The Thriving Family

by Elijah Abanto

Mag-isip ka ng isang pamilya. Magigising ang mga anak,  hindi dahil sa tawag ng kanilang ina, o amoy ng masarap na almusal, ngunit dahil sa ingay ng pag-aaway ng kanilang tatay at nanay. Magmamadaling umalis ang tatay; ipapasa naman nung nanay ang kanyang galit sa kanyang mga anak, sa pamamagitan ng bulyaw at masamang tingin. Dahil doon, isa sa mga anak ang sasagot nang pabalang sa kanyang ina.Yung isa pang anak, na mas matanda sa kanya, ay papagalitan siya dahil sa kanyang ugali at manghahamon ng away. Aalis ang mga anak sa eskwela nang mapait at galit.

Walang may gusto ng ganoong pamilya. Ngunit madalas ay makikita natin ang ganitong uri ng eksena sa halos bawat pamilya—baka nga maging sa pamilya mo.

“Ano’ng gagawin namin ngayon?” itatanong mo. Huwag kang mag-alala; may pag-asa. Nagbibigay ang Biblia nang malinaw na mga instruksyon para magkaroon ng isang maka-Dios, lumalago, at nagtatagumpay na pamilya. Apat ito. Anu-ano ang mga ito?

 

Let’s start listening.

James 1:19—Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath:

Proverbs 4:1—”Hear, ye children, the instruction of a father, and attend to know understanding.”

Ang salitang “listen,” noong tingnan ko sa Merriam-Webster Dictionary, ay may apat na ibig-sabihin kung gagamitin ito bilang isang action word. Lahat ay laging may karugtong na pagdinig, tulad ng iyong iniisip marahil. Ang isa ay isang makaluma o archaic na ibig-sabihin: “to give ear to,” paglalaan ng iyong tainga sa isang salita—parang yung ginagawa mo kapag may bumubulong sa iyo. Nagagawa mo na ba ito minsan sa iyong tahanan? Kung ikaw yung ama o ina, nagawa mo na ba ito sa iyong asawa o anak? O kung ikaw ay anak, sa iyong mga magulang? Ang nakakalungkot, ang  pakikinig ay isa sa mga malaking “kapanasanan” ng maraming indibidwal kasama mga Kristiano.

Mas madali tayong magsalita kaysa makinig. Ayon nga sa mga statistics, sa isang grupo na nag-uusap, kailangan lang magsalita ng isang tao ng labindalawang salita para automatic na magsalita ang isa pa. Kahit nagsasalita pa yung isa, awtomatiko, pagkaabot niya ng labindalawang salita, magsasalita na yung iba.

Marami sanang hindi na kinakailangang problema ng pamilya na naresolba kung ang pakikinig lamang ay kasama sa ating pag-uugali.

Ang salitang “hear,” kasama ang lahat ng anyo ng salitang ito, ay nababanggit sa Biblia ng higit sa 810 na beses. Kung paulit-ulit na binabanggit, ibig-sabihin mahalagang-mahalagang ito. Dapat tayong makinig kung magtatagumpay ang isang pamilya.

Heto ang ilang mungkahi na pwede mong gawin kung gusto mong malinang ang pagiging palamakinigin:

  • I-break mo ang statistics! Huwag kang sasabay na magsalita sa nagsasalita. Hintayin mo siyang matapos.
  • Huwag ka agad mag-react.
  • Hayaan mong may makipag-usap sa’yo ngayong lingo at huwag kang magsalita hangga’t hindi niya hinihiling sa iyong magsalita ka.

 

Let’s talk spiritual.

Ephesians 5:19—Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your heart to the Lord;

Philippians 1:27—For unto you it is given in the behalf of Christ, not only to believe on him, but also to suffer for his sake;

Nasa panahon na tayo kung saan ang “pakikipag-usap nang ispiritwal” ay pinagtatawanan o nililibak. Subukan mong magsabi ng “The Lord be with you” bilang pagbati kung hindi ka asarin. Pero mukhang hinulaan na ito ng Hosea 9:7, dumarating na raw ang panahon na ang propeta ay tinatawag nang baliw, ang ispiritwal na tao ay ulol.

Ngunit may isang bagay tungkol sa pagsasalita nang ispiritwal na nagpapakalma sa isang tao. May epekto pa nga na parang binabantayan nila ang kanilang aksyon o sinasabi.

Isang magandang halimbawa ng ganitong klase ng pag-uusap ay makikita kina Boaz, kanyang mga manggagawa, Ruth, at Noami. (hal., Ruth 2:4)

Maaari na nating simulan na makipag-usap nang ispiritwal, sundin mo lang ang mga mungkahing ito:

  • Panatilihin mo ang salitang “Dios” sa iyong pakikipag-usap nang hindi bababa sa 7 beses isang araw.
  • Subukan mong huwag matawa o mang-asar sa taong nagsalita ng ispiritwal. Tanggapin mo ito nang normal at may paggalang.

 

Let’s submit to one another.

Ephesians 5:21—Submitting yourselves one to another in the fear of God.

1 Peter 5:5—Likewise, ye younger, submit yourselves unto the elder. Yea, all of you be subject one to another, and be clothed with humility: for God resisteth the proud, and giveth grace to the humble.

Isipin mo na lang ang isang anak na lalaki o babae na nagpapasakop na lamang sa mga ipinag-uutos ng kanyang mga maglang. Wala ditong kaso kung anong klaseng magulang, kahit stepfather o stepmother iyan, masama o mabuting magulang—mas maganda kung nagpapasakop na lamang ang anak.

Isipin mo na lamang ang isang asawang babae na handang magpasakop sa kanyang asawa.

At isipin mo rin ang isang lalaki na binibigyang-konsiderasyon ang mga mungkahi ng kanyang asawa at anak at nagpapasakop rito kung ito naman ay tama.

Ang laki ng kaibahan, tama?

Maraming mga maliliit na bagay ang nagiging “iceberg” dahil sa kakulangan sa pagpapasakop. Ngunit marami din namang mga “icebergs” ang nawawala kapag may submission.

Paano mo lilinangin ang ganitong klase ng attitude? Try these two steps:

  • Ikaw na ang magtanong, “Mayroon po kayong ipapagawa?” “May kailangan ka ba?” “Ano sa tingin mo?” Mas madali na magpasakop kapag ikaw na ang nauunang mag-alok.
  • Planuhing sabihing “Oo,” kapag may nag-utos sa’yo, o nagbigay ng suwestiyon—basta alam mo namang tama at hindi naman nakakasama.

 

 

Let’s praise each other;

let’s pray for each other.

Philippians 2:3—Let nothing be done through strife or vainglory; but in lowliness of mind let each esteem other better than themselves.

1 Timothy 2:8—I will therefore that men pray every where, lifting up holy hands, without wrath and doubting.

James 5:16—Confess your faults one to another, and pray one for another, that ye may be healed. The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.

 

Patawarin niyo ako sa pagiging negatibo ko, ngunit, sa totoo lang, sa bawat panahon na ako ay napapadaan sa mga tahanan, kahit na sa mga Kristiano, bihira akong makarinig mula sa magulang ng mga positibong bagay tungkol sa kanilang mga anak. (Aminin!) Sa bawat mabuting ginawa, mayroon naman tayong itutumbas na sandaang masamang bagay tungkol sa tao. Sa mga anak, tuwing Mother’s Day o Father’s Day lang yata nakakapagsalita nang positibo! (Siguro pag may Children’s Day na rin ay magkaroon ng positibong masasabi ang mga magulang sa anak!) Madalas din sa pagitan ng mag-asawa ang ganitong klase ng eksena—pintasan, simangutan.

Ngunit alam mo, at alam ko, na mas nakakatulong ang mga positibong salita kaysa negatibo. Kahit kailan ay ganun na iyon. Mas mahirap tanggapin ang negatibo. Hindi naman dapat mawala ang negatibo, lalo na kung totoo at karapat-dapat namang banggitin; ngunit lalong hindi dapat kung walang positibo.

Ang resulta tuloy ay mga mabababa, imbes na naitataas, na ispiritu. Galit, at hindi kabaitan ang karaniwang resulta ng puro na lang pintas. Bakit hindi purihin ang mga nagawang tama ng isa’t isa? Kung may mali, ipanalangin natin nang taimtim sa Dios; kung kailangang kastiguhin, gawin mo, ngunit hindi dapat nawawala ang pagpansin ng tama.

 

Ilang mga suwestiyon:

  • Purihin agad-agad ang nagawang tama at huwag nang ipagpaliban pa. Mas madali itong gawin nang “on-the-spot” kaysa maghintay ka pa ng “tamang” panahon. Hindi na iyon darating.
  • Ipag-pray siya kung may nagawa siyang mali.

 

Mag-isip ka uli ng isang pamilya. Gigising ang mga anak—dahil mayroon silang morning devotions. Babati ang mga anak, “Magandang umaga po.” Pagkatapos ay mananalangin sila. Nakahanda ang masarap na almusal. Mukhang masaya si Ama. Maaliwalas ang mukha ni Ina. Ang lalaki, bago umalis, ay magtatanim ng halik ng pagmamahal sa kanyang asawa, na nagsasabing, “Gabayan ka ng Panginoon sa ating mga anak.” “Pagpalain ka ng Dios,” sasagot ang asawa nang pagkatamis-tamis. Ang mga anak? Nakangiti, halos-mangiyak-ngiyak na sa ligaya, at nagsasabing, “Ba-bye.” At mula doon ay magpapasalamat sila sa Dios para sa araw na iyon at sa mga magulang habang papunta sa school.

Ang lahat ay nagnanais ng ganoong klase ng pamilya. Pero, huwag kang mag-alala; hindi lang ito posible sa fairy tale—pwede rin itong mangyari sa totoong buhay. Sa tulong ng Dios, pagbubulay-bulay ng Kanyang Salita, at patuloy na pananalangin sa Kanya, ang pamil-ya mo’y magiging maka-Dios, lalago, at magtatagumpay.

Nagsisimula iyon—sa’yo.

Advertisements

INVESTMENT TIPS for GROWING Family Relationships

by Pastor Felizardo Abanto

1 Peter 3:7

Isa si Warren Buffet sa mga pinakamayamang tao sa Amerika. Noong 1997, sa pitungpu na nagkakahalaga ng 1 bilyong dolyares o higit pa, si Buffet lamang ang nakuha ang kanyang kayamanan sa pamamagitan ng pag-i-invest. (Para maubos mo ang $1 bilyon sa isang taon ay gagastos ka ng $2.73 milyon araw-araw. Ang pinakamababang katumbas ng $1 bilyon sa pesos ay P45 bilyon, at kung gagastusin mo ito nang P2.73 milyon kada araw ay 45 taon muna bago mo ito maubos.) Maraming mga investor ang tumitingin sa kanya para sa payo patungkol sa pag-i-invest.

Kung kayo ay makakaupo kasama si Warren Buffet pansumandali at kukuha ng kaunting mga tips sa pag-i-invest gagawin niyo kaya?

Isipin mo nang isang sandali na ang iyong pamilya ang iyong pinakamalaking kapital. Kung ikaw ay makakakuha kaya ng investment tips sa kung paano mo ito mapapalago sa kalidad magiging interesado ka kaya?

Ang Biblia na nasa ating mga kamay ay puno ng makapamilyang mga prinsipyo at kasabihan na maaari nating matutunan at maisagawa upang gawing mayaman ang ating relasyong pampamilya.

 

  1. INTINDIHIN ang Bawat Isa. 1 Peter 3:7

Kapag pag-aari mo ang isang bagay tulad ng VCR, ano ang gagawin mo para magamit mo ito? Kailangan mong unawain kung paano. Bilang mag-asawa, pag-aari niyo na ang isa’t isa. Paano magiging maayos ang inyong relasyon? Dapat ay unawain ninyo ang isa’t isa.

Tayong mga lalaki ay direktang inutusan na intindihin ang ating mga asawa. May ilang nagsasabi na mas madaling intindihin ang Quantum Physics kaysa kanilang asawa. Maaari sa ating mga Baptists ay ganito rin ang ating iniisip.

Ano ba ang ibig-sabihin ng pag-intindi? Ang ibig nitong sabihin ay ang “gawin ang kung ano’ng mahalaga sa ibang tao bilang mahalaga din sa iyo tulad na siya ay mahalaga sa iyo.” Paano? Gumawa ng panahon upang makilala ninyo ang isa’t isa. Gumawa ng oras para talagang makinig.

Sabi nga sa James 1:19, “Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear, slow to speak, slow to wrath.”

 

  1. TUMUPAD sa mga ITINALAGA [o IPINANGAKO].

Dapat tayong maging “MAPAGBIGAY sa papuri, ngunit MAINGAT sa mga pagpapangako.”

Bakit ba na ang pagtupad ng ating mga itinalaga at pagbibigay-rangal sa ating mga pangako ay mahalaga? DAHIL tayong lahat ay may tendency na itayo ang ating mga pag-asa sa mga pangako.

Kapag ang isang lalaki ay nangangako na mamahalin ang isang babae hanggang sa maghiwalay sila sa kamatayan, binibigyan niyon ang babae ng seguridad upang maging lahat na dapat maging siya sa isang relasyong pang-mag-asawa.

Sabi nga sa Ecclesiastes 5:4-5: “When thou vowest a vow unto God, defer not to pay it; for he hath no pleasure in fools: pay that which thou hast vowed. Better is it that thou shouldest not vow, than that thou shouldest vow and not pay.” Totoo din ang talatang ito sa ating mga itinalaga sa iba. Sa ibang mga salita, dapat tayong maging tapat o LOYAL.

Prov 3:3-4: “Let not mercy and truth forsake thee: bind them about thy neck; write them upon the table of thine heart: So shalt thou find favour and good understanding in the sight of God and man.” Kapag ating tinutupad ang ating mga itinalaga ito ay bumubuo ng TIWALA. Walang malusog na relasyon kung wala nito. Tiwala ang siyang matibay na pundasyon kung saan ang isang pamilya ay nakatayo.

Ngunit ang pagtupad sa mga ipinangako ay maaaring malaki ang kapalit. Mayroon ka bang mga commitment na dapat tuparin?

 

  1. MAGBIGAY NG RESPETO.

Respeto—magbigay-pansin; magbigay-pansin nang may espesyal na atensyon; karapat-dapat sa espesyal na pagtingin, kung gayon, ay magbigay malasakit; pag-iingat; TAKOT. (Proverbs 14:26) Isa pang salita para sa respeto ay PAGGALANG. Romans 12:10, “Be kindly affectioned one to another with brotherly love; in honour preferring one another.”

Paano natin ito ipapakita sa ating pamilya?

  • sa pamamagitan ng pagrespeto sa pag-aari ng isa’t isa
  • sa pamamagitan ng pagrespeto sa pagiging pribado ng isa’t isa
  • sa pamamagitan ng pagrespeto sa oras ng bawat isa

Mahirap ito para sa mga taong mataas ang pagtingin sa sarili. Phil. 2:3, “Let nothing be done through strife or vainglory; but in lowliness of mind let each esteem other better than themselves.”

 

  1. MAG-ALAY NG PAMPALAKAS NG LOOB.

May isang aktres na nagsabi, “Nabubuhay kami sa mga salitang nagpapalakas ng loob, mamamatay kami kapag wala niyon nang dahan-dahan, may kalungkutan, at may galit.”

1 Thessalonians 5:11, “Wherefore comfort yourselves together, and edify one another, even as also ye do.”

Kamusta ang ating mga tahanan? Paano tayo makapagbibigay ng lakas ng  loob?

  • sa pamamagitan ng pagngiti. Naitataas ng isang ngiti ang iyong pagpapahalaga sa sarili.
  • Sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga salita ay maaaring gumawa ng malaking pasakit o kahanga-hangang kabutihan.
  • Sa pamamagitan ng pagpansin sa positibo.

Tinanong si Andrew Carnegie, isang businessman na nakapag-hire ng 45 na milyonaryo, kung paano niya ito nagawa. ’Hindi naman sila mga milyonaryo noong sila ay i-hire ko.”

Paano niya nalinang ang mga taong iyon para maging mga milyonaryo? “Ang mga tao ay nililinang. Tulad na ang ginto ay minimina, may ilang tonelada muna ng dumi na dapat maalis para makakuha ng isang onsa ng ginto; ngunit hindi ka nagmimina para makahanap ng dumi—nagmimina ka para makahanap ka ng ginto!”

Magsimula ka na ngayon sa paghahanap ng ginto sa iyong anak, iyong asawa, at sa iyong mga magulang. Tulad ng ginawa ni Jesus sa mga disipulong pinili Niya.

  • Sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo. Ginawa ito ni Barnabas sa Acts 4:36-37; ang ibig-sabihin ng kanyang pangalan ay, “son of encouragement,” o “anak ng pampalakas ng loob.”
  1. HUMINGI AT MAGBIGAY NG PAGPAPATAWAD.

Isa nang katotohanan na darating at darating ang panahon na mabibigo at masasaktan tayo ng tao. Mahalaga na kalimutan ang maraming mga maliliit na bagay at patawarin ang isa’t isa. Colossians 3:13, “Forbearing one another, and forgiving one another, if any man have a quarrel against any: even as Christ forgave you, so also do ye.” Tandaan na ang pagpapatawad ay hindi isang likas na gawi. Mas madaling magbilang ng kamalian. Ngunit tulad na tayo ay nakatanggap ng pagpapatawad mula sa Diyos, tayo ay dapat na magpatawad ng iba.

Alam niyo kung gaano karami ang mga taong nag-aasam ng pagpapatawad? May kwentong Español ng isang ama at ng isang anak na iniwan ang tahanan. Pagkatapos na maghanap ng ilang buwan nang walang tagumpay ang ama ay pumunta sa isang diyaryo para humingi ng tulong. Sinabi lamang ng kanyang ad, “Mahal na Paco, magkita tayo sa harap ng opisinang ito ng diyaryo sa Sabado ng hapon. Pinatawad ko na ang lahat. Mahal kita.—Iyong ama.”

Noong hapon na iyon ng Sabado, may 800 mga kalalakihan na may pangalang Paco ang dumating, naghahanap ng kapatawaran at pag-ibig mula sa kanilang mga ama. May ilan sa inyo na nangangailangan ng ganoong klase ng pagpapatawad mula sa Diyos. Maaari mo iyong matanggap. Nagpadala ang Diyos ng isang Sulat ng pagpapatawad—ang Pangalan Niya ay si Jesus. Lumapit ka sa Kanya. Ngayon na.

 

Nagpapasalamat si Bishop Abanto kay Pastor Merle Mees para sa article na ito.

 

Ano Ba Talaga’ng GUSTO ng mga Babae?

Ano Ba ang Ibig-Sabihin ng “Security” para sa Iyong Asawa?

by Jeff Feldhahn

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Elijah E. Abanto

“Kaya ano sa tingin mo ang ibig-sabihin kapag sinasabi ng babae na gusto niya ng security?” tanong ko sa isang kaibigan.

“Hindi ako pwedeng tumigil ‘tumakbo,’” sabi niya. “Kailangan kong gawin ang kahit anong kailangan para masiguradong hindi niya nararamdaman na insecure siya pagdating sa pera. Kung ang ibig-sabihin noon ay dapat akong magtrabaho ng mahabang mga oras o manatili sa isang trabaho kahit hindi ko gusto, edi ganun.”

Pakiramdam ng kaibigan ko ay nasa patibong siya, dahil ang alam niya ay gusto ng asawa niya na magpatnubay siya nang maayos na buhay rito at sa mga bata, pero gusto rin nito na nasa bahay na siya pagdating ng hapunan. Imposibleng pinansyal na pag-aasam sa bahagi ng babae? Siguro, ngunit malamang hindi. Maaari na ang mga lalaki ay nababagabag ng kung ano ang iniisip nilang inaasahan sa kanila ng mga babae, na kung tutuusin ay wala naman talaga silang ganoong mga inaasahan. Iyon ang natagpuan namin sa pagpapanayam sa mahigit 1,000 mga babaeng asawa para sa aming research. Oo, nais nila ng security, ngunit ibang-iba ang ibig-sabihin nila kumpara sa kung ano’ng iniisip ng mga lalaki.

Sa isang babae, ang seguridad na pinakamahalaga ay ang emotional security: yung pakiramdam ay konektado at malapit sa’yo—na nandiyan ka para sa kanya, kahit ano’ng mangyari. Oo, ang magpatnubay-pinansyal ay importante, ngunit para sa mas maraming babae, wala iyon sa pinakatuktok ng kanilang listahan. Sa totoo nga lang, tulad ng sinabi nung isang babae, “Wala nga yun sa listahan eh!”

Maniwala ka man o sa hindi, sa isang pambansang pagsusuri sinimulan namin ng aking asawang si Shaunti, pito sa sampung babaeng kasal na babae ang nagsabi na mas pipiliin nila ang pinansyal na kahirapan kaysa paglalayo sa relasyon. Ang katotohanang ito ay kitang-kita sa pinakamaraming babae—ngunit karamihin din sa mga lalaki ang hindi makapaniwala rito! At tulad, ang mga babae ay hindi rin makapaniwala na iniisip natin na iniisip nila na ang pinansyal na seguridad ang mas magiging mahalaga. Sabi nga ng isang babae, “Kaya ang ibig-sabihin kayong mga lalaki ay nag-iisip na kami ay mga materialistic—talagang-talagang materialistic—at na mas pipiliin namin ang mga bagay-bagay kaysa sa kasiyahan niyo?!”

Uh … oo. Sa tingin ko ’yon ang aming sinasabi. Ngunit tila, mali kami. Ayon sa aming datos, hindi lang mas nag-aaala ang iyong asawa sa’yo higit sa kung ano pa man ang iyong maibibigay; mas gugustuhin pa niyang magsakripisyo financially para magkaroon ng mas maraming oras kasama ka at mas maraming kasiyahan para sa’yo.

Ang katotohanan na ito ay napakahirap tanggapin para sa mga lalaki ay mukhang mas may-kaugnayan pa sa pagkakagawa sa lalaki, hindi sa babae. Ang pagsusuri na ginawa ni Shaunti sa kanyang unang aklat ay nagpakita na 75% ng mga lalaki ay “palagi” na nababalisa sa kanilang pasan para makapag-provide—at karamihan sa lalaking asawa ay hindi ito magawang ibahin. Kadalasan ang ating trabaho ang naglalarawan kung sino tayo; ang ating pansariling-kahalagahan ay nakabalot dito. Bukod pa rito, iniisip agad natin na ang ating mga asawa ay alam na ang lahat ng mga mahabang oras ng trabahong iyon ay isang importanteng paraan para ipakita sa kanilang mahal natin sila.

Ang problema, sa nakita ko, ay hindi nila ito alam. Sa totoo nga lang, ang gusto ng asawa mo sa’yo ay ang iyong oras at atensyon, kaya kapag mas marami kang binibigay para sa iyong trabaho, mas nagmumukha tuloy na mas prayoridad mo ang iyong trabaho. Para sa kanya, nangangahulugan ito na hindi siya ang iyong prayoridad. Ang ganitong klase mong pagpili ay iiwanan siyang iniisip na malayo ka sa kanya at hindi mo siya mahal.

Atin ngang bigyang ibig-sabihin ang “emotional security”—

  1. “Secure” siya kapag malapit kayo sa isa’t isa. Ang paggawa ng pagiging malapit ninyo sa isa’t isa ay mas mahalaga kaysa anupaman—sa isang babae, halos ito’y katumbas na salita para sa emotional security. Higit pa ito sa pisikal na pagiging malapit; kasama rito ang iba pang aspeto, kabilang ang mga maliliit na bagay na bahagi ng buhay ng isang nagmamahalan at matalik na magkaibigan. Ang pagmamahal ay maaaring maipakita maging sa mga maliliit na pagkilos na hindi kadalasang naiisip ng mga lalaki, tulad ng pag-abot sa kanyang kamay o pag-iiwan ng isang nagmamalasakit na mensahe. Minsan na madiskubre ko kung kung gaano ito kahalaga—well, napakadali nitong gawin!
  2. “Secure” siya kapag ginagawa mong prayoridad ang oras na makasama siya. Maaari mong makita ang iyong trabaho bilang iyong ginagawa para ipakitang may malasakit ka sa iyong pamilya; subalit, mas magiging “secure” ang iyong asawa kung nakikita niyang mas mahalaga siya at iyong mga anak kaysa trabaho mo, na pagkatapos ng Diyos, siya ang iyong pangunahing tuon. Tulad nga ng pagkakasabi nung isang babae, “Kung alam kong nariyan siya para sa akin, kaya kong harapin ang mga pagsubok financially.” Narito ang isang pinasimpleng buod ng kung ano ang kadalasang ibig-sabihin ng “pagiging prayoridad” sa isang babae: sa labas ng mga tradisyunal na oras ng trabaho, iyon ay kung gaano karaming oras at atensyon ang naiibibigay mo sa kanya kumpara sa anupamang bagay. Hindi naman inaasahan ng asawang babae ang kanyang asawa na palipasin ang bawat oras na wala itong trabaho kasama siya. Ngunit ang maramdaman na siya’y “secure,” hindi niya maiisip na pinipili nito ang iba pang prayoridad kaysa kanya.
  3. “Secure” siya kapag pinapakita mo ang iyong commitment. Kailangang maniwala ang iyong asawa na walang anuman ang maglalayo sa’yo sa kanya—at na gagawin mo ang iyong makakaya para protektahan ang iyong relasyon. Halimbawa, kapag hindi kayo magkasundo, walang higit na nagsisigurado sa kanya kaysa marinig, “Nagagalit ako tungkol dito at kailangan ko ng panahon ngayon, pero gusto kong malaman mong okay pa rin tayo.”
  4. “Secure” siya kapag aktibo ka sa tahanan at sa pagmamagulang. Nais makita ng mga babae ang kanilang mga asawa na maging aktibong kalahok sa buhay-pamilya, kahit na ang magiging ibig-sabihin nito ay ang pagsasaayos ng ibang prayoridad. Mayroon kaming na-interview na mga babae na iniisip na noong simula partner nila ang kanilang asawa ngunit nitong huli ay naging mga tagapagbigay ng lamang ng pangangailangan.
  5. “Secure” siya kapag sinisikap mo talagang gumawa ng paraan para magbigay ng pangangailangan. Ang iyong pagpupunyagi na makapagpatnubay sa iyong pamilya ay nakakadagdag rin sa kanyang emotional security—kahit na ang mga resulta ay hindi nagdadala ng dami ng pera na iniisip mong gusto niya. Kung tayo ay nagbibigay-tuon sa resulta, mas nagbibigay naman sila ng tuon sa ginawa.

 

Ang Bottom Line

Ang buong isyung ito ay dumidiretso sa isang tanong: Binibigay mo ba ang uri ng security na talagang kinakailangan at ninanais ng iyong asawa? Sinabi ng isang kaibigan: “Mas nag-fo-focus ang mga lalaki sa kita at pag-aari dahil mas madaling magsukat ng tagumpay sa bilang. Ang ‘mapagmahal na atensyon’ ay mas mahirap sa atin na ibigay.”

Alam naman nating lahat na pagdating ng ating pagtanda, ang ating pinakamagandang mga alaala ay hindi ang mga “cool” na bagay na nabili natin o laki ng ating bahay. Mas simple at mas payak ang mga ito—ang buhay na na ating naibahagi. At yon ang isang bahay na pwedeng sabihing “security” para sa aming dalawa.

 

Si Shaunti Feldhahn ay tumulong sa pagsulat ng artikulong ito.

Ang article na ito ay ang Tagalog na bersyon ng “What Women Want,” In Touch® Magazine, June 2006, pp. 22-24.

Si Jeff Feldhahn, kasama ang kanyang asawa na si Shaunti Feldhahn, ang awtor ng isa pang popular na aklat na For Men Only: A Straightforward Guide to the Inner Lives of Women (Multnomah). http://www.shaunti.com.

Sa tulong ng Diyos, ay mai-incorporate ni Elijah Abanto ang kanyang natutunan sa article na ito sa kanyang future marriage.

 

Hindi Sapat ang Pag-ibig Mo

Kung Bakit ang Respeto ay Mas Mahalaga sa Isang Lalaki Kaysa Pag-ibig

ni Shaunti Feldhahn

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Elijah E. Abanto

“Pumili kayo sa dalawang bagay na ‘to,” sabi ng isang tagapagsalita. Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong silid na binubuo ng mga single na lalaki sa isang banda, at mga single na babae sa kabilang banda. “Ano’ng mas gugustuhin niyo, maramdaman na mag-isa ka lang at hindi minamahal, o maramdaman na ikaw ay masahol at hindi nirerespeto?”

Anong klaseng pamimili iyon? naisip ko dati. Sino’ng pipili na maramdamang hindi siya mahal?

“O sige, mga kalalakihan,” sabi ng tagapagsalita sa mga lalaki sa silid. “Sino ang mas gusto na maramdaman na hindi siya mahal?”

Napakarami ng nagtaas ng kamay. Hindi mapigilang mapasinghap ng mga kababaihan sa nasaksihan. Isang katotohanan ang naipakitang hindi napansin ng mga babae: Mas gugustuhin pa ng mga lalaki na makaramdam ng respeto kaysa ating pag-ibig.

Simula noon ay sinimulan ko ang misyon para maunawaan kung paano ba talaga mag-isip at makaramdam. Nag-interview ako ng higit sa 1,000  na mga lalaki: mga malalapit na kaibigan, mga estranghero sa grocery store, mga may-asawang lalaki sa church, at sa single na estudyanteng katabi ko sa eroplano. Nakipag-usap ako sa mga CEOs, abogado, pastor, mga magagaling sa gadget, negosyante, isang security guard, at yung mga lalaking nasa likod ng Starbucks counter. Pati propesyunal na mang-aawit ng opera at dating NFL player ay hindi ko pinalampas.

Marami akong natutunan mula sa mga lalaking ito, at sa totoo lang, ako’y namangha sa aking mga nakalap. Malamang ang pinakamahalagang rebelasyon ay ang katotohanan na ang mga asawang lalaki ay kailangan—as in kailangan—na i-respeto at patibayin ng kanilang mga asawa. Para sa isang lalaki, respeto, kaysa pag-ibig, ang siyang magiging daan para ang buhay-may-asawa ay maging isang kaigaya-gayang lugar ng pagsasama na itinakda ng Diyos.

 

Paano Yun Nangyari?

Kadalasan sa ating babae ay gusto na, higit sa lahat, ay maramdamang minamahal at pinapahalagahan, kaya naman ating pinapakita ito sa mga lalaki. Sa mga panayam, lagi kong naririnig ang mga may-asawang lalaki, “Hindi ako nagdadalawang-isip na mahal ako ng asawa ko.”

Ngunit magpapatuloy ang marami sa kanila, “Pero, nagda-dalawang-isip ako kung nire-respeto niya ako.” Ang problema, magkasintimbang lamang ang samang dulot sa kanila ng pakiramdam na walang respeto at ang samang dulot sa atin pag pakiramdam natin ay hindi tayo mahal. Tatlo sa apat ng mga lalaking aking in-interview ay nagsabi na mas makakaya pa nila na walang pagmamahal, kaysa walang pag-respeto.

Sinasabi kong “pakiramdam” dahil bagaman karamihan naman sa atin ay nire-respeto naman talaga ang lalaki ng ating mga buhay, mas madalas na wala sa isip tayong nagpapadala ng maling signal. Halimbawa, kapag siya’y gumagawa ng isang desisyon, awtomatiko natin itong kinikwestiyon, o binibigay natin ang lahat ng dahilan kung bakit maaaring mali siya. O pinapalabas natin sa mga anak natin na mas mainam ang ating naiisip. O kinikwento natin sa publiko ang isang “nakakatawang” kwento tungkol sa kawalan niya na kakayahan para ayusin yung gripo sa panlimang subok.

Kadalasan nating hindi nakikita ang implikasyon ng ganung ugali; iniisip natin na nagiging matulungin lamang tayo, o na mayroong tayong mas magandang solusyon. Ngunit para sa isang ordinaryong lalaki, ang mga ganitong aksyon ay masakit at nagsasabi ng isang bagay nang malakas at maliwanag: “Wala akong tiwala o respeto sa’yo.”

At ang malakas na mensaheng iyon ay hindi rin biblikal, tulad ng kultural na ideya natin na, habang ang pag-ibig ay walang kasamang kondisyon, ang respeto ay pinag-hihirapan. Sinasabi sa atin ng Biblia sa Efeso 5:33:

 

“Gayunman, ang bawat isa sa inyo ay magmahal sa kaniyang asawang babae tulad sa kaniyang sarili. Ang asawang babae ay magpitagan sa kaniyang asawa.”

 

Marami sa atin ang nararapat na alisin ang mga taon ng mga palagay at kaugalian habang ating natututunan na suportahan ang ating mga lalaking asawa sa paraan na talagang kailangan nila.

Sa puntong ito, nag-iisip siguro ang mga babaeng may-asawa, Tungkol naman lahat ito sa kanya. Ano’ng makukuha ko sa usapang ‘to? Ang Diyos ang Siyang puno ng kabalintunaan (paradox), at tulad na ang walang kondisyong pag-ibig ni Jesus para sa atin ay nagiging daan para ating gustuhin na maging karapat-dapat para dito, ang ating desisyon na magpakita ng respeto (nang walang pasubali) sa ating asawang lalaki ay nagiging daan para gustuhin niya na paghirapan ito—at mahalin tayo. Ang lalaki na binibigyang-galang at pinapatibay ng kanyang asawa ay nagiging asawang lalaki na ginawa siya ng Diyos na maging, isang lalaking mas linang na paliguan ang kanyang asawa ng walang kondisyong pag-ibig na inaasam-asam nito.

 

The 30-Day Challenge

Sa susunod na tatlumpung araw, huwag magsalita ng kahit anong negatibo tungkol sa iyong asawa, sa kanya o sa kahit sino pa man; imbes, mag-isip at magsabi lamang ng mga bagay na iyon na karapat-dapat ng papuri.

Habang ang hamong ito ay hindi awtomatikong magsasaayos ng bawat ugali na hindi magalang, bubunutin nito ang maraming tahimik na mapanirang kasanayan at isyu ng puso na hindi pa natin napapagtanto noon. At habang ating nire-respeto ang ating mga asawa sa paraang kailangan nilang mai-respeto, mararanasin natin ang kaligayahan na makita silang maging mga lalaking makadiyos na iniibig din tayo bilang balik. BDJ

Ang artikulong ito ay ang isinalin na bersyon ng “Your Love is Not Enough” ni Shaunti Feldhahn, In Touch® Magazine, May 2005, pp. 14-15.

 

Si Shaunti Feldhahn ay awtor na mabentang aklat na For Women Only: What You Need to Know About the Inner Lives of Men (Multnomah) at walong iba pa.  Maaari mong bisitahin ang kanyang website: www.shaunti.com.

Si Bro. Elijah Abanto ay concerned na sa relasyon ng mag-asawa kahit bata pa lamang dahil gusto niya itong paghandaan. Isang paraan ang isinalin niyang article na ito, bukod pa sa iba.

Marriage Myths

marriage-myths

MYTH #1:

Kaya kong baguhin ang aking asawa.

You can only change yourself.

  • Work on yourself.
  • Praise your husband.
  • Huwag hayaang lumaki ang mga issue.
  • Maging understanding. Ilagay mo ang iyong sarili sa kanyang katayuan.
  • Bawasan ang iyong pagdepende sa inyong asawa.
  • Be patient.

MYTH #2:

Sobrang magkaiba kami.

Hindi makakapatay ang incompatibility ng isang relasyon.

  • Huwag hayaang lubugan ka ng araw sa iyong galit. (Eph. 4:26)
  • Huwag maging mabilis sa paglabas ng galit. (Pro. 29:11)
  • Huwag masanay sa pagtawag-pangalan pag galit. (Mt. 5:22)
  • Huwag gumanti. (Rom. 12:19)
  • Patawarin ang taong kinagalitan mo. (Mt. 6:14)
  • Alamin ang tunay na dahilan kung bakit ka nagalit. (Ps. 139:23-24)
  • Huwag manatiling galit. (Colossians 3:8)
  • Ilapit ang iyong galit sa Diyos. (1 Peter 5:7)

– from Today’s Christian Woman November/December 2001, pp.56-58).

Time for a marriage tune-up?

Take a couple days away and ask these questions.

QUESTIONS TO ASK EACH OTHER:

  • How do we feel we’re doing in expressing our personal faith [in Christ] as a living reality in front of our kids?
  • Are we sometimes allowing our children to play one of us against each other? If so, what adjustments can we make to avoid that?
  • Are we praying for children’s future and for the mates God is preparing for them?
  • Do our children understand that our marriage relationship is a top priority in our family?
  • How are we each doing individually and together as a couple on building our spiritual lives?
  • Is the atmosphere of our home one that’s filled with joy and positive expectation? If not, what adjustments do we need to make?
  • What are we doing to make sure we’re growing together, as opposed to growing apart?

Adapted from Beneath the Surface by Bob Reccord ©2002.

Taken from Marriage Partnership Fall 2002 Issue, page 14.

Marriage: The Things You Argue About

According to Bernice Canners’ Are You Normal?

These are things that you… ARGUE ABOUT:

1) Money/Partner’s spending habits

2) Which TV Shows to watch

3) Too little time spent together

4) How to discipline the children

5) How the house is kept

6) Leisure plans

7) How to spend vacations

8) Which friends to see

From Marriage Partnership Fall 2002