10 Questions for Growth, Part 1

1Binabasa ba natin ang Biblia para sa impormasyon o para sa transpormasyon? (James 1:22-25)

2Hinahayaan ko ba ang tao o pangyayari na nanakawin ang ligaya na binibigay ni Jesus? (John 10:10)

3Mayroon bang bagay sa aking buhay na patuloy na pinapansin ng Panginoon na sinusubukan kong balewalain o di pansinin? (Ezekiel 14:1-5)

4Sino ang mga tao na nilagay ni Kristo sa aking paligid kung kanino ko dapat ibahagi ang Ebanghelyo?

5 Mayroon bang tao na dapat kong hingan ng tawad?

Advertisements

Back to the Basics

by Charles R. Swindoll

Ang yumao nang stratehista sa football, si Vince Lombardi, ay isang panatiko pagdating sa mga saligan. Sila na mga naglaro sa ilalim ng kanyang pamumuno ay madalas na magsabi ng tungkol sa kanyang sidhi, kanyang pwersa, kanyang hindi nawawalang sigasig para sa laro. Regular siyang bumabalik sa mga pangunahing pamamaraan ng blocking at tackling. May isang pagkakataon kung saan ang kanyang pangkat, ang Green Bay Packers, ay natalo sa isang mas mahinang koponan. Masama na ang matalo … ngunit ang matalo sa koponan na iyon ay hindi mapapasubalian. Tumawag ng pagsasanay si Coach Lombardi noong sumunod na umaga. Tahimik na nakaupo ang mga kalalakihan, na mas mukhang hinagupit na mga tuta kaysa isang koponan ng mga kampiyon. Wala silang ka-ide-ideya kung ano ang aasahan mula sa lalaking kanilang pinakakinatatakutan.

Nagtitimpi at tumititig sa bawat isang atleta, nagsimula si Lombardi:

“Okay, babalik tayo sa simula ngayong umaga. …”

Hawak-hawak ang isang football sa taas na makikita ng lahat, patuloy siyang sumigaw:

“… mga ginoo, ito ay isang football!”

Tingnan mo naman kung gaano ka-basic iyon! Ang mga lalaking nakaupo doon ay naglalaro na ng football nang labinlima hanggang dalawampung taon … sila na mas alam ang opensa at depensa higit sa mga pangalan ng mga anak nila … at ngayon ay ipinapakilala niya ang football sa kanila! Para iyong pagsasabi, “Maestro, ito ay isang gabilya.” O, “Librarian, ito ay isang aklat.” O, “Marine, ito ay isang rifle.” O, “Ina, ito ay isang kawali.” Halatang-halata naman kung ano iyon!

Bakit naman sa tanang mundong ito makikipag-usap ang ekspertong coach na ito sa mga propesyunal na atleta sa ganoong paraan? Pero gumana naman iyon, sapagkat walang sinuman ang nagdala sa isang koponan sa tatlong magkakasunod na kampyonato sa buong mundo kundi siya. Ngunit—paano? Gumawa lamang si Lombardi sa isang simpleng pilosopiya. Naniwala siya na ang kagalingan ay pinakamainam na nakakamit sa pamamagitan ng pagma-master ng mga basics ng isang laro. Ang panlilito, pagpapasaya sa madla, at larong pakikipagsapalaran ay pupuno ng stadio (nang pansamantala) at maaaring makapagpanalo ng ilang mga laro (paminsan-minsan), ngunit sa huling pag-aanalisa ang mga palaging nananalo ay mga koponan na naglalaro nang matalino, taas-noo, at matigas na football. Kanyang stratehiya? Alamin ang iyong posisyon. Matuto kung paano ito gawin nang tama. Pagkatapos ay gawin ito nang buo mong lakas! Ang ganoong kasimpleng plano ang naglagay ng Green Bay, Wisconsin, sa mapa. Bago dumating si Lombardi, ang Green Bay ay isa lamang tigilan sa pagitan ng Oshkosh at Iceland.

Ang gumaganang stratehiya sa laro ng football ay gumagana rin sa iglesya. Ngunit sa mga ranggo ng Kristiyanismo, medyo mas madaling malito. Ah, hindi lang medyo: sobrang daling malito. Kapag sinasabi mong “church” sa ngayon, para lamang itong pag-order ng mainit na inumin … mayroon kang tatlumpu’t-isang klase ng mga lasa na pagpipilian. Maaari mong piliin ang mga madidiskarte, o mga humahawak ng ahas, o mga positibo mag-isip. Mga bandang may makukulay na ilaw, mga nakadamit na “pari” na may madudugong mga patalim, mga inahit na ulo na may magagandang mga bulaklak, at sumisigaw na mga showman na may mga nagpapagaling na mga linya ay mayroon din. Kung hindi pa iyon sapat, hanapin mo ang paborito mong “ismo” at magiging okay na: humanismo, liberalismo, matinding Calvinismo, politikal na aktibismo, antikomunismo, supernatural na spiritismo, o lumalabang pundamentalismo.

Pero teka! Ano ba talaga ang mga basics ng “iglesya”? Ano ang pinakapangunahing Gawain ng isang iglesyang naniniwala sa Biblia? Kung aalisin ang lahat ng mga hindi kinakailangan, ano ang matitira? Makinig tayo sa ating Coach. Sinasabi Niya sa atin na mayroon tayong apat na pangunahing prayoridad kung nais nating matawag na isang iglesya:

katuruan … pagsasama-sama … pagpuputul-putol ng tinapay … pananalangin (Mga Gawa 2:42).

Sa apat na ito tayo ay dapat na “patuloy na igugol ang ating mga sarili.” Ang mga matitibay, balanse, at “nagwawaging” mga iglesya ay sila na mina-master ang mga basics na ito. Ang mga ito ang bumubuo ng aspeto ng ano ng iglesya.

Ang paano ay pareho lamang na mahalaga. Muli, ang Coach ay sinasabihan ang ating koponan. Sinasabi Niya na ang iglesya na ginagawa ang kanyang trabaho ay ang iglesya na:

… nagsasanay sa mga banal para sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Kristo … (Efeso 4:12).

“Aba, ang dali naman pala,” sasabihin mo. “Napaka-simple naman yata?” itatanong mo. Handa ka na ba sa isang panggulat? Ang pinakamahirap na trabaho na maaari mong maisip ay ang pagpapanatili ng mga pangunahing gawain na ito. Maraming mga tao ang walang ideya kung gaano kadaling iwanan ng mga kinakailangan at mapasali sa ibang mga gawain.

Maniwala ka—mayroong tuluy-tuloy na daloy ng mga hiling mula sa mabubuti, at nakatutulong na sources na gamitin ang pulpit bilang isang plataporma para sa kanilang agenda. Inuulit ko, mabubuti at nakakatulong na sources, ngunit hindi kinakailangan … hindi direktang may kaugnayan sa ating pangunahing layunin. Ang layunin ng iglesya ay ang interpretasyon, eksposisyon, at aplikasyon ng Banal na Kasulatan.

Ngunit ang ganoong iglesya ay napakabihira sa ating lupain, parang gusto mong tumayo at magsabi:

“Mga Kristiano, ito ay Biblia!”

 

Pagpapalalim ng iyong mga ugat: Acts 2:42-47; Ephesians 4:12-16; Ephesians 2:19-22

Pagsasanga: Gawin ang mga sumusunod na basics: 1) matuto sa mga tinuturo; 2) makipag-fellowship sa kapwa mananampalataya; 3) sumama sa mga activities ng church; 4) manalangin.

—Mula sa Growing Strong in the Seasons of Life ni Charles R. Swindoll, pp. 372-375.

Hindi Sapat ang Pag-ibig Mo

Kung Bakit ang Respeto ay Mas Mahalaga sa Isang Lalaki Kaysa Pag-ibig

ni Shaunti Feldhahn

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Elijah E. Abanto

“Pumili kayo sa dalawang bagay na ‘to,” sabi ng isang tagapagsalita. Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong silid na binubuo ng mga single na lalaki sa isang banda, at mga single na babae sa kabilang banda. “Ano’ng mas gugustuhin niyo, maramdaman na mag-isa ka lang at hindi minamahal, o maramdaman na ikaw ay masahol at hindi nirerespeto?”

Anong klaseng pamimili iyon? naisip ko dati. Sino’ng pipili na maramdamang hindi siya mahal?

“O sige, mga kalalakihan,” sabi ng tagapagsalita sa mga lalaki sa silid. “Sino ang mas gusto na maramdaman na hindi siya mahal?”

Napakarami ng nagtaas ng kamay. Hindi mapigilang mapasinghap ng mga kababaihan sa nasaksihan. Isang katotohanan ang naipakitang hindi napansin ng mga babae: Mas gugustuhin pa ng mga lalaki na makaramdam ng respeto kaysa ating pag-ibig.

Simula noon ay sinimulan ko ang misyon para maunawaan kung paano ba talaga mag-isip at makaramdam. Nag-interview ako ng higit sa 1,000  na mga lalaki: mga malalapit na kaibigan, mga estranghero sa grocery store, mga may-asawang lalaki sa church, at sa single na estudyanteng katabi ko sa eroplano. Nakipag-usap ako sa mga CEOs, abogado, pastor, mga magagaling sa gadget, negosyante, isang security guard, at yung mga lalaking nasa likod ng Starbucks counter. Pati propesyunal na mang-aawit ng opera at dating NFL player ay hindi ko pinalampas.

Marami akong natutunan mula sa mga lalaking ito, at sa totoo lang, ako’y namangha sa aking mga nakalap. Malamang ang pinakamahalagang rebelasyon ay ang katotohanan na ang mga asawang lalaki ay kailangan—as in kailangan—na i-respeto at patibayin ng kanilang mga asawa. Para sa isang lalaki, respeto, kaysa pag-ibig, ang siyang magiging daan para ang buhay-may-asawa ay maging isang kaigaya-gayang lugar ng pagsasama na itinakda ng Diyos.

 

Paano Yun Nangyari?

Kadalasan sa ating babae ay gusto na, higit sa lahat, ay maramdamang minamahal at pinapahalagahan, kaya naman ating pinapakita ito sa mga lalaki. Sa mga panayam, lagi kong naririnig ang mga may-asawang lalaki, “Hindi ako nagdadalawang-isip na mahal ako ng asawa ko.”

Ngunit magpapatuloy ang marami sa kanila, “Pero, nagda-dalawang-isip ako kung nire-respeto niya ako.” Ang problema, magkasintimbang lamang ang samang dulot sa kanila ng pakiramdam na walang respeto at ang samang dulot sa atin pag pakiramdam natin ay hindi tayo mahal. Tatlo sa apat ng mga lalaking aking in-interview ay nagsabi na mas makakaya pa nila na walang pagmamahal, kaysa walang pag-respeto.

Sinasabi kong “pakiramdam” dahil bagaman karamihan naman sa atin ay nire-respeto naman talaga ang lalaki ng ating mga buhay, mas madalas na wala sa isip tayong nagpapadala ng maling signal. Halimbawa, kapag siya’y gumagawa ng isang desisyon, awtomatiko natin itong kinikwestiyon, o binibigay natin ang lahat ng dahilan kung bakit maaaring mali siya. O pinapalabas natin sa mga anak natin na mas mainam ang ating naiisip. O kinikwento natin sa publiko ang isang “nakakatawang” kwento tungkol sa kawalan niya na kakayahan para ayusin yung gripo sa panlimang subok.

Kadalasan nating hindi nakikita ang implikasyon ng ganung ugali; iniisip natin na nagiging matulungin lamang tayo, o na mayroong tayong mas magandang solusyon. Ngunit para sa isang ordinaryong lalaki, ang mga ganitong aksyon ay masakit at nagsasabi ng isang bagay nang malakas at maliwanag: “Wala akong tiwala o respeto sa’yo.”

At ang malakas na mensaheng iyon ay hindi rin biblikal, tulad ng kultural na ideya natin na, habang ang pag-ibig ay walang kasamang kondisyon, ang respeto ay pinag-hihirapan. Sinasabi sa atin ng Biblia sa Efeso 5:33:

 

“Gayunman, ang bawat isa sa inyo ay magmahal sa kaniyang asawang babae tulad sa kaniyang sarili. Ang asawang babae ay magpitagan sa kaniyang asawa.”

 

Marami sa atin ang nararapat na alisin ang mga taon ng mga palagay at kaugalian habang ating natututunan na suportahan ang ating mga lalaking asawa sa paraan na talagang kailangan nila.

Sa puntong ito, nag-iisip siguro ang mga babaeng may-asawa, Tungkol naman lahat ito sa kanya. Ano’ng makukuha ko sa usapang ‘to? Ang Diyos ang Siyang puno ng kabalintunaan (paradox), at tulad na ang walang kondisyong pag-ibig ni Jesus para sa atin ay nagiging daan para ating gustuhin na maging karapat-dapat para dito, ang ating desisyon na magpakita ng respeto (nang walang pasubali) sa ating asawang lalaki ay nagiging daan para gustuhin niya na paghirapan ito—at mahalin tayo. Ang lalaki na binibigyang-galang at pinapatibay ng kanyang asawa ay nagiging asawang lalaki na ginawa siya ng Diyos na maging, isang lalaking mas linang na paliguan ang kanyang asawa ng walang kondisyong pag-ibig na inaasam-asam nito.

 

The 30-Day Challenge

Sa susunod na tatlumpung araw, huwag magsalita ng kahit anong negatibo tungkol sa iyong asawa, sa kanya o sa kahit sino pa man; imbes, mag-isip at magsabi lamang ng mga bagay na iyon na karapat-dapat ng papuri.

Habang ang hamong ito ay hindi awtomatikong magsasaayos ng bawat ugali na hindi magalang, bubunutin nito ang maraming tahimik na mapanirang kasanayan at isyu ng puso na hindi pa natin napapagtanto noon. At habang ating nire-respeto ang ating mga asawa sa paraang kailangan nilang mai-respeto, mararanasin natin ang kaligayahan na makita silang maging mga lalaking makadiyos na iniibig din tayo bilang balik. BDJ

Ang artikulong ito ay ang isinalin na bersyon ng “Your Love is Not Enough” ni Shaunti Feldhahn, In Touch® Magazine, May 2005, pp. 14-15.

 

Si Shaunti Feldhahn ay awtor na mabentang aklat na For Women Only: What You Need to Know About the Inner Lives of Men (Multnomah) at walong iba pa.  Maaari mong bisitahin ang kanyang website: www.shaunti.com.

Si Bro. Elijah Abanto ay concerned na sa relasyon ng mag-asawa kahit bata pa lamang dahil gusto niya itong paghandaan. Isang paraan ang isinalin niyang article na ito, bukod pa sa iba.

Time for a marriage tune-up?

Take a couple days away and ask these questions.

QUESTIONS TO ASK EACH OTHER:

  • How do we feel we’re doing in expressing our personal faith [in Christ] as a living reality in front of our kids?
  • Are we sometimes allowing our children to play one of us against each other? If so, what adjustments can we make to avoid that?
  • Are we praying for children’s future and for the mates God is preparing for them?
  • Do our children understand that our marriage relationship is a top priority in our family?
  • How are we each doing individually and together as a couple on building our spiritual lives?
  • Is the atmosphere of our home one that’s filled with joy and positive expectation? If not, what adjustments do we need to make?
  • What are we doing to make sure we’re growing together, as opposed to growing apart?

Adapted from Beneath the Surface by Bob Reccord ©2002.

Taken from Marriage Partnership Fall 2002 Issue, page 14.