Loving God: Faith and Obedience (Part 2)

by Charles Colson

Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli, tinawag ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na salubungin Siya sa Bundok ng Mga Olibo (Mount of Olives). Isipin mo na lamang ang kanilang pagkasabik, dahil noong oras na iyon ay naniniwala silang ititindig na ng kanilang Amo ang Kanyang kaharian sa lupa at tutuparin na ang dakilang pangako kung saan kumapit ang mga Judio sa daan-daang taon ng pasakit at pananakop. Magiging hari si Kristo, hindi lamang ng Israel kundi ng buong mundo. At sila ay magiging nasa tabi Niya, na hinahatulan ang mga bansa, nagpapataw ng mga parusa, nagpaparangal ng mga matutuwid. Ang labing-isang lalaking ito, na karamihan ay mga mangingisdang walang-pinag-aralan, ay isinugal ang kanilang mga buhay kay Jesus; naiwala ang lahat sa Pagpapako sa Krus ni Jesus; nakita ang kanilang pag-asa na bumalik noong Pagkabuhay-na-Muli; at sa araw na ito ay makikita ang Jesus na kanilang pinagtiwalaan na naghahari sa lupa. O paanong ang tibok ng kanilang mga puso ay bumilis sa pag-aabang nila habang nagmamadali sa mga daan ng Jerusalem at pataas sa bundok.

At ang halos-walang-hinga nang kagandahan ng sandali sa nasa kanila; ang kanilang minamahal na si Jesus ay naghihintay sa kanila, nakatingin nang malalim sa bawat mata nila. Mismong ang Kanyang presensya ay nakapagdulot ng ganoong paghanga na isa-isa sila ay nagpaluhod sila. Ito na ang Koronasyon.

Sa wakas ang isa sa kanila ay bumulalas ng isang tanong na gusto nilang lahat itanong: “Panginoon, ikaw ba sa oras na ito ay gagawing ibalik ang kaharian sa Israel?” (Mga Gawa 1:6).

Matalim si Jesus, nangangastigo sa Kanyang tugon. “Hindi para sa inyo na malaman ang mga panahon at mga petsa, na inilagay ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan.” Inutusan na Niya sila na maghintay sa Jerusalem; ngayon ay sinabi naman Niya na may isang kapangyarihan na darating sa kanila doon. “At kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, at sa lahat ng Judea, at sa Samaria, hanggang sa kadulu-dulahang bahagi ng mundo” (Acts 1:7-8).

Pagkatapos noon ay parang bigla huminga ang kalawakan, na naglalagay ng malaking espasyo sa pagitan Niya at nila. Bago pa sila makapagprotesta, wala na Siya, at umakyat sa isang ulap.

Mahirap kahit na isipin ang mga matitinding emosyon na maaari nilang naranasan sa sandaling iyon. Banal na paghanga? Nakakagilalas na takot? At anong inisyal na pagkadismaya! Naiwan na silang nag-iisa, mga tinalikuran sa kanilang sariling lupain. Kaunti lamang ang kanilang mga pinagkukuhanan ng yaman. At higit sa lahat ng mga ito, inutusan pa sila na bumalik at maghintay—ang pinakamahirap sa lahat para sa mga malalakas na lalaki na gawin.

Nalalaman kung gaano sila katao at kung saan nanggaling ang bawat isa, maaari nating isipin ang mga pagpipilian na maaaring pinag-isipan nila; si Philip, ang isang mahinang ito, ay nais na magtago sa mga burol; si James at John ay gusto na agad na ipakalat ang salita; si Simon Zelotes ay gusto na bumuo na lamang ng isang gerilya; ang iba ay nakikita ang kanilang pag-asa sa mga kilusan tulad ng pag-agaw ng kontrol ng gobyerno—ang mga kaparehong opsyon na kinai-interesan ng napakaraming mga mananampalataya ngayon.

Ngunit inutusan sila ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Maghintay para sa ano? Laban man ito kung iisipin sa kanilang bawat pakiramdam, ang “maghintay” ang eksakto nilang ginawa. Sila ay sumunod at, mahirap man na intindihin, ay ginawa ito nang may “dakilang kagalakan.”

Sa loob ng sampung araw sila ay naghintay—120 sila lahat-lahat, nagsasama-sama sila, nang may isang pag-iisip at nagpapatuloy sa panalangin. Sila ay naghintay. At pagkatapos ito ay dumating.

Nang may pwersang tulad sa isang libong ipo-ipo ang kapangyarihang ipinangako ay nahimlay sa kanila at ang Banal na Ispiritu ay pinalakas ang mga ordinaryong lalaking ito na gawin ang Gawain ng Dios. Bawat isa sa kanila ay naging higante ng pananampalataya. Bilang resulta, sa loob ng isang dantaon kalahati ng kilalang-mundo noon ay kumilala kay Kristo.

Ang desisyon ng mga alagad na sumunod kay Jesus pagkatapos ng Pag-akyat sa langit ay nagpatunay ng isang punto ng pagbabago sa kasaysayan. Hindi na ulit tulad ng dati ang mundo.

Ang realisasyon ng mga alagad na si Kristo ay kung ano ang sinasabi Niyang Siya ang tumulak sa kanila sa pagsunod. Iyan ang mala-kasaysayang realidad ng Kristiyanismo.

Nauunawaan na ito’y napakahalaga, dahil ito ang nag-iiba ng Kristiyanismo mula sa lahat ng ibang mga relihiyon. Ang Kristianong pananampalataya ay nakahimlay hindi lamang sa mga dakilang katuruan o pilosopiya, hindi sa karisma ng isang pinuno, hindi sa tagumpay sa pagtataas ng mga moral na pagpapahalaga, hindi sa kakayahan o kahusayang-magsalita o mabubuting gawa ng mga kakampi nito. Kung magkaganon, ito ay wala nang higit na pagtawag sa awtoridad kaysa sa mga kasabihan ni Confucius o ni Mao o Buddha o Mohammed o sinuman sa libu-libong mga kulto. Ang Kristiyanismo ay nahihimlay sa katotohanang pangkasaysayan. Si Jesus ay nabuhay, namatay, at nabuhay mula sa mga patay upang maging Panginoon ng lahat—hindi lamang sa teorya o pabula, kundi sa katotohanan.

Nauunawaan iyon, ang Kristiyanismo ay dapat na maglabas mula sa mananampalataya ng kaparehong tugon na nakuha nito mula sa mga unang alagad: isang masidhing kagustuhan na sundin at lugurin ang Dios—isang ginustong pasukin na disiplina. Iyan ang simula ng totoong pagiging disipulo. Iyan ang simula ng pagmamahal sa Dios.

 

Para sa alagad ito ay malinaw na malinaw; malinaw silang inutusan ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Ngunit paano natin malalaman ang dapat nating gawin? Ang ganyang kalinaw na mga utos ay hindi kadalasang dumarating sa ating kaligtasan; walang boses mula sa langit na nagbibigay sa atin ng mga utos. Kaya saan tayo pupunta para mahanap ito?

May isang mambabatas, isang Fariseo na nagnanais na ilagay si Jesus sa isang patibong, na nagbigay ng kapareho ding tanong sa Kanya ilang dantaon nang nakakaraan. “Guro,” sinabi nito, “ano ang pinakadakilang kautusan sa Batas?” (Mateo 22:36). Ang tugon ni Kristo ay naitatak sa mga alaala ng mga mananampalataya mula noon: “Ibigin ang Panginoon mong Dios na buo mong puso at buo mong kaluluwa at buong mong pag-iisip. Ito ang una at pinakadakilang kautusan.”

“Ngunit paano ba natin mamahalin ang Panginoon?” maitanong natin. Sinagot ito ni Jesus sa isang diskusyon kasama ang mga alagad: “Kung mahal ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga kautusan” (John 14:15). O, tulad sa isinulat ng apostol Juan paglaon, “Ito ang pag-ibig ng Dios, na tuparin natin ang Kanyang mga kautusan” (1 John 5:3).

At iyon ang nagdadala sa atin sa isang lugar: ang Banal na Biblia. Upang masunod ang Kanyang mga kautusan, dapat nating malaman ang Kanyang mga kautusan. Nangangahulugan iyon na dapat natin malaman at sundin ang mga Kasulatan, ang susi sa pagmamahal sa Dios at ang simulang punto para sa pinakasabik-sabik na paglalakbay ng buhay.

Ngunit mabalaan kayo: Kung hindi ka pa handa na maalis ang iyong mga kaaliwan sa buhay, mas mabuti pa na tumigil ka nang magbasa ngayon.

Ilang taong nakalilipas may isang artikulo sa magazine tungkol sa aking ministeryo sa kulungan na nagtapos sa “ang kulungan ang nagbago ng buhay ni Chuck Colson.” Nauunawaan ko naman na maaaring maisip iyon ng taga-ulat, ngunit ito ay hindi sa gayon. Maaari naman akong lumaya sa kulungan at kalimutan na lamang ito; sa totoo nga lang iyon ang gusto ko. Ngunit kahit na ang bawat makataong pakiramdam ay nagsasabi, “Alisin mo na ito sa iyong isip magpakailanman,” patuloy na inihahayag ng Biblia sa akin ang pagkasidhi ng Dios para sa mga nasasaktan at nagpapasakit at nahihirapan; ang Kanyang mapilit na Salita ay sinasabi sa akin na maawa din ako tulad Niya.

Ang “nagbago” sa akin ay hindi ang kulungan, ngunit ang pagsasapuso ng mga katotohanang inihayag sa Kasulatan. Sapagka’t ang Biblia ang siyang kumompronta sa akin nang may bagong kaalaman ng aking kasalanan at pangangailangan para sa pagsisisi; Biblia ang nagdulot sa akin na magutom para sa katuwiran at hanapin ang kabanalan; at ang Biblia ang tumawag sa akin sa pakikisama sa mga nagdadalamhati. Ang Biblia ang patuloy na humahamon sa aking buhay ngayon.

Iyon ay isang matinding bagay. Ito ay nakaka-convict. Ito ang kapangyarihan ng Salita ng Dios at ito ay, sa sarili lamang nito, ay nakakapagbago ng buhay.

Handa ka na bang magpabago nang totoo sa Salita ng Dios at sumunod sa Kanya bilang patunay ng iyong pag-ibig sa Dios?

 

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 36-40. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

Advertisements

Loving God: Faith and Obedience

by Charles Colson

Bilang paghahanda, bago isinulat ni Charles Colson ang kabanatang ito ay ikinwento muna niya ang kasaysayan ng buhay ni Boris Kornfeld, isang Judiong doktor noong namamayagpag pa ang Soviet Union, isang Komunistang grupo na kinapapalooban ng Russia, at ang malupit nitong diktador na si Stalin. Doon ay naging preso siya, ngunit bilang isang doktor ng mga sundalo sa prison camp. Nakita niya ang kalupitan ng sundalo roon, at ng Komunismo sa kabuuan, at hindi nagtagal sa puso niya ay tinalikuran niya ang mga ito, at nanampalataya kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas. Mula noon ay sumusuway na siya sa mga malupit na utos ng mga sundalo doon, tulad ng pagpatay sa mga pasyente niyang hindi nagugustuhan ng mga sundalo. Ang naging sukdulan pa ay ang pagbabahagi niya ng Salita ng Dios sa isang pasyente. May nakarinig sa kanya, at sinumbong sa isang sundalo. Kaya noong kinagabihan, sa pagtulog niya, ay pinukpok ang kanyang ulo ng maso nang walong beses na agad niyang ikinamatay. Ang pasyenteng binahaginan niya ng Salita ng Dios ay naligtas din, na nakalaya sa Komunismo roon, at ipinamahagi sa buong mundo ang kanyang ginawa. Iyon si Alexander Solzhenitsyn.

 

Si Boris Kornfeld ay isang dakilang isinataong kabalighuan (paradox). Isang Judio na tinalikuran ang pananampalataya ng kanyang mga ninuno. Isang doktor na nasayang nang walang katuturan ang mga taon na ginugol sa pagsasanay. Isang politikal na ideyalista kung saan ang pangitaing maganda ay nauwi sa isang tigang na kulungan ng Siberia. Isang preso na ibinigay ang buhay para lamang sa isang ninakaw na piraso ng tinapay. Sa bawat isa sa mga aspetong iyon, si Boris Kornfeld ay isang bigo—iyon ay sa sistema ng pagpapahalaga ng sanlibutan. Ngunit kinuha ng Dios ang kabiguang iyon ng isang tao upang madala kay Kristo ang isang tao na magpapatuloy bilang isang mala-propetang boses at isa sa mga pinakama-impluwensyang manunulat sa buong mundo.

Sapagka’t ang mga salita ni Kornfeld ay ginawa ang mapangkumbinse at mapang-convict na gawain nito, hinihipo ang tinawag paglaon ni Solzhenitsyn na “isang sensitibong pisi.” Iyon ang kanyang sandali ng ispiritwal na pagkabuhay; “Dios ng kalawakan, naniniwala akong muli sa Inyo! Kahit na itanggi Kita, nariyan Ka pa rin,” kanyang isinigaw. Isa yung ispiritwal na pagsasalin—ang buhay na kinuha mula sa isang tao at inilipat sa isa para sa isang layunin ng Dios.

At sa kanyang kaligtasan ay nakita ni Solzhenitsyn ang kabalighuan ng kaharian ng Dios. Sapagka’t sa kahungkagan ng Russian gulag na iyon ay kanyang naramdaman ang isang bagay na hindi makita ng milyung-milyong naghahanap ng kaligayahan sa kayamanan ng buhay-Kanluran. Isinulat niya paglaon, “ang katuturan ng pamumuhay sa lupa ay nakasalalay, hindi sa isang kaisipan na kinalakihan natin, ang pagyaman, kundi sa paglago ng kaluluwa.”

Ang maikling buhay-Kristiano ni Kornfeld ay naisabuhay sa isang limitadong sitwasyon at paligid, halos nasa isolation pa nga, o pagkakahiwalay sa karamihan. Sa maraming paraan ay maaari nating isipin na ang kanyang desisyon na huwag pirmahan ang mga medical forms [o “death certificate” kung baga para sa mga preso], kanyang pag-uulat ng pagiging korap ng isang bantay [sa pagnanakaw nito ng tinapay na para sa mga pasyenteng preso], kahit na ang kaunting oras ng pagpapatotoo sa isang halos-mamatay na na pasyente ay walang kabuluhan, at magdadala lamang sa kanya ng wala kundi ng kung ano ang nangyari sa kanya sa katapusan—ang brutal na kamatayan sa mga kamay ng mga dumakip sa kanya. Ngunit ang pananampalataya ni Kornfeld ay malakas, tiyak, at sinsero. At kahit papaano ang kapwa niya Kristiano at ang Banal na Ispiritu ay nagbahagi ng isang katotohanan sa kanya: ang hinihingi sa kanya ng Dios ay pagsunod, anuman ang mangyari. Pagsunod nang may iisang pag-iisip sa pananampalataya.

At iyon ang aral ng Rusong doktor na ito: ang nais ng Dios mula sa Kanyang bayan ay pagsunod, kahit na ano ang sitwasyon, kahit na hindi alam kung ano ang kalalabasan nito.

Lagi na namang ganito. Ang Dios na tinatawag ang Kanyang bayan sa pagsunod ay nagpapakita lamang ng pahapyaw ng kung ano ang mangyayari sa kanilang mga pagpupunyagi.

Karamihan sa mga dakilang katauhan sa Lumang Tipan ay namatay nang hindi nakikita ang katuparan ng mga pangako na kanilang pinanghawakan sa buong buhay nila. Ginugol ni Pablo ang buong buhay niya sa pagtatatag ng unang iglesia, ngunit habang papalapit na ang kanyang kamatayan ang lahat ng kanyang nakita ay isang linya ng maliliit na kongregasyon sa Mediterranean, at marami pa sa mga ito ay pinahina ng makalamang kalayawan o pagkakahati dahil sa maling doktrina.

Nitong mga mas kabaguhan na mga panahon, ang dakilang kolonyal na pastor na si Cotton Mather ay nanalangin para sa revival nang ilang oras kada araw sa loob ng dalawampung taon; ang Great Awakening (“Dakilang Paggising”) [sa Amerika] ay nagsimula sa taon ng kanyang kamatayan. Sa huli ay tinanggal na rin ng Imperyo ng Britanya ang pang-aalipin habang ang Kristianong taga-parliamento at pinuno ng kilusan laban sa pang-aalipin, si William Wilberforce, ay nakahimlay sa kanyang kamatayan, pagod matapos ang halos limampung-taon niyang kampanya laban sa kasanayan ng pang-aalipin ng tao. Napakakaunti ng mga nadala sa Panginoon sa buong buhay ng pagmi-misyon ni Hudson Taylor sa silanganan: ngunit ngayon ay milyung-milyon na ng mga Tsino ang yumakap sa pananampalataya na buong pagpapasensya niyang tinanim at inalagaan.

Mayroong mga maaaring mag-isip na ang ganitong klase ng dibinong modelo ay malupit, ngunit ako’y kumbinsido na mayroong dakilang karunungan dito. Nalalaman kung gaano tayo kadaling tawagin ng sirena ng tagumpay, hindi tayo hinahayaan ng Dios na makita ito, at samakatwid ay luwalhatiin ang sarili, sa kung anong ginawa sa pamamagitan lamang natin.

Ang isang iskriptyural na analohiya ng hindi nagtatanong na pagsunod na inaasahan ng Dios ay makikita sa pagpapagaling ni Jesus sa alipin ng isang centurion. Sinabi nina Mateo at Lukas kung paano lumapit ang centurion kay Kristo para sa paralisadong alipin niya; nang alukin siya ni Jesus na puntahan ang alipin, mabilis na tumugon ang centurion na kailangan lamang magbigay ni Jesus ng kautusan at ang alipin niya ay gagaling na. Naintindihan ng centurion ang mga tungkol sa bagay na ito dahil tuwing uutusan niya ang kanyang mga sundalo na humayo, humahayo ang mga ito; sa kaparehong paraan ay naintindihan niya ang awtoridad ni Jesus na tulad ng isang komander ng militar kung saan ang isang tao ay nagbibigay ng pagtalimang walang tanung-tanong. Dahil sa ligayang dulot na pagkakadiskubre ng ganoong klase ng pananampalataya, hindi lamang pinagaling ni Jesus ang alipin, kundi ginamit ang centurion bilang halimbawa ng pananampalataya sa Kanyang mga salita sa karamihan.

Ginagawang malinaw ng Biblia, at ang mga karanasang tulad ng kay Kornfeld ay kinukumpirma, na ang walang tanung-tanong na pagtanggap ng at pagsunod sa awtoridad ni Jesus ay ang haligi ng buhay-Kristiano. Ang iba pa ay nakasalalay na rito. Ibinibigay din nito ang susi sa pag-unawa na para sa marami ay isang malaking misteryo ng Kristiyanismo: ang pananampalataya.

Ang nagliligtas na pananampalataya—yung kung saan tayo ay napapaging-matuwid, ginawang matuwid sa Dios—ay isang kaloob ng Dios; at, oo, kasama rin dito ang isang rasyonal na proseso dahil ito ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Dios. “O sige,” maaaring sabihin ng isang nakikibakang Kristiano, “ngunit kung praktikal na sasabihin paano ba nagiging totoo ang aking pananampalataya? Paano ko ba makakamtan ang ganoong klase at tibay ng pananampalataya ng isang lumalagong Kristiano?”

Doon pumapasok ang pagsunod. Para sa lumalagong pananampalataya—yung pananampalataya na lumalalim at lumalaki habang isinasabuhay natin ang ating buhay-Kristiano—ay hindi lamang kaalaman, kundi kaalaman na may kasamang pagkilos. Hindi lamang iyon paniniwala, ngunit paniniwalang isinasabuhay—sinasanay. Sinabi ni Santiago na dapat tayong maging mga tagagawa ng Salita, hindi lamang mga tagapakinig. May isang Alemang pastor na na-martyr sa Nazi concentration camp na nagsabi, “Yun lamang na naniniwala ang sumusunod; yun lamang na sumusunod ang naniniwala.”

Mukha man itong paikot na proposisyon, ngunit marami namang bagay na ganito—sa katotohanan at sa kasanayan. Isipin mo na lang ang tungkol sa pagkatuto na lumangoy. Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin. Tapos naiilang tayong hahakbang sa tubig, lalangoy, at biglaan ay makakalimutan ang lahat ng sinabi sa atin. Humahampas tayo sa tubig, naghahabol ng hininga at lumulubog. Sa bandang huli, kadalasan sa punto na lubusan na tayong nawalan ng pag-asa, sa isang sandali ay nakukuha na natin ang pakiramdam nang nakalutang. At dahil naisip nating posible nga ito, naaalala natin ang mga instruksyon sa atin at sinisimulan na natin itong sundin. At gumagana nga ito. Tulad ng pag-aaral na balansihen ang bisikleta o pagpapakadalubhasa sa isang banyagang wika, ang pananampalataya ay kalagayan ng pag-iisip na lumalabas sa ating mga ginagawa, at namumuno sa ating mga aksyon.

Kaya ang pagsunod ang susi sa totoong pananampalataya—ang hindi mayayanig na uri na pananampalataya na makapangyarihang naipakita sa buhay ni Job. Nawala kay Job ang kanyang pag-aari, kanyang pamilya (bukod sa isang mapag-angal niyang asawa), kanyang kalusugan, kahit na ang kanyang pag-asa. Ang payo ng mga kaibigan ay hindi nakatulong. Saan man siya tumingin, wala siyang mahanap na mga sagot sa kanyang abang kalagayan. Natira siyang nakatayong mag-isa. Ngunit kahit parang inabandona na siya ng Dios, kumapit pa rin si Job sa katiyakan na ang Dios ay kung sino Siya. Tiniyak ni Job ang kanyang pagsunod sa pamamagitan ng mga lumang salitang iyon ng pananampalataya: “Though He slay me, yet will I trust in Him” (“Kahit na patayin Niya ako, gayunpaman ay magtitiwala ako sa Kanya”).

Ito ang totoong pananampalataya: paniniwala at pagkilos nang may pagsunod sa kabila ng mga sitwasyon o ebidensyang laban dito. Dahil, kung ang pananampalataya ay nakadepende sa nakikitang ebidensya, hindi iyon magiging pananampalataya. “We walk by faith, not by sight,” isinulat ni apostol Pablo.

Walang kabuluhan sa mga Kristiano ang walang-tigil na humanap ng mga bagong demonstrasyon ng kapangyarihan ng Dios, na umasa ng dakilang pagtugon sa bawat pangangailangan, mula sa paggamot sa mga simpleng sakit hanggang sa pag-hahanap ng mapaparkehan ng sasakyan; dahil dito, napupunta ang pananampalataya sa mga milagro imbes na sa Tagagawa nito.

Ang totoong pananampalataya ay nakadepende hindi sa mga misteryosong tanda, mga pagkilos ng mga bagay-bagay sa langit, o engrandeng dispensasyon mula sa isang Dios na nakikita bilang mayaman, at mapagkawanggang tiyuhin; ang totoong pananampalataya, sa pagkakaintindi ni Job, ay nakasalalay sa katiyakan na ang Dios ay kung sino Siya. Tunay ngang doon nga tayo ay nararapat na maging handa na itaya ang ating mga buhay.

May isang panahon kung saan may labing-isang lalaki ang ginawa ito mismo. Itinaya nila ang kanilang mga buhay sa pagsunod sa kanilang pinuno, kahit na ang paggawa nito ay laban sa lahat ng karunungang pantao. Ang akto na ito ng pagsunod ay nagbunga ng isang pananampalataya na nagpatapang sa kanila na tumindig laban sa sanlibutan at, sa kanilang buhay, ay binago ang mundo magpakailanman.

[Sila ang mga apostol ni Jesus.] (Itutuloy)

 

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 31-35. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

Church “Weight”

Ang Aral ng Mga Unang Iglesiya Para sa Iglesiya ng Kasalukuyan

Nakakaramdam ako ng hiya tuwing binabalikan ko ang kasaysayan ng Baptist churches at ng Kristiyanismo sa kabuuan. Ang mga nangyari sa kanila at ginawa nila na nakasulat sa Aklat ng Mga Gawa sa Biblia at sa mga tala ng kasaysayan tulad ng The Trail of Blood ni J.M. Carroll, sa aking palagay, ay nararapat na isulat sa kasaysayan, bagaman ang secular historians, ay ginagawa ang lahat upang magmukhang mga masasama ang mga Kristiano noon. Ngunit, ngayon ay iniisip ko, ang kasaysayan kaya ngayon ng mga Baptist churches ay karapat-dapat bang maisulat? You should answer that for yourself. Bukod sa mga kakaunting halimbawa ng paninindigan, ang mga modernong iglesiya ngayon, ay hindi karapat-dapat—baka pigilan ko pa nga ang sinumang magtatangka—na maisulat ang kasaysayan.

For one reason—ang mga iglesiya ngayon ay hindi na tulad ng dati, na binubuo ng mga indibidwal nitong miyembro. Alam ko ang mga indibidwal na Kristiano na gumagawa ng marka sa ating kasaysayan ngayon, ngunit, bilang iglesiya, ay kadalasan nang hindi makagawa ng “headlines”—kung makakagawa man, ay mga nakakahiyang headlines. At, ironic man kung tingnan, dahil din ito sa mga indibidwal na miyembro ng iglesiya. Sa mga iglesiya ngayon ay iilan lamang ang mga taong tatayo at maninindigan sa doktrina, susunod nang buong puso’t kaluluwa. Samantalang ang mga unang iglesiya ay hindi mo masasabing pastor lang ang gumagawa—lahat. Hindi lamang mga pastor ang inuusig—lahat. Bakit? Dahil lahat, hindi lamang ang pastor, ang naninindigan, sumusunod, tumatayo para sa Katotohanan at sa Diyos ng Katotohanang iyon. Mayroon sigurong mga indibidwal na talagang magiging prominente (tulad nina Pedro at Pablo), ngunit hindi dahil sila lang ang gumagawa ng dapat, kundi dahil gumawa pa sila nang higit sa dapat, at may partikular na utos sa kanila ang Diyos. Ang mga miyembro, bagaman hindi maisulat ang pangalan, ay ginagawa ang nararapat nilang gawin bilang iglesiya—nangangaral, nagtitiis ng pag-uusig, at nagdadala ng kaluluwa sa Panginoon. Sa ngayon kasi, kadalasan ang pastor lang ang gumagawa ng dapat, at ang mga miyembro ay hindi lahat ginagawa ang dapat. Kung hindi gayon eh di sana ay nagliliwanag na tayong mga bituin sa ating mga lugar. Wala, pagbalik natin sa ating tahanan ay parang hindi natin kilala ang kapit-bahay natin.

May gustong ituro sa atin ang mga unang iglesiya, at iyon ang gusto kong ibahagi sa inyo ngayon. Sa pamamagitan nito, makikita natin ang bigat ng pagiging isang miyembro ng iglesiya, o Church “Weight.”

Aral # 1: Ang Church Covenant nila ay nasa kanilang mga puso. Guess what, wala silang formal to-the-letter na kasunduan! Ang tanging mayroon sila ay ang Lumang Tipan—wala pang Bagong Tipan! And yet, paanong nagawa nilang manalangin nang matindi tulad ng nakasaad sa mga nababasa natin ngayon? (Acts 1:14) Paano nilang naisip na dapat silang laging nagtitipon? (Acts 2:1) Paano nilang nalaman na dapat silang mangaral sa mga tao at kung ano’ng mga sasabihin nila? (Acts 2:14-40) Paano nila naisip na dapat nilang pakinggan ang mga sinasabi ng mga apostol, na dapat silang makipag-fellowship, sumamba, mag-offering, mag-soul winning, na dapat silang maging mabuting testimony sa mga tao sa labas? (Acts 2:41-47) Dahil ang kasunduan nila ay nasa puso nila. Kasi pag nasa papel lamang, madali iyon mabura, madali iyong masira. Kung nasa isip lamang, madaling makalimot, madaling kalimutan, ang anumang ipinangako, isinumpa. Ngunit kung nasa puso, kailangan mo munang kunin ang puso nila bago mawala sa kanila ang kasunduan—pagbabayaran muna ng kanilang buhay bago nila mabali ang covenant nila sa Diyos at sa isa’t isa. We ought to be like that. Nasa puso nila ang sinabi ni Jesus na uusigin sila ng sanlibutan kapag sumunod sila, kaya buong tapang nila itong tinanggap—kapalit man nito ay ang mawalay sa mahal nilang pamilya, mawalan ng pag-aari, o mawalan pati, ng sarili nilang buhay. Ngunit ngayon, sino’ng hindi natitinag sa mga banta ng magulang? Sino’ng hindi iniintindi na baka mawalan siya ng trabaho? Sino’ng hindi iniisip ang sariling kapakanan? Sino’ng hindi natatakot sa sasabihin o gagawin ng tao sa kanila? I hate to say this, ngunit, mukhang labis tayong naaapektuhan ng mga bagay na ito. Why, wala kasi talaga sa puso natin ang kasunduan. Kaya nga ang pinakadakilang utos ng Diyos ay ang umibig, (Matthew 22:36-40) dahil ito ay nagmumula sa puso.

 

Aral # 2: Marunong silang tumanggap ng pagkakamali. Ang pinakadahilan kung bakit hindi nagfo-forward ang mga tao sa altar pag nag-i-invitation kahit may dapat namang ilapit sa Panginoon ay dahil hindi sila marunong tumanggap ng pagkakamali. Ikinakaila nilang may kasalanan sila, o binabalewala nila ito. That’s a saddening fact of today’s churches: ang katigasan ng leeg at puso. But consider the early church’s people—tinatanggap ba nila ang kanilang pagkakamali? Yes, they do. Consider Peter (Mark 14:66-72 cf. John 21; Acts 10); ang buong iglesiya ng Jerusalem (Acts 15); si Paul (Acts 15:36-41 cf. 2 Timothy 4:11); ang iglesiya ng mga taga-Korinto (1 Corinthians cf. 2 Corinthians 7:9-11). May ilan sa kanilang mali ang paniniwala, at nagpatama sila. May mga gumawa sa kanila ng mali; tinanggap nilang mali iyon. Hindi ba dapat maging gaya nila tayo? But most of us fail miserably. Ginagaya natin sina Adan at Eba na nagtuturuan; ginagaya natin si Cain na sumasagot pa sa Diyos; ginagaya pa natin si David na parang walang alam sa ginawa; at ginagaya natin ang marami pang halimbawa sa Biblia at mga hindi ligtas na ipinagpapatuloy pa ang maling ginagawa kahit alam nilang yun nga ay mali! And so, nothing’s changed. Kung hindi tayo magiging tulad ni Pablo, who “dies daily” (1 Corinthians 15:31), ay walang buhay na mababago. Kasi ang susi sa pagbabago ay pag-amin at pagsisisi. Hindi ba yun ang central message ni Jesus at ni John the Baptist at ng mga apostol: “Repent!”? (Matthew 4:17; 3:2; Acts 2:38)

 

Aral # 3: Alam nila kung sino sila. Yes, alam nila kung sino sila at hindi nila iyon nakakalimutan. Kaya alam nilang uusigin sila, kaya alam nilang dapat silang mangaral ng Salita ng Diyos, alam nilang dapat silang magtipon, na dapat silang magbigay, at magpatawad—dahil alam nila kung sino sila—mga mamamayan ng langit, mga anak ng Diyos—mga Kristiano. I hope we don’t forget who we are, why we are here, where we are going, and how to live.

 

Aral # 4: Buhay na nila ito; hindi parte lang ng kanilang buhay. Consider what they did: ibinenta nilang lahat ang kanilang pagmamay-ari, kung saan ang kanilang mga napagbentahan ay dinala sa paanan ng mga apostol, na sila namang naghati ng mga ito sa mga kapatiran. (Acts 2:42-47) Because they think it was their life then. Marami kang sasabihin: “Inaasikaso ko pa kasi ito eh,” “Hindi lang naman iyan ang inaalala ko,” so, ano na ang matitira para sa iglesiya? Tira-tira, minsan, wala pa. Not so with them. Bahala nang walang sariling bahay. Bahala nang walang pera. Bahala nang usigin. Kasi, “They had all things common.”

 

Do you see how “weighty” is the church for them? Yes. Handa silang ibigay ang lahat para sa iglesiya—anyway, hindi ba tayo ang iglesiya? They realized it, kaya naman ginawa nilang lahat para sa kanilang sarili—sila na iglesiya din. Do you think you’re separate from the church? Think of it carefully. Ano yung naligtas ka at nabautismuhan ka? Para lang makasali ka sa Baptist and have a good time?

No. Nang sumapi ka sa church, naging parte ka ng church. At tulad na dapat mong alagaan ang iyong katawan, dapat mo ring alagaan ang katawan ni Kristo kung saan ka parte—ang iglesiya. And with that came a heavy responsibility you should fulfill.

 

Heavy? Well that is the Church “Weight.” At tinuturo sa atin ng mga unang iglesiya, ng Bibliya, kung ano ang wala natin na mayroon sila na dapat mayroon tayo.

Are we hopeless? No. God still gives us a chance. We’re never too late. Why don’t we adapt those lessons into our life at magsimula tayo ng panibagong buhay-Kristiano? Hindi ka pa ba nagsasawa sa kung sino ka ngayon?

You should be.

Kailan Ka Magsisimula?

telescoping

Ang Mga Halimbawa ng Biblia ay Hindi Na Nagpabukas

by Teacher Elijah E. Abanto

 

Ano’ng mga ginagawa mo sa ngayon bilang bata? Naglalaro? Gumagawa ng assignment? Nagpa-practice?

Iyan ang pangkaraniwang ginagawa ng isang bata sa ngayon. Saanman ka tumingin, mga batang nagdo-drowing, nagte-text, nagpo-pog, nagko-computer games, gumagawa ng assignment, nagpa-practice para sa presentation sa school, nanonood ng TV, nakikipag-away sa kapwa-bata sa kapit-bahay o sa school, ang makikita mo. Kabilang ka ba sa kanila? Hindi naman sa minamaliit kita, bata, pero ang babaw ng pinupuntahan mong landas. Kung puro ganito ang iyong buhay, at walang para sa Diyos, mali na agad ang punto ng iyong buhay. Mali. Alam mo ba yun?

Kaya kung hindi ka pa ligtas, magsisi ka na sa iyong mga kasalanan at tanggapin mo si Jesus bilang iyong Tagapagligtas. Ngayon na! Tama na ang puro laro na lang! Puro aral na lang! Puro nood! Puro kwento! Di ka ba nagsasawa? May mas mahalaga kang dapat na ginagawa ngayon, at iyun ay ang maglingkod sa Diyos.

Ikaw na nagchu-church, kailan ka magsisimulang maglingkod nang totoo? Alam ko kumakanta ka na sa church nang masigla tuwing service, nakikinig sa Sunday School, nag-i-special number kung minsan; ngunit ang ibig kong sabihin yung soul winning, pagtuturo, pagsali sa iba’t ibang activities ng church. Kung ligtas ka na, mas madali mo na itong magagawa. Ngunit kailan? “Pag kasintanda na ako ni Kuya, ni Ate”? Hihintayin mo pa ba iyon? Tingnan mo na lang ang mga halimbawa ng Bible ng mga bata na sumunod na agad sa Panginoon.

Si David

Kilala niyo na siguro ang taong pumatay ng isang higante sa Biblia gamit ang kanyang tirador—oo, si David nga. Galing niya ano—pero alam mo bang ginagamit na siya ng Diyos bago ito mang yari (20 taong gulang na siya nang gawin niya ito)? Noong siya’y isa pa lamang musmos (malamang ay 12 taong gulang), ay isa lamang siyang tagapag-alaga ng tupa. Ngunit dahil sa kanyang puso na may pag-ibig para sa Diyos, pinili siya na pumalit kay Saul bilang hari. Hindi pinili ang pito niyang kuya, na mga malalakas, at malalaki ang katawan—pinili siya, siya na mahina ngunit may tiwala sa Diyos na lumikha sa kanya.

Si Samuel

Hindi manganak si Hannah noong panahong ito, at dahil doon ay hiniling niya sa Diyos na bigyan siya ng anak; at kapag ginawa ito ng Diyos sa kanya, iaalay niya ito sa Diyos upang maglingkod habang-buhay. Dininig siya ng Diyos, at ipinanganak ang lalaking nagngangalang Samuel. Noong ito ay tatlo hanggang limang taong gulang na, dinala na niya ito kay Eli, ang mataas na saserdote noong panahong iyon.

3-5 years old? Maglilingkod sa Diyos? Oo, tumutulong siya sa mga ginagawa ni Eli, tulad ng pag-aayos ng mga kagamitan sa tabernakulo, at marami pang iba. Sa maagang panahon ay nagging propeta na rin siya ng Diyos.

Si Josiah

Hindi mo siya masisisi kung maging masama siya. Ang kanyang amang hari, si Amon, ay naging masama, sumamba sa mga diyos-diyosan. Maaga itong namatay bilang parusa ng Diyos—at siya ang pumalit na hari sa edad na 8. At hulaan niyo kung ano’ng ginawa niya—sinunod niya ang lahat ng nalalaman niyang utos ng Diyos—inalis niya ang diyos-diyosan, ibinalik ang mga kapistahan, binasa sa Israel ang Aklat ng Batas—sa batang edad. Hindi na siya naghintay. Sinimulan na niya ngayon.

Si Daniel

Isipin mo na lang na kapag hindi mo kinain ang ipinagbabawal ng Diyos, eh parusahan ka ng matindi, o may madamay na ibang tao—naranasan ito ni Daniel. Noong masakop ang Israel ng kalabang kaharian, dinala silang mga prinsipe at tinuruan ng iba’t ibang bagay—kabilang ang pagkain ng mga inialay sa diyos-diyosan. Kapag hindi niya ito kinain ay paparusahan ng kamatayan ang nag-aalaga sa kanila. Ngunit imbes na matakot ay nanindigan siya; tinanggihan niya iyon kasama ang kanyang mga kaibigan, at hiniling na mga gulay na lamang ang ipakain. Buti na lamang at naging mas mataba pa sila sa mga kumain ng karne sa biyaya ng Diyos!

Si Timothy

Alam niyo bang si Timoteo ang siyang pinakabatang pastor? Nakikipaglaban na siya sa mga bulaang tagapagturo sa Efeso, na mas matanda pa sa kanya. Ngunit tinanggap niya ang hamon—at siya’y naging isa sa mga tagapagpatibay ng iglesiya sa Bagong Tipan.

 

Marami pang iba—mga batang hindi na naghintay na tumanda sila para maglingkod at sumunod sa kanilang Diyos. Hindi sila nag laro, nanood ng TV, nag-pogs, o kung ano pa man—buong tapang  lamang silang sumunod sa Kataas-taasang Diyos—ang Siyang karapat-dapat lamang na paglingkuran.

Ikaw, bata kailan ka magsisimula? Bukas, pagtanda mo na, o ngayon na, habang bata ka pa? Tena, hindi mo alam kung ano ang naghihintay na gawin sa’yo ng Diyos.

Masyadong Bata

child

Nakaka-apekto Ba ang Ating Edad sa Pagiging Kagamit-gamit Natin sa Diyos?

by Linda Canup

Isinalin mula sa article na “Too Young,” In Touch® magazine,

March 2006, pp.28-31 ni Bro. Elijah Abanto.

 

Lagi mo na itong naririnig—isang concert pianist sa edad na 8, isang bihasa sa computer at 10, isang master ng chess sa edad na 12—mga taong sobrang gifted sa mga di-pangkaraniwang mga batang edad na sila ay nakakaakit ng atensyong pang-internasyonal at isang kaabalahan sa kanilang field.

Ilan sa ating mga paboritong mananampalataya ay maaari ding matawag na mga “gifted” sa ispiritwal na paraan. Sina David, Jeremiah, at Timothy ay kaunti lamang sa mga tinawag at masusing nilinang upang kumuha ng mga dakilang misyon sa mga batang edad.

At kahit na mayroon silang suporta ng Diyos, hindi sila madaling nagkaroon nito. Ang pagiging bata ay may mga sariling hamon. Madalas na nakikipagbaka ang mga batang lalaking ito sa inseguridad at mga kakulangang dulot ng kanilang kakulangan sa karanasan. Dahil na rin sa kung paano tumingin sa kanila ang lipunan, sila’y hindi pinapansin, minamaliit, at inuusig dahil sa kanilang pagiging kabataan.

Gayunpaman, ang mga kakaunting piniling ito ay nanatiling matapat sa kanilang mga unang taon at naging matagumpay bilang isang hari, isang propeta, at isang tagapagtayo ng iglesiya ng Bagong Tipan.

DAVID

Nang dumating sa bahay ni Jesse si Samuel para pahiran ang susunod na hari ng Israel, walang nag-isip na tawagin si David mula sa pagpapastol ng mga tupa. Habang binabantayan ng kabataang ito ang mga kawan, ang kanyang mga mas matatandang kapatid ay ipinrisenta sa bumibisitang propeta. “Siguradong ang pinili ng Diyos ay nasa harapan Niya ngayon,” naisip ni Samuel habang ang kanyang mga mata ay nakamasid sa pinakamatanda. (1 Samuel 16:6) Ngunit isa-isa, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata, ang lahat ng pitong magkakapatid na lalaki ay tinanggihan.

Hindi naghirang ang Diyos ng isang anak na may mga maharlikang koneksyon, mataas na pagsasanay sa militar, o maging matinding lakas. Pinili niya si David, ang lalaking may puso para sa Kanya (1 Samuel 16:7)

Ang mga Psalmo na isinulat ng batang pastol ay malinaw na ipinapahayag ang kanyang dalisay, matapat na pag-ibig para sa Ama. Ang kanyang mga lirikong musikal, na maayos na inilalarawan ang kanyang kagustuhang maglingkod sa Panginoon, ay may-tiwalang ipinagmamalaki ang kakayahan ng Diyos na iligtas siya mula sa mga kaaway. Pinuri ni David ang pangalan ng Panginoon at pinahayag niya ang kanyang hindi nagmamaliw na debosyon at katapatan. Nang nailugmok ng kasalanan, may kababaan ang loob niyang hinanap ang kapatawaran at nakiusap para sa kanyang pagpapanumbalik at pagbabago. Binigyang-boses niya kahit na ang mga halos hindi na maipaliwanag na emosyon ng puso ng tao.

Bagaman ang tingin sa kanya ng iba ay isa lamang batang tagabukid, tumingin ang Diyos sa kanyang kaluluwa at nakita ang isang matapang na lalaking handang labanan ang mga kaaway ng Panginoon at itatag ang kaharian ng Israel sa lupa.

JEREMIAH

Sa panahon kung saan ang kaharian ng Juda ay nagpapailalim na sa kasalanan at tukso, gusto ng Panginoon ng isang mensahero na pinahahalagahan ang Kanyang Batas at sinusunod Siya nang walang pasubali. Kailangan ng taong ito ng masidhing pag-ibig para sa bayan ng Diyos para magawa niyang magtiis; gayunpaman, dapat niya ring naisin ang katuwiran ng Diyos para maunawaan niya ang pangangailangan ng paghatol. Isang magandang kandidato ang inosente sa pagtalikod ng Juda, ngunit hindi naman sobrang mapangkutya na kanya na kikwestiyunin ang plano ng Panginoon para sa pagpapanumbalik ng kaharian ni David.

Siyempre, alam na Niya noon pa na si Jeremias ang tamang tao para sa gawaing ito, ngunit ang nakatakdang propeta ay hindi kumbinsido. “Hindi ko alam kung paano magsalita, dahil bata pa lang ako,” iprinotesta nito nang ilabas ng Diyos ang Kanyang utos. (Jeremias 1:6) Masyado siyang nakatuon sa sarili at kanyang mga kakulangan kaysa sa plano ng Diyos at kanyang walang-hanggang kaalaman.

Nilagay ng Panginoon ang mga alalahaning iyon sa isang tabi ng pagpapaliwanag na lilinangin at poprotektahan Niya si Jeremias. (vv. 9, 18-19) Sinabi Niya na ito ay noon pa nahirang at hiniwalay, at na gagawin nitong lahat kung ano ang hilingin dito ng Diyos.

Hindi na kayang makipagtalo ng batang lalaking ito sa Diyos. Nagtiwala siya sa salita ng Panginoon, at alam na natin ang kasaysayan.

TIMOTHY

Ang lungsod ng Efeso ay dedikado sa pagsamba sa Griegong dyosang si Artemis at, dahil nga doon, ay lapitin ng mga hidwang paniniwala. Gayunpaman, dahil ito ay kapitolyo ng Romanong probinsya ng Asya, importante ito sa pagpapakalat ng pananampalatayang Kristiano. Nagkaroon ng magtagumpay na ministeryo doon si Pablo, ngunit noong sa oras na ipinagkatiwala niya ito kay Timoteo, may mga bulaang tagapagturo (Himenaeo, Alexander, at Fileto, at iba pa) na nagpapakalat ng mga maling paniniwala nang buong pwersa, at marami sa buong Asya ang naligaw sa pananampalataya. (2 Timoteo 1:15)

Ang suliranin ni Timoteo ay magiging mabigat para sa kaninumang Kristiano, lalo na sa isang batang lalaki na kinakailangang hamunin ang mga church elders na dalawang beses ang edad sa kanya. Subalit, alam ni Pablo (at pinakamahalaga, ng Diyos) na  karapat-dapat si Timoteo sa gawain na ito dahil sa dalawang dahilan: ang kanyang sinserong pananampalataya at ang paggawa ng Banal na Ispiritu sa kanyang buhay. (1 Timoteo 4:14; 2 Timoteo 1:5-6)

Ang ina ni Timoteo ay bahagi ng isang mahabang linya ng matatapat na mga babaeng Judio na mahal ang mga Kasulatan at ninais na lugurin ang Diyos. At mukhang naipasa niya ito kay Timoteo, dahil nang kunin ito ni Pablo, mabilis itong nagkaroon ng isang kahanga-hangang reputasyon bilang isang alagad. (Mga Gawa 16:2) Habang ang dalawa ay naglalakbay, nalaman ng apostol ang mga kalakasan, kahinaan, at mga limitasyong ispiritwal ni Timoteo. Sa gayon, nang dumating ang oras para pumili ng isang tagapagbantay para sa iglesiya sa Efeso, may-tiwalang itinagubilin ni Pablo ang siyudad kay Timoteo, kahit na wala pa itong paunang karanasan.

ISPIRITWAL NA KADAKILAAN

Kadalasan ay masyado nating pinapalamutian ang mga buhay ng mga bayaning ito ng Biblia at itinataas sila sa halos-mala-alamat nang lebel. Naniniwala tayo na hindi tayo makakagawa ng kahit anong kagila-gilalas (ilan sa kanila ay sumulat ng mga Kasulatan!); kumikilos tayo para bagang ang Malagintong Panahon ng Kristiyanismo ay lumipas na at wala lang tayong magawa kundi mag-asam hanggang sa dumating ang Panginoon.

Wala itong katotohanan. Bagaman maaari ngang maging ibang-iba ang ginagawa natin sa pisikal na aspeto sa kanila, pare-pareho lamang tayong sumasagupa sa parehong ispiritwal na gawain.

Sa teorya, alam natin na ang Panginoon ay kayang gamitin ang sinumang Kanyang piliin para matupad ang Kanyang plano, ngunit sa gawa, madalas tayong nalilihis. Iniisip natin na ang sino lamang na may credentials ang may karapatan sa matataas na ispiritwal na gawain—tulad ng mga matatagal nang Kristiano o nasa mga posisyon ng pamumuno.

Ngunit kung matapat lamang nating titingnan ang paraan kung paano gumamit ng mga kabataan ang Panginoon [iba pang halimbawa: Samuel, Daniel, Josiah], malalaman natin ang isang mahalagang katotohanan: Kapag tinatawag Niya tayo sa anumang gawain, agad na Niya tayong naihahanda ng mga talento at kakayahan na kinakailangan. Naghahanap ang Diyos ng ispiritwal na kadakilaan sa lahat sa atin, anuman ang ating hugis, laki, … o edad—[bata, kabataan, o matanda].

 

Si Linda Canup ay ang Assistant Editor para sa In Touch magazine, isang publikasyon ng In Touch Ministries with Dr. Charles Stanley sa Atlanta, Georgia.

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Elijah Abanto ang article na ito upang mapatunayang kayang gamitin ng Diyos ang kahit sino para sa Kanyang layunin—especially children.

Ano Na ang Mangyayari sa Iglesya ng Hinaharap?

Halos (kung hindi man) lahat ng mga magulang na kilala ko ay nais na magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Gusto nila ang mga ito na maging pinakamahusay, maabot ang pinakamataas na potensyal nila, at para sa ating mga Kristiano, nais natin silang maligtas din at mabuhay nang nakalulugod sa Diyos at sa Kanyang Salita—mapa-doktrina o mapa-isinasapamuhay.

Ngunit ako’y natatakot na baka ang ating mga pangarap sa ating mga anak ay hindi maging isang realidad. Iniisip natin na ginagawa naman natin ang pinakamainam para sila’y mapalaki nang tama, ngunit hindi natin alam—baka nagkakamali tayo. Iniisip natin na tama ang ating mga pamamaraan, at mukha namang maganda sa simula—pagkatapos pagdating ng panahon napapa-isip tayo, “Ano’ng nangyari sa anak ko?” At mula diyan nararapat nating pagbulay-bulayan ang isang tanong.

Ano nang mangyayari sa iglesiya ng hinaharap? Kung hindi tayo maingat, ang mga bata ngayon ay maaaring maging matatandang tumalikod sa hinaharap—ang tumalikod na iglesiya ng hinaharap. Dahan-dahan, ang pagbabago sa doktrina at pamumuhay ang sisira sa mga susunod na henerasyon.

Hindi mo na kailangan pang tumingin pa sa malayo para malaman mong ito’y nangyayari. Personal akong nakakaalam ng isang iglesiya na mayroong service para sa mga matatanda at isa pa para sa mga young people. Hindi na masama ang paghihiwalay church services sa pagitan ng grupo ng edad ay masama, ngunit hindi iyon ang kaso. Ang rason kung bakit sila pinaghihiwalay ay dahil gusto ng mga adults ang mga himno at gusto naman ng mga young people ng ‘masayang’ mga kanta! Ang nakakatakot ay karamihan sa mga young people na ito ay mga anak ng mga adults ng parehong church! Heto pa ang isang iglesiya, ang mga bata ay niloloko yung mga awitin  na kinakanta nila sa Sunday School, at, tulad ng sinasabi ng isang guro doon, ay namamato sila ng mga nilamukos na papel sa teacher habang nasa klase! Gayundin, sa isang matandang iglesiyang alam ko, lahat ng mga babaeng matatanda ay nagdadamit nang maayos sa church service, samantalang ang mga young people rin nito ay naka-mini skirt at spaghetti. At lumaki sila sa church!

Hindi ko naman sinasabi na iyon ay dahil sa atin lahat—ang halimbawang ipinapakita ng mga matatanda ay malakas nang impluwensya para maisip nila na gawin ang tama. Ngunit, ang tanong, hindi kaya posible na may mali din sa ating ginagawa? Nababahala ako na baka hinahayaan lamang natin (o pinepwersa) ang ating anak na gawin ang isang bagay, ngunit wala man lang silang maliit na ideya kung bakit dapat nila itong gawin, o kung bakit dapat nilang gawin ang isang bagay sa ganito at ganyang paraan. At kaya, pag lumaki na sila, hindi nila ito paniniwalaan, o gagawin, o kahit man lang gawin ito sa paraan na inaasahan nating gagawin nila.

Ang mas lalong nakaka-alarma ay hindi natin ito napapansin, mas lalo na na may gawin patungkol dito.

Ating alalahanin: ang iyong mga anak—ating mga anak, ang iglesiya ng hinaharap. Anuman ang ating itinuturo natin sa kanila o hindi tinuturo sa kanila ang makakapag-dikta kung anong uri ng iglesiya ang ating binubuo para sa kinabukasan.

 

Nagsisimula ito sa ating mga magulang. Basahin mo ang Deuteronomy 6. Ang kabanatang ito ang magpapaalala sa inyo ng kahalagahan na maturuan at masanay ang mga bata. Pansinin ang mga talata 1-2, at 7,

Ito nga ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:

Na ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios, na iyong ingatan ang lahat niyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniutos sa iyo, sa iyo, at sa iyong anak, at sa anak ng iyong anak sa lahat ng araw ng iyong buhay; at upang ang iyong mga araw ay lumawig….

At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

 

Ang prinsipyong ito ay nag-a-apply din sa paraan ng iglesiya sa pagtuturo nito sa bata, dahil doon napapatatag ang pamilya. Hindi dapat nagko-kontrahan ang iglesiya at pamilya, mapa-doktrina o mapa-isinasabuhay.

Ngayon ay magsimula tayo ng isang check-up.  Subukan mong tanungin o obserbahan ang isang bata (12 pababa, maaaring maging anak mo) tungkol sa ilang aspeto ng ating pananampalataya at pamumuhay. Iyon ang magsasabi sa iyo kung nagagawa mo ang iyong trabaho.

Doktrina. Tanungin mo siya tungkol sa mga pangunahing katuruan ng ating pananampalataya. Ilan ang Diyos? Paano ka maliligtas? Madadala ka ba sa langit ng bautismo? Ano ang Bible? Ang mga ito ay ilan sa mga pangunahing tanong na dapat mong pag-isipan sa pagkatao ng isang bata. Kung mali ang naisasagot ng bata sa mga tanong na ito, ibig-sabihin ay hindi talaga niya natutunan ang dapat niyang paniwalaan. Natutunan ni Timoteo ang mga pangunahing doktrina ng pananampalataya nang siya ay bata pa (2 Timoteo 3:15), at ito ang naging isa sa mga hindi maitatangging dahilan kung bakit siya naging isa sa mga pinakabatang pinuno ng iglesiya noong panahon niya.

Pagdalo (Attendance). Talaga bang gusto mong uma-attend ng church, o pinipilit ka lang? Kung dumadalo ka sa church service, sa tingin mo ba ay talagang kailangan itong gawin? Dapat ba ay lahat ng pagtitipon ay daluhan? Dapat ka bang mag-behave nang maayos sa service? Maraming mga magulang ang pinipiling iwanan na lamang ang kanilang mga anak sa bahay, dahil sa tingin nila ay baka manggulo lang ito sa service. Ngunit ito’y isang bagay lamang ng pagtuturo at pagsasanay.

Isa pang salita tungkol sa pagdalo: hindi nire-rekomenda ang paghihiwalay ng mga iglesiya, tulad ng children’s church, at youth church, at adult church, bagaman alam ko na ginagamit din ito ng Diyos para magdala ng kaligtasan at paglagong ispiritwal sa marami. Kung pag-aaralan mo ang mga kasulatan, hindi ka makakahanap ng kahit isang prinsipiyo tungkol sa paghihiwalay sa kanila; imbes, ang mga halimbawa ng kasulatan ay nagpapahiwatig ng isang pampamilyang pagdalo. (Tingnan ang Deuteronomy 16, lalo na sa talata 11; 31:12; gayundin ang Lukas 2, nang mag-dalawang-taong gulang na si Jesus.)

Paghahandog at Pagbibigay. Kung hindi sasanayin ang mga bata ngayon na magbigay, mas malamang na hindi sila magbibigay paglaon, o magiging madamot sila. Itanong, Tama ba para sa iyo na maglagay ng pera sa offering basket? Huwag mong isipin na matututunan nila ito paglaki. Nagsisimula ito NGAYON. Isang mahalagang halimbawa ng batang pagbibigay sa Biblia ay yung batang nagdala ng dalawang tinapay at limang isda kay Jesus. (Juan 6:8-10) Bagaman ang mas kapansin-pansin ay ang kamangha-manghang himala ni Jesus, ang maingat na pag-aaral ng kwentong ito ay ipapakita ang mapagbigay na puso ng batang iyon. Saan kaya nanggaling ang ganoong klaseng ispiritu?

Musika. Ano ang mga awiting gusto mo, mga action song o mga himno? Naaantok ka ba sa mga kinakanta sa service, at mas gusto mo yung mga action song? Bagaman hindi applicable sa lahat, ay reasonable naman na sabihin na kung ano ang kinakanta ng mga bata ngayon ay maaaring magdikta ng kakantahin nila bukas. Kung ang lahat ng kanilang inaawit ay mga mabababaw na awitin at wala man lang yung mas malalim, at may mayamang lingwahe, ang mga himno ay maaaring maging kakaiba sa kanila paglaon. At mas mahalaga, sabihin sa kanila kung bakit inaawit natin iyan, at bakit hindi natin inaawit ito—maaari itong makapagdagdag ng lakas sa paniniwala na nais mong mabuo sa kanila.

Upang magkaroon ka ng ideya sa kung paano tinrato ni Jesus at ng mga mananampalataya sa Bagong Tipan ang musika, tingnan ang mga sumusunod na mga talata: Matthew 26:30; Mark 14:26; Acts 2:46, 47; 16:25, 26; I Corinthians 14:15, 26; Ephesians 5:19; Colossians 3:16; James 5:13. Bagaman ang mga talatang ito ay hindi direkta na sa paggamit ng instrumento, ang hindi pagbanggit nito ay maaaring magbigay ng pahiwatig. Maaari mo ring pag-aralan ang mga instrumentong ginamit sa Lumang Tipan, at tingnan kung ang lahat ng mga ito ay ginagamit sa pagsamba sa templo.

Pagsamba at Paglilingkod. Isipin mo na ikaw ay nasa harap mismo ng Diyos, ano kaya ang gagawin mo? Nais mo bang sumali sa choir? Lumahok sa mga gawain sa church? Lumabas kasama ang isang matanda sa pagse-share ng Bible? O magturo? Ang paggalang at kagustuhan sumunod sa Panginoon ay hinuhubog at nililinang. Lumalaki ba sila na tumitindi ang kagustuhang paglingkuran ang buhay na Diyos?

 

Ang anumang mangyayari sa iglesiya ng hinaharap ay naka-depende sa atin. Siyasatin natin ang ating mga kasanayan. Maaaring tayo ay ignorante tungkol sa kung paano, ngunit ang Biblia ay hindi nagkukulang sa mga prinsipiyo at gabay para magawa mo iyon. Ang kailangan lamang nating gawin ay pag-aralan itong maigi.

Matuto tayo na hubugin sila. At sino’ng nakakaalam? Maaari silang gamitin ng Diyos upang baligtarin muli ang sanlibutan.

Children: The Church of Tomorrow

by Bro. Elijah Abanto

Kilala ko siya na mapagmahal sa mga bata. Minsan nga ay mas gusto pa niyang kasama ang mga bata kaysa makipag-usap sa mga ka-edad niya. At alam niya na dapat turuan nang mabuti ang mga bata na sumunod at mahalin ang Panginoon, at siya’y nag-aalala sa pagpapabaya ng ilang pastor sa mga ito tuwing may pagsasama-sama ang mga iglesiya. Kaya naman sinabi niya sa mga ito na kailangan ay may gawin sa mga batang ito.

Nadagdagan siya ng pagkakataon na makapaglingkod—ngunit sa parte ng mga pastor na iyon ay hindi kalugud-lugod. Sinabi nila na siya na bahala sa mga bata, wala na silang paki-elamanan kung ano’ng gagawin noong tao. Iniwan nilang lahat sa kanya.

Hindi ako laban sa taong iyon, ngunit sigurado ako hindi ko ginawa, at hindi ko gagawin, na purihin ang ginawa ng mga pastor na iyon. Pinababayaan nila ang mga bata. At ang mga bata ay mga tao rin. At ayaw ng mga tao na mapabayaan, ngunit ang ginawa ng mga iyon ay pagpapabaya. Kung walang binanggit siguro ang taong iyon sa kanila, hindi nila iisipin ang mga bata.

 

Ano’ng mangyayari sa iglesiya ng kinabukasan? Kung ipagpapatuloy ng mga iglesiya (at tayo personally) ang mga ganitong kasanayan, hindi ako magtataka kung kinabukasan ang ating mga bata ay maging mga talikod sa pananampalataya. Ang iglesiya ng kinabukasan ay magiging iglesiya ng apostasy sa hinaharap.

Tingnan mo na lang ang mga nangyayari ngayon. Maraming malalaking iglesiya ang hinihiwalay ang mga bata tuwing worship service at nililipat sa tinatawag na children’s church. At imbes na matanggap nila ang parehong pagpapalang natatanggap ng mga kabataan at mga matatanda sa pangangaral ng Kanyang Salita ay kumakanta lamang sila o naglalaro o natutulog. Ang mga lesson na itinuturo sa Sunday School ay puro mga Bible story imbes na mga importanteng doktrina na itinuturo sa Sunday School ng mga kabataan at matanda. At may kilala ka bang nagdidisipulo ng bata? O nakapag-share ka ba ng Bible sa isang bata sa iyong soul winning?

Alalahanin po natin—ang mga bata ang iglesiya ng kinabukasan. At anuman ang tinuturo natin sa kanila o hindi tinuturo sa kanila ang magdidikta kung ano ang magiging kapalaran ng iglesiya ng kinabukasan—kung isang matatag na iglesiya ito o isang sira-sirang grupo ng mga tao.

Basahin po natin ang Deuteronomy 6. Dito ay muli kang mapapaalalahanan ng kahalagahan ng mga bata. Pansinin ang talata 6-7,

At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

Isang paalala din sa atin ito, mga magulang. Tayo, higit sa lahat ang dapat na magturo at magsanay sa mga anak natin na malaman ang Salita ng Diyos at mabuhay nang tulad kay Kristo. Sa bahay dapat nagsisimula ang ating mga “Sunday School,” “prayer meeting”—mga kasanayan natin sa iglesiya—sa tahanan iyan nagsisimula. At kailangan natin silang turuan at sanayin.

Magkaroon tayo ng isang check-up. Obserbahan mo ang isang bata sa ating iglesiya (maaaring iyong anak) tungkol sa pananampalataya natin at mga kasanayan. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Doktrina. Tanung-tanungin mo siya tungkol sa mga pangunahing doktrina ng ating pananampalataya. Pareho kaya sa iyong pinaniniwalaan ang iyong anak? Kung hindi siya matatag dito ngayon, magiging mahirap na matutunan niya ito paglaki.

Pagdalo sa Iglesiya. Gusto niya bang um-attend o napipilitan lang siya? O sinanay mo ba siyang um-attend lamang ng umaga ng Linggo o pati gabi at Huwebes? Kung hindi mo pinapakita ang kahalagahan ng pagdalo sa iglesiya ngayon, malamang ay hindi rin niya matutunang dumalo sa iglesiya pagdating panahon.

Pagbibigay. May alam tungkol sa tithes, offerings o commitment ang iyong mga anak? Ngayon ba ay tinuturuan na silang gawin ito? Kaya ako natutong ibawas agad ang aking offering sa aking pera ay dahil sinanay ako noong bata pa ako na ibabawas sa baon ko yung tithes at offering.

Music. Ano’ng mga awit kaya ang paboritong kantahin ng bata? Puro kaya mga action song? Wala namang masama doon pero kung puro action song na lang at wala nang mga psalmo o malalalim na himno ng ating pananampalataya, malamang pagdating ng panahon ang aawitin niyan ay mga mababaw na Contemporary Christian Songs.

Pagsamba at Paglilingkod. Lumalaki ba ang bata na nagkakaroon ng malalim na pagkilala sa Diyos? Kapag kaya nakita niya ang Diyos eh, ano ang gagawin niya—luluhod o itatataas ang baba? Lumalaki ba siyang may kagustuhang maglingkod sa Diyos—mag-soul winning, umawit sa choir, o magturo? Ngayon iyan sinisimulan. Kung tamad sila ngayon sa church, bukas ganon din sila.

 

Ano ang mangyayari sa church of tomorrow? Nakadepende iyon sa atin. Itigil na natin ang pagpapabaya sa kanila. Linangin na lang natin sila na maging mga Cristiano na may takot sa Diyos. At sinong nakakaalam? Baka ang iglesiya ng kinabukasan ang siya pang muling magbaligtad ng sanlibutan—tulad ng ginawa ng unang iglesiya noon.

Tunay na Pag-ibig

by Elijah Abanto

Kakatapos ko lang magbasa ng isang article tungkol sa isang 12-year old girl, at hindi ko mapigilang mapaluha sa balitang ito.

Medyo may interes ako sa mga nangyayari sa Amerika ngayon dahil nakikita ko na ang struggle ng mga American Christians para patuloy na manindigan para sa Panginoon. Kung hindi niyo nalalalaman, ang Obama na mukhang nakakatuwa sa TV dahil siya ang kauna-unahang pangulong itim sa bansa ay siya ring presidente na salungat ng ating pinaninindigan, kasama na ang tungkol sa abortion (pagpapalaglag ng sanggol) at gay marriage (pagpapakasal ng parehong kasarian). Laban tayo dito, ngunit siya ay hindi. At maraming pag-uusig ang ginagawa sa mga Kristiano ngayon ng administrasyon ng Amerika para gawing ligal ang mga hindi legal at gawing iligal ang legal (pagpe-pray, pagbabasa ng Bible). Kaya naman naglalaan ako ng oras upang magbasa ng mga balita tungkol sa kalagayan ng Kristianismo sa Kanluran.

Ang labindalawang-taong gulang na batang babaeng ito ay si Lia, isang elementary student na planong gawing contestant sa isang speech competition o pananalumpati. Anak ng isang Kristiano, alam niya ang kalagayan ng kanyang bansa patungkol sa abortion, at nais niya na magtalumpati laban sa gawaing ito. Isa pa, siya mismo ay isang Kristiano at mahal niya ang Diyos at ang Kanyang Salita. Ang problema ay talagang dine-discourage siya ng mga gurong nakakabasa ng kanyang essay, bagaman hindi maitatanggi ang galing sa pagkakasulat ng talumpating ito ng kanyang adviser. Nagbanta pa ang mga husgado na i-de-disqualify siya sa contest kapag hindi niya binago ang kanyang topic. Pero nanatili siyang matatag, at kahit na hindi siya tanggapin bilang contestant ay pinili pa rin niyang italumpati ang essay at pinablish sa Youtube.* Dahil nagustuhan ng kanyang adviser ang kanyang gawa, ay hinayaan pa rin siyang magtalumpati.

Nang magtalumpati na siya, sinabi ng school principal at mga guro na obvious na siya ang winner ngunit dinisqualify siya ng mga judges dahil sa isyu na kanyang tinalakay. Ngunit noong sumunod na araw ay nalaman na umalis ang judge na nag-disqualify sa kanya at ang mga natira ay binago ang desisyon at siya nga ang nanalo. Naka-schedule siya na dalhin sa regional level. May 130,000 na ring nakapanood ng kanyang video.

Dapat itong humamon sa atin. Isang bata (kadalasan kasi namamaliit natin ang mga mas bata sa atin) ang nagpakita ng tunay na pag-ibig sa Diyos at tao na sa kabila ng lahat ng maaaring mangyari, ay nagdesisyon siyang magsalita! Dahil mahal niya ang Diyos at tao. May ganito ka na bang pagmamahal sa Kanya?

Ang I Corinthians 13 ay isang sikat-na-sikat na kabanata sa Biblia tungkol sa pag-ibig. Isa sa mga sinabing katangian nito ay na ang pag-ibig ay “binabata ang lahat ng bagay, pinapaniwalaan ang lahat ng bagay, inaasahan ang lahat ng bagay. Ang pag-ibig din ay “nagsasaya hindi sa kasalanan, kundi nagsasaya sa katotohanan.” Si Jesus ay tiniis, pinaniwalaan at inasahan ang lahat ng bagay para itanghal ang katotohanan at ibigay sa atin ang kaligtasan. Hindi Siya nanatiling tahimik nang makita Niya ang kamalian sa kanyang paligid, kundi nagsalita Siya.

Dumating na ba sa atin ang pagkakataon kung kailan ipinaglaban natin ang katotohanan kahit na may nagbabantang hindi maganda? O ang ginagawa natin ay hinahayaan na lamang ito at iniisip na, “Sila na ang bahala sa Diyos”? Nakakalungkot. Nakikipag-kompromiso tayo para huwag na tayong pagdiskitahan; ngunit hindi natin iniisip na nasasaktan ang Diyos doon.

Sa huling Linggo ng Building in the Power of Love, ine-encourage ko kayo na tumayo para sa Kanya dahil sa pag-ibig natin sa Kanya. Sana kung kailangan tayong hindi pumasok sa school o trabaho, o huwag munang gumawa, o masaktan ng magulang, o bumaba ang grades, o mapagtawanan, hayaan na natin–tulad ng babaeng ito–at least, alam ng Diyos na mahal natin Siya.

Is Winning Enough?

by Pastor Felizardo Abanto

(Written 2008)

Last Sunday we had sixteen visitors. When eleven of them came forward for salvation, eleven altar workers came up to get each one of them to lead them in accepting Jesus Christ as their Savior. Even if all sixteen came forward we will still have sixteen altar workers available.

This is true because of our Operation Go Training Program. Right now, on our fifth batch, we have twenty-two trainees plus nineteen trainers. Last December, a big church of 400 members celebrated their anniversary. Two hundred people came forward for salvation during the invitation but only twenty altar workers are available to deal with them. Why? Because they have no training program like ours. It’s very easy to have 100 to 200 altar workers if that church is conducting a regular no-nonsense training for soul winners like Operation Go.

Now we added Operation Grow: a leadership training program for those who graduated from the Operation Go Soul Winning Training Program. It is a program for them to understand discipleship by multiplication. Apostle told Timothy, “The things that thou hast heard of me among many witnesses, the same commit thou to faithful men, who shall be able to teach others also.” It is not enough to win a soul. You have to disciple and train your convert so he will be strong enough and able to win a soul by himself. Still, the work is not done. The soul won by your disciple must also be discipled and trained for soul winning, and on and on ad infinitum. Then you win a soul again to start the process anew. Nobody should stop. All converts must go soul winning and training converts until Jesus returns.

It’s not easy. Actually it is impossible, because only by God’s grace and power this is accomplished. So let us humble and submit ourselves to God’s empowerment for us to be used by Him.