Growing Old

growing old

by Charles R. Swindoll

Ang pagtanda, tulad ng buwis, ay isang katotohanan na dapat nating harapin. Ngayon, huwag na huwag ninyo akong tatanungin kung kailan tumitigil ang paglaki at kailan nagsisimula ang pagtanda—hindi ko masasagot iyan! Ngunit mayroong ilang mga senyales na mababasa natin sa paglalakbay ng ating buhay na nagsasabi na tayo’y pumapasok na sa paglipat na ito.

Sa pisikal na aspeto, ang tumatandang katawan ay lagi nang “pumipreno.” Mabilis ka nang hingalin, kumpara nung dati na halos hindi ka na tumigil sa pagtakbo. Mas gusto mo na ngayong umupo kaysa tumayo … na manood na lamang kaysa gumawa … na kalimutan ang iyong kaarawan imbes na alalahanin ito! Sa mental na aspeto, ang tumatandang utak ay naghahanap na ng pahinga. Hindi ka na makaalala nang kagaya ng dati, at hindi ka na tumutugon na tulad ng dati. Nagsisimula ka nang magbulay-bulay tungkol sa nakaraan at kinabukasan imbes na tungkol sa ngayon. Sa emosyonal na aspeto, dumadaan ka na sa mga kakaibang takot at damdamin na dati’y sinumpa mo pang “hindi mangyayari sa akin,” tulad ng:

  • Pagiging negatibo, kritikal, at talaga namang iritable sa ilang pagkakataon.
  • Pagdadalawang-isip na hayaan sila na mas bata na magpasan ng mas maraming responsibilidad.
  • Pakiramdam na hindi ka gusto at “nasa daan” nila.
  • Pagdalas ng pag-iisip ng “paano na kung…?”
  • Pagkaramdam ng guilt sa mga nakalipas na pagkakamali at mga maling desisyon.
  • Pakiramdam na ikaw ay nakalimutan na, hindi mahal, nag-iisa, at dinadaanan lang.
  • Madaling mabagabag ng mga tunog, bilis, kalabuan ng bukas patungkol sa pinansyal na aspeto, at sakit.
  • Pag-iwas sa pangangailangan na mag-adjust at makibagay.

Ang lahat na ito—at mayroon pang mas marami—ay pinapalala pa ng alaala nung mga araw na iyon kung saan ay sapat-na-sapat ka pa, may kakayahan, kailangan, at buo. Habang tumitingin ka na ngayon sa salamin, napipilitan kang umamin na ang mga daliri ng pagtanda ay nagsimula nang magkintal ng mga marka sa bahay mo ng putik … at mahirap nang maniwala na ang mga natitira mong taon ay mayroon pang halaga.

Ngunit hindi ito tama! Maling-mali ito! O gaano maaaring maging kapani-panira ang ganyang klase ng pag-iisip! O kay bilis na madadala ka ng ganyang pag-iisip sa kulungan ng pagkaawa sa sarili, napapalibutan pa ng apat na malalamig na pader ng pag-aalinlangan, depresyon, kawalang-kabuluhan, at kalungkutan.

Ang mga patriyarka ng Dios ay palagi nang kasama sa mga pili Niyang pag-aari. Higit na naging epektibo si Abraham nung siya’y tumanda na at naging mas malumanay. Hindi nakaranas ng higit na sukat ng tagumpay hanggang sa mag-otsyenta na siya.  Otsyenta-singko anyos na si Caleb nang simulan niyang ma-enjoy ang mga pinakamagagandang layon ng Dios. Matandang-matanda na si Samuel nang pangunahan siya ng Dios ng Israel na itayo ang “school of the prophets,” isang institusyon na nagkaroon ng matagal na impluwensya para sa ispiritwalidad at pagkamaka-Dios sa ilang dantaon pang darating. At sino ang makakatanggi sa paraang ginamit ng Dios si Pablo noong kanyang mga huling araw, nagsusulat ng mga titik ng pagpapalakas ng loob sa sulatin na pinapahalagahan natin ngayon!

Walang sinuman ang nabibigong makita na ang pagtanda ay may sariling kahirapan at sakit sa puso. At totoo ito. Ngunit ang makita lamang ang mga mainit na buhangin ng iyong karanasan sa disyerto at makaligtaan ang mga kaibig-ibig na oasis dito at doon (kaunti man ang mga ito) ay parang pagbabago ng huling bahagi ng iyong paglalakbay sa buhay sa isang tuyo at mapait na pagtitiis kung saan ang sinuman ay nagiging miserable.

Huwag mong kalimutan—desisyon ng Dios na ikaw ay mabuhay nang ganito katagal. Ang matanda mong edad ay hindi isang pagkakamali … o pagkalimot … o anumang huli na naisip. Hindi ba oras na upang palamigin ang iyong dila at palambutin ang iyong ngiti na isang nakakapanariwang inumin mula sa tubig ng oasis ng Dios? Kay-tagal mo nang nauuhaw para rito.

Palalimin ang Iyong Mga Ugat

Proverbs 16:31; Psalm 92:14; Isaiah 46:4; Titus 2:2-3

 

Pagsasanga

  1. Gumugol ng oras kasama ang isang matanda at alamin ang ilan sa kanyang mga pinakamagagandang alaala, at sa mga paraang ginamit siya ng Dios, o sa mga pinapangarap niyang magamit sana siya ng Dios.
  2. Magsimulang manalangin para sa hinaharap, na ikaw ay magiging isang matapat at kagamit-gamit na sisidlan.
  3. Itanong ito sa tatlong matatanda na tinuturing mong maka-Dios: Ano ang palagi mong ginagawa (gayundin ang paminsan-minsan) upang makalinang ka ng isang mas malapit na relasyon sa Dios? Pakinggan mo ang kanilang mga salita.

 

Isinalin mula sa Ingles na artikulo ni Charles R. Swindoll, “Growing Old,” sa aklat niyang Growing Strong in the Seasons of Life, pp. 348-49, inilathala ng Multnomah Press.

 

Advertisements

Second Chances

We are bad. God is good. Gumagawa tayo ng mga maling desisyon. Laging tama ang desisyon ng Dios. At sa mga maling desisyong ating nagagawa, laging nagbibigay ang mabuting Panginoon ng mga pagkakataon para maitama ang mga maling nagawa.

Napatunayan ko iyan nitong mga nakaraang araw.  Lagi na namang nangyayari na may aalis, may manunumbalik, pero, nitong panahon ko ito mas napansin at nakita. Dahil siguro sunud-sunod. At sa maikling panahon lamang nangyari, hindi paisa-isa. At hindi sila tinanggihan, binabaan ng tingin. Buong saya at init ang naging pagtanggap sa kanila ng iglesya.

Sa mga nanatili naman, ay ang pagkakataon na gawin ang isang bagay na hindi ginagawa dati. Ang matigas na puso at ulo ay napalitan ng Banal na Ispiritu ng kalambutan ng kalooban at pag-iisip na sumunod sa mga ipinag-uutos Niya. Tulad ng panunumbalik ng ating soul winning. Simula nitong mga panahong ito ay nagdadala na ng mga bisita ang hindi dati nagdadala; nagso-soul winning na ang dati’y hindi nag-aakay ng kaluluwa; nag-choir na muli ang mga dati’y iniwan ito sa loob ng matagal na panahon kung iisipin.

Lagi akong binibigyan ng Dios ng pangalawang pagkakataon. Bagaman dumarating na ako sa puntong wala na akong pasensya sa aking sarili, ang Dios ay nandyan, buong-pasensya pa rin naghihintay sa aking pagbabago.

Ngunit ang nakakalungkot, mayroon ding mga tao na hindi kinukuha ang pangalawang pagkakataon na iyon. Sa tingin nila ay wala na silang pag-asa; huli na. At kung saan sila pumunta pagkatapos iwanan ang gawain, ay mananatili sila roon. Kung saang putik sila lumubog, ayaw na nilang umahon pa roon. Kung ano’ng utos ang hindi nasunod noon, ayaw pa ring sundin ngayon. Kung ano’ng rumi ang kalagayan nila ngayon, nagdesisyon silang hindi na aalis iyon.

Hindi ko alam, ngunit, baka, nasa ganito kang sitwasyon ngayon. Alam mong may pangalawang pagkakataon pa. Babalewalain mo na lang ba? O buong-pag-asa sa Dios ay kukunin mo ito at gagamitin?

 

Jesus Loves You, Mother!

Madalas ay hindi mahusay ang mga anak sa pagpapatunay ng kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang, partikular na sa mga ina. Maaari mang wala lang ito sa mga ama, ngunit napakahalaga nito para sa mga ina. Tulad na nais niyang ipakita ng kanyang asawa ang pagmamahal nito sa kanya, nais din ng isang ina na mahalin siya ng kanyang mga anak at ipakita ito sa kanya. But kids always fall short. Madalas pagkatapos ng isang mahigpit na yakap sa ina pagkagaling sa school ay makikita naman ni nanay na nakikipagsigawan sa kapatid. At alam ng lahat ng mga anak na sira na ang araw ni mommy dahil doon.

Maraming nagbabasa nito ay isang ina. Ina, kamusta na? Nanay, isa na naman bang araw ng pagtitiis? Mommy, okay ka lang ba ngayon? May mga magsasabi po siguro sa inyo, “Okay na sana, kung hindi lang sa mga pasaway kong anak.” Iniisip niyo na ginagawa niyo nang lahat para sa kanila, pero, parang walang epekto—walang pinatutunguhan. Araw-araw ay dinadalaw kayo ng takot, “Maglalayas din kaya siya? Magrerebelde?” at kakabit noon ay isang panalangin, “Sana’y hindi. Sana’y hindi.” But there’s more than that. Ang isang anak na tulad ko ay hindi rin kayang maarok ang pag-ibig para sa akin ng aking ina. At dahil doon ay nakakagawa ako ng mga bagay na nakakasakit sa kanya.

Pero buti na lang, magkulang man kaming mga anak, may isang tunay na nagmamahal sa inyo—si Jesus. Naging anak din Siya ng isang ina, ngunit, hindi Siya nagkulang. Hanggang sa kamatayan sa krus, ay hindi Niya nakalimutan ang kalagayan ng kanyang ina. Siniguro niyang may mag-aalaga at magkakalinga rito bago Siya mamatay. (John 19:25-27) At kung parang hindi man nararamdaman ng inyong mga anak ang bigat na inyong pinapasan, sigurado, naramdaman Niya iyon. (Luke 23:27-29)

Mga ina, mahal kayo ni Jesus! Mahal na mahal kayo ni Jesus na pinili Niya ring mamatay para sa iyong mga kasalanan. At handa Siyang tanggapin ang lahat ng kabigatan mo, ibigay mo lamang sa Kanya. “Casting all your care upon Him; for He careth for you” (1 Peter 5:7).

—Bro. Elijah Abanto

 

With All My Heart: Tips Upang Maging Tunay na Mapagbigay

Give to him that asketh thee, and from him that would borrow of thee turn not thou away.

Matthew 5:42, KJV

 

God is a Giver. Hindi ko man sabihin ang pangungusap na ito ay alam mo na siguro ang katotohanang iyon. Mapagbigay talaga Siya. Ang ating buhay, ang katawang may kakayahang makakita, magsalita, o gumawa. Ang hanging nalalanghap, ang pagkaing kinakain natin, ang kagandahan ng kapaligiran, katalinuhan, karunungan, pera, bahay, damit—lahat ng mga ito ay bigay ng Diyos. Mga kaibigan, iyong asawa, mga kapatid—sa Diyos lahat sila nanggaling. At kung ikaw ay tiyak nang pupunta sa langit, ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng kaligtasan. At ang kaligtasan na iyon ay dahil ibinigay Niya sa atin ang Kanyang Anak. Kaya kung si Jesus ay miyembro ng isang iglesiya, Siya ang tunay na makatutupad sa responsibilidad na magbigay sa Gawain, dahil Siya, ang sarili Niya ang Kanyang inalay sa atin. Purihin ang Panginoon!

… Ngayon ay ikaw naman. Are you a giver? Nagbibigay ka ba? Oo, lahat tayo ay nagbigay na, sa ilang mga pagkakataon ng buhay. Kung may kakayahan nang magbigay ang isang taong wala pang Kristo sa puso, mas lalo na tayo, dahil nasa atin si Kristo. Malamang marami sa atin ang nakapagbigay na ilang beses sa ating buhay. Ngunit may mga pagkakataon (mas madalas na mga pagkakataon) ay mahirap magbigay. Minsan ang taong iyon ay alam nating hindi karapat-dapat, o kaya naman ay galit tayo sa kanya, o kaya iniisip mo ay baka maubos ang pera, o na baka para sa inyo na lamang ang bagay na pwede mong ibigay. Maraming mga rasonableng mga dahilan para hindi magbigay, at kahit sino, ay nagiging dahilan ang isa sa mga ito para hindi rin magbigay sa kung sino man, kasama na ang Diyos.

We all must learn to give. “It is more blessed to give than to receive,” sabi nga ng Kasulatan (Acts 20:35). Walang sinabi rito na mas mapagpalang magbigay sa partikular na klase na tao, tulad ng anak, kapatid, o kaibigan; o mas mapagpalang magbigay sa partikular na klase ng sitwasyon, tulad kung may sobrang pera, pag gusto mo, atbp. Tayo ay dapat na magbigay sa kahit anong klase ng tao, sa lahat ng klase ng sitwasyon. “…He maketh his sun to rise on the good and on the evil, and sendeth rain on the just and on the unjust,” sabi ni Jesus tungkol sa Ama (Matthew 5:45). Ang tunay na pagiging mapagbigay ay walang kondisyon.

So I will ask again, Are you a giver? Giver sa tunay na kahulugan ng salita? Ngayon ay kasama niyo na ako na magsasabi, “Ang hirap eh.” Ngayon ay malinaw na kung ano ang ibig-sabihin ng pagiging mapagbigay. Isa pang dahilan ng Panginoon kung bakit hindi ka masasabing mapagbigay kapag nagbigay ka sa partikular na tao o sitwasyon:

For if ye love them which love you, what reward have ye?

do not even the publicans the same? And if ye salute your brethren only,

what do ye more than others? do not even the publicans so? (Matt 5:46-47, KJV)

Kung magbibigay ka lamang sa karapat-dapat bigyan, ano’ng pagkakaiba mo sa mga hindi ligtas? Kung magbibigay ka lang kung “mayroon” ka, ano’ng pinagkaiba mo sa mga ordinaryong tao? Hindi ba ganun sila?

Paano ako matututong maging mapagbigay?

1) Magsisi at humingi ng tawad sa Panginoon. Aminin muna natin sa Diyos ang ating pagkakamali. Hangga’t hindi natin naaamin ang isang kasalanan, ay hindi natin magagawan iyon ng solusyon. Sabihin natin sa Diyos, “Patawad, Panginoon, dahil hindi po ako nagiging mapagbigay, tulungan Niyo po akong maging mapagbigay.” That would be great start toward becoming a giver.

2) Laging magdala ng bagay na maaari mong maibigay. There are many times na kaya ako hindi nakapagbigay ay dahil wala akong dala. Siguraduhing magdala ng isang bagay, hindi naman laging pera, na maibibigay mo. Mas mahirap hindi magbigay kung may laman ang bulsa. Isa pa, ang paghahandang magbigay ay hindi lamang sa panlabas, kundi sa loob. Maging determinado sa iyong puso na ikaw ay magbibigay sa oras na ito.

3) Tingnan ang lahat ng sitwasyon na pare-pareho. Ibig-sabihin, huwag mong isipin kung may pera ka o wala, kung dapat ba siyang bigyan o hindi. Isipin na ang bawat sitwasyon ay isang oportunidad para ikaw ay magbigay. Maaaring wala ka ngang pera sa oras na may nangangailangan, ngunit kung nakikita mo itong oportunidad, ay gagawa ka ng paraan para magawang magbigay. Si Jesus, noong may limang libo, dahil wala Siyang salaping maibibigay pambili ng tinapay, ay gumawa ng himala.

4) Umibig ka. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak? Iyon ay dahil sa pag-ibig. (John 3:16) Paano mo magagawa na batuhin ng tinapay ang bumabato sa iyo ng bato? Ibigin mo ang iyong kaaway, di ba? (Matthew 5:43-44) “You can give without loving,” sabi nga ng isang kasabihan, “but you cannot love without giving.” Magmahal ka. Don’t get me wrong! Hindi romantic love ang tinutukoy ko rito, kundi ang pag-ibig na tinutukoy ng 1 Corinthians 13—unconditional love. Kapag minahal mo ang sinuman na lumalapit sa iyo, you cannot help but give.

5) Ilagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon ng nangangailangan o humihingi. Baligtarin mo ang sitwasyon—matutuwa ka ba kung hindi ka nabig yan? Alam mo na hindi. “Therefore all things whatsoever ye would that men do to you, do ye even so to them: for this is the law and the prophets” (Matthew 7:12). Kung gusto mong bigyan ka, magbigay ka rin.

6) Magpasalamat sa Panginoon sa pagkakataon na ikaw ay nakapagbigay. “In everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you,” sabi ng 1 Thessalonians 5:18. Kapag nagawa mo ito, maiisip mo na isang pribilehiyo ang magbigay, hindi isang kawalan.

 

As you do these things, ipinapanalangin ko na dalhin ka nito sa punto na magiging tunay kang mapagbigay. Yung walang reserbasyon, walang panghihinayang. Nawa dumating tayo sa panahong mag-aabot tayo sa Panginoon at sa kapwa at masasabi natin, “With all my heart.”

You Should Realize This

Ang kaalaman sa pagkakasala o guilt ay isang positibong bagay kapag dinadala tayo nito sa posisyon ng pagsisisi at paghingi ng tawad sa Diyos. Ang pagkakaalam sa kasalanan ang nagdala sa atin sa pagsisisi at pagtanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas at Panginoon natin. At sa totoo lang, kapag tayo’y Kristiano na, tulad ng sinabi ni Pablo, “Ako’y namamatay araw-araw,” mayroon tayong mga kasalanang nanggaling sa ating makasalanang kalikasan na dapat nating pagsisihan at palitan ng isang bagong katangian sa bunga ng Ispiritu.

Ngunit kung ang iyong guilt ay hindi nagbubunga ng pagsisisi, at bagkus ay dinadala ka pa nang mas malalim sa hukay na iyong kinasasadlakan, ay hindi ito magandang senyales. Nakakasama ito sa ating pisikal na kalagayan, dahil sinisira nito ang nervous system, ang sistema ng katawan kung saan tayo ay nakakapag-isip. Higit pa rito, ang iyong relasyon sa Diyos ay hindi nagiging maayos, tinanggap mo man si Jesus bilang Tagapagligtas. Ang guilt na ito ay maaari ring makasama sa iyong relasyon sa iba.

Mayroon akong nakilalang isang lalaking Kristiano na hindi pa rin makapagtagumpay sa pagtingin at panonood ng mga sekswal na lalaki sa Internet. Alam niyang dapat niyang itigil ito, at alam niyang kasalanan ito. Ngunit imbes na makatulong ang pagkakaalam na ito upang makalaya siya sa kasalanang ito, lalo pa siyang nalulubog rito, at naikwento niyang hindi siya masyadong makapag-pray, makapagbasa ng Bible, o makapaglingkod sa Panginoon dahil dito. Dagdag pa rito, ang kanyang pakikitungo sa kapwa kalalakihan ay hindi rin nagiging maayos. Mas gusto na lamang niyang umiwas, o kung kausapin man niya, ay madali siyang mapikon o magalit.

Ang guilt ay kadalasan ding dala, hindi lang pagkaalam ng kasalanan, kundi pag-iisip na dahil dito ay may mangyayaring masama.

Kung nasa ganitong sitwasyon ka, kapatid, ikaw na isang Kristiano, ay mayroon kang apat na bagay na dapat mapagtanto upang makalaya ka sa kasalanang mayroon ka at ang kakabit nitong pagkabagabag.

 

1) You’re saved. (Romans 10:13) Nung ikaw ay tumawag sa pangalan ng Panginoon, nanampalataya sa Kanya, at tinanggap Siya bilang Tagapagligtas ng iyong kaluluwa, ay ligtas ka na. Anumang oras na dumating sa iyo ang kamatayan, ay sa langit ka pupunta, sa piling ng Ama. Minsan ay dapat itong ipaalala sa atin upang maisip natin na ang ating mga nagawa, ginagawa, at magagawa pang mga kasalanan ay hindi matutumbasan ang katubusang nilaan para sa atin ni Jesus sa krus nang dumanak ang Kanyang dugo roon. Kapag atin ding pinagnilay-nilayan ang katotohanang ito ay maiisip nating isa tayong makasalanan na kinaawaan lamang ng Diyos at iniligtas Niya mula sa kapahamakan. Hindi tayo naging banal dahil sa mga nagawa natin, kundi dahil sa nagawa ni Jesus. Naging anak tayo ng Diyos hindi dahil sa pagsisikap natin, ngunit dahil sa pagpupunyagi ni Jesus dito sa lupa hanggang sa Kanyang kamatayan. Hindi nawala ang ating makasalanang kalikasan, bagkus, nadagdagan lamang tayo ng isa pang kalikasan—ang dibino o banal na kalikasan. Kaya magkakasala pa rin tayo, ngunit nandyan ang banal na kalikasan upang kumastigo sa atin. Ang kaalamang ito ang dapat na tumulong sa atin upang tuluyan nang magsisi at magdesisyon na sumunod sa Kanya.

2) You’re accepted. (Ephesians 1:6) Kadalasang naiisip natin kapag tayo’y nagkakasala (maaaring ito ay isang bagay na nagawa o bagay na hindi natin nagawa), ay iniisip natin, “Hindi na nila ako tanggap.” Ang malimit na pumipigil sa ating i-confess ang ating kasalanan ay ang pag-iisip natin na baka tanggihan na tayo ng kapwa natin Kristiano—minsan ay iniisip natin ito kahit sa Diyos. Ngunit, alalahanin mo, tinanggap ka na ng Diyos—hindi Niya tinanggap ang nakaraan mo, ang buhay mo ngayon, o ang buhay na iyong hinaharap—tinanggap Niya ang iyong kabuuan. Alam Niyang madadapa ka nang ilang beses, ngunit hindi iyon magre-resulta sa pagtanggi Niya sa iyo. Kahit kailan. At ako, bilang isang Kristiano, ay hindi rin dapat na ikaw ay aking iwasan, tanggihan, pag nalaman ko ang iyong kasalanan, dahil tulad mo, naligtas din lang ako, tinanggap, at nagkakasala pa rin.

3) You’re forgiven. (Colossians 2:13) Pinatawad ka na kapatid! Alam kong dala na tayo na hindi napapatawad ang ating mga kasalanan ng mga tao. Nakikita natin ito sa media, kung saan ang mga drama ay ipinapakita na kapag may nagawa ang isang tao, ay madalas sabihin ng nasaktan, “Hindi kita mapapatawad.” Naranasan natin ito sa isang kaibigan, na noong may nagawa tayong pagkakamali, ay bigla na lamang umiwas at hindi na nakipagkasundo. O tayo mismo, nung tayo’y magawan ng pagkakamali, ay hindi natin mapatawad sa una ang taong iyon. Kaya naman naiisip natin na baka hindi tayo mapatawad kapag nalaman ng iba ang nagawa natin. Well, we should know better—we are forgiven already! Ang nakalipas, ang kasalukuyan, at hinaharap natin ay napatawad na ng Diyos. Walang kasalanan na napakalaki na hindi mapapatawad at hindi pinatawad ng Diyos. Alam kasi ng diyablo na ang susi para patawarin tayo ay ang aminin ito (1 John 1:9), kaya naman lahat na ng maling kaisipan ay nilalagay niya sa atin. Ngunit, kapatid, napatawad ka na!

4) You’re loved. (1 John 4:10-11, 19) Ito naman lagi ang ating hinihintay, na pagkatapos tayong magkasala, at ipagtapat ito, ay mahalin pa rin tayo. Yun lang naman eh! If we just realized that we are still loved, still cherished, hindi tayo matatakot na ipagtapat ang ating nagawa at makalaya sa guilt na nasa pag-iisip natin. And it’s true, God still loves us! Hindi ba ang Diyos ang nagsabing, “I have loved thee with an everlasting love” (Jeremiah 31:3, emphasis added)?

 

Friend, you should realize this. You’re saved, you’re accepted, you’re forgiven, you’re loved—still, anuman ang nagawa mo o hindi mo nagawa sa kapwa o sa Diyos. It may seem too amazing, but, alam mo, noon pa kahanga-hanga ang Diyos sa mga bagay na ito. Yes, alam ko, alam ko, sa pagsusulat ng article na ito ay parang binibigyan ko pa ng lisensya ang isang Kristiano na gumawa pa nang gumawa ng kasalanan dahil ligtas pa rin naman siya, tanggap pa rin, pinatawad na, at mahal pa rin. Ngunit ito ang katotohanan. Maging ang Diyos ay kumuha ng risk na ihayag sa ating papatawarin Niya tayo sa kasalanan dahil maaari nga nating abusuhin ito, ngunit ginawa Niya pa rin.

Ngunit ito nga ba ang dapat nating maging reaksyon dito. Sabi sa Romans 3:31, “Do we then make void the law through faith? God forbid: yea, we establish the law.” Hindi dapat mabalewala ang batas ng Diyos dahil dito; dapat ito pa nga ang maging dahilan upang mas lalo natin Siyang sundin. Sabi pa sa Romans 6:15, “What then? shall we sin, because we are not under the law, but under grace? God forbid.” At sa Romans 6:1-2, “What shall we say then? Shall we continue in sin, that grace may abound? God forbid. How shall we, that are dead to sin, live any longer therein?” Ang ating kaligtasan, pagiging tanggap, kapatawaran ng kasalanan, at pagmamahal ng Diyos ay dapat na magdala sa atin sa pagsisisi at pagdedesisyong sumunod sa Kanya. Sa pamamagitan nito, ang guilt na bumabalot sa atin ay mawawala at tunay tayong magiging malaya. Malayang-malaya.

Guilt and Grace

Habang binabasa ko ang aklat ng Kristianong journalist na si Philip Yancey, ang What’s So Amazing About Grace?, ay napagtanto ko ang katapat ng guilt o pagkaalam ng kasalanan: grace o biyaya. Ang grace ay isang bagay na ibinibigay sa isang tao bagaman hindi ito karapat-dapat para doon. Ang pinakamalaking Halimbawa ng pagbibigay ng biyaya ay ang Diyos—nang tayo ay mga makasalanan pang hindi karapat-dapat sa pagiging mga anak Niya, ay binigyan Niya tayo ng biyaya sa pamamagitan ng pagliligtas sa atin. “There is no free ride in this world,” sabi nga nila, at kung akala natin ay walang presyo ang biyayang binibigay at binibigay ng Diyos sa atin, think again. Someone must pay—one way or the other. At sa kasong ito ang Diyos ang nagbayad—imbes na tayo.

Ngunit alam niyo bang nasa kamay nating mga tao kung ano ang magtatagumpay: guilt o grace? Ginamit ni Philip Yancey ang mga salita ni C.S. Lewis tungkol sa responsibilidad ng tao, “ ‘Sinabi ni St. Augustine na “Nagbibigay ang Diyos kung saan nakakakita Siya ng kamay na walang laman.” Ang tao na may kamay na puno ng mga bagay-bagay ay hindi makakatanggap ng kaloob’” (p. 180, translated). Dagdag pa niya, “Ang biyaya, sa ibang mga salita, ay dapat na tanggapin. … Ipinapaliwanag ni Lewis na … ’Ang kapatawaran ay kailangan na tanggapin tulad na ito ay inaalay kung ito ay magiging kumpleto: at ang isang tao na hindi umaamin sa kanyang kasalanan ay hindi makakatanggap ng kapatawaran.’” Parang sa kaligtasan—alam nating lahat na ang kaligtasan ay isang biyaya, walang bayad, walang kapalit, ngunit—kung hindi ito tatanggapin, ay hindi ito matatanggap.

Nung bago ka maligtas ay inamin mo ang iyong pagiging makasalanan at tinanggap mo si Jesus sa iyong puso bilang Tagapagligtas at Panginoon. Bago mo Siya matanggap ay mayroon ka munang tinalikuran.

Ito ang pagkakaiba ng mga Fariseo at ng babaeng nahuli sa pangangalunya (John 8:1-11). Ang mga Fariseo ay mga makasalanang hindi matanggap ang pagkakamali; ang babae ay isang makasalanang inaamin ang pagkakamali. Sino ang napatawad? Sino ang nabigyan ng biyaya? Yung babae. Sa atin din, kung may nagawa tayong kasalanan, handang magpatawad ang Diyos, ngunit, kung hindi natin ito aaminin, ay hindi natin matatanggap ang kapatawaran. Tayo ang may problema, hindi ang Diyos. —Bro. Elijah E. Abanto

 

The Love Ruler

by Elijah Abanto

February ang tinatawag nilang “Love Month” o “Valentine’s Season.” But let me tell you something: love must not be seasonal; it must be all the time. Sabi nga ni Bro. Jeremiah Abanto nung maging EMCEE siya sa isang worship service, “Hindi lang naman ho pang Valentine’s ang pag-ibig; sa amin hong mga Kristiano ay laging Valentine’s.” Yes. It must be that. Ang mga tao kasi nagpapakabanal lamang pag Mahal na Araw; nagbibigay lamang kapag Pasko; at nagmamahal lamang kapag Araw ng Mga Puso. Ngunit hindi dapat maging ganoon sa atin. Bawat araw ay Mahal na Araw para sa atin; bawat sandali ay Pasko; at bawat panahon ay Araw ng Mga Puso.

I know of Someone whose love is just like that—He is God. Actually, sa kadakilaan ng katangian Niyang ito ay sinabi ni Apostle John na “God is love” (1 John 4:8, 16). Ang Diyos ay pag-ibig. Kung ganon, paano natin ito susukatin? Masusukat ba natin ang pag-ibig ng Diyos? Gamit ang Salita ng Diyos, let’s measure it—let’s use the Love Ruler.

 

Love Ruler 1: Bakit Ka Ba Niya Mahal? Basahin mo ang mga talatang ito:

 

“The Lord did not set his love upon you, nor choose you, because ye were more in number than any people; for ye were the fewest of all people: But because the Lord loved you, and because he would keep the oath which he had sworn unto your fathers, hath the Lord brought you out with a mighty hand, and redeemed you out of the house of bondmen, from the hand of Pharaoh king of Egypt”

(Deut 7:7-8, KJV).

 

Bagaman ang tinutukoy dito ay ang pag-ibig ng Diyos para sa Israel, ay makikita natin ang dahilan Niya kung bakit Niya ito minahal; at maihahambing ito sa kung bakit Niya tayo mahal. Hindi mahal ng Diyos ang Israel dahil marami sila; maraming tao kasi ang “nagmamahal” lamang dahil “marami siyang pera”; “mas mabait siya”; “mas maganda siya.” Pumipili ang tao ng relihiyon kadalasan base sa dami ng tagasunod nito. Ngunit ang Diyos, alam na niyang “ye were the fewest of all people” ngunit inibig Niya pa rin. Ako—ikaw? Minahal ka ba ng Diyos dahil may “marami” sa’yo? Hindi. Ano’ng sabi Niya? Minahal Niya ang Israel dahil mahal Niya ito. Minamahal tayo ng Diyos dahil mahal Niya tayo. Ganun lang kasimple!

Love Ruler 2: Paano Kung Ayaw sa Akin Lahat ng Tao? People do have a tendency na hindi mahalin ang tao na hindi minamahal ng karamihan. Kapag ayaw ng maraming tao sa kanya, kahit tayo ay nahahawa na para hindi siya mahalin. Ngunit, tingnan natin ang Dios:

 

Only the Lord had a delight in thy fathers to love them, and he chose their seed after them, even you above all people, as it is this day.

(Deut. 10:15, KJV)

 

Ang Diyos lamang noong panahong iyon ang may kasiyahan na mahalin sila! At alam niyo bang halos ganon din ngayon? Ang lahat ng katabing bansa ng Israel ay nais lipulin ito agad-agad, at kampi pa sa kanila ang mga bansa sa Europa. Amerika lamang ang kakampi nila. Hindi pinansin ng Diyos ang poot na mayroon ang karamihan sa kanila; basta mahal Niya ito, tapos. Tayong iglesiya, bagaman kinapopootan tayo ng karamihan, ay mahal Niya pa rin tayo.

 

Love Ruler 3: Mahal Ba Niya Kahit mga Hindi Kilala? Yes. Basahin mo ito:

 

He doth execute the judgment of the fatherless and widow, and loveth the stranger, in giving him food and raiment.

(Deut. 10:18, KJV)

 

Mahirap para sa tao na mahalin ang isang taong hindi kilala. Mahirap din minsan na para sa atin na tulungan ang taong hindi naman natin alam ang pangalan, o yung wala man lang kahit kaunting koneksyon sa kanya. Ngunit ang Diyos ay mahal siya. In fact, kailan ba tayo minahal ng Diyos? Nung tayo’y ligtas na? Hindi. Minahal na Niya tayo nung tayo’y mga estranghero pa sa Kanya, hindi Niya kilala. Kaya nga dumating Siya sa lupa di ba? Mahal Niya tayong mga estranghero na namatay pa Siya sa Krus para ipakita iyon!

 

Love Ruler 4: Tuwing Kailan Niya Ako Mahal?

 

Yet the Lord will command his lovingkindness in the daytime, and in the night his song shall be with me, and my prayer unto the God of my life.

(Psalm 42:8, KJV)

 

Pag mabait ako? Pag sumusunod ako sa Kanya? Pag maayos ang relasyon ko sa Kanya? Not a bit. Ano’ng sabi sa Kanyang Salita? Mahal ka Niya tuwing umaga; mahal ka rin Niya sa gabi. Ang buhay mo ba sa ngayon ay nasa umaga? Mahal ka Niya. Ang buhay mo ba sa ngayon ay nasa gabi nito? Mahal ka pa rin Niya.

 

Love Ruler 5: Paano Kung Hindi Ako Maniwala? Madalas tayong mag-alinlangan sa pag-ibig ng tao; minsan ay kahit sa Diyos, tulad ng mga Israelita sa sumusunod na talata. Ngunit Siya?

 

The burden of the word of the Lord to Israel by Malachi. I have loved you, saith the Lord. Yet ye say, Wherein hast thou loved us? Was not Esau Jacob’s brother? saith the Lord: yet I loved Jacob.

(Mal 1:1-2, KJV)

 

“Yet I loved Jacob.” Kita mo yun! Mahal pa rin Niya ang Israel kahit nag-aalinlangan ang mga ito sa Kanya. What kind of love is that? Naiiyak ako kapag iniisip ko ito. Mahal Niya ako kahit nagdadalawang-isip ako sa pag-ibig Niya. Mahal ka pa rin Niya.

 

Love Ruler 6: Kaya Ba Niyang Ibigay ang Lahat pati Kanyang Buhay?

 

For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

(John 3:16, KJV)

 

Yes, He can and He did. Nung nagkatawang-tao Siya, iniwan Niya ang lahat ng kaluwalhatian at dumating sa sanlibutang mahirap at walang yaman. Higit pa rito, ay nagpakasakit Siya sa pahirap na ibinigay sa Kanya hanggang sa ipako Siya sa Krus at dinanas ang pinakakahiya-hiyang kamatayan ng isang tao. Kaya ba ito ng pagmamahal mo?

 

Love Ruler 7: Hanggang Kailan Niya Ako Mamahalin?

 

The Lord hath appeared of old unto me, saying, Yea, I have loved thee with an everlasting love: therefore with lovingkindness have I drawn thee.

Jeremiah 31:3, KJV

 

Magpakailanman. Mula pa noong bago ka ipanganak mahal ka na Niya, at hindi matatapos iyon hanggang sa matapos ang walang hanggan. Ang pag-ibig natin ay may hangganan; ngunit ang Kanya’y walang katapusan. O kay dakilang pag-ibig. O kahanga-hangang pag-ibig.

 

Nasukat mo na ba ang Kanyang pag-ibig? Sa totoo nga lang, it’s very unworthy for us to measure His love. He loves us so much na hindi natin kayang ilarawan ito. Milyon man ang gamitin mong “Love Ruler” ay matatapos ka pa rin sa realisasyong walang kapantay, kasinglalim, kasingtaas, kasingganda, kasingtingkad, at kasingtindi ang pag-ibig ng Diyos—para sa lahat, para sa atin, para sa akin—para sa iyo.

Ang realisasyong ito ang tumutulak sa akin na gawin ko rin ang paraan Niya ng pag-ibig. “Oh, hindi mo maaabot iyon, brod!” Oo, but at least masasabi kong sinikap ko. Di ba si Jesus na rin ang may sabi na “Be ye therefore perfect, even as your Father which is in heaven is perfect”? (Matt 5:48, KJV)

Let us be like Him. bdj

 

Amazed by His Love

by Elijah Abanto (written 2010)

Nito lang nakaraang Martes ay nakapanood kami sa Youtube ng preaching ng isang pastor na Mexicano tungkol sa kademonyohan ng Disney at ng mga palabas nito. Nalaman namin na ang “Little Mermaid” ay itinataas ang kasamaan ng child pornography. Hindi man napapansin ng mga manonood, ang mga musical backgrounds nito ay nagsasabing, “Children, put your clothes off.” Maging ang drawing nila ng kastilyo ng kaharian nila Mermaid ay may drawing ng male genitals. Ang sikat-na-sikat na “Lion King” ay may scene kung saan pinopromote ang sex at 666. Ang ibig-sabihin pala ng “Pokahontas” ay “ispiritu papunta sa walang kalaliman”—alam naman nating ang “walang kalaliman” ay pagkukulungan ni Satanas pagdating ng panahon (ang “bottomless pit”). Maging ang mga palabas na akala natin ay pambata ay may tinatago palang sumpa sa mga bata.

And I’m just thinking now, “Alam ito ng Diyos, di ba?” Bago pa namin malaman ang bagay na ito ay alam na ito ng Diyos—alam niya na ang palabas na kinagigiliwan natin ay puno pala ng kademonyohan. So what is He doing? Just sitting pretty there doing nothing about it?

Alam nating hindi ganun ang Diyos. Kitang-kita natin ang pagkilos ng Diyos sa maraming pagkakataon sa ating buhay—sa ating buhay na, kung iisipin ay isang piraso lang ng buhangin sa lahat ng dapat asikasuhin ng MayKapal. Mahal Niya kasi tayo—kaya gumagawa talaga Siya sa lahat ng bahagi ng ating buhay. Ngunit paano ang aking nabanggit? Bakit mukhang hindi kumikilos ang Diyos sa kasamaan na ginagawa ng mga taga-Disney at ng marami pang mga organisasyon at tao dito sa lupa? Dapat ay wasakin na Niya ang mga gumagawa nito na niloloko ang mga magulang at anak na mabuti ang kanilang ipinapalabas.

Ngunit may isang pumipigil sa Diyos: pag-ibig. He cannot do it and will not do it—at least not now. Gusto Niya pa kasing bigyan ng pagkakataon ang mga ito na magsisi at bumalik sa Kanya. Gusto Niyang ipakita na kahit gaano ka pa kasama ay maaari ka Niyang patawarin at iligtas—dahil sa pag-ibig.

Kaya naman namamangha ako. Mabilis kasi tayo, bilang tao na magalit, gumanti—ngunit ang Diyos na Ito ay hindi. He loves them—at isang paraan upang ipakita Niya ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tsansa. Tayo rin—iniisip ko, sa dami ng pagkakamaling nagawa ko, ay binibigyan Niya ako ng pagkakataon. “I have loved thee with an everlasting love,” sabi nga ng Diyos. Hanggang kailan kaya Niya tayo iibigin?

Magpakailanman.

Mercy’s War by Jon Foreman

God is not silent, nor is He dead, as many unbelievers of Him say. He still fights, He’s still in a war, but in a different kind of war. The weapon He uses today are not swords and guns, but mercy, shown in the love displayed by our Lord Jesus. Jon Foreman’s writing prowess here is at its best and masterpiece-like state.

I was looking for excuses
And You offered me my soul
In the name of all my weakness
In the name of rock and roll
By His sickness I am healed
Because they broke You, I am whole
O the wonderful blood of Jesus

I went looking for the fig leaves
And You asked me what they’re for
I was building up a wall
And You offered me a door
I was hoping for silver spoons
When You handed me a sword—
O the wonderful blood of Jesus!

Maker is unmade
Love succumbs to hate
Life himself is slain
Is death the only way?
Is death the only way?

I went looking for religion
Absolutely not a friend
I went looking for ways out
And You showed me the way in
I went looking for a ghost
And instead I found a Man—
O the wonderful blood of Jesus!

Felt like I was at the end
Felt like giving up on life
I talked about Your mother
And denied You once or twice
I plucked out Your beard
Put a sword into Your side—
O the wonderful blood of Jesus!

Life and love are atoned
By the blades of all our swords
We cut the final cord
But this is mercy’s war.

I was chasing after safety
When my world went up in flames
I watched all my defenses
Washed like ashes down the drain
I thought You were a stranger
But You called me out by name—
O the wonderful blood of Jesus!

Your wounds were gaping open
I couldn’t recognize You at first
All I had to offer
Was an insult or a curse
The blood dripped down like poison
On the nauseated earth—
O the wonderful blood of Jesus!

This is mercy’s war

This is mercy’s war

This is mercy’s war
O the wonderful blood of Jesus!

“Mercy’s War” is from The Wonderlands: Dawn EP, released 2015. © Atlantic/Lowercase People Records.

Your Love is Strong by Jon Foreman

These lyrics has been a favorite of those listening to Jon Foreman in his aftershows. This piece shows the powerful love of God for us, displayed by what He’s done and is doing for us now, and what He’ll do for us. This is a combination of the Lord’s model prayer and the discourse on needs.

Heavenly Father,  You always amaze me
Let Your kingdom come in my world and in my life

Give me the food I need
To live through today

And forgive me as I forgive
The people that wrong me.
Lead me far from temptation
Deliver me from the evil one.

I look out the window
The birds are composing
Not a note is out of tune
Or out of place

I walk to the meadow
And stare at the flowers
Better dressed than any girl
On her wedding day.

So why should I worry?
Why do I freak out?
God knows what I need
You know what I need.

The Kingdom of the Heavens
Is now advancing
Invade my heart
Invade this broken town.

The Kingdom of the Heavens
Is buried treasure
Would you sell yourself
To buy the one you’ve found?

Two things You told me
That You are strong
And You love me
Yes, You love me

Your love is, Your love is
Your love is strong
Your love is, Your love is
Your love is strong!

Our God in Heaven
Hallowed be Thy name
Above all names
Your kingdom come
Your will be done

On earth as it is in Heaven
Give us today our daily bread
Forgive us weary sinners
Keep us far from our vices
And deliver us from these prisons!

“Your Love is Strong” (based on Matthew 6:9-13, 25-31) is from the Spring EP, released 2008. © Atlantic/Lowercase People Records.