We are Not Trees, We Are Waters

trees and waters

Minsan ay nanonood ako ng isang drama sa Internet at narinig ko yung babaeng bida na nagsabi sa kanyang iniibig, “Kung hindi ka naging tao, ano ang gusto mong maging? Ako, gusto kong maging puno, para hindi ako mahiwalay sa mga minamahal ko—at kahit anong bagyo, pagsubok, hindi ako matitinag—mananatili ako kung saan ako nakatayo, hanggang kamatayan.” Sa konteksto ng drama, gustung-gusto ko ang kanyang sinabi. Gusto ko rin nang ganon—kung pwede lang akong manatili kasama ang mga mahal ko sa buhay, ay mas gugustuhin ko na iyon. Magiging mahirap para sa akin na mahiwalay sa mga mahal ko dahil sa pagsubok o dahil kinakailangan.

Hindi man sinasabi ng ilan, ngunit, marami sa ating mga Kristiano ang gusto na lamang maging puno—gusto niyang manatili sa kanyang lugar “para hindi ako mahiwalay sa mga minamahal ko”—pagdating sa topic ng soul winning. Maraming gusto na lamang na manatili sa bahay nila dahil sa kanilang pamilya at para magbasa na lamang ng Biblia o manalangin sa Dios. Walang masama sa mga huling nabanggit, ngunit, masama kung yun lamang. Oo, sa isang tunay na Kristiano, hindi dapat mangarap na maging puno—o mabuhay na parang puno—na hindi makaalis sa kanyang kinatatayuan para mag-akay ng kaluluwa.

Sa halip, dapat tayong maging tubig. Ano ba ang tubig? Isa sa mga pinakanormal nang ginagawa ng tubig ay ang umagos, gumalaw. Nararapat na tayo’y maging ganoon. Dapat tayong maging mga tubig na umaagos kung saan pwedeng maiagos ng panahon—ng Dios. Wala tayong pakielam kung saan tayo umagos—sa mga mahihirap o mayaman, mga bata o matatanda, mga matalino o bobo, maganda o pangit—wala tayong pinipiling kaluluwa na sabihan ng ebanghelyo ni Jesus. Ang tubig din walang pinipiling oras na umagos, kapag umagos iyan, aagos iyan. Wala din tayong pinipiling oras para makapag-akay ng kaluluwa—umaga, hapon, gabi, madaling-araw—basta may pagkakataon, sige lang.

Minsan sa lugar na inaagusan ng tubig, may taong ayaw, at itinataboy ito gamit ang pamigil o walis tingting. Minsan talaga ay may makakasalubong tayong ayaw sa Salita ng Dios, ngunit, sila ang ayaw, hindi dapat ikaw. May isa lamang na makakapigil sa ating mag-soul winning—yun ay Dios lamang, wala nang iba. May panahon talagang hindi ka makakapag-akay ng kaluluwa ngunit, alam kong maraming oras din na binigay ang Panginoon para mag-akay ng kaluluwa. Magbigay ng tracts. Magbasa ng Bible sa kanila. Ipaliwanag ito. Nasa atin lamang ang desisyon kung magiging “puno” tayo o “tubig.”

Nasaan ka ngayon? Nawa’y maging tubig ka saan ka man naroroon. Sa school, sa trabaho, sa biyahe, sa bahay, sa daan. Nawa’y kalimutan muna natin ang awit na “I Shall Not Be Moved” pagdating sa soul winning, at gumalaw at umagos saan man tayo dalhin ng Dios.

Advertisements

Winning Souls–The Normal Christian Life

Normal. Ano ba ang ibig-sabihin nito? Ibig-sabihin ay ang isang bagay o gawain na hindi na kataka-taka na makita sa isang tao o lugar. Tulad kapag pumasok ka sa school, natural (o normal) na makakita ng mga kabataang nakasuot ng puting polo o blusa at nakapantalon o palda. At dahil pinag-uusapan natin ang salitang “normal” nais kong sabihin kung ano ang normal sa isang buhay-Kristiano. Ano na nga ang dapat na normal na buhay-Kristiano?

Hindi ko na ito masabi pa nang mas malinaw—ang normal na buhay-Kristiano ay ang pag-aakay ng kaluluwa. Ngunit ako na rin mismo ang umaamin, kakaunting porsiyento na lamang ng mga Kristiano ang nabubuhay nang totoo, ang ibig kong sabihin, ay nag-aakay ng kaluluwa. Sa ngayon ay masasabi mo na na “Kristiano” o “ligtas” siya kahit hindi siya nag-aakay ng kaluluwa para sa Panginoon. May isang tila masamang ihip ng hangin na dumaan na unti-unting inalis ang apoy sa puso ng mga Kristiano sa bawat henerasyon para mag-akay ng kaluluwa.

Hindi ko sinasabi rito na kung hindi ka nagso-soul winning ay hindi ka ligtas o hindi ka Kristiano—ang akin lamang sinasabi ay hindi na tayo nabubuhay nang normal—mas marami nang mas mahalaga sa atin kaysa humayo at mag-akay ng kaluluwa. Napaniwala tayo ng diyablo na pwede tayong maging Kristianong mabuti kahit na hindi tayo nag-aakay ng kaluluwa—basta maayos ang buhay at sumisimba ay okay na. Alam nating dapat mag-soul winning, pero hindi tayo nababagabag kapag hindi natin nagawa.

Ngunit, ang normal na buhay-Kristiano ay pag-aakay ng kaluluwa. Oo, may gawaing bahay ka. May trabaho ka. Nag-aaral ka. Oo, mahalaga naman ang ginagawa mo. Nag-aalaga ka ng bata. Pero, Kristiano, ang normal na buhay-Kristiano ay pag-aakay ng kaluluwa. Nararapat lamang na ang lahat ng ginagawa natin o sinasabi ay magdadala sa isang tao papunta o palapit sa Dios.

Narinig ko ang isang bagong Kristianong nagsabi, “Ang sarap palang mag-soul winning.” Oo, ang sarap mabuhay. Kung nais nating mabuhay nang tunay, gawin nating layunin na gumawa ng isang bagay na maglalapit ng kahit isang kaluluwa patungo sa Tagapagligtas—ang Tagapagligtas na hindi natin makikilala kung walang isang  Kristiano na nagdesisyong mabuhay nang normal.

Proud to Be A Missionary!

Missionary. Ang salitang ito ay narinig kong una sa aking ama, nang banggitin niya sa amin ang misyonerong nagkasal sa kanila ng aking ina, si Missionary Dennis Ebert. Sinabi rin ng aking tatay sa akin na ito rin ang kanilang nilapitan nung sila’y nagkaproblema at kailangan ng payo. Nung unang beses na narinig ko ito ay nagtataka ako kung bakit parang hindi pang-Pilipino ang apelyido noong sinasabing Missionary Dennis: Ebert. Nung medyo lumaki ako at nakarating na ako sa camp, naintindihan ko na siya ay isang Amerikano! Nung una ko siyang makita sa camp ay ang puti-puti niya, ang tangkad-tangkad niya, at English na English ang salita! Narinig ko rin siyang makipag-usap kay Tatay, at nasabi ko sa aking sarili, “Ang galing naman ni Tatay, kayang makipag-English-an!” Naintindihan ko na nanggaling siya sa Amerika para makibahagi sa paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-aakay at pagpapatibay ng mga Kristiano dito sa Pilipinas. Kaya naman mula sa puntong iyon ay nasabi ko na ang “missionary” ay isang taong naglilingkod at nag-aakay ng kaluluwa at nanggagaling sa ibang bansa.

May ilang beses na rin akong nakarating sa mga tinatawag nilang “missions conference”; siguro ay tatlo. Isa sa Heritage Bible Baptist Church (sa ilalim ni Pastor Abraham Legaspina) sa Salauag, Dasma; isa sa Holy Word Bible Baptist Church (sa ilalim ni Pastor Arnold Castrence) sa Sucat, Muntinlupa; at ang isa naman ay sa Bible Baptist Church of Pasay (sa ilalim ni Pastor Joey Sauco). Iba’t iba ang kanilang approach pagdating sa program, ngunit, may dalawang bagay na magkakapareho ang bawat isa: 1) may display ng lahat ng flag ng mga bansa sa mundo, at 2) hindi pwedeng walang foreign missionary (ibig sabihin ay Kristiano na pupunta sa ibang bansa o galing sa ibang bansa) na nandoon. Kaya naman lalong tumibay sa aking isip na ang “missionary” ay isang tao na iba ang lahi o isang kalahi ko na pupunta ng ibang bansa. I’m sure marami sa mga Kristiano ang may ganito ring pag-iisip tungkol sa salitang “missionary.”

But as I go through my Christian life, natutunan ko na ang ganitong konsepto ay kulang. Ang aking pang-unawa sa “missions” at “missionary” ay kulang; kalahati lamang nito ang aking naunawaan. Ngunit ang isa pang nakadadagdag ng ganitong “half-understanding” ay kung paano namin diniscuss ang “Missions” sa Bible school. Walang mali sa aming mga pinag-aaralan, but I can say na, kulang. Ang unang-unang lesson na aming pinag-aralan ay ang kultura ng ibang bansa at kaugnayan nito sa pagmi-misyon. And then brought to the topic ay yung kung paano magde-deputize sa mga church, na totoo at tama naman i-discuss, ngunit, kulang.

Ito ang natutunan ko: hindi mo na kailangang lumabas pa ng bansa, pumunta ng ibang lugar, o kahit na maging foreigner para maging misyonero. Hindi na kailangan pang umalis sa kinalalagyan mo para makakita ka ng missionary. In fact, nandyan na siya sa mismong kinatatayuan mo—ikaw! Ikaw! Kung ikaw ay niligtas na ng Panginoon mula sa iyong mga kasalanan, naging Kristiano ka na, at higit pa roon ay miyembro ka na ng isang iglesya, isang Baptist, ikaw ay isang missionary! Missionary! Diyan sa kinatatayuan mo, diyan sa kinalalagyan mo. Hindi mo na kailangang tumingin pa sa ibang lugar.

Kung nasa isang tahanan ka kung saan ang iyong ama, ina, mga kapatid, o mga kamag-anak ay hindi pa ligtas, ikaw ay misyonero doon.

Kung ikaw ay nasa isang partikular na eskwelahan, elementary, high school, college man yan, I assure you, missionary ka sa eskwelahang iyon, at ang misyon mo ay ang iyong kaklase at titser.

Kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang kompanya, organisasyon, o negosyo, ay misyonero ka doon, at ang misyon mo ay ang employer mo, at mga tulad mong empleyado.

Kung ikaw ay nasa isang barangay, siyudad, bansa, sinasabi ko na sa iyo, ikaw ay misyonero doon, at ang misyon mo ay ang mga mamamayan roon, puti, dilaw, kayumanggi, o itim man ang balat nila.

Ikaw ay isang misyonero. Sabi sa Acts 1:8 (emphasis mine):

 

But ye shall receive power, after that the Holy Ghost is come upon you: and ye shall be witnesses unto me both in Jerusalem, and in all Judaea, and in Samaria, and unto the uttermost part of the earth.

 

Kitang-kita. Ikaw ay misyonero muna sa lugar kung nasaan ka: ang iyong “Jerusalem.” Pagkatapos ay doon ka magiging misyonero sa ibang malalapit na lugar (ang iyong “Judaea”), mga kalapit-bansa (ang iyong “Samaria”) at saan man sa buong mundo. But it starts right where you are.

Ang tanong eh, naging misyonero ka nga ba talaga diyan sa lugar mo—“sa isip, sa salita, at sa gawa”? Mas mahirap maging misyonero sa labas kung hindi mo muna sinikap na gawin ang nakaatas sa’yo bilang misyonero sa loob—sa sarili mong tahanan, sa sarili mong eskwela, pinagtatrabahuhan, o komunidad. Tatlumpung taon muna na nasa tahanan si Jesus bago Siya lumabas at nagturo at nangaral sa labas. Naging misyonero muna Siya sa tahanan. Nung hindi Niya makumbinse ang mga nasa “loob,” doon Siya nagdesisyong magturo at mangaral sa “labas.”

Ikaw ay isang misyonero, ngunit, taas-noo ka ba sa propesyon mong ito? Hindi tama kung ligtas ka na at parang wala sa’yo ang mga kamag-anak mong hindi pa ligtas, kung wala lang sa’yo kung pupunta sa impyerno o langit ang mga kaklase’t kaibigan mo, o kakilala mo, o kahit yung taong nasasalubong mo. Ang sabi ni Jesus sa Mark 16:15:

 

Go ye into all the world, and preach the gospel to every creature.

 

Kristiano, it’s high-time now. Kung mayroong panahon kung saan kailangan mong maging tunay na misyonero ka na, ngayon iyon. Bakit hindi ka mag-schedule uli ng soul winning time mo? Mag-soul winning ka sa bahay na tinitirhan mo, sa school na pinag-aaralan mo, sa workplace na pinagtatrabahuhan mo? It would be hard I know. Pero, tandaan mo, kung wala ding misyonerong lumapit sa’yo kung nasaan ka, hindi mo rin makikilala si Jesus. Be proud to be a missionary!

Growing Our Church Through Visitation and Soul Winning

by Pastor Felizardo Abanto

(Acts 5:42)

Dahil tayo ay nagfa-fasting at nananalangin, dahil ating pinapagtibay ang ating miyembro sa pananampalataya, dahil ating hinahamon ang ating mga miyembro na mag-akay ng kaluluwa—ang Diyablo ay abalang-abala rin upang ilihis ang ating atensyon sa mga problemang ating hinaharap: 1) kalagayang-pinansyal, at 2) mga miyembrong umaalis.

Mayroong isang kasabihan, “Ang bawat aksyon ay sinusundan ng isang reaksyon na may kapantay na pwersa o intensidad.”

Ang Ebanghelismo ang MALAKING Gawain ng Diyos para sa Kanyang iglesiya. Ang Ebanghelismo sa anumang kaparaanan ay isa sa mga gawaing kinatatakutan at kinapopootan ng Diyablo.

Yan ang dahilan kung bakit itinataas ng Diyablo ang lahat ng mga pwersa ng impyerno upang sirain ang ating mga pagpupunyagi at para wasakin ang ating pagiging epektibo. Sinusubukan niyang gawin tayong laban sa ating mga sarili. “Ang isang bahay na nahahati laban sa sarili nito ay hindi tatayo.”

Dapat tayong magtiis, maging totoong sinsero, maging talagang tunay, at maging nakatalaga nang buong-buo sa gawaing ito ng pag-aakay ng kaluluwa para sa paglago ng ating iglesiya. Sa pamamagitan ng pagbibisita ang Calvary Baptist Church of Michigan ay lumago mula 130 noong 1944 hanggang 250 noong 1948. Pagkatapos nang may 12 miyembro na sumama sa pastor noong 1949 sa pag-aakay ng kaluluwa at pagbibisita sila ay lumago hanggang 400 sa isang taon. Marami pang mga miyembro ang napabilang sa iglesiyang ito at nagpatuloy lumago hanggang 1,800.

Ating Dapat Sundin ang Pamamaraan sa Bagong Tipan ng Pagbibisitang Ebanghelismo na makikita sa Lukas 10.

1) Pumili Siya ng pitungpu (70). Pagkatapos ay hinati Niya sila nang pares-pares at isinugo sila nang dalawahan. Sa ibang mga salita, binigyan Niya sila ng mga lugar na pupuntahan kung saan sila dapat magbisita.

2) Isinugo sila ng Panginoong Jesus nang mapanalanginin. (Luke 10:2) Sinabi Niya sa kanila na hindi magiging madali ang gawain, “Humayo na kayo sa inyong mga daan; masdan Akin kayong isinusugo na parang mga tupa sa kalagitnaan ng mga lobo.” (v. 3)

3) Sinabi Niya na sila ay bibisita nang bahay-bahay (vv.5-6).

4) Sinabi Niya kung paano sila kikilos sa mga tahanan (vv. 6-8).

5) Sinabi rin sa kanila ng Tagapagligtas kung ano ang gagawin sakaling tanggihan ang mensahe at ibinigay din sa kanila ang kanilang mensahe. Sila’y magbibigkas ng paghatol laban sa mga tahanan kung saan ang mensaheng iyon ay tinanggihan.

6) Hindi nila ititigil ang kanilang gawaing pagbisita dahil dito. Sinabihan Niya sila na ipagpag ang kanilang mga sandalyas laban sa mga tahanang ito at pagkatapos ay humayo sa mga kalye at patuloy na ihayag ang Kanyang mensahe.

7) Ang pitungpu ay bumalik sa Kanyang paanan (verse 17). Dumating sila nang may kagalakan. Sumagot ang ating Panginoon sa pamamagitan ng pagsasabing, “Gayunpaman ay magalak kayo hindi dahil ang mga ispiritu ay nagpailalim sa inyo; ngunit magalak, dahil ang inyong mga pangalan ay nakasulat sa langit.”

 

Ipinapakita rin ng Ebanghelyo na si Jesu-Kristo mismo ay isinagawa ang pagbisitang ebanghelismo. Sa Lukas 8:1 ay makikita natin ito: “At pagkatapos nito ay nangyari nga na, Siya ay humayo sa bawat lungsod at nayon, ipinapangaral at ipinapakita ang masayang balita ng kaharian ng Diyos; at ang labindalawa ay kasama Niya.”

Magpakabanal Ka! (A Story, Part 5)

(mga taong nakaupo sa bangketa, nakasumbrerong pabaligtad, kasama si Andrea)

Voice of Andrea: Lulong ako sa drugs… dahil dito…

(si Andrea nasa gitna may hawak na phone sa tainga)

Boses sa Phone: Break na tayo, Andrea! Drugs ka na lang ng drugs!

(Andrea, titingin sa audience, at magmumukhang malungkot)

Voice of Andrea: Pero tuluy-tuloy pa rin ako, pinalayas na nga rin ako ng mga magulang ko eh!

Mga Magulang ni Andrea: (papasok sa eksena) Lumayas ka na! Nakakahiya ka sa mga kapit-bahay!

Voice of Andrea: Ngunit isang dating kaibigan ang pumasok muli sa aking buhay—si Nards. Kaklase ko siya noong high school. May sinabi siya sa aking bagay na mahalaga.

Nards: Sinasabi ng Biblia na tayong lahat ay makasalanan, nakatakdang pumunta ng impyerno para iyo’y pagbayaran. Ngunit alam mo Andrea, may pag-asa pa—dumating ang Anak ng Diyos na si Jesus para mamatay sa iyong kasalanan. At maaari mong matiyak ang pagpunta sa langit ngayon. 

Andrea: And the rest is history. Tinanggap ko siya bilang Tagapagligtas noong February 14, 2009, at pupunta na ako ng langit anumang oras. Maraming salamat sa Panginoon! (sumisinghot; parang sumisinga) Ligtas ka na ba? Hindi ka siguro naging gaya ni Jess noon na drug addict o hopeless, pero, sabi nga niya, pantay-pantay lang ang lahat ng tao—pare-parehong makasalanan. Bakit hindi mo siya tanggapin sa iyong puso bilang Tagapagligtas at Panginoon sa puso mo ngayon? “For whosoever shall call upon the name of the Lord shall be saved” (Romans 10:13). 

(mga taong palakad pauwi; nandoon din sina Andrea at Nards)

Andrea: Ang saya ko! Ang sarap pala ng pakiramdam pag nagte-testimony!

Nards: (naglalakad kasabay si Andrea) Salamat, ha. Na-motivate ako at na-encourage.

Andrea: Okay ka lang ba?

Nards: (tumigil sa paglalakad) Okay lang ako. Naisip ko lang yung mga kamag-anak ko. Yung mga kaklase ko noong high school ako. Yung mga nakatrabaho ko sa work. Paano na lang kung mapunta sila sa impyerno? Gusto ko silang mapunta ng langit.

Andrea: Oo nga, kahit yung mga magulang ko rin. O mga kabarkada ko. O kahit yung dati kong boy friend.

Nards: Ang problema kasi sa maraming churches, workers lang ang nagso-soul winning. O kung mayroon mang iba, 10% lamang ng kabuuang kongregasyon ang gumagawa nito. Imagine-in mo, 10%! Kung mayroon kang 200 active members sa church, ibig-sabihin 20 lang ang soul winners! At hindi iyon araw-araw! Kadalasan once a week lang iyon. Kung mayroon lang pananampalataya ang Cristiano tulad noong una, magso-soul winning ang bawat member.

Andrea: Ano ngayon gagawin mo, Nards?

Nards: Anong oras na ba?

Andrea: Eight P.M., eksakto.

Nards: Sama ka?

Andrea: Saan? Ano ang gagawin mo?

Nards: She-share-an ko ang mga kaibigan ko. Habang mainit pa ako mula sa pagpe-pray, sa preaching, at sa testimony mo, magso-soul winning na ako.

Andrea: Really? Join ako!

“Go ye into all the world and preach the gospel to every creature” (Mark 16:15). Kasama ka ba sa 90% na hindi nagso-soul winning? Huwag mong tigasan ang iyong puso—win souls!

W.I.F.E.: An Acronym of the Church’s Purpose

Ayon sa libro ni Pastor Charles R. Swindoll, ang Rise & Shine: A Wake-Up Call, ay mayroong apat na pangunahing layunin o objectives ang isang church ayon sa Acts 2:41-47 pagdating sa ministeryo nito. Bawat ginagawa natin bilang isang church ay dapat mahulog sa isa sa apat na objectives na ito na masa-sum-up sa acronym na W.I.F.E.

Ang “W” ay “Worship”

Basahin natin ang talatang 42 ng Acts 2: “Sila ay matatag na nagpatuloy sa turo ng mga apostol, sa pakikisama, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa mga pananalangin.” Ang salitang “matatag” sa Greek ay nangangahulugan na “walang tinag at iisang-isip na katapatan.” Ibig-sabihin, sa panahong sila’y magkakasama, ay magkasamang nakikita ang taos-puso nilang pagtatalaga sa ginagawa. Ang kanilang pagsamba ay hindi mechanical, kundi genuine!

Sabi din sa verse 43, “At nagkaroon ng takot ang bawat kaluluwa.” Mayroon silang totoong kamalayan ng presensiya ng Diyos sa kanilang kalagitnaan. Ang respeto at takot sa Diyos ay kitang-kita. Kung ganito lamang ang binibigay nating importansya sa pagsamba, wala nang magdadaldalan, lahat ay talagang nakikinig, walang magulong bata, at masayang nagkakantahan ang kongregasyon.

Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ng Diyos ang ating pagsamba (John 4:23). Ngunit, alas, bagaman ang tawag sa pagtitipon natin ay “worship service,” ay nawawalan na ito ng kabuluhan sa mga churches ngayon.

Mayroon ngang mga programa at aktibidades, ngunit napakaliit ng pagsamba. May kantahan nga, ngunit napakaliit ng pagsamba. May Bible reading at prayer, pero napakaliit ng pagsamba.

Bago kayo makipag-debate, tumigil muna at mag-isip. Talaga bang ako ay sumasamba sa Diyos?

Minsan mong maranasan ang totoong worship, hindi mo na gugustuhin pang “laruin” pa ang church.

Ang “I” ay “Instruction”

Samantalang kailangan ng church ang totoong worship, hindi rin dapat mabalewala ay backbone ng iglesiya, ang pagtuturo ng Biblia. Sabi nga ay, “turo ng ng mga apostol.” Ang unang church ay kinilalang “mga mananampalataya” (v. 44), o grupo ng mga taong may iisang katotohanang pinaniniwalaan at pinaninindigan.

Imbes na mga pisikal na pangangailangan, binigyang-pansin pa rin ng mga apostol ang “pananalangin at paglilingkod para sa Salita” (6:4). Walang dapat na makabawas ng pag-aaral at pagkatuto ng Salita ng Diyos.

Kadalasan ang nasa isip nating mga miyembro, “Hindi ko naman talagang kailangang matuto ng doctrine, mga leaders lang at Bible students lang ang kailangan diyan” kaya maraming nale-late (o hindi na nga uma-attend) ng Sunday School.

Sa mga teachers, huwag puro “gatas” ang ipakain natin sa mga miyembro—kadalasan ay mas kailangan pa nila ang “karne” ng Salita para tumibay. Sa mga members, huwag lang kayong umasa sa kung anong ituturo sa inyo ni Pastor o ni Sunday School teacher, kundi kayo mismo ang humanap ng inyong matututunan.

Kapag nagawa natin ang “I” ay 1) magkakaroon tayo ng katatagan sa ating paniniwala; 2) katibayan sa pagsubok o tukso; 3) kakayahan upang hawakan ang Biblia nang tama; 4) kasanayan sa pag-detect at pag-kompronta sa mali; 5) tiwala sa ating buhay-Cristiano; 6) at kapanatagan sa ating mga takot at pamahiin.

Ang “F” ay “Fellowship”

Ang ating church ay dapat ding lugar ng pakikisama o fellowship. Dapat tayong magpakita ng totoong (hindi peke) pag-aalala sa isa’t isa.

Ang pakikisama ay nangangahulugang “pagkakaroon ng iisang isip, o pagbabahagi ng sarili, pagbabahagi ng anumang bagay sa bawat isa.”

May isang ilustrasyon para rito. Ang church ay hindi isang supot ng mga jolen na gumagawa ng ingay habang nagkakabanggaan sila at kung lumalabas ay isang linya. Hindi, ang church ay parang isang bungkos ng ubas. Habang dumarating ang mga pagsubok, mas lalo silang nagiging malapit sa isa’t isa, inaalala ang bawa’t isa.

Ang totoong fellowship ay makikita sa verse 45, kung saan namamahagi sila “sa sinumang may pangangailangan.” Unang-una na dito ang pamilya ng Pastor, na siyang nagbibigay ng ispiritwal nating pangangailangan. Pangalawa sa ating mga kapatid na may pangangailangan—materyal man o emosyonal o ispiritwal.

Ang “E” ay “Expression”

Ang ikaapat at huling distinctive ng church ay ang expression o pamamahayag nito. Ang church ay isang katawan at hindi nito tinatabi ang kanyang mga kamay sa sarili!

Kung babalikan natin ang Acts 2:43-46 ay makakakita tayo ng paglago. Mayroong pagmamahal. Mayroong pagtanggap. Nalalaman ang mga ito, hindi tayo dapat magulat kung paano pinarami at pinagpala ng Panginoon ang iglesiya: “Idinagdag ng Panginoon sa iglesiya araw-araw ang mga naliligtas.” (v.47)

Nanatili ba ang mensahe ng Ebanghelyo ni Kristo sa loob ng church? Itinago ba nila ito sa kanilang mga sarili? Hindi, sa kabaligtaran nga, ay hindi sila makapaghintay na lumabas sa mga kalye at ikalat ang Salita.

Basahin mo ang kwento ni Pedro at Juan: “Sina Pedro at Juan ay magkasamang umakyat sa templo sa oras ng panalangin.” (3:1) Pansinin na hindi sila nasa templo, kundi papunta sa templo ng mga Hudio. May natagpuan silang pilay na pulubi na pinagaling sa ngalan ni Kristo. (vv. 1-10) At kahit na pagbawalan at pagbantaan sila ng relihiyosong mga pinuno, ay hindi sila tumigil. (Acts 4) Para silang bola na kahit sipaan mo ay tatalbog din pabalik sa iyo. Sa totoo lang, kung tuluy-tuloy lang nating babasahin, ay may  naligtas na “limang libo” (vv. 3-4).

Imbes na ma-discourage dahil sila’y pinahirapan, lubos pa silang nagalak: “Nagagalak na lumisan ang mga apostol sa Sanhedrin sapagkat sila ay ibinilang na karapat-dapat na dumanas ng kahihiyan dahil sa pangalan ni [Jesus].” (5:41)

Eh, tayo, tinatamad pa. Mahiya naman tayo kay Jesus at sa unang church na ito! “Let’s get the Word out!”

Mahalaga na sikapin nating magawa palagi ang apat na objectives na ito—Worship, Instruction, Fellowship, Expression. Magiging tunay na church lamang tayo kung maitatalaga natin ang ating mga sarili rito.

Is Winning Enough?

by Pastor Felizardo Abanto

(Written 2008)

Last Sunday we had sixteen visitors. When eleven of them came forward for salvation, eleven altar workers came up to get each one of them to lead them in accepting Jesus Christ as their Savior. Even if all sixteen came forward we will still have sixteen altar workers available.

This is true because of our Operation Go Training Program. Right now, on our fifth batch, we have twenty-two trainees plus nineteen trainers. Last December, a big church of 400 members celebrated their anniversary. Two hundred people came forward for salvation during the invitation but only twenty altar workers are available to deal with them. Why? Because they have no training program like ours. It’s very easy to have 100 to 200 altar workers if that church is conducting a regular no-nonsense training for soul winners like Operation Go.

Now we added Operation Grow: a leadership training program for those who graduated from the Operation Go Soul Winning Training Program. It is a program for them to understand discipleship by multiplication. Apostle told Timothy, “The things that thou hast heard of me among many witnesses, the same commit thou to faithful men, who shall be able to teach others also.” It is not enough to win a soul. You have to disciple and train your convert so he will be strong enough and able to win a soul by himself. Still, the work is not done. The soul won by your disciple must also be discipled and trained for soul winning, and on and on ad infinitum. Then you win a soul again to start the process anew. Nobody should stop. All converts must go soul winning and training converts until Jesus returns.

It’s not easy. Actually it is impossible, because only by God’s grace and power this is accomplished. So let us humble and submit ourselves to God’s empowerment for us to be used by Him.

 

How Much Can We Believe God For?

by Pastor Felizardo Abanto

(Written in 2008)

When we wrote to the principal of Tanza National Trade School for Bible Study in the campus we really don’t know whether she will allow it or not. So we fasted and prayed for it. And the Lord opened the door so that we could teach about 2,000 students every week.

When I looked for a bigger place of worship along the highway, it was just to see whether we’ll get one. When I told Janice my proposed low rental fee to the place, I was almost ashamed to say it. Still we fasted and prayed and God granted us what we asked for.

I am telling our members if we will win just one soul every class section then we’ll have 35 additional members. Or if two, then we’ll have seventy. Or if five, then we’ll have 175 converts. After we fasted and prayed again the Lord impressed to my heart, “Why not ask for the salvation of ALL the students?” Didn’t the Bible say, “God is not willing that any should perish but that all should come to repentance”?

Remember the three individuals God brought home because of prayer? One was gone for six days, the girl two days, and the third two weeks. Our Lord Jesus did it three times! To impress to us that “all things are possible to those who believe.” God still intervenes in the affairs of men. We must believe God will give us much harvest of souls.

Patron Saint of Rock ‘n Roll by Jon Foreman

Cry_of_the_Masses_WWW-VACHAL-CZ

“Rock ‘n Roll” people is a term used for the desperate sinners, the needy, the poor, the outcasts. Who is their patron saint? I believe that it is not the statues of Catholic saints, but the ones who profess Christ. We are the saints that should come to them and bring them to God. Jon Foreman laments that we are not being what we are supposed to be.

I saw the patron saints
Parade down city hall
I saw the patron saints
For the handsome, rich, and tall

I felt so out of place
Appalling and appalled
They all drew away
And there was no one left to call…

 

I stood and watched the parade
Crowded in the back
I couldn’t see a thing
Through the patriotic flag

The huddled masses and me
Disillusioned in the rain, wondering
What America means
When I feel so out of place…

 

Cause there ain’t no surrogate saviour for my soul
There ain’t no patron saint for rock and roll.

 

Sometimes I feel lonely
Devilish and old
As if my congregation
Were the bitter cold
And my hymnal
Feels like it’s got holes
Christ alone could save my soul!

There’s a park downtown
Where the homeless get ignored,
Where the church next door is a crowd
Singing blessed “Blessed are the poor,”
Where the mercedes drive away
Muttering, “druggies, drunks, and whores”
Where the bumper sticker displays
“My co-pilot is the Lord”…

 

But there ain’t no surrogate saviour for my soul
There ain’t no patron saint for rock and roll.

 

“Patron Saint of Rock ‘N Roll” is from The Wonderlands: Sunlight EP, released 2015. © Atlantic/Lowercase People Records.