Ang Tunay na Pagpapasalamat: Ang Pasasalamat Hindi Lang Isang Araw

giving thanks

by Ellen Vaughn

Kailan lang ay nakarinig ako ng isang kwento tungkol sa dalawang batang lalaki na na-stranded sa dagat. Bigla pagkatulak nila palayo, ay nahuli sila ng malakas na agos. Dinala sila nito palayo at palayo mula sa mga pamilyar na mga boses ng mga tao sa beach.

Pagkatapos ng isang oras, mga ilang milya na sila mula sa pangpang na walang pagkain, tubig, maging mga pampatagal ng buhay, at komunikasyon. Mga ilang oras pa bago maisip ng mga tao na sila’y nawawala.

Noong una nilang gabi sa bukas na dagat, ang lamig ng hangin ay bumaba sa below freezing degree. Doon sa bangka ay nakahiga silang ginaw-na-ginaw at takot-na-takot. Ang isang araw ay naging linggo na, at ang pag-asa nilang mabuhay ay halos mawala na. Lumipas ang mga araw na kanilang pinag-uusapan ang kanilang mga pinakamagagandang alaala, mga matatalik na kaibigan, at paboritong pagkain: banana split at Mountain Dew. Nanigas ang kanilang mga dila sa uhaw, at nanuyo ang kanilang mga bibig. Sa ika-anim na araw, umukit sila ng mensahe ng pamamaalam sa mga minamahal sa bangka at hinintay ang kamatayan.

Ngunit noong sumunod na umaga, sila’y gumising nang may bahag-hari. Habang sila’y lumulutang-lutang, isang agos ng tubig ay tumaas, dahilan upang makakita sila ng isang sasakyang malapit sa kanila. May dalawang mangingisda roon—isang balabas-saradong kapitan at kasama nito: “mga anghel,” na tinawag di naglaon ng mga bata sa mga ito. Tinulungan sila ng mga lalaki mula sa kanilang bangka, binigyan sila ng tubig, at ibinalik silang ligtas.

Ngayong Thanksgiving, hindi ko maialis sa isip ko ang kwento ng dalawang batang ito. Ang mga handa sa aating lamesa ay mga simbolo ng mga pagpapalang dakila ng Diyos sa buong taon. Mayroon kami ng lahat ng aming kailangan, at higit pa. At kontra sa mga desperadong mga batang ito na-stranded sa dagat, kami ay mainit at ligtas. At oo, kami’y mapagpasalamat.

Ngunit isipin niyo na lamang kung ano magiging ang Thanksgiving namin kung nadala kaming palutang-lutang sa karagatan—malamang papangarapin din naming maligtas at matutuwa kung ganoon nga ang mangyari. Ang aming pasasalamat ay aapaw, umaapaw na kami’y napapaluha na, natatawa, may lubos na ginhawa, at ligaya. Sila na nailigtas mula sa gutom ay mapagpasalamat sa pagkain sa paraan na ang laging kumakain ay hindi.

At halata din naman ito sa ating ispiritwal na bahagi. Sila na talagang nakita ang kalakihan ng kanilang kanilang kaligtasan ay umaapaw sa pasasalamat sa biyaya ng Diyos. Kinakain nila ang Salita ng Diyos at hindi sila mabusug-busog rito. Gusto nilang sabihin sa lahat ng tao kung gaano sila naging ligaw noon at natagpuan ni Jesus. Sobrang ligaya nila. Hindi nila matapos-tapos na isipin kung gaano sila kamahal ng Diyos at niligtas sila mula sa ispiritwal na kamatayan, at gusto nila na maligtas rin ang kanilang mga kaibigan.

Pero ano namang balita sa atin na nasa ligtas na kalsada ng pananampalataya sa ngayon? Kaya ba nating umupo sa mesa ng Pasasalamat at maging ganito ka-wild sa pagpapasalamat?

Oo. Ngunit para magawa ito, kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang pagbibigay-pasalamat.

 

Ang Layon ng Ating

Pasasalamat

May dalawang uri ng pasasalamat: ang isa ay pumapangalawa, ang isa ang pinakapangunahin. Ang pumapangalawang uri ay pasasalamat para sa mga pagpapalang natanggap—ang mga unang bagay na pumapasok sa harap ng mesa ng Pasasalamat: buhay, kalusugan, tahanan, pamilya, kalayaan, mga kaibigan, pagkain. Ito ay isa nang pag-iisip ng pagpapahalaga sa lahat ng mga mabubuting kaloob, malaki man o maliit.

Tinawag ito ng 19th century na mangangaral na si Jonathan Edwards na “natural na pasasalamat.” Maganda ito—ngunit mahirap itong dumarating kapag masungit ang buhay sa atin. Sinasabi ni Edwards na kung mahal natin ang Diyos dahil lang sa mga binibigay Niya sa atin, ang ating pagmamahal ay nagsisimula sa maling bahagi.

Ang isa pang uri ng pasasalamat ay tinatawag ni Edwards na “mabiyayang pasasalamat”—pasasalamat hindi para sa kung anong binibigay ng Diyos sa atin, ngunit sa kung sino Siya. Ito ay tungkol lahat sa Kanya at pagtataas sa Kanyang kabutihan, pag-ibig, kapangyarihan, at biyaya, anumang tanggapin natin. Ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang tunay na katunayan ng presensya ng Banal na Ispiritu sa buhay ng isang tao, at ito’y lumalabas sa gitna ng hirap o sakit. Makikita natin ito sa hindi natitinag na pahayag ni Job: “Kahit na ako’y patayin Niya, magtitiwala pa rin ako sa Kanya” (Job 3:15).

Ang apostol Pablo ay umaapaw sa ganitong klase ng pasasalamat. Kapag pinagbabantaan ng kamatayan, na kadalasan ay nangyari, nagsasabi siya ng mga bagay tulad ng, “Sige! Ang mamatay ay pakinabang!” Kapag nanatiling buhay, okay pa rin: “Para sa akin, ang mabuhay ay si Kristo!” (Filipos 1:21) Hindi siya mapigilan, puno ng pasasalamat at kapayapaan at kaligayahan, hindi sa dahil sa kung anong mayroon siya, kundi sa kung Sino na kanyang nakilala.

 

Ang Pinagmumulan ng Tunay na Pasasalamat

Sila na puno ng mabiyayang pasasalamat ay umaapaw na parang fountain. Sila ay umaapaw sa kaligayahan, pagsamba at misyon. Sa paraan na sila’y nabubuhay at sa mga salitang kanilang ibinibigkas, ang mga mapagpasalamat na mga mananampalataya ay nagpapatotoo sa Isa na naligtas sa kanila. Walang makakapigil sa kanilang pumunta sa kung saan sila itinuturo ng Diyos, kung saan may pangangailangan.

Ang beverage dispenser ay isang halimbawa na lumalarawan sa aking buhay. Kahit na gaano ko kaalam na dapat akong “manatili kay” Kristo, tulad ng sinabi Niya (Juan 15:5), ako’y madaling naaalis mula sa saksakan. At narito na naman ako, nagpapawis na dinadala nang mag-isa ang dalahin kaysa na umapaw sa bagong kapangyarihan ng Ispiritu.

Ngunit paano tayo mananatiling “nakasaksak”?

Aking natagpuan na ang gustuhing pasasalamat ng puso ay susi para sa totoong pagbabago. Ang ating ispiritwal na kapangyarihan ay naka-depende sa bawat sandali na pakikipag-ugnayan sa Panginoon. At nabubuo natin ito sa pamamagitan lamang ng pasasalamat sa Kanya sa lahat ng bagay (Efeso 5:20), hindi lang sa kung anong ibinibigay Niya, kundi sa kung sino Siya. Ating sinasanay ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng pasasalamat para sa kanyang di-kapani-paniwala at mabiyayang katangian.

 

Ang Kwento ng Ating Kaligtasan

Ano ang naging dahilan para maging ganoon na lamang magpasalamat si Pablo? Ito ang dahilan: naalala niya ang kanyang kaligtasan. Sa buong buhay niya, sa bawat oras na ikaw ay lumingon, sinasabi niya ang kanyang pagkakakila kay Jesus. Si Pablo ay dating naging mayabang na Pariseo, puno sa kanyang sarili, puno ng kayabangan sa kanyang mga relihiyosong mabubuting gawa. Itinumba siya ni Jesus sa lupa mula sa kanyang mataas na kabayo sa daan patungong Damasko. (Mga Gawa 9:4) Binulag siya ng liwanag ni Kristo; niligtas siya ng pag-ibig ni Jesus.

Alam ni Pablo na siya ay iniligtas. Tinawag niya ang sarili na “pinuno ng mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15) at itinaas ang himala ng pagkakaligtas mula sa kasalanan at ispiritwal na kamatayan. Umaapaw sa pagpapasalamat sa napakadakilang kaligtasan, kanya laging inalala kung ano ang ispiritwal na gutom na noon ay mayroon siya. At kaya, sa natitira niyang buhay, siya ay totoong mapagpasalamat sa biyaya.

Ang manunulat na si Elie Wiesel, isang taong nakaligtas mula sa Holocaust at nabuhay sa kadiliman sa Auschwitz, ay minsang nagsabi na “walang iba ang mas may kakayahan ng pasasalamat kaysa sa kanila na nakatakas mula sa kaharian ng kadiliman.” Sa biyaya ng Diyos, ang mga mananampalataya ay nakatakas mula sa kaharian ng gabi pupunta sa kaharian ng Liwanag. Mas madalas nating maalala ang dakilang kaligtasang ito, mas lalong magiging madalas ang ating pasasalamat na parang isang hindi mapipigil na bukal.

Ngayong Thanksgiving, sa aming tahanan, aming ililista ang mga partikular na mga bagay na aming ipinagpapasalamat—kahit ano mula sa basketball hanggang sa aming alaga hanggang sa pagkain hanggang sa mga kaibigan at pamilya. Ang ganitong klase ng pasasalamat ay mabuti.

Ngunit ang radikal na pasasalamat ang pinakamaganda. Ito ay dumarating sa tuwing tayo ay palibot ng mesa at nagsasabi ng mga kwento ng kung paano tayo iniligtas ng Diyos mula sa tiyak na kamatayan. Ating aalahanin kung paano tayo naging mahirap spiritually, sira-sira, at gutom—at kung paanong ang isang mabiyaya at maawain na Diyos ay natagpuan at nailigtas tayo. Pagkatapos ay dadaloy ang tunay na pagpapasalamat—binabaha ang ating mga buhay at binubuhos sa iba.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa artikulong “Radical Gratitude: Thanksgiving Isn’t for One Day Only,” In Touch®, November 2006, pp. 18-21.

Your Love is Strong by Jon Foreman

These lyrics has been a favorite of those listening to Jon Foreman in his aftershows. This piece shows the powerful love of God for us, displayed by what He’s done and is doing for us now, and what He’ll do for us. This is a combination of the Lord’s model prayer and the discourse on needs.

Heavenly Father,  You always amaze me
Let Your kingdom come in my world and in my life

Give me the food I need
To live through today

And forgive me as I forgive
The people that wrong me.
Lead me far from temptation
Deliver me from the evil one.

I look out the window
The birds are composing
Not a note is out of tune
Or out of place

I walk to the meadow
And stare at the flowers
Better dressed than any girl
On her wedding day.

So why should I worry?
Why do I freak out?
God knows what I need
You know what I need.

The Kingdom of the Heavens
Is now advancing
Invade my heart
Invade this broken town.

The Kingdom of the Heavens
Is buried treasure
Would you sell yourself
To buy the one you’ve found?

Two things You told me
That You are strong
And You love me
Yes, You love me

Your love is, Your love is
Your love is strong
Your love is, Your love is
Your love is strong!

Our God in Heaven
Hallowed be Thy name
Above all names
Your kingdom come
Your will be done

On earth as it is in Heaven
Give us today our daily bread
Forgive us weary sinners
Keep us far from our vices
And deliver us from these prisons!

“Your Love is Strong” (based on Matthew 6:9-13, 25-31) is from the Spring EP, released 2008. © Atlantic/Lowercase People Records.