The Way Out of Depression

way

Hope. Thought renewal. Help. Dependence upon God. These must be the things a depressed person needs to get back to life. But most people who are really depressed hardly go back to normal but end up in suicide or total destruction of living. With these in mind, what can we do to help a depressed person or even ourselves to go out of depression?

First, we must know what depression is. Depression is the state of mind that causes people to see everything around them in a negative way. They experience feelings of sadness, failure, rejection, and lose sight of reality. They are overwhelmed by a feeling that God has abandoned them. Knowing these things, follow these simple steps:

1) Show the person that he is not alone. Take him to Hebrews 13:5 and emphasize the fact that God is with him and that he must seek Him.

2) Encourage him to renew his mind (Romans 12:2). Changing his way of thinking will enable him to see the marvelous plans that God has for his life.

3) Invite him to cast his cares on to Jesus (Matthew 11:28). It is His desire that we give Him all our worries so that we can find our rest in Him.

4) Pray with him. It must be a confession of victory, a declaration of the excellent things God has for us and must emphasize how much God loves us and believes in us.

New believers, I encourage you not to let your problems oppress you. Trust in Jesus and bring all your feelings and problems to Him. With this in mind, and Romans 12:2 (“be ye transformed by the renewing of your mind”), there will sure be a way out of the most undesirable situation in every man’s life—depression.

Children are Fragile–Handle with Care (for Fathers)

words

Translated from Family Walk, published by Walk Thru the Bible Ministries and Zondervan.

Kahit ngayong siya ay binata na, naaalala pa rin ni Ray Marshall ang masasakit na salita ng kanyang ama. Napagtanto niya ngayon na hindi ibig ng kanyang ama na saktan siya, ngunit ramdam pa rin ni Ray ang sakit na kanyang naranasan labinlimang taon na ang nakakaraan.

Si Ray ay limang taon noon. Siya at  ang kanyang ate ay nagmamaneho kasama ang kanilang magulang para bisitahin ang kanilang tita Judy, tito Vaughan, at ang bago nitong baby – isang lalaking nasama sa isang pamilya ng tatlong babae. Ang buong pamilya—mga abuelo’t abuela, tito’t tita, kahit kanilang mga pinsan—ay sabik na makita ang bagong dating. Habang nasa biyahe sinubukang isipin nina Ray at kanyang ate kung gaano kasabik ang lahat nung sila’y ipinaganak. Si Mr. Marshall, na nakatuon ang pansin sa pagmamaneho sa gitna ng malakas na ulan, ay hindi masyadong nakikinig sa usapan.

Bigla na lang ay sumandig paharap si Ray at binalot ang kanyang mga braso sa leeg ng kanyang ama. “Pustahan napakasaya niyo po na magkaroon ng anak na lalaki, hindi ba, ’Tay?”

“Ano ba, Ray!” sigaw ni Mr. Marshall. “Hindi, hindi namin iniisip kung babae ka o lalake; masaya na kami ng Nanay mo at buhay ka.”

  • TAKE A LOOK

Proverbs 1:8-9; 2:1,5; 3:1-2; 4:1-6

Gusto ni Ray na marinig mula sa ama kung gaano kasaya ito na magkaroon ng anak na lalaki. Sa halip, parang walang pakielam ito. Ngunit ang nasa isip ni Mr. Marshall ay ukol sa mahirap na pagbubuntis ng kanyang asawa bago ipanganak si Ray. Agad na ipinaliwanag ni Mr. Marshall na mas nag-aalala siya sa maayos na pagluwal sa sanggol kaysa kung babae ito o lalaki. Pero ang paliwanag niyang ito ay hindi nag-alis ng sakit sa kanyang mga salita.

Ang mga salita ay may napakalaking epekto—pwede itong makatulong o makasakit. Ang mga salita ng ama na nakapagpapalakas ng loob ay nagsasabi sa anak kung gaano siya nito kamahal. Nakakatulong ito upang gawin ng kanyang pinakamahusay sa anumang ginagawa nito. Si Haring Solomon, ang sumulat ng libro ng Proverbs, ay isang marunong na ama. Basahin ang mga talata. Ano’ng masasabi mo kay David, ang kanyang ama?

  • TAKE A STEP

He taught me also, and said unto me, Let thine heart retain my words: keep my commandments, and live (Proverbs 4:4, KJV).

Ang mga nakapagpapalakas-ng-loob na salita ng isang ama at kung paano siya nabubuhay ay nagtuturo sa kanyang anak kung paano haharapin ang mga pangyayari sa buhay sa paraang maka-Dios. Mapa-matanda o bata ka man, isipin mo kung paano ka in-encourage ng iyong ama. At pagkatapos ay ikaw naman ang mag-encourage sa kanya!

Ang Tunay na Pagpapasalamat: Ang Pasasalamat Hindi Lang Isang Araw

giving thanks

by Ellen Vaughn

Kailan lang ay nakarinig ako ng isang kwento tungkol sa dalawang batang lalaki na na-stranded sa dagat. Bigla pagkatulak nila palayo, ay nahuli sila ng malakas na agos. Dinala sila nito palayo at palayo mula sa mga pamilyar na mga boses ng mga tao sa beach.

Pagkatapos ng isang oras, mga ilang milya na sila mula sa pangpang na walang pagkain, tubig, maging mga pampatagal ng buhay, at komunikasyon. Mga ilang oras pa bago maisip ng mga tao na sila’y nawawala.

Noong una nilang gabi sa bukas na dagat, ang lamig ng hangin ay bumaba sa below freezing degree. Doon sa bangka ay nakahiga silang ginaw-na-ginaw at takot-na-takot. Ang isang araw ay naging linggo na, at ang pag-asa nilang mabuhay ay halos mawala na. Lumipas ang mga araw na kanilang pinag-uusapan ang kanilang mga pinakamagagandang alaala, mga matatalik na kaibigan, at paboritong pagkain: banana split at Mountain Dew. Nanigas ang kanilang mga dila sa uhaw, at nanuyo ang kanilang mga bibig. Sa ika-anim na araw, umukit sila ng mensahe ng pamamaalam sa mga minamahal sa bangka at hinintay ang kamatayan.

Ngunit noong sumunod na umaga, sila’y gumising nang may bahag-hari. Habang sila’y lumulutang-lutang, isang agos ng tubig ay tumaas, dahilan upang makakita sila ng isang sasakyang malapit sa kanila. May dalawang mangingisda roon—isang balabas-saradong kapitan at kasama nito: “mga anghel,” na tinawag di naglaon ng mga bata sa mga ito. Tinulungan sila ng mga lalaki mula sa kanilang bangka, binigyan sila ng tubig, at ibinalik silang ligtas.

Ngayong Thanksgiving, hindi ko maialis sa isip ko ang kwento ng dalawang batang ito. Ang mga handa sa aating lamesa ay mga simbolo ng mga pagpapalang dakila ng Diyos sa buong taon. Mayroon kami ng lahat ng aming kailangan, at higit pa. At kontra sa mga desperadong mga batang ito na-stranded sa dagat, kami ay mainit at ligtas. At oo, kami’y mapagpasalamat.

Ngunit isipin niyo na lamang kung ano magiging ang Thanksgiving namin kung nadala kaming palutang-lutang sa karagatan—malamang papangarapin din naming maligtas at matutuwa kung ganoon nga ang mangyari. Ang aming pasasalamat ay aapaw, umaapaw na kami’y napapaluha na, natatawa, may lubos na ginhawa, at ligaya. Sila na nailigtas mula sa gutom ay mapagpasalamat sa pagkain sa paraan na ang laging kumakain ay hindi.

At halata din naman ito sa ating ispiritwal na bahagi. Sila na talagang nakita ang kalakihan ng kanilang kanilang kaligtasan ay umaapaw sa pasasalamat sa biyaya ng Diyos. Kinakain nila ang Salita ng Diyos at hindi sila mabusug-busog rito. Gusto nilang sabihin sa lahat ng tao kung gaano sila naging ligaw noon at natagpuan ni Jesus. Sobrang ligaya nila. Hindi nila matapos-tapos na isipin kung gaano sila kamahal ng Diyos at niligtas sila mula sa ispiritwal na kamatayan, at gusto nila na maligtas rin ang kanilang mga kaibigan.

Pero ano namang balita sa atin na nasa ligtas na kalsada ng pananampalataya sa ngayon? Kaya ba nating umupo sa mesa ng Pasasalamat at maging ganito ka-wild sa pagpapasalamat?

Oo. Ngunit para magawa ito, kailangan nating malaman kung ano ba talaga ang pagbibigay-pasalamat.

 

Ang Layon ng Ating

Pasasalamat

May dalawang uri ng pasasalamat: ang isa ay pumapangalawa, ang isa ang pinakapangunahin. Ang pumapangalawang uri ay pasasalamat para sa mga pagpapalang natanggap—ang mga unang bagay na pumapasok sa harap ng mesa ng Pasasalamat: buhay, kalusugan, tahanan, pamilya, kalayaan, mga kaibigan, pagkain. Ito ay isa nang pag-iisip ng pagpapahalaga sa lahat ng mga mabubuting kaloob, malaki man o maliit.

Tinawag ito ng 19th century na mangangaral na si Jonathan Edwards na “natural na pasasalamat.” Maganda ito—ngunit mahirap itong dumarating kapag masungit ang buhay sa atin. Sinasabi ni Edwards na kung mahal natin ang Diyos dahil lang sa mga binibigay Niya sa atin, ang ating pagmamahal ay nagsisimula sa maling bahagi.

Ang isa pang uri ng pasasalamat ay tinatawag ni Edwards na “mabiyayang pasasalamat”—pasasalamat hindi para sa kung anong binibigay ng Diyos sa atin, ngunit sa kung sino Siya. Ito ay tungkol lahat sa Kanya at pagtataas sa Kanyang kabutihan, pag-ibig, kapangyarihan, at biyaya, anumang tanggapin natin. Ang ganitong uri ng pasasalamat ay isang tunay na katunayan ng presensya ng Banal na Ispiritu sa buhay ng isang tao, at ito’y lumalabas sa gitna ng hirap o sakit. Makikita natin ito sa hindi natitinag na pahayag ni Job: “Kahit na ako’y patayin Niya, magtitiwala pa rin ako sa Kanya” (Job 3:15).

Ang apostol Pablo ay umaapaw sa ganitong klase ng pasasalamat. Kapag pinagbabantaan ng kamatayan, na kadalasan ay nangyari, nagsasabi siya ng mga bagay tulad ng, “Sige! Ang mamatay ay pakinabang!” Kapag nanatiling buhay, okay pa rin: “Para sa akin, ang mabuhay ay si Kristo!” (Filipos 1:21) Hindi siya mapigilan, puno ng pasasalamat at kapayapaan at kaligayahan, hindi sa dahil sa kung anong mayroon siya, kundi sa kung Sino na kanyang nakilala.

 

Ang Pinagmumulan ng Tunay na Pasasalamat

Sila na puno ng mabiyayang pasasalamat ay umaapaw na parang fountain. Sila ay umaapaw sa kaligayahan, pagsamba at misyon. Sa paraan na sila’y nabubuhay at sa mga salitang kanilang ibinibigkas, ang mga mapagpasalamat na mga mananampalataya ay nagpapatotoo sa Isa na naligtas sa kanila. Walang makakapigil sa kanilang pumunta sa kung saan sila itinuturo ng Diyos, kung saan may pangangailangan.

Ang beverage dispenser ay isang halimbawa na lumalarawan sa aking buhay. Kahit na gaano ko kaalam na dapat akong “manatili kay” Kristo, tulad ng sinabi Niya (Juan 15:5), ako’y madaling naaalis mula sa saksakan. At narito na naman ako, nagpapawis na dinadala nang mag-isa ang dalahin kaysa na umapaw sa bagong kapangyarihan ng Ispiritu.

Ngunit paano tayo mananatiling “nakasaksak”?

Aking natagpuan na ang gustuhing pasasalamat ng puso ay susi para sa totoong pagbabago. Ang ating ispiritwal na kapangyarihan ay naka-depende sa bawat sandali na pakikipag-ugnayan sa Panginoon. At nabubuo natin ito sa pamamagitan lamang ng pasasalamat sa Kanya sa lahat ng bagay (Efeso 5:20), hindi lang sa kung anong ibinibigay Niya, kundi sa kung sino Siya. Ating sinasanay ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng pasasalamat para sa kanyang di-kapani-paniwala at mabiyayang katangian.

 

Ang Kwento ng Ating Kaligtasan

Ano ang naging dahilan para maging ganoon na lamang magpasalamat si Pablo? Ito ang dahilan: naalala niya ang kanyang kaligtasan. Sa buong buhay niya, sa bawat oras na ikaw ay lumingon, sinasabi niya ang kanyang pagkakakila kay Jesus. Si Pablo ay dating naging mayabang na Pariseo, puno sa kanyang sarili, puno ng kayabangan sa kanyang mga relihiyosong mabubuting gawa. Itinumba siya ni Jesus sa lupa mula sa kanyang mataas na kabayo sa daan patungong Damasko. (Mga Gawa 9:4) Binulag siya ng liwanag ni Kristo; niligtas siya ng pag-ibig ni Jesus.

Alam ni Pablo na siya ay iniligtas. Tinawag niya ang sarili na “pinuno ng mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15) at itinaas ang himala ng pagkakaligtas mula sa kasalanan at ispiritwal na kamatayan. Umaapaw sa pagpapasalamat sa napakadakilang kaligtasan, kanya laging inalala kung ano ang ispiritwal na gutom na noon ay mayroon siya. At kaya, sa natitira niyang buhay, siya ay totoong mapagpasalamat sa biyaya.

Ang manunulat na si Elie Wiesel, isang taong nakaligtas mula sa Holocaust at nabuhay sa kadiliman sa Auschwitz, ay minsang nagsabi na “walang iba ang mas may kakayahan ng pasasalamat kaysa sa kanila na nakatakas mula sa kaharian ng kadiliman.” Sa biyaya ng Diyos, ang mga mananampalataya ay nakatakas mula sa kaharian ng gabi pupunta sa kaharian ng Liwanag. Mas madalas nating maalala ang dakilang kaligtasang ito, mas lalong magiging madalas ang ating pasasalamat na parang isang hindi mapipigil na bukal.

Ngayong Thanksgiving, sa aming tahanan, aming ililista ang mga partikular na mga bagay na aming ipinagpapasalamat—kahit ano mula sa basketball hanggang sa aming alaga hanggang sa pagkain hanggang sa mga kaibigan at pamilya. Ang ganitong klase ng pasasalamat ay mabuti.

Ngunit ang radikal na pasasalamat ang pinakamaganda. Ito ay dumarating sa tuwing tayo ay palibot ng mesa at nagsasabi ng mga kwento ng kung paano tayo iniligtas ng Diyos mula sa tiyak na kamatayan. Ating aalahanin kung paano tayo naging mahirap spiritually, sira-sira, at gutom—at kung paanong ang isang mabiyaya at maawain na Diyos ay natagpuan at nailigtas tayo. Pagkatapos ay dadaloy ang tunay na pagpapasalamat—binabaha ang ating mga buhay at binubuhos sa iba.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa artikulong “Radical Gratitude: Thanksgiving Isn’t for One Day Only,” In Touch®, November 2006, pp. 18-21.

Salamat sa Diyos! Pagpapakita ng Pasasalamat sa Paraan ng Biblia

sticky note

by Charles F. Stanley

Isipin mo ang huling beses na ikaw ay nanalangin. Ang iyo bang pakikipag-usap sa Ama ay mas nakatuon sa iyong mga pangangailangan at kahilingan? Gaano karami sa iyong mga panalangin—o gaano kakaunti—ang iyong binibigay sa pagpapasalamat sa Diyos para sa kung sino Siya at kung anong ginagawa Niya?

Sa Awit 92:1 ating nababasa, “Mabuti na ikaw ay magbigay-pasalamat sa Panginoon.” Sa ibang salita, ang pagpapakita ng pasasalamat sa Kanya ay may pakinabang. Pero itatanong natin, “Pakinabang kanino?”

Una sa lahat, ang Diyos mismo ay natutuwa tuwing nagsasabi tayo ng pagpapahalaga. Ang mga ekspresyon ng pasasalamat ay nagluluwalhati sa Kanya at nagpapakita na ating kinikilala ang pinanggagalingan ng ating mga pagpapala.

Pangalawa, ang mga taong nakakarinig sa ating nagpapasalamat sa Diyos ay nagsisimulang makita kung gaano kamahal ng Diyos ang Kanyang mga anak at ginagawa maging ang mga mahihirap na sitwasyon para sa ating kabutihan. (Roma 8:28) Sa ganitong paraan, ang di-nananampalatayang pamilya, katrabaho, kaibigan, at mga kakilala ay magsisimulang isipin, Kung ang Diyos ay ganito gumawa sa iyong buhay, magagawa Niya rin kaya sa akin? Ang ating papuri ay maaari ding magdala sa kanila sa konbiksyon tungkol sa kanilang kakulangan sa kanilang Manlilikha at kanilang pangangailangan para sa Kanyang kapatawaran at kaligtasan.

Sa totoo lang, isang biblikal na prinsipyo na sa tuwing ang Diyos ang totoong pokus natin, anuman ang ating ginagawa sa Kanya o para sa Kanya ay natatapos sa pagpapala sa atin. Siyempre, dapat nating bantayan ang ating mga maramot na mga intensyon kapag inaalayan natin Siya ng papuri—ang pagbibigay para makatanggap ay hindi isang dalisay at matapat na motibo na nakikitang kalugud-lugod sa Panginoon. Ngunit ang ating totoong pagpuri at pagpasalamat ay magreresulta sa pitong kapakinabangan.

1 Ang pagpupuri at pagbibigay-pasalamat ay muling nag-aayos ng ating pokus. Kapag sinimulan nating magpuri sa Panginoon, naaalala natin na ang buhay ay naka-sentro sa Kanya—hindi kabaligtaran. Ang pagpapakita ng ating pasasalamat ay maaaring magbalik ng ating kamalayan na tayo dapat ay nasa patuloy na pakikisama sa ating Manlilikha.

2 Ang pagpapasalamat sa Diyos ay nagpapaalala sa atin ng ating pag-asa sa Kanya. Ang pagpapasalamat sa Kanya ay napapaalala sa atin na ang mga pagpapalang ating ine-enjoy ngayon ay dahil lamang sa Kanyang kabutihan at ginagawa tayong may kamalayan sa kung gaano natin Siya kakailangan.

3 Ang pag-aalay ng papuri ay nagbubunga ng kalayaan mula sa pagkabalisa. Kapag nagsimula tayong magpasalamat sa Kanya, nagkakaroon ng magandang epekto ito sa ating mga katawan—ang ating pag-iisip ay nagbabago, at ang mga emosyon ay nagiging kalmado. Naniniwala akong imposible na manatiling hindi mapalagay habang nagpupuri sa Diyos.

4 Ang pagpapasalamat ay nagpapabago ng ating relasyon sa Panginoon. Ang pagpuri sa Diyos ay nagpapalalim ng ating personal na relasyon sa Kanya.

5 Ang pagpapasalamat ay nagpapadalisay ng ating ispiritwal na pakiramdam. Ang ating pagkaunawa sa kung sino Siya, kung paano Siya mag-isip, at iba pang malalalim na bagay Niya ay mapapatalas.

6 Ang pasasalamat ay nagpapalakas ng ating pananampalataya. Habang tayo’y nagpapasalamat sa Panginoon, ang ating mga iniisip ay napupunta sa kung paano Niya sinagot ang ating mga panalangin, pangangailangan, pinrotektahan tayo, at gumawa sa ating buhay. Mas lalago ang ating pananampalataya upang lalo Niya tayong magamit sa darating na panahon.

7 Ang pagpuri sa Diyos ay nagpapaligaya sa ating mga ispiritu. Kapag patuloy tayong nagbibigay-pasalamat sa kanyang mga pagpapala, nakakaranas tayo ng malalim at walang-katulad na ligaya.

Kapag palagi tayong nagpapasalamat sa Kanya, tayo ay nagkakaroon ng mas malinaw na larawan ng Kanyang katangian at Kanyang kinalaman sa ating mga buhay. Ang resulta, tayo mismo ang mga nakikinabang sa papuring ibinibigay natin sa Kanya. Ang tanong ay, Paano nating mabibigyang-pasasalamat ang Diyos?

 

Malamang bawat isa sa atin ay nakapagsabi na ng, “Thank you, Lord!” pagkatapos matanggap sa trabaho, makakuha ng mataas na exam. Ngunit mas marami pang itinuturo ang Biblia tungkol sa pagbibigay-pasalamat sa Diyos. Halimbawa, sabi ng Awit 92:1, “Mabuti… na umawit ng mga papuri sa Iyong ngalan, O Kataas-taasan”. Mahalaga na kapag tayo’y nagbibigay-papuri sa Panginoon na makita ang kahalagahan ng paggamit ng Kanyang pangalan. Walang mali sa pagtawag sa Kanya bilang “Diyos,” ngunit ating nakakaligtaan ang lalim at kayamanan ng kung sino Siya hangga’t hindi natin nakikita ang kagandahan ng Kanyang maraming-marami pang pangalan sa Kasulatan. Magsimula sa paggamit ng Jehovah (“ang magpakailanman,” “ang isang nabubuhay,”) at Elohim (“ganap sa katapatan,” “walang hangganan ang kapangyarihan”), at purihin Siya sa kung anong pinapakahulugan ng mga pangalang ito.

Isa pang paraan ng pagpuri sa Kanya ay sa pag-awit ng Kanyang mga papuri. Naniniwala ako na kaya binigay ng Diyos ang musika unang-una para Siya’y purihin. Kapag tayo’y umaawit, dapat ay buong puso, sa kongregasyon man o sa choir, hindi lang mekanikal—at buong atensyon. Pwede mong sabihin, “E hindi ko naman kaya.” Kaya mo! Kapag itinataas mo ang iyong boses sa pagpuri sa Kanya, hindi mo kailangan mag-alala sa opinyon ng sinuman sa iyong mga kakayahan. Hindi ka nagpe-perform kapag sinasamba mo Siya sa isang kanta; ikaw ay nagpapakita ng pasasalamat at pagmamahal sa iyong makalangit na Ama.

Isa pang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng paglakad nang matuwid sa harap Niya. Paulit-ulit na sinasabi sa atin ng Bibliya na tayo ay dapat na maging banal dahil ang Panginoon ay banal. (Levitiko 11:44; 19:2; 20:7) Maaari mong isipin na imposible ito para sa atin na gawin. Ngunit alalahanin, si Satanas ay isang manlilinlang (Juan 8:44), at sinusubukan niyang dalhin sa maling paniniwala ang mga mananampalataya sa isiping ito: Sinabi nga siguro iyan ng Diyos, pero alam Niyang iyon ay imposible. Hindi naman talaga ito ang ibig-sabihin Niya. Sa tingin mo ba ay kasanayan na ng Diyos na magsabi ng mga bagay na hindi talaga Niya ibig-sabihin? Ang Diyos ay katotohanan, at imposible sa Kanya na magsinungaling. (Juan 1:14; 14:6)

Sa ating mga sarili, talagang hindi natin kayang magpakabanal, ngunit sa sandali ng ating kaligtasan, ipinadala ng Diyos ang Banal na Ispiritu para manahan sa atin at mabuhay ng banal na buhay ni Kristo sa pamamagitan natin. (Galacia 2:20) Samakatwid, ang pag-akto bilang santo ay hindi isang aksyon ngunit isang ugali ng puso. Tayo lagi ang may huling pagpili sa kung ano ang mangunguna sa ating mga aksyon—kung ang “laman” o ang Banal na Ispiritu. Sa tuwing hinahayaan nating tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Ispiritu, ating nasasagawa ang utos ng Diyos na maging banal, na nangangahulugang maging hiwalay para sa banal na pamumuhay.

Isa pang paraan upang makapagpasalamat sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagbibigay nang buong-galak at mapagkaloob. (Mateo 10:8; 2 Korinto 9:7) Kapag tayo’y totoong mapagpasalamat, ibabahagi natin ang kung anong mayroon tayo. Sa kabilang dako, kapag tayo’y makasarili, mas gugustuhin natin na ipunin ang lahat para sa ating mga sarili. Hindi man natin kayang ibigay lahat, ang pagiging mapagkaloob sa bawat isa at ikasusulong ng Kanyang Gawain ay sapat na.

Kadalasan ay mayroon tayong tendency na maging mga magagaling na tagahingi at magagaling na tagatanggap; tuwang-tuwa pa tayong magsabi ng mga talatang magpa-palakas-loob sa atin na humiling sa Panginoon (Mateo 7:7-11’ 21:22); ating sinasaulo ang mga bahagi na nagsasabing ibibigay Niya ang lahat ng ating kailangan (Filipos 4:19; Roma 8:32). Hindi rin di ba dapat tayong maging excited na magpasalamat sa mapagmahal at dakila nating Panginoon, na tumubos sa atin, na nagpatawad sa atin, na nagbigay sa atin ng buhay na walang-hanggan, at na bawat isang araw ay nagbibigay pagpapala sa atin? Huwag tayong maging guilty sa kung anong pwedeng maging pinakamalaki nating kasalanan: ang hindi natin pagpapasalamat sa Diyos. Oo, dalhin natin sa Diyos ang ating mga kahilingan, ngunit sinasabi rin sa Filipos 4:6 na may: “pagpapasalamat!”

Hindi napapagod ang Ama na tayo’y pagpapalain—o makarinig ng ating papuri. Tulad ng Awit 150, na bagaman may 6 na talata lamang, ay nagpupuri sa Diyos nang 13 beses, pag-apawin mo ang iyong pasasalamat! BD

TIPS: 1) Subukan mong isulat ang iyong mga pananalangin sa isang journal sa loob ng pitong araw, mag-focus sa iyong mga pasasalamat. 2) Gamit ang Genesis 22:14 at 35:11, magsimula ng isang listahan ng mga pangalan ng Diyos at isulat kung paano naging totoo ang pangalan iyon sa iyong buhay.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa artikulong “Thank God! Showing Gratefulness the Biblical Way,” In Touch®, November 2006, pp. 6-10.

Lobo sa Damit ng Tupa? Ang Tunay na Mukha ng Tsismis

wolf sheep

by Mark D. Roberts

Napansin mo ba kahit isang beses kung paanong may mga kasalanan na madaling makatawag-pansin ng lahat samantalang ang ibang kasalanan naman ay hindi pinapansin? Kadalasan, tinututok natin ang spotlight ng panghuhusga sa maliliit na kasalanan ng iba—habang ang atin namang mga kasalanang kasinlaki ng troso ay pinapalabo ang ating mga paninging moral.

Tsismis ang isa sa mga kasalanan na napakadaling lumipad palayo sa ating radar. Kaya nating magkwento sa ating kaibigan ng malalaki at masasamang kasalanan ng iba na hindi man lang naiisip na, sa paggawa nito, tayo mismo ay gumagawa din ng sarili nating malaki at masamang kasalanan. Madali nating napapaliit ang ating pagsuway, kadalasan sa pamamagitan ng pakunwaring pag-aalala para sa ibang iyon. Sa tingin naman kasi natin, higit sa lahat, ay mahalaga ang maging tapat. Pero, ang pagtsitsismis ay maaaring kainin ang ating mga puso at maging ang buhay ng ibang tao.

Sa madaling salita: Ang tsismis ay pag-uusap tungkol sa ibang tao sa likod nila. Karaniwang nitong laman ay mga negatibo at pribadong detalye that nilalagay ang isang indibidwal sa masamang posisyon. Bagaman maaari na hindi naman ganoon kaskandaloso ang nilalaman ng diskusyon, ang ating mga walang ingat na mga pananalita ay maaari pa ring makasakit.

Ano Ba’ng Masama Sa Tsismis?

Tinatawag lang naman ng Biblia ang walang-kwentang usapang ito na kasalanan, tuldok. Kung ikaw ay napapaisip na ang tsismis ay isa lamang maliit na pagkakamali, pansinin mo na lang kung paano ito ilarawan ng Romans 1:29-30: ito ay “hindi matuwid,” kasama sa kategorya ng “kasakiman, masamang hangarin, inggit, pagpatay, paglalaban-laban, panlilinlang, hangaring manakit,” paninirang-puri, at kayabangan. Anumang may kaugnayan sa pagpatay at masamang hangarin ay mas malamang na may mapanirang kapangyarihan!

Matinding makasira ng mga relasyon ang tsismis: ito ay “… nakapaghihiwalay ng pinakamatalik na magkaibigan” (Kawikaan 16:28), nagbubunga ng paghihiwalay, galit, at kapaitan. Magpakita ka sa akin ng isang church na puno ng tsismisan, at magpapakita ako sa iyo ng tahanang hati, napaghiwalay ng sakit at kawalan ng tiwala. Ngunit gaya ng sinasabi ng isang kawikaan, “Kung saan walang kahoy, doon ay nawawala ang apoy: kaya kung saan walang tagatsismis, doon nawawala ang sigalutan” (26:20).

Mukhang Okay, Pero Pasama Pala

Ang pakikipag-usap tungkol sa iba ay maaaring makalikha ng bulaang pakiramdam ng pagiging matuwid ng sarili. Kung nakakalaklak ka ng nakakalasong alak ng tsismis, alam mo na sa likod ng panlabas na pag-aalala, sa totoo lang ito ay “tungkol lahat sa akin.” Sa katotohanan, kadalasan nating ibino-broadcast ang mga sikreto o pagkakamali ng iba, para sa atin ding kapakinabangan, bagaman manumpa tayo na para din sa kaniya. Hindi lang natin pinapayabang ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita na “alam ko iyan,” ngunit atin ding ipnapahiwatig na mas matino kaysa sa ibang tao.

Ang tsismis ay nakakatukso: kapag tayo’y nangtsi-tsismis, pakiramdam natin tayo ay mga taong mas mataas ang moralidad. Mas matindi, kung nagawa mo ito sa prayer meeting (sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang “alalahanin” tungkol sa isang indibidwal), nakakaramdam ka ng kakuntentuhan na para kang isang ispiritwal na higante. Ngunit ang panandaliang “kasiyahan” na iyon ay hindi mo maikukumpara sa maaari nitong maging bunga—sa church o sa iyo mismong sarili.

Ang Tupa ay Lumalaban

Sa pamamagitan ng pagtsi-tsismis, mukhaan nating ipanakikita na tayo ay mga makasalanang ni nalinlang ng sarili na kulang sa paglago upang pagkatiwalaan ng pribadong impormasyon. Ouch. Ating tahasang sinusuway ang Salita ng Diyos at sinisira ang Kanyang katawan.

Ngunit may pag-asa pa! hindi natin kailangan na mahuli sa mga ngipin ng tuksong ito.

  1. Kilalanin ang tsismis sa kung ano ito. Kung tinatawag ito ng Biblia na kasalanan, dapat lamang na ituring din natin itong kasalanan. Kapag nagsasalita tayo ng laban sa kapwa, ito ay halos palaging mali. (Mayroong mga pagbubukod kapag ang pagsasalita ay tama, tulad ng pag-uulat ng isang krimen o pagsasabi sa mga magulang tungkol sa mapanganib na pag-uugali ng kanilang anak.) Kung natutukso ka nang magtsismis, huwag mo nang isipin pa—hayaan ang Banal na Ispiritu ang magdala ng conviction sa iyo at dalhin ka sa pagsisisi.
  2. Unawain ang lawak ng pwedeng sirain ng tsismis. Binalaan ni Santiago ang iglesiya, “Ang dila … ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. … Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung tayo nabubuhay.” (3:5-6) Ang isang bagay na mukhang hindi naman nakakasakit sa simula ay sa totoo lang ay isang nakamamatay na virus na nagbabanta sa kalusugan ng church. Kung tayp’y nagmamalasakit sa pagkakaisa ng church tulad ng Panginoon (Juan 17:20-21), tayo’y mag-iisip muna bago magsalita.
  3. Gamitin ang kapangyarihan ng iyong mga salita upang makapagpalakas at makapagpatibay ng iba. Sinasabi ng Santiago 3:2-4 na, tulad ng timon ng barko, ang maliit na dilang ito ang magdidikta ng ating kahihinatnan—buhay o kamatayan. Kapag nakita natin na ang ating mga salita ay mayroong kapangyarihan upang gumawa ng mabuti at masama, titigil na tayong maliitin ang sakit na maidudulot ng tsismis at sisimulan mo nang gamitin ang mga ito upang palakasin ang iba, kahit na hindi tainga sa tainga.
  4. Kung ikaw ang tsini-tsismisan,sadyain na purihin ang pinagkakatsismisan, upang mapalitan ang masasakit na salita nang totoong pagpapatibay. Kapag sinagot ang isang malisyosong balita ng isang salita ng totoong pagpapalakas-loob ay maaaring ihayag ang kasalanan ng tsismis; sa proseso, pwede nitong itigil ang taong nangts-tsismis at ito ay magsisisi at makipag-ayos. Ipinapaalala ng 1 Pedro 4:8 sa atin, “Ang pag-ibig ay tumatakip sa maraming kasalanan.”

Kapag ating tinalikuran ang tsismis—na isang pagsisikap sa pagpapatibay ng sarili—makikita natin na tanging ang Diyos lamang ang magpupuno ng ating pangangailangan para sa ating halaga at tiwala. Madidiskubre din natin ang ligaya ng paggamit ng mga salita upang magbigay-buhay at pagkakaisa sa iglesiya.

Isinalin ni Elijah Abanto mula sa article na “The Wolf in the Sheep Suit,” In Touch® Magazine, March 2006.

The World You Want by Jon Foreman

earth

We may not readily realize, but every thing we do affect others, whose actions affect others, and so on, and so it rings true that one person contributes to the shape of the world he’s in. What are you doing in this world? Will your actions be so that it becomes the world you want it to be? Jon Foreman writes insightfully in these lyrics he wrote for his band.

I’m kickin’ up the pieces
I’m trying out adhesives
I’m trying to fix a place that feels broken
All my words they fail me
My voices don’t avail me
I’m trying to say the hope that’s unspoken

The world feels so malicious
With all our hits and misses
Feels like we’re in the business of rust
It’s when I stop to listen
All the moments I’ve been missing
I finally hear a Voice I can trust

Is this the world you want?
Is this the world you want?
You’re making it.

You start to look like what you believe
You float through time like a stream
If the waters of time
are made up by you and I
If you change the world for you,
you change it for me

What you say is your religion
How you say it is your religion
Who you love is your religion
How you love is your religion
All your science, your religion
All your hatred, your religion
All your wars are your religion
Every breath is your religion

You change the world
Every day you’re alive
You change the world
You change my world

Is this the world you want?
Is this the world you want?
You’re making it
Every day you’re alive.

From the Switchfoot album “Fading West,” released 2014. All rights reserved.

Three Unspoken Words

Key Bible Verse: “… and [Joseph] presented himself unto [Jacob his father]; and he fell on his neck, and wept on his neck a good while.” – Genesis 46:29

Marami sa ating mga ama ang pinalaki sa panahong hindi panlalaki ang pagsabi ng “I love you” sa kanilang mga anak.

Si A.J. Foyt, ang four-time winner ng Indianapolis 500, ay may amang nagngangalang si Tony, at ito mismo ay isang magaling na midget car driver, at isa sa mga naging mekaniko ni A.J. Sila ay isang team, magkasamang gumagawa sa Gasoline Alley. Pero hindi magawang masabi ni Tony na siya ay proud sa mga na-accomplish ng kanyang anak,. Ni hindi niya nasabi na mahal niya ito, ayon sa isang feature story ng Sports Illustrated.

Bago mamatay si Tony noong 1983, sina A.J. at ang kanyang pamilya ay nasa gilid ng kanyang higaan. Sabi ng doctor, “Kung meron pa kayong sasabihin sa isa’t-isa, dapat niyo na iyong sabihin. Maghihintay ako sa labas.” Pagkaalis ng doctor, halos hindi makapagsalita si A.J. “Ah, Dad, hindi talaga nangyayari ang mga bagay ayon sa pinlano natin.”

“Alam ko iyon,” sabi ni Tony.

“May gusto ka bang pag-usapan natin?”

“Wala, wala naman.”

“Gagawin ko ang makakaya ko para magpatuloy.”

“Alam ko,” sabi ni Tony. “Wag kang mag-alala sa mga bagay-bagay.”

Sigurado ka bang wala ka nang sasabihin, Dad?”

“Wala,” sabi niya. “Nasabi ko na ang lahat.”

– Greg Johson & Mike Yorkey in Daddy’s Home, obtained from Men of Integrity July-August 2005.

My Response: Sino ang nangangailangan ng pagsasabi ng pag-ibig mula sa akin?

Thoughts to Apply: Every act of love is a risk of the self.—Eugene Peterson (Writer, Bible Translator)