Encouragement

Sa ngayon ay pabata na nang pabata ang mga artista. May isa akong artistang kilala na mukhang mas matured ang hitsura sa akin ngunit dalawang araw pa pala ang tanda ko sa kanya. Ito naman talaga ang target pa noon ng movie industry; ang kumuha nang kumuha sa kanilang industriya ng mga mas batang itsura upang mas maengganyo ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga produkto. Sa kabilang banda, ang mga “batang” ito ay nagpapaakit naman sa alok ng industriya dahilan sa dalawang bagay—pera, at higit pa rito, kasikatan, o fame.

Sa ganito o ganoong paraan ang bawat isa sa atin ay may kagustuhan na makilala kahit papaano. Bagaman hindi sa punto na sasali tayo sa mga contest, mayroon tayong naiisip na paraan para makilala saan mang dako tayo naroroon. Mayroong gumagamit ng pagiging maloko, babaero, o daldalero upang maging kilala sa eskwela. Mayroon na ginagamit ang pagsisikap o pagsisipag sa trabaho upang sa gayon ay ma-promote, na magre-resulta sa pagiging mas kilala sa isang kompanya. Kahit ang mga tao sa iglesya ay hindi ligtas sa pagkakaroon ng ganitong hangarin. Mayroon akong mga kilala na kaya gustong mag-song lead, umawit, mangaral, at magturo sa Sunday School ay para makilala nang mas marami, at sa gayon, ay makatanggap ng papuri. Nakatanggap na rin ako ng papuri mula sa ibang tao, ngunit ang ngiti dulot ng papuri na iyon ay may kasama ring pakiramdam na parang ayaw tanggapin ang papuring iyon. Kadalasan pang mag-resulta ang papuri sa yabang kung hindi mababantayan.

Ngunit ang i-encourage—sa tingin ko ay higit pa ito kaysa papuri. Ang pagpapalakas ng loob ay karaniwang dumarating sa panahong mababa ang iyong ispiritu, walang sigla, o takot ka na gawin ang isang bagay dahil tingin mo ay hindi mo ito kaya o baka may masamang mangyari. At sa aking palagay, higit itong nakakatulong kaysa daan-daang papuri. Ang papuri ay parang nagsasabi na kaya mong gawin ang lahat ng bagay nang ikaw lang, ngunit ang pagpapalakas ng loob ay nagsasabi na magagawa mong gawin iyan—magtiwala ka lang. Hindi yabang kundi lakas at tibay ng loob ang idinudulot ng encouragement. So, sino nang na-encourage mo ngayon?

Advertisements

Being a Church

We tend to be very secretive. Kapag may problema tayo, lalo na kung mabigat, ay iniisip natin “pampamilya” lamang ito at hindi na kailangan pang malaman ng ka-miyembro sa church. Iniisip natin kung ano ang iisipin ng mga ka-miyembro natin kapag nalaman nila ang ating problema o kasalanan. Baka taasan tayo ng kilay, pag-isipan ng masama, talikuran, ipahiya, at lahat ng negatibong naiisip natin—at minsan ay totoo naman ngang ganito.

Ngunit nakakalimutan natin kung ano ang iglesya—ito ay pamilya. Kung sinasabi nating “pampamilya” ang ating mga problema, dapat ay maisip natin na ang iglesya ay pamilya; at kung pamilya, at nagtitiwala ka sa pamilya mo, hindi ka matatakot na sabihin ang problema mo. Minsan sa isang tao lang; ngunit mas dapat mo itong ilapit sa pinuno.

Mahalaga ang komunikasyon sa isang pamilya. At kung hindi alam ng mga miyembro ng pamilya ang lakas at kahinaan nung isa, mga tagumpay at kabiguan nung isa, ay hindi titibay ang relasyon. At isa yun sa mga problema ng maraming iglesya—tuwing dadalo ng pananambahan ay nakapaglagay muna ng maskara ang bawat isa upang matakpan ang mga emosyong “hindi dapat” makita. Malalaman mo na lamang na may problema kapag hindi um-attend.

Ang iglesya ay isang katawan. At sa isang katawan, damay-damay ang lahat ng bahagi. Magkasakit ka sa puso, damay ang kilos ng katawan. Ang pagiging maginhawa ng isang bahagi ay nangangahulugan na maginhawa ang buong katawan. Kapag maginhawa, lahat ng parte na nakikinabang, “nakikisaya.” Kapag may isang bahagi na may sakit, ang ibang mga parte ay tutulong upang matalo ang sakit na iyon, dahil alam nilang kapag hindi sila nagtulung-tulong, mamamatay silang lahat. Ngunit, para matulungan ang parte na iyon, kailangan munang malaman ng lahat ng parte.

Ang iglesya ay ganoon. Damay-damay tayo rito. Kapag masaya ang isa, nakikisaya ang lahat. Ngunit kapag may nagka-problema, naapektuhan ang kabuuan ng iglesya, alam man natin ito o hindi. Lahat ay nakikinabang kapag nagtatagumpay ang isa. Ngunit pag may nabibigo, nararapat lamang na tulungan natin ito sa lahat ng ating makakaya, dahil alam nating kapag hindi, masisira tayong lahat. Ngunit, para matulungan ang may problema, kailangan munang ipaalam sa lahat ng parte.

Ganito ang pagiging iglesya. Pamilya. Katawan. At kapag hindi natin nagawa ito, huwag na nating asahan pa na magiging matibay tayo laban sa dagok ng buhay.

 

Visitor Consciousness

by David W. Cloud

Karamihan sa mga miyembro ng iglesiya ay hindi napapansin ang mga bisita. Likas na sa atin ang makipag-usap sa ating mga kaibigan at kakilala at maging abala sa mga inatas na gagawin sa church at kalimutan na maglingkod sa mga bisita. Napapansin ko rin sa mga iglesiya na kapag oras na para magkamayan tuwing service, marami sa mga miyembro ang nakikipagkamay lamang sa isa’t isa at hindi nakikipagkilala o nakikipagkaibigan sa mga bisita.

Ilang beses din naming dinala ang unsaved na stepfather ng aking asawa sa iglesiya noong taglamig, at ang mga miyembro ay hindi gumawa ng kahit anong pagsubok na kaibiganin siya bukod sa kaunting nakasanayan nang pagkamay at “salamat sa pagdating.” Sa isang iglesiya, nagtanong pa kami kung mayroong mga lalaki na gustong isama siya sa pangingisda (buong taglamig ay namalagi siya sa amin) at kaibiganin siya at siguro ay magkaroon ng oportunidad na makipag-usap sa kanya tungkol kay Kristo, ngunit kahit tinanong na namin ang pastor at ilan sa mga lalaki tungkol dito at kahit dumadalo na siya rito nang paminsan-minsan sa loob ng apat na buwan, walang kahit isa na sinubukan siyang kaibiganin. Ito ay kahit hiniling na namin sa iglesiya na ipanalangin siya kada Miyerkules ng gabi at alam ng mga miyembro ang kanyang pagdalo at kanyang sitwasyon.

Kailangan nating alalahanin na sa kabuuan ay isang napakahirap na bagay para sa isang tao na dumalo sa isang iglesiya na walang siyang kilala kahit isa. Hangga’t hindi umaabot ang mga miyembro sa mga bisita at gumagawa talaga ng pagsisikap na makipagkilala sa kanila at manalangin para sa kanila at gumawa nang higit pang pakikipag-ugnayan sa kanila sa loob ng linggo, madalas ay hindi na sila bumabalik pa.

Ang 1 Corinthians 14:23-26 ay naglalarawan ng isang church service kung saan ang bawat miyembro ay naghahayag. Ang resulta ay ang kaligtasan ng mga makasalanan. Hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng mga miyembro ay tumatayo at nangangaral. Ang ibig-sabihin nito ay na ang bawat miyembro ay naroroon upang maglingkod sa iba gamit ang kanyang sariling kaloob. Ang musika ay maaaring maging paraan ng paghahayag kung ito ay ginagawa nang tama (1 Chronicles 25:1-3). Kahit na ang buong-pusong pagsali sa pag-awit ng kongregasyon ay halimbawa ng paghahayag.

Ngunit ang mga pagtitipong pang-iglesiya ngayon, kahit na sa mga iglesiyang naniniwala sa Biblia, ay higit na mukhang nakakaaliw na mga programa kaysa sa kung paano ito inilarawan ng apostol sa 1 Corinthians. Nagmumukha tuloy na ang isang miyembro ay dumadalo sa iglesiya hindi para makapaglingkod, kundi para maaliw at mapaglingkuran. Ang musika ay maaaring maganda ngunit bihira itong mamunga ng kombiksyon at kabanalan. Ang lahat ay ginagawa nang ayon sa ritwal, ayon sa iskedyul, ngunit kaunti lamang ang kapangyarihang ispritwal. Hindi ito dapat maging kaso, at ang parte ng problema ay pumupunta ang mga tao sa iglesiya sa maling kadahilanan. Sinasabi ng Hebreo 10:25 na tayo ay magsasama-sama sa isang pagtitipon upang “tagubilinan ang bawat isa,” hindi basta matagubilinan lang.

Ang kaso ni Philip Mauro, isang Kristiano na naging mahalaga sa kasaysayan ng Kristiyanismo, ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pag-abot sa mga bisita. Dating abogado si Mauro at nakapaglaban na ng maraming kaso sa Korte Suprema ng Amerika. Pinalaki siyang Episcopalian, ngunit sa edad na 45 ay isa siyang skeptiko. Sa tagsibol ng taong 1903 ay dumalo siya sa iglesiya nang hindi sinasadya, at ito ang nagbago ng kanyang buhay. Ang mga sumusunod ay ang kwento sa salita mismo ni Mauro:

“Noong mga panahong iyon ay hindi ako kuntento, walang kasiyahan, at mas nagiging madaling biktima ng malulungkot na isipin at malalabo, hindi maipaliwanag na mga pangamba. … Ang buhay ay walang kahulugan, patutunguhan, layunin, o katwiran; at ang mga kapangyarihan ng hambog na talino ay mukhang hindi pantay sa solusyon ng mga pinakapayak na mga misteryo. Ang aking hinaharap ay napakadilim at hindi kaaya-aya.

“Sa pangkaraniwan ko nang pag-iisip na hindi masaya ay namasyal ako, naghahanap ng mapagkakaabalahan sa teatro. Ang layuning ito ang nagdala sa akin sa lobby ng isang teatro sa Broadway at nagpadpad sa akin sa linya ng mga mamimili ng ticket. Ngunit may isang hindi nakikitang kamay na humila sa akin mula roon, at ang sunod kong naalala ay isang mahinang tunog ng pag-awit na dumating sa aking mga tainga sa gitna ng mga ingay sa Eighth Avenue, malapit sa 44th Street, may isang milya ang layo mula sa teatro.

“Wala akong masabing paliwanag sa pagkaakit ko, o pagsunod, sa tunog na iyon. Gayunpaman, pumunta ako sa gusaling iyon (isang napakapayak at hindi nakakaakit na lugar, na may karatulang ‘Gospel Tabernacle’) [pinagpastor-an ni A.B. Simpson, pangulo ng Christian and Missionary Alliance], kung saan nanggaling yung tunog na iyon, at natagpuan ko ang aking sarili sa isang prayer-meeting. Umupo ako sa isang bangko roon at nanatili sa buong pagtitipon.

“Hindi naman ako masyadong namangha sa kanilang ginagawa, at sa totoo lang ay wala ang aking simpatya sa kung ano ang nangyayari. Ang tumatak sa akin, gayunpaman, ay yung pagkakataon na, habang naglalakad na ako papuntang pintuan pagkatapos ng pagtitipon, ay may mga taong binati ako kasama ang magandang salita at pagkamay, at may nagtanong tungkol sa ispiritwal kong kalagayan” (“The Story of Philip Mauro” by Gordon P. Gardiner).

Dahil sa pagiging palakaibigan ng mga tao roon, nagpabalik-balik si Mauro nang ilang beses at siya’y naligtas sa pamamagitan ng pagsisisi tungo sa Diyos at pananampalataya sa Panginoong Jesu-Kristo. Pagkatapos ng kanyang pagbabagong-loob si Mauro ay naging matapang na Kristiano at nagsulat ng maraming mga aklat tungkol sa Biblia. Isa sa mga ito ay ang “Which Version?” kung saan kanyang pinaglaban ang King James Bible laban sa tekstwal na teorya nina Wescott at Hort. Siya rin ang nagsulat ng isang maikling pambatas na sulatin na ginamit ni William Jennings Bryan upang ipaglaban ang batas ng Tennessee na nagbabawal ng pagtuturo ng evolution sa mga pampublikong eskwelahan sa Amerika. Ito yung kilalang “Scopes Trial.” Nanalo si Bryan sa kaso laban sa abogadong si Clarence Darrow. Nagkaroon din ng pagkakataon si Philip Mauro na magpatotoo sa mga kilalang indibidwal, kabilang si Thomas Edison.

Ang mga sumusunod ay ilang suwestiyon sa pakikitungo sa mga bisita.

1) Magkusa na maging isa sa mga bumabati at kumakaibigan sa mga bisita. Tulungan sila sa pagpunta sa tamang Sunday School class, paghahanap ng CR, atbp. Sikapin na sila’y mapalagay. Mas maganda kung kapwa babae o kapwa lalaki ang iyong babatiin o tutulungan. Gawin ito nang totoo sa iyong sarili.

2) Laging alalahanin ang kahalagahan ng bagay na ito. Mag-isip ng mga paraan kasama ang kapwa mo miyembro para mas lalong maramdaman ng mga bisita na sila’y welcome.

3) Kung kakamayan mo sila o babatiin, gawin ito nang buong puso o hindi lang dahil sa dapat, dahil pangkaraniwan ay nakikita ito ng mga bisita, at maaari pa itong maging dahilan para hindi na sila bumalik pa. Dagdag pa rito, huwag mong hayaan na matapos ang inyong ugnayan sa oras ng church. Sikapin na mag-hanap ng oras na pwede mo siyang makaibigan.

4) Huwag mong hayaan na basta na lamang silang pumasok o umalis. Natural na para sa ilang bisita na pumunta sa church at pagkatapos ng service ay mabilis na aalis. Kamustahin sila bago sila umalis ng church building. bdj

 

Ang artikulong ito ay isinalin mula at ibinase sa sinulat ni David Cloud, “Visitor Consciousness,” O Timothy, published by Way of Life Literature, September 2009, pp. 9-11. Si David Cloud ay isang Baptist evangelist na kilala sa pagsusulat ng libro at articles na pumupuna sa mga maling doktrina o gawa sa Kristiyanismo.

 

The Landmine of Unforgiveness

by Charles F. Stanley

Kapag ikaw ay nasaktan, mayroong malaking tukso na makaramdam na tama lamang ang magka-roon ng isang hindi mapagpatawad na puso. Magbantay! Ito ay isang patibong, at isa sa mga pin-akamapangwasak na sandata ng Kaaway. Kung ikaw ay humakbang patungo sa direksyong iyon, hindi mo man maranasan ang pagkasira agad-agad, ay katagal-tagalan pag patuloy mong in-iipon ang kaisipan na hindi magpatawad, ay magiging mas malaki ang kasiraang maidudulot nito. Hindi mo siguro napapagtanto na ang ganoong klaseng tugon sa pananakit sa’yo ay isa sa mga pinakamapangwasak na bagay na magagawa mo sa iyong sarili. Kapag pinapanatili mo ang mga negatibong damdamin na ito sa iyong puso, mag-uugat ang kapaitan, at makikita mo ang mga implikasyon nito sa bawat bahagi ng iyong buhay.

Magsimula tayo sa mga depinisyon. Ang pagpapatawad ay tumutukoy sa pagsuko ng galit sa isang tao at ang karapatan na maging patas, anuman ang nagawa ng taong iyon. Ang hindi pagpapatawad, kung gayon, ay nagpapakita ng tahasang pagtanggi na isuko ang masamang kalooban at iyong karapatan na gantihan ang nanakit sa anumang paraan; ito ay base sa hindi maka-Kristong pag-uugali na mayroon dapat na magbayad para sa sakit, isang posisyon na pay-ak na walang biblikal na maaaring idahilan.

Sinasabi ng Efeso 4:31 sa atin na alisin ang lahat ng kapaitan, poot, at galit, kasama pati ang malisya, na siyang kagustuhan na makita ang isang tao na maghirap. Ang sumusunod na talata ay inuutusan tayong magpatawaran sa isa’t isa. Sa ibabaw, ang kasulatang ito ay parang madaling sundin; subalit, ang pagpapatawad ay maaaring maging isang malaking hamon, lalo na kapag ang sugat ay may kasamang matinding sakit. Minsan ay iniisip natin na napatawad na natin ang nakasakit ngunit sa katotohanan ay hindi naman—napakadali na sabihing “Pinapatawad na kita” nang hindi naman natin isinasapuso.

Ang pinakadahilan ng problema ay ang kawalan ng kagustuhan na ibigay sa iba ang kung anong ibinigay sa atin ng Panginoon. Nais ng Diyos na makita natin ang kaseryosohan ng ating kasalanan para ating maunawaan ang tindi ng awing ipinakita Niya sa atin. Kung pag-iisipan natin kung paano Niya tayo pinatawad, tayo ay walang masasabing dahilan para maging hindi mapagpatawad, gaanuman kasakit ang nagawang mali sa’yo. (Mateo 18:21-35)

Napakaraming mga tao ay nag-iingat ng mga sakit ng kalooban ngunit nabibigong makita ang ganoong klase ng ugali bilang isang malaking isyu sa kanilang buhay, na makakaapekto sa kanilang pisikal na kalusugan, emotional na pagkatao, at ispiritwal na konsidyon. Ang isang labis na kagustuhan na makaganti sa pamamagitan ng paghawak sa atin sa pagkaalipin—kapag ating pinipilit na huwag magbigay-patawad, tayo mismo ay mas nagiging malapit sa pagdurusa ng tensyon, depresyon, galit, at isang hating pag-iisip. Kahit na ang pagbanggit lamang ng kanyang pangalan ay nagdudulot sa atin ng reaksyon, na nagnanakaw ng ating kapayapaan at minsan maging ng ating pahinga. Hindi nakapagtataka kung nagbabala si Pablo ng, “Mga pina-ka-iibig, huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili, kundi bagkus magbigay lugar sa pagkapoot: sapagka’t nasusulat, Ang paghihiganti ay Akin; ako ang maghihiganti, sinasabi ng Panginoon” (Roma 12:19).

Ang hindi pagpapatawad ay tulad ng isang pagkalat ng anay. Sa simula, ang problema ay hindi masyadong halata, ngunit maaari nitong kainin ang ating pagkatao at magdulot ng malaking pagkasira. Ang paghawak sa sitwasyon nang tama ay maaaring magbalik na kaayusan sa iyong buhay.

  1. Seryosohin ito. Dahil hindi tinitingnan ng Diyos ang hindi pagpapatawad nang magaan, tayo rin, dapat, ay makita ang tindi nito.
  2. Kunin ito bilang iyong buong pananagutan. Mayroon sigurong nagdulot sa iyo upang makaranas ka ng sakit at dusa, ngunit ang paninisi ay hindi makakaalis ng prob-lema. Aminin—sa iyong sarili at sa Diyos—na, kahit na maaari ang taong iyon ay may bahagi, ikaw pa rin ay responsible para sa iyong hindi mapagpatawad na ispiritu.
  3. Ipahayag ito nang totoo. Huwag mong hayaang patuloy na mabuo ang iyong galit. Umayon sa Panginoon na ang iyong hindi pagpapatawad ay isang kasalanan.
  4. Isantabi ang iyong galit. Hangga’t hindi mo isinusuko ito, ang hindi mapagtawad mong ispiritu ay babalik. Sabihin mo, “Diyos ko, patawarin mo ako sa aking galit. Pini-pili ko na na ito’y aking isasantabi.” Pagkatapos ay isipin ang Krus at tanungin ang iyong sarili, Paano ako mag-iingat ng anumang laban sa isang tao kung ako mismo ay napa-tawad na?
  5. Ipanalangin ang taong iyon. Hindi mo man siguro ramdam na ipanalangin ang isang taong nanakit sa iyo, ngunit ang iyong damdamin ay walang kinalaman dito—gumawa ng isang tahasang pagpili na manalangin sa Ama para sa taong iyon.
  6. Kung ang tao na nagdulot sa’yo ng sakit ay alam na ikaw ay galit sa kanya, personal na humingi ng tawad sa indibidwal na iyon. Hindi man ito maging madali para sa iyo, ngunit ito ay kinakailangan kung nais mong maging malaya sa pagkaalipin sa sarili mong hindi pagpapatawad.
  7. Hilingin sa Diyos na magpakita Siya sa’yo ng isang bagay na maaari mong ma-gawa para sa sinumang nakasakit sa iyo. Hayaan na makita ang iyong mapagpatawad na ispiritu, kahit na ang maging reaksyon ng taong iyon ay maging sus-pisyoso.

 

Pagkatapos mong sundin ang mga hakbang na ito, ang mga pakiramdam ng kapaitan ay maaari pa ring magpakita. Kung iyon ay mangyari, manalangin, “Salamat, Ama—napatawad ko na ang taong ito.” Huwag mong hayaan si Satanas na dalhin ka na naman sa patibong na alalahaning muli ang nangyari, kung saan maaari ka na namang mairehas sa matanda na, at hindi malusog na ispiritu ng hindi pagpapatawad.

Pagkatapos ng isang sandali, malalaman mo na tunay mo na ngang napatawad yung nakaga-wa ng mali, dahil hindi mo na mararamdaman ang naramdaman mo dati. Maaari mong madisku-bre na, kung saan ay mayroong galit dati, ay mayroon nang pagmamalasakit o maging ng interes sa buhay ng taong iyon. Makikita mo, sa iyong pagkagulat at kaginhawahan, na iba na ang iyong ugali, at ikaw ay lumaya na.

Ang artikulong ito ay Tinagalog na sipi (ni Bro. Elijah E. Abanto) mula sa Ingles na artikulo ni Charles F. Stanley na, “No Record of Wrong: Avoiding the Landmine of Unforgiveness,” In Touch® magazine, January 2005, pp. 6-9, In Touch® Ministries. All rights reserved.

The Fiery Tongue

by Marla Lewis

BAKIT KO BA SINABI IYON? ay isang tanong na karamihan sa atin ay naitatanong sa sarili sa napakaraming okasyon. Ngunit, patuloy tayo sa pagsasalita at pagsasalita, nagsasalita bago tayo mag-isip, ibinoboses ang ating mga galit na opinyon, at pinupuna ang lahat ng bagay at bawat taong nakikita natin. Inilalarawan ni Santiago ang dila bilang isang pwersa ng pagwawasak, na sinasabi, “Kahit na ang dila ay isa lamang na maliit na bahagi, ngunit ito’y nagyayabang ng mga dakilang bagay. Masdan kung gaano kalaking bagay ang nagagawa ng isang maliit na apoy!” (Santiago 3:5)

Bakit kaya napakahirap na kontrolin ang ating mga O.A. na mga bibig? Tayo ba ay desperado para sa pagkilala at pagtanggap, o talaga lang nasisiyahan tayong ilabas ang ating mga aalalahanin? Maging anuman ang kaso, ang ating laman ay mukha talagang hindi kayang pigilin ang sasabihin. Ang Salita ng Diyos, sa kabilang dako, ay ipinapakita ang kahalagahan ng pagbabantay sa ating pananalita.

Itinuturo ng 2 Timoteo ng 2:16, “Ngunit umiwas sa mga makamundo at walang kabuluhang mga usapan, sapagka’t magdadala lamang ito sa lalong hindi pagiging makadiyos.” Kung kailangan natin ng higit na malakas na suporta para sa pagbabantay sa ating mga salita, makikita ito sa 1 Pedro 3:10: “Sapagka’t siya na nais mahalin ang buhay, at makakita ng mga mabubuting araw, hayaan siyang ilayo ang kanyang bibig mula sa masama, at ang kanyang mga labi na hindi magsalita ng pandaraya.”

Gaano man kahirap nating subukan, ang bawat isa sa atin ay nakikipagbaka sa pagko-kontrol sa ating pananalita bawat oras. Subalit, kapag may tamang pagpupunyagi at gabay mula sa Banal na Ispiritu, magagawa nating mapagtagumpayan ang ilan sa mga pangkaraniwan nang “sakit” ng dila na nakatala rito. Habang iyong binabasa ang listahan, mapanalangin mong itanong sa iyong sarili, Mayroon ba akong problema sa:

 

Pagrereklamo?

Kung gayon, basahin at kabisaduhin, “Gawin lahat ng mga bagay nang walang pagbubulungan at pakikipagtalo: nang kayo ay maging walang-kapintasan at hindi mapanakit, mga anak ng Diyos, …, sa gitna ng balukot at taliwas na bayan, kung saan sa kalagitnaan nito kayo ay nagniningning bilang mga liwanag sa sanlibutan” (Filipos 2:14-15). Sa mas simpleng mga salita, ang talatang ito ay tinuturuan tayong gawin ang mga trabaho ng araw nang walang pagrereklamo.

Ano ang dapat nating maging motibasyon para magawa ito? Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na tayo ay nabubuhay sa bulok na mundo, ngunit may oportunidad upang “magningning bilang mga liwanag” sa gitna ng lumulukob na kadiliman. Kapag ang ating mga pagrereklamo ay naalis sa ating pananalita, hindi tayo matatagpuang nagkasala ng pagdagdag sa pagiging negatibo ng ating paligid. Sa susunod na pagkakataong natutukso kang mag-reklamo, kumuha ng sandali upang pagbulay-bulayan ang kabutihan ng Diyos. Pag-isipan ang tungkol sa kung anong binigay Niya sa iyo at kung ano na ang nagawa Niya para sa iyo.

 

Pagsisinungaling?

Ang mga wala bang katotohanan ay nakakarating sa ating mga pakikipag-usap? Alalahanin na ang “nagsisinungaling na mga labi ay isang karumal-dumal na bagay sa PANGINOON, ngunit sila na nakikipagkapwa nang matapat ay Kanyang kasiyahan” (Kawikaan 12:22). Walang paraan para ibahin ang ibig-sabihin ng talatang ito. Napopoot ang Diyos sa pagsisinungaling dahil Siya’y tumatayo para sa katotohanan—Siya ay Katotohanan.

Ganunpaman, patuloy na nagiging sumpa ang pagsisinungaling sa sangkatauhan. Ayon kay Dr. Michael Lewis, karamihan sa mga tao ay nagsisinungaling nang hindi bababa sa 25 beses sa isang araw (abcNEWS.com, July 25, 2002). Ang hindi pagiging matapat ay nahahati sa tatlong malalawak na kategorya: upang gawing maganda ang pakiramdam ng ibang tao,  upang gawing maganda ang pakiramdam natin, at para protektahan ang ating mga sarili. Bagaman maraming mga tao ang itinatama ang pagsisinungaling bilang “isa lamang na eksarehasyon” ng katotohanan, nananatili ang katotohanan na ito ay hindi kalinya ng mga pamantayan ng Diyos para sa ating ugali.

May isang pag-aaral na naghayag na ang mga pagsisinungaling ay karaniwang nag-uugat sa takot. Kung ikaw ay nakikipagbaka sa pagsasabi ng buong katotohanan sa takot na ikaw ay tanggihan, dalhin ang isyung ito sa harap ng Panginoon ngayon. Ang Kasulatan ay naninigurado sa atin na ang perpektong pag-ibig ng Diyos ay nagtataboy ng takot. (1 Juan 4:18) Hilingin sa iyong makalangit na Ama na ipakita sa iyo na, dahil ang Kanyang katotohanan ay nananahan sa iyong puso, hindi mo kailangang magsinungaling.

 

Galit o Pagpuna?

Nangunguna ba ang galit at pagpuna sa iyong pakikipag-usap sa iba? Kung ganon, dibdibin ang katotohanan ng Kawikaan 15:1: “Ang isang magalang na pagsagot ay nag-aalis ng poot, ngunit ang matitinding salita ay nagsisimula ng galit.” Kaya kadalasan, tayo ay natutulak na magalit at maging mapalakas ang ating loob na pumuna ng mga nakapaligid sa atin sa trabaho at sa tahanan.

Alam natin na ang mga kaugalian na ito ay laban sa bunga ng Banal na Ispirito ng Diyos, ngunit nagpapatuloy pa rin tayong magbigay ng mga palusot. “Magagalitin lamang akong tao,” sinasabi natin. “Masyado lamang akong perfectionist. Wala naman kasing gumagawa ng mga bagay sa paraan na dapat silang gawin.” Bagaman ang mga pangungusap na ito ay nagiging normal na sa ating mundo, bilang mga Kristiano, tayo ay tinatawag sa mas mataas na pamantayan. Ang magagalitin at mapagpunang mga pag-iisip ay nararapat na madala sa ilalim ng awtoridad ni Jesu-Kristo bago sila masabi.

 

Pagmumura o Paggamit ng Pangalan ng Diyos sa Walang Kabuluhan?

Kung ang mga pangyayari sa buhay ay nagiging dahilan para tayo’y magbulalas ng mga mura at gamitin ang pangalan ng Panginoon sa walang kabuluhan, makinig sa mga utos ng Diyos. “Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang bawat salitang sinabi ng tao nang walang ingat, sila ay magbibigay-sulit para rito sa araw ng pag hatol” (Mateo 12:36) at “Hindi kayo susumpa nang walang katotohanan sa Aking pangalan, na sumasalansang sa ngalan ng iyong Diyos; ako ang PANGINOON” (Leviticus 19:12).

Sa kasamaang-palad, maraming mga Kristiano ang maluwag na binabalewala ang mga mahahalagang utos na ito mula sa Diyos. Kanilang sinasabi na si Jesus ay Panginoon ng kanilang mga buhay, at pagkatapos ay biglang gagamitin ang mahalaga Niyang Pangalan kakabit ng mga malolokong salita.

Nagbigay ang isang marunong na lola sa kanyang apo ng isang reality check, na may kaugaliang isigaw ang pangalan ni Jesus kapag ito’y galit. Sinabi niya rito, “Anak, kapag tinatawag mo si Jesus, sumasagot Siya. Mabuti pang maghanda kang sabihin sa Kanya kung bakit ka nagagalit.”

 

Kung kailangan mo ng karagdagang motibasyon para makontrol mo ang iyong dila, makikita ito sa Santiago 1:26. “Kung may nag-iisip na siya ay relihiyoso, at hindi naman kinokontrol ang kanyang dila ngunit nililinlang ang kanyang puso, ang relihiyon ng taong ito ay walang kabuluhan.” Malinaw na, ang isyung ito ay mahalaga sa Panginoon. Iyo bang isasama ang Kanyang tulong habang ginagawa mong prayoridad sa iyong buhay ang pagkokontrol sa iyong dila? bdj

 

Ang artikulong ito ay isang salin ni Bro. Elijah Abanto ng Ingles na artikulong “The Fiery Tongue: How Controlling Your Speech Can Change Your Life,” mula sa In Touch®, January 2003, pp. 16-17.

The Right Anger

If I will consider myself, I would say na ako ay isang 50-50 person pagdating sa galit. You would see me very patient with other people—at hindi ako plastik noon, ganoon ang tunay kong reaksyon—what I mean is, yung mga hindi ko kapamilya. But kapag tungkol na sa aking mga magulang at kapatid ko sa laman—madalas kong natatagpuan ang aking sarili na madaling mairita at magalit. And I really don’t understand myself why. Minsan nga ay nagagalit na rin ako sa sarili ko kung bakit ganito ang disposition ko pagdating sa galit. I really need the grace of God para maggawa ko rin ito pagdating sa aking pamilya.

Anyway, sinabi nga ng ating pastor na hindi lahat ng galit ay masama. May tamang galit. May maling galit. Ngunit ano na nga ba ang tama? Pag nalaman natin kung ano ang tamang galit, malalaman din natin agad kung ano ang mali.

Kung dahil sa ginawa sa atin kung bakit tayo nagagalit, I think that’s the wrong kind of anger. Never did Jesus became angry because of what everybody did to Him; yun ay kung ano ang ginawa nila sa Diyos at sa ibang tao. Nagalit Siya sa mga negosyante sa temple dahil sa pagsira nila sa dapat na ispiritu ng temple bilang bahay ng panalangin ng Diyos. Nagalit Siya sa mga Fariseo dahil sa pagsira nila sa utos ng Diyos at pagpapahirap sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang mga tradisyon. Nagalit Siya sa mga apostol dahil sa pagmamataas nila sa isa’t isa.

Ngunit may gawin sa Kanyang masama, hindi Siya nagalit. Hindi Siya nagalit sa mga tao nang Siya’y palayasin mula sa kanilang lugar. Hindi Siya nagalit nang hindi sila tanggapin ng mga Samaritano sa kanilang nayon. Hindi Siya nagalit nung Siya’y ipagkanulo ni Judas at ikinaila ni Pedro at tinakbuhan ng mga disipulo. Hindi Siya nagalit sa mga Fariseo nang magkaisa silang ipako Siya sa krus, ganundin sa mga sundalong nagsagawa nito. Hindi Siya nagalit dahil sa ginawa sa Kanya; nagalit Siya dahil sa ginawa sa Diyos at sa ibang mga tao.

Kapag nagalit na siguro tayo sa ating anak, na hindi dahil sa pagsuway at kawalang-paggalang nila sa atin, ngunit higit pa doon, ay dahil sa pagsuway niya at paglapastangan sa utos ng Diyos, yun ang tamang galit. Kung nagalit tayo sa kapatid dahil sa paninira nito sa iba at hindi sa atin, yun ang tamang galit. Ang tamang galit ay nangyayari kapag iniisip natin, hindi ang ating mga sarili, kung ang iba at ang Diyos.

I pray na maging ganun din ako. Tulad ni Jesus.

Lobo sa Damit ng Tupa?

Ang Tunay na Mukha ng Tsismis

by Mark D. Roberts

Napansin mo ba kahit isang beses kung paanong may mga kasalanan na madaling makatawag-pansin ng lahat samantalang ang ibang kasalanan naman ay hindi pinapansin? Kadalasan, tinututok natin ang spotlight ng panghuhusga sa maliliit na kasalanan ng iba—habang ang atin namang mga kasalanang kasinlaki ng troso ay pinapalabo ang ating mga paninging moral.

Tsismis ang isa sa mga kasalanan na napakadaling lumipad palayo sa ating radar. Kaya nating magkwento sa ating kaibigan ng malalaki at masasamang kasalanan ng iba na hindi man lang naiisip na, sa paggawa nito, tayo mismo ay gumagawa din ng sarili nating malaki at masamang kasalanan. Madali nating napapaliit ang ating pagsuway, kadalasan sa pamamagitan ng pakunwaring pag-aalala para sa ibang iyon. Sa tingin naman kasi natin, higit sa lahat, ay mahalaga ang maging tapat. Pero, ang pagtsitsismis ay maaaring kainin ang ating mga puso at maging ang buhay ng ibang tao.

Sa madaling salita: Ang tsismis ay pag-uusap tungkol sa ibang tao sa likod nila. Karaniwan nitong laman ay mga negatibo at pribadong detalye na nilalagay ang isang indibidwal sa masamang posisyon. Bagaman maaari na hindi naman ganoon kaskandaloso ang nilalaman ng diskusyon, ang ating mga walang ingat na mga pananalita ay maaari pa ring makasakit.

Ano Ba’ng Masama Sa Tsismis?

Tinatawag lang naman ng Biblia ang walang-kwentang usapang ito na kasalanan, tuldok. Kung ikaw ay napapaisip na ang tsismis ay isa lamang maliit na pagkakamali, pansinin mo na lang kung paano ito ilarawan ng Romans 1:29-30: ito ay “hindi matuwid,” kasama sa kategorya ng “kasakiman, masamang hangarin, inggit, pagpatay, paglalaban-laban, panlilinlang, hangaring manakit,” paninirang-puri, at kayabangan. Anumang may kaugnayan sa pagpatay at masamang hangarin ay mas malamang na may mapanirang kapangyarihan!

Matinding makasira ng mga relasyon ang tsismis: ito ay “… nakapaghihiwalay ng pinakamatalik na magkaibigan” (Kawikaan 16:28), nagbubunga ng paghihiwalay, galit, at kapaitan. Magpakita ka sa akin ng isang church na puno ng tsismisan, at magpapakita ako sa iyo ng tahanang hati, napaghiwalay ng sakit at kawalan ng tiwala. Ngunit gaya ng sinasabi ng isang kawikaan, “Kung saan walang kahoy, doon ay nawawala ang apoy: kaya kung saan walang tagatsismis, doon nawawala ang sigalutan” (26:20).

Mukhang Okay, Pero Pasama Pala

Ang pakikipag-usap tungkol sa iba ay maaaring makalikha ng bulaang pakiramdam ng pagiging matuwid ng sarili. Kung nakakalaklak ka ng nakakalasong alak ng tsismis, alam mo na sa likod ng panlabas na pag-aalala, sa totoo lang ito ay “tungkol lahat sa akin.” Sa katotohanan, kadalasan nating ibino-broadcast ang mga sikreto o pagkakamali ng iba, para sa atin ding kapakinabangan, bagaman manumpa tayo na para din sa kaniya. Hindi lang natin pinapayabang ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita na “alam ko iyan,” ngunit atin ding ipinapahiwatig na mas matino tayo kaysa sa ibang tao.

Ang tsismis ay nakakatukso: kapag tayo’y nangtsi-tsismis, pakiramdam natin tayo ay mga taong mas mataas ang moralidad. Mas matindi, kung nagawa mo ito sa prayer meeting (sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang “alalahanin” tungkol sa isang indibidwal), nakakaramdam ka ng kakuntentuhan na para kang isang ispiritwal na higante. Ngunit ang panandaliang “kasiyahan” na iyon ay hindi mo maikukumpara sa maaari nitong maging bunga—sa church o sa iyo mismong sarili.

Ang Tupa ay Lumalaban

Sa pamamagitan ng pagtsi-tsismis, mukhaan nating ipinakikita na tayo ay mga makasalanang na nalinlang ng sarili na kulang sa paglago upang pagkatiwalaan ng pribadong impormasyon. Ouch. Ating tahasang sinusuway ang Salita ng Diyos at sinisira ang Kanyang katawan.

Ngunit may pag-asa pa! Hindi natin kailangan na mahuli sa mga ngipin ng tuksong ito.

  1. Kilalanin ang tsismis sa kung ano ito. Kung tinatawag ito ng Biblia na kasalanan, dapat lamang na ituring din natin itong kasalanan. Kapag nagsasalita tayo ng laban sa kapwa, ito ay halos palaging mali. (Mayroong mga pagbubukod kapag ang pagsasalita ay tama, tulad ng pag-uulat ng isang krimen o pagsasabi sa mga magulang tungkol sa mapanganib na pag-uugali ng kanilang anak.) Kung natutukso ka nang magtsismis, huwag mo nang isipin pa—hayaan ang Banal na Ispiritu ang magdala ng conviction sa iyo at dalhin ka sa pagsisisi.
  2. Unawain ang lawak ng pwedeng sirain ng tsismis. Binalaan ni Santiago ang iglesiya, “Ang dila … ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. … Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung tayo nabubuhay.” (3:5-6) Ang isang bagay na mukhang hindi naman nakakasakit sa simula ay sa totoo lang ay isang nakamamatay na virus na nagbabanta sa kalusugan ng iglesya. Kung tayo’y nagmamalasakit sa pagkakaisa ng iglesya tulad ng Panginoon (Juan 17:20-21), tayo’y mag-iisip muna bago magsalita.
  3. Gamitin ang kapangyarihan ng iyong mga salita upang makapagpalakas at makapagpatibay ng iba. Sinasabi ng Santiago 3:2-4 na, tulad ng timon ng barko, ang maliit na dilang ito ang magdidikta ng ating kahihinatnan—buhay o kamatayan. Kapag nakita natin na ang ating mga salita ay mayroong kapangyarihan upang gumawa ng mabuti at masama, titigil na tayong maliitin ang sakit na maidudulot ng tsismis at sisimulan mo nang gamitin ang mga ito upang palakasin ang iba, kahit na hindi tainga sa tainga.
  4. Kung ikaw ang tsini-tsismisan, sadyain na purihin ang pinagkakatsismisan, upang mapalitan ang masasakit na salita nang totoong pagpapatibay. Kapag sinagot ang isang malisyosong balita ng isang salita ng totoong pagpapalakas-loob ay maaaring ihayag ang kasalanan ng tsismis; sa proseso, pwede nitong itigil ang taong nangts-tsismis at ito ay magsisisi at makipag-ayos. Ipinapaalala ng 1 Pedro 4:8 sa atin, “Ang pag-ibig ay tumatakip sa maraming kasalanan.”

Kapag ating tinalikuran ang tsismis—na isang pagsisikap sa pagpapatibay ng sarili—makikita natin na tanging ang Diyos lamang ang magpupuno ng ating pangangailangan para sa ating halaga at tiwala. Madidiskubre din natin ang ligaya ng paggamit ng mga salita upang magbigay-buhay at pagkakaisa sa iglesiya.

God Has Put Us Together

by Pastor Felizardo Abanto

One pastor told the members in his church, “I don’t need you, you don’t need me, but we can work together to serve the Lord.” My philosophy is different from his. What I am saying to our church members and all those who assist us in this work is this: “I need you, you need me. So let’s work together to serve the Lord.” Apostle Paul told the Corinthian believers, “But now hath God set the member every one of them in the body, as it hath pleased Him…. And the eye cannot say unto the hand, I have no need of thee: nor again the head to the feet, I have no need of you” (I Corinthians 12:18, 21). I am the pastor of Capitol Bible Baptist Church because God put me here in His pleasure. Each one of our members, all of us, are here not by chance but by the appointment of our Almighty God. I need you to help me fulfill the Great Commission. You need me to pastor you, “to feed you with knowledge and understanding” (Jeremiah 3:15). To teach you the Apostles’ doctrine, how to obey and serve the living and true God and to protect you from false doctrine and false teachers. Moreover Apostle Paul said in I Corinthians 3:8-9, “Now he that planteth and he that watereth are one: and every man shall receive his own reward according to his own labor. For we are labourers together with God…” Got put us together to work in His vineyard. Let us put our minds and hearts and hands together to fulfill God’s mission for us in this generation.

Lobo sa Damit ng Tupa? Ang Tunay na Mukha ng Tsismis

wolf sheep

by Mark D. Roberts

Napansin mo ba kahit isang beses kung paanong may mga kasalanan na madaling makatawag-pansin ng lahat samantalang ang ibang kasalanan naman ay hindi pinapansin? Kadalasan, tinututok natin ang spotlight ng panghuhusga sa maliliit na kasalanan ng iba—habang ang atin namang mga kasalanang kasinlaki ng troso ay pinapalabo ang ating mga paninging moral.

Tsismis ang isa sa mga kasalanan na napakadaling lumipad palayo sa ating radar. Kaya nating magkwento sa ating kaibigan ng malalaki at masasamang kasalanan ng iba na hindi man lang naiisip na, sa paggawa nito, tayo mismo ay gumagawa din ng sarili nating malaki at masamang kasalanan. Madali nating napapaliit ang ating pagsuway, kadalasan sa pamamagitan ng pakunwaring pag-aalala para sa ibang iyon. Sa tingin naman kasi natin, higit sa lahat, ay mahalaga ang maging tapat. Pero, ang pagtsitsismis ay maaaring kainin ang ating mga puso at maging ang buhay ng ibang tao.

Sa madaling salita: Ang tsismis ay pag-uusap tungkol sa ibang tao sa likod nila. Karaniwang nitong laman ay mga negatibo at pribadong detalye that nilalagay ang isang indibidwal sa masamang posisyon. Bagaman maaari na hindi naman ganoon kaskandaloso ang nilalaman ng diskusyon, ang ating mga walang ingat na mga pananalita ay maaari pa ring makasakit.

Ano Ba’ng Masama Sa Tsismis?

Tinatawag lang naman ng Biblia ang walang-kwentang usapang ito na kasalanan, tuldok. Kung ikaw ay napapaisip na ang tsismis ay isa lamang maliit na pagkakamali, pansinin mo na lang kung paano ito ilarawan ng Romans 1:29-30: ito ay “hindi matuwid,” kasama sa kategorya ng “kasakiman, masamang hangarin, inggit, pagpatay, paglalaban-laban, panlilinlang, hangaring manakit,” paninirang-puri, at kayabangan. Anumang may kaugnayan sa pagpatay at masamang hangarin ay mas malamang na may mapanirang kapangyarihan!

Matinding makasira ng mga relasyon ang tsismis: ito ay “… nakapaghihiwalay ng pinakamatalik na magkaibigan” (Kawikaan 16:28), nagbubunga ng paghihiwalay, galit, at kapaitan. Magpakita ka sa akin ng isang church na puno ng tsismisan, at magpapakita ako sa iyo ng tahanang hati, napaghiwalay ng sakit at kawalan ng tiwala. Ngunit gaya ng sinasabi ng isang kawikaan, “Kung saan walang kahoy, doon ay nawawala ang apoy: kaya kung saan walang tagatsismis, doon nawawala ang sigalutan” (26:20).

Mukhang Okay, Pero Pasama Pala

Ang pakikipag-usap tungkol sa iba ay maaaring makalikha ng bulaang pakiramdam ng pagiging matuwid ng sarili. Kung nakakalaklak ka ng nakakalasong alak ng tsismis, alam mo na sa likod ng panlabas na pag-aalala, sa totoo lang ito ay “tungkol lahat sa akin.” Sa katotohanan, kadalasan nating ibino-broadcast ang mga sikreto o pagkakamali ng iba, para sa atin ding kapakinabangan, bagaman manumpa tayo na para din sa kaniya. Hindi lang natin pinapayabang ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita na “alam ko iyan,” ngunit atin ding ipnapahiwatig na mas matino kaysa sa ibang tao.

Ang tsismis ay nakakatukso: kapag tayo’y nangtsi-tsismis, pakiramdam natin tayo ay mga taong mas mataas ang moralidad. Mas matindi, kung nagawa mo ito sa prayer meeting (sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang “alalahanin” tungkol sa isang indibidwal), nakakaramdam ka ng kakuntentuhan na para kang isang ispiritwal na higante. Ngunit ang panandaliang “kasiyahan” na iyon ay hindi mo maikukumpara sa maaari nitong maging bunga—sa church o sa iyo mismong sarili.

Ang Tupa ay Lumalaban

Sa pamamagitan ng pagtsi-tsismis, mukhaan nating ipanakikita na tayo ay mga makasalanang ni nalinlang ng sarili na kulang sa paglago upang pagkatiwalaan ng pribadong impormasyon. Ouch. Ating tahasang sinusuway ang Salita ng Diyos at sinisira ang Kanyang katawan.

Ngunit may pag-asa pa! hindi natin kailangan na mahuli sa mga ngipin ng tuksong ito.

  1. Kilalanin ang tsismis sa kung ano ito. Kung tinatawag ito ng Biblia na kasalanan, dapat lamang na ituring din natin itong kasalanan. Kapag nagsasalita tayo ng laban sa kapwa, ito ay halos palaging mali. (Mayroong mga pagbubukod kapag ang pagsasalita ay tama, tulad ng pag-uulat ng isang krimen o pagsasabi sa mga magulang tungkol sa mapanganib na pag-uugali ng kanilang anak.) Kung natutukso ka nang magtsismis, huwag mo nang isipin pa—hayaan ang Banal na Ispiritu ang magdala ng conviction sa iyo at dalhin ka sa pagsisisi.
  2. Unawain ang lawak ng pwedeng sirain ng tsismis. Binalaan ni Santiago ang iglesiya, “Ang dila … ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. … Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung tayo nabubuhay.” (3:5-6) Ang isang bagay na mukhang hindi naman nakakasakit sa simula ay sa totoo lang ay isang nakamamatay na virus na nagbabanta sa kalusugan ng church. Kung tayp’y nagmamalasakit sa pagkakaisa ng church tulad ng Panginoon (Juan 17:20-21), tayo’y mag-iisip muna bago magsalita.
  3. Gamitin ang kapangyarihan ng iyong mga salita upang makapagpalakas at makapagpatibay ng iba. Sinasabi ng Santiago 3:2-4 na, tulad ng timon ng barko, ang maliit na dilang ito ang magdidikta ng ating kahihinatnan—buhay o kamatayan. Kapag nakita natin na ang ating mga salita ay mayroong kapangyarihan upang gumawa ng mabuti at masama, titigil na tayong maliitin ang sakit na maidudulot ng tsismis at sisimulan mo nang gamitin ang mga ito upang palakasin ang iba, kahit na hindi tainga sa tainga.
  4. Kung ikaw ang tsini-tsismisan,sadyain na purihin ang pinagkakatsismisan, upang mapalitan ang masasakit na salita nang totoong pagpapatibay. Kapag sinagot ang isang malisyosong balita ng isang salita ng totoong pagpapalakas-loob ay maaaring ihayag ang kasalanan ng tsismis; sa proseso, pwede nitong itigil ang taong nangts-tsismis at ito ay magsisisi at makipag-ayos. Ipinapaalala ng 1 Pedro 4:8 sa atin, “Ang pag-ibig ay tumatakip sa maraming kasalanan.”

Kapag ating tinalikuran ang tsismis—na isang pagsisikap sa pagpapatibay ng sarili—makikita natin na tanging ang Diyos lamang ang magpupuno ng ating pangangailangan para sa ating halaga at tiwala. Madidiskubre din natin ang ligaya ng paggamit ng mga salita upang magbigay-buhay at pagkakaisa sa iglesiya.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa article na “The Wolf in the Sheep Suit,” In Touch® Magazine, March 2006.

Year-End Thoughts: Disappointments

1877_346839546_man_20crying_1__h120751_l

I can say truthfully that I was never disappointed with God. Knowing the Scriptures, I can make sense most of the time what he is doing with my life and others. When there are times that I can’t make sense of things, I simply trust Him that He is in control of everything.

But with men, I can say truthfully that they are prone to disappoint. Especially this year.

The ones I brought to the Lord. By this, I mean those whom I’ve shared the gospel with, or at least brought to church, and through that have accepted Christ as Savior. The moment they did that, my joy was indescribable. Years later, for them I feel terrible sadness. The children I won before who are now in their teenage years, are spending their lives not serving God but serving themselves. They are always reminded at church, but the reminders seem to fall on deaf ears.

The other one left the church for a job he got at a five-star hotel. He has actually just returned from backsliding but because of this job opportunity, he chose to miss church. I couldn’t help myself but weep for him. The ones he brought to the Lord, with him not at their side and guidance, said malicious words against the pastor, and left the church. They have said offensive things to us, and though I was angered at what they said and done, ultimately I was filled with sorrow for them. As a church which follows God’s words, we have sent them letters of notice of their inactivity and was hoping they would return before the end of the year, but they did not. Because of that, by the entrance of 2015, they will be non-members, and I know that it will be a terrible loss for them.

I was saddened by how they should have known God enough, but didn’t. Had they known Him better, they will not be doing things they are doing now. I am disappointed with them.

The people I know to be Christians. Just this month, I learned of Christians and pastors who’ve done terrible misdeeds. I would not elaborate here, but two of them decided to cheat another Christian about some property. Until now, I am wagging my head at what they have done. When they were confronted, they were the ones who had the guts to say malicious things, adding to their sin. Another blurted offensive words at another Christian, interfering with something she should not meddle with. I expected them to be mature and I expected them to do the right thing and say the right thing, but they didn’t. I am disappointed with them.

I know as a Christian I should not be expecting something from people, and Jesus did just that (John 2:24, 25). But I did in these instances. I learned that disappointments will really happen when you expect from people.

In 2015 I know I could still experience disappointments, nevertheless, I will strive to “not commit myself to them,” as Jesus did.