What Rulers Must Be

4763_og_1

Nitong mga nakaraang araw ay nanood ako ng ilang episodes ng “PiliPinas Debates,” isang serye ng mga presidential at vice presidential debates, hosted by Commission on Elections at mga pinakakilalang TV networks sa bansa: GMA Network, TV5, CNN Philippines at ABS-CBN. Huling nagkaroon ng ganitong uri ng debate 24 na taon nang nakararaan, kaya naman talagang malaki ang naging sigla at paghihintay ng mga Pilipino para sa kaganapan na ito. Binubuo ito ng apat na debate, tatlo para sa mga presidential candidates, at isa para sa vice-presidential candidates. Trending ang apat na debate na ito sa Twitter nationwide at worldwide, at pinagmulan ng samu’t saring mga usapan sa social media at mga balita sa telebisyon. Dahil rito ay mas lumaki ang kamalayan ng mga Pilipino ukol sa paghalal ng tamang kandidato sa posisyon sa gobyerno, at nakapagdulot rin ng malaking epekto sa pagpapasya ng mga botante ukol sa kanilang ibinoto o iboboto para sa eleksyon ngayong taon.

Ginamit ng mga kandidato ang mga debateng ito upang ipakita na sila ang karapat-dapat na iboto para sa posisyon na kanilang tinatakbuhan—pagiging pangulo at pangalawang pangulo. Ilan sa mga tumatak sa isip ko ang mga plano nila kung sila ay maluklok; mga kataga tulad ng “we need a decisive leader,” “gagawin ko kung ano ang sinabi ko,” “huwag puro pangako, aksyon ang kailangan,” “malinis dapat ang track record,” with all of them saying that they are the fitting people for the leadership position. But while their words and platforms and plans and promises are hopeful, as Christians we should know that these things should not be our bases for voting for these people. As we should always do, ang dapat maging batayan sa kung sino ang dapat iboto ay kung ano ang sinasabi ng Biblia.

Nitong isang Linggo si Pastor Felizardo Abanto ay nagbigay ng ilang mga punto sa isa sa aming mga pagtitipon ukol sa kung anong uri ng pinuno ang karapat-dapat sa posisyon sa gobyerno. Napakaganda ng mga puntong ito kaya naisip kong ito’y bigyang-pansin sa article na ito at palawigin pa upang mas lalo nating maintindihan ano nga bang mga lider ang gusto ng Dios para sa ating bayan.

Ang pinuno sa gobyerno ay dapat na matuwid (2 Samuel 23:3a). Ang unang pamantayan na ito ay sinabi ng malapit nang lumipas na haring David, sa pamamagitan ng inspirasyon ng Banal na Ispiritu. Ang karapat-dapat na pinuno ay isang matuwid na tao. Sa Biblia, ang pagiging matuwid ay may  ispiritwal na aspeto at may praktikal na aspeto.

Sa ispiritwal, ang “just” ay tumutukoy sa mga taong ligtas na, o anak na ng Dios. Si Lot, bagaman isang compromiser, ay nananampalataya sa Dios, kaya tinawag pa rin siyang “just” (2 Pet. 2:7). Ang mga taong nasa langit ay tinawag na “just men made perfect” (Heb. 12:23), ipinapakita na ang pagiging “just” ay hindi nangangahulugang “perfect” na (ngunit patungo doon). Ang “just” ay nabubuhay sa pananampalataya (Heb. 10:38a; Gal. 3:11; Rom. 1:17; Hab. 2:4). Ibig-sabihin, ang pinakamahalagang criteria ng pinunong karapat-dapat ay na siya ay ligtas na. Ito ang una nating alamin kapag pumipili tayo ng taong nais nating ilagay sa posisyon. Believe me, this is the most important qualification.

Gayunpaman, sa mundong ito, ang unang kwalipikasyon ay bihira mong mahanap sa mga kumakandidato, dahil pangkaraniwan ay mga unsaved sila, may relihiyon man sila. Ang praktikal na aspeto naman ng pagiging “just” ang dapat nating tingnan. Ang matuwid ay sinumang tao na patas at maayos ang pamumuhay sa lipunan. Hindi man nakikita ang buong katangian ng isang tao, dapat nating piliin ang mga taong nagkaroon ng matuwid na pamumuhay sa lipunan (Lev. 19:36; Prov. 10:20, 31; 20:7; Isa. 26:7). Mga taong nakikita nating lumalakad nang may integridad, karunungan ang lumalabas sa mga labi, at hindi kwestiyonable ang mga aksyon—mahalagang katangian ang mga ito upang maging karapat-dapat na pinuno ng bansa.

Ang pinuno sa gobyerno ay dapat na may takot sa Dios (2 Samuel 23:3b). May kontrol sa’yo ang sinumang kinatatakutan mo. Kung takot ka sa sinumang tao, gagawin mo ang gusto niya dahil natatakot ka sa kung ano ang maaari niyang gawin sa’yo. Mapanganib na pinuno ang sinumang natatakot sa tao, dahil kung masama ang kanyang kinatatakutan, ay hahayaan niya lamang ang kasamaan na ginagawa nito. Kung natatakot ka sa Dios, iisipin mo kung ano ang magagawa sa’yo ng Dios kapag gumawa ka ng hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Ang taong walang takot sa Dios at wala ring takot sa tao ang pinakamapanganib na uri ng pinuno, dahil gagawin niya lamang ang lahat ng naisin niya, sinuman ang masaktan o matapakan niya sa kanyang daan. Tingnan na lang natin ang nagawa ng mga Komunistang pinuno tulad nina Hitler, Stalin, at Mao Tse-tung.

Ang pinuno sa gobyerno ay hindi dapat na maging kilabot sa mga gumagawa ng mabuti, kundi tagapaggantimpala nito (Romans 13:3). Naihalimbawa nga ni Pastor Abanto na may isang lugar kung saan talamak ang ilegal na droga, ngunit suportado ito ng pinuno ng kapulisan at ng alkalde. Kaya ang mga baguhang pulis ay pinapagalitan kapag mga shabu lab ang kanilang ni-raid. Kung sa paggawa ng mabuti ay nanganganib ang buhay mo dahil sa pinuno sa lugar, ang pinunong iyon ay hindi karapat-dapat.

Naging isang nakakatakot na gobyerno ang Amerika nang ipagbawal ng Korte Suprema nila ang pananalangin sa mga gusali ng gobyerno. Ang mga pinunong nag-uutos na hulihin at ipakulong ang mga Kristianong nangagaral ng Salita ng Dios ay mga hindi karapat-dapat na pinuno. Kung paparusahan ng pinuno ang mabuti, hindi ito ang tamang pamumuno para sa bansa.

Ang pinuno sa gobyerno ay dapat na maging kilabot sa mga masasama at mga gumagawa ng masama (Romans 13:3, 4). Nagkwento sa akin ang isang kapatid sa Panginoon tungkol sa naganap na pakikipag-usap niya sa isang jeepney driver na nangangampanya para sa isang kandidato para sa pagkapangulo. Kwento raw nito, “Napatira ako ng ilang taon doon sa lugar kung saan siya pinuno, at maayos doon. Hindi pwede drugs doon at mga kriminal. Patay sila! Tama lamang naman sa kanila iyon eh. At tsaka masama naman ang pinapatay, hindi yung mabuti.” Tama, ang isang pinuno ng gobyerno ay dapat na kinatatakutan ng masama, hindi minamaliit, at lalong hindi kaibigan ng mga ito.

Ibig-sabihin rin nito ay handa siya na parusahan, o patayin, kung kinakailangan, ang mga taong ito. Ang mga taong hindi pabor sa death penalty ay kumakalaban sa mismong utos ng Dios sa Biblia. “He beareth not the sword in vain,” sabi sa Romans 13:4. Para saan ba ginagamit ang tabak? Pambuhay? Pampatay, mga kapatid. “Whoso sheddeth man’s blood, by man shall his blood be shed” (Genesis 9:6). Ang mga relihiyosong nagsasabing hindi dapat ang death penalty ay mga walang alam at hindi sumusunod sa Salita ng Dios.

Ang pinuno sa gobyerno ay hindi dapat nangingialam sa mga iglesya at relihiyon, ngunit nakikinig sa mga payo nito. Ang Biblia ay puno ng mga halimbawa ng prinsipyong ito. Mabuting hari si David, dahil nakikinig siya sa propeta at hindi nakikielam sa mga gawain ng mga saserdote. Masamang pinuno si Uzziah, dahil kinuha niya ang trabaho ng mga saserdote at Levita. Mabuting mga hari sina Jehoshaphat Hezekiah at Josiah, dahil sinuportahan at itinaguyod nila ang gawain ng mga saserdote at Levita, at pinalaganap ito. Masamang hari si Manasseh, dahil pinagpapatay niya ang mga propeta. Masamang hari si Jehoiakim, dahil hindi niya pinakinggan ang propetang si Jeremiah at sinunog pa ang rolyo ng Salita ng Dios. Hindi mabuting pinuno si Herod, dahil hindi niya pinakinggan ang pangangaral ni John the Baptist at pinugutan pa ito. Hindi mabuting pinunong sibil ang Sanhedrin dahil inusig nito at pinatay si Jesus, at inusig ang iglesya ng Panginoon. Ang mabubuting pinuno ay nakikita ang halaga ng relihiyon sa bansa, at hindi ito inaapi at winawasak. Gayunpaman, hindi rin sila nakikielam sa mga gawain nito.

 

Will You Vote for God?

ivoted-carousel-2-20130511

A Christian may wonder, “If the God of the Bible became a political candidate, will the people vote for Him?”

Malapit na ang eleksyon para sa susunod na mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas, kung saan sentro ang tatlo sa mga pinakamataas na posisyon: pangulo, pangalawang pangulo, at senador. Ang eleksyon ay gaganapin sa ika-9 ng Mayo, Lunes, at lahat ng mga kumakandidato sa mga ninanais nilang posisyon ay puspusan na ang ginagawang pangangampanya upang ipakitang sila ang karapat-dapat ihalal ng taong-bayan sa araw na ito.

Dito sa aming lugar, sa Trece Martires, Cavite, napakarami sa mga lokal na kandidato ang gumagala sa lungsod kasama ang kanila-kanilang mga jingle na halaw sa mga sikat na musika ng ating panahon. Ako, personally, ay natatawa at naiirita sa ganitong uri ng pangangampanya, at marami akong mga kakilala na hindi ito nakikitang epektibong paraan para kumbinsihin ang mga tao na iboto ka. I’m not here to give ideas on how to make your election campaign effective, pero bilang taong kabilang sa mga mamamayan ng bansa na boboto sa darating na eleksyon, ang alam kong epektibong paraan ng pangangampanya ay ang ipakita mo kung sino ka at kung ano ang iyong nagawa at kung ano ang iyong gagawin para sa bayan. Hindi rin nakakatulong ang mga salitang ikaw ang “pag-asa ng bayan” o mga katulad na salita na parang ang dating ay ikaw ang Dios na gagawa ng tunay na pagbabago sa bayan.

Nagsasalita na rin lang ako tungkol sa pagiging “pag-asa ng bayan” at sa Dios, tayong mga Kristiano ay nalalaman na wala nang ibang pag-asa ang bayan na ito, at ang kahit anong bayan, kundi ang ating Panginooong Jesus. Alam natin na ang pagbabagong kailangan ng bayan ay hindi pagbabago sa labas, kundi pagbabago sa kalooban. Ang pinakamalaking pagbabago na magagawa ng mga maihahalal na opisyal ng gobyerno ay mga mabuting pagbabago sa labas na aspeto, ngunit tanging ang Dios lamang ang makakagawa ng mabuting pagbabago sa loob, pagbabago na pangmatagalan at kumakalat hanggang labas. Sa kaibuturan ng aking puso alam ko na walang tunay na pagbabagong magaganap kung hindi ang Dios ang katatakutan at susundin ng mga tao. Naniniwala tayong mga anak ng Dios na balang-araw ang Panginoong Jesus ay babalik dito sa lupa at mag-hahari, at ang mabuting pamamahala at tunay na pagbabago ay tuluyan nang mangyayari. Sa ngayon, ang mga masunuring Kristiano ang ginagamit Niya upang gumawa ng pagbabago sa kalooban ng mga tao, sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo sa kanila sa iba’t ibang paraan. Sa kakaunting bilang ng mga tao na ating nadadala sa Panginoon, na tunay na binabago ni Jesus, nakikita natin ang halimbawa ng kung ano ang mangyayari kapag Siya ay naghari na dito sa lupa.

Na nagdadala sa akin sa topic na ito: “Kung kakandidato kaya ang Dios ngayon, iboboto kaya Siya ng mga tao?” Kung tumakbo kayang opisyal ng gobyerno, iboboto kaya Siya? Para sa mga totoong Kristiano, wala nang paliguy-ligoy pa, isang malaking “oo” ang ating isasagot. Pag-isipan man natin ito nang maigi, alam nating Siya pa rin ang ilalagay natin sa ating balota anumang posisyon ang Kanyang takbuhin—ito ay dahil Siya naman talaga ang inaasam nating mamuno sa ating bansa, saanman bansa tayo isang mamamayan.

Paano kung mga hindi ligtas ang ating tatanungin? Iboboto kaya ng pangkaraniwang Pilipino ang Dios kung Siya ay kakandidato sa anumang posisyon sa gobyerno, lalo na sa mga posisyon na may kinalaman sa paggawa at pagpapatupad ng batas? Nalalaman ang sinasabi ng Salita ng Dios, mayroon na akong konklusyon sa tanong na ito, gayunpaman, ninais kong malaman ito mula mismo sa mga mamamayan ng bansa.

Mula April 10-13 ng taong ito ay nagsagawa ako ng survey na sasagot sa tanong na ito. Gayunpaman, hindi ko tinanong nang direkta ang “Iboboto mo ba ang Dios?” dahil, nalalamang ang Pilipinas ay isang relihiyosong bansa, alam kong walang isip-isip ay “oo” na ang kanilang sagot. Ngunit kapag inalam na nila ang plataporma ng Dios kung sakali, alam kong ang mga sagot ay hindi gayon. Kaya tinanong ko sila tungkol sa mga isyu na sentro sa ating panahon ngayon at ilan sa mga alam ko na magiging mahalaga sa Panginoon kapag naghari na Siya sa buhay ng mga tao. Ito ang mga napili kong tanong:

1) Pabor ka ba na gawing legal sa bansa ang same-sex marriage?

2) Pabor ka ba na ipagbawal na ang paninigarilyo?

3) Pabor ka ba na tuluyan nang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa?

4) Pabor ka ba na tuluyan nang ipagbawal ang alak?

5) Pabor ka ba na ipagbawal ang lahat ng uri ng sugal sa bansa?

6) Pabor ka ba na gawing batas ang pagsisimba?

Mayroon sigurong mga tao, maging mga Kristiano, na magtatanong kung paano ako nag-come up sa mga tanong na ito. Ang aking sagot ay sa aking tingin kabilang ito sa mga isyu na kinasasangkutan ng ating bansa ngayon, at ang isa ay alam kong may espesyal na halaga sa ating Panginoon. May mga magsasabi na ang mga ito ay kaunti o maliit na mga isyu lamang kumpara sa iba pang mga kinasasangkutan ng ating bansa ngayon, gayunpaman ang nais kong malaman ay hindi ang posisyon ng mga Pilipino sa lahat ng mga isyu ng bansa, kundi kung iboboto nila ang Dios kung sakali, at nakita ko na ang mga ito ay kabilang sa mga dapat kong itanong kung nais kong malaman ang sagot sa pinakamalaking tanong na ito.

Ito ngayon ang resulta ng aking survey. Para sa survey na ito ay nakipag-usap ako sa 100 na tao sa aking tinitirhang lungsod, lahat nasa mga botanteng edad (18 years old pataas).

Ukol sa isyu ng same-sex marriage, 80 out of 100 ang nagsabing hindi sila pabor na gawing legal ito, an overwhelming majority. Pinapabulaanan nito na tunay nang nagbabago ang opinyon ng Pilipino sa bagay na ito. Dito ko napatunayan na ang mga bumatikos sa mga pahayag nina Pacquiao at Quiambao tungkol dito ay bumubuo lamang sa minoridad ng mga Pilipino—sa aking survey, 20% lamang ng mga Pilipino. Mukhang nangingibabaw pa rin ang impluwensya ng Kristianismo at ng Islam sa bagay na ito sa mga Pilipino. Makikita ko sa mga ekspresyon ng mga mukha ng nagsabing hindi sila pabor na hindi talaga sila pabor.

Ukol sa isyu ng paninigarilyo, 88% ang pabor na ito’y gawin nang ilegal sa bansa. “Nakakasama sa atin iyan,” sabi ng nakararami. “Mabuti talagang ipagbawal na iyan.” Ang natitirang labindalawa na nagsabing hindi ay mga tao mismo na naninigarilyo o nagsasabing maraming mawawalan ng trabaho kapag naging ilegal ito.

Ukol sa isyu ng alak, 53% ng mga tao ang pabor na ito’y ipagbawal na. Nakikita kong mas matindi ang conviction sa bagay na ito ng mga babaeng nakausap ko, marahil sa nagagawa nito sa kanilang mga asawa. Ang 47% na hindi pabor ay natatawang nagsabing sila mismo ay umiinom, at sa palagay nila ay hindi na ito mapipigilan pa kahit gawin pang ilegal, at may iba ring nagsabi na maraming mawawalan ng trabaho kapag naging batas ito.

Ukol sa isyu ng pagsugpo sa ilegal na droga, 97% ang nagsasabing pabor sila. Hindi naman nakakagulat na marami talagang pabor rito; ang ikinagulat ko ay may 3 pa na hindi pabor. Dito ko nakita na hindi buo ang posisyon ng mga Pilipino ukol sa bagay na ito. Sa lungsod na kasunod ng Trece Martires, ang Tanza, ay may mga area na patuloy na gumagamit ng ilegal na droga at nagbebenta nito, nire-reflect lamang ng 3% na ito na hindi lahat sang-ayon sa tuluyang pagsugpo sa ilegal na droga.

Ukol sa isyu ng pagsusugal, 78% ang sang-ayon na ang lahat ng uri nito’y ipagbawal na. Sa aking survey, ay binigyang-diin ko ang “lahat ng uri,” dahil maraming sugal na pinapayagan ng gobyerno sa ngayon, tulad ng lotto o sweepstakes, casinos, sabong, bingo, at iba pa. Ngunit sa opinyon ng karamihan, ito ang pinagmumulan ng kaguluhan, patayan, at inggitan, kaya mas maigi na ito’y ipagbawal nang lahat. Sa mga nagsabing hindi ito mainam, ito ay dahil marami daw ang mawawalan ng trabaho. Na-realize ko ito nang mapadaan kami ng kasama kong si Joshua Nazaire sa isang store kung saan puro pakain sa manok ang ibinibenta. Totoong magsasara ang mga katulad nito kapag naging ilegal na ang lahat ng uri ng sugal.

Ukol sa isyu ng pagsasabatas ng pagsisimba, 60 out of 100 ang nagsabing pabor sila. A majority of them evidently do not attend their respective churches or mosques, but if made a law, they said they would gladly obey. Sa mga taong nagsabing nagsisimba sila, may isang nagsabi na kung gagawin itong batas, mas mapapalapit ang mga tao sa Dios, dahil siya mismo ay ganito ang kaso. May isa namang nagsabi na kung tutuusin, hindi na dapat gawing batas pa ito “dahil sa Kanya nanggaling ang lahat ng mayroon tayo, kaya isang kawalang utang na loob sa Kanya ang hindi gawin ito.” Ang apatnapung nagsabing hindi dapat ay nagsabing hindi dapat ipilit sa tao ang ganitong uri ng mga bagay; sila ang dapat magpasya kung nais nilang magsimba o hindi. Sinasabi pa nilang factor ang “separation of church and state.”

Ngayon, para masabing iboboto ng isang tao ang Dios, dapat ay ito ang isasagot nila sa bawat tanong: 1) hindi; 2) oo; 3) oo; 4) oo; 5) oo; 6) oo. Ang mga sagot na ito ay may biblikal na batayan at hindi maaaring balewalain.

Sa lahat ng aking mga sinurvey, 32 out of 100 lamang ang sumagot ng tama sa lahat ng mga tanong. That’s just almost one-third of the people, a minority. Ito ay nangangahulugan na 68% ang hindi boboto sa Dios kung sakaling kumandidato Siya, dahil hindi sila sumasang-ayon sa isa o higit pang mga plataporma Niya. Alam ko na mas kakaunti pa ang porsiyentong ito kung magdaragdag pa ako ng ibang mga isyu, o mag-i-interview pa ako ng mga pulitiko mismo at mga mayayamang tao tulad nina Lucio Tan, Henry Sy, at iba pa, na silang may pisikal na kapangyarihan sa bansang ito.

Tandaan natin na kapag nanalo ang Dios sa isang eleksyon sa pagiging pinuno ng bansa, ang unang magbabago ay ang form of government. Ang makikita nating pinakapinapaboran Niyang uri ng gobyerno ay absolute monarchy (1 Sa. 12:12; Psa. 10:16; 24:8, 10; 29:10; 47:2; 84:3, etc.). Sa monarkiya, ang magpapasya ay hindi ang karamihan ng mga tao (hindi tulad ng demokrasya), kundi ang hari. Sa monarkiya, apektado ang lahat ng aspeto, maging ang relihiyon. At Siya ang magiging hari sa monarkiyang ito.

Ang Dios ay laban sa same-sex marriage. Sinabi ng Dios sa Biblia na ang kasal ay para lamang sa lalaki at babae, hindi lalaki lalaki, hindi babae babae (Gen.  2:24, 25; Mat. 19:4-6). Makikita natin sa Biblia na napopoot ang Dios sa mga sexual perverts, o mga taong nagpa-practice ng pakikipag-sex sa kapwa nila kasarian (Lev. 18:23; 20:13). Sinasabi ng Dios na hindi nila mamanahin ang kaharian ng Dios (1 Cor. 6:9).

Ang Dios ay pabor sa smoking ban, sa total illegal drugs ban at alcohol ban. Itinuturing ng Dios ang katawan ng tao bilang isang banal na lugar, isang templo, isang bagay na hindi dapat sirain at wasakin (1 Cor. 3:16,17). Maraming beses binanggit sa Biblia ang epekto ng alak sa tao. Alam naman nating lahat na ang paninigarilyo, pagdodroga at pag-inom ng alak ay hindi maganda sa pangangatawan, kaya tiyak, kapag naging opisyal Siya, ipagbabawal Niya ang mga bagay na ito.

Ang Dios ay pabor sa gambling ban. Kung ang Dios ay pinuno ng bansa, gagawin Niyang ilegal ang mga malalaking sugalan tulad ng casino, sweepstakes, at magiging ang mga maliliit tulad ng sabong, bingo at mga katulad na sugal. Ito ay dahil sinasabi ng Dios na huwag tayong mag-imbot (Exo. 20:17) at na ang mga bagay-bagay ay pinaghihirapan, hindi nakukuha sa pagbili ng sampung piso o bente pesos na scratch card (Gen. 3:19; Eph. 4:28).

Isasabatas ng Dios ang “Church-Going Mandate.” Kapag naging pinuno ng bansa ang Dios, ang pagdalo sa simbahan ay magiging batas na. Utos ng Dios na Siya ay sambahin (Mat. 4:10), at kaakibat ito ng pagdalo sa simbahan (Heb. 10:25). Makikita natin sa Israel noong panahon ni Moises, na ang Sabbath, kapag hindi tinupad ng isang tao, ay may parusang kamatayan (Exo. 31:14, 15). At sa darating Niyang paghahari sa lupa, ang mga taong hindi pupunta sa isang lugar upang Siya ay sambahin ay paparusahan Niya (Zec. 14:16-19).

You see, voting for God is actually deciding to make Him King over your life. And men are bent on reigning over themselves will not welcome a God who must become Lord of all.