang maraming bagong Cristiano—mainit at gustung-gustong maglingkod sa Kanya na nagligtas. Kadalasan mas matalino pa sila sa mga mas matagal na—tulad ni Nards, na lumabo ang pagtingin sa Panginoon at tumingin na sa iba—at tulad ng inaasahan, umayaw siya. Kaya mga old Christians, huwag niyong sabihan ang mga bagong Cristiano na bago palang sila o balewalain ang kanilang sinasabi sa atin. Sabi nga ng 1 Corinthians 1:27, “But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise.”

(nagmamadaling naglalakad sina Colette at Jefferson)

Colette: What? Prayer meeting?!

Jefferson: Yes, doon tayo magde-date sa prayer meeting.

Colette: Ano ang gagawin natin? Mataimtim na magdadasal sa Puong MayKapal? Pwede ba?

Jefferson: Bakit? Ano ang masama doon?

Colette: (titigil sa paglalakad; mapapatigil din si Jefferson) Ang date, wala tayong kasama!

Jefferson: (tatakpan ang mukha ng dalawang kamay at aalisin ito) Whether you like it or not, doon tayo pupunta!

Colette: Ayoko!

Jefferson: Ligtas ka na ba?

Colette: Tinatanong mo pa ako! Oo naman!

Jefferson: Then show that you are! (magsisimula na uling maglakad; susunod si Colette)(titigil pareho sa harapan ng “pinto”; kakatok si Jefferson; lalabas si Martin)

Martin: (halatang nagulat) Oh, Brod! Colette! Bakit?

Jefferson: Hindi ka pa nakabihis?

Martin: Bihis? Hindi naman ako uma-attend ng prayer meeting! Sina Mama at Daddy, oo.

Jefferson: Bakit hindi ka um-attend? Di ba sabi sa Bible “not forsaking the assembling of ourselves together”?

Obedience or Disobedience?

by Sis. Ella May Calderon

“…[F]or rebellion is as the sin of witchcraft, and stubbornness as iniquity and idolatry…”

(1 Samuel 15:23)

Disobedience. Simpleng pagsuway lang, pero hindi maliit iyon. Kung titingnan natin, pagsuway ang ginawa ni Saul sa kwentong ito. Ano nga ba ang nangyari? Inutusan kasi ng Diyos si Saul na patayin lahat ng mga Amalekites—lalake, babae, matanda, bata, buntis, maysakit o wala, pati hayop—walang ititira. Pero ano ang ginawa niya? Hindi niya pinatay ang mga magagandang hayop at mismo ang hari—in short, sumuway siya. Kung tutuusin ay mayroon naman siyang magandang intensyon (sayang nga naman yung mga tupa’t kambing)—pero ano ba ang sabi ng Diyos? “To obey is better than sacrifice.” Pero bakit kaya ang simpleng pagsuway na ito ay tinawag na agad Niyang “rebellion”? Dahil alam ng Diyos ang nasa puso natin.

Ano bang kinalaman ng pagsunod sa giving? Unang-una, ang pagbibigay ay inutos. Kaya pag nagbigay ka, sumunod ka na noon. Pero hindi lamang pera ang maaari nating ibigay. Kasali sa giving ang oras, talento at ung service natin.

Gusto ng Diyos na paglingkuran natin Siya. Gusto Niyang ibigay natin sa Kanya ang buhay natin. At kasali sa paglilingkod ang pagsunod. Maraming inuutos sa atin ang Diyos at isa nga rito ang pagpapasakop sa awtoridad. Awtoridad—sa eskwela, ang principal; sa munisipiyo, ang mayor; sa probinsya, ang gobernador; sa bansa, pangulo; sa bahay magulang, at sa church, ang pastor at mga guro. Awtoridad. Mahalaga na ito’y sundin.

Tulad nga ni Jesus: Sumunod Siya sa mga utos ng gobyerno na hindi naman laban sa Salita ng Diyos. May mga pagkakataon na maaari nating hindi sundin—yun ay kung laban ito sa Salita ng Diyos. Ngunit kung hindi, dapat tayong sumunod, lalo na sa mga pinuno natin sa iglesiya. Hangga’t hindi taliwas sa Bibliya ang utos sa atin, dapat sumunod tayo. Tandaan natin, wala naman silang iuutos na ikapapahamak natin. Kahit na hindi natin nauunawaan kung bakit, hangga’t wala namang mali, sumunod tayo. Isa pang ’di natin dapat kalimutan, ang pagre-rebelde ay tulad ng witchcraft (pangkukulam). Ibig-sabihin, ayaw ng Diyos ng pagsuway. Isipin natin, “Hindi naman tao ang talagang pinaglilingkuran ko, kundi ang Diyos.” And speaking of God, mayroon ba tayong dahilan para sumuway sa Isa na nagbigay ng buhay at kaligtasan?

Magpakabanal Ka! (A Story: Part 2)

Sa Elementary High School College, umaga…

Martin: Colette!

Colette: Oh! Martin! Musta?

Martin: Kaya naman pala. (iiling)

Colette: Ha?

Martin: May tsismis na kumakalat na nabuntis ka na raw ni Jefferson.

Colette: (nawalan ng kulay) Ano kamo? Buntis?

Martin: Siyempre, hindi muna ako naniwala. Pero hindi nga ako magtataka kung sakali.

Colette: (pinalo si Martin sa likod) Yabang! Bakit naman?

Martin: (tiningnan si Colette mula ulo hanggang paa) Tingnan mo naman yang itsura mo!

Colette (iikot-ikot): Bakit? Ano’ng problema dito?

Martin: Naka-pantalon ka, kaya kitang-kita yang hugis mo. Kaya nga kita napansin eh. Tapos para kang naka-sando, nilagyan lang ng kulay. Okay lang ba yan sa Mommy mo?

Colette: Pangit naman kasi pag nakapalda! Tsaka uso! At tsaka, oo, okay lang kina Mommy at Daddy. … At tsaka gusto nga ni Jeffer na ganito hitsura ko. Mas maganda raw ako.

Martin: Si Jeffer talaga! Huwag ka nang magsuot ng ganyan, ah! Parang wala namang alam ito sa modesty oh!

 1 Timothy 2:9: “In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array.” Ang problema sa karamihan, gusto talagang maglahad ng hugis! Isipin mo na lang kung ang suot mo ang suot ni Maria noon, papaniwalaan ba si Jesus?  Samantala, si Colette at Jefferson ay may date—matutuloy kaya? 1 Timothy 5:1-2: “Entreat… the younger as sisters, with all purity.”

Jefferson: (may kausap sa phone na patapos na) Yes, yes… opo, naintindihan ko po. Opo. Pasensya na po. Opo… Pagkakamali ko ho talaga yon. Oho. Sige po. Salamat po. Tatandaan ko ho iyan. Bye…. (sa isip) Buti na lang nabanggit sa akin ni Pastor. (naghanap ng bench at umupo) Dahil sa makalaman kong mga pagnanasa halos magalaw ko na si Colette. Wala namang nangyari sa amin, pero yon ang inisip ng mga tao! Buntis pa ang konklusyon! Lumabas pa na si Colette ang nangunguna. Hindi naman magdadamit si Colette nang ganon kung hindi ko sinabi. Masyado lang siyang obsessed sa akin kaya ginagawa niya ang gusto ko. Pero dapat tumigil na ’to.

Colette: (payakap na lumapit kay Jefferson) Jeffer, I’m here! Look at my out—

Jefferson: (pinigilan si Colette na yakapin siya) Colette, mayroon tayong problema. Colette: Problema? (tumingin sa mata) Ah… Oo, nabuntis mo raw ako.

Jefferson: Kasalanan ko ito Colette. We should have watched ourselves. (Pause) Mayroon ka bang pamalit?

Colette: Pamalit? (hindi makapaniwala) Gimme a break! Para yun lang?

Jefferson: Mali naman talaga ang magsuot ng ganyan eh. At tsaka hindi na tayo pupunta sa bahay ko.

Colette: We are not doing anything.

Jefferson: Yes, we are. Hindi masyadong malala, pero masama na tayong dalawa lang sa bahay. Kahit halik at holding hands lang tayo (at pati nga ang mga ito mali eh), hindi ganon ang iisipin ng tao. At sa tsismis, hindi lang tayo ang naaapektuhan, kundi pati ang mga magulang natin, Colette. I love you, but, I realized na against sa Diyos ang ginagawa natin. Do you get my point?

Colette: (pumameywang) Wala akong dala.

Jefferson: Kung ganon, ihahatid na muna kita.

Colette: Hindi na tuloy ang date natin? Ayoko!

Jefferson: I never said that! Sabi ko magpalit ka muna. Let’s go!

Magpakabanal Ka! (A Story: Part 1)

Isang ordinaryong umaga…

(tunog ng alarm clock; ungol)

Medyo nagulantang si Martin sa ingay ng alarm clock. Kagabi kasi puyat na naman. Hindi naman puyat sa pagbabasa ng Bible o pananalangin kundi dahil katawagan niya ang crush niyang si Grace.

Martin: Alas singko y medya na pala! Kailangan ko nang maghanda. (makikita ang Bible sa ibabaw ng drawer) Bible, Bible… huwag na! Mamayang-gabi na lang. (tatayo at mukhang may maaalala) Ay! Magpe-pray pa pala! (uupo muli sa higaan) (pipikit at nagmamadaling nagsalita) Lord, salamat po sa araw na ito. Gabayan Niyo po ako. Sa ngalan ni Jesus, Amen! (tatayong muli at aalis sa kanyang kwarto)

 

Psalm 1:2, “But his delight is in the law of the Lord; and in his law doth he meditate day and night,” at sa 1 Thessalonians 5:17, “Pray without ceasing.”

Tapos ay naligo na siya. Habang naliligo…

 

(tunog ng shower)

Martin: (kumakanta) (any worldly song) (background: kumakanta pa rin si Martin) Ephesians 5:19, “Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your hearts.”Mommy Claudia: (nakatayo sa gitna) Anak, ano yang kinakanta mo?Martin: (boses lang) Eh—Nay, wala po! Mommy Claudia: Anong wala? Anong Boo-boo ba yon? Ano bang pinagsasabi-sabi mo? Aga-aga kanta ng diyablo yang kinakanta mo! Kumanta ka ng Amazing Grace! (aalis sa gitna) Buti nga! Samantala, nagbihis na siya pagkatapos maligo. Nakahanda na ang almusal nang dumating siya sa hapagkainan. Martin: Ano yan, Nay?Mommy Claudia: Pritong itlog at sinangag.Martin: Na naman?Mommy Claudia: Oy, wag ka nang mag-reklamo! Baka wala akong ipakain sa iyo! Sabi sa 1 Thessalonians, In everything give thanks.”Martin: Sige na po. Sorry. (susubo)Mommy Claudia: Oy! Mag-pray ka muna! Sabi nang ‘in everything give thanks’ eh!Martin (pipikit at didilat): O yan na. (susubo)Mommy Claudia: Gusto mo Milo?Martin: Sige, Nay.Mommy Claudia: (ilalapag sa mesa ang mug ng Milo) O yan.Martin: Thanks. Mommy Claudia: (ngingiti) Anak, may bago na namang tsismis sa church!Martin: Pang-isang milyon na ba yang tsismis na sasabihin niyo, Nay? Mommy Claudia: (ngingiwi) Ano ka ba naman anak? Siyempre para hindi mo na ito gawin? By the way, si Jefferson daw nabuntis si Colette!Martin: (napatayo) Nabuntis?Mommy Claudia: Oo. Sayang ano? Kasi naman ’tong si Colette ay masyadong mainit! Bumigay lang daw ’tong si Jeff. Martin: (umupong muli) Sayang talaga. Kumpirmado na ba?Mommy Claudia: Hinde, narinig ko lang.Martin: Ay, ano ba naman yan! Hindi pa pala!Mommy Claudia: Eh malay mo kung totoo.Martin: Si Nay naman oh. Pasabi-sabi pa kayo na nauna si Colette eh hindi pa pala kumpirmado. Kaibigan ko pa naman yung dalawa. Baka nasira na sila sa akin kung kumpirmado na yon.

Proverbs 16:28: “A froward man soweth strife: and a whisperer separateth chief friends.” Malaking isyu ang tsismisan sa church, at kahit gaano pa kaayos ang buhay mo, kung tsismoso/tsismosa ka, mali din ang katayuan mo sa harap ng Diyos.

Ang Walang Mayroon

by Elijah Abanto

Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga magkabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan. At kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o  pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.

At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatangging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)

Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay idedika sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap `pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo `pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?

Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya na naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.

Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.

Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil wala Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong  kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.

Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos? Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.