Tama Ba, Against Ka Raw sa Choruses?

by Bro. Elijah E. Abanto

Lahat ng tunay na nakakakilala sa akin, especially yung mga bata sa church na aking hinahawakan, ay napapakunot ang noo kapag narinig nilang may nagtanong ng ganito. Ang kataka-taka, ay mayroong nag-aakusa sa akin ng bagay na ito. Sabi niya, “Edi huwag na tayong kumanta ng mga koro, sabi ni Elijah, mga himno na lang!”

Wala akong laban sa taong nagsabi nito, pero sasabihin ko ng direkta: MALI KA. Sa tingin ko noong una ay wala naman akong mapapala kung sasagutin ko ang akusasyong ito, pero, husto na—dapat na akong magsalita. Hindi ako laban sa mga koro, at sa totoo lang, nagsusulat ako ng mga koro. Just e-mail me kung gusto mong makakuha ng kopya ng mga na-compose ko. Hindi ako laban sa mga koro, lagi kaming kumakanta ng mga koro sa church. Kumakanta kami ng mga koro sa Good News, sa Sunday School, sa service. Hindi ako laban sa mga koro, at kung gagamitin ang artikulo na isinulat ko sa BDJ 18, mapapahiya lamang ang taong iyon, dahil ang nakalagay, “Kung puro [choruses] na lang, at wala man lang mga malalalim na awitin, [tulad ng mga himno]…” Kung puro… May sasabihin lamang ako: hindi lahat ng koro ay tama (which means ay biblikal), hindi lahat ng mga himno ay tama (mayroong mga himno kaming hindi inaawit), at hindi lahat ng CCM ay mali—yun ang aking stand. Clear?

Hindi naman makitid ang utak ko, eh.

Musika, Pagbabago at Paninindigan

paninindigan

by Bishop Felizardo D. Abanto

 

Sa kalagitnaan ng kontrobersiya ngayon tungkol sa musika, ang pastor ng Capitol Bible Baptist Church ay diretso at hindi nahihiyang nakatayo pa rin para sa uri ng musika na kanyang natutunan habang isa pang estudyante sa Bible Baptist Seminary of the Philippines, Mandaluyong City, taon 1977 hanggang 1980. Noon ang paggamit ng mga tambol sa mga iglesiyang Bible Baptist ay ipinagbabawal. Walang “praise and worship” na musika—wala, wala, kahit isa. Isinasagawa lamang ito noon sa mga Pentecostal at Charismatic na mga simbahan. Noon ang mga iglesiyang Bible Baptist ay nananatiling matibay sa musika at mga pamantayan ng pananamit at buhok—lalong-lalo na sa mga doktrina at Baptist Distinctives. Atin pa ngang dinis-fellowship ang isang batang pastor, si Rey Clemente, dahil naniwala siya sa unibersal na iglesiya at hindi naniwala sa ikapu. Kaya umalis nga siya at ginawa kung ano’ng gustuhin niya. Sa tingin ko ang kanyang iglesiya (isa sa mga pinakamatandang iglesiyang Bible Baptist sa Pilipinas) ay ang unang Bible Baptist Church na yumakap sa “praise and worship” at mga tambol sa kanilang musika, kasabay ang pagbukas niya sa iglesiya sa mga simbahang Charismatic. Yan ay kasaysayan na. Hindi natin iyan maitatanggi.

Ngunit nagbabago ang mga bagay. Nagbabago ang mga tao. Ngayon, ang mga pastor ng mga BBC ay nasa isang kontrobersiya patungkol sa musika. Nagugulat ako at mayroon pa ng ganitong klase ng pagkakasalungatan. Bakit? Sa nakaraang tatlumpung taon ay alam  at siguradung-sigurado ang mga BBC pastors sa kanilang katayuan sa bagay na ito. Ngayon “hindi na natin alam.” Ang alam lang natin ay nagbabago ang lahat ng bagay sa ating paligid. Na “imposible” na hindi sumabay sa pagbabago. At kapag hindi tayo sumabay, mapag-iiwanan tayo at tayo ay magiging “walang kaugnayan” (irrelevant). Ngunit, isipin nating maigi—tama pala si Rey Clemente! At dapat sumabay tayo sa “takbo ng sasakyan.”

Pero, SALAMAT NA LANG. Nang may buong paggalang, sa tingin ko ay HINDI TAYO DAPAT MAGBAGO. Hindi natin kailangan ang pagbabagong ito. Dapat ba nating iayon ang ating mga iglesiya sa konsepto ng mundo ng pagka-may-kaugnayan (relevance) at sa pilosopiyang pantao para maabot ang sanlibutan? HINDI! HINDI KAILANMAN! Ang sagot, siyempre, ay na ANG MGA IGLESIYA AY DAPAT NA UMAYON SA KONSEPTO NG DIYOS NG PAGKA-MAY-KAUGNAYAN. Iyan ang totoong kwento sa likod ng pagbabagong ito. Para patuloy na maging may-kaugnayan sa sanlibutang ito dapat kang magbago—dapat kang umayon sa sanlibutang ito. Iyan ang konsepto ng mundo tungkol sa pagka-may-kaugnayan. Ngunit ang sa Diyos ay hindi ang maki-ayon ngunit ang umiba:

Ako samakatwid ay namamanhik sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng mga kahabagan ng Diyos, na iharap ninyo ang inyong mga katawan ng mga buhay na hain, banal, katanggap-tanggap sa Diyos, na ito ay inyong makatuwirang paglilingkod. At huwag maki-ayon sa sanlibutang ito: kundi kayo ay mag-iba sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong kaisipan, upang mapatunayan nawa ninyo kung ano yaong mabuti, at katanggap-tanggap, at sakdal, na kalooban ng Diyos.

Ang konsepto ng Diyos ng pagka-may-kaugnayan ay ang maging iba mula sa sanlibutang ito: na maging pinabanal at malinis mula sa kamunduhan; na maging isang maluwalhating iglesiya, walang batik, o kulubot; na maging banal at walang kapintasan (Efeso 5:25-27).

Ang isang naibang buhay ay instrumento pa rin ng Diyos sa pag-abot sa sanlibutan. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan ng mga pastor na magsalita at patunugin ang alarma. Hindi ito ang oras para tumahimik. Ito ang oras para bumuo ng isang totoo, tahasan, at matapang na paninindigan. Kinabukasan ng mga iglesiya ang nakasalalay dito. Ayoko na pagdating ng panahon ay akusahan ako ng aking mga anak na mahaba lamang ako sa retorika, ngunit kulang sa memorya, at pabaya sa pagtitimbang ng mga konsikwensya ng aking mga kilos. Nais ko na maalala nila ako bilang isang pinuno na alam kung paano gumawa ng isang pagtindig para sa aking mga paniniwala nang walang takot o pabor.

APPLY TO LIFE HELPS

Malamang ay nakatulong sa iyo ang artikulong ito upang tumayo para sa iyong pinaniniwalaan, nang “walang takot o pabor.” Ngayon ay siyasatin natin ang ating sarili:

  1. Mayroon ba sa ngayon na sitwasyon sa iyong buhay na kailangan mong tumayo para sa kung ano ang sinasabi ng Biblia? Ano ito? ____________________________________________________________________________________________________________
  2. Nahihirapan ka ba minsan na gawin ito? ____ Bakit? __________ ______________________________________________________

Sikapin mo na sa mga susunod na pagkakataon ay gagawin mo ang iyong makakaya, sa kapangyarihan ng Diyos, na ikaw ay magsalita, magkompronta, o tumayo para sa iyong paniniwala.

Ano’ng Mali sa Drums?

drum

Isang Imbestigasyon sa Tunay na Isyu ng Ating Musika

by Bro. Elijah Abanto

It needs to be settled. It needs to be cleared.

Marami pa ring mga Baptists ang hindi malinaw sa issue na ito. At dahil sa kakulangan ng kaalaman, maraming iglesiya na ang nagko-compromise pagdating dito—na nagresulta sa pagkasira ng mga Kristiano (Hosea 4:6).

At akala ng marami basta lamang tayo naniniwala na tama ang ganitong musika at mali ang ganoong musika—ang hindi nila alam ay puno ng biblikal na dahilan ang mga paniniwalang ito. Marami tuloy na mga miyembro—at pastor—ng mga iglesiya sa buong mundo ang nagko-kontrahan sa isyung ito. Ang dahilan—walang alam. At alam nating lahat na hindi bulag ang ating pananampalataya—may dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ang isang bagay—partikular na rito ang musika.

Ano nga bang mali sa drums? Drums ang karaniwang pinagtutuunan ng pansin pagdating sa isyu ng musika. Hindi pwede ang music na yan kasi may drums. Pwede yan kasi walang drums. Is that so? Mali. The issue of music does not only rely on the use of drums. Hindi. Maliit na bahagi lamang ang drums sa pinaniniwalaan natin. Malawak yan. Malawak. May narinig akong nagsabi na, “Okay lang naman sa akin ang drums,” and I will concede to that. Yes. May mga pagkakataon (bagaman napakakaunti) na walang masama sa drums. Ops, ops, ops! Bago ka mag-react, let’s study what music is first.

Ang salitang musika o music ay binase sa Ingles na salitang “muse,” na ang ibig-sabihin ay, “to think” o “mag-isip,” “isipin.” So from that maaari nating i-conclude na dapat ang musika ay isang pinag-isipan na bagay, hindi isang gawain na basta na lang ginawa. (Ngayon ay isipin niyo ang musika ng ating mga awitin at yung ‘musika’ ng mga ‘metal rock’ nilang sinasabi. Mukha bang pinag-isipan?)

Sa Webster’s dictionary, ang ibig-sabihin ng music ay, “any succession of sounds so modulated as to please the ear, or any combination of simultaneous sounds in accordance or harmony, which can be vocal or instrumental.” (Ngayon ay isipin mo kung ang hard rock ‘music’ ay nakakalugod sa tainga. Nakakabinge! At iyon ay “please the ear,” hindi “please the  flesh”  na ginagawa hindi lang ng mga musika ng mga worldly songs kundi ng mga ‘Christian’ songs na may drums!)

Now let’s be clear. May nangyayaring pagkalito sa pagitan ng mga terminong ito: music, lyrics, at song. Kadalasan ay napapaghalu-halo natin ang mga katawagang ito kaya tayo naguguluhan sa isyu ng musika. Ang musika ay ang pagkakaayos ng mga tunog o nota. Ang lyrics ay mga salita na nilalagay sa musika. Ang song ay ang resulta ng pinagsamang music at lyrics. Did you get it? Music ang tunog, lyrics ang salita, song ang pinagsamang music at lyrics. Ang pinag-uusapan natin ngayon ay music, ang tunog, hindi ang lyrics o song. So hindi natin tinutukoy dito kung tama ang message noong awit, kundi tama ba ang tunog? Tsaka lamang matatawag na Christian ang isang song kung parehong Christian ang music at lyrics. Get it? Now, hindi na natin kailangan pag-usapan ang mga salita dahil obvious naman kung pang-Cristiano o hindi, kundi ang musika—ang tunog, pang-Cristiano ba?

Ano ba ang pang-Cristianong musika? Dapat ay magbigay ito ng lugod sa ispiritu, hindi sa katawan o pag-iisip. At ang tanging nagbibigay-lugod sa ispiritu ay mga bagay na nagbibigay-lugod sa Diyos, dahil Siya ay Ispiritu. (John 4:24) Ngayon ay dito papasok ang tatlong elemento ng musika: ang melody (melodiya), harmony (harmonya), at rhythm (ritmo). Ang melody ang siyang pangunahing tunog ng musika, at ito ang madaling matutunan sa musika. Technically, ito ang soprano – ito yung tono ng awit pag kumakanta tayo sa kongregasyon, at ito ang kumikilos sa ating ispiritu. Ang harmony ang siyang pumapangalawa, at ito ay nakakaapekto sa ating isip at emosyon—technically, ito yung mga mahihirap na bahagi ng musika: ang alto, tenor at bass—kailangan ng masugid na pag-aaral bago mo magawa ang mga tonong ito. Ang rhythm ang siyang pisikal na parte ng musika. Ito ang nakakaapekto sa ating katawan. Dito na pumapasok ang bilis (tempo), lakas (volume), at diin (stress) ng musika. Lahat ay mahalaga, ngunit kung mayroon dapat sa lahat ng pagkakataon, iyon ay ang melodiya, dahil iyon ang kumakausap sa ispiritu. Pagnilaynilayan ang nakalagay sa ibaba:

Melody

Harmony

Rhythm

Kung sa laki ng letra natin pagbabasihan ang musika, dapat malaki ang melody, katamtaman ang harmony at maliit ang rhythm. Diyan mo sukatin ang musikang pinakikinggan mo. Nasa ayos ba ang tatlo? O ang mas nangingibabaw ay ang harmony, o rhythm?

Rhythm? Diyan pumapasok ang drums. Ang drums ba ay ginagamit in such a way na hindi nasasapawan ang melody? Most of the time not. And besides, if we please the flesh, na ginagawa ng drums, o ng rhythm in other words, hindi ba lumalaban iyon sa sinasabi ng Kasulatan? (Matthew 6:33)

At ang drums parang alak yan. Sige, sabihin natin na kaunti lang naman ang alak na iinumin mo—owws! Ang nagsisimula sa kaunting alak ay nauuwi sa bote-bote na nauuwi sa kahon-kahon! Ganon ang drums. Paano ba nagsimula yang ‘alive’ music na yan? Sa pahina-hinang drums. At ngayon?

Ano’ng mali sa drums? The facts speak for itself. And besides, ano bang dahilan ba’t tayo magda-drums ngayon kung hindi ito ginawa ng church for over 2,000 years?