My Story

by Elijah Abanto (written for my birthday 2010)

October 4, 1990, Thursday. Kagaya ng maraming araw ng kapanganakan sa buong mundo, ang araw na ito ay napapaligiran ng mga malalaking kaganapan sa mundo. October 3 noong pag-isahin ang dalawang Alemanya: West at East Germany at tuluyang nawala ang Communist regime ni Gorbachev. October 5 nang mai-publish ang huling isyu ng isang newspaper sa Australia pagkatapos ng 150 taon nitong pagkalathala. Sa mismong araw na ito nagsimula ang National League Championship Series (baseball). Noong araw din na ito nagsama-sama ang dalawampung mga pinakakilalang mga university rectors sa buong mundo upang pag-usapan ang papel ng mga unibersidad sa pangangalaga ng kalikasan at kinabukasan ng buong mundo.

Noong araw na ito nagdesisyon ang Kataas-taasang Dios na ako ay ipinanganak. Siyam na buwan simula noong ipagbuntis ako ng aking ina, ay naging mahilig si Mommy sa pagkain ng pinya—doon niya ako pinaglihi. (Medyo sumbungero ako noong bata kaya binansagan akong “reporter,” dahil pinaglihi daw ako sa pinya—maraming mata, ika nga.) Ipinanganak ako ni Mommy sa Philippine General Hospital, Quezon City, isang kakaibang pangyayari sa aking mga magulang—dahil ang unang tatlo ay pinanganak sa ospital sa Angono, Rizal, habang ang mga sumunod sa akin ay pinanganak sa clinic sa Tondo, Manila, ng isang kilalang Baptist na doctor nina Tatay. Parehong tahimik at maayos ang kapaligiran ng aking ina sa Angono at Tondo. Sa Angono dahil kaunti lamang ang tao sa ospital doon. Sa Tondo dahil clinic iyon. Ngunit hindi naging maganda ang karanasan ng aking ina sa PGH. Maraming tao, kaunting mga hospital beds, at masusungit na doktor. Wala nang magawa ang aking ama dahil nandoon na sila. Kaya mula sa hirap na iyon ay ipinanganak ang “pinya,” pinangalanang Elijah Escalante Abanto.

Lumaki akong curious about many things. That was a blessing from God, because later on ang curiosity na iyon ang magiging dahilan para ako’y matuto ng maraming bagay. Naikwento ng aking mga magulang na mahilig daw akong magpatong-patong ng mga cassettes. Mahilig din daw akong manghila ng mga tape sa mga casettes. At galit ako pag kinukuha sa akin iyon. Iyon siguro ang naging clue ng Dios na magiging maalam ako sa pag-operate ng cassette tape player.  Nagsimula na rin ang pagkahilig ko sa telebisyon. Hilig kong kalikutin ang mga buton sa TV, kaya nilagay nila Tatay yung TV sa mas mataas na lugar. Nang mangyari daw iyon ay kumukuha na ako ng mga upuan at sinusubukang abutin ang TV! Noong maging elementary at high school student ako, dahil sa pagkahilig ko sa telebisyon, ay nagsulat pa ako ng programme schedule ng GMA 7, mula umaga hanggang madaling-araw, Linggo hanggang Sabado, complete with sponsors. (!) Nakakatuwa pa dahil dahil doon ay na-inspire akong gumawa ng isang TV channel (that was CYPA) that was Christian-oriented, with program schedule, mula umaga hanggang madaling-araw, Lunes hanggang Sabado, complete with Christian and secular product sponsors. (!) Ngayong college na ako, I’m having a vision of a Media Corporation that upholds the Scripture and Baptist faith. Lahat ng iyon, mula sa pagkabata ko.

Mahilig daw akong magbilang at mag-organize. Pagkagaling daw nina Tatay o Mommy sa palengke dala ang mga gulay na gagamitin sa pagluluto ay kukunin ko ang mga iyon, igugrupo, at bibilangin isa-isa. Noong lumaki ako sa mga subjects ng Math, Science at English ako nag-excel.

Nagsimula din sa aking pagkabata ang pagkahilig kong mag-drawing. Noong una, tulad ng maraming iba, ay taong-tingting at pusang-tingting lang ang kaya kong gawin, but God used my Uncle Rey to nourish my ability. Binigyan niya ako ng mga drawing books (e.g., How to Draw Horses, How to Draw Flowers, How to Draw Wild Animals, Lettering, etc.) at ginawan niya ng isang “special light machine,” isang parang mesa ng salamin na may mahabang fluorescent lamp sa ilalim. Bubuksan yung fluorescent lamp, ipapatong ko yung ibabakat ko na drawing sa mesa na salamin. Later on kaya ko nang mag-drawing nang hindi bumabakat, pagkatapos ay mag-drawing nang hindi kumokopya. Natuto din akong mag-lettering. Ang Dios lang ang nakakaalam na magagamit ko pala iyon sa paggawa ng mga visuals sa pagtuturo ko sa mga bata ngayon.

I learned music in church, nung bata pa lang ako. Ang pinakamaaga kong naaalala na na-expose ako nang personal sa musika ay yung time na kami lang ni Mommy ang pumunta sa church sa Proj. 8 (under Pastor Arias) noong weekdays. Walang tao sa sanctuary, ngunit bukas iyon. Dinala niya ako sa harap ng itim na piano, pinaupo ako sa tabi niya, at ipinakilala sa akin ang do-re-mi. I didn’t know that later on God would use me in composing music, reading a piece, and discerning the tune.

Singing? Sa church din, pero ang mas naaalala ko ay ang training na ginawa sa akin ng aking Uncle Rey. He wasn’t good at singing, but what he did, pinakanta niya lang ako nang pinakanta. He didn’t know the Lord yet, at ang mga pinapakanta niya lamang sa akin ay mga kanta ni Madonna, Janet Jackson, The Eagles, Michael Learns to Rock. (!) That wasn’t a good singing training spiritually, but my singing capability was nurtured anyway! Mommy then trained us four kids (Micah, Joseph and Olivette) na laging kumanta sa church, sa camp, kahit saan kami makarating—with the support of my father. Later on, napasali ako sa singing group ng church bilang Soprano, then Tenor na ngayon.

Ngunit ang lahat ng mga ito ay pag-hahanda lamang sa mas magandang layunin ng Dios—ang ako’y maligtas at magsuko ng buhay sa Panginoon—the spiritual side, the greater side. Nangyari din itong lahat sa aking childhood years.

Natutunan ko kung paano makinig sa aking ama. Kasama ang tulong ni Mommy, dinisiplina kami ni Tatay na kami’y makinig. Siya ang unang tao kong pinakinggan, sa kanyang mga pangangaral. Listening did much more good to me than the other skills I have, dahil dahil dito ang pagiging receptive ko sa Salita ng Dios ay naging madali. Naligtas ako noong Linggo ng March 12, 2000, sa pagtuturo ng aking ina sa Sunday School, kasabay ang aking mga kapatid (Micah at Joseph). Sumunod na buwan ay binautismuhan ako ni Tatay sa isang  swimming pool sa Metrogate, TMC.

Three years later ay makikita mo akong nakaluhod sa harap ng stage kung saan nangangaral si Pastor Rolly Lariosa at tumatawag sa mga kabataan na magsuko ng buhay. That was March or April 2003, sa camp, sa Iba, Zambales. I was 12 years old then.

High school nagsimula ang Dios na itulak akong gawin ang kalooban Niya. Noong mga taong ito ay na-burden ako sa mga kaluluwa ng klase at guro ko. Mula 1st year hanggang matapos na lamang ako ng high school ay hindi ako tumigil sa paggawa ng paraan para ma-win sila. (Wala akong na-win sa kanila [puro mga professions lang], bukod sa isang hindi ko naman talaga intensyon, si Bienmar Beniza.)

Noong high school ko nadiskubre ang binigay na kakayahan sa akin ng Dios—ang pagsusulat. Nagmula iyon sa pinagsama-samang impluwensya ni Tatay at ni Uncle Rey sa pagbabasa ng libro noong bata ako. Noong HS ako ay naisip ko na magsulat, at sa pamamagitan ng newsletter. (Ang mga pamagat ay nagsimula sa title na “SSC Unity” at natapos sa “High School Times.”) Never did I know na ang kakayahang ito ay magdadala sa akin na magsimula ng isang publishing ministry within the church (CYPA Paper Ministries) with BDJ as the front, ang siyang binabasa niyo ngayon.

Ang pagsusulat ko ng mga kwento ay na-inspire ng aking kaibigan sa high school—si Berlie Ann. Dahil sa kanya ay natuto akong magbasa ng pocketbook; sa pagbabasa ko ng pocketbook ay na-inspire akong magsulat ng mga nobela, Christian-oriented romance ang type. Ngayon ay sinusulat ko ang God Led Me to You sa Facebook, na nakaka-bless sa mga bumabasa nito. Isa pa ay ang pagsusulat ko ng The Story of Unbelief, isang allegory tungkol sa kaligtasan (naituro ko ito sa DVBS ng aming church, na-publish ito sa BDJ, naituro ko na sa mga Good News classes na aking hawak, at sa mga bata na tinuturuan ko sa Mandaluyong City pagkatapos ng klase sa Bible school).

Bata pa ay marunong na akong mag-computer, pero na-develop ko lamang talaga iyon noong high school. Gamit ang Publisher, natutunan kong gumawa ng newsletters. That God-given skill would later develop BDJ, kasama ang marami pang mga papers you wouldn’t care to know about. Natutunan ko rin mag-blog dito, na nagresulta sa formation ng website ng Capitol BBC (using Multiply) at BDJ (using Blogger). I later learned Facebook and made pages for both BDJ and CYPA Paper Ministries.

3rd Year high school ako nagsimulang magturo ng mga bata through Good News. God’s love for children was kindled in my heart at pinatindi ng pagtuturo ni Mrs. Gloria Ebert ng Pedagogy sa Bible Baptist Seminary noong first year ako, yung taon din na ibinigay sa akin ang Children’s Department. Now I’m teaching nearly 10 groups of children (3 members’ families, 5 Good News Classes sa Bagtas, Tanza, Cavite, 2 sa Mandaluyong, MM). My thesis last year was inspired by that love (“The Biblicality of Including the Children in Public Worship”). That thesis got me into hard time with the pastors, ngunit all along ay kasama ko si Tatay sa mga iyon.

Marami akong natutunan tungkol sa ministry kay Bro. Dennis Ebert at Pastor Sixto Tan, among others. Sa Bible school nagsimulang matuto ng computer hardware and software.

Ngunit higit sa mga ito, ay sa Bible school ko natutunan ipaglaban ang aking pinaniniwalaan (especially sa aspeto ng music, dancing at children). I experienced more inner struggles. Sa panahong ito ko natutunan ng higit sa lahat na Panginoon ang dahilan ng lahat ng na-accomplish ko ngayon. Ito ang panahon kung saan pinakamarami akong natanggap na papuri, ngunit ito rin ang panahon na nakita ko ang aking sarili na mahina, walang kaya, kung hindi lamang sa biyaya ng Dios.

I’m going twenty now. I will soon be reaching the milestone of my teenage years. Mayroon nang napupusuan ang lalaking ito; soon I will marry and have a family. Hindi ko alam at baka maging pastor na ako. Now I wrote this hindi para magmalaki. I just want to set an example. Mga bata, sundin niyo na ang Dios ngayon. Tama na muna ang laro. Mga kapwa ko kabataan, huwag ka nang magsayang ng oras. Ibigay mo na ang buhay mo sa Panginoon. Mga nauuna sa akin, magpatuloy po kayo. Magpakasigasig po kayo. Ang anumang ako ngayon ay dahil hindi nanghinawa ang mga nauna sa akin.

Advertisements

Missions Stories

 

KAHIT NA MAHULI

 

Kung mayroon lang na isang taong hindi tinatanggap sa Tsina, iyon ay isang misyonero. Malaman-laman lamang ng gobyerno na mayroon nga, agad-agad nila itong ipahuhuli. Ngunit dahil gusto ng bansa na mapaunlad ang relasyon sa pakikipagkalakalan sa buong mundo ay may oportunidad para sa mga Cristiano bilang:

 

Turista. Iyan ang pagkakakilala kay Joni Ilagan. Ang alam ng pamahalaan ay wala siyang ibang gagawin doon kundi ang maglibot sa iba’t ibang atraksiyon doon, ngunit, tulad ng isang TNT sa Amerika, ay may iba siyang motibo—ang ipamahagi ang Mabuting balita.

Mahirap kumilos nang kahina-hinala sa bansang ito lalung-lalo na sa mga bayan—kung saan inaasahan ang isang turistang gaya niya ay dapat mamalagi o lumilibot—dahil naroon ang mga atraksiyon ng bansa. Pero, Bahala na, nasabi niya sa sarili,  basta dapat ko itong magawa—by hook or by crook. Ngayon, sa kanyang bag, ay may mga literaturang Tsino tungkol sa Ebanghelyo, at kasama ang kanyang asawang si Dani Yeng-Ilagan, ay ipinamimigay niya sa karamihan ang mga ito. Tinuruan siya ng Mandarin ng kanyang half-Chinese na asawa, kaya nagagawa niyang makipag-usap sa lingwahe ng bansa.

Pang-limang buwan na niya sa bansa, at sa pamimigay nila ng mga literatura at pagtawag ng mga pasikretong pagtitipon, ay nakapagdala sila ng marami-rami na ring mananampalataya kay Kristo. Sa susunod na buwan ay kailangan na niyang lumisan sa lugar na iyon ng Peking (Beijing) para pumunta ng iba pang bayan para doon naman magsimula ng panibagong gawain.

“May mga sundalo sa bahaging ito, Jon,” bulong ni Dani sa kanya, kaya agad silang lumayo sa lugar.

Luminga-linga pa siya kung mayroon pang mga nakapaligid na sundalo sa paligid. Wala na. Kaya nagsimula na naman siyang mamigay ng mga babasahin. Sa kanyang pamimigay, ay may nasalubong siyang isang miyembro sa kanyang kongregasyon. Nakilala siya nito, at binati siya sa lingwahe nito. “Namimigay din ako ng babasahin, Pastor,” sabi nito sa Mandarin, “pero naiisip ko pa rin na baka mahuli nila ako, lalo na at papalapit na ang Beijing Olympics at padami nang padami ang  mga pinapadalang sundalo dito sa kabisera.”

Tinapik niya ito sa balikat, at ngumiti. “Ako, kahit na mahuli, wala akong pakielam, basta para sa Panginoon at maipamahagi ang Salita ng Dios.”

“Tama ho kayo,” sagot nito, sabay-ngiti. “Itutuloy ko na po ang pagbibigay, Pastor. Maraming salamat po.” Nagpaalam na ito.

Nakapagpapalakas sa kanya ang mga taong nawi-win niya dito na ginagawa na rin ang kalooban ng Dios. Alam niyang ganito rin ang nararamdaman ng kapwa niya misyonero sa bansang ito sa buong mundo. Ipinapanalangin niya na sana na marami pa ang makakilala sa Kanya—sa tulong ng Dios at mga kapatid niya sa Panginoon sa Pilipinas.

 

SAGIPIN SILA!

 

“Akin na ang bata!” sigaw sa salitang Thai ni Marvin Mallari, isang Pilipinong misyonero sa Thailand.

“Aalagaan ko siya!” sabi ng malaking lalaking Thai, na nakikipag-agawan sa kanya. Alam niyang nagsisinungaling ito. Sa loob ng dalawang taon na nandito siya sa Bangkok, alam niyang ibebenta lamang nito ang bata sa night club.

“Huwag kang sinungaling!” at kanyang inupakan ang lalaki. “Pati mga musmos pinagdidiskitahan niyo pa! Wala kayong takot sa Diyos!” Talagang wala silang takot sa Diyos. Anak pa sila ng Diyablo.

Nakita na lamang niyang umalis ang lalaki. Nagpalakpakan ang mga bata at lumapit sa kanya. “Salamat po, Missionary!” pasalamat ng babae sa kanya, pati na rin ng ibang bata.

“Tuloy kayo sa aking bahay,” imbita niya sa mga ito. Ginawa na niyang orphanage ang kanyang tahanan. Sumunod sa kanya ang hindi kukulangin sa may labinlimang bata. “lzel, maghanda ka ng makakain,” sabi niya sa kanyang asawa.

“Nagamit mo yung natutunan mo sa taekwondo,” biro sa kanya ng asawa sa wikang Tagalog.

Ngumiti siya. “Tulog na ba yung iba?” tanong niya rito tungkol sa iba pang batang-kalye na kanilang sinagip.

“Oo,” sagot nito. “Oh, eto. Tulungan mo akong dalhin sa kanila ang pagkain.”

Masayang kumain ang mga bata. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito habang kumakain. Alam niyang minsan lang ganito ang mga bata. Sa labas, ay puro hanapbuhay ang ginagawa ng mga ito. At dahil ang ilan sa kagaya ng mga ito’y desperadong magkatrabaho, nauuwi ang mga ito sa trabahong child prostitute—mapalalaki, mapababae. Hindi niya maatim ang ganitong pamamalakad—lalo na at lumalaki ang mga ito nang walang kaalaman tungkol sa tunay na Diyos.

Pagkatapos kumain ay ibinahagi niya ang Salita ng Diyos sa mga ito at lahat ng mga bagong bata ay tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas. Ang iba ay nandito na dati at tumanggap na rin sa Panginoong Jesus. Ang mga batang kanyang inaampon ay tinuturuan niyang magbasa, lalo na ng Biblia. Napapakinabangan niya ang mga ito sa mission work na kanyang itinayo sa siyudad. Sa loob ng dalawang taon ay may fifty na rin siyang miyembro na sumusuporta sa gawain, idagdag pa ang mga batang ito.

Sabik na siyang sumulat muli sa Pilipinas. Ipapaalam niya ang kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa lungsod. Alam niyang darating ang panahon at magiging mga pastor din ang mga kabataang kanyang nasagip. Basta patuloy ang tulong na dumadating mula sa ibang bansa, at ang tulong ng Diyos, alam niyang magpapatuloy ang Bible Baptist Mission of Bangkok.

2ND CLASS CITIZENS

 

Cristiano. Kung tutuusin sa bansa ng Cambodia ay mas kagalang-galang pa ang mga ito kaysa mismong mga mamamayan nitong iba ang relihiyon, ngunit, tinatrato silang parang nakalayang kriminal.

Si Kiara Dominguez ay bumibili ng bigas sa pamilihan ng Phnom Penh. Sa pagkakaalam niya ay 20 riel lang ang bigas, ngunit, noong siya na ang bumibili, 25 riel na ang sinisingil sa kanya bawat kilo. “Cristiano ka di ba?” sabi sa salitang Khmer ng babaeng tindera na pinapaalam na karapat-dapat siyang magbayad ng mas malaki. Tatlong taon na sila sa Phnom Penh kaya kilala na sila sa lugar. Isa pa, hindi rin nagkukulang ang gobyerno para paratangan ang mga Cristiano ng mga maling akusasyon para masira sila sa mga mamamayan nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng tindera. Kahit naman magkano iyan ibibigay pa rin ng Diyos, sabi na lamang niya sa sarili.

“Mukhang pinagbagsakan ka ng langit,” komento ni Manuel, kanyang asawa. “Minamahalan na naman ba nila?” Tumango siya. “Hayaan mo na, Hon. Mas mabuti pa ang mataas na bilihin kaysa walang kalayaan tulad sa China.”

“Sa tingin ko mas mabuti pang mabuhay sa China kaysa rito,” nasabi na lang niya habang sinasaing ang bigas. “Hindi lang naman sa pagtataas nila ng presyo ang ikinaiinis ko. Kung tratuhin nila tayo ay parang kunti lang ang itinaas natin sa mga hayop. At least sa China alam mong hindi talaga pwede ang Cristiano. Pero dito, kahit may religious freedom, pag tinrato ka parang wala kang kwenta.”

“Kiara, hayaan mo na,” alo ng kanyang asawa, “Kahit na umabot pa sa isandaang riel bawat kilo ang bigas o ang trato nila sa atin ay maging hayop na, nandyan pa rin ang Diyos… Ganon talaga. Ipanalangin na lang nating maligtas sila.” Tumigil ito at ngumiti. “At tsaka alalahanin mo na lang ang mga nadala natin sa Panginoon.”

Oo nga, napangiti siya sa alaala. Ang mga Khmer na nadala nila sa Panginoon ay hindi 2nd class citizens ang turing sa kanila kundi totoong tao—kapantay—o mataas pa nga ang tingin sa kanila ng mga ito. Nakikinig ang mga ito sa kanilang payo, tinutulungan sila ng mga ito, at matapat na nagbibigay sa gawain ng Panginoon. Dapat nga siguro ay maging masaya siya doon.

“Oo nga,” nasabi na rin ng kanyang bibig.

Naalala na lang niya si Ropha, isang 13-anyos na babae. Natagpuan niya itong inaabuso ng isang lalaki nang paluin niya ng kahoy ang ulo ang lalaki at nailigtas ito. Nakakilala ito sa Panginoon at ngayon ay isa nang matapat na manggagawa ng misyong kanilang nasimulan.

Si Kampong, 48, ay isa ring lalaking nadala nila ni Manuel sa Panginoon. Hindi nila lubos-maisip na ang isang tagabenta ng mga bata bilang prostitute noon ay kakausapin ni Kristo at magbabago. Ngayon ay may ministry na ito laban sa child sex slavery.

Hindi lang sila ang naiisip niyang dahilan para magpatuloy. May mahigit isangdaan na silang nadala sa Panginoon na matapat na nagbibigay at naglilingkod sa Kanya.

Dapat nga siyang maging masaya. Ano ang 25 riel na bigas kumpara sa mga taong kanilang nadala kay Kristo? Hindi siya dapat na malungkot.

Besides, alam niyang may tumutulong mula sa Pilipinas para magpatuloy sila. At isa pa, si Kristo ang kakampi nila—ang hari, hindi lamang ng buong mundo, kundi ng buong kalawakan.

 

 

SINO’NG TUTULONG SA AMIN?

 

“God bless you,” huling salita ni Missionary Eduardo Cruz sa Hapong Baptist na humingi sa kanya ng tulong-pinansyal. Na-win niya ito sa Panginoon sa kanyang pagmi-misyon sa Osaka, Japan. Ngayon ay may tatlumpu na rin silang na-win doon at dumadalo sa kanilang pagtitipon. Masaya siya dahil ginagamit silang pamilya sa lugar na ito bagaman malayo sa mga kapwa Pilipino at mga Baptist sa Pilipinas.

“Ed, tingnan mo,” tawag-pansin ni Lora, kanyang asawa. Ito ay nagkakalkula ng mga gastusin para sa buwan na ito. Medyo nangalumbaba siya sa nakita. “We’re short ng 5000 yen para sa ating gastusin. Hindi rin masyadong sapat ang ating kinikita sa trabaho para makapag-aral nang tuluy-tuloy si Edgar at Eliezer. Tumawag pa ang Asian Baptist Clearinghouse na hindi raw nagiging faithful ang mga churches sa mission-giving para sa atin.” Bakas sa mukha nito ang lungkot. Oo, masaya siya at ang kanyang pamilya sa paglilingkod sa Panginoon, pero nalulungkot siya dahil kakaunti lamang ang mga Pilipinong Baptist na tulad nila ang tumutulong sa kanila.

“Don’t worry, nandiyan naman ang Diyos, Lora,” hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap. “God will provide.” Tumango ito sa kanyang pahayag.

“Oo, tama ka,” sagot nito. “Pero alam mo, Ed, nagpapalungkot lang sa akin ang nangyayari sa Pilipinas. Maliit ang kanilang pananampalataya para tumulong sa Faith Promise. Oo nga at nagta-tithe at nag-o-offering sila, pero mukhang hindi nila naisip ang tumulong sa misyon.”

“Nakakalungkot ngang isipin,” naikomento na lang ni Eduardo. Silang dalawa, bago pa man sila nakarating dito sa Japan ay matapat na silang tumutulong sa misyon. Hanggang sa ngayon nga ay sinisikap pa rin nilang makapagpadala sa kanilang home church ng pera para sa missions giving. Kaya malungkot siya ngayon dahil humihina na ang pananampalataya ng maraming mga Baptist churches para dito.

Pero alam niya na nandiyan ang Diyos. Kaya nilang magpatuloy dahil ang Diyos naman ang nagbibigay ng pangangailangan nila. Naipanalangin na lamang nila na sana makita ng bawat Cristiano ang importansya—ang kahalagahan ng pagbibigay sa misyon.

 

Ang kwentong “Kahit na Mahuli” ay mula sa The Baptist Metropolis (dating pangalan ng BDJ) 14, April 13, 2008, p. 7. Ang kwentong “Sagipin Sila!” ay mula sa Baptist’s Digest (dating pangalan ng BDJ) 15, April 20, 2008, p. 5. Ang kwentong “2nd Class Citizens” ay mula sa Baptist’s Digest 16, April 27, 2008, p. 5. Ang kwentong “Sino’ng Tutulong sa Amin” ay mula sa The Baptist Metropolis 13, April 6, 2008, p. 5. © 2008 CYPA Paper Ministries. All rights reserved.

The Power of Story

Sinabihan tayong makinig; kaya naman sinisikap nating makinig. Ngunit hindi doon nagtatapos; kahit ang nagsasalita ay dapat na ginagawa ang nararapat upang talagang makinig ang tao, hindi basta napipilitan lamang. May nagsabi ngang isang professor ng isang Christian university sa US, “Kasalanan ang i-bore ng guro ang estudyante habang pinepresenta niya ang katotohanan.” The truth is not boring, yes; pero kung ito’y itinuturo sa nakaka-boring na paraan, hindi rin niya makukuha ang atensyon ng nakikinig.

Which brings us to the subject of how to teach. Paano natin tinuturuan ang ating mga estudyante, sa Sunday School, secular school, o sa ating tahanan mismo? Si Kurt Bruner, group vp ng media and communications sa organisasyong Focus on the Family, ay ikinuwento ang kanyang experience kasama ang kanyang anak. Tinanong niya kung ano’ng lesson noong Sunday School. Sumagot ito at nagsabi, “Ah, tungkol uli sa Diyos.” Halos maramdaman na niya ang paghikab sa boses nito. That’s not the way it should be.

So, kung gusto nating i-improve ang ating teaching skills, matuto tayo mula kay Jesus, ang tinaguriang Master Teacher. Ano ang ginagawa Niya para magturo ng mga katotohanan? He tells stories. Basahin mo ang mga ebanghelyo, at makikita mong nagbabahagi Siya ng katotohanan sa pamamagitan ng kwento. Kaya naman mula bata hanggang matanda, kayang makinig nang buong maghapon sa mga salita Niya.

We must be like Jesus, right? And so, we must be  good storytellers. Bilang magulang na nagtuturo ng mga aralin sa buhay sa ating mga anak, kailangan ito. Bilang mga guro sa kahit anong larangan, we must be good at telling stories. Kung alam nating ang ating ibabahagi ay isang mahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos, stories are needed. In fact, basahin mo ang Bible. Hindi ba ang mismong librong ito ay aklat na puno ng kwento? Kung atin pang iisipin, ang Biblia ay isang kwento—ang kwento ng Diyos at Kanyang pakikitungo sa mga tao. No wonder ang Bible ay bestseller.

—Bro. Elijah Abanto

The Horror Stories of Envy

Inggit. Envy.

Ang envy o inggit ay, sabi sa Merriam-Webster’s Dictionary, “a painful awareness of anothers possessions or advantages and a desire to have them too.” Ibig-sabihin, kapag ako ay naiingit, iniisip ko na ang isang partikular na tao ay mayroon ng isang bagay, ugali, kaibigan, minamahal, atbp., na wala ako, na mas maswerte siya dahil mayroon siya noon, at aba ako na wala noon, at iniisip ko na dapat na mayroon ako noon, at gusto ko na nasa akin iyon.

Inggit ang isa sa mga pangunahing tema ng mga drama sa telebisyon. Sa inggit ng kontrabida sa bida umiikot ang istorya. Inggit dahil “mahal siya ng mahal ko,” “ako ang dapat na may pera hindi siya,” at “makukuha ko ang posisyon na mayroon siya.” Doon nagre-resulta ang samu’t saring kasamaan na nangyayari sa bida at sa mga taong nasa paligid niya. Hindi ba tama?

Kapatid, may inggit ba sa puso mo? Ang masasabi ko lamang ay, hindi tama iyan. Mabuti pa ay mabilis mo nang talikuran ang kasalanang iyan bago pa mahuli ang lahat at ikaw ay magsisi sa bandang huli.

Minsan ay nagba-browse ang isa kong schoolmate sa Youtube at may ipinakita sa kanyang video si Micah ng isang Pantene commercial sa Indonesia. Tungkol ito sa isang pipe’t bingi na babae na nais matuto ng violin, ngunit may isang babae na galit sa kanyang ginagawa at sinisira ang kanyang ispiritu sa pagpupunyagi. Dahil rito ay naawa sa sarili ang babae at natanong niya sa isang matandang kaibigan sa paraang sign language, “Bakit ba ako iba sa kanila?” binabanggit ang tungkol sa kanyang kapansanan. Sagot ng kaibigan, “Bakit mo kailangang maging tulad nila?”

Ang isang dahilan ng pagkainggit ay dahil “hindi mo sila katulad.” Kaya naiinggit ang isang tao dahil wala siya nung mayroon ang iba. Atin dapat alalahanin na ito ay isang senyales na hindi tayo masaya sa kung ano’ng ibinigay sa atin ng Panginoon. “Bakit mo kailangan maging tulad nila?” You don’t have to be! Ikaw ay unique, walang katulad, at ikaw ang the best na maging ikaw. No one could be you but you only. Dapat ay maging masaya ka!

Marami sa malulungkot na istorya ng Biblia ay hindi na dapat nangyari kung hindi dahil sa inggit. Hindi man ito nakakatakot tulad ng Philippine Ghost Stories at ng mga horror movies, ay tatawagin ko pa rin ang mga ito na the horror stories of envy.

Horror Story #1: The Fall of Lucifer. Siya na ang pinakamagandang anghel sa lahat ng mga nilikha ng Diyos (Col. 1:16; Ezekiel 28:12-14), magaling sa musika, at nababalot ng mga mahahalagang bato sa katawan. But through that splendor, through that glory, ay nakita niya ang Diyos na higit na mas maganda, mas magaling, at mas maluwalhati sa kanya. Nainggit siya, at inisip na dapat sa kanya ang kagandahang iyon, ang galing na iyon, at luwalhati na iyon (Ezekiel 28:15, 16; Isaiah 14:13). Kaya naman nag-rebelde siya kasama ang ikatlong bahagi ng lahat ng mga anghel, iniisip marahil na kaya nilang talunin ang lumikha sa kanila. Dahil sa diyablo, patuloy tayong nakikipaglaban sa tukso, humaharap sa mga pag-uusig, gumagawa ng kasalanan.

Horror Story #2: The Fall of Man. Sa lahat ng nilikha ng Diyos sa mundo, ang tao ang binigyan Niya ng espesyal na atensyon. Nilikha Niya ito sa Kanyang wangis, hindi tulad ng mga hayop, halaman, at iba pang nilikha. Ngunit nang tuksuhin ni Satanas si Eba, nasabi ng tao, “Bakit Diyos lang ang dapat makaalam ng mabuti at masama?” Nais nilang maging tulad ng Diyos, at ang naging kapalit ay kamatayan.

Horror Story #3: Cain and Abel. (Genesis 4) Dumating ang panahon na sila ay maghahandog na sa Diyos—tinanggap ang kay Abel, tinanggihan ang kay Cain. Alam na alam ni Cain kung bakit tinanggihan siya ng Diyos, ngunit nangibabaw sa kanyang isip na nasapawan siya ng kanyang matuwid na mas-batang kapatid na si Abel, at hindi niya iyon matanggap. Dapat sa kanya ang tinanggap, sa tingin niya, kaya naman sa galit niya ay pinatay niya si Abel. At alam niyo na ang mga sumunod na nangyari.

Horror Story #4: Isaac. (Genesis 26:12-17) Si Isaac, anak ni Abraham, ay naka-tira sa lugar ng mga Filisteo, at nakikita ng mga ito ang pagpapala sa kanya ng Diyos, sa mga pag-aari niya at kayamanan. Kaya naman ang lahat ng balon na hinukay para sa kanya ng mga lingkod ng kanyang ama ay pinuno ng lupa ng mga Filisteo. Hindi pa ito sapat, dahil, imbes na humingi sa kanya ng tawad ang hari, si Abimelech, ay pinalayas pa siya sa kanyang tinitirhan.

Horror #6: Jacob and Esau. (Genesis 25:26-34) Bilang panganay sa dalawa, si Esau ang may karapatang matanggap ang pinakamalaking mana mula sa kanyang ama. Ngunit, sa isip ni Jacob, sa kanya dapat mapunta ang karapatan ng isang panganay, kaya pinilit niyang ibenta ni Esau ang kanyang pagkapanganay kapalit ng pagkaing niluto niya. Later on, ay nagawa pa niyang dayain si Isaac na siya ang panganay para siya ang bigyan ng pagpapala. Dahil rito ay nasira ang buhay ni Esau sa galit sa kanya. Siya rin ay dinaya ng kanyang biyenan na si Laban.

Horror Story #7: Joseph. (Genesis 37) Paboritong anak si Joseph sa labindalawang mga lalaki ni Jacob, at dahil doon ay galit na ang sampu sa kanya. Nanaginip pa siya na yumuyuko sa kanya ang kanyang mga magulang at mga kapatid, kaya naman tumindi ang inggit sa kanya. Nakakuha ang sampu ng pagkakataon nang pumunta si Joseph sa kanila nang mag-isa. Inihulog nila siya sa balon, at ibinenta sa mga Chaldeans. Nagsinungaling pa sila sa kanilang ama na pinatay ng mabangis na hayop si Joseph.

Horror Story # 8: Moses. (Psalm 106:16-18) Bilang masunurin, mababang loob at malapit sa Diyos na lider ng bansang Israel, ay kinainggitan siya ng mga ma-harlika, at maging ng kanyang mga kapatid. Kinwestiyon ang posisyon niya at kung bakit karapat-dapat siya sa liderato. Hinamon nila si Moses.

Horror Story #9: Jesus. (Matthew 27:18; Mark 15:10) Inggit ang nagtulak sa mga Fariseo, Saduceo, at mga iskriba, upang magkaisa na hulihin si Jesus at ipako sa krus. Inggit dahil simula nung dumating si Jesus sa eksena ay sa Kanya na sumunod ang karamihan, at dahil sa Kanya ay nakita ang kanilang kasamaan at ka-ipokritohan. Ito ang dahilan upang maging takda na ang tiyak na kapahamakan nila sa impyerno.

Horror Story #10: The Early Church. Hindi natapos ang pag-uusig nila kay Jesus, dahil, tulad ng ginawa ni Jesus, ang unang mga iglesiya ay nahihikayat din ang mga tao papunta rito, hindi sa kanilang mga Judyo. Ginawa nila ang kanilang makakaya upang masira ang mga ito sa tao, upang sila ay patayin.

Marami pang mga istorya ng inggit ang mababasa sa Biblia, ngunit, kuku-langin ang papel na ito upang ilathala ang lahat at, makikita natin, ang resulta ng bawat sitwasyon ng pagkainggit sa taong nagdadala nito ay negatibo—laging kasiraan ng kinaiinggitan ang ginagawa. Ang inggit ay hindi bumubuhay; ito ay pumapatay. Nahihirapan ang kinaiingitan—ngunit higit sa lahat, hindi nagiging payapa ang buhay nung naiinggit. Kapag kasi mukhang nakuha na niya ang gusto niya, hindi pa rin siya nasisiyahan, dahil lagi siyang balisa, hindi mapalagay, at puno ng galit.

Ngunit higit sa lahat, inggit din ang nagsasabing hindi ka talaga magtatagumpay. Sa sampung istorya ng inggit na natunghayan mo, sino sa mga nainggit ang nagtagumpay? Wala, sa totoo lang. Ang mga kinainggitan sa bandang huli, ang sila pa ring nagtagumpay. Dahil, tinanggap nila kung ano ang binigay sa kanila ng Diyos, inisip na sila ay iba sa lahat ng Kanyang nilalang, at kung ano sila ngayon, yun ang tunay na “the best.”

Kapatid, naiinggit ka pa rin ba? Sana ay maisip mo na mahal ka ng Diyos sa kung sino ka, kahit ano pang isipin ng tao. Oo, dapat tayong magsikap na maging tulad ni Jesus, ngunit, hindi ibig-sabihin noon ay ang maging tulad ng iba.

Nawa, sa biyaya ng Diyos, ay hindi ka na maging isa sa mga gumawa ng “horror story” dahil sa inggit.

Magpakabanal Ka! (A Story, Finale)

Saturday, 6 PM. Hapag-kainan. Kakatapos lang ni Sis. Jemelina, asawa ni Pastor Joab, na kumain.

Pastor Joab: Si Jhon?

Jemelina: Pagkatapos ng klase sa school dumiretso na sa church house para mag-practice para sa Pas—

Pastor Joab: Ano’ng ‘pas’?

Jemelina: Hindi, ano yun. Nagpatawag kasi ng quick rehearsal ang choir rehearsal ng leader ng music group.

Pastor Joab: Ah, ganon ba? O, sige. Pray na muna tayo.

Jemelina: Sige. (pipikit ang mata)

Pastor Joab: Ama, salamat po sa biyayang aming tatanggapin. Basbasan Niyo po ito para sa aming kalakasan at kalusugan. Ito po ang aking dinadalangin sa pangalan ng Panginoon Jesus, Amen. (Didilat ang mata) Kain na tayo!

Jemelina: Sweetheart, lumapit sa akin si Sister Claudia kanina habang nasa visitation ka.

Pastor Joab: Oh, ano daw?

Jemelina: Sinabi niya sa akin na isa siya sa mga nagpakalat ng tsismis tungkol kina Bro. Jefferson at Sis. Colette. Nagsisisi siya sa ginawa niya. Nag-pray kami.

Pastor Joab: Praise God! Ito nga rin ang nakakatuwa, si Bro. Nards nakausap ko kahapon, babalik na raw siya sa mga church activities.

Jemelina: Siya nga? Buti naman! Nakita ko nga rin kanina si Sis. Andrea, nag-wi-witness sa may palengke. Nakakatuwa siya. Sana nga maging kasingsigasig niya ako.

Pastor Joab: Na-promote na rin Bro. Claudio sa trabaho. Ang patotoo niya, kahit na gipit, binigay pa rin niya ang dapat sa Panginoon. Magte-testimony nga siya sa Sunday eh.

Jemelina: Testimony? First time niyang magpapatotoo! Kahit kaligtasan yata hindi pa nagagawa noon!

Pastor Joab: Oo nga, eh. Parang nakakakita ako ng revival sa buhay-Kristiano ng mga miyembro natin.

Jemelina: Meron silang sinurender.

Pastor Joab: Oo. Si Bro. Martin kaya?

(may maririnig na katok; bubuksan ni Jemelina)

Jemelina: Oh, speaking of, Bro. Martin, bakit?

Pastor Joab (tatayo at haharapin si Martin): Oh, Bro. Martin, ano’ng sadya mo?

Jemelina: Oo nga.

Martin: Pwede ho bang makahiram ng mga Christian song CDs? Kasi ho gusto ko na hong makinig sa mga awit para sa Diyos.

(magtitinginan sina Pastor Joab at Jemelina at ngingiti)

How about you? Kailan ka magsu-surrender? Alam mo ang pagsuko ng buhay ay hindi pag-forward sa harapan para pumasok sa Bible School. Hindi lang ito para sa mga workers o Bible Students – para ito sa iyo. Ang pagsuko ng buhay ay ang pagpapasya na talikuran ang kasalanan patungo sa pagsunod sa anumang kalooban ng Diyos. Yan ang surrender. Kailan mo isu-surrender ang kasalanan ng hindi pag-aaral ng Biblia, hindi pagpe-pray, hindi pakikinig sa Christian music, pagtsitismis, hindi pagdadamit nang tama, pakikipagrelasyon nang wala sa oras, hindi pagso-soul winning o pagpapatotoo, hindi pagsali sa church activities, hindi pagbibigay? Ngayon na dapat.

Magpakabanal Ka! (A Story, Part 3)

Boys, una sa lahat kayo ang dapat na magkaroon ng determinasyon na sumunod sa Panginoon. Susunod na lamang ang ladies sa inyo. Tularan niyo si Jefferson; bagaman nagkamali noong una, ay hindi inisip na huli na ang lahat!

Samantala, ang babaeng kinahuhumalingan ni Martin, si Andrea, ay isa palang kakaligtas pa lang na Kristiano, at buo ang puso niya na maglingkod sa Panginoon. Ngunit ang problema, ang mas matagal na sa kanya ay siya pang nagpapahina ng kanyang loob—ang nagdala sa kanya sa church: si Nards. “Serve the Lord with gladness” (Psalm 100:2).

Andrea: Nards, ikaw ba talaga nagdala sa akin kay Lord?

Nards: Bakit? Oo, siyempre naman!

Andrea: Thank you. Lagi kasi akong napapaisip na iba yata nagdala sa akin sa church. Know why? Kasi hindi ba dapat ikaw ang nag-e-encourage sa akin na maglingkod sa Diyos? Bakit puro discouragement na lang ang naririnig ko mula sa iyo?

Nards: Hindi mo ako naiintindihan. Lahat ng iyan nasalihan ko na. Yang soul winning program, yang choir, yang art ministry, yang ushering, basta halos lahat. At walang kaibahan—ang sasama ng mga ugali ng kasama diyan, kaya umalis na lang ako. Ayoko rin namang ma-offend ka. Buti na nga lang tumagal ako sa church ng hanggang limang taon sa kabila ng mga iyon.

Andrea: Hindi ba sabi ng Bible, “Looking unto Jesus”? Di ba si Jesus naman sine-serve natin?

Nards: Oo, pero… basta! Ikaw bahala ka kung gusto mong sumali. Basta ako, huwag na lang. Okay na sa akin ang um-attend.

Andrea: Bahala ka.

(tunog ng organ)

Nards: Magsisimula na.

Andrea: Doon tayo sa harap.Ganito talaga ang maraming bagong Cristiano—mainit at gustung-gustong maglingkod sa Kanya na nagligtas. Kadalasan mas matalino pa sila sa mga mas matagal na—tulad ni Nards, na lumabo ang pagtingin sa Panginoon at tumingin na sa iba—at tulad ng inaasahan, umayaw siya. Kaya mga old Christians, huwag niyong sabihan ang mga bagong Cristiano na bago palang sila o balewalain ang kanilang sinasabi sa atin. Sabi nga ng 1 Corinthians 1:27, “But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise.”

(nagmamadaling naglalakad sina Colette at Jefferson)

Colette: What? Prayer meeting?!

Jefferson: Yes, doon tayo magde-date sa prayer meeting.

Colette: Ano ang gagawin natin? Mataimtim na magdadasal sa Puong MayKapal? Pwede ba?

Jefferson: Bakit? Ano ang masama doon?

Colette: (titigil sa paglalakad; mapapatigil din si Jefferson) Ang date, wala tayong kasama!

Jefferson: (tatakpan ang mukha ng dalawang kamay at aalisin ito) Whether you like it or not, doon tayo pupunta!

Colette: Ayoko!

Jefferson: Ligtas ka na ba?

Colette: Tinatanong mo pa ako! Oo naman!

Jefferson: Then show that you are! (magsisimula na uling maglakad; susunod si Colette)(titigil pareho sa harapan ng “pinto”; kakatok si Jefferson; lalabas si Martin)

Martin: (halatang nagulat) Oh, Brod! Colette! Bakit?

Jefferson: Hindi ka pa nakabihis?

Martin: Bihis? Hindi naman ako uma-attend ng prayer meeting! Sina Mama at Daddy, oo.

Jefferson: Bakit hindi ka um-attend? Di ba sabi sa Bible “not forsaking the assembling of ourselves together”?

Magpakabanal Ka! (A Story: Part 2)

Sa Elementary High School College, umaga…

Martin: Colette!

Colette: Oh! Martin! Musta?

Martin: Kaya naman pala. (iiling)

Colette: Ha?

Martin: May tsismis na kumakalat na nabuntis ka na raw ni Jefferson.

Colette: (nawalan ng kulay) Ano kamo? Buntis?

Martin: Siyempre, hindi muna ako naniwala. Pero hindi nga ako magtataka kung sakali.

Colette: (pinalo si Martin sa likod) Yabang! Bakit naman?

Martin: (tiningnan si Colette mula ulo hanggang paa) Tingnan mo naman yang itsura mo!

Colette (iikot-ikot): Bakit? Ano’ng problema dito?

Martin: Naka-pantalon ka, kaya kitang-kita yang hugis mo. Kaya nga kita napansin eh. Tapos para kang naka-sando, nilagyan lang ng kulay. Okay lang ba yan sa Mommy mo?

Colette: Pangit naman kasi pag nakapalda! Tsaka uso! At tsaka, oo, okay lang kina Mommy at Daddy. … At tsaka gusto nga ni Jeffer na ganito hitsura ko. Mas maganda raw ako.

Martin: Si Jeffer talaga! Huwag ka nang magsuot ng ganyan, ah! Parang wala namang alam ito sa modesty oh!

 1 Timothy 2:9: “In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array.” Ang problema sa karamihan, gusto talagang maglahad ng hugis! Isipin mo na lang kung ang suot mo ang suot ni Maria noon, papaniwalaan ba si Jesus?  Samantala, si Colette at Jefferson ay may date—matutuloy kaya? 1 Timothy 5:1-2: “Entreat… the younger as sisters, with all purity.”

Jefferson: (may kausap sa phone na patapos na) Yes, yes… opo, naintindihan ko po. Opo. Pasensya na po. Opo… Pagkakamali ko ho talaga yon. Oho. Sige po. Salamat po. Tatandaan ko ho iyan. Bye…. (sa isip) Buti na lang nabanggit sa akin ni Pastor. (naghanap ng bench at umupo) Dahil sa makalaman kong mga pagnanasa halos magalaw ko na si Colette. Wala namang nangyari sa amin, pero yon ang inisip ng mga tao! Buntis pa ang konklusyon! Lumabas pa na si Colette ang nangunguna. Hindi naman magdadamit si Colette nang ganon kung hindi ko sinabi. Masyado lang siyang obsessed sa akin kaya ginagawa niya ang gusto ko. Pero dapat tumigil na ’to.

Colette: (payakap na lumapit kay Jefferson) Jeffer, I’m here! Look at my out—

Jefferson: (pinigilan si Colette na yakapin siya) Colette, mayroon tayong problema. Colette: Problema? (tumingin sa mata) Ah… Oo, nabuntis mo raw ako.

Jefferson: Kasalanan ko ito Colette. We should have watched ourselves. (Pause) Mayroon ka bang pamalit?

Colette: Pamalit? (hindi makapaniwala) Gimme a break! Para yun lang?

Jefferson: Mali naman talaga ang magsuot ng ganyan eh. At tsaka hindi na tayo pupunta sa bahay ko.

Colette: We are not doing anything.

Jefferson: Yes, we are. Hindi masyadong malala, pero masama na tayong dalawa lang sa bahay. Kahit halik at holding hands lang tayo (at pati nga ang mga ito mali eh), hindi ganon ang iisipin ng tao. At sa tsismis, hindi lang tayo ang naaapektuhan, kundi pati ang mga magulang natin, Colette. I love you, but, I realized na against sa Diyos ang ginagawa natin. Do you get my point?

Colette: (pumameywang) Wala akong dala.

Jefferson: Kung ganon, ihahatid na muna kita.

Colette: Hindi na tuloy ang date natin? Ayoko!

Jefferson: I never said that! Sabi ko magpalit ka muna. Let’s go!

Magpakabanal Ka! (A Story: Part 1)

Isang ordinaryong umaga…

(tunog ng alarm clock; ungol)

Medyo nagulantang si Martin sa ingay ng alarm clock. Kagabi kasi puyat na naman. Hindi naman puyat sa pagbabasa ng Bible o pananalangin kundi dahil katawagan niya ang crush niyang si Grace.

Martin: Alas singko y medya na pala! Kailangan ko nang maghanda. (makikita ang Bible sa ibabaw ng drawer) Bible, Bible… huwag na! Mamayang-gabi na lang. (tatayo at mukhang may maaalala) Ay! Magpe-pray pa pala! (uupo muli sa higaan) (pipikit at nagmamadaling nagsalita) Lord, salamat po sa araw na ito. Gabayan Niyo po ako. Sa ngalan ni Jesus, Amen! (tatayong muli at aalis sa kanyang kwarto)

 

Psalm 1:2, “But his delight is in the law of the Lord; and in his law doth he meditate day and night,” at sa 1 Thessalonians 5:17, “Pray without ceasing.”

Tapos ay naligo na siya. Habang naliligo…

 

(tunog ng shower)

Martin: (kumakanta) (any worldly song) (background: kumakanta pa rin si Martin) Ephesians 5:19, “Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your hearts.”Mommy Claudia: (nakatayo sa gitna) Anak, ano yang kinakanta mo?Martin: (boses lang) Eh—Nay, wala po! Mommy Claudia: Anong wala? Anong Boo-boo ba yon? Ano bang pinagsasabi-sabi mo? Aga-aga kanta ng diyablo yang kinakanta mo! Kumanta ka ng Amazing Grace! (aalis sa gitna) Buti nga! Samantala, nagbihis na siya pagkatapos maligo. Nakahanda na ang almusal nang dumating siya sa hapagkainan. Martin: Ano yan, Nay?Mommy Claudia: Pritong itlog at sinangag.Martin: Na naman?Mommy Claudia: Oy, wag ka nang mag-reklamo! Baka wala akong ipakain sa iyo! Sabi sa 1 Thessalonians, In everything give thanks.”Martin: Sige na po. Sorry. (susubo)Mommy Claudia: Oy! Mag-pray ka muna! Sabi nang ‘in everything give thanks’ eh!Martin (pipikit at didilat): O yan na. (susubo)Mommy Claudia: Gusto mo Milo?Martin: Sige, Nay.Mommy Claudia: (ilalapag sa mesa ang mug ng Milo) O yan.Martin: Thanks. Mommy Claudia: (ngingiti) Anak, may bago na namang tsismis sa church!Martin: Pang-isang milyon na ba yang tsismis na sasabihin niyo, Nay? Mommy Claudia: (ngingiwi) Ano ka ba naman anak? Siyempre para hindi mo na ito gawin? By the way, si Jefferson daw nabuntis si Colette!Martin: (napatayo) Nabuntis?Mommy Claudia: Oo. Sayang ano? Kasi naman ’tong si Colette ay masyadong mainit! Bumigay lang daw ’tong si Jeff. Martin: (umupong muli) Sayang talaga. Kumpirmado na ba?Mommy Claudia: Hinde, narinig ko lang.Martin: Ay, ano ba naman yan! Hindi pa pala!Mommy Claudia: Eh malay mo kung totoo.Martin: Si Nay naman oh. Pasabi-sabi pa kayo na nauna si Colette eh hindi pa pala kumpirmado. Kaibigan ko pa naman yung dalawa. Baka nasira na sila sa akin kung kumpirmado na yon.

Proverbs 16:28: “A froward man soweth strife: and a whisperer separateth chief friends.” Malaking isyu ang tsismisan sa church, at kahit gaano pa kaayos ang buhay mo, kung tsismoso/tsismosa ka, mali din ang katayuan mo sa harap ng Diyos.

God is Alive! (A Script Story) Finale

by Elijah Abanto

Daniel (nakayuko at nakapikit): Lord, nawa po isuko na po ni Isaac ang kanyang buhay sa inyo, tulad ko Panginoon. Gusto ko pong makasama siya sa paglilingkod sa inyo at pagpasok sa Bible School pagka-graduate po niya. Hipuin Niyo po ang Kanyang puso’t isip. Sa pangalan ni Jesus, Amen. (dumilat at tumingin kay Isaac) Isaac?

Isaac (lumuluha): Oo na, susunod na ako sa Kanya. Hindi ko na siguro dapat tigasan ang puso ko. Hindi ko naman kailangan sarilinin ang mga problema, di ba? Oo, tama ka, tama sila. Susunod na ako sa Kanya…

****************************************

Temperamente Residence, 8:30 PM.

(Papalapit si Abigail sa tarangkahan ng bahay ng mga Temperamente. Sa kanyang mukha ay may implikasyon ng isang misyon na dapat tuparin. Buo ang determinasyon nito sa kung ano’ng dapat niyang gawin sa oras na iyon. Pagkapindot niya ng doorbell, ay humakbang siya pabalik at naghintay.)

Psalmia (binuksan ang gate): Sino po sila?

Abigail (ngumiti): Ako si Abigail, kaibigan ni Luke.

Psalmia: Ay, wala po siya. Nasa church po siya.

Abigail: Ikaw talaga ang pakay ko.

Psalmia: Ako ho?

Abigail: Oo. May mahalaga tayong pag-uusapan. Pwede ba akong pumasok?

****************************************

TR, 8:45 PM.

(Nasa gate na si Cephas. Kinuha niya ang kanyang susi sa gate. At pumasok. Ngunit nang bubuksan na niya ang pinto ay natigilan siya nang may narinig siyang umiiyak.)

Cephas (bulong): Psalmia?

Psalmia: Panginoon,…

Abigail: Humihingi po ako ng tawad…

Psalmia (umiiyak): Humihingi po ako ng tawad…

Abigail: Sa aking mga kasalanan…

Psalmia: Sa aking mga kasalanan…

Abigail: Nagsisisi po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko…

Psalmia (uulitin ang sinabi ni Abigail)

Abigail: Pinapapasok ko po Kayo sa aking puso…

Psalmia (uulitin)

Abigail: Bilang Tagapagligtas at Panginoon…

Psalmia: (uulitin)

Abigail: Sa pangalan ni Jesus…

Psalmia: (uulitin)

Abigail: Amen.

Psalmia: Amen. (Dumilat at niyakap si Abigail) Salamat po, Ate Abie. A-attend na po ako!

Cephas (hindi pa rin pumapasok): Salamat, Panginoon!

****************************************

TR, 8:48 PM.

(Nakauwi na mula sa prayer meeting sina Naomi, Luke, at Isaac. Kasama rin nila sina Pastor Solomon, Sister Ruth, at Daniel. Halata sa kanilang mukha ang pagtataka kung bakit nakaparke na ang sasakyan ni Cephas sa harapan ng kanilang bahay. Nagulat na lamang sila nang buksan ni Cephas ang gate.)

Naomi (mukhang nagulat): Cephas! (niyakap ang asawa at lumuha)

Cephas (lumuluha na rin): Naomi, aking asawa!

Luke: Tatay! (Yumakap din)

Isaac: Si Psalmia, kasama si Abigail.

(tingin lahat sa dalawa; nag-thumbs-up si Abigail. Tumitingin kay Pastor Solomon, Sister Ruth, at Daniel. Nag-thumbs din ang tatlo.)

Luke: What do you mean by…?

Psalmia (tumakbo at yumakap din): Ligtas na ako, Kuya!

Isaac: Talaga?

(Tumango si Psalmia)

Daniel: Si Isaac, may announcement.

Isaac: Magba-Bible School na po ako!

Naomi: Talaga? (Yinakap ang anak)

Pastor Solomon (tumingin sa langit): GOD IS ALIVE! (WAKAS)

God is Alive! (A Script Story) Part 4

by Elijah Abanto

Overnight House, 7:03 PM.

(Sari-saring makukulay na ilaw ang umiikot sa loob ng beerhouse. Maraming nagsasayawan na kababaihan, na mahahapit ang suot, at tuwang-tuwang pinapanood ng mga kalalakihang lasing-na-lasing. Makikita naman sa bandang dulo ang pag-akyat ng isang babae nakasuot ng maikling shorts at damit kasama ang isang sabik-na-sabik na lalaki sa isang hagdan papunta sa tinatawag nilang “Langit.” Samantalang si Cephas, habang nagsasaya ang kanyang mga katrabaho at boss, ay nasa beer counter at umiinom ng sinasabi nilang “white wine.” Kitang-kita ang lungkot sa mukha nito at guilt.)

Alberto (medyo hindi na pantay ang paglalakad at boses): Oh, pare, sumali ka naman dito! Naghuhubad na yung babae, oh!

Cephas: Kayo na lang. Dito na lamang ako.

Alberto: Sigurado ka? O, sige, maiwan na kita ah. May prospect na rin ako mamaya para sa Langit. (Tawa habang palayo sa kanya)

Cephas (kinakausap ang sarili): Alam ko po na mali ang ginagawa ko. Pero wala na akong maisip na paraan para mawala ang problema namin sa bahay. Pakiramdam ko wala akong kwentang asawa at ama, sa church lang ako active. Hindi ko napapasaya si Naomi, hindi ko na makitang masaya si Luke, si Isaac tahimik lang iyon pero alam ko ang sakit din sa kanya, at si Psalmia, pakiramdam ko hindi na siya makakakilala sa Panginoon. Bakit? Bakit, Panginoon? Nandyan Ka nga ba? Buhay Ka nga ba? Sabihin Mo! Paki-usap… (mapapayuko; biglang mapapatingin sa relos; magmumukhang bumalik sa ulirat) PRAYER MEETING! (Napatayo)

****************************************

TBBC, 8 PM.

(Tapos na ang mensahe ni Pastor Solomon, at offering period na. Pagkatapos ay kanya-kanya nang nagpunta sa mga partner ang bawat miyembro ng simbahan. Si Naomi ay nakikitang lumapit kay Sis. Ruth; si Isaac kay Daniel; si Luke kay Pastor Solomon.)

Sis. Ruth: Mukhang balisa ka, Sister. Bakit? Nasaan nga pala si Bro. Cephas?

Naomi (napaluha): Kasalanan ko itong lahat, Sister! Kasalanan ko ito. Hindi pa umuuwi si Cephas sa bahay, mukhang sinisira na niya ang kanyang sarili. At dahil iyon sa akin! (umiiyak na) Inaaway ko siya sa mga simpleng bagay dahil sa pagiging perfectionist kong babae! Lagi ko na lang siyang binubungangaan! Kasalanan ko ito! Kasalanan ko! (umuungol na sa sobrang iyak)

Sis. Ruth (hinaplos ang kanyang mukha): Sister Naomi, tama na ho iyan. Lahat ho ng tao nagkakamali. Kailangan lang ho nating ilapit sa Dios ang ating mga nagawa, ihingi ng tawad, at humingi ng tulong na baguhin tayo. Sister, gusto niyo pong mag-pray?

Naomi: Sige ho. (ipipikit ang kanyang mata) Ama naming Dios, lumalapit po kami sa Inyong banal na trono, humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawa, sa aking kawalang-galang sa aking asawa, patawad po. Patawad po dahil sa aking pag-uugali ay nagkakanda-sira-sira ang aming buhay. Nawa po ay tulungan Niyo po akong baguhin ang aking sarili, maging maunawain na asawa po ako. Inilalapit ko rin po si Cephas, kung nasaan man po siya, ingatan Niyo po siya, umuwi po nawa siya, nawa hindi pa po huli ang lahat. Si Luke, aking panganay, nawa ay ibalik Niyo ang saya sa kanyang paglilingkod sa Inyo. Nawa po ay huwag niyang sisihin ang sarili sa mga nangyayari. Nawa ay ibalik Niyo po ang sigla at buhay sa kanyang paglilingkod sa inyo. Si Isaac po, nawa po ay sumunod siya sa inyong pagkatawag. Nawa po ay huwag na siyang magdalawang isip na isuko ang kanyang buhay sa Inyo. At si Psalmia, aking bunso, nawa ay maunawaan po niya ang inyong kaligtasan, at tanggapin niya po kayo bilang Tagapagligtas at Panginoon Niya. Ito po ang aking sinasamo’t dalangin, sa pangalan ng Panginoong Hesus. Amen.

****************************************

Sigalutan-Theophania Road, 8:10 PM.

(Madaling nagmamaneho si Cephas. Hindi na siya nagpaalam sa mga katrabaho.)

Cephas: Hindi solusyon ang pag-inom sa problema ko. Kayo lang!

****************************************

 

TBBC, 8:10 PM.

Pastor Solomon: Napapansin ko, nawawalan ka na ng sigla sa pagpapakanta, ha.

Luke: Iyon nga rin po ang nilalapit ko sa Panginoon, eh. Sa sobrang daming problemang kinakaharap ng aking pamilya, hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Naiisip ko na nga pong itigil ang aking pag-aaral sa Bible College, eh. Panginoon lang ang naghihila sa akin pabalik. Sana po ay panumbalikin niya ang sigasig at sigla ko. Ipanalangin din po natin si Tatay, hindi pa po siya umuuwi. Si Isaac po, sana po magsuko na siya ng buhay niya sa Panginoon bago siya gr-um-aduate. At si Psalmia, sana maligtas po siya.

Pastor Solomon: Sige ipapanalangin natin iyan, Luke. Buhay naman ang Dios, di ba? Walang imposible sa Kanya!

(Huling bahagi sa susunod na issue)