I Have Lost None

Noong time na iyon ay binabasa ko ang John chapter 18, na siyang scripture reading noong araw na iyon. Ang pangyayari sa binasa kong iyon ay ang pag-aresto kay Jesus sa hardin ng Gethsemane. Sinabi ng mga sundalo na hinahanap nila si Jesus, at sinabi ni Jesus na Siya nga ang kanilang hinahanap. Karugtong niyon ay isang hiling sa mga ito: na hayaan na lamang ng mga ito ang mga disipulo. Mula roon ay natupad ang sinabi ni Jesus, “Of them which thou gavest me have I lost none.” Ang pangungusap na iyon ay nagkaroon ng epekto sa akin sa isang hindi ko makakalimutang paraan.

Most of the students like me are coming to the end of their school year. They will either graduate, aalis na sa ganitong grade, o papasok sa panibagong yugto ng kanilang buhay. Mine was a definitely different year from the rest ngayong school year na ito. I experienced hardships because of what our pastor and us, the church stood for in the camp. Sa buong taon ko ay hindi nawala sa mga bibig ng mga Eberts ang kaunting hint ng kanilang hinanakit sa ginawa natin noong nakaraang camp. My every belief was put to the test, specially sa aking thesis tungkol sa mga bata. Marami akong pagpipigil na ginawa; I had the urge to speak hard words against them. I learned in a different way that I cannot make things go my way the way I wanted them to. I saw my faults. My fears. My lacks. Ngayong taon ay nagkaroon ako ng inventory ng sarili. How is my relationship with God? With people? With myself?

I thought about the many things God entrusted me. He gave me. Kaya noong mabasa ko yung sentence na iyon, naitanong ko sa sarili ko, “Wala nga ba akong naiwala?” As for Jesus, he “lost none.” Because He cherished His disciples, the eleven, wala Siyang naiwala. He kept what was given to Him. As I look to myself, I think I’ve lost some. At kahit na “some” lang iyon, ay malaki ang naging epekto sa akin. Negatively. I haven’t depended on the grace of God for those things, and I haven’t enough faith in Him to keep those things which He gave me.

How about you? Lahat ba ng binigay sa iyo ng Panginoon ay hindi nawala ngayong taon? O may nawala na? o may nagbabantang mawala? Pag-isipan mong mabuti. You don’t have to go through those things tulad ko. Like Jesus, pwede mo ring masabi, “Of them which thou gavest me have I lost none.”

At kung magkatulad tayong may nawala, there’s still a second chance. Now I am trying to buy those things back. And by God’s grace I will have them again. Kailangan lang ng faith sa Kanya para magawa ko iyon. Oh, Lord, give me faith.

 

Advertisements

Ang Walang Mayroon

by Elijah Abanto

Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga magkabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan. At kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o  pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.

At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatangging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)

Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay idedika sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap `pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo `pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?

Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya na naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.

Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.

Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil wala Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong  kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.

Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos? Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.

Tamang Gamit Naman Oh!

by Elijah Abanto

Hayaan niyo pong isa-isahin ko ang mga bagay na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos:

clock

Time (oras). Ang pinakamahalagang binigay sa atin ng Diyos para gamitin ay ang oras. Lahat ng tao sa mundo ay may pare-parehong bilang ng oras na natatanggap (24 oras kada araw)—walang sobra, walang kulang. At inaasahan ng Diyos na ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon ay ginagamit natin nang may katuturan at naaayon sa Kanyang gusto. Mas mainam pa na mabuhay ka ng 20 taon sa mundo na naglingkod ka sa Diyos kaysa 100 na taon na ginamit lamang para magbisyo at pumunta sa party kaysa church. (Ephesians 5:16)

choir

Talent (kakayahan). Bawat isang tao ay may kakayahang natanggap sa Diyos, at nararapat lang na gamitin natin ang mga kakayahang ito para sa Kanya. Nakita naman natin sa Biblia kung paanong ginamit ng mga alagad ng Diyos ang kung anong mayroon sila para sa Diyos: si Moises ay may tungkod, yung balo ay may dalawang kusing, si Elias ay may mantel, at si Dorcas ay may karayom at tela. (Maaari mong alamin kung paano ginamit ng bawat isa ang kung anong mayroon sila sa Biblia o magtanong ka sa isang may alam na Kristiano.) Nagagamit mo ba ang sa iyo?

fruits

Body (katawan). Bakit ba tayo nagsusuot ng maayos na damit? Bakit ba tayo hindi naglalasing at naninigarilyo? Bakit ba tayo nagpapahinga at natutulog? Bakit tayo kumakain ng masustansya? Dahil isa rin ang ating katawan sa pinagkatiwala ng Diyos sa atin. Oo nga may 24 oras ka nga, may talento ka, ngunit sakitin ka naman, kung hindi naman maayos ang paggamit mo sa iyong katawan? Wala din. Unang-unang ginagamit natin upang makapaglingkod sa Diyos ay ang ating katawan, kaya dapat lamang nating ingatan. (1 Corinthians 6:19-20)

tract

Gospel/Salvation (ebanghelyo/kaligtasan). Hindi tayo niligtas ng Diyos para lang pumunta ng Langit at maligtas mula sa Impyerno—may dahilan kung bakit tayo naligtas. Nakapagbabahagi ba tayo ng Ebanghelyo sa mga hindi pa naliligtas? Hindi na kailangan ng Soul Winning Program para gawin iyon! (1 Peter 4:10; Romans 1:14; Mark 16:15)

Opportunities (mga pagkakataon). May mga pagkakataon na binibigay sa atin ang Diyos na maaari nating gamitin para makapag-lingkod sa Kanya. Nagagamit ba natin o pinapalagpas lamang natin? Dapat nating sikapin na ito’y kunin at gamitin para sa Kanya.

cash

Money and Possessions (salapi at mga pag-aari). Saan mo ginagamit ang iyong “mammon”? Diyan malalaman kung isa kang mabuting katiwala ng Diyos. Dapat ay nag-i-ikapu at nagbibigay-handog ka. Ngunit hindi lamang doon nagtatapos—maghanap tayo ng paraan para makatulong sa kapwa—at kung mayroon tayo magbigay tayo. (Deut. 8:18; Malachi 3:10)

Ngayon, tanong—nagagamit ba natin ang mga bagay na ito nang tama at maayos? Hinilihiling ko sa Diyos na sana ay nasa tama tayo.

May salitang kanto na kapag mali ang pagkagamit ng isang bagay o pananalita ay sinasabihan ng, “Tamang gamit naman oh!” at kapag ako ay nagaganon ay nag-iisip ako kung may mali akong ginawa (o kung mayroon man, eh mangangatal na akong magsalita). Masasabihan kaya tayo ng Diyos ng ganitong ekspresyon? Kung sakaling tingnan Niya ang iyong mga “records,” matutuwa kaya Siya? O masasabi Niyang “Tamang gamit naman oh!”

Nawa ay hindi. Sa tulong ng Diyos, gamitin natin ng totoong tama ang mga pinakatiwala Niya sa atin.

The Faith of a Child

Low church attendance. High backsliding rate. Low offering. Less soul winners. Mga problemang hinaharap ng kahit anong church—mula noon hanggang ngayon. Isa lang ang dahilan—walang tiwala o pananampalataya sa Diyos ang karamihan. Hayaan niyong ipahiya ko kayo sa isang bata—isang bata na may pananampalataya…

Nagpa-panic na ang mga apostol, maggagabi na at hindi pa rin pinapauwi ni Jesus ang mga taong Kanyang tinuturuan. “Pauwiin niyo na po sila, wala naman tayong ipapakain sa kanila,” sabi ng mga apostol. Kumalat ang problema sa lahat ng taong naroon—limang-libong lalaki, bukod ba ang mga kababaihan at mga bata. May ilan sigurong may baon pero ayaw i-share dahil baka sapat lang iyon para sa kanila. Pagkatapos, mula sa kawalan, ay may isang batang lalaki ang nagpakita ay inialok ang kanyang limang tinapay at dalawang isda. Siguro pinabaon iyon ng kanyang mga magulang kung sakaling abutin siya ng maghapon sa pakikinig kay Jesus. Pero siguro naisip niya na may kayang gawin ang Panginoon sa kakaunti niyang dala. Medyo nag-alinlangan siya nang maliitin ng mga apostol ang kanyang dala, pero nakita niya ang mukha ni Jesus na may tinatagong saya. Kaya direkta niyang ibinigay ito kay Jesus, at si Jesus, ay inutusan ang mga apostol na paupuin ang mga tao sa damuhan. At nangyari ang kanyang inaasahan. Ang kanyang limang tinapay at dalawang isda ay pinakain at pinabusog ang libu-libong taong naroon. (John 6:1-13)

Sabi ng Biblia, hindi gagawa ng himala si Jesus kung walang kahit-isang nananampalatayang kaya Niyang gawin ito. Kanino kaya nanggaling ang pananampalataya? Sa apostol? Hindi, obvious naman eh. Sa mga libu-libong tao? Hindi rin malamang, dahil walang nagtiwala sa kanila kay Jesus na ibigay ang kung anong meron sila. Sino kaya? Siguro yung bata. Oo, siya nga. Hindi na kailangang purihin ni Jesus ang ganitong pananampalataya (kagaya ng Kanyang ginawa sa centurion at sa babaeng Gentil), dahil alam niyang natural na sa isang bata ang manampalataya ng ganito kalaki.

Kung mayroon lamang tayong pananampalataya kagaya ng batang ito, ang problemang nabanggit kanina ay mawawalang parang bula. Masasabi mo bang “Bata lang iyan”?

Kailan ka magkakaroon ng ganitong klaseng faith? The faith of a child?

The Real Issue: Why Stewardship?

by Pastor Felizardo Abanto

In Biblical stewardship the real issue is not money and cash. It’s really about conversion and spirituality. Real giving to God and God’s work is a thing of the Spirit of God. The things of the Spirit of God are foolishness to the natural or unsaved man. Scriptural doctrines are only understood through the enlightenment of God’s Spirit. No man calls Jesus Lord but by the Holy Ghost. Only a child of God can accept this teaching about stewardship. Judas can’t understood how Mary could waste a very expensive perfume on the Lord. But Zacchaeus was willing to give half of his goods to the poor and to restore fourfold whatever he gained by falsehood, although the law only requires restorations of the principal, with twenty percent interest. Although previously he was interested only in taking, now because he was already a believer, he was willing to give for the Lord’s sake.

The second factor is spirituality or the level of submission of the child of God to His commandments. The Bible recognizes two kinds of believers: the carnal and the spiritual. The carnal Christian is not yet totally submissive to God. He still lives like an unbeliever. He is like a baby that needs to learn everything. Carnal Christians confuse both the believer and the unbeliever. He professes salvation but is lacking in faith and good works. He is unfaithful. He is like a broken tooth and a foot out of joint. He needs to grow up and mature. He will break your heart and give you a headache. There will be envying, strife and division because of him. We don’t need them in our church.

May all of our members be genuine believers and manifest spirituality in their lives. Amen.

The “What Then?” Test?

Riches are not forever.

by Joanie Yoder

Mula sa ikalabing-anim na dantaon (1600s) ay isang kwento ng isang usapan sa pagitan ng isang ambisyosong lalaki at isang debotong Cristianong si St. Philip Neri. Sabi sa kanya ng kabataan, excited, “Sa wakas, umayon na rin sina papa at mama na mag-aral ako ng Law!” “’Tapos ano?” simpleng tanong ni Philip.

Sumagot siya, “’Tapos ay magiging abogado ako!” “At pagkatapos?” tanong pa muli ni Philip. “Pagkatapos ay makakaipon na ako ng maraming-maraming pera, bibili ng magandang bahay, kukuha ng karwahe at mga kabayo, ikakasal sa isang magandang babae, at mamuno ng isang masayang buhay!” sagot niya.

Muli ay nagtanong si Philip, “At pagkatapos?” “Pagkatapos…” Sa unang pagkakataon ay napaisip siya tungkol sa kamatayan at walang-hanggan. Kanyang napagtanto na hindi niya isinasama ang Diyos sa kanyang mga plano at binubuo lamang niya ang kanyang buhay sa pansumandaling mga mahahalagang bagay.

Ang punto ng kwentong ito ay hindi na ang kayamanan ay mali. Ngunit kung ito ang ating nagiging pangunahing layunin, ating binabalewala ang walang-hanggan at nagtitiwala na sa pera, hindi sa Diyos. Sinabi ni Jesus na imposible na mahalin nang sabay ang pera at Diyos (Matthew 6:24), at nagbabala Siya, “Huwag magtipon para sa iyong sarili ng mga kayamanan sa ibabaw ng lupa, … kundi magtipon para sa inyong sarili ng mga kayamanan sa Langit” (vv. 19-20).

Ang bata at matanda ay kailangan na gumawa ng mga importanteng plano sa buhay. Ngunit lagi nating isaisip ang walang-hanggan sa pamamagitan ng pagsubok ng mga ito sa “what then?” test.

Ang totoong sukat ng ating kayamanan ay ang kayamanang mayroon tayo sa Langit.

 

From Our Daily Bread®, July 6, 2004.

 

Where Is Your Heart?

Para malaman ko kung nasaan, hindi muna iyan ang aking itatanong. Ito ang itatanong ko— “Where is your treasure”? Kapag nalaman ko na kung saan napupunta ang pera mo, alam ko na rin kung nasaan ang puso mo. Sabihin mo na sa mga assignments at projects napupunta ang iyong pera, at alam ko na nasa pag-aaral ang iyong puso. Sabihin mo na sa mga pogs, jollen, at computer games napupunta ang baon mo, at alam ko na nasa paglalaro ang puso mo. Kapag tumataas ang bill niyo sa bahay dahil sa TV, masasabi kong in-love ka sa TV. At kapag sa pamilya mo napupunta ang lahat, ang pamilya mo ang tanging nasa puso mo.

Gaano kalaki ang napupunta sa gawain ng Panginoon mula sa iyong salapi? Ganoon din kalaki ang puso mo para doon. Kung ni tithe hindi mo mailagay sa iyong offering envelope, wala kang pagmamahal sa gawain ng Panginoon. Ang tunay na may puso sa Gawain, yung bata na ibinigay ang lahat kanyang tinapay at isda kay Jesus (John 6:5-11), at yung matanda na ibinigay ang dalawang kusing sa templo, bagaman iyon na ang lahat ng kanyang ikinabubuhay (Luke 21: 1-4). Ikaw, ganito rin ba ang puso mo?

3 Philosophies of Life

Luke 10:30-37

What is philosophy? It is a body of principles concerning the science which comprises logic, ethics, and the theory of knowledge. All philosophies of life will fit into these three categories:

1) “What’s Thine is Mine”—The thieves had this philosophy! Well, the devil had it first (Isaiah 14:12). Adam and Eve also had it (Genesis 3:6)—here we can see the manifestation of the three lures of the world according to 1 John 2:15, 16—the lust of the eyes, flesh, and the pride of life. Cain’s works had shown this philosophy, too (Genesis 4). Achan had the same—and though he didn’t kill anyone unlike Cain, 37 people died because of it, including his family (Joshua 7). Absalom’s failed usurpation of his father David’s kingdom also showed this philosophy (2 Samuel 15). What about today? This wrong philosophy is also shown by Communism. The result of this philosophy? You can think it yourself! Remember that only God is the Owner of all things—“The earth is the Lord’s, and the fullness thereof; the world, and they that dwell therein” (Psalm 24:1).

2)  “What’s Mine is Mine”—Sadly, the priest and the Levite of Luke 10:31, 32 had this philosophy. It’s just “my time—material—my life.” Nebuchadnezzar’s philosophy also demonstrated this (Daniel 4:31)—the philosophy of pride. Ananias and Sapphira suffered death because of this philosophy (Acts 5). The rich young ruler wasn’t saved because of this same thing (Matthew 19:22). The rich fool of one of Jesus’ parables also possessed this philosophy. What is the result of this philosophy? You will soon learn as Solomon has concluded: “All is vanity.” Also you need to understand what Paul has said in Romans 14:7, 8: “No man liveth to himself nor dieth to himself.” We must also remember that this philosophy is a SELFISH philosophy.

3)  “What’s Mine is Thine”—The Good Samaritan showed this. He cared for a wounded Jew and even promised to pay for the man’s inn charges! Well, God showed this philosophy anyway! His creation, His glory, His salvation, His Heaven—He freely permitted us to make it as ours. Christ teaches it (John 10:18) and so was Paul (Galatians 6:14; Philippians 1:21). The result—LIFE—“he that loses his life shall find it” (Luke 9:24).

Which philosophy is your philosophy of life?

 

*This message is based on M.O. Garner’s sermon, Grace Baptist Church, Amarillo, Texas.

 

Talents, Talents, Talents…

Tayo ay nasa isang consumer-oriented society. Ang lagi nang tanong ng isang tao tungkol sa isang bagay, “May makukuha ba ako diyan?” At siyempre, sa isang church, no instant benefit, so why bother? Tapos kakanta ka pa? Magtuturo ka pa? “Napaka-effort naman niyan!” sabi ng mga maaarteng tao sa balat ng lupa. Kaya tayo, sapat na sa atin ang um-attend (at least all meetings!), makinig sa preaching, matuto, at uuwi pagkatapos!

Talents, talents, talents… ginagamit mo ba kung anong kakayahan mo para kay Lord? O patumpik-tumpik ka lang diyan? Hopeless ka kapatid. Huwag ka sanang matulad sa nangyari sa isang lingkod sa Parable of Talents sa Matthew 25:14-30. Hindi naman kita tinatakot. Nais ko lamang ipakita sa inyo na hindi lang pera ang kailangan ng gawain ng Dios, kundi mga talentong ipapagamit sa Dios. Kung marunong kang magturo, ba’t hindi ka magturo? Kung marunong kang umawit, ba’t di sumali sa choir o mag-special number? Kung marunong kang magpatawa, bakit hindi mo iyan gamitin para pasayahin ang mga kapatid mo sa Panginoon? Lahat ng kakayahan natin, mukhang maliit man sa paningin ng tao, at malaki sa paningin ng Dios, dahil Siya ang nagbigay sa iyo niyan. Gamitin mo na, ha? =)

My Clock and My Calendar

clockcalendar

Dalawang “C” ang may kaugnayan sa oras o time: ang mga salitang “clock” at “calendar.” Ang “clock” ay tumutukoy sa mga particulars—seconds, minutes, at hours. Ang “calendar,” sa kabilang banda, ay mga generalities—days, months, at years. But either way, makikita mo ang oras na nade-demonstrate. Also take in mind na may tinuturo sa atin ang dalawang “C” na ito sa ating paggamit ng oras.

Your Clock. Ito ay tumatayo sa kung paano mo ginagamit ang bawat segundo, minuto at oras na mayroon ka. Maaaring isipin mo na porke ang mga ito ay mga maliliit na bahagi “lang naman” ng oras natin ay gagamitin natin ito sa bagay na basta gusto nating gawin. Maaaring gamitin mo ang ilang segundo para makapagsinungaling, makapagmura, makapangopya sa test o kung anong sandali lang naman na mga bagay. Ang mga minuto pwedeng gamitin sa pagtingin ng mga “larawan” sa Internet, sumilip sa mga bagay, tao, o pangyayaring hindi dapat silipin; o mga oras sa “counter strike,” “Friendster,” “Youtube,” panonood ng TV, pakikipagdaldalan sa kapwa, kaysa magbasa at mag-aral ng Bible, manalangin, makinig sa preaching, o mag-aral para sa school. Pero ang Ephesians 5:16, hindi nagkukulang sa paalala: “Redeeming the time, because the days are evil.” (KJV) Ginagamit mo ba ang bawat segundo, minuto at oras mo para sa Dios?

Your Calendar. Ito ay sumasaklaw sa paggamit mo ng bawat araw, linggo, buwan, at taon na dumaan sa buhay mo. Sa araw ba na ito ay may project ka na natapos, o itinulog? Sa linggo o buwan bang ito ay nakagawa ka ng accomplishment sa iyong buhay-Cristiano,  o nakagawa ka ng malaking pagkakamali sa buhay mo? Sa taon bang ito ay nakapagdala ka na ng kaluluwa kay Kristo, o nakapagdala ka ng kahihiyan sa iglesiya at iyong patotoo?

“Whatsoever ye do, do all to the glory of God.” (1 Corinthians 10:31)

Pareho bang para sa Dios ang iyong “clock” at iyong “calendar”?