Bible verses on Firstfruits

Exodus 34:26 The first of the firstfruits of thy land thou shalt bring unto the house of the LORD thy God.

 

Leviticus 2:12 As for the oblation of the firstfruits, ye shall offer them unto the LORD.

 

Numbers 18:12  All the best of the oil, and all the best of the wine, and of the wheat, the firstfruits of them which they shall offer unto the LORD, them have I given thee.

 

2 Chronicles 31:5  And as soon as the commandment came abroad, the children of Israel brought in abundance the firstfruits of corn, wine, and oil, and honey, and of all the increase of the field; and the tithe of all things brought they in abundantly.

 

Nehemiah 10:34-37  And we cast the lots among the priests, the Levites, and the people, for the wood offering, to bring it into the house of our God, after the houses of our fathers, at times appointed year by year, to burn upon the altar of the LORD our God, as it is written in the law:

And to bring the firstfruits of our ground, and the firstfruits of all fruit of all trees, year by year, unto the house of the LORD:

Also the firstborn of our sons, and of our cattle, as it is written in the law, and the firstlings of our herds and of our flocks, to bring to the house of our God, unto the priests that minister in the house of our God:

And that we should bring the firstfruits of our dough, and our offerings, and the fruit of all manner of trees, of wine and of oil, unto the priests, to the chambers of the house of our God; and the tithes of our ground unto the Levites, that the same Levites might have the tithes in all the cities of our tillage.

 

Proverbs 3:9  Honour the LORD with thy substance, and with the firstfruits of all thine increase:

Advertisements

Ways to Appreciate

Nang tingnan ko ang Tagalog translation ng appreciate sa Lingvozone (http://www.lingvozone.com), isa sa mga ipinakita nito ay “pagpapasalamat.” Pinag-isipan ko iyon nang maigi— ”pagpapasalamat”? Pagkatapos ay ito ang naging kongklusyon ko: Ang “appreciation” ay pagpapasalamat; ngunit higit pa roon ay pagpapasalamat na may kakabit na gawa upang ipakita ito.

Mayroon bang isang taong nakagawa sa iyo ng kabutihan ngayon? Then you must appreciate him. Paano? Alam kong mayroon na kayong naiisip, ngunit hayaan niyong ibigay ko pa rin ang ilan sa mga paraan para magawa niyo ito:

  • Sinsero kang magpasalamat sa kanya. Maraming klase ng “Thank you,” kabilang na doon ang simple at ang taos sa pusong pasasalamat. Mas maganda kung taos sa puso. Makikita ito sa ekspresyon ng iyong mukha at katawan.
  • Ibili mo siya ng kahit ano’ng alam mong gusto niya. May isa akong naging schoolmate sa Bible school na napakabait sa akin. Kaya paminsan-minsan ay binibilhan ko siya ng egg pie mula sa bakery o kaya suman, o kakanin. Ngumingiti siya nang malapad kapag ginagawa ko ito.
  • Mag-presentang tumulong. Matutuwa din siya kapag ganito. Maaari siyang tumanggi nang magalang, ngunit sa puso niya ay natutuwa siyang may gustong makibahagi sa ginagawa niya.
  • Sulatan siya. Minsan ay mas madaling ipahayag ang iyong appreciation sa pamamagitan ng sulat. Hindi naman kailangan na talagang sulat per se, pwedeng tula, o kaya ay kwento.
  • Patawanin mo siya.

Ipag-pray mo siya. Hindi ko mapigilang ilapit ang isang tao sa Dios sa panalangin kapag may nagawa siya sa aking kabutihan.

Poetry for Grandparents

grandparents

Poetry

Nagpapadala ang Makapangyarihan sa Lahat ng mga makalangit na nilalang sa buhay ng bawat bata, sa anyo ng mga lolo at lola. Sila ay mga mahal na mga kaloob ng Dios sa sangkatauhan, pinili upang magbahagi ng lakas, karunungan at pag-ibig mula sa isang henerasyon papunta sa isang henerasyon. Ang kanilang init ay madarama sa kanilang yakap at ang kanilang pag-ibig para sa atin ay naaaninag sa kanilang tumatanda nang mata. Maraming mga manunula ang pinuri ang mga huwarang nilalang na ito sa kanilang mga tula. (Pinanatili na lamang sa ingles ang linggwahe ng mga sulatin upang mapanatili ang ganda ng tula.)
God’s Gift of Grandparents

Grandparents are like honeybees;

They are the very sweetest.
They give you hugs and kisses,
And their stories are the neatest.

The honey they produce
Is more valuable than gold,
For this honey is the lessons
That we lovingly are told.

Grandparents want the best for us
And say we can achieve
Any goal that we have set,
If only we believe.

They help us spread our wings
So when we leave our honeycomb ,
We’ll make the right decisions
Though we be away from home.

Yes, grandpas are like silver,
And grandmas are a gem,
But better than one hundred diamonds
Are the things I learn from them.
– By Alyssa Marie Bentham

Grandparents
Few can bring the warmth
We can find in their embrace,
And little more is needed to bring love.
Than the smile on their face.

They’ve a supply of precious stories,
Yet they’ve time to wipe a tear,
Or give us reasons to make us laugh,
They grow more precious through the years.

I believe that God sent us Grandparents
As our legacy from above,
To share the moments of our life,
As extra measures of His love.
– By Unknown Author

God’s Gift of Angels
She rocks another baby…
hums an age old lullaby
She hopes no one is watching
as with thanks, she starts to cry

Remembering the time
when the babies were her own
And her mother told her gently
too soon they would be grown

Lots of bedtime stories,
skinned knees, and tears to dry
Teddy bears, toy trucks and dolls
and kites up in the sky

First days of school, first loves,
the proms, the wedding days
Sand castles and snowball fights
and teaching them to pray

Now, as she holds her grandchild
and gives thanks unto the Lord
She knows to be a Grandma
is motherhood’s reward!
– By Unknown Author

 

This article was taken from http://www.thegrandparentsday.com/poems/christian-poems.html. All rights reserved.

Appreciation

Gusto mo bang gumawa ng mabuti? Kung ikaw ay isang Kristiano, anak ng Dios, true Baptist, sigurado akong gusto mong gumawa ng mabuti. Kung maaari nga eh, mil-yong beses tayo gagawa ng kabutihan. Ngunit ano ba ang humihila sa atin pabalik upang huwag gumawa nito? Una ay baka unawain ng tao ang ginagawa mo bilang pagpapakitang-gilas lamang—paraan upang masabing ispiritwal, mabait, atbp., kahit hindi naman talaga iyon ang iyong motibo. Pangalawa ay dahil wala namang nag-a-appreciate o kumikilala, o pinapahalagahan, ang ginagawa mong kabutihan. Ang pangalawang dahilan ang mas nakaka-discourage; alam ng tao ang ginawa mong kabutihan ngunit hindi man lang sila nagpakita ng pagkilala rito o kahit man lang “Thank you.”

Ngunit ang aking tanong, kinikilala mo ba mismo ang mga kabutihang ginagawa sa’yo? Madalas ay hindi rin natin napapansin ang mga ginawa para sa atin kaya natural lamang na hindi rin pansinin ang ginawa nating kabutihan. Natutunan ko ito sa relasyon ng magulang at mga anak. Nagre-reklamo ang mga anak kung bakit puro na lang negatibo ang naririnig nilang komento mula sa mga magulang—ngunit ang hindi nila napapansin ay kahit sila mismo ay hindi nakikita ang mga paghihirap na ginagawa para sa kanila ng kanilang magulang. Wala man lang “thank you,” o kahit magbigay ng napitas na rosas kung saan para kay Nanay ay hindi pa magawa.

To be appreciated we must learn to appreciate first. Para kilalanin ang ginagawa mo sa iba, kilalanin mo muna din ang mga ginagawa ng iba para sa’yo. I often learned that to be very effective. Hinihintay ko isang beses ang isang kaibigan na magpakita ng appreciation sa ginawa kong bagay para sa kanya—wala akong nakikitang ginagawa niya. Napansin ko tuloy ang kabutihang ginagawa niya sa akin at naisip kong kilalanin ito—tinulungan ko siya sa simpleng “computer problem,” at pagkatapos niyon, out of the blue, ay narinig ko siyang magsabi, “Alam mo nabasa ko yung sinusulat mong kwento sa Facebook—maganda siya ha.” Tumango lang ako nang nakangiti habang nilalasap ang tagumpay na ma-appreciate kahit papaano.

Kailangan nating ma-appreciate, alam ko. Kaya mang-appreciate na rin tayo!

I’m Quoting You

by Elijah Abanto

Malamang kahit sinong tao ay ganito ang pilosopiya: that one way or the other, ay mayroon tayong pinaniniwalaan sa sinasabi ng isang tao at mayroon ding hindi natin pinaniniwalaan. Kung mayroon man akong isang personang pinaniniwalaan ng buo yun ay ang Dios; at kung mayroon man akong isang libro na pinaniniwalaan nang buo yun ay ang Biblia, dahil iyon ang Salita ng Dios. Nothing more, nothing less.

Pero may dating na kakaiba sa isang tao kapag sumipi ka sa aklat ng isang manunulat o personalidad—mas madaling isipin na kaya mo siya sinipian ng mga salita ay dahil pinaniniwalaan mo ang lahat ng kanyang mga opinyon at sinasabi—lalo na kung positibo ang tingin mo sa sinipi mo mula sa kanyang isinulat. At ito’y natural; maraming matatalinong tao na ganito ang unang reaksyon, bagaman sa kanilang pag-iisip ay kumaklaro na baka hindi naman ganito ang kaso ng sumipi.

Ngunit narito lamang ang aking sasabihin: hindi lahat ng sinisipian ko o kinukuhanan ng article ay pinaniniwalaan ko sa lahat ng kanyang sinasabi o ginagawa. Mabuti na lamang at naibigay itong suwestiyon ng aking pastor na sumulat ng isang artikulo patungkol dito para maging klaro sa mga mambabasa ang ibig-sabihin ng pagkuha ko ng mga sipi sa ibang mga kilalang Kristiano.

Para mas malinaw o para mas mapatunayan kong ganun nga ang aking katayuan ay nais kong ipakita sa inyo ang mga bagay na hindi ko pinaniniwalaan sa tatlo sa mga awtor na kinuhanan ko ng mga artikulo para sa BDJ: sina Charles F. Stanley, Charles R. Swindoll, at Charles W. Colson. (Ngayon ko lang napansin na puro “Charles” ang mga kilalang Kristiano na kinuhanan ko ng sipi o articles.)

Charles F. Stanley. Sa tatlong tao na kinukuhanan ko palagi ng articles, siya ang pinakagusto ko. Una sa lahat ito ay dahil kilala siya bilang isang Baptist. Ang ibig kong sabihin, hindi niya itinatago ang kanyang pagkakakilanlan bilang isang Baptist, kahit na kadalasan sa Amerika ang mga Southern Baptist pastors at writers, sa halos lahat ng pagkakataon, ay hindi babanggitin na sila’y Baptist. Ngunit ang pangalan mismo ng church na kanyang pinagpa-pastor-an ay “First Baptist Church of Atlanta,” at alam ko iyon dahil nakita ko ito sa kanyang TV program na In Touch with Dr. Charles F. Stanley—ibig-sabihin buong mundo ang nakakaalam na Baptist siya. At hinahangaan ko siya dahil doon. Ang kanyang mga articles sa In Touch magazine ay sinasang-ayunan ko, at sa tingin ko ay biblikal. Maaari kong sabihin na sa ngayon ay wala pa akong nababasa mula sa kanya na hindi ko sinasang-ayunan.

Ang hindi ko lang sinasang-ayunan sa kanya ay ang kanyang pananatili sa Southern Baptist Convention. Ang SBC ay hiniwalayan ng maraming Baptist pastors dahil sa ginagawa nitong kompromiso sa doktrina. Bagaman hindi mo siya maririnig na sumasali sa mga aktibidades ng SBC gaya ng ibang kilalang SB pastors at writers tulad nina Rick Warren, Josh McDowell, at marami pang iba, ay iba pa rin ang matawag na kasali sa grupong ito. Sabi nga sa Biblia na “come out of her, my people, that ye be not partakers of her sins, and that ye receive not of her plagues” (Revelation 18:4). Bagaman iba ang tinutukoy ng passage na ito, ang prinsipyo ng paghiwalay sa anumang organisasyon na mali ay nandoon pa rin.

Isa pa rito ay ang pag-tolerate ni Stanley sa mga articles na inilalathala sa In Touch magazine. Ang mga articles niya mismo ay tama at naaayon sa Biblia, ngunit ang ibang articles na hindi niya isinulat, yun ang problema. Ang ibang mga articles sa kanyang publikasyon ay sumasang-ayon sa mga modernong musika na pang-”Kristiano” daw, o kaya naman may article na ini-interview ang mga Kristiano na may maling pilosopiya. Oo nga, hindi siya ang sumusulat nito, ngunit hindi rin naman tama ang pumayag ka na mailathala sa publikasyon mo ang mali, dahil tulad nga ng sinabi ko sa mga unang talataan, mas madaling isipin na dahil kinuhanan mo ng sipi ang isang tao ay pinaniniwalaan mo ang bawat sinasabi nito at ginagawa, which is not the case, I think, kay Stanley. Ang musika sa kanyang iglesiya ay conservative. Not once did he invite anyone na may modernong “Kristianong” musika sa First Baptist Atlanta. Ngunit ang pag-tolerate, yun ang hindi ko sinasang-ayunan sa kanya.

Charles R. Swindoll. Maaaring pinakagusto ko si Stanley personally ngunit si Swindoll naman ang pinakapaborito ko. Marahil ay dahil mas marami akong libro niyang nababasa. Isa pa, his writing at paraan niya kung paano i-expound ang Scriptures ay very interesting at nakaka-disarma. Pinagpala siya ng Dios ng magandang panulat. Lagi ko ring napapakinggan ang kanyang mga mensahe sa Insight for Living, kanyang radio program na bino-broadcast sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas (sa 702-DZAS), at sa Internet. Ang kanyang mga mensahe ay biblikal, interesante, at nakakahamon, nakakapag-bigay-inspirasyon. What’s more interesting is that he is also a Baptist!

Which is also the first cause na hindi ko siya sinasang-ayunan—hindi mo maririnig sa kanyang bibig palagi na Baptist siya. Ang mga alam kong iglesya na kanyang pinagpastoran, tulad ng First Evangelical Free Church of Fullerton at sa ngayon ay Stonebriar Community Church, ay halatang wala ang pangalang “Baptist” doon. Nalaman ko lamang na Baptist siya sa isa sa mga broadcast niya sa radio at minsan ko lang iyon narinig.

Secondly, nakabasa na ako ng mga aklat ni Swindoll kung saan hindi ko sinasang-ayunan ang mga sinisipian niya ng mga salita. Minsan ay nag-quote siya ng isang Roman Catholic, si Henri Nouwen, sa kanyang aklat na Intimacy with the Almighty. Hindi ko rin sinasang-ayunan ang kanyang pagsasabi at paggamit niya nang maraming versions para ma-klaripika ang mga medyo malalabong talata, at pagsasabi na “mas tama ang ganitong translation.” (Though pareho sila ni Stanley nang ginagamit na version, which is the New American Standard Bible, ay hindi naman nagsasalita si Stanley na mas tama ang ganitong translation.) Isa pa ay ang kanyang pilosopiya na walang unacceptable kind of music, bukod lang sa Rock. Siya mismo ay nakikinig ng Country music, ayon sa kanyang mga broadcasts at sa aklat niyang The Grace Awakening. Sinabi niya na walang problema sa kung anong musika o damit ng isang tao, though sa sarili niya ay mayroon siyang personal na convictions. Ngunit ang ganitong klase ng pilosopiya ay misleading. Dagdag pa rito ang kanyang involvement sa deeply-compromised na Promise Keepers, isang interdenominational na organisasyong directed sa mga adult men na tinatanggap ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo.

Charles W. Colson. Isa sa mga nakakuha ng aking atensyon tungkol sa kanya ay ang istorya mismo ng kanyang kaligtasan. Isang masamang politiko na naging dedikadong Kristiano—ito ay isang kamangha-mangha at magandang patotoo sa buong mundo (tinalakay niya ito sa best-selling niyang aklat na Born Again.) Isa pa ay ang kanyang matapang at matalim na paraan ng pagsusulat. Kung may nakikita siyang mali, buong tapang niyang babanggitin kasama ang mga pangalang kaugnay doon. With all the wrongs set aside, gusto kong writer si Charles Colson. Isa siyang Baptist anyway.

Ngunit ang mali lang sa kanya ay ang bulgar niya ring pakikipag-fellowship sa ibang sekta ng Kristianismo, ang Roman Catholicism bilang isang kapansin-pansing halimbawa. Kino-quote niya sina Mother Teresa, Henri Nouwen, St. Augustine, Richard John Neuhaus, at marami pang ibang Catholics. Nais niyang magkaisa ang lahat ng sekta ng Kristiyanismo na naniniwala sa Fundamentals, na nakikita niyang batayan para i-fellowship o hindi i-fellowship ang isang sekta o hindi. Naniniwala siya na kapag ang doktrina ay hindi kasama sa Fundamentals na ito, ay dapat lamang na makipag-fellowship sa mga ito. Ang kanyang mga sulatin ay very convincing na kung hindi mo alam ang doktrinang tama, ay paniniwalaan mo lahat ng kanyang sinasabi.

He’s very ecumenical na sumulat pa siya ng isang aklat para sa kilusan na nagtutulak na makiisa sa mga Katoliko. Iyon ang Evangelicals and Catholics Together (isinulat niya pa ito kasama si Richard John Neuhaus, isang kilalang Catholic priest).

You may even have learned something from this. I’m glad my pastor adviced me about this. At nais ko rin na ang bawat Kristiano ay huwag gawing idol ang mga tao (kahit Kristiano, especially kahit Baptist pa ito). No one is perfectly right on something. Maaaring ako mismo ay may maling paniniwala. Ang nais ko lamang sa bawat isa ay ang paniwalaan ang Dios at ang Kanyang Salita nang buo, and from that ay kumuha ng babasahin na sumasang-ayon sa katotohanan na ito at gamitin para sa ikatitibay ng ibang mga Kristiano.

Kaunti lamang ang nakakapagpasaya sa akin nang higit sa makita ang isang Kristiano na lumago at na-encourage dahil sa aking isinulat o nilathala.

Loving God: Faith and Obedience

by Charles Colson

Bilang paghahanda, bago isinulat ni Charles Colson ang kabanatang ito ay ikinwento muna niya ang kasaysayan ng buhay ni Boris Kornfeld, isang Judiong doktor noong namamayagpag pa ang Soviet Union, isang Komunistang grupo na kinapapalooban ng Russia, at ang malupit nitong diktador na si Stalin. Doon ay naging preso siya, ngunit bilang isang doktor ng mga sundalo sa prison camp. Nakita niya ang kalupitan ng sundalo roon, at ng Komunismo sa kabuuan, at hindi nagtagal sa puso niya ay tinalikuran niya ang mga ito, at nanampalataya kay Jesus bilang kanyang Tagapagligtas. Mula noon ay sumusuway na siya sa mga malupit na utos ng mga sundalo doon, tulad ng pagpatay sa mga pasyente niyang hindi nagugustuhan ng mga sundalo. Ang naging sukdulan pa ay ang pagbabahagi niya ng Salita ng Dios sa isang pasyente. May nakarinig sa kanya, at sinumbong sa isang sundalo. Kaya noong kinagabihan, sa pagtulog niya, ay pinukpok ang kanyang ulo ng maso nang walong beses na agad niyang ikinamatay. Ang pasyenteng binahaginan niya ng Salita ng Dios ay naligtas din, na nakalaya sa Komunismo roon, at ipinamahagi sa buong mundo ang kanyang ginawa. Iyon si Alexander Solzhenitsyn.

 

Si Boris Kornfeld ay isang dakilang isinataong kabalighuan (paradox). Isang Judio na tinalikuran ang pananampalataya ng kanyang mga ninuno. Isang doktor na nasayang nang walang katuturan ang mga taon na ginugol sa pagsasanay. Isang politikal na ideyalista kung saan ang pangitaing maganda ay nauwi sa isang tigang na kulungan ng Siberia. Isang preso na ibinigay ang buhay para lamang sa isang ninakaw na piraso ng tinapay. Sa bawat isa sa mga aspetong iyon, si Boris Kornfeld ay isang bigo—iyon ay sa sistema ng pagpapahalaga ng sanlibutan. Ngunit kinuha ng Dios ang kabiguang iyon ng isang tao upang madala kay Kristo ang isang tao na magpapatuloy bilang isang mala-propetang boses at isa sa mga pinakama-impluwensyang manunulat sa buong mundo.

Sapagka’t ang mga salita ni Kornfeld ay ginawa ang mapangkumbinse at mapang-convict na gawain nito, hinihipo ang tinawag paglaon ni Solzhenitsyn na “isang sensitibong pisi.” Iyon ang kanyang sandali ng ispiritwal na pagkabuhay; “Dios ng kalawakan, naniniwala akong muli sa Inyo! Kahit na itanggi Kita, nariyan Ka pa rin,” kanyang isinigaw. Isa yung ispiritwal na pagsasalin—ang buhay na kinuha mula sa isang tao at inilipat sa isa para sa isang layunin ng Dios.

At sa kanyang kaligtasan ay nakita ni Solzhenitsyn ang kabalighuan ng kaharian ng Dios. Sapagka’t sa kahungkagan ng Russian gulag na iyon ay kanyang naramdaman ang isang bagay na hindi makita ng milyung-milyong naghahanap ng kaligayahan sa kayamanan ng buhay-Kanluran. Isinulat niya paglaon, “ang katuturan ng pamumuhay sa lupa ay nakasalalay, hindi sa isang kaisipan na kinalakihan natin, ang pagyaman, kundi sa paglago ng kaluluwa.”

Ang maikling buhay-Kristiano ni Kornfeld ay naisabuhay sa isang limitadong sitwasyon at paligid, halos nasa isolation pa nga, o pagkakahiwalay sa karamihan. Sa maraming paraan ay maaari nating isipin na ang kanyang desisyon na huwag pirmahan ang mga medical forms [o “death certificate” kung baga para sa mga preso], kanyang pag-uulat ng pagiging korap ng isang bantay [sa pagnanakaw nito ng tinapay na para sa mga pasyenteng preso], kahit na ang kaunting oras ng pagpapatotoo sa isang halos-mamatay na na pasyente ay walang kabuluhan, at magdadala lamang sa kanya ng wala kundi ng kung ano ang nangyari sa kanya sa katapusan—ang brutal na kamatayan sa mga kamay ng mga dumakip sa kanya. Ngunit ang pananampalataya ni Kornfeld ay malakas, tiyak, at sinsero. At kahit papaano ang kapwa niya Kristiano at ang Banal na Ispiritu ay nagbahagi ng isang katotohanan sa kanya: ang hinihingi sa kanya ng Dios ay pagsunod, anuman ang mangyari. Pagsunod nang may iisang pag-iisip sa pananampalataya.

At iyon ang aral ng Rusong doktor na ito: ang nais ng Dios mula sa Kanyang bayan ay pagsunod, kahit na ano ang sitwasyon, kahit na hindi alam kung ano ang kalalabasan nito.

Lagi na namang ganito. Ang Dios na tinatawag ang Kanyang bayan sa pagsunod ay nagpapakita lamang ng pahapyaw ng kung ano ang mangyayari sa kanilang mga pagpupunyagi.

Karamihan sa mga dakilang katauhan sa Lumang Tipan ay namatay nang hindi nakikita ang katuparan ng mga pangako na kanilang pinanghawakan sa buong buhay nila. Ginugol ni Pablo ang buong buhay niya sa pagtatatag ng unang iglesia, ngunit habang papalapit na ang kanyang kamatayan ang lahat ng kanyang nakita ay isang linya ng maliliit na kongregasyon sa Mediterranean, at marami pa sa mga ito ay pinahina ng makalamang kalayawan o pagkakahati dahil sa maling doktrina.

Nitong mga mas kabaguhan na mga panahon, ang dakilang kolonyal na pastor na si Cotton Mather ay nanalangin para sa revival nang ilang oras kada araw sa loob ng dalawampung taon; ang Great Awakening (“Dakilang Paggising”) [sa Amerika] ay nagsimula sa taon ng kanyang kamatayan. Sa huli ay tinanggal na rin ng Imperyo ng Britanya ang pang-aalipin habang ang Kristianong taga-parliamento at pinuno ng kilusan laban sa pang-aalipin, si William Wilberforce, ay nakahimlay sa kanyang kamatayan, pagod matapos ang halos limampung-taon niyang kampanya laban sa kasanayan ng pang-aalipin ng tao. Napakakaunti ng mga nadala sa Panginoon sa buong buhay ng pagmi-misyon ni Hudson Taylor sa silanganan: ngunit ngayon ay milyung-milyon na ng mga Tsino ang yumakap sa pananampalataya na buong pagpapasensya niyang tinanim at inalagaan.

Mayroong mga maaaring mag-isip na ang ganitong klase ng dibinong modelo ay malupit, ngunit ako’y kumbinsido na mayroong dakilang karunungan dito. Nalalaman kung gaano tayo kadaling tawagin ng sirena ng tagumpay, hindi tayo hinahayaan ng Dios na makita ito, at samakatwid ay luwalhatiin ang sarili, sa kung anong ginawa sa pamamagitan lamang natin.

Ang isang iskriptyural na analohiya ng hindi nagtatanong na pagsunod na inaasahan ng Dios ay makikita sa pagpapagaling ni Jesus sa alipin ng isang centurion. Sinabi nina Mateo at Lukas kung paano lumapit ang centurion kay Kristo para sa paralisadong alipin niya; nang alukin siya ni Jesus na puntahan ang alipin, mabilis na tumugon ang centurion na kailangan lamang magbigay ni Jesus ng kautusan at ang alipin niya ay gagaling na. Naintindihan ng centurion ang mga tungkol sa bagay na ito dahil tuwing uutusan niya ang kanyang mga sundalo na humayo, humahayo ang mga ito; sa kaparehong paraan ay naintindihan niya ang awtoridad ni Jesus na tulad ng isang komander ng militar kung saan ang isang tao ay nagbibigay ng pagtalimang walang tanung-tanong. Dahil sa ligayang dulot na pagkakadiskubre ng ganoong klase ng pananampalataya, hindi lamang pinagaling ni Jesus ang alipin, kundi ginamit ang centurion bilang halimbawa ng pananampalataya sa Kanyang mga salita sa karamihan.

Ginagawang malinaw ng Biblia, at ang mga karanasang tulad ng kay Kornfeld ay kinukumpirma, na ang walang tanung-tanong na pagtanggap ng at pagsunod sa awtoridad ni Jesus ay ang haligi ng buhay-Kristiano. Ang iba pa ay nakasalalay na rito. Ibinibigay din nito ang susi sa pag-unawa na para sa marami ay isang malaking misteryo ng Kristiyanismo: ang pananampalataya.

Ang nagliligtas na pananampalataya—yung kung saan tayo ay napapaging-matuwid, ginawang matuwid sa Dios—ay isang kaloob ng Dios; at, oo, kasama rin dito ang isang rasyonal na proseso dahil ito ay nagmumula sa pakikinig ng Salita ng Dios. “O sige,” maaaring sabihin ng isang nakikibakang Kristiano, “ngunit kung praktikal na sasabihin paano ba nagiging totoo ang aking pananampalataya? Paano ko ba makakamtan ang ganoong klase at tibay ng pananampalataya ng isang lumalagong Kristiano?”

Doon pumapasok ang pagsunod. Para sa lumalagong pananampalataya—yung pananampalataya na lumalalim at lumalaki habang isinasabuhay natin ang ating buhay-Kristiano—ay hindi lamang kaalaman, kundi kaalaman na may kasamang pagkilos. Hindi lamang iyon paniniwala, ngunit paniniwalang isinasabuhay—sinasanay. Sinabi ni Santiago na dapat tayong maging mga tagagawa ng Salita, hindi lamang mga tagapakinig. May isang Alemang pastor na na-martyr sa Nazi concentration camp na nagsabi, “Yun lamang na naniniwala ang sumusunod; yun lamang na sumusunod ang naniniwala.”

Mukha man itong paikot na proposisyon, ngunit marami namang bagay na ganito—sa katotohanan at sa kasanayan. Isipin mo na lang ang tungkol sa pagkatuto na lumangoy. Sinasabi sa atin kung ano ang gagawin. Tapos naiilang tayong hahakbang sa tubig, lalangoy, at biglaan ay makakalimutan ang lahat ng sinabi sa atin. Humahampas tayo sa tubig, naghahabol ng hininga at lumulubog. Sa bandang huli, kadalasan sa punto na lubusan na tayong nawalan ng pag-asa, sa isang sandali ay nakukuha na natin ang pakiramdam nang nakalutang. At dahil naisip nating posible nga ito, naaalala natin ang mga instruksyon sa atin at sinisimulan na natin itong sundin. At gumagana nga ito. Tulad ng pag-aaral na balansihen ang bisikleta o pagpapakadalubhasa sa isang banyagang wika, ang pananampalataya ay kalagayan ng pag-iisip na lumalabas sa ating mga ginagawa, at namumuno sa ating mga aksyon.

Kaya ang pagsunod ang susi sa totoong pananampalataya—ang hindi mayayanig na uri na pananampalataya na makapangyarihang naipakita sa buhay ni Job. Nawala kay Job ang kanyang pag-aari, kanyang pamilya (bukod sa isang mapag-angal niyang asawa), kanyang kalusugan, kahit na ang kanyang pag-asa. Ang payo ng mga kaibigan ay hindi nakatulong. Saan man siya tumingin, wala siyang mahanap na mga sagot sa kanyang abang kalagayan. Natira siyang nakatayong mag-isa. Ngunit kahit parang inabandona na siya ng Dios, kumapit pa rin si Job sa katiyakan na ang Dios ay kung sino Siya. Tiniyak ni Job ang kanyang pagsunod sa pamamagitan ng mga lumang salitang iyon ng pananampalataya: “Though He slay me, yet will I trust in Him” (“Kahit na patayin Niya ako, gayunpaman ay magtitiwala ako sa Kanya”).

Ito ang totoong pananampalataya: paniniwala at pagkilos nang may pagsunod sa kabila ng mga sitwasyon o ebidensyang laban dito. Dahil, kung ang pananampalataya ay nakadepende sa nakikitang ebidensya, hindi iyon magiging pananampalataya. “We walk by faith, not by sight,” isinulat ni apostol Pablo.

Walang kabuluhan sa mga Kristiano ang walang-tigil na humanap ng mga bagong demonstrasyon ng kapangyarihan ng Dios, na umasa ng dakilang pagtugon sa bawat pangangailangan, mula sa paggamot sa mga simpleng sakit hanggang sa pag-hahanap ng mapaparkehan ng sasakyan; dahil dito, napupunta ang pananampalataya sa mga milagro imbes na sa Tagagawa nito.

Ang totoong pananampalataya ay nakadepende hindi sa mga misteryosong tanda, mga pagkilos ng mga bagay-bagay sa langit, o engrandeng dispensasyon mula sa isang Dios na nakikita bilang mayaman, at mapagkawanggang tiyuhin; ang totoong pananampalataya, sa pagkakaintindi ni Job, ay nakasalalay sa katiyakan na ang Dios ay kung sino Siya. Tunay ngang doon nga tayo ay nararapat na maging handa na itaya ang ating mga buhay.

May isang panahon kung saan may labing-isang lalaki ang ginawa ito mismo. Itinaya nila ang kanilang mga buhay sa pagsunod sa kanilang pinuno, kahit na ang paggawa nito ay laban sa lahat ng karunungang pantao. Ang akto na ito ng pagsunod ay nagbunga ng isang pananampalataya na nagpatapang sa kanila na tumindig laban sa sanlibutan at, sa kanilang buhay, ay binago ang mundo magpakailanman.

[Sila ang mga apostol ni Jesus.] (Itutuloy)

 

Ang Tagalog na article na ito ay isinalin mula sa isang kabanata ng aklat ni Charles Colson, Loving God, pahina 31-35. Inilathala ng Zondervan at HarperCollins Publishers, taon 1987, 1990.

Missions Stories

 

KAHIT NA MAHULI

 

Kung mayroon lang na isang taong hindi tinatanggap sa Tsina, iyon ay isang misyonero. Malaman-laman lamang ng gobyerno na mayroon nga, agad-agad nila itong ipahuhuli. Ngunit dahil gusto ng bansa na mapaunlad ang relasyon sa pakikipagkalakalan sa buong mundo ay may oportunidad para sa mga Cristiano bilang:

 

Turista. Iyan ang pagkakakilala kay Joni Ilagan. Ang alam ng pamahalaan ay wala siyang ibang gagawin doon kundi ang maglibot sa iba’t ibang atraksiyon doon, ngunit, tulad ng isang TNT sa Amerika, ay may iba siyang motibo—ang ipamahagi ang Mabuting balita.

Mahirap kumilos nang kahina-hinala sa bansang ito lalung-lalo na sa mga bayan—kung saan inaasahan ang isang turistang gaya niya ay dapat mamalagi o lumilibot—dahil naroon ang mga atraksiyon ng bansa. Pero, Bahala na, nasabi niya sa sarili,  basta dapat ko itong magawa—by hook or by crook. Ngayon, sa kanyang bag, ay may mga literaturang Tsino tungkol sa Ebanghelyo, at kasama ang kanyang asawang si Dani Yeng-Ilagan, ay ipinamimigay niya sa karamihan ang mga ito. Tinuruan siya ng Mandarin ng kanyang half-Chinese na asawa, kaya nagagawa niyang makipag-usap sa lingwahe ng bansa.

Pang-limang buwan na niya sa bansa, at sa pamimigay nila ng mga literatura at pagtawag ng mga pasikretong pagtitipon, ay nakapagdala sila ng marami-rami na ring mananampalataya kay Kristo. Sa susunod na buwan ay kailangan na niyang lumisan sa lugar na iyon ng Peking (Beijing) para pumunta ng iba pang bayan para doon naman magsimula ng panibagong gawain.

“May mga sundalo sa bahaging ito, Jon,” bulong ni Dani sa kanya, kaya agad silang lumayo sa lugar.

Luminga-linga pa siya kung mayroon pang mga nakapaligid na sundalo sa paligid. Wala na. Kaya nagsimula na naman siyang mamigay ng mga babasahin. Sa kanyang pamimigay, ay may nasalubong siyang isang miyembro sa kanyang kongregasyon. Nakilala siya nito, at binati siya sa lingwahe nito. “Namimigay din ako ng babasahin, Pastor,” sabi nito sa Mandarin, “pero naiisip ko pa rin na baka mahuli nila ako, lalo na at papalapit na ang Beijing Olympics at padami nang padami ang  mga pinapadalang sundalo dito sa kabisera.”

Tinapik niya ito sa balikat, at ngumiti. “Ako, kahit na mahuli, wala akong pakielam, basta para sa Panginoon at maipamahagi ang Salita ng Dios.”

“Tama ho kayo,” sagot nito, sabay-ngiti. “Itutuloy ko na po ang pagbibigay, Pastor. Maraming salamat po.” Nagpaalam na ito.

Nakapagpapalakas sa kanya ang mga taong nawi-win niya dito na ginagawa na rin ang kalooban ng Dios. Alam niyang ganito rin ang nararamdaman ng kapwa niya misyonero sa bansang ito sa buong mundo. Ipinapanalangin niya na sana na marami pa ang makakilala sa Kanya—sa tulong ng Dios at mga kapatid niya sa Panginoon sa Pilipinas.

 

SAGIPIN SILA!

 

“Akin na ang bata!” sigaw sa salitang Thai ni Marvin Mallari, isang Pilipinong misyonero sa Thailand.

“Aalagaan ko siya!” sabi ng malaking lalaking Thai, na nakikipag-agawan sa kanya. Alam niyang nagsisinungaling ito. Sa loob ng dalawang taon na nandito siya sa Bangkok, alam niyang ibebenta lamang nito ang bata sa night club.

“Huwag kang sinungaling!” at kanyang inupakan ang lalaki. “Pati mga musmos pinagdidiskitahan niyo pa! Wala kayong takot sa Diyos!” Talagang wala silang takot sa Diyos. Anak pa sila ng Diyablo.

Nakita na lamang niyang umalis ang lalaki. Nagpalakpakan ang mga bata at lumapit sa kanya. “Salamat po, Missionary!” pasalamat ng babae sa kanya, pati na rin ng ibang bata.

“Tuloy kayo sa aking bahay,” imbita niya sa mga ito. Ginawa na niyang orphanage ang kanyang tahanan. Sumunod sa kanya ang hindi kukulangin sa may labinlimang bata. “lzel, maghanda ka ng makakain,” sabi niya sa kanyang asawa.

“Nagamit mo yung natutunan mo sa taekwondo,” biro sa kanya ng asawa sa wikang Tagalog.

Ngumiti siya. “Tulog na ba yung iba?” tanong niya rito tungkol sa iba pang batang-kalye na kanilang sinagip.

“Oo,” sagot nito. “Oh, eto. Tulungan mo akong dalhin sa kanila ang pagkain.”

Masayang kumain ang mga bata. Kitang-kita niya ang saya sa mga mata nito habang kumakain. Alam niyang minsan lang ganito ang mga bata. Sa labas, ay puro hanapbuhay ang ginagawa ng mga ito. At dahil ang ilan sa kagaya ng mga ito’y desperadong magkatrabaho, nauuwi ang mga ito sa trabahong child prostitute—mapalalaki, mapababae. Hindi niya maatim ang ganitong pamamalakad—lalo na at lumalaki ang mga ito nang walang kaalaman tungkol sa tunay na Diyos.

Pagkatapos kumain ay ibinahagi niya ang Salita ng Diyos sa mga ito at lahat ng mga bagong bata ay tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas. Ang iba ay nandito na dati at tumanggap na rin sa Panginoong Jesus. Ang mga batang kanyang inaampon ay tinuturuan niyang magbasa, lalo na ng Biblia. Napapakinabangan niya ang mga ito sa mission work na kanyang itinayo sa siyudad. Sa loob ng dalawang taon ay may fifty na rin siyang miyembro na sumusuporta sa gawain, idagdag pa ang mga batang ito.

Sabik na siyang sumulat muli sa Pilipinas. Ipapaalam niya ang kapangyarihan ng Diyos na gumagawa sa lungsod. Alam niyang darating ang panahon at magiging mga pastor din ang mga kabataang kanyang nasagip. Basta patuloy ang tulong na dumadating mula sa ibang bansa, at ang tulong ng Diyos, alam niyang magpapatuloy ang Bible Baptist Mission of Bangkok.

2ND CLASS CITIZENS

 

Cristiano. Kung tutuusin sa bansa ng Cambodia ay mas kagalang-galang pa ang mga ito kaysa mismong mga mamamayan nitong iba ang relihiyon, ngunit, tinatrato silang parang nakalayang kriminal.

Si Kiara Dominguez ay bumibili ng bigas sa pamilihan ng Phnom Penh. Sa pagkakaalam niya ay 20 riel lang ang bigas, ngunit, noong siya na ang bumibili, 25 riel na ang sinisingil sa kanya bawat kilo. “Cristiano ka di ba?” sabi sa salitang Khmer ng babaeng tindera na pinapaalam na karapat-dapat siyang magbayad ng mas malaki. Tatlong taon na sila sa Phnom Penh kaya kilala na sila sa lugar. Isa pa, hindi rin nagkukulang ang gobyerno para paratangan ang mga Cristiano ng mga maling akusasyon para masira sila sa mga mamamayan nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ng tindera. Kahit naman magkano iyan ibibigay pa rin ng Diyos, sabi na lamang niya sa sarili.

“Mukhang pinagbagsakan ka ng langit,” komento ni Manuel, kanyang asawa. “Minamahalan na naman ba nila?” Tumango siya. “Hayaan mo na, Hon. Mas mabuti pa ang mataas na bilihin kaysa walang kalayaan tulad sa China.”

“Sa tingin ko mas mabuti pang mabuhay sa China kaysa rito,” nasabi na lang niya habang sinasaing ang bigas. “Hindi lang naman sa pagtataas nila ng presyo ang ikinaiinis ko. Kung tratuhin nila tayo ay parang kunti lang ang itinaas natin sa mga hayop. At least sa China alam mong hindi talaga pwede ang Cristiano. Pero dito, kahit may religious freedom, pag tinrato ka parang wala kang kwenta.”

“Kiara, hayaan mo na,” alo ng kanyang asawa, “Kahit na umabot pa sa isandaang riel bawat kilo ang bigas o ang trato nila sa atin ay maging hayop na, nandyan pa rin ang Diyos… Ganon talaga. Ipanalangin na lang nating maligtas sila.” Tumigil ito at ngumiti. “At tsaka alalahanin mo na lang ang mga nadala natin sa Panginoon.”

Oo nga, napangiti siya sa alaala. Ang mga Khmer na nadala nila sa Panginoon ay hindi 2nd class citizens ang turing sa kanila kundi totoong tao—kapantay—o mataas pa nga ang tingin sa kanila ng mga ito. Nakikinig ang mga ito sa kanilang payo, tinutulungan sila ng mga ito, at matapat na nagbibigay sa gawain ng Panginoon. Dapat nga siguro ay maging masaya siya doon.

“Oo nga,” nasabi na rin ng kanyang bibig.

Naalala na lang niya si Ropha, isang 13-anyos na babae. Natagpuan niya itong inaabuso ng isang lalaki nang paluin niya ng kahoy ang ulo ang lalaki at nailigtas ito. Nakakilala ito sa Panginoon at ngayon ay isa nang matapat na manggagawa ng misyong kanilang nasimulan.

Si Kampong, 48, ay isa ring lalaking nadala nila ni Manuel sa Panginoon. Hindi nila lubos-maisip na ang isang tagabenta ng mga bata bilang prostitute noon ay kakausapin ni Kristo at magbabago. Ngayon ay may ministry na ito laban sa child sex slavery.

Hindi lang sila ang naiisip niyang dahilan para magpatuloy. May mahigit isangdaan na silang nadala sa Panginoon na matapat na nagbibigay at naglilingkod sa Kanya.

Dapat nga siyang maging masaya. Ano ang 25 riel na bigas kumpara sa mga taong kanilang nadala kay Kristo? Hindi siya dapat na malungkot.

Besides, alam niyang may tumutulong mula sa Pilipinas para magpatuloy sila. At isa pa, si Kristo ang kakampi nila—ang hari, hindi lamang ng buong mundo, kundi ng buong kalawakan.

 

 

SINO’NG TUTULONG SA AMIN?

 

“God bless you,” huling salita ni Missionary Eduardo Cruz sa Hapong Baptist na humingi sa kanya ng tulong-pinansyal. Na-win niya ito sa Panginoon sa kanyang pagmi-misyon sa Osaka, Japan. Ngayon ay may tatlumpu na rin silang na-win doon at dumadalo sa kanilang pagtitipon. Masaya siya dahil ginagamit silang pamilya sa lugar na ito bagaman malayo sa mga kapwa Pilipino at mga Baptist sa Pilipinas.

“Ed, tingnan mo,” tawag-pansin ni Lora, kanyang asawa. Ito ay nagkakalkula ng mga gastusin para sa buwan na ito. Medyo nangalumbaba siya sa nakita. “We’re short ng 5000 yen para sa ating gastusin. Hindi rin masyadong sapat ang ating kinikita sa trabaho para makapag-aral nang tuluy-tuloy si Edgar at Eliezer. Tumawag pa ang Asian Baptist Clearinghouse na hindi raw nagiging faithful ang mga churches sa mission-giving para sa atin.” Bakas sa mukha nito ang lungkot. Oo, masaya siya at ang kanyang pamilya sa paglilingkod sa Panginoon, pero nalulungkot siya dahil kakaunti lamang ang mga Pilipinong Baptist na tulad nila ang tumutulong sa kanila.

“Don’t worry, nandiyan naman ang Diyos, Lora,” hinalikan niya ito sa pisngi at niyakap. “God will provide.” Tumango ito sa kanyang pahayag.

“Oo, tama ka,” sagot nito. “Pero alam mo, Ed, nagpapalungkot lang sa akin ang nangyayari sa Pilipinas. Maliit ang kanilang pananampalataya para tumulong sa Faith Promise. Oo nga at nagta-tithe at nag-o-offering sila, pero mukhang hindi nila naisip ang tumulong sa misyon.”

“Nakakalungkot ngang isipin,” naikomento na lang ni Eduardo. Silang dalawa, bago pa man sila nakarating dito sa Japan ay matapat na silang tumutulong sa misyon. Hanggang sa ngayon nga ay sinisikap pa rin nilang makapagpadala sa kanilang home church ng pera para sa missions giving. Kaya malungkot siya ngayon dahil humihina na ang pananampalataya ng maraming mga Baptist churches para dito.

Pero alam niya na nandiyan ang Diyos. Kaya nilang magpatuloy dahil ang Diyos naman ang nagbibigay ng pangangailangan nila. Naipanalangin na lamang nila na sana makita ng bawat Cristiano ang importansya—ang kahalagahan ng pagbibigay sa misyon.

 

Ang kwentong “Kahit na Mahuli” ay mula sa The Baptist Metropolis (dating pangalan ng BDJ) 14, April 13, 2008, p. 7. Ang kwentong “Sagipin Sila!” ay mula sa Baptist’s Digest (dating pangalan ng BDJ) 15, April 20, 2008, p. 5. Ang kwentong “2nd Class Citizens” ay mula sa Baptist’s Digest 16, April 27, 2008, p. 5. Ang kwentong “Sino’ng Tutulong sa Amin” ay mula sa The Baptist Metropolis 13, April 6, 2008, p. 5. © 2008 CYPA Paper Ministries. All rights reserved.

Becoming Green Enough

green

Ang salitang “green” ay may tatlong ibig-sabihin para sa karamihan. Una, ay ang “green” na sumisimbulo sa kabataan, pagiging baguhan, pagsisimula—yun ang dahilan kung bakit karaniwang berde ang kulay ng mga ID lace ng mga first year students sa high school. Pangalawa, ay ang “green” na nangangahulugang bastos, walang-galang, marumi—tulad ng pagnanasa sa isang babae; mga bastos na joke at kwento—yan ang isa pang gamit ng “green.” Ang pangatlo, ay alam-na-alam din natin, ito ang ating kalikasan— “nature,” kung tawagin sa Ingles. Ito ay dahil ang berdeng (o “luntian”) dahon ng karamihan sa mga puno ay ginagamit nang simbulo ng kalikasan, kaya kahit sabihin sa advertisement na “Let’s Be Green,” ay mauunawaan na natin yun—pangalagaan ang kalikasan, ika nga.

Ang tanong ay, “Are we green enough?” Ang tanong na ito’y hindi kung bata ka pa o malakas, bastos o marumi, kundi kung tinatrato mo ang kalikasan nang nararapat. Madalas na akong makakita ng mga bata na pinagsasabong ang gagamba, o sa mga matatanda, ang kanilang mga manok. Madalas na akong makakakita ng mga batang naninipa ng pusa o aso, o mga matatanda na kinakatay ang mga ito at ginagawang pulutan. Madalas na akong makakita ng mga batang pinagsisisipa ang mga halaman at hinuhugot sa lupa, o mga matatanda na nag-i-illegal logging sa mga kagubatan. Madalas na rin akong makakita ng bata at matanda na pagkatapos kumain ay itatapon kung saan ang pinagbalatan. Sanay na ako diyan. Sanay na ako kung hindi Kristiano ang gagawa niyan. Pero nagtataka ako sa ilang mga Kristiano. Ayoko mang aminin, ngunit, kadalasan din akong nakakakita ng mga ganitong klase ng tao sa loob ng iglesia.

Hindi na ako nagtataka kung pagkatapos ng service at nag-alisan na ang lahat ng miyembro at bisita ay makakakita ako ng mga balat ng candy o tsitsirya, o papel na pinagsulatan. Mas inaasahan ko iyon sa ilalim ng upuan ng mga bisita—nauunawaan ko na yun. Pero ang makakita sa ilalim ng upuan ng miyembro, na iniisip kong anak ng Dios, hindi ba parang “hindi compatible”? Ngunit, nasanay na rin lang ako. Pareho lang, walang pinagkaiba—parang lahat ng dumating ay bisita.

Are we being green enough? Hindi ko tinuturong halimbawa ang Green Peace na wala nang ginawa kundi mamulitika tungkol sa kalikasan. Hindi rin ako nakikisimpatya sa mga grupo na halos sambahin na ang kalikasan bilang Mother Nature. Hindi rin ako sumasali sa mga grupo na gumagawa ng mga hindi makatotohanang balita tulad ng “Global Warming Crisis” para magdala ng atensyon sa kalikasan. Hindi rin ako sumasali sa kanta ni Michael Jackson na “heal the world, make it a better place”! Hindi tayo dapat makisali diyan dahil una sa lahat alam na natin ang katotohanan na ang mundong ito ay gugunawin, na ang mundong ito ay pabulok na talaga nang pabulok, at wala na talaga tayong magagawa dun. Basahin mo ang Revelation—masisira talaga ang miserableng mundong ito.

Ngunit (!), ang concern ko ay tayong mga Kristiano. Paano ba natin tratuhin ang kalikasan? Mahalaga na bigyan natin ito ng pansin, dahil, kung tutuusin, tayong mga ligtas na ang pinakamay-alam na ang mundong ito ay likha ng Dios— “The earth is the Lord’s, and the fullness thereof; the world, and they that dwell therein” (Psalm 24:1) Alam natin na ang first verse ng buong Bible ay “In the beginning God created the heaven and the earth” (Genesis 1:1). Ibig-sabihin, ang unang-unang katotohanan na nais ituro sa atin ng Dios mula sa Kanyang Salita ay na Siya ang naglikha ng lahat. At kung Siya ang naglikha ng lahat, mabuting respetuhin natin ito.

Oo, masisira naman itong mundo pagdating ng panahon, sinabi na rin ng Bible, pero ang tanong, “Sino ang sisira?” Tayo ba? Hindi, alam nating ang Dios din ang gugunaw sa Kanyang nilikha. Hindi tao ang nagpadala ng baha sa panahon ni Noah kundi ang Dios. At hindi rin tao ang susunog sa lupa kundi ang Dios. Kung Siya ang tanging lumikha, Siya rin ang tanging may karapatang sumira. Hindi mo na kailangang tumulong sa gagawin Niya.

Ang responsibilidad natin bilang tao sa lupang ito, ay ang sinabi ng Genesis 1:28, “Be fruitful, and multiply, and replenish the earth, and subdue it: and have dominion over the fish of the sea, and over the fowl of the air, and over every living thing that moveth upon the earth.” Pamunuan natin, hindi sirain ang nilikha Niya. Magiging “green enough” lamang tayo kung susunod tayo sa Kanyang utos. Magtanim ka. Mag-alaga ka ng hayop. Magpataba ka ng lupa. Recycle. Yan ang tinatawag na pamumuno sa kalikasan.

Kristiano, huwag mo sanang isipin na maliit na bagay ito. Hahatulan tayo ng Dios sa lahat ng ginawa natin sa lupa—kahit sa Kanyang nilikha!

Fasting the Right Way

What is the right way to fast? Ang Capitol Bible Baptist Church ay ilan taon na ring nagfa-fasting, ngunit, ang fasting ba natin ay yung tama at katanggap-tanggap sa Dios? Para malaman natin kung katanggap-tanggap ang ating pag-aayuno sa Dios ay tingnan muna natin ang ating sariling disposisyon pagnag-fa-fasting. Kung sa tingin mo ang pagfa-fasting ay ang hindi lang pagkain, nagkakamali ka. Higit pa roon. At hangga’t hindi mo nauunawaan ang tamang attitude ’pag nagfa-fasting, ay baka nakikipaglaro ka lang sa Dios.

Ang pagfa-fasting ay panahon ng pagpapakumbaba. Naranasan mo na bang magpakumbaba? Then you should know how to fast. Nung oras na nagpakumbaba ako, dati, ang tangi ko lang ginawa ay ang umupo, yumuko, tingnan ang sarili ko sa kung sino ako (isang taong nakakagawa ng kasalanan), at kinakausap nang mahinahon at mapanalangin ang sinumang kinapapakumbabaan ko ng loob.

Ang fasting ay pagtanggi sa anumang bagay na gusto ng aking katawan. Hindi ito kailangan na maging masamang pita, kundi kahit yung mga hindi naman masama. Kasama na rito ang pagkain, ngunit hindi lamang iyon. Paglalaro at pakikipagkwentuhan. Alam mo na kung ano pa ang mga iba. Higit na mahalaga ang Dios kaysa sa mga bagay na ito.

Ang fasting ay panahon ng pananalangin. Ano ang gawaing kumukonsumo sa iyong oras ng fasting? Kung mayroon mang dapat na mas maraming oras, yun ay panalangin dapat. Ang fasting ay paglalapit ng iyong sarili sa Panginoon, at pakikipag-usap at pakikinig sa Kanya ang paraan para magawa mo ito.

Ang fasting ay panahon para sa pagbabasa at pagbubulay-bulay ng Salita ng Dios. Upang mailapit ang ating sarili sa Kanya, kinakailangan din nating bigyan ng malaking panahon ang Kanyang Salita at kung ano ang nais Niyang ipahatid sa Salitang ito. Kulang ang isang fasting kung wala nito. Paano mo malalaman ang kalooban ng Dios kung wala ang Kanyang Salita?

Ang fasting ay panahon ng pagsamba. Minsan ay daig pa tayo ng mga kulto at pagano sa pagsamba. Buo ang kanilang katahimikan, paggalang, at atensyon sa kung sinuman ang kanilang sinasamba. Ngunit sa atin, napakadaling umuwi sa ating tahanan at kumain ng tanghalian, maglaro, makipagkwentuhan, at makalimutan nating sumasamba pala tayo sa Dios. Buong puso ba ang ating pag-awit? Pagbibigay? Pakikinig ng Salita ng Dios?

Ang fasting ay panahon ng pagbabago. Kada tapos ng ating fasting, may pagbabago ba sa buhay mo? Ang pagiging malapit sa Dios ang nagtutulak sa ating alisin ang karumihan sa ating mga sarili at lumakad nang masunurin sa Kanya. Ito ay panahon ng paglaya mula sa kasalanang gumagapos sa atin. Ito ay panahon ng pagdi-desisyon para itama ang ating buhay sa Kanyang harapan.–Elijah Abanto

Life Lessons from the Saguaro Cactus

saguaro cactus

Cactus Hotel

by Brenda Guiberson

Sa isang mainit at tuyong araw sa disyerto, may isang matingkad-na-pulang prutas na nahuhulog mula sa isang matangkad na saguaro cactus. Plop. Bumubuka ito pahiwalay pagbagsak sa mabuhanging lupa. May dalawang libo itong itim na butong nangingintab sa sikat ng araw.

Kapag lumalamig na ang simoy ng hangin sa gabi, isang matandang daga ang lumalabas at kinakain ang makatas na prutas. Ang isang binhi na naiwang nakakapit sa balahibo nung daga ay nahuhulog sa ilalim ng isang puno na ang pangalan ay paloverde.

Ito ay isang mainam na lugar para sa binhi na mahulog. Ang isang spotted ground squirrel na naghahanap ng makakain ay hindi ito nakikita. Ang isang house finch na umaawit sa taas ng paloverde ay hindi ito nakikita.

Pagkatapos ng maraming tuyong mga araw, isang malakas na ulan ang bumabagsak sa disyerto. Hindi magtatagal at uusbong na mula sa lupa ang isang batang cactus.

Unti-unti, unti-unti, ang binhi ay lumalaki. Pinoprotektahan ito ng paloverde mula sa mainit na araw at malalamig na gabi. Pagkatapos ng sampung taon ay apat na pulgada pa lamang ang cactus. Sa liit nito, ang tanging makakaakyat lamang sa matinik nitong balat ay mga langgam.

Pagkatapos ng bagyo, kapag ang mga disyerto ay namumulaklak na ng kulay, ang cactus ay humihigop ng tubig gamit ang kanyang mahahabang mga ugat at nagmumukhang mataba.

Kapag walang ulan, ginagamit ng cactus ang lahat ng tubig na kanyang naipon sa loob at nagmumukhang mapayat. Ang paloverde ay nawawalan na ng dahon. Ngunit mayroon pa ring kaunting silong para sa cactus. Pagkatapos ng dalawampu’t limang taon, ang cactus ay dalawang talampakan ang taas. Nagpapalamig roon ang isang jackrabbit at ngumunguya ng maberde nitong balat. Ngunit kapag namamataan na ang isang coyote [isang uri ng mabangis na aso], ay nagtatago ang rabbit sa isang malapit na butas sa lupa.

Pagkatapos ng limampung taon ang cactus ay tumatayo na ng sampung talampakan at mukhang tuwid at malakas sa tabi ng matandang paloverde. Sa kauna-unahang pagkakataon, may sumisibol na matingkad na puti-at-dilaw na mga bulaklak sa tuktok ng cactus. Bawat tagsibol simula ngayon, ang mga bulaklak ay bubuka nang isang gabi lamang at sasara sa kainitan ng araw. Ito ay nagsisilbing panghalina sa buong disyerto. Sa iba’t ibang bahagi ng araw at gabi ang mga ibon, bubuyog, at paniki ay dumarating para sa nectar nito.

Natutuyo ang mga bulaklak, at pagkatapos ng isang buwan ang prutas na matingkad na pula na puno ng maiitim na buto ay hinog na at handa na. Darating ang isang Gila woodpecker para kumain. Tumitingin siya sa paligid ng cactus at nagde-desisyong manatili roon.

Nakahanap siya ng isang perpektong lugar sa disyerto upang magsimula ng isang bagong hotel.

Ang woodpecker ay nagsisimula nang magtrabaho, at ang tanging kasangkapang ginagamit niya ay ang kanyang mahaba at matigas na tuka. Tap, tap, tap. Bumubutas siya sa balat ng cactus. Tap, tap, tap. Malalim ang kanyang paghuhukay, upang makagawa ng espasyo na comportable at malaki.

Hindi nasasaktan ang cactus. Bumubuo ito ng isang matibay na dagta sa buong paligid ng butas upang maprotektahan ang sarili sa panunuyo. Nakakakuha ang woodpecker ng magandang pugad na malilim sa maiinit na mga araw, at mainit at insulado sa malalamig na gabi. At nakakakuha din ng pakinabang ang cactus: gustung-gusto ng woodpecker na kumain ng mga insektong makapagdadala ng sakit sa cactus.

Pagkalipas ng animnapung taon ang cactus hotel ay labingwalong talampakan na ang tangkad. Upang makapagdagdag ng espasyo, nagpapatubo ito ng isang sanga. Gagawa ng panibagong butas ang woodpecker. Kasunod ang isang white-winged dove na gagawa ng pugad sa sanga ng cactus. Sa bandang baba, sa pinag-iwanan ng woodpecker, ay papalit ang isang matandang elf owl. Pakiramdam ng mga ibon ay ligtas sila, dahil nabubuhay sila sa taas ng nakakatusok na halamang ito kung saan walang anumang makakaabot sa kanila.

Sa buong paligid ng disyerto ay may mga butas na may iba’t ibang laki, para sa mga langgam at daga, mga lizard at ahas, rabbit at fox. Pagkatapos ng isandaan at limampung taon, mayroon na ring mga butas na may iba’t ibang laki sa cactus. Tumigil na rin sa paglaki ang cactus. Ito ay limampung talampakan na, na may pitong mahahabang mga sanga. Walong tonelada na ang bigat nito—kasing-bigat ng halos limang sasakyan.

Nais ng kahit anong hayop na manirahan sa cactus hotel. Doon ay nakakapangitlog ang mga ibon at nakapagpalaki ng mga anak ang mga daga. Kahit mga insekto at paniki ay naninirahan doon.

Kapag may isang hayop na umaalis, mayroon namang pumapalit. At kada tagsibol ay dumarating sila para sa masarap na nectar at makatas na pulang prutas.

Paglipas ng dalawangdaang taon, ang matandang cactus na ito ay madadala ng pagihip ng hangin at babagsak sa mabuhanging lupa. Ang malalaki at matitinik nitong mga sanga ay mawawasak sa pagbagsak.

Ang mga nilalang na nabuhay sa itaas nito ay kailangan nang maghanap ng panibagong tirahan. Ngunit ang mga ilan na gusto manirahan sa may baba ay pumupunta rito. Ang isang millipede, isang scorpion, at maraming mga langgam ay madaling nakakahanap ng tirahan sa natumbang hotel na ito.

Pagkatapos ng maraming mga buwan, ang matitira na lamang rito ay mga malakahoy na pahaba na sumuporta sa cactus noong nakatayo pa ito nang matuwid. Pumupunta rin dito ang isang lizard, upang maghanap ng mga insekto. Ang isang ahas ay nagtatago sa isang silong doon.

At sa buong paligid, may isang gubat ng mga cactus na unti-unti, unti-unting lumalaki sa disyerto. Sa pagdaan ng init at lamig, pagkabasa at tagtuyot, may ilang mabubuhay nang matagal upang maging mga cactus hotel rin.

 

Ito ang isinalin na bersyon ng aklat na Cactus Hotel, ni Brenda Guiberson, inilathala ng Henry Holt and Company, New York, NY, noong 1991.

 

WHAT DOES THIS CACTUS TEACH?

By Bro. Elijah Abanto

 

Nung mabasa ko ang kwentong ito, ako’y namangha sa kapayakan ng pagkakasulat nito. Ngunit bukod pa roon, ako’y higit na natuwa nang ipasok ng Panginoon sa isip ko ang mayamang mga aral ng Biblia at buhay mula sa kwentong ito.

 

Isa mga katotohanang dapat nating matutuhan sa kwentong ito ay na tayo ay may pinagmulan. Hindi magkakaroon ng panibagong cactus kung wala munang nauna at gumawa sa atin. Ang tanong eh, nagpapasalamat ka ba sa Dios na Siyang pinagmulan mo? O yung tao kaya na ginamit Niya? Maraming mga anak ang iniiwan na lamang ang kanilang mga matandang magulang sa isang senior care house at inaabanduna na lamang sila. Hindi nila naisip na kung wala ang mga ito ay wala din sila.

 

Pangalawa, lahat ng nangyayari ay may dahilan ang Dios. Sa anumang pangyayari ay laging nandoon ang Dios. Isipin mo na lamang na kung walang kumapit na binhi sa balahibo ng daga, may panibago kayang cactus na sisibol? Maraming mga bagay sa ating buhay na kung hindi kumilos ang Panginoon ay hindi tayo magtatagumpay. Kahit na ganung kaliit na bagay sa tingin natin, hindi maaaring walang kinalaman ang Dios doon.

 

Pangatlo, habang tayo ay lumalaki ay kailangan natin ng mag-aalaga, gagabay, at poprotekta sa atin. Isipin mong ikaw yung cactus. Kung walang paloverde tree, sa tingin mo ba ay lalaki ang cactus sa ganung kalaking taas? Kung wala yung paloverde, madaling makikita nung squirrel o nung finch yung binhi at makakain. Kung wala yung paloverde, maaanod lang ng tubig-ulan yung binhi dahil walang ugat na poprotekta at pipigil sa kanya. Kung wala yung paloverde, walang magpoprotekta sa cactus mula sa init at sa lamig. Isipin mo ngayon na ang paloverde sa buhay mo ay iyong Dios, magulang, pastor, at ispiritwal na mga guro. Kung wala sila, ano kaya ang mangyayari sa iyo?

 

Pang-apat, darating talaga sa buhay ang pagsubok—ngunit ang mainam gawin ay ang matuto mula rito. Dumating ang bagyo sa panahong binhi pa lamang siya, ngunit hindi natin makikita ang cactus na nagreklamo. Imbes, pagkatapos nito, ay ginamit ng cactus ang kanyang mahahabang ugat para kumuha ng tubig mula rito. Dagdag pa rito ang aral na pagkatapos ng pagsubok, ay may pagpapalang darating—kung hindi lang tayo manghihinawa. Hindi mabubusog ang cactus sa tubig kung hindi muna siya tatagal sa matagal na buhos ng bagyo.

 

Makikita rin natin na pagkatapos ng bagyo ay tagsibol, at pagkatapos ay tagtuyot. Isa pa nating dapat matutunan ay ang pagpapala ay dapat nating gamitin upang pag-handaan ang susunod na hamon ng buhay. Kaya nag-ipon ng maraming tubig si cactus ay dahil susunod naman ang panahon ng tagtuyot. Dapat nating tandaan na hindi lang tayo dapat nagsasaya kapag may pagpapala, dapat din nating paghandaan ang darating na unos.

 

Nararapat na gantihan natin ng kabutihan ang ginawa sa atin ng ating mga “paloverde.” Hindi umalis sa tabi ng paloverde tree si saguaro cactus nung malaki na siya; bagkus, ay kasama niya ito hanggang sa tuluyan nang mamatay ang punong ito. Ganyan ba tayo sa ating mga magulang, o pastor, o Sunday School teacher? Napakagandang halimbawa ng cactus sa bagay na ito.

 

Pampito, maging pasensyoso at kuntento tayo. Lagi na akong nakakakita ng mga bata na gusto nang tumanda, gayundin naman ang matatanda na gusto nang bumata. Kawalan ito ng pasensya at kakuntentuhan. Hindi mainipin ang cactus; nung 10 years old siya 4 inches lamang ang laki niya; 25 years old na siya ay 2 feet pa lamang din siya. Nung naghintay pa siya hanggang sa maging 50 years old siya at tsaka siya naging 10 feet at nagkabulaklak at namunga. Nung tumanda siya ay patuloy lang din siya, nagbibigay tulong sa maraming hayop.

 

Ito ang nagdadala sa atin sa pangwalong aral: matuto tayong tumulong nang walang kapalit. Maaari mo na itong matutunan kahit bata ka pa lamang (sa batang edad ng cactus ay nakikinabang na sa kanya ang mga langgam), o sa kalagitnaan ng iyong edad (tulad ng cactus sa isang jackrabbit), o matanda na (sa mga ibon, paniki, at insekto). Kumakain sila doon, at naninirahan doon. Ngunit walang bayad. At habang naglilingkod tayo, dinadagdagan ng Dios ang ating kakayahan. Habang patagal nang patagal ay nadadagdagan ang cactus ng sanga, para mas marami pa ang makatira sa kanyang katawan.

 

Kapag ginugol natin ang ating buhay sa paglilingkod, ay patuloy tayo na magiging kapaki-pakinabang sa iba kahit pagkatapos ng ating buhay. Kahit patay ang cactus, mayroon pa ring nakakatira sa kanya. Mula din sa kanya nabuo ang cacti forest, o gubat ng marami pang mga cactus. Si Jesus, simula nung namatay Siya, hanggang ngayon, ay marami pa ring nababago ang buhay. Dalawang-libong taon na ang lumipas. Hindi natin alam kung ano ang maaaring maging bunga ng isang buhay na may katwiran sa bawa’t isa sa ngayon at sa susunod pang henerasyon.

 

Marami pa, marami pa. Kahit mula sa woodpecker, at marami pang iba roon ay mayroon kang mapupulot na aral. Ngunit ang mainam ay ang pagbulay-bulayan mo ang iyong mga natutunan at i-apply mo ito sa iyong buhay.