Serve Until He Returns

Matthew 24:45-51—Who then is a faithful and wise servant, whom his lord hath made ruler over his household, to give them meat in due season? Blessed is that servant, whom his lord when he cometh shall find so doing. Verily I say unto you, That he shall make him ruler over all his goods. But and if that evil servant shall say in his heart, My lord delayeth his coming; And shall begin to smite his fellowservants, and to eat and drink with the drunken; The lord of that servant shall come in a day when he looketh not for him, and in an hour that he is not aware of, And shall cut him asunder, and appoint him his portion with the hypocrites: there shall be weeping and gnashing of teeth.

 

Ang mga talata 45-47 ay napapatungkol sa pagpapalang nakareserba para sa lingkod na natagpuang matapat sa gawain kapag ang kanyang amo ay bumalik na. Ang mga talata 48-51 ay inilalarawan naman ang kasiraan na mapupunta sa lingkod na hindi tinutupad ang kanyang papel nang maayos kapag bumalik na ang kanyang amo.

Ang masamang lingkod ay napapansin ang pagpapaliban: matagal na panahon na nakalipas at hindi pa rin bumabalik ang amo. Ang kanyang napansin ay totoo, ngunit ang kanyang kongklusyon ay mali: Tutal napagpaliban ang pagbabalik ng aking amo, kaya kikilos ako para sa aking kapakinabangan laban sa aking mga katrabaho. Sa mga talatang ito, hindi lamang hinahanda ni Jesus ang mga alagad para sa isang hindi inaasahang pagbabalik. Hinahanda Niya sila sa isang pagpapaliban. Dapat na maging handa ang mga alagad sa pagpapaliban, upang matuto sila mula sa halimbawa ng lingkod na hindi matapat, at magpatuloy nang may katapatan upang magtayo ng mga buhay na kanilang maihahandog kay Kristo sa Kanyang pagbabalik.

Sinabi ni Jesus sa ibang lugar sa kasulatan na ang sa kanya, ang iglesya, ay nasa mundo ngunit hindi pag-aari nito. Sila ay tinawag na mabuhay sa paraan na hindi sila mapapahiya sa Kanyang hindi inaasahan, at biglaang pagbabalik. Tinawag din sila na mabuhay sa paraan na kapag ipinagpaliban ni Jesus ang Kanyang pagbabalik sa loob ng mahabang panahon, ay magpapatuloy pa rin tayong maglilingkod sa Kanya.

Ang pagiging hindi handa ay nagdadala ng mga malatrahedyang bunga. Ang paglalarawan dito ni Jesus ay matindi at nakakapagpabba—At siya’y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga mapagpaimbabaw: doon na nga ang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. May nakikita ang talatang ito bilang babala sa mga hindi mananampalataya, mayroon naman nagsasabi na para ito sa mga hindi matatapat na mananampalataya [bilang pagkapahiya sa harap ng Panginoon]. Anuman sa dalawa, ito ay pangyayari na dapat nating iwasan nang may pag-iingat at pagpupursige.

Ang mga punungkahoy na tinatawag na oak ay matagal lumaki kaysa mga mushroom, ngunit nagbibigay ito nang pangmatagalang silong at matigas na kahoy. Kapag naharap tayo sa katotohanan ng pagpapaliban ng pagbabalik ni Kristo, tayo ay dapat na maging mas maging masigasig na magtayo para sa gawain ng Panginoon.

 

Mula sa Fusion (March, April, May 2009), pp. 110-111. Inilathala ng Random House.

Advertisements

Loving God: Faith and Obedience (Part 2)

by Charles Colson

Apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli, tinawag ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na salubungin Siya sa Bundok ng Mga Olibo (Mount of Olives). Isipin mo na lamang ang kanilang pagkasabik, dahil noong oras na iyon ay naniniwala silang ititindig na ng kanilang Amo ang Kanyang kaharian sa lupa at tutuparin na ang dakilang pangako kung saan kumapit ang mga Judio sa daan-daang taon ng pasakit at pananakop. Magiging hari si Kristo, hindi lamang ng Israel kundi ng buong mundo. At sila ay magiging nasa tabi Niya, na hinahatulan ang mga bansa, nagpapataw ng mga parusa, nagpaparangal ng mga matutuwid. Ang labing-isang lalaking ito, na karamihan ay mga mangingisdang walang-pinag-aralan, ay isinugal ang kanilang mga buhay kay Jesus; naiwala ang lahat sa Pagpapako sa Krus ni Jesus; nakita ang kanilang pag-asa na bumalik noong Pagkabuhay-na-Muli; at sa araw na ito ay makikita ang Jesus na kanilang pinagtiwalaan na naghahari sa lupa. O paanong ang tibok ng kanilang mga puso ay bumilis sa pag-aabang nila habang nagmamadali sa mga daan ng Jerusalem at pataas sa bundok.

At ang halos-walang-hinga nang kagandahan ng sandali sa nasa kanila; ang kanilang minamahal na si Jesus ay naghihintay sa kanila, nakatingin nang malalim sa bawat mata nila. Mismong ang Kanyang presensya ay nakapagdulot ng ganoong paghanga na isa-isa sila ay nagpaluhod sila. Ito na ang Koronasyon.

Sa wakas ang isa sa kanila ay bumulalas ng isang tanong na gusto nilang lahat itanong: “Panginoon, ikaw ba sa oras na ito ay gagawing ibalik ang kaharian sa Israel?” (Mga Gawa 1:6).

Matalim si Jesus, nangangastigo sa Kanyang tugon. “Hindi para sa inyo na malaman ang mga panahon at mga petsa, na inilagay ng Ama sa Kanyang sariling kapangyarihan.” Inutusan na Niya sila na maghintay sa Jerusalem; ngayon ay sinabi naman Niya na may isang kapangyarihan na darating sa kanila doon. “At kayo ay magiging mga patotoo sa akin sa Jerusalem, at sa lahat ng Judea, at sa Samaria, hanggang sa kadulu-dulahang bahagi ng mundo” (Acts 1:7-8).

Pagkatapos noon ay parang bigla huminga ang kalawakan, na naglalagay ng malaking espasyo sa pagitan Niya at nila. Bago pa sila makapagprotesta, wala na Siya, at umakyat sa isang ulap.

Mahirap kahit na isipin ang mga matitinding emosyon na maaari nilang naranasan sa sandaling iyon. Banal na paghanga? Nakakagilalas na takot? At anong inisyal na pagkadismaya! Naiwan na silang nag-iisa, mga tinalikuran sa kanilang sariling lupain. Kaunti lamang ang kanilang mga pinagkukuhanan ng yaman. At higit sa lahat ng mga ito, inutusan pa sila na bumalik at maghintay—ang pinakamahirap sa lahat para sa mga malalakas na lalaki na gawin.

Nalalaman kung gaano sila katao at kung saan nanggaling ang bawat isa, maaari nating isipin ang mga pagpipilian na maaaring pinag-isipan nila; si Philip, ang isang mahinang ito, ay nais na magtago sa mga burol; si James at John ay gusto na agad na ipakalat ang salita; si Simon Zelotes ay gusto na bumuo na lamang ng isang gerilya; ang iba ay nakikita ang kanilang pag-asa sa mga kilusan tulad ng pag-agaw ng kontrol ng gobyerno—ang mga kaparehong opsyon na kinai-interesan ng napakaraming mga mananampalataya ngayon.

Ngunit inutusan sila ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Maghintay para sa ano? Laban man ito kung iisipin sa kanilang bawat pakiramdam, ang “maghintay” ang eksakto nilang ginawa. Sila ay sumunod at, mahirap man na intindihin, ay ginawa ito nang may “dakilang kagalakan.”

Sa loob ng sampung araw sila ay naghintay—120 sila lahat-lahat, nagsasama-sama sila, nang may isang pag-iisip at nagpapatuloy sa panalangin. Sila ay naghintay. At pagkatapos ito ay dumating.

Nang may pwersang tulad sa isang libong ipo-ipo ang kapangyarihang ipinangako ay nahimlay sa kanila at ang Banal na Ispiritu ay pinalakas ang mga ordinaryong lalaking ito na gawin ang Gawain ng Dios. Bawat isa sa kanila ay naging higante ng pananampalataya. Bilang resulta, sa loob ng isang dantaon kalahati ng kilalang-mundo noon ay kumilala kay Kristo.

Ang desisyon ng mga alagad na sumunod kay Jesus pagkatapos ng Pag-akyat sa langit ay nagpatunay ng isang punto ng pagbabago sa kasaysayan. Hindi na ulit tulad ng dati ang mundo.

Ang realisasyon ng mga alagad na si Kristo ay kung ano ang sinasabi Niyang Siya ang tumulak sa kanila sa pagsunod. Iyan ang mala-kasaysayang realidad ng Kristiyanismo.

Nauunawaan na ito’y napakahalaga, dahil ito ang nag-iiba ng Kristiyanismo mula sa lahat ng ibang mga relihiyon. Ang Kristianong pananampalataya ay nakahimlay hindi lamang sa mga dakilang katuruan o pilosopiya, hindi sa karisma ng isang pinuno, hindi sa tagumpay sa pagtataas ng mga moral na pagpapahalaga, hindi sa kakayahan o kahusayang-magsalita o mabubuting gawa ng mga kakampi nito. Kung magkaganon, ito ay wala nang higit na pagtawag sa awtoridad kaysa sa mga kasabihan ni Confucius o ni Mao o Buddha o Mohammed o sinuman sa libu-libong mga kulto. Ang Kristiyanismo ay nahihimlay sa katotohanang pangkasaysayan. Si Jesus ay nabuhay, namatay, at nabuhay mula sa mga patay upang maging Panginoon ng lahat—hindi lamang sa teorya o pabula, kundi sa katotohanan.

Nauunawaan iyon, ang Kristiyanismo ay dapat na maglabas mula sa mananampalataya ng kaparehong tugon na nakuha nito mula sa mga unang alagad: isang masidhing kagustuhan na sundin at lugurin ang Dios—isang ginustong pasukin na disiplina. Iyan ang simula ng totoong pagiging disipulo. Iyan ang simula ng pagmamahal sa Dios.

 

Para sa alagad ito ay malinaw na malinaw; malinaw silang inutusan ni Jesus na bumalik sa Jerusalem at maghintay. Ngunit paano natin malalaman ang dapat nating gawin? Ang ganyang kalinaw na mga utos ay hindi kadalasang dumarating sa ating kaligtasan; walang boses mula sa langit na nagbibigay sa atin ng mga utos. Kaya saan tayo pupunta para mahanap ito?

May isang mambabatas, isang Fariseo na nagnanais na ilagay si Jesus sa isang patibong, na nagbigay ng kapareho ding tanong sa Kanya ilang dantaon nang nakakaraan. “Guro,” sinabi nito, “ano ang pinakadakilang kautusan sa Batas?” (Mateo 22:36). Ang tugon ni Kristo ay naitatak sa mga alaala ng mga mananampalataya mula noon: “Ibigin ang Panginoon mong Dios na buo mong puso at buo mong kaluluwa at buong mong pag-iisip. Ito ang una at pinakadakilang kautusan.”

“Ngunit paano ba natin mamahalin ang Panginoon?” maitanong natin. Sinagot ito ni Jesus sa isang diskusyon kasama ang mga alagad: “Kung mahal ninyo ako, tuparin ninyo ang aking mga kautusan” (John 14:15). O, tulad sa isinulat ng apostol Juan paglaon, “Ito ang pag-ibig ng Dios, na tuparin natin ang Kanyang mga kautusan” (1 John 5:3).

At iyon ang nagdadala sa atin sa isang lugar: ang Banal na Biblia. Upang masunod ang Kanyang mga kautusan, dapat nating malaman ang Kanyang mga kautusan. Nangangahulugan iyon na dapat natin malaman at sundin ang mga Kasulatan, ang susi sa pagmamahal sa Dios at ang simulang punto para sa pinakasabik-sabik na paglalakbay ng buhay.

Ngunit mabalaan kayo: Kung hindi ka pa handa na maalis ang iyong mga kaaliwan sa buhay, mas mabuti pa na tumigil ka nang magbasa ngayon.

Ilang taong nakalilipas may isang artikulo sa magazine tungkol sa aking ministeryo sa kulungan na nagtapos sa “ang kulungan ang nagbago ng buhay ni Chuck Colson.” Nauunawaan ko naman na maaaring maisip iyon ng taga-ulat, ngunit ito ay hindi sa gayon. Maaari naman akong lumaya sa kulungan at kalimutan na lamang ito; sa totoo nga lang iyon ang gusto ko. Ngunit kahit na ang bawat makataong pakiramdam ay nagsasabi, “Alisin mo na ito sa iyong isip magpakailanman,” patuloy na inihahayag ng Biblia sa akin ang pagkasidhi ng Dios para sa mga nasasaktan at nagpapasakit at nahihirapan; ang Kanyang mapilit na Salita ay sinasabi sa akin na maawa din ako tulad Niya.

Ang “nagbago” sa akin ay hindi ang kulungan, ngunit ang pagsasapuso ng mga katotohanang inihayag sa Kasulatan. Sapagka’t ang Biblia ang siyang kumompronta sa akin nang may bagong kaalaman ng aking kasalanan at pangangailangan para sa pagsisisi; Biblia ang nagdulot sa akin na magutom para sa katuwiran at hanapin ang kabanalan; at ang Biblia ang tumawag sa akin sa pakikisama sa mga nagdadalamhati. Ang Biblia ang patuloy na humahamon sa aking buhay ngayon.

Iyon ay isang matinding bagay. Ito ay nakaka-convict. Ito ang kapangyarihan ng Salita ng Dios at ito ay, sa sarili lamang nito, ay nakakapagbago ng buhay.

Handa ka na bang magpabago nang totoo sa Salita ng Dios at sumunod sa Kanya bilang patunay ng iyong pag-ibig sa Dios?

 

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 36-40. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

The Power of Story

Sinabihan tayong makinig; kaya naman sinisikap nating makinig. Ngunit hindi doon nagtatapos; kahit ang nagsasalita ay dapat na ginagawa ang nararapat upang talagang makinig ang tao, hindi basta napipilitan lamang. May nagsabi ngang isang professor ng isang Christian university sa US, “Kasalanan ang i-bore ng guro ang estudyante habang pinepresenta niya ang katotohanan.” The truth is not boring, yes; pero kung ito’y itinuturo sa nakaka-boring na paraan, hindi rin niya makukuha ang atensyon ng nakikinig.

Which brings us to the subject of how to teach. Paano natin tinuturuan ang ating mga estudyante, sa Sunday School, secular school, o sa ating tahanan mismo? Si Kurt Bruner, group vp ng media and communications sa organisasyong Focus on the Family, ay ikinuwento ang kanyang experience kasama ang kanyang anak. Tinanong niya kung ano’ng lesson noong Sunday School. Sumagot ito at nagsabi, “Ah, tungkol uli sa Diyos.” Halos maramdaman na niya ang paghikab sa boses nito. That’s not the way it should be.

So, kung gusto nating i-improve ang ating teaching skills, matuto tayo mula kay Jesus, ang tinaguriang Master Teacher. Ano ang ginagawa Niya para magturo ng mga katotohanan? He tells stories. Basahin mo ang mga ebanghelyo, at makikita mong nagbabahagi Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng kwento. Kaya naman mula bata hanggang matanda, kayang makinig nang buong maghapon sa mga salita Niya.

We must be like Jesus, right? And so, we must be  good storytellers. Bilang magulang na nagtuturo ng mga aralin sa buhay sa ating mga anak, kailangan ito. Bilang mga guro sa kahit anong larangan, we must be good at telling stories. Kung alam nating ang ating ibabahagi ay isang mahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos, stories are needed. In fact, basahin mo ang Bible. Hindi ba ang mismong librong ito ay aklat na puno ng kwento? Kung atin pang iisipin, ang Biblia ay isang kwento—ang kwento ng Diyos at Kanyang pakikitungo sa mga tao. No wonder ang Bible ay bestseller.

—Bro. Elijah Abanto

With All My Heart: Tips Upang Maging Tunay na Mapagbigay

Give to him that asketh thee, and from him that would borrow of thee turn not thou away.

Matthew 5:42, KJV

 

God is a Giver. Hindi ko man sabihin ang pangungusap na ito ay alam mo na siguro ang katotohanang iyon. Mapagbigay talaga Siya. Ang ating buhay, ang katawang may kakayahang makakita, magsalita, o gumawa. Ang hanging nalalanghap, ang pagkaing kinakain natin, ang kagandahan ng kapaligiran, katalinuhan, karunungan, pera, bahay, damit—lahat ng mga ito ay bigay ng Diyos. Mga kaibigan, iyong asawa, mga kapatid—sa Diyos lahat sila nanggaling. At kung ikaw ay tiyak nang pupunta sa langit, ang Diyos ang nagbigay sa iyo ng kaligtasan. At ang kaligtasan na iyon ay dahil ibinigay Niya sa atin ang Kanyang Anak. Kaya kung si Jesus ay miyembro ng isang iglesiya, Siya ang tunay na makatutupad sa responsibilidad na magbigay sa Gawain, dahil Siya, ang sarili Niya ang Kanyang inalay sa atin. Purihin ang Panginoon!

… Ngayon ay ikaw naman. Are you a giver? Nagbibigay ka ba? Oo, lahat tayo ay nagbigay na, sa ilang mga pagkakataon ng buhay. Kung may kakayahan nang magbigay ang isang taong wala pang Kristo sa puso, mas lalo na tayo, dahil nasa atin si Kristo. Malamang marami sa atin ang nakapagbigay na ilang beses sa ating buhay. Ngunit may mga pagkakataon (mas madalas na mga pagkakataon) ay mahirap magbigay. Minsan ang taong iyon ay alam nating hindi karapat-dapat, o kaya naman ay galit tayo sa kanya, o kaya iniisip mo ay baka maubos ang pera, o na baka para sa inyo na lamang ang bagay na pwede mong ibigay. Maraming mga rasonableng mga dahilan para hindi magbigay, at kahit sino, ay nagiging dahilan ang isa sa mga ito para hindi rin magbigay sa kung sino man, kasama na ang Diyos.

We all must learn to give. “It is more blessed to give than to receive,” sabi nga ng Kasulatan (Acts 20:35). Walang sinabi rito na mas mapagpalang magbigay sa partikular na klase na tao, tulad ng anak, kapatid, o kaibigan; o mas mapagpalang magbigay sa partikular na klase ng sitwasyon, tulad kung may sobrang pera, pag gusto mo, atbp. Tayo ay dapat na magbigay sa kahit anong klase ng tao, sa lahat ng klase ng sitwasyon. “…He maketh his sun to rise on the good and on the evil, and sendeth rain on the just and on the unjust,” sabi ni Jesus tungkol sa Ama (Matthew 5:45). Ang tunay na pagiging mapagbigay ay walang kondisyon.

So I will ask again, Are you a giver? Giver sa tunay na kahulugan ng salita? Ngayon ay kasama niyo na ako na magsasabi, “Ang hirap eh.” Ngayon ay malinaw na kung ano ang ibig-sabihin ng pagiging mapagbigay. Isa pang dahilan ng Panginoon kung bakit hindi ka masasabing mapagbigay kapag nagbigay ka sa partikular na tao o sitwasyon:

For if ye love them which love you, what reward have ye?

do not even the publicans the same? And if ye salute your brethren only,

what do ye more than others? do not even the publicans so? (Matt 5:46-47, KJV)

Kung magbibigay ka lamang sa karapat-dapat bigyan, ano’ng pagkakaiba mo sa mga hindi ligtas? Kung magbibigay ka lang kung “mayroon” ka, ano’ng pinagkaiba mo sa mga ordinaryong tao? Hindi ba ganun sila?

Paano ako matututong maging mapagbigay?

1) Magsisi at humingi ng tawad sa Panginoon. Aminin muna natin sa Diyos ang ating pagkakamali. Hangga’t hindi natin naaamin ang isang kasalanan, ay hindi natin magagawan iyon ng solusyon. Sabihin natin sa Diyos, “Patawad, Panginoon, dahil hindi po ako nagiging mapagbigay, tulungan Niyo po akong maging mapagbigay.” That would be great start toward becoming a giver.

2) Laging magdala ng bagay na maaari mong maibigay. There are many times na kaya ako hindi nakapagbigay ay dahil wala akong dala. Siguraduhing magdala ng isang bagay, hindi naman laging pera, na maibibigay mo. Mas mahirap hindi magbigay kung may laman ang bulsa. Isa pa, ang paghahandang magbigay ay hindi lamang sa panlabas, kundi sa loob. Maging determinado sa iyong puso na ikaw ay magbibigay sa oras na ito.

3) Tingnan ang lahat ng sitwasyon na pare-pareho. Ibig-sabihin, huwag mong isipin kung may pera ka o wala, kung dapat ba siyang bigyan o hindi. Isipin na ang bawat sitwasyon ay isang oportunidad para ikaw ay magbigay. Maaaring wala ka ngang pera sa oras na may nangangailangan, ngunit kung nakikita mo itong oportunidad, ay gagawa ka ng paraan para magawang magbigay. Si Jesus, noong may limang libo, dahil wala Siyang salaping maibibigay pambili ng tinapay, ay gumawa ng himala.

4) Umibig ka. Alam mo ba ang dahilan kung bakit ibinigay ng Diyos ang Kanyang Anak? Iyon ay dahil sa pag-ibig. (John 3:16) Paano mo magagawa na batuhin ng tinapay ang bumabato sa iyo ng bato? Ibigin mo ang iyong kaaway, di ba? (Matthew 5:43-44) “You can give without loving,” sabi nga ng isang kasabihan, “but you cannot love without giving.” Magmahal ka. Don’t get me wrong! Hindi romantic love ang tinutukoy ko rito, kundi ang pag-ibig na tinutukoy ng 1 Corinthians 13—unconditional love. Kapag minahal mo ang sinuman na lumalapit sa iyo, you cannot help but give.

5) Ilagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon ng nangangailangan o humihingi. Baligtarin mo ang sitwasyon—matutuwa ka ba kung hindi ka nabig yan? Alam mo na hindi. “Therefore all things whatsoever ye would that men do to you, do ye even so to them: for this is the law and the prophets” (Matthew 7:12). Kung gusto mong bigyan ka, magbigay ka rin.

6) Magpasalamat sa Panginoon sa pagkakataon na ikaw ay nakapagbigay. “In everything give thanks: for this is the will of God in Christ Jesus concerning you,” sabi ng 1 Thessalonians 5:18. Kapag nagawa mo ito, maiisip mo na isang pribilehiyo ang magbigay, hindi isang kawalan.

 

As you do these things, ipinapanalangin ko na dalhin ka nito sa punto na magiging tunay kang mapagbigay. Yung walang reserbasyon, walang panghihinayang. Nawa dumating tayo sa panahong mag-aabot tayo sa Panginoon at sa kapwa at masasabi natin, “With all my heart.”

That Oh, So Precious Trust

“You can’t afford to lose it! narinig ko sa isang English drama. Madalas ko rin itong mabasa sa mga nobela, kahit non-fiction. Kapag naaalala ko ang mga katagang ito, kadalasang sumasagi sa aking isip ang tiwala. Trust. That oh, so precious trust. I can’t afford to lose it!

Mahalaga sa bawat relasyon ang tiwala. Sa pagitan ng mag-asawa. Sa pagitan ng magulang at anak. Sa pagitan ng magkaibigan. Sa pagitan ng employer at ng employee. Sa pagitan ng lider at ng mga tagasunod. Ang tiwala ay isang bagay na hinding-hindi mo kakayaning mawala. Kung walang tiwala sa magkaparehong kampo, hindi magtatagal at ang kaugnayan sa isa’t isa ay masisira, mawawasak. Kailangan lamang ng panahon, matatapos sa kalunus-lunos na hinaharap ang isang relasyong walang tiwala bilang sangkap.

Kung nais mong mapanatili mo ang tiwala sa’yo ng mga taong nakapaligid sa’yo, mayroon lamang mga kaunting payo ang Salita ng Diyos:

1) Magtiwala ka muna sa Panginoon. (Proverbs 3:5)

Kung akala natin ang kawalan ng tiwala ay nangyayari lamang nang tao sa tao, ay nagkakamali ka. Minsan ay dumarating din tayo sa punto na hindi na tayo nagtitiwala sa Diyos. Hindi natin maintindihan ang mga nangyayari, ang mga dumarating sa ating buhay, kaya naman nawawalan din tayo ng tiwala sa Kanya. Ngunit hindi ito dapat.

Kapag nawalan na tayo ng tiwala sa Panginoon ay hindi magiging kataka-taka kung gagawin na natin ang mga bagay ayon lamang sa ating pananaw at kalooban. Alam naman natin siguro kadalasan na ang ating sariling opinyon  o pag-iisip o kalooban ay hindi magdadala sa atin ng magandang resulta kundi, mas masaklap pa. Alalahanin mo si Adan at Eba. Si Cain. Si Abraham. Si Sarah. Si Pedro. Alam mo kung ano ang kapalit ng walang pagtitiwala sa Panginoon.

Madalas ang kawalan natin ng tiwala sa Diyos ay dala lamang ng hindi natin lubos na pagkaunawa sa mga pangyayari at mga bagay. Magtiwala pa rin tayo sa Panginoon. At kung ginagawa natin ang mga bagay ayon sa Kanyang kalooban, mas madalas na makukuha natin ang tiwala ng iba.

2) Huwag kang magtiwala sa iyong sarili. (Proverbs 28:26)

Ang mundo ngayon ay binibigyan ng kagandahan ang pagtitiwala sa sarili, ngunit, gaano man nila ito pagandahin, sa loob ay may kapangitan ito na hindi dapat pang makita. “The heart is deceitful above all things,” kaya hindi tayo nararapat tumingin sa sarili.

Madalas ang tiwala natin sa ating sarili ang nagdadala sa atin sa mga maling konklusyon at desisyon.

3) Magtiwala ka rin sa iba. (1 Corinthians 13:7)

Hindi ito ang pagtitiwalang tulad ng hinihingi ng Diyos mula sa iyo kundi tiwala, na, umaasa kang gagawin ng tao ang iyong sinabi, pinangako sa’yo o inaasahan mula sa kanila. Maaaring nasaktan ka, siniraan ka, halos winasak na ang buhay mo, hinayag ang iyong mga sikreto, binalewala ka, tapos biglang darating ang sinumang taong iyon at bigla na lamang hihingi ng tawad, ng dispensa… at ng tiwala.

Oo, mahirap, mahirap. Ngunit ang susi upang magawa mo ito ay asahan na may pagkakataon talagang hindi niya ito matutupad, dahil nga tao lamang ito at isang makasalanan. Kapag lagi mo itong isinasaisip ay hindi ka na madaling madi-disappoint sa mga pagkukulang o pagkakamaling magagawa nung taong pagtitiwalaan mo.

Alalahanin mo rin na nagtitiwala din sa’yo ang Diyos. Higit sa lahat, ang Diyos ang nakakaalam na maaari mo Siyang biguin sooner or later, ngunit, narito pa rin Siya, handa pa ring magtiwala.

4) Gumawa ka ng higit sa inaasahan sa’yo. (Ecclesiastes 9:10)

Kung inaasahan niya na magbibigay ka ng card, dagdagan mo ng rosas. Kung umaasa siya na pupurihin mo siya sa kanyang ginawa, bakit di mo pa siya i-treat? Do more than what is asked and expected, and you can be sure you will be trusted by that person sometime.

Hindi ba ganun ang ginagawa ng Diyos sa atin? Sa oras na ang inaasahan natin ay parusa, ay binigyan Niya tayo ng biyaya. Gumawa Siya nang higit sa inaasahan natin, kaya naman ganon na lamang ang tiwala natin sa Kanya.

 

That oh, so precious trust. Gustung-gusto natin ng tiwala, yan ay katotohanan. But, you know it really costs something. Sometimes, it costs everything. Pero it’s worth it.

Para lang makuha ang ating tiwala, God gave all, even His own precious Son. And what He got was worth it. Our trust.

Fear Vs. Love

“Hindi ako matatakot, mahihiya, anuman ang sabihin nila, dahil mahal kita!” kanta na sintunado ng isang naka-spaghetti na babae sa may videokehan. Hindi ko alam kung naiintindihan talaga nung babae yung kinakanta niya o basta na lang niyang kinanta ang sikat na awitin na iyon. Mali ang musika nito, siyempre, maging ang mensahe ng awitin ay mali din, siyempre, ngunit ang isang bahaging ito ng awitin ay nagpaalala sa akin ng isang bahagi ng kasulatan:

 

There is no fear in love; but perfect love casteth out fear: because fear hath torment. He that feareth is not made perfect in love.

(1 John 4:18)

 

“Walang takot sa pag-ibig; subalit ang ganap na pag-ibig ay itinataboy ang takot: sapagka’t ang takot ay may pahirap. Siya na natatakot pa ay hindi pa napaganap sa pag-ibig.”

Bihirang magsalubong ang takot at pag-ibig. Lagi itong magkasalungat. Bukod sa pagkakaroon ng takot sa Diyos, wala nang ibang klase ng takot na tutugma o sasang-ayon sa konsepto ng pag-ibig. Kung may pag-ibig ka, wala kang takot. Kung ikaw ay takot, wala ka pang pag-ibig. Ganoon lamang kasimple. If there’s no fear, there’s love. If there’s fear, there’s no love. Sabi nga ng isang kilalang awtor na si Frank Sant’Agata, “Hindi maaaring magsama ang pag-ibig at takot. Kung nasaan ang isa, hindi pwedeng naroon din ang isa. Mabilis na aalis ang isa, kapag pumapasok ang isa sa presensya nito” (Fear and Love, © 1996).

Noon pa man ay nandyan na ang sakit ng kaluluwa na tinatawag na takot. Pakinggan mo pa lang ang salita ay nakakapanlamig na ang pakiramdam. Marami nang nasirang buhay dahil sa takot. Marami nang pangarap na hindi naabot dahil sa takot. Maraming problema ang nanatili dahil sa takot na harapin ito. Maraming pumunta at pumupunta ngayon sa impyerno dahil sa takot. Maraming mga mahahalagang gawain ang hindi natatapos dahil sa takot. Alam mo ba na ang takot ay scientifically proven na nakaka-apekto sa ating respiratory system? Nahihirapan kang huminga, mabilis kang hingalin, at naninikip ang iyong dibdib kapag ikaw ay natatakot. At ang nakalulungkot ay nagiging dahilan din ito para tayo ay hindi makapag lingkod sa Panginoon: takot bumagsak ang grado sa school, takot na mawalan ng trabaho, takot na baka iwanan ka ng mga malalapit sa’yo. Ang mas nakakapangalumbaba ay kapag dumating ang panahon na takot na tayong magtiwala sa Diyos.

Ito ay isang katotohanan: ang takot ay galing sa diyablo, hindi sa Diyos.

For God hath not given us the spirit of fear … (2 Timothy 1:7a)

Kung hindi ang Diyos ang nagbibigay ng ispiritu ng takot sa ating mga kalooban, sino kaya ang tunay na nagbibigay? Si Satanas at kanyang mga kampon. Nais ng Diyos na ikaw ay maging matapang, ngunit bibigyan ka ng diyablo ng mga pag-iisip upang hindi mapayapa ang iyong ispiritu.

Ngunit alam natin na hindi tamang payagan ang diyablo na paghariin sa atin ang takot. Lagi nga nating mababasa sa Biblia na tuwing magpapakita ang Diyos o isang anghel sa visible na paraan sa isang tao, ay laging paunang sinasabi ang, “Fear not,” o “Huwag kang matakot.” God sees fear as an undesirable quality, at nais Niyang makalaya tayo mula sa kadena nito.

Ngunit ano ba ang solusyon? Tulad ng ibang mga problema, sa Diyos lamang makukuha ang solusyon sa problema ng takot, at iyon ay mula sa Kanyang Salita. Tulad ng talatang nabasa natin kanina:

For God hath not given us the spirit of fear, but of power, and of love, and of a sound mind. (2 Timothy 1:7)

Kung ikaw ay isang Kristiano na, nasa atin na ang solusyon! Ibinigay na sa atin ng Diyos! Kapangyarihan, pag-ibig, at isang matinong pag-iisip. Ang mga ito pala ay kalaban ng takot! Kailangan lang nating manampalataya sa Kanya na ito ay nasa atin. Kung ang takot ay mawawala, mahalaga na nasa ating mga sarili ang tatlong ito. Ngunit higit sa lahat ay ang pag-ibig.

Nito ko lang napagtanto habang pinag-aaralan ang 1 John 4:18, na ang kabaligtaran ng takot ay hindi tapang o courage, at na ang kabaligtaran ng pag-ibig ay hindi poot o hate. Ang kabaligtaran ng fear ay love; ang kabaligtaran ng love ay fear. Ang tapang at poot ay mga ekspresyon lamang ng ating takot o pag-ibig. Balikan natin ang talata:

There is no fear in love; but perfect love casteth out fear…

(1 John 4:18a)

Ang solusyon sa ating takot ay pag-ibig! Hindi ko na kaya itong ipaliwanag pa sa mga komplikadong mga termino, ngunit, hayaan ninyo akong magbahagi ng mga bagay na aking nasaksihan.

Una ay tuwing ako’y nagha-house-to-house. Si David Wood na rin, awtor ng kilalang aklat na The Jerusalem Factor, ang nagsabi na ang pangunahing hadlang sa pagso-soul winning ay takot. Ito ay personal kong naranasan. Kasama ko ang aking bunga sa pananampalataya, at, hindi siguro niya napapansin ngunit, ilang bahay na ang aming nalalagpasan—dahil naghahari sa puso ko ang takot—baka sigawan nila ako, baka hindi naman sila tumanggap, lahat na ng “baka” ay pumasok na sa isip ko. Pagtapat namin sa isa pang bahay ay tumigil ako. Hindi maari ito, sabi ng isip ko. Ang mga taong ito ay papunta ng impyerno, at ayaw iyon ng Diyos. Mahal sila ng Diyos, kaya dapat mahalin ko rin sila! “Dito tayo!” sabi ko sa kasama ko, at ang takot ay naglahong bigla at ang pag-ibig ng Diyos ang namukadkad. Kapag nasa anumang lugar ako, ang dahilan kung bakit ako nakakapagbigay ng tracts ay dahil sa pag-ibig. Kung hindi man sa akin nanggagaling ang pag-ibig na iyon, ay sa Diyos iyon. Ang ekspresyong, Ayokong pumunta sila sa impyerno! ay isang ekspresyon ng pag-ibig.

Kukuha din ako ng halimbawa sa isang popular na palabas sa telebisyon noong 2006: ang Jewel in the Palace. (Sa lahat ng drama na naipalabas, ito ang tanging masasabi kong dapat panoorin ng isang Kristiano.) Kilala si Jang-geum sa paggawa ng mga bagay na halos-magdala sa kanya sa kamatayan. Tulad noong maaresto ang kanyang amain na si Duk-Gu, ay naghari ang pag-ibig niya rito upang maging matapang na subukan ang lason na nakaapekto sa prinsipe, para lamang ito ay mailigtas niya. Pag-ibig sa bayan ang dahilan kung bakit hinamon niya ang inang-reyna sa isang bugtung-bugtong. Pag-ibig sa reyna ang nagdala sa kanya upang hamunin ang diagnosis ng isang nurse rito. Kung nanguna lamang ang takot niya, ay iisipin niyang baguhan lamang siyang nars at hindi na dapat pang makialam sa reyna. Kung hindi dahil sa pag-ibig para kay Lady Han at kanyang ina, hindi niya tatangkaing kunin ang mga rekord na medikal ng hari para patunayang sila ay mga inosente. Kung hindi dahil sa pagmamahal niya upang mapagaling ang hari, ay hindi niya imumungkahi ang pag-oopera nito sa bituka, na noong panahon na iyon ay isang lapastangan at pwedeng hatulan ng kamatayan.

Hindi pag-ibig ang pagpaparaya na lamang sa isang tao, tulad ng ipinapakita ng maraming telenovela at drama. Ito ay pagkakaroon ng tapang upang ipakita at ipahayag ang tunay na nararamdaman. Pag-ibig ang nagtulak sa aking ama upang maging matapang na mag-walk out sa maling ginawa ng isang pastor sa camp service—pag-ibig dahil, ayaw niyang magkaroon kami ng pagkalito sa kung ano ang tama at mali. Hindi kailanman pag-ibig ang pagto-tolerate o pagbabalewala sa mali. Pag-ibig ang nagtutulak sa magulang upang pagalitan at disiplinahin ang anak. Hindi pag-ibig ang pagbibigay ng layaw sa anak—sa pagpayag ng lahat ng gusto niya.

Ano ang solusyon sa takot? Pag-ibig. At ang pinakamalaking halimbawa ng pag-ibig ay ang Diyos. Pag-ibig ang nagdala sa Kanya upang tayo ay likhain. Pag-ibig ang nagdala sa Kanya upang ipadala Niya si Jesus sa lupa para mamuhay kasama ang mga nakakatakot na makasalanan at mamatay sa krus. Kung takot lamang, ay marami nang tukso ang dumalaw kay Jesus para magkaganun. Ngunit pinaghari Niya ang pag-ibig para sa walang-pag-asa at kawawang makasalanang tulad ko. Tulad mo. Kung Siya ay takot, ay hindi Siya maglalakas-loob na ituro sa publiko ang mga ka-ipokritohan ng mga Fariseo at mga religious leaders noong panahon Niya, dahil maaari Niyang isipin na makapangyarihan ang mga ito at maaari Siyang ipapatay. Kung Siya ay takot, ay hindi Niya magagawang palayasin ang mga nagbebenta sa templo. Kung Siya ay takot, hindi Siya papayag na traydorin ng isang kinilalang kaibigan at mahagupit at mamatay sa Krus ng isang kahiya-hiyang kaparaanan.

Nagulat ka ba sa solusyon ng Biblia sa takot?

… He that feareth is not made perfect in love. (1 John 4:18c)

Kung natatakot ka pang bumagsak ang grado sa school kaya hindi ka papasok, hindi pa ganap ang pag-ibig mo sa Diyos. Kung natatakot kang mawalan ng trabaho kaya ka hindi dadalo sa iglesiya, hindi pa ganap ang pag-ibig mo sa Diyos. Kung natatakot ka na baka talikuran ka ng asawa o mga anak mo pag sumunod ka sa Panginoon, hindi pa nagiging ganap ang pag-ibig mo sa Diyos. Kung natatakot ka na baka ka tanggihan ng tao pag sinubukan mo silang i-win sa Panginoon kaya hindi mo na lang gagawin, hindi pa ganap ang iyong pag-ibig. Kung natatakot ka na baka layasan ka ng anak mo pag dinisiplina mo siya, hindi pag-ibig ang ipinapakita mo. Kung takot ka, hindi ka pa talagang umiibig.

Nagawa lahat ng Diyos ang mga nagawa Niya para sa atin dahil sa pag-ibig—dahil Siya ay pag-ibig. “God is love,” sabi nga ng 1 John.

Sabi nila, panahon ngayon ng pag-ibig, ngunit malaking porsiyento ng sanlibutan ay hindi pa talaga umiibig. Kung puno pa ng takot ang iyong puso, maaaring hindi mo pa nakikilalang tunay si Jesus. Magsisi ka sa iyong mga kasalanan at tanggapin Siya sa puso mo bilang Tagapagligtas at puso.

Nakalulungkot dahil tayo, na anak na ng pag-ibig, (ang aking tinutukoy ay tayong mga ligtas na,) ay pinaghahari pa rin ang takot sa ating mga buhay. Bakit hindi natin kunin ang kapangyarihan ng Diyos, at paghariin ang pag-ibig sa ating mga puso? Ito ang solusyon ng Biblia sa ating mga takot.

The Love Ruler

by Elijah Abanto

February ang tinatawag nilang “Love Month” o “Valentine’s Season.” But let me tell you something: love must not be seasonal; it must be all the time. Sabi nga ni Bro. Jeremiah Abanto nung maging EMCEE siya sa isang worship service, “Hindi lang naman ho pang Valentine’s ang pag-ibig; sa amin hong mga Kristiano ay laging Valentine’s.” Yes. It must be that. Ang mga tao kasi nagpapakabanal lamang pag Mahal na Araw; nagbibigay lamang kapag Pasko; at nagmamahal lamang kapag Araw ng Mga Puso. Ngunit hindi dapat maging ganoon sa atin. Bawat araw ay Mahal na Araw para sa atin; bawat sandali ay Pasko; at bawat panahon ay Araw ng Mga Puso.

I know of Someone whose love is just like that—He is God. Actually, sa kadakilaan ng katangian Niyang ito ay sinabi ni Apostle John na “God is love” (1 John 4:8, 16). Ang Diyos ay pag-ibig. Kung ganon, paano natin ito susukatin? Masusukat ba natin ang pag-ibig ng Diyos? Gamit ang Salita ng Diyos, let’s measure it—let’s use the Love Ruler.

 

Love Ruler 1: Bakit Ka Ba Niya Mahal? Basahin mo ang mga talatang ito:

 

“The Lord did not set his love upon you, nor choose you, because ye were more in number than any people; for ye were the fewest of all people: But because the Lord loved you, and because he would keep the oath which he had sworn unto your fathers, hath the Lord brought you out with a mighty hand, and redeemed you out of the house of bondmen, from the hand of Pharaoh king of Egypt”

(Deut 7:7-8, KJV).

 

Bagaman ang tinutukoy dito ay ang pag-ibig ng Diyos para sa Israel, ay makikita natin ang dahilan Niya kung bakit Niya ito minahal; at maihahambing ito sa kung bakit Niya tayo mahal. Hindi mahal ng Diyos ang Israel dahil marami sila; maraming tao kasi ang “nagmamahal” lamang dahil “marami siyang pera”; “mas mabait siya”; “mas maganda siya.” Pumipili ang tao ng relihiyon kadalasan base sa dami ng tagasunod nito. Ngunit ang Diyos, alam na niyang “ye were the fewest of all people” ngunit inibig Niya pa rin. Ako—ikaw? Minahal ka ba ng Diyos dahil may “marami” sa’yo? Hindi. Ano’ng sabi Niya? Minahal Niya ang Israel dahil mahal Niya ito. Minamahal tayo ng Diyos dahil mahal Niya tayo. Ganun lang kasimple!

Love Ruler 2: Paano Kung Ayaw sa Akin Lahat ng Tao? People do have a tendency na hindi mahalin ang tao na hindi minamahal ng karamihan. Kapag ayaw ng maraming tao sa kanya, kahit tayo ay nahahawa na para hindi siya mahalin. Ngunit, tingnan natin ang Dios:

 

Only the Lord had a delight in thy fathers to love them, and he chose their seed after them, even you above all people, as it is this day.

(Deut. 10:15, KJV)

 

Ang Diyos lamang noong panahong iyon ang may kasiyahan na mahalin sila! At alam niyo bang halos ganon din ngayon? Ang lahat ng katabing bansa ng Israel ay nais lipulin ito agad-agad, at kampi pa sa kanila ang mga bansa sa Europa. Amerika lamang ang kakampi nila. Hindi pinansin ng Diyos ang poot na mayroon ang karamihan sa kanila; basta mahal Niya ito, tapos. Tayong iglesiya, bagaman kinapopootan tayo ng karamihan, ay mahal Niya pa rin tayo.

 

Love Ruler 3: Mahal Ba Niya Kahit mga Hindi Kilala? Yes. Basahin mo ito:

 

He doth execute the judgment of the fatherless and widow, and loveth the stranger, in giving him food and raiment.

(Deut. 10:18, KJV)

 

Mahirap para sa tao na mahalin ang isang taong hindi kilala. Mahirap din minsan na para sa atin na tulungan ang taong hindi naman natin alam ang pangalan, o yung wala man lang kahit kaunting koneksyon sa kanya. Ngunit ang Diyos ay mahal siya. In fact, kailan ba tayo minahal ng Diyos? Nung tayo’y ligtas na? Hindi. Minahal na Niya tayo nung tayo’y mga estranghero pa sa Kanya, hindi Niya kilala. Kaya nga dumating Siya sa lupa di ba? Mahal Niya tayong mga estranghero na namatay pa Siya sa Krus para ipakita iyon!

 

Love Ruler 4: Tuwing Kailan Niya Ako Mahal?

 

Yet the Lord will command his lovingkindness in the daytime, and in the night his song shall be with me, and my prayer unto the God of my life.

(Psalm 42:8, KJV)

 

Pag mabait ako? Pag sumusunod ako sa Kanya? Pag maayos ang relasyon ko sa Kanya? Not a bit. Ano’ng sabi sa Kanyang Salita? Mahal ka Niya tuwing umaga; mahal ka rin Niya sa gabi. Ang buhay mo ba sa ngayon ay nasa umaga? Mahal ka Niya. Ang buhay mo ba sa ngayon ay nasa gabi nito? Mahal ka pa rin Niya.

 

Love Ruler 5: Paano Kung Hindi Ako Maniwala? Madalas tayong mag-alinlangan sa pag-ibig ng tao; minsan ay kahit sa Diyos, tulad ng mga Israelita sa sumusunod na talata. Ngunit Siya?

 

The burden of the word of the Lord to Israel by Malachi. I have loved you, saith the Lord. Yet ye say, Wherein hast thou loved us? Was not Esau Jacob’s brother? saith the Lord: yet I loved Jacob.

(Mal 1:1-2, KJV)

 

“Yet I loved Jacob.” Kita mo yun! Mahal pa rin Niya ang Israel kahit nag-aalinlangan ang mga ito sa Kanya. What kind of love is that? Naiiyak ako kapag iniisip ko ito. Mahal Niya ako kahit nagdadalawang-isip ako sa pag-ibig Niya. Mahal ka pa rin Niya.

 

Love Ruler 6: Kaya Ba Niyang Ibigay ang Lahat pati Kanyang Buhay?

 

For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

(John 3:16, KJV)

 

Yes, He can and He did. Nung nagkatawang-tao Siya, iniwan Niya ang lahat ng kaluwalhatian at dumating sa sanlibutang mahirap at walang yaman. Higit pa rito, ay nagpakasakit Siya sa pahirap na ibinigay sa Kanya hanggang sa ipako Siya sa Krus at dinanas ang pinakakahiya-hiyang kamatayan ng isang tao. Kaya ba ito ng pagmamahal mo?

 

Love Ruler 7: Hanggang Kailan Niya Ako Mamahalin?

 

The Lord hath appeared of old unto me, saying, Yea, I have loved thee with an everlasting love: therefore with lovingkindness have I drawn thee.

Jeremiah 31:3, KJV

 

Magpakailanman. Mula pa noong bago ka ipanganak mahal ka na Niya, at hindi matatapos iyon hanggang sa matapos ang walang hanggan. Ang pag-ibig natin ay may hangganan; ngunit ang Kanya’y walang katapusan. O kay dakilang pag-ibig. O kahanga-hangang pag-ibig.

 

Nasukat mo na ba ang Kanyang pag-ibig? Sa totoo nga lang, it’s very unworthy for us to measure His love. He loves us so much na hindi natin kayang ilarawan ito. Milyon man ang gamitin mong “Love Ruler” ay matatapos ka pa rin sa realisasyong walang kapantay, kasinglalim, kasingtaas, kasingganda, kasingtingkad, at kasingtindi ang pag-ibig ng Diyos—para sa lahat, para sa atin, para sa akin—para sa iyo.

Ang realisasyong ito ang tumutulak sa akin na gawin ko rin ang paraan Niya ng pag-ibig. “Oh, hindi mo maaabot iyon, brod!” Oo, but at least masasabi kong sinikap ko. Di ba si Jesus na rin ang may sabi na “Be ye therefore perfect, even as your Father which is in heaven is perfect”? (Matt 5:48, KJV)

Let us be like Him. bdj

 

Ang Walang Mayroon

by Elijah Abanto

Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga magkabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan. At kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o  pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.

At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatangging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)

Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay idedika sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap `pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo `pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?

Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya na naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.

Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.

Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil wala Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong  kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.

Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos? Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.

Will You Receive a Reward?

Familiar ka ba sa Judgment Seat of Christ? Yan ang lesson na ituturo ko sa mga estudyante ko sa Sunday School this Sunday. Dito ay malalaman natin ang tungkol sa mga Crowns na ibibigay sa ilang mga Cristiano (ilang mga Cristiano, dahil, kung ikukumpara ang bilang ng lahat ng Cristiano sa mga matatapat na Cristiano, ay iilan lamang sila) na ibinilang na karapatdapat. Sa panahong ito ay kikilalanin ang mga taong naglingkod nang tapat sa Kanya. At siyempre, sa kabilang dako, ay kahihiyan para sa mga Cristianong hindi isinapamuhay ang kanilang pananampalataya.

Speaking of rewards, makakatanggap ka ba ng gantimpala sa panahong ito? Alam mo sa sarili mo kung paparangalan ka o hindi. May tatlong klase ng Cristiano. Una, yung mga matapat na naglilingkod sa Panginoon. Pangalawa, yung mga gumawa sa Kanyang gawain ngunit mali ang motibo. At pangatlo, yung hindi naglingkod. Yung pangatlo, siyempre obvious na walang gantimpala. Yung pangalawa, parang naabong kahoy at damo ang kanyang ginawa dito sa lupa dahil hindi naman para talaga sa Panginoon. At yung una, na tinupad nang buong puso at isip ang Kanyang mga iniutos ay pararangalan. Ang mga matatanggap ng mga ito ay ibibigay din bilang parangal sa tunay na naglingkod—si Jesu-Kristo. Ikaw, nasa una ka bang klase?

Ligtas Ka Na Ba?

Ligtas ka na ba? Kung bihira ka lang siguro dumadalo sa simbahan, magiging kakaiba para sa iyo ang tanong na ito. O sige, padaliin natin. Kung sakali bang dumating sa iyo ang kamatayan sigurado ka na sa Langit ka pupunta?

Hindi ito napag-uusapan sa pang-araw-araw nating buhay, ngunit ang kahalagahan nito ay napakalaki—ito ang magdidikta ng susunod mong buhay.

So, hindi pa natitiyak? Sinasabi sa Bible na ikaw ay makasalanan (Romans 3:23), nakatakdang pumunta ng Impyerno para pagbayaran ito (Revelation 21:8). Sa kabutihang palad, namatay si Jesus para sa iyong kasalanan (Romans 5:8), at kapag nagsisi ka at tumanggap ka sa Kanya bilang Tagapagligtas at matitiyak mo na ang pagpunta sa Langit (Matthew 4:17; John 1:12).

Kailan mo ito gagawin? Mas mabuting ngayon na.