A Weighty Task

Making an issue of BDJ ay isang mabigat na gawain para sa akin. I had been busy working here in the library and doing other things, na naisip ko na parang wala na akong ganang kumalikot ng keyboard. And, one more thing, ayokong gumawa ng BDJ na second rate. I want it to be the best I could make for the Lord as well as for you, the readers. Kaya naman hindi ako matukso na magsulat lang ng kung ano para matapos na, kundi kapag gagawin ko ito ay sisiguraduhin kong ito nga ang BDJ na nais kong mai-publish at mabasa. At hindi tulad ng ibang issues, this time ay nilagay ko ang “Front Porch” sa unahan ng listahan ng isusulat ko ng articles. So, you see, even writing an article is a weighty task, kahit yung pagde-design. Napag-alaman ko nga na bago mai-publish ang isang libro, ay kailangan ng at least isang taon para magawa ito. Actually, marami akong alam na mga aklat na hindi maisusulat kung hindi muna dumaan ang awtor sa twenty-five years of research and experience. Alam niyo ba na para matapos ko ang buong BDJ ay kumukuha ako ng hanggang 5-6 hours? At ito ay isa lamang na weekly paper! No wonder kung bakit kumukuha ng ganoong katagal na panahon ang mga libro.

Do you know that as a Christian ay mayroon ka ring isang weighty task, specially kung bahagi ka ng katawan ni Kristo, ang church? Hindi ka lamang naligtas upang magpalubog sa tubig tapos ay mag-aattend lang tuwing Sunday ng umaga tapos maghuhulog ng pera sa offering pouch, kakanta sa choir, at lalabas at magso-soul winning. Kung akala mo you became a Christian just to do things like these, you’re mistaken. Utterly mistaken.

Don’t get me wrong. Ang lahat ng mga bagay na ito ay dapat nating gawin. Ngunit hindi lamang iyon. Sabi nga ni Pastor Jurem Ramos sa isang broadcast ng Shepherd’s Voice sa 702 DZAS (Weekdays, 7:30 ng gabi), “Ang tanong ay hindi, ‘Ano’ng dapat kong gawin bilang isang Cristiano?’ kundi, ‘Ano ako bilang isang Kristiano?’” Maiintindihan lamang nating tunay ang mga dapat nating gawin bilang isang Kristiano kung alam natin kung ano ang posisyon natin bilang isang Kristiano. Tayo ay mga “maliliit na Kristo,” sa ibang mga salita, ay mga tagasunod Niya. Our ultimate goal in life ay dapat na, “to be like Christ.” Kung naiintindihan natin ang ating posisyon, hindi tayo agad-agad madi-discourage sa mga hadlang na dumarating sa buhay. Kung naiintindihan natin na tayo’y “maliliit na Kristo,” hindi tayo male-late, lalong-lalo na ay hindi natin mami-miss ang kahit anong service. (Hindi dahilan ang trabaho, o layo, dahil si Jesus, para hindi ma-late at dahil ayaw Niyang ma-miss ang service sa Jerusalem, ay kinailangan Niyang maglakad ng ilang kilometro.) If we understood who we are, hindi manghihinayang na ibigay ang dapat sa Panginoon at pakainin ang kanyang mga lingkod. In fact, if we really know who we are, gagawin natin ang mga bagay-bagay na halos kapantay na ng mga bagay na ginagawa ng ating pastor! You read your New Testament at tingnan mo kung ano ang ginagawa ng mga ordinaryong miyembro ng church noon. You should know better.

“Mabigat ’yan, brod,” you will tell me. Yes, very much. Amen. That’s really a weighty task. Actually, ako ay naiinis sa sarili ko dahil hindi ko rin ito nagagawa at times. Narinig ko nga ang prominent evangelist na si Pastor John R. Rice na nagsabing (isinalin ko sa Tagalog), “Kapag hindi ka nagdadala ng kaluluwa sa Panginoon araw-araw, ikaw ay nasa rebelyon.” Such sharp words. But if I’m honest with myself, that’s true. Paano pa kaya ang mapabilang sa iglesiya na itinayo ng Panginoong Jesus? I’m sure I have a weighty task in front of me. At kung alam ko kung sino ako, hindi ako magdadalawang-isip, gaano man kabigat, na gawin ang dapat kong gawin upang maging tulad ni Kristo.—Bro. Elijah E. Abanto

 

Advertisements

No Energy, No Desire

(written 2010)

by Elijah Abanto

I sat in front of the computer. Tuesday. Wednesday. Yung mga papers sa church, yung lesson mo sa Sunday School, yung lesson mo sa Good News, yung ituturo mo sa elementary school, yung projects mo sa Bible school—malapit mo nang ipasa yun, birthday pa ni ano sa… “Ahh!! Bakit ganito!” naibulalas ko at tumayo. Si Micah ay nasa kabilang computer, at nagtanong din siya sa akin kung bakit. “Wala akong gana!” nasabi ko na lang. Gusto ko nang umiyak sa nangyayari sa akin—ngawa ako nang ngawa, kailangan ko itong gawin, pero bakit ayaw gumalaw ng daliri ko? I was almost thinking what this implied: hindi ako makakapagturo sa elementary, hindi ako makakapagturo sa Good News, hindi ako maka-kapagturo sa Sunday School, hindi maipa-publish ang mga papers—as in nothing!

I looked at my brother and sighed, Buti na lang siya walang ganitong burden. Pumalit ang isa ko pang schoolmate na si Nicko, and he was busy chatting and doing Facebook. Buti pa siya, walang ganitong problema. May games dock sa aking Google Desktop kaya naglaro muna ako ng Tetris at ng Pacman. Lumipas lang ang sinayang kong oras. Lalong napalakas ang ngawa ko. Nag-isip pa ako ng ibang pwedeng gawin. Binuksan ko ang Ya-hoo! Messenger at Windows Live Messenger accounts ko at tiningnan kung mayroon akong makakausap. Naka-online si Tatay (si Pastor) at si Pastor Charlie. Una kong chinat si Tatay at sinabi ang aking nararamdaman. Ang sinabi niya, “Sige rest ka na lang muna.” When I read that, at first, ito na lang ba lagi? Sinabi na rin sa akin ito ni Ate Joy, 4th year kong schoolmate at kaibigan sa Bible school at Ate Jean, secretary ng BS. Nung nasa ba-hay ako laging sinasabi sa akin ni Tatay at ni Mommy, “Hindi ka kasi natutulog nang maa-ga eh; nagpupuyat ka kasi eh. Hindi ka pa maayos matulog!”

Then I thought, “Rest?!” at ang iniisip ko nung time na iyon ay wala akong ginagawa, and then, “Rest?!” But then, I realize, Siguro nga. So I replied, “Siguro nga po dapat lang akong magpahinga, hehe.”

Nung Huwebes tinry kong gawin yung publications to no avail. Wala akong gana nung araw na iyon. I shared my burden with my beloved boys and they prayed for me. Biyernes. “I need to do something!” Kaya pagkatapos kong maghugas at magluto para sa umaga, wala pa rin akong gana. I slept. Pagkagising ko ay medyo masakit ang ulo, but, I need to work. So I did. Habang tina-type ko ito, ay tapos na ang ibang publications at kaunti na lang ang gagawin ko sa BDJ. There are still more to do, but, at least, I’ve done something.

Have you come to this stage? You’re not alone. And don’t envy others—they have their own burdens. And, hey, God is with you. He will help you get through. 😉

Feeling Overwhelmed? 12 Secrets to Get Out of Stress

by Richard A. Swenson, M.D.

1) Practice “stress switching.” Minsan tayo, kapag may hindi tayo natapos na isang bagay ay may tendency tayong mag-worry. Imbes na ganon, umisip ng ibang gagawin, tulad ng pag-e-exercise, para pwede kang makabalik sa trabaho mo nang refreshed.

2) Exercise. Alam ko, mahirap talagang humanap ng oras para dito. Pero madidiskubre mong magkakaroon ka ng ibayong lakas kung sisikapin mo lang itong gawin.

3) Establish stability zones. Pwede yung maging yung paborito mong lugar mag-pray, isang routine, o isang vocational spot.

4) Play music. Nang nilikha ng Diyos ang musika, at ginawa Niya itong nagpe-penetrate sa ating mga ispiritu.

5) Breathe deeply. Ang simpleng “8-8-8” breathing exercise ay low-tech pero effective: inhale (8 counts), hold (8 counts), and exhale (8 counts).

6) Practice saying “No.” Ang pagsasabi ng hindi sa ating mga anak ay hindi excuse ng isang tamad. Ito ay pamumuhay lamang ayon sa iyong mga priorities.

7) Limit time with negative people. Pinipiga nila ang iyong lakas. Hindi mo sila kayang i-satisfy o baguhin—mapapagod ka lang sa kakasubok.

8) Simplify meal choices. Huwag masyadong gawing complicated ang menu for the day. Kumain lamang ng simple ngunit masustansiyang pagkain.

9) Adjust expectations. Kung lagi mong inaasahan na magiging success lagi ang araw mo, mamumuhay ka lang na frustrated. Ngunit kung aasahan mong magiging magulo ang araw mo, magiging kuntento ka sa mga blessings na natatanggap mo.

10) Develop healthy sleeping habits. Piliin na makakuha ng tamang tulog. Pahalagahan ito. Take a nap—don’t fell guilty.

11) Learn to laugh. May isang tao, pagkatapos na masalanta ng isang hurricane sa Florida ang kanyang bahay, ay naglagay ng isang post sign: “Open House.” Hindi iyon nakatulong para matayo niya muli ang kanyang bahay, pero nakatulong iyon to “weather the storm.”

12) Choose daily to follow God. Pinaalala ng Old Testament Patriarch na si Moses sa Israel: “Therefore choose life, that both thou and thy seed may live: that thou mayest love the LORD thy God, and that thou mayest obey his voice, and … cleave unto Him” (Deut. 30:19-20).

Translated from Today’s Christian Woman, Christianity Today International, Inc. Used by permission.