Magpakabanal Ka! (A Story, Part 6)

After prayer meeting…

Daddy Claudio: Tama lang pala yung ginawa ni Pastor. Hoo! Na-encourage talaga ako… at na-convict.

Mommy Claudia: Ano naligtas ka na?

Daddy Claudio: Loko-loko ito! Hindi no. (maaantok at hihiga na)

Mommy Claudia: Huy, hindi ka pa nagba-Bible reading!

Daddy Claudio: Mahal, intindihin mo naman ako. Maghapon ako sa trabaho, tapos pagbabasahin mo pa ako.

Mommy Claudia: Claudio, hindi ako nag-uutos sa’yo na magbasa ng Bible—ang Diyos! Sa totoo nga lang, isang verse lang ang sinasabi na magbasa ka—Revelation 1:3. Halos-lahat ng mga talata tungkol sa Biblia ay mga utos na i-meditate ito, o kaya i-memorize, o kaya i-apply. Kaya bumangon ka na diyan at magbabasa tayo!

Daddy Claudio: (babangon) Ano ba Scripture reading?

Mommy Claudia: Hindi mo nabasa yung kaninang umaga, kaya babasahin natin yun ngayon. Leviticus 13, 14 ngayon.

Daddy Claudio: (lalaki ang mata) Leviticus ba kamo?

Mommy Claudia: Oo nga!

Daddy Claudio: Eh yang Leviticus ang pinaka-nakaka-boring na libro na nabasa ko sa tanang buhay ko!

Mommy Claudia: Ang sama mo naman!

Daddy Claudio: Eh totoo naman!

Mommy Claudia: Kaya ka di lumalago.

Daddy Claudio: (kukunin ang Bible mula sa kamay) Sige na nga.

Mommy Claudia: Salit-salitan tayo.

Daddy Claudio: Ang haba naman nito!

Mommy Claudia: Huwag ka nang mag-reklamo!

“Blessed is he that readeth, and they that hear the words of this prophecy, and keep those things which are written therein: for the time is at hand” (Revelation 1:3).

Friday, araw ng sweldo… Hapon.

Daddy Claudio: Salamat po. (aalis mula sa reception o kuhanan ng sweldo) (bibilangin ang natanggap na sweldo) One, two, three, four, five, six, seven, eight thousand pesos. Ano nga pa lang kailangan ni Martin sa school? Magte-thesis yung batang yun kailangan ng malaking pera non next week. Pambaon pa niya. Malapit na rin yung due ng electric at water bills ng bahay. May hinuhulugan pa kaming TV. Oo nga pala! Tithes! Eight hundred pesos. May commitment pa ako para sa Pastor’s Sunday, due na sa Sunday. Magkano ba yun? Five hundred pesos. May offerings pa. one hundred pesos na lang yun. Missions? Next month na lang. Magta-tithe pa ba ako?

————————-

Daddy Claudio: Tanggap ko na yung sweldo. (uupo sa may mesa)

Mommy Claudia: Ibawas mo na yung tithes and offerings! (kukuha ng papel at lapis)

Daddy Claudio: Ha?

Mommy Claudia: Sabi ko yung tithes and offerings ibawas mo na. May missions pa at tsaka yung commitment mo sa Pastor’s Sunday.

Daddy Claudio: Huwag na lang muna kaya ngayon?

Mommy Claudia: Bakit? Gumugulo na naman iyang utak mo, Claudio. Umayos ka.

Daddy Claudio: Eh alam mo namang—

Mommy Claudia: Tithes, offerings, missions, at commitments yan! Hindi mo pwedeng hindi ibigay yan! Sa Diyos yan!

Daddy Claudio: Eh paano si Martin—

Mommy Claudia: Mayroon pa yan!

Daddy Claudio: Yung bills nati—

Mommy Claudia: Mababayaran natin yan!

Daddy Claudio: May hinuhulugan tayong TV! (tatayo)

Mommy Claudia: Ano ka ba? Magpo-provide ang Panginoon! Ang mahalaga ibigay natin iyan!

Daddy Claudio: (uupung muli) Sige, ibawas mo na. Naalala ko yung preaching noong Thursday. “The just shall live by faith.”

Mommy Claudia: Buti na lang umayos na yang utak mo.

Daddy Claudio: Salamat ha. Buti na lang isang giver ang napangasawa ko.

Mommy Claudia: Kahit papano naman gusto kong sumunod kay Lord, kahit sa attendance lang o giving.

Daddy Claudio: Sumali na rin kaya tayo sa choir at soul winning?

Give, and it shall be given unto you” (Luke 6:38a). “It is more blessed to give than to receive” (Acts 20:35b). Paano malalagyan ang bulsa kapag puno na?

Ang Walang Mayroon

by Elijah Abanto

Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga magkabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan. At kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o  pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.

At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatangging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)

Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay idedika sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap `pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo `pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?

Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya na naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.

Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.

Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil wala Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong  kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.

Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos? Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.

Tamang Gamit Naman Oh!

by Elijah Abanto

Hayaan niyo pong isa-isahin ko ang mga bagay na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos:

clock

Time (oras). Ang pinakamahalagang binigay sa atin ng Diyos para gamitin ay ang oras. Lahat ng tao sa mundo ay may pare-parehong bilang ng oras na natatanggap (24 oras kada araw)—walang sobra, walang kulang. At inaasahan ng Diyos na ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon ay ginagamit natin nang may katuturan at naaayon sa Kanyang gusto. Mas mainam pa na mabuhay ka ng 20 taon sa mundo na naglingkod ka sa Diyos kaysa 100 na taon na ginamit lamang para magbisyo at pumunta sa party kaysa church. (Ephesians 5:16)

choir

Talent (kakayahan). Bawat isang tao ay may kakayahang natanggap sa Diyos, at nararapat lang na gamitin natin ang mga kakayahang ito para sa Kanya. Nakita naman natin sa Biblia kung paanong ginamit ng mga alagad ng Diyos ang kung anong mayroon sila para sa Diyos: si Moises ay may tungkod, yung balo ay may dalawang kusing, si Elias ay may mantel, at si Dorcas ay may karayom at tela. (Maaari mong alamin kung paano ginamit ng bawat isa ang kung anong mayroon sila sa Biblia o magtanong ka sa isang may alam na Kristiano.) Nagagamit mo ba ang sa iyo?

fruits

Body (katawan). Bakit ba tayo nagsusuot ng maayos na damit? Bakit ba tayo hindi naglalasing at naninigarilyo? Bakit ba tayo nagpapahinga at natutulog? Bakit tayo kumakain ng masustansya? Dahil isa rin ang ating katawan sa pinagkatiwala ng Diyos sa atin. Oo nga may 24 oras ka nga, may talento ka, ngunit sakitin ka naman, kung hindi naman maayos ang paggamit mo sa iyong katawan? Wala din. Unang-unang ginagamit natin upang makapaglingkod sa Diyos ay ang ating katawan, kaya dapat lamang nating ingatan. (1 Corinthians 6:19-20)

tract

Gospel/Salvation (ebanghelyo/kaligtasan). Hindi tayo niligtas ng Diyos para lang pumunta ng Langit at maligtas mula sa Impyerno—may dahilan kung bakit tayo naligtas. Nakapagbabahagi ba tayo ng Ebanghelyo sa mga hindi pa naliligtas? Hindi na kailangan ng Soul Winning Program para gawin iyon! (1 Peter 4:10; Romans 1:14; Mark 16:15)

Opportunities (mga pagkakataon). May mga pagkakataon na binibigay sa atin ang Diyos na maaari nating gamitin para makapag-lingkod sa Kanya. Nagagamit ba natin o pinapalagpas lamang natin? Dapat nating sikapin na ito’y kunin at gamitin para sa Kanya.

cash

Money and Possessions (salapi at mga pag-aari). Saan mo ginagamit ang iyong “mammon”? Diyan malalaman kung isa kang mabuting katiwala ng Diyos. Dapat ay nag-i-ikapu at nagbibigay-handog ka. Ngunit hindi lamang doon nagtatapos—maghanap tayo ng paraan para makatulong sa kapwa—at kung mayroon tayo magbigay tayo. (Deut. 8:18; Malachi 3:10)

Ngayon, tanong—nagagamit ba natin ang mga bagay na ito nang tama at maayos? Hinilihiling ko sa Diyos na sana ay nasa tama tayo.

May salitang kanto na kapag mali ang pagkagamit ng isang bagay o pananalita ay sinasabihan ng, “Tamang gamit naman oh!” at kapag ako ay nagaganon ay nag-iisip ako kung may mali akong ginawa (o kung mayroon man, eh mangangatal na akong magsalita). Masasabihan kaya tayo ng Diyos ng ganitong ekspresyon? Kung sakaling tingnan Niya ang iyong mga “records,” matutuwa kaya Siya? O masasabi Niyang “Tamang gamit naman oh!”

Nawa ay hindi. Sa tulong ng Diyos, gamitin natin ng totoong tama ang mga pinakatiwala Niya sa atin.

Hindi Na Mabigat

pail of water

by Elijah Abanto

Timbang puno ng tubig. Matabang tao. Kaldero ng kanin. Bag na puno ng libro. Mesa. Kilu-kilong bigas at karne.

Ano’ng pumapasok sa isip mo?

Sa tingin ko mabasa mo pa lang ang mga salitang ito nabibigatan ka na. Parang pasan-pasan mo na ang buong mundo.

Ano’ng pumasok sa isip mo?

Mabigat.

Ang salita pa lang na ito ay mabigat na bigkasin.

Mabigat.

Ini-imagine mo pa lang parang hindi mo na matagalan—parang gusto mo nang ipasa kahit wala naman.

Tutal nag-i-imagine na rin lang tayo, imagine-in mo nang may dala kang napakabigat na bagay. Iniisip mo na dapat ingatan mo ito nang maigi. Ingat ka nang ingat. Ayan, ayan… Dahan, dahan lang… O kaya naman dahil sa’yo naman sa tingin mo, ay kung papano na lang… Magtapon na lang kaya ako ng iba… Pagkatapos maya-maya ay may lumapit sa`yo at nagsabi, “Akin po yan.” Ano kayang mararamdaman mo?

Titingnan mo nang maigi yung gamit tapos…

Mapapaupo ka. Ang bigat ay biglang mawawala.

Ano kamo? Sa’yo?

“Oo nga pala, pinagkatiwala mo lang pala sa akin.” All of a sudden para sa isang ingat-na-ingat, ay mawawala ang bigat at sasabihin sa may-ari, “Tulungan mo naman ako.” At sa isa na kung papano na lang ay lalaki na lang ang mata ay, “Sorry, paano na yan? Natapon ko na ang iba!”

And yet think of this—halos-lahat ay either of the two sa simula. Do you know na ang lahat ng mayroon tayo ay hindi talaga sa atin?

“The earth is the Lord’s, and the fullness thereof; the world, and they that dwell therein” (Psalm 24:1).

“For every beast of the forest is mine, and the cattle upon a thousand hills. I know all the fowls of the mountains: and the wild beasts of the field are mine” (Psalm 50:10-11).

“The silver is mine, and the gold is mine, saith the Lord of hosts” (Haggai 2:8).

Kaya tayo hirap-na-hirap sa mga bagay na mayroon tayo (kabilang ang pera), ay dahil hindi natin napapagtanto na hindi talaga sa atin ang mga iyon, kundi mga bagay lamang na ipinagkatiwala. At tulad ng ingat-na-ingat ay hihingi tayo ng tulong sa Panginoon, na Siya talagang nakakaalam kung paano iyon gagamitin. At para sa nagbalewala, ay hindi tayo magkandatuto sa pagsisisi, at maaaring ngayon ay binabayaran na natin ang mga sinayang natin.

Nangyari na ito sa akin. Minsan ay masyado na akong nabigatan sa hawak-hawak ko, hindi ko na alam ang gagawin. Ngunit nang Makita ko ang Panginoon sa mga bagay na ito, simula noon ay magkatulong na kaming nagdadala ng bigat—at mas magaan na.

Hindi na mabigat.

Hindi na mabigat.

Di ba ang sarap ng pakiramdam?

Kailan natin yun mare-realize? Mas mabuti, ngayon pa lang ay humingi na tayo ng tulong, at huwag na tayong magpabaya.

At alam niyo isang paraan ng pagpapagaan?

Para maging magaan?

Pagbibigay.

They Gave

by Elijah Abanto

Pagbibigay. Isang napakagandang salita, hindi ba? Oo, lalong-lalo na kung ikaw ang nabigyan. Right. (Pangiti-ngiti ka na siguro. Dahil siguro alam niyo na kung ano ang mga susunod na salita.) Pero kung ikaw kaya ang magbibigay? What do you think? Hindi siguro maipinta ang ating mga mukha kapag ganon ang sitwasyon—lalo na kung mayroon kang maibibigay.

Naranasan ko rin ang naranasan niyo. Minsan kasi bago maligo si Kuya Israel ay nanghingi siya ng shampoo sa akin. “Pahingi naman ng shampoo, ’Loy,” sabi niya. At alam niyo kung ano’ng naging itsura ng mukha ko. “Eh…” sambit ko pa, ngunit sa bandang huli ay binigyan ko rin siya. Parang ang hirap kong magbigay, samantalang kakarampot na shampoo lamang ang hinihingi.

Kaya hindi ako magtataka kung maging kayo ay nahihirapan din. Pero nagawa niyo na bang magbigay nang walang sakit sa dibdib? Yung masaya ka pa? Well, hayaan niyong magbigay ako ng halimbawa ng mga ganon.

Si Mommy, si Ate, si Bunso. Ang tatlong pinakainiibig kong mga babae sa buhay ko ang nagpakita ng ganitong kabaitan. Si Mommy, hangga’t may ibibigay, magbibigay. Makikita ko na lang na ilalabas niya pati ang mga mahahalaga niyang mga ipon at ibibigay kapag kailangan namin ng pera. Yes, si Ate Abigail rin. Mula noon, hanggang ngayon, hindi siya nagsawa na ibigay ang mayroon siya. Mapamayroon (noong nagko-kolehiyo siya marami siyang pera) o Mapawalang pera (ngayon), hindi niya kami pinagdamutan. Si Olivette, na kapag mayroong sitsirya ay lalapit at magse-share. I love these three people. Because they gave.

Yung babaeng balong may dalawang barya at yung isang batang may limang tinapay at dalawang isda. Ang bawat isang taong ito mula sa Biblia ay binigay lahat ng mayroon sila, hindi iniisip kung may babalik pa sa kanila. Mga simpleng tao, mga dukhang tao—pero nagkaroon sila ng kabuluhan. Because they gave.

Si Hadassah. Well, piksyunal lang ang taong ito, mula sa nobela ni Francine Rivers, A Voice in the Wind. Isa siyang alipin na Kristiano, at nakakatanggap lamang siya ng kaunting barya mula sa may-ari sa kanya. Ngunit imbes na impukin, ay ibinigay niya sa isang Romanong babae, ina ng isang sundalo na nagpapaalala ng malagim na sinapit ng kanyang pamil-ya sa Jerusalem. Nang tanungin siya kung bakit binigay pa niya ang kaunting perang iyon, sagot niya, “May pagkain ako. May tinutulugan ako. May damit ako. Ngunit siya wala ni isa sa mga ito. Mas kailangan niya iyon kaysa sa akin.” Napamahal ako kay Hadassah. Because she gave.

Ang Diyos. Siya ang Pinakamataas na Halimbawa ng pagbibigay. Binigyan tayo ng Diyos-Ama ng kalayaan, at mga pagpapala na hindi natin dapat tamasahin, dahil tayo ay mga makasalanan. Bumaba ang Diyos Anak na si Jesus para mamatay lang para sa ating kasalanan; binigay Niya ang Kanyang sarili. Ang Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Ispiritu, upang malaman natin kung paano mabuhay sa sanlibutan. At dahil doon, we are destined to have heaven for our home. Because He gave.

Naalala ko yung favorite verses ni Ate sa Proverbs 3 sa scripture reading noong Lunes, “Withhold not good from them to whom it is due, when it is in the power of thine hand to do it. Say not unto thy neighbour, Go, and come again, and to morrow I will give; when thou hast it by thee” (vv. 27, 28). And surely, these people lived up to that verse. Nagbigay sila nang walang reserbasyon. Dapat tayong sumbatan at hamunin ng mga halimbawang ito. Simula ngayon, magbibigay na ako—nang buong-puso. Ikaw—kailan ka magbibigay nang buong-puso?

Giving: Does It Make Me Less? Changing the Human Mindset to Godly Mindset

giving-640

Ligtas na ba tayo? Anak na ba tayo ng Diyos? Isang matamis na “Oo” ang malamang na isasagot natin. Pero kahit tayo’y ligtas na, may mga bagay na naiwan sa atin ng dati nating katauhan—ang old sinful nature at siyempre, principles of this world. Bagaman mga anak na ng Diyos ay may nananatili pa rin sa ating mga bagay na hindi kaaya-aya sa Kanyang paningin—at isa sa mga pinakamahirap tanggalin ay ang mentalidad natin tungkol sa ating pag-aari—lalo na sa pera. Pero sabi nga ng Bible, we “can do all things through Christ which strengtheneth” us. (Philippians 4:13)

Ang mentalidad ng Diyos at mentalidad ng tao ay malayung-malayo sa isa’t-isa lalo na’t nabahiran tayo ng kasalanan.

The Human Mindset

Ang isip ng tao para magkaroon ay ang pinakamabilis na paraan—ang kumuha at tumanggap—”Get all you can!” kung baga. Mainipin kasi tayong mga tao kaya gusto nating magkaroon nang agad-agad. Kaya maraming sumasali sa lotto, sa ’pyramid’ businesses, promos, at game shows ay dahil gusto nila magkaroon kaagad.

The Godly Mindset

Ang sabi ng Bibliya sa Acts 20:35, “It is more blessed to give than to receive.” Ngayong tayo’y mga anak na ng Diyos, nararapat lamang na ang human mindset natin ay mapalitan ng godly mindset. Ang utak ng Diyos na kung gusto natin tumanggap ay magbigay tayo. “Give, and it shall be given unto you.” (Luke 6:38) Let take God as the ultimate Example. Bakit ba tayo lumapit at nanumbalik sa Diyos mula sa kasalanan? Dahil ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus sa atin. Kung hindi nagbigay ang Diyos sa atin, hindi Siya makakatanggap ng ating pagsamba at pagpuri.

Kaya kung ganoon ang prinsipiyo ng Diyos, hindi ba dapat gayundin tayong mga anak niya? Huwag tayong matakot na magbigay sa Panginoon. Kung hindi ka pa nakapagko-commit sa bagay na ito ay gawin mo na ngayon. Kung naniniwala ka sa Bibliya ay maniniwala ka sa sinasabi ng mga talatang iyong nabasa.

Isa pa, wala rin tayong pag-aari kung tutuusin. Lahat ay bigay Niya kaya karapat-dapat din Siyang tumanggap mula sa atin ng ating tithes and offerings.