Estranghero

by Elijah Abanto

Pinag-uusapan siya ng lahat. Dahil sa kanya maraming nangyayaring mga kontrobersiya, pag-aaway-aaway, at mga debate. May nagsasabi na maganda ang kanyang itsura, mayroon namang nagsasabi na pangit siya. Maraming naniniwalang mabuti siya; yung iba ay napapailing naman sa kasamaan daw niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ganong kalinaw kung sinong tama sa dalawa—dahil sa totoo lang, ay isa siyang estranghero.

Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam mo sa maikling kwentong ito. Malamang ay napakunot ang noo mo at napaisip ka, Kaya? Yung iba ay tatawa at magsasabi, “Kaya naman pala! Estranghero eh!”

Estranghero. Di-kilala. Dayo. Estranghero. Malamang ay may kumatok na sa iyong bahay at nang buksan mo ang iyong pinto ay sumama ang tingin mo—tulad ng naging reaksyon mo sa kwento. Ngunit alam niyo ba na natatakot ako na baka sa ating mga Kristiano ay Estranghero pa rin ang Panginoon?

Oo, isang Estranghero. Di-kilala. Dayo. Ang Panginoong Diyos ba ay parang isang Dayo sa buhay mo? Yung para bang pag may nangyari ay iniisip mo, Bakit ganon ang ginawa mo, Panginoon? Ano kamo? Nagtumba Ka ng mga lamesa at namalo? Yung hindi tayo makapaniwala. Nung nabuhay ka Jesus, nakipagkaibigan ka sa mga patutot, mga kurakot, at mga matapobreng mayaman? Gets? (By the way, ang sagot sa mga tanong mong iyan ay totoo—ginawa iyang lahat ni Jesus.)

Bakit kaya? Wait a minute. Huwag niyong sabihin na may tao o Kristiano na talagang nakakakilala sa Panginoon nang lubusan—wala pa! Pero kadalasan ang dahilan kung bakit hindi madagdagan ang kaalaman natin tungkol sa Kanya ay kagagawan na rin natin. Paano ba natin nakikilala ang Estrangherong ito, at nang hindi tayo matulad sa nasabing kwento na salungat-salungat ang opinyon?

Bible study. Yes, pag-aaral ng Biblia. No, no, hindi pagbabasa lang. Kaya maraming kulto at dibisyon sa iglesiya ay dahil sa kakulangan niyan—bible study. Kailan pa tayo matututo? Kailan pa natin mapagtatanto na ito at prayer lang ang daan para makilala Siya? And yet, kung tatanungin kita, ay malamang alam ko na rin ang sagot. “Hindi ko nagawa eh,” kasunod ang litanya ng mga rason kung bakit.

Nitong nakaraang buwan nalaman niyo na ang dapat malaman tungkol sa Daily Walk. At nalaman natin na ang relasyong maayos at kaibig-ibig ay mapapanatili lamang ng komunikasyon. May regular ka na bang komunikasyon sa Kanya?

Tama na ang stranger syndrome. Sana dumating ang panahon  na hindi na estranghero sa atin ang Panginoong Jesus. At alam mo kung paano mo yun magagawa? Bible study and prayer. Nothing more. Wait, wait, wait, pati pala obedience at application!

Lakad Tayo!

daily walk

by Elijah Abanto

Lahat na siguro tayo nakipag-usap—kahit nga sanggol nakikipag-usap na, kahit utal-utal pa ang pananalita! Oo, nakaranas na tayong lahat makipag-usap.

Ano nga ba ang pakikipag-usap? Ito ang pakikipagpalitan ng dalawa o higit pang mga persona ng mga salita tungkol sa isang pangkaraniwang paksa. Kaya sa pakikipag-usap hindi pwedeng mag-isa ka lang, bukod na nga lang kung kinakausap mo ang iyong sarili—in a way, parang dalawang tao din iyon!

With that in mind, imagine-in niyo ang dalawang taong naglalakad sa daan. Karaniwan ay ganito ang eksenang ating kinabibilangan kapag tayo ay may visitation o soul winning. Ano bang ginagawa niyo habang kayo ay naglalakad-lakad sa daan? Wala bang imikan? Walang salita, lakad lang? Siguro napapasabi ka, “Siyempre naman hindi! Nag-uusap kami—nakaka-boring kaya ang walang kausap!” Tama. At tsaka kung gusto mong mapalapit sa taong iyon, hindi mo siya susupladuhan. Tama?

Dalhin natin ang ganyang kaisipan sa relasyon natin sa Diyos.  Simula nang tayo’y magsisi sa ating mga kasalanan, naniwala sa Kanyang ginawa sa krus ng Kalbaryo, at tinanggap Siya sa ating mga puso bilang Tagapagligtas, nagkaroon na tayo ng relasyon sa Diyos: Siya ang ating Ama, at tayo nama’y Kanyang mga anak. At simula nang maging Kristiano ka, ay lagi na tayong lumalakad na kasama Niya. Mayroon na tayong daily walk kasama Siya.

Ngunit nakikipag-usap ka ba sa Kanya? Para alalahanin kung ano ang ibig-sabihin ng pakikipag-usap, bumalik ka sa unang pahina. “Pakikipagpalitan.” In some way, “mahiyain” ang ating Ama, at nais Niya na ikaw ang magsimula ng usapan—ayaw ka Niyang pilitin sa usapang hindi mo naman gustong gawin.

Nalaman natin na tayo ay nagsasalita sa Ama sa pamamagitan ng prayer, o pananalangin. Ang Diyos naman ay nakikipag-usap sa atin sa pamamagitan ng pag-aaral natin ng Biblia, o Bible study. (Bible study, dahil, kung babasahin lamang, at hindi natin iintindihin, hindi iyon pakikipag-usap.)

Ano’ng ginagawa natin pag nanalangin? Sinasabi natin lahat (lahat, dapat) sa Kanya—ating mga kasalanan (pag-amin),  ating mga pagpapala at biyaya (pagpapasalamat), at ating mga kailangan (paghiling). Sa paraang ito ay nagsasalita tayo sa Kanya. At karamihan sa atin ay hindi nabibigo sa bahaging ito—kahit iilang minuto lamang (ngunit hindi naman din dapat ganon lang kaikli), ay nagagawa nating magsalita sa Kanya. (Pansinin niyo na laging “magsalita” ang ginagamit ko, hindi “makipag-usap.”) Ngunit paano ang Bible study? Marami sa atin ang nabibigo sa bahaging iyan. At parang wala lang sa atin kung mapag-aralan natin ang Biblia o hindi sa buong araw.

Ngunit isipin mo na lamang kung sa usapan ay yung kasama mo lang ang salita-ng-salita at hindi ka niya binibigyan ng pagkakataon na magsabi ng kahit isang salita lang. Naiinis ka. Nababagot ka. Baka hindi ka na makapagpigil at magsabi ka, “Ano ka ba, bakit ayaw mo akong pagsalitain? Gusto mo ikaw lang ang nagsasalita?” At ikaw, galit, ay mas mamabutihin pa iwan na lang siya, at maghanap na lang ng ibang bubuwisitin niya.

Ngayon balik tayo sa Diyos. Kinakausap Niya tayo sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia. (“Kinakausap” ang aking ginamit dahil bago ka kausapin ng Diyos, ikaw muna ang dapat lumapit sa Kanya at magsalita. Ipapaliwanag ko maya-maya.) Ibig-sabihin, kung hindi tayo nagbabasa at nag-aaral ng Biblia, parang tayo yung taong ayaw pasalitain yung kausap. Nakuha niyo ba? At dahil doon, “iiwan” Niya tayo at hindi na pakikinggan ang ating panalangin—bagaman, dahil mapagpasensya ang Diyos ay matagal pa bago Niya gawin ’yon. Pero isipin mo na lang kung ano’ng nararamdaman Niya sa ating ginagawa pag walang Bible study. Parang tinatakpan natin ang bibig Niya nang sapilitan.

Dahil ang Diyos ay “mahiyain,” lumapit ka sa Kanya at sabihin mong kausapin ka Niya. “Ano po bang gusto Ninyong sabihin sa akin?” Lumapit ka sa Bible mo at buksan sa Scripture reading, at sabihin mo, “Ano po ang gusto Niyong ipaunawa mula dito?” At kakausapin ka Niya nang buong puso, at pakikinggan Niya rin kung ano ang sinasabi mo sa Kanya. Di ba ganon ang magandang pakikipag-usap? Titibay ang inyong relasyon ng Diyos; nasisiyahan Siya, at natutuwa ka rin.

Bakit hindi mo iyon gawin simula ngayon? Tama na ang walang imikan! Tama na ang ikaw lang ang salita nang salita! Isaayos mo na ang paglakad mo kasama Siya.

Maglaan ka ng takdang oras. 6 AM. 12 NN. 3 PM. 9 PM. Kahit ano’ng oras basta magtakda ka. At sundin mong palagi. Huwag kang mahuhuli—dahil hindi nahuhuli ang Diyos sa iyo. At kung sakaling mabigo ka ng isang beses, ‘wag kang manghina—hingin mo lang ang Kanyang tawad, at magsimula kang muli nang panibago. At kung ano’ng sabihin Niya sa iyo, huwag magdalawang-isip na sundin iyon. At sinasabi ko sa iyo, mas malamang ay “susundin” Niya rin ang sinasabi mo sa Kanya!

“Lakad tayo!” sabi ng Diyos. At sa paglakad na iyon ay titindi lamang ang inyong relasyon ng Diyos kung mag-uusap kayong dalawa. Di ba ang ganda? Kung mapagtatanto lang natin.

Wala Bang Signal?

signal

by Elijah Abanto

Kung mayroon mang panahon sa buong kasaysayan na mas kinakailangang mag-pray, ngayon iyon. Kung mayroon mang oras kung kailan dapat manalangin nang pinakamatagal ang Kristiano, ngayon iyon. Kung isang panahon lang sa kasaysayan kailangang makipag-usap sa Diyos, ngayon ang panahon na iyon. Ngayon.

Sa totoo nga lang, sa lahat ng panahon sa kasaysayan, ay kailangan ng pananalangin. Sa unang mga araw ng sanlibutan, nakipag-usap ang Diyos sa mga tao tulad nina Adan, Noe, Abraham, Jacob, Jose, Moises at marami pang iba. Sa pagpapatuloy ng mundo, nariyan naman sina David, Samuel, Elias, Eliseo, Esaias, at mga propeta—kinakausap ng at nakikipag-usap sa, Diyos. At sa panahon ng Bagong Tipan, mismong si Jesus ay nanalangin—ang Diyos na nagkatawang-tao. Sinundan ito ng mga apostol at ng mga unang iglesiya sa iba’t ibang dako ng Kanluran.

Ngunit ang nakalulungkot, ang ating panahon ay nakakaranas ng pinakamahinang “signal” ng komunikasyon sa Diyos. Masyado nang naging abala sa mga gawain—mula  bata hanggang matanda—at ang pakikipag-usap sa Diyos ay “naputol” na sa karamihan ng mga Kristiano. Noong una, kaya ng hanggang apatnapung-araw makipag-usap ng tao sa Diyos (halimbawa ay si Moises, si David, at mga propeta, hanggang kay Jesus). Noong panahon ng iglesiya, “araw-gabi” ay nananalangin ang buong iglesiya. Maging noong panahon ng Dark Ages at Reformation, ang mga Ana-Baptist at Protestante ay nananalangin ng dalawang-oras kada umaga, tanghali, gabi. Ngunit ngayon? Maaari nang ikaw ang sumagot sa tanong na iyan.

Wala na bang ‘signal’ ang ‘telepono’ natin sa Diyos sa mga panahon ngayon?

Sa sobrang ka-busy-han sa trabaho (empleyado man o may-ari mismo), sa eskwela (mula sa elementarya hanggang kolehiyo), at maging sa gawain ng Diyos (soul winning, Bible study, discipleship, choir), ay nawawalan na tayo ng panahon para sarilinin ang Diyos—Siya na iginugugol ang buong panahon Niya sa atin. Ang malala pa ay napupunta rin ang oras sa laro, panliligaw, paglalakwatsa, pakikipagdaldalan at pagtunganga sa TV na maaari na sanang ilaan sa pakikipag-usap sa Diyos. Ang masama ay hindi ito ang panahon para magpatumpik-tumpik pagdating sa panalangin.

Yun nga lang mga tao na may matitigas na puso ay marahil  hindi natin isinasama sa ating mga panalangin kahit sila ay nangangailangan ng kaligtasan. Ang buong mundo, pasama-nang-pasama (makikita mo kapag nagbabasa o nanonood ka ng balita), at kapit-kapit ang kanilang kamay para usigin ang mga Kristiano, ngunit ni isang misyonero ay hindi man lang natin maipanalangin. Ang ating bansa, na nasa bingit ng Charter Change, pag-angkin ng mga Muslim, at korapsyon, ay walang lugar sa ating mga prayer request. Ang ating lungsod, ang ating barangay, kailan natin nailapit sa Diyos? Ang ating iglesiya, paanong ito’y lalago at magiging patotoo sa paligid kung sa pagdadasal nati’y wala—ang ating pastor na nangunguna sa atin, kanyang pamilya, at bawat isa? Ang ating mga pamilya, paanong titibay, paanong lalakas, kung ang panalangin nati’y sasampung minuto lamang?

Mahina ba ang signal? Hindi mga kapatid. Kung gaano kalinaw ang reception noon sa kalangitan noon ay ganoon pa rin ngayon, walang pagbabago. Hindi nga lang natin ginagamit ang telepono, at madalas ay missed call o iilang saglit lamang. Kitang-kita na ito sa dami ng dumadalo sa prayer meeting—yun at yun na lang palagi pag Huwebes. May nagsabi ngang ebanghelista, “Kung gaano karami ang tao tuwing Sunday ng umaga, ganon ka-popular ang pastor. Kung gaano karami ang tao tuwing Sunday ng gabi, ganon kakilala ang iglesiya. At kung gaano karami ang tao tuwing prayer meeting, ganon ‘kasikat’ ang Diyos.” Hindi ba kilala ang Diyos sa ating buhay? Malamang ay dahil hindi natin Siya kadalas kausap. Paano natin makikilala ang hindi naman natin o bihira lamang natin kausapin?

Long Distance Relationship: Will It Endure? Does It Work?

long distance

by Mrs. Olivia Abanto

Ang isang nagpapatibay ng lahat ng uri ng relasyon ay ang komunikasyon. Ngunit sapat ba ito upang mapanatili o mapatibay ito?

Ito ang mga bagay na sumagi at naglaro sa aking isip nang aking bigyang pansin ang iba’t ibang uri ng relasyon.

Sa relasyon ng magkaibigan, isang kapatid ang minsang nagsabi sa akin, “Sa dinami-dami ng kaibigang tinuring ko ikaw ang binilang kong the best sa mga kaibigan na ’yon.” Hindi lang isa o dalawa ang nagbigkas ng ganyang mga kataga sa akin, pero dahil walang ganoong komunikasyon, sa anumang kadahilanan, ang pagiging best friends na tinatawag ay hindi ko napatunayang nanatili o tumibay, marahil hanggang sa puso lamang.

Isang pagiging katuwang sa gawain nang buong buhay ang naging pangako ng magkapatid sa Panginoon. Naunawaan niyang ang ‘gawain’ ay tunay na di simpleng grupo na pinupuntahan kada Linggo, pakikinig ng pangangaral ng Salita ng Diyos, pagkukumustahan—kundi ito’y pagtatalaga ng sarili upang sa lahat ng makakayang paraan ay maging katuwang ang isa’t isa sa pagpapatuloy at pagsulong nito. Datapwa’t sa agwat ng distansya tila ang pagtatalaga (commitment) ng pangako ay napapako. Nakakalungkot mang isipin, ang kasabihang, “Out of sight, out of mind” ay nagkakatotoo.

Sa harap ng bandana, dalawang mag-sing-irog ang nagbitiw ng pangakong “till death do us part,” datapuwa’t sa kahirapan ng buhay napilitang lumayo ang isa sa kanila upang pag-unlad ng pangarap ay magkaroon ng katuparan. Bihira sa ‘hindi’ ang pangakong “till death do us part” ay naibigay na sa malapit na kapiling na nagpadama ng pagmamahal na tunay daw.

So far so bad ang sagot sa tanong na hinahanapan natin ng sagot. But don’t lose hope, I still have one stick to go before we make a conclusion.

Tatlumpung taong nakalilipas nang tinanggap ako ng Diyos bilang anak, sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. Physically ang Ama ay napakalayo sa akin. Ngunit ang mga pangakong pagtanggap at pag-ari sa akin bilang anak kailanman ay hindi binawi sa akin. Malayo man ang Ama sa akin ngunit ang Kanyang pangakong pagtatalaga na “kailanman ay hindi kita iiwanan ni pababayaan man”—wala akong naaalalang pangyayari o sapantaha na iniwan Niya o pinabayaan man ako. Naniniwala akong kahit isa sa Kanyang mga anak ay hindi nakaranas ng pagpapabaya. Bagaman sa pisikal na aspeto ay wala ang Diyos sa piling natin at di tiyak kung kailan ang takdang panahon ng pagsasama natin sa Diyos, walang pagkikitaan sa buhay ko na ang pagmamahal ng tunay ng Diyos ay di Niya pinadama sa akin. Hindi naging hadlang ang kawalan ng pisikal na presensya ng Diyos sa akin upang mapatunayang ang pangako Niya ay laging tapat. Laging ang linya ng komunikasyon ng Diyos ay bukas at di naging pang-abala sa Kanya. Ang pangako ng di pagpapabaya at pagmamahal ay lagi Niyang pinararanas sa bawat anak Niya.

In my sense of terms: Long Distance Relationship: Will it endure, does it work? Yes. Dahil ang ating Ama ay pinatunayan ito. Manatili lamang sa tamang landas, manatili lamang sa pagsunod sa ating Ama, dahil Kanyang sinasabi, “It is God which worketh in us both to will and to do of his good pleasure” (Philippians 2:13). Mabuti Niyang kaluguran na ang mga ugnayan sa pagitan ng magkakaibigan, magkakapatid, at mag-aasawa ay trabahuhin at pagtiisan kahit na ang distansya ay mahaba. Nagawa ito ng Ama kaya kaya rin natin itong gawin.

Pagpapalain kayo ng Diyos!

Gaano Ka Kahaba Mag-Pray?

by Elijah Abanto

timer

Naitanong ito isang beses sa 2nd-level leadership training session na pinapangunahan ni Pastor Abanto. Ano ang mga sagot? May nagsabi ng 30 minutes, may 10 minutes, 5 minutes, 3 minutes, 1 minute… well, mayroon ding nagsagot ng wala pang isang minuto. Mayroon ding nagsabing hindi nila alam kung gaano katagal. May mga nagtaka o nagulat nang may magsabi ng 30 minutes; napailing din sila kapag may nagsabi ng 5 minuto pababa. Alam naman natin na mapahaba man o maikli ang pananalangin, kung ang pinapangalanginan, pinapanalangin, paraan ng pananalangin, o rason ng pananalangin ay hindi tama, ay maling pananalangin iyon. Una ay dapat tayong manalangin sa Diyos, hindi sa mga imahen. Pangalawa, dapat tayong manalangin para sa kabutihan ng lahat, hindi lang para sa sarili natin. Pangatlo, dapat ay may kabuluhan, ibig-sabihin ay espisipiko at direkta, hindi paulit-ulit na wala namang laman. Pang-apat, manalangin para sa kalualhatian ng Diyos, hindi para makita ng tao na magbubunga sa iyong kalualhatian. So technically, kapag sang-ayon sa apat na biblikal na prinsipyong ito ang ating panalangin, mahaba man o maikli, ay tama iyon. Ngayon ay isipin natin na pumasa tayo sa apat na batayang ito—nao-orasan ba natin ang ating panalangin?

Ang tinutukoy ko ay ang pananalangin nang personal—yung mag-isa ka lang, yung ikaw lang at ang Diyos, yung pagkagising mo o bago ka matulog, yung ikaw lang ang nakakarinig ng sinasabi mo, at Siya din. Hindi ko sinasabi ang pananalangin para sa pagkain, nang publiko, sa prayer meeting, at iba pang baka sabihin mo (bagaman maganda rin naman kung nagawa)—ito ay personal na panalangin. Ngayon dito pumapasok ang mahaba at maikling panalangin. Kung oorasan mo ang iyong prayer life, tama ba ito sa harapan ng Diyos? Kung wala pang minuto, o limang minuto, o sampung minuto ka lang manalangin, hindi nakakatuwa para sa Diyos, at lalo na para sa iyo. Para mas lalo mong maintindihan kung gaano kahalaga ang haba ng pananalangin mo, gawin nating ganito ang tanong: Gaano ka katagal makipag-usap sa Diyos?

Alalahanin na ang pagbabasa ng Biblia at Holy Spirit ang paraan na ginagamit ng Diyos para makipag-usap sa atin, na obviously ay lampas sa isang minuto o lima. Ang prayer ang paraan natin para makipag-usap sa Diyos. Tayo, tumbas ba ng pag-pe-pray natin ang pakikipag-usap sa atin ng Diyos?

Wala kang mai-pag-pray? Hindi, napakarami nating dapat ipag-pray. Kahit ako nalulunod na—kailangan kong ipag-pray na matupad ang kalooban ng Diyos, kasunod ang buong mundo, ating bansa, ating komunidad, ating iglesiya, pamilya ng ating pastor, ating mga kakilala (o kaaway), ating pamilya, at pati ang ating mga sarili. (Sa sarili pa nga lang natin, marami na tayong kahilingan, paano pa ang buong mundo?) Hindi sapat ang salitang napakarami para ilarawan ang ating dapat ipanalangin. Napaka-sobrang dami nating dapat ipag-pray, kaya hindi kaaya-aya na tayong Kristiano ay manalangin ng “mababa-pa-sa-isang-minuto.” Nais ba nating bigyan ng kasiyahan ang Panginoon? Dalasan natin at habaan natin ang pakikipag-usap sa Kanya. Isipin mo na lang kung paano ka makipag-usap sa iyong kabigan, at yun din (at higit pa) ang paraan ng pakikipag-usap sa Kanya—Siya na lagi nang nakikipag-usap sa iyo.

Let me cite you examples. Si Abraham, si Moses, si Samuel, si David, si Elijah, si Daniel, at marami pang iba sa Lumang Tipan. Sa Bagong Tipan, si Anna, ang mga unang iglesiya. At kung si Jesus, ang Diyos na nagkatawang tao, ay nanalangin nang matagal, bakit tayo ay hindi? Si Martin Luther dalawang oras nagpe-pray, ganundin ang mga pastor ngayon. Tanong mo kay pastor kung gaano siya katagal mag-pray, at malalaman mo kung sino ang dapat mong tularan.

“Orasan mo na ang pagpe-pray mo,” payo ni Pastor sa isang miyembro sa session. Magandang payo ito sa ating lahat na nais mapalapit sa ating Panginoon. Habang pwede mo pang orasan.

Praying for Dad (A Story)

praying for Dad

Father’s Day na. Iyon ang realisasyong pumasok sa isip ni Cristine ng idilat niya ang kanyang mga mata. Pinatay niya ang alarm clock na kanina pa kumikiriring, at tumayo at binuksan ang switch ng ilaw sa kanyang kwarto.

5:30 na. Pinlano nila ng kanyang kapatid na si Calvin na gumising nang ganito kaaga. May mahalaga silang dapat gawin.

May narinig siyang katok mula sa labas. Walang-duda, si Calvin ang kumakatok. Pinagbuksan niya ito. “Pasok.”

Nakangiti itong pumasok at umupo sa sahig kagaya niya. Sa loob ng sampung minuto ay nagtitigan sila. Unang nagsalita si Cristine. “Kuya, ano’ng pagpe-pray natin for Daddy?”

“Iniisip ko pa nga rin eh,” sagot ni Calvin, halatang balisa na sa pag-iisip.

“Kuya, isipin natin kung ano ang mga ginagawa niya,” suwestiyon niya kay Calvin.

“Oo, nga,” sagot nito, at kumuha ng papel at ball pen mula sa kanyang study table. “Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung ano’ng pagpe-pray.”

“Pumapasok si Dad sa trabaho,” una niyang banat.

“Pag-pray natin na bigyan siya lakas at kalusugan sa pagtatrabaho, pati wag siyang matanggal.”

“Nagde-date sila ni Mommy,” dagdag pa ni Cristine.

“Pag-pray natin na lalo pang maging close sina Daddy at Mommy at wag laging mag-away,” tugon naman ni Calvin.

“Hinahatid niya tayo sa school,” sabi pa ni Cristine.

“Sana magkaroon siya lagi ng oras para gawin iyon, at tsaka sana laging may pang-gas.” Bigla siyang may naisip. “Yung church!”

“Oo nga, pag-pray din na lagi tayong makapag-church kasama si Daddy at Mommy, at matuto siya at tayo sa mga preaching ni pastor at sa turo sa Sunday School.” Kumikislap na ang mga mata ni Cristine sa mga ideyang pumapasok sa kanilang isip.

“Devotion,” nasabi ni Calvin.

“Sana lagi tayong mag-devotion,” naikomento ni Cristine.

“Tinuturuan at pinapalo niya tayo.”

“Sana lagi siyang bigyan ng katalinuhan sa pagtuturo sa atin—teka—ano’ng pagpe-pray natin sa pagpapalo ni Daddy sa atin?” Hindi niya alam. Siguro ang ipapag-pray niya ay huwag na silang paluin.

“Kaya tayo pinapalo ni Daddy dahil may ginawa tayong mali,” sagot ni Calvin. “Mahal niya tayo kaya ganon. Yon ang sabi niya sa atin.”

“So?”

“Sana paluin o disiplinahin niya tayo kapag nagkakamali tayo—” nakita niya ang pagkurba paibaba ng bibig ni Cristine. “At bigyan ng reward kapag gumagawa tayo ng tama.”

Umaliwalas uli ang mukha ni Cristine. “Tama ka nga, Kuya. Kaya tayo pinapalo dahil sa kasalanan natin. Mahal tayo ni Daddy. Sige, yun ang ipag-pray natin.”

“So tapos na ang listahan.”

“Pray na tayo. Sino ang una?”

“Ikaw. Mas bata ka.”

Sa sagot ng kanyang kapatid ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata at pinagsama ang dalawang palad. Magsisimula na siyang mag-pray.

Pagpe-pray nilang dalawa ang kanilang Daddy—ang ever-loving nilang Daddy. Pagpe-pray nilang manatiling may takot sa Dios ang kanilang ama.

Ito ang pinakamagandang regalong maibibigay nila sa kanilang Daddy—ang panalangin na maririnig at sasagutin ng Dios sa langit.

God Answered My Prayer!

By Pastor Felizardo Abanto

The event showing this great truth happened about a week after Diane’s experience. It was a very tragic event to the family. I don’t want to deepen the hurt nor freshen the memories of those involved. So I will just dwell on the prayer and God’s answer. The young man who was the object of our prayer, left their house because of the tragic event and was already gone for two weeks. The family can’t expect him to return due to what he did and his different condition.

When I talked to his sister I just advised her to receive the Lord Jesus as her Savior. After she followed my advice I told her we could ask God to make him come back wherever he is. And God will surely do it. She agreed and I prayed God to take care of him while he was away and to make him return. That was Friday afternoon. The following Saturday evening, my son Israel was riding a bicycle going home inside our subdivision when he noticed a young man walking towards our house. He looked familiar so he came near him and recognized him as the young man we were praying for. Israel led him to our house and told him to stay while he gets his family and me. That night we praise and thank the Lord for answering our prayers.

I told his sister, “You see, God is really alive and powerful. He made your brother come back.” His mother said, “Pastor, God’s really good. He answered your prayer immediately.” Because of this experience his sister is now attending and will be baptized one Sunday.

He is the True God!

by Pastor Felizardo Abanto

1 Kings 17

During the time of the prophet Elijah, God manifested His power when He brought down fire from Heaven which consumed all of Elijah’s sacrifice, the stone altar, and even the water on the trench around the altar. God did it in answer to Elijah’s prayer proving that his God is the true God, that he is God’s prophet and that God wants Israel to return unto Him.

That is the spirit of my prayer when I told two women that we can pray for their loved ones and God, the true and living God, will grant our requests. One of those women is now our member. Mrs. Aquino’s daughter Diane did not come home that Friday from school because she was afraid she would be punished if she would come home without her cell phone. Although she told her friends that she won’t be punished, she still didn’t show up. We visited Mrs. Aquino the following day, Saturday, and beginning from her problem I shared to her salvation in Jesus Christ. She accepted the Lord. Then I told her we could now ask the Lord to make her daughter come home and God would surely do it. She agreed and we prayed. They still looked for her that day and we even went to the barangay captain to ask for their help. Still, no sign of her. But that Sunday evening, God surprised Mrs. Aquino when her daughter appeared outside their gate, telling her she’s coming home. The following Sunday, Mrs. Diane Aquino, her daughter Diane, and Irene attended our church as he promised Jeremiah and followed the Lord in baptism. Amen! I told her, “You see sister, God is alive and powerful. He answered our prayers!” Actually, what I want to tell her was this: “You see sister? My God is the true God and I am His servant and she wants you to return to Him and serve Him!” Praise the Lord!

Andrew sa Labas ng Anino

by Allen Harris

Subukan mong pagnilay-nilayan ang kasabihang, “Nabubuhay sa anino ng iba.” Siguro ay alam mo na kung ano ang pakiramdam nang ganito. Ang best friend mo ang sikat, successful lagi sa anuman at bawat bagay na kanyang ginagawa. O, siguro nararamdaman mo ito sa iyong tahanan—siguro lagi kang nalalamangan ng iyong kapatid. Maraming mga bata ang lumalalaki nang may ganitong alaala sa kanilang mga isip: Bakit hindi ka maging tulad NIYA? o Bakit hindi ka katulad NIYA?

Kung mayroon man sa Kasulatan na malamang ay nakaranas ng “anino syndrome,” si Apostle Andrew iyon. Pag-isipan mo kahit sandali—hindi mo siguro maalala kung kailan ang huling pag-aaral mo sa Bible tungkol kay Andrew. Paul? Siyempre. John? Malamang. Mayroon pa ngang mga churches na may taon-taong pag-aaral tungkol kay Judas Iscariot tuwing Biyernes Santo, for goodness sakes. Pero si Andrew? Pati nga manunulat ng mga Ebanghelyo ay hindi siya pinag-usapan nang ganoong kadalas!

ANG SIKAT NA KAPATID

Si Andrew ay lumaki sa anino ng kanyang sikat na kapatid, si Simon Peter. Kilala mo naman si Peter—siya yung naglakad sa tubig. Siya ang tao na unang tunay na nakilala si Jesus bilang Anak ng Diyos. Siya rin yung nangaral sa Pentecost. Siya ay matigas, masigla, at passionate. Ang kanyang mga taas-baba sa mga gospels ay hanep! Pero tungkol kay Andrew? Nasaan na siya kapag nakay Peter ang camera?

Ang Kasulatan ay tahimik na nagpapatunay na tama si Andrew kung saan siya kailangan—nasa paningin ni Jesus, ngunit isang hakbang sa likod ni Peter. Yun ang kanyang stage, isang lugar kung saan malaya niyang magagawa ang gawain na iniatang sa kanya. At ano ang partikular na ministeryo kung saan nag-excel si Andrew? Simple lang—ito ay ang pagdadala ng kaluluwa kay Jesus.

ANG TAGAPATOTOO

Ngunit bago muna siya makapagdala ng iba sa Panginoon, dapat muna niyang makilala si Jesus nang personal. Ang pagtatagpo ito ay inilarawan sa Juan 1:35-42, kung saan siya ay ipinakita bilang siyang unang alagad na tinawag ni Kristo. Isang tagasunod ni John the Baptist, madaling nakilala ang hiwaga sa paglalarawan ng deskripsyon ni Jesus bilang “Kordero ng Diyos” (Juan 1:36). Nang walang pagdadalawang-isip, diretsong lumakad si Andrew papunta kay Jesus at pagkatapos ay nag-spend ng buong araw kasama Siya.

Fresh mula sa kanyang oras kasama si Kristo, ano ang unang bagay na kanyang ginawa? Ipinahayag ng Juan 1:41-42 na “natagpuan muna niya ang kanyang sariling kapatid na si Simon” at “dinala siya kay Jesus.” Ang kanyang chief concern ay hindi lang basta mai-share ang Magandang Balita, kundi ang mismong pagdadala ng kanyang kapatid sa presensya ng Panginoon. Mukhang naintindihan agad ni Andrew na hindi sapat ang basta lang na pagsasabi sa isang tao tungkol sa Panginoon; kinailangan ipakilala ang taong ito kay Kristo. Dito nagsimula ang makulay niyang missionary career.

Paglaon, sa Juan 6:8-9, si Andrew ang siyang nagdadala kay Jesus ng isang batang lalaki na may mahinhing alay: limang piraso ng tinapay at dalawang maliliit na isda. Habang kumakamot ang lahat ng ibang mga alagad sa kakulangan ng pagkain, nakita ni Andrew ang isang tao sa gitna ng 5,000 na pinaka-kinakailangang makilala si Jesus one-on-one. Ang resulta ay isang mayamang pag-ani ng pananampalataya at isang at himalang bilang ng mga tira-tira—lahat dahil ang mapagbantay na mananampalatayang ito ay ipinakilala ang isang hindi kilalang bata kay Kristo.

Nagbibigay ng isa pang nagliliwanag na halimbawa ang Juan 12:20-22 ng pagkatawag ni Andrew na iugnay ang mga tao kay Jesus. dito, sinasabi ng Kasulatan na may ilang Griyego, na pwede nating ipalagay na mga Gentil (hindi Judio), na gusting makilala si Jesus. Nakilala nila si Philip bilang isa sa 12 alagad, kaya siya ang napagtanungan. Hindi ba interesante kung ano ang sunod na nangyari? Sa halip na dalhin direkta kay Jesus, dinala niya ito kay Andrew. Bakit? Mayroong bang pagdadalawang-isip sa bahagi ni Philip sa paglapit kay Jesus? Ito ba ay isang halimbawa ng lebel ng pamumuno sa loob ng Labindalawa?

Hindi man natin maunawaan ang ginawa ni Philip, ngunit, hindi natin basta-basta maiiwasan ang motivation ni Andrew, ayon kay John Mac Arthur. Sabi niya, “Hindi nalito si Andrew nang mayroong gusting makita si Jesus. Basta niya lamang itong dinala sa Kanya. Naintindihan niya na gusto ni Jesus na makilala ang sinumang gusto makita Siya. … sa Juan 1 dinali ni Andrew si Peter kay Kristo, na ginawa siyang kauna-unahang misyonero sa tahanan. Ngayon dinala naman niya ang Griyego kay Kristo, na ginawa naman siyang kauna-unahang foreign missionary.” Hindi niya kaya—o hini magagawa—na i-ignore ang tsansa na ipakilala ang sinuman kay Jesus.

PANG-ARAW-ARAW NA EVANGELISM

Ang sanlibutang ito ay nangangailangan ng mas maraming lalaki at babae na tulad ni Andrew. Walang-hirap na na nagdadala ng iba sa Panginoon, tumatayo si Andrew bilang modelo ng “pang-araw-araw na evangelism.” Ipinamuhay niya ang pagwi-win ng kaluluwa sa pang-araw-araw na basis; para sa kanya, ang paglilingkod ay hindi isang okasyon, kundi isang lifestyle.

Paano mo ia-apply ang ugali ni Andrew sa iyong buhay?

  1. Mag-abang lagi para sa mga spiritual seekers.
  2. Makipagkilala sa mga tao sa paligid mo.
  3. Huwag pahirapin ang mga bagay-bagay.
  4. Alalahanin: Ang kaligtasan ay hindi mo responsibilidad.

ANG HAMON

Tulad ng isang magaling na matchmaker, ginugol ni Andrew ang kanyang buhay sa pagdadala ng mga kaibigan at estranghero nang mukhaan sa kanilang true love: ang Panginoong Jesu-Kristo. Hindi siya kinilala sa kanyang ministeryo sa mga gospels, pero hindi kaso iyon kay Andrew. Hindi niya hinahanap ang spotlight, papuri, o pagtataas ng tao. Ang kanyang sigaw ay hindi, “Tumingin kayo sa akin!” kundi, “Tumingin kayo sa Kanya!”

Sa henerasyong “ako muna,” ang panawagan palayo sa sarili at papunta sa anumang Mas Mataas ang talagang noteworthy. Ito ang hamon sa atin ni Andrew: na ang mga ligtas ay yakapin nang may dignidad ang kanilang posisyon sa anino ni Kristo, masigla at may kababaang magpakilala ng mga lalaki at babae kay Jesus.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa article na “Andrew Out of the Shadow,” In Touch® Magazine, June 2006.

Your Love is Strong by Jon Foreman

These lyrics has been a favorite of those listening to Jon Foreman in his aftershows. This piece shows the powerful love of God for us, displayed by what He’s done and is doing for us now, and what He’ll do for us. This is a combination of the Lord’s model prayer and the discourse on needs.

Heavenly Father,  You always amaze me
Let Your kingdom come in my world and in my life

Give me the food I need
To live through today

And forgive me as I forgive
The people that wrong me.
Lead me far from temptation
Deliver me from the evil one.

I look out the window
The birds are composing
Not a note is out of tune
Or out of place

I walk to the meadow
And stare at the flowers
Better dressed than any girl
On her wedding day.

So why should I worry?
Why do I freak out?
God knows what I need
You know what I need.

The Kingdom of the Heavens
Is now advancing
Invade my heart
Invade this broken town.

The Kingdom of the Heavens
Is buried treasure
Would you sell yourself
To buy the one you’ve found?

Two things You told me
That You are strong
And You love me
Yes, You love me

Your love is, Your love is
Your love is strong
Your love is, Your love is
Your love is strong!

Our God in Heaven
Hallowed be Thy name
Above all names
Your kingdom come
Your will be done

On earth as it is in Heaven
Give us today our daily bread
Forgive us weary sinners
Keep us far from our vices
And deliver us from these prisons!

“Your Love is Strong” (based on Matthew 6:9-13, 25-31) is from the Spring EP, released 2008. © Atlantic/Lowercase People Records.