Sumasamba Ba Tayo?

Isang Imbestigasyon Tungkol sa Tunay na Pagsamba sa Diyos

by Bro. Elijah E. Abanto

 

Nito lamang nakaraang Disyembre, 2008, noong ikatlong anibersaryo ng ating iglesiya, ay ipinangaral ng isang panauhing beteranong pastor ang kahalagahan ng pagsamba sa Diyos. Bagaman nagkamali ito sa aplikasyon ng konsepto na ito (dahilan para i-adopt nito ang istilong “praise and worship” at gibberish tongues), ay biblikal naman ang kanyang pagtingin sa kahalagahan nito at kakulangan nito sa karamihan ng mga Baptist na iglesiya.

At nito lamang mga nakaraang linggo, isang beteranong misyonero naman ang nagsabi na karamihan sa mga iglesiyang Baptist ay hindi talaga sumasamba sa Diyos dahil hindi pangsamba ang mga inaawit natin sa himnaryo, kundi mga patotoo lamang at pang-ebanghelismo.

Sa parehong pagkakataong ito ay hindi naging malinaw kung ano ba ang tinatawag na pagsamba o worship. At nang ako’y nag-imbestiga, aking nakita na sa kabuuan, ay nagkukulang tayo sa aspetong ito.

Si Donald S. Whitney, isang Baptist na awtor ng aklat na Spiritual Disciplines for the Christian Life (NavPress), ay ibinahagi ang kanyang karanasan  noong ikasumpung kaarawan niya. Masaya na sana ang kanyang kaarawan, dahil maraming handa, regalo; naroon din lahat ng kanyang pamilya at kaibigan. Ngunit nang sila’y manood na ng baseball, iniwanan siyang lahat ng mga ito at naiwan siyang nag-iisa habang nanonood. “Ipinapaala sa akin nito,” sabi niya kaugnay ng kwento, “ang paraan kung paano natin tratuhin ang Diyos sa pagsamba. Bagaman dumadalo tayo sa isang okasyon kung saan Siya ang Panauhing Pandangal, posible na Siya’y bigyan natin ng nakasanayan nang paghahandog, umawit ng kaunting mga alam na nating kanta sa Kanya, at pagkatapos ay lubusan na natin Siyang makalimutan habang tayo’y nakatuon sa ibang tao at nakikisaya sa pagganap ng mga taong nasa harapan natin” (Whitney, Spiritual Disciplines for the Christian Life, p. 86, translated). At pagkatapos nito, sabi pa niya, ay sa tingin natin ay nagawa natin nang tama ang ating obligasyon na Siya’y sambahin. Ngunit hindi pala.

Ayon sa Encarta® World English Dictionary, ang salitang worship ay nagmula sa Matandang Ingles na salitang weortscipe, o worthship, na ang ibig-sabihin ay “condition of worth” o kahalagahan. Ito ay sang-ayon sa mga talatang mababasa natin sa Biblia na nagsasalaysay ng mga eksena ng pagsamba sa Diyos tulad ng Pahayag 4:11; 5:12-13. Pagbibigay ng karapat-dapat na pagpapahalaga sa Diyos—yan ang isang kahulugan ng pagsamba.

Sa Webster’s Seventh-New Collegiate Dictionary, ang pagsamba ay nangangahulugang “paggalang o pagpitagan sa isang dibinong persona [tulad ng Diyos]” (p. 1031, translated). Ang “paggalang o pagpitagan” ay isang gawaing hindi nagsisimula sa labas paloob, kundi mula sa loob palabas. Bago ka sumagot sa iyong magulang nang pabalang ay nasa puso mo muna ang hindi paggalang. Bago mo matapat at mahigpit na yakapin ang iyong asawa o anak o kaibigan ay mayroon munang pag-ibig na nasa iyong puso. Ganoon din sa Diyos.

At mula sa panloob nating nararamdaman ay hindi natin mapigilan na tumugon at ituon ang atensyon sa Kanya. Pag nakikita mo ang magandang paglubog ng araw, o tinig ng mga ibon, ay maiisip mo ang kadakilaan ng Lumikha at mula sa puso mo ay mapapaluhod ka, o maiiyak, o mapapa-awit, o makakapagbigkas ka ng pasasalamat sa Kanya. Iyon ang pinaka-ibig-sabihin ng pagsamba: “ang pagtutuon ng atensyon at pagtugon sa Diyos” (Whitney, Spiritual Disciplines, p. 87). Basahin mo ang dalawang siping ito mula sa Biblia ng mga halimbawa ng pagsamba: Juan 20:28; Pahayag 4:8. Makikita mo rin na sa maraming pagkakataon ang mga pinagaling ni Jesus ay “lumuhod at sumamba sa harapan Niya.”

Mula doon ay masasabi natin na hindi totoo ang sinabi ng misyonero na hindi talaga tayo sumasamba sa Diyos kung hindi pang-worship ang kinakanta natin. Mali din ang aplikasyon ng beteranong pastor na iyon na masasamba mo lamang ang Diyos kung magpe-praise and worship style tayo. Paano ang pipe na hindi man lang makapagsalita? Paano ang mga lumpo at paralisado na hindi makatalon o maitaas ang kamay tulad ng ginagawa ng mga Pentecostal? Ang pagsamba ay higit pa sa pagkanta ng worship song o pagtalon o pagtaas ng kamay na sinasabi nila.

Dadalhin tayo sa pagsamba sa Diyos ng mga pagpapahayag Niyang ito: sa pamamagitan ng (1) sangnilikha o Creation (Roma 1:20); (2) Kanyang isinulat na Salita, ang Biblia (2 Timoteo 3:16; 2 Pedro 1:20-21); at ng (3) Buhay na Salita, si Jesu-Kristo (Juan 1:1, 14; Hebreo 1:1-2).

Hindi lamang pag-awit ang ekspresyon ng pagsamba. Maaaring ikaw ay sumasamba sa Diyos kahit sa pagbabasa mo lamang ng Biblia; pakikinig ng pararangal; pananalangin at pakikinig sa pananalangin; maging ang pagsunod sa Kanya at anupamang bagay na ginagawa sa ngalan Niya, ay maaari yung maging pagsamba. Ngunit higit pa rito, ang pagsamba ay yung punung-puno ang iyong isip at puso ng tungkol sa Diyos na hindi mo na maisip na gumawa ng anupamang bagay. Yun ang pagsamba.

Ngunit, tulad ng aking nasabi, marami sa ating iglesiya, at sa palagay ko’y karamihan sa mga iglesiyang Baptist, ay hindi talaga sumasamba sa Diyos—pangunahin na rito ang mga manggagawa. Hindi porke na isa ka sa mga pinaka-abala sa worship service ay ikaw na ang pinakasumasamba sa Diyos. Madalas ay kabaligtaran.

Nakita ko ang katotohanang ito sa aming mga estudyante sa Bible school. Tandaan na kadalasan ang mga nag-aaral sa Bible school ay mga manggagawa sa kani-kaniyang iglesiya. Tuwing kami’y magde-devotion sa umaga o chapel hour sa tanghali ay kita mo ang kawalang sinseridad sa ginagawa ang mga estudyante rito—minsan ay kabilang ako. Makikita mo na dinidiktahan ang nagpapakanta o nangungunang mag-aaral, niloloko o pinagtatawanan ang mensahe o patotoo, nagkikwentuhan ang mga estudyante, at walang paki-elam sa kaayusan ang mga ito. Ang nakikita kong pinaka-sinsero sa ginagawa niya tuwing ganitong oras ay yung isang 1st year student na anim na buwan pa lamang sa Baptist church na kanyang kinabibilangan at galing pa sa Pentecostal. Wala, ayaw-na-ayaw mag-special number, kung aawit man, ay hindi talaga pinaghandaan.

Pag-uwi sa iglesiya, may makikita kang palingon-lingon na ina habang nananalangin; mga kabataang nakikipagdaldalan habang preaching o choir number; mga batang kumakain ng sitsirya habang nagpi-preach ang pastor; mga taong akyat-baba dahil “nasi-C.R.” Ang mga workers naman ay abala sa pagpigil ng ingay, pagkuha ng bilang, pagpapa-fill-up ng visitor’s slip, at pagtatanong kung ano na ang susunod sa “worship” programme. Aawit lang kung kailan naisip, magbabasa kapag sinipag, at ipipikit ang mata kapag ginusto lang. Hindi nga nakikipagdaldalan, ngunit hindi naman iniisip ang ipinapangaral ng pastor. Nakapikit nga ang mata, ngunit sa totoo lang ay pagkain sa tanghalian ang umiikot sa utak. Marami din ang natutulog. Umaawit nga, wala naman sa puso ang kinakanta. Nagbibigay nga, ngunit parang gawa lamang ng responsibilidad. Aktibo nga sa iglesiya, ngunit ang buhay ay hindi tama sa harap ng Diyos. Mga kapatid, hindi ito pagsamba. Ito’y pagpapahiya sa Diyos. Ang Panauhing Pandangal ay gusto na lamang sigurong umalis dahil parang wala naman ang tinatawag na pagsamba. Alalahanin, ang pagsamba ay mula sa loob palabas.

Para na tayong mga Fariseo, na sinasabihan ni Jesus, “Pinaparangalan ako ng mga taong ito ng kanilang mga labi, ngunit ang kanilang puso ay malayo sa Akin. Sinasamba nila Ako nang walang kabuluhan” (Mateo 15:8-9). Ang tawag dito ay ka-ipokritohan.

Ang pagsamba sa Diyos ay pagsamba sa Kanya “sa ispiritu at katotohanan” (Juan 4:24). Sa ispiritu, o sa loob, at sa katotohanan, o sa panlabas. Ganoon ang tunay na pagsamba. Hindi na kailangan at hindi na dapat mang-hiram pa ng musikang hindi sang-ayon sa Diyos para masabing sumasamba ka. Hindi kailangan ng pagtalon at pagtaas ng kamay para masabing sumasamba ka. Ang kailangan ay pagtuon ng atensyon at pagtugon sa kung sino Siya.

Sumasamba ba tayo? Alam na natin ang tunay na pagsamba. Totohanin na kaya natin ngayon?

Advertisements

Please, Don’t Ignore!

bato

by Marbien Beniza

Edited by Elijah Abanto

IS IT HARD TO SEEK FOR THE TRUTH OR MAYBE WE ALREADY KNOW THE TRUTH BUT WE KEEP ON BEING BLIND BECAUSE WE WANT TO STICK TO WHAT WE GOT USED TO?

Base sa ating pananaw, kung ano ang ating kinalakihan ay yun na ang tama. But we’re ABSOLUTELY WRONG! Hindi natin malalaman ang katotohanan unless we’ll make our own research. Hindi tayo dapat dumepende na lang sa kung ano ang kinalakihan natin–bakit hindi tayo maging open-minded? Pag may bagay tayong natuklasan huwag natin itong balewalain. Instead, we must make our own research about it. Ang katotohanan ay nariyan lang sa harapan natin ngunit ayaw pa natin harapin.

This is based on my own experience. I was baptized as Roman Catholic—lumaki ako sa maraming kaugalian, pamahiin at tradisyon na pinalaganap nila.

When I was in elementary, there we had a subject named “RELIGION”. As usual, kasama sa tinuturo sa subject yung “TEN COMMANDMENTS” (lahat tayo alam yan!). Do you remember what does the 2nd commandment says? Exodus 20:4-6:

Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.

Malinaw naman kung ano ang nakasaad dyan diba?! Ngunit bakit parang dumadaan lang ito sa mata natin at hindi na-a-absorb ng utak natin upang malaman natin na sa 2nd commandment pa lang ni God ay palpak na ang mga Katoliko?!

Ano ang mga ito? At sa lahat ng relihiyon… sino lang ang merong ganito?

Malinaw naman siguro kung ano yan… Yan ang batong kinalakihan natin! Bato! Gawa yan sa bato, minsan sa clay at sa mga ivory or porselaine!

Mula nang magkaisip kami ay tinuro sa amin na lumuhod at magdasal sa mga batong ito. Tuwing nagpupunta kami ng Baclaran para magsimba eh tinuro din sa amin na himasin ito bilang tanda ng pananampalataya dito. Hindi ba’t lahat tayong mga Katoliko e yan ang kinalakihan?

Pag meron tayong hihilingin na napakalaki ay magsisimba tayo at hihimasin natin (kung minsan ay panyo pa ang gamit natin) at ating dadasalan at pinakamalala sa lahat ay iiyakan diba?!

Minsan pa nga pag meron tayong hihilingin eh isusulat pa natin sa papel at i-pa-pardible natin sa mga batong ito!

Siguro nagtataka kayo kung bakit “bato” ang tawag ko sa mga yan?! Marahil ang iba sinasabi na ang bastos ko naman dahil hindi ko nirerespeto ang mga yan, pero totoo naman eh! Bato lang yan! Bato na likha ng tao! Bakit natin kailangan luhuran, dasalan, iyakan at sambahin ang mga batong yan!

Mula sa mga santo hanggang kay Maria at Hesukristo ay ginawan ng imahe! Karamihan pa nga eh ginagawa itong koleksyon…

Hindi ba’t sa bawat simbahan ay may nakalagay sa Sampung Utos ng Diyos? Ngunit bakit tila yata hindi nasusunod iyon? Sa pangalawa palang ay palpak na paano pa kaya sa mga sumusunod?

Hindi tayo kailangan gumawa ng mga batong ito upang ipakita ang pagsamba natin sa ating Panginoon… ang Diyos nandyan lang! Hindi mo pa sinasabi ay alam na niya kung ano ang nasa loob mo! Kaya bakit pa tayo kailangan gumawa ng mga batong ito?!

Isa lang yan sa mga naging palaisipan sa akin… Sumunod ay ang holy water. Oh! There is no such thing as “holy water”. Paano ko nalaman? Bakit hindi natin subukan buksan ang ating mga Bibliya… andun lahat ng kasagutan sa ating mga tanong. Yan ang sumagot sa aking mga curiosity! Wag natin gawing pang display o di kaya’y bulokin ang ating mga Bibliya.

Before, it never comes to my mind to read the Bible. Why? Because no one told me so, much more forced me to. I thought all you need is to have one… I never realized that I have to give myself a time to read it… I have lots of time but I just wasted it!

Do you know who made me realize that I need to read it in order to answer my questions? My brother! My brother, whom everyone laughed at and thought he made a wrong decision for his whole life!

My brother started visiting me when he left our grandma’s place… Grabe! Naawa ako sa itsura niya… laki ng pinayat niya at initim.

Everytime he visits me, he encourages me to visit his church. But I always decline. He always tells me what they are doing in the church. Minsan pa nga nagka-kwentuhan  kami at nabanggit ko sa kanya na kahit Katoliko ako eh hindi naman ako deboto! Hindi ko sinusunod ang karamihan sa mga tradisyon ng mga ito lalo na ang pagsamba sa mga bato nila! Nagsisimba ako, oo! Pero hindi ako sumusubo ng ostya or nagsasawsaw sa so-called holy water nila. Tinanong niya ako kung bakit, sabi ko wala lang! Hindi kasi ako naniniwala duon at I feel someone telling me not to follow it because it is wrong. He then told me na bakit pa rin ako nananatili sa pagiging Katoliko kung ganoon.

The next time my brother visited me, he gave me a comics! hahaha… siguro iniisip niyo yung comics na pang bata?! Hindi noh?!

The comics was all about the Catholics! Roman Catholics! Wonder what’s inside of it? Hayaan niyo bibigyan ko kayo ng kopya!

My brother gave me two comics: The Godfathers and Alberto.

I’ve finished reading The Godfathers for about 2 weeks, kasi naman paulit-ulit ko binabasa every page of it dahil nasa-shock ako sa mga nabasa ko at parang feeling ko namamalik-mata lang ako! I really can’t believe what I have read! It makes me realize na puro kasinungalingan lang ang Katoliko!!!

Grabe! Grabeng torture ginawa nila sa mga tao para lang mapalaganap ang Katolisismo!

The secong comics I’ve read was Alberto. Alam niyo ba ko kung gaano ko katagal binasa yun? Hours lang! Dahil nang maumpisahan ko yun eh hindi ko na maipikit ang mga mata ko! Nawala ang antok ko! Mas grabe pala ito sa unang nabasa ko! Yung title ng comics na Alberto ay pangalan ng nagkukuwento dun sa comics! This comics was based on a true to life story! Dr. Alberto Rivera was both the author of The Godfathers and Alberto. He was a jesuit priest before (priest of Roman Catholic)—na naging Baptist! Habang tumataas ang posisyon niya eh dumarami rin ang natutuklasan niya tungkol sa Romano Katoliko! Pati ang pang-to-torture ay naranasan niya dahil sa kagustuhan niyang tumiwalag na dito. Himala at nabuhay siya.

Maybe you are wondering why it made me believe to those comics that it was stating the truth about Catholic? I made a research on my own! Lagi akong nag i-internet at nag re-research, pero hindi man lang pumasok sa isip ko na mag research din about the inquisition of the Roman Catholics.

Nang i-type ko yun sa search box ng Yahoo, andaming lumabas at pare-parehas lang ang sinasabi. Katulad ng mga nabasa ko sa comics na pinabasa sa akin ng kapatid ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko… sobra ang pagtayo ng mga balahibo ko! Pati sa Youtube meron din.

Nasa harapan ko lang pala ang kasagutan sa mga tanong ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin kaya ngayon ko lang nalaman lahat ng ito with the help of my brother.

After reading Alberto, may parang nagsabi sa akin na buksan ko ang Bible at basahin ang Revelation. After reading the Revelation… I felt crying and remorseful for the sins I have made.

I closed the Bible and started to pray… I confessed all of my sins… I admitted I was a sinner ang asked for forgiveness to God! I told God that I believe that He sent His son Jesus to save us for all our sins and that Jesus Christ died on the cross and shed His blood to pay for the price for our sins, and that He arose again. I also asked God to save me, and I ask Jesus Christ to be the Lord (to take control) of my life. Since then, I was now a Christian! That’s my second birthday!

I started reading the Bible each day… At andami kong natutunan na hindi tinuturo sa Katoliko…

I then realized, why not try to visit my brother’s church?! Kasi tinuturo dun every word of God… hindi puro kanta, sermon at ostya. I’ve decided that I would be attending their church whether my husband likes it or not! At isasama ko mga anak ko dahil ayaw ko silang lumaki sa maling paniniwala. No one can stop me…. Hindi ko iintindihin sasabihin ng iba!

Ngayon pa nga lang eh na-fi-feel ko na pinpigilan ako ng demonyo from pursuing the decisions I’ve made. Tama ang kapatid ko… hindi madali tumiwalag sa Katoliko! Pipigilan ka ng demonyo! Ngayon ko napatunayan yun.

Sabi ni Jesus, we have to be born again before we enter the kingdom of God! Hindi madali yun… mahirap baguhin ang mga kinasanayan natin! Pero sa akin gagawin ko lahat para lang magbagong buhay… with the help of God! God is with me! I will leave all the consequences to God!

Hindi nakakapagtaka kung bakit dami may gusto sa Katoliko kasi naman napakaluwag nito!

Before, there wasn’t any religion. There was only one Christianity! But Satan could not destroy it, that’s why he made a false Christianity with false beliefs and traditions. Para maguluhan ang mga tao kung saan pupunta! Siyempre katwiran ng iba eh kung saan ang nakararami ay duon sila!

We must also be careful reading the Bible. Hindi matatanggal ni Satan ang Bible kaya ang ginawa niya ay dinagdagan niya at binawasan ang Salita ng Diyos upang malito ang mga tao! Isang version lang ng Bible ang tama at yun ay ang King James Version. He preserved the Word of God. He translated the Word of God from Hebrew word for word!

Isa pa, never confess your sins to priests! Why? Because God never told us to confess our sins to priests! Jesus already saves us from our sins, all we need to do is to repent and ask for forgiveness and accept Him as our Savior! Remember, He is the truth, the way and the life. No one can come to the Father but by Him!

God made a way through my brother! Now I know why he made my brother a Baptist and made him decide to be a pastor, it’s because he wants us to open our mind—na  mali ang kinabibilangan namin.

Before, I judged his pastor ang blamed him of brainwashing my brother’s mind. And that he just wanted my brother to join them so that it will be an addition to his tithes. But I was WRONG! PREFECTLY WRONG!!!

I even told my father that the pastor was just using my brother in order to get some money from him because he knew that my father was a seaman. I even told my father not to support my brother to made him realize that what he did was wrong. Kaya lalong nagalit si papa!

After realizing that everything I did was wrong, I felt remorse!

Kaya ko ginagawa ito upang maitama ang nagawa kong pagkakamali… at upang buksan din ang isip ng mga mahal ko sa buhay tulad ng nangyari sa akin.

Ang Bible ang magiging daan natin upang mabuksan ang ating isipan!

I love you all! That’s why I’m saying this!

Hindi karamihan sa inyo ang laging sinasabi ay ang Diyos lang ang nakakaalam kung tayo ay mapupunta sa langit… Ngunit nagkakamali tayo! Tayo ang nakakaalam nun… Kung talagang tinanggap at may tiwala tayo kay Jesus Christ na niligtas niya tayo mula sa atin mga kasalanan eh wala tayong alinlangan na sa langit ang punta natin.

Kahit gaano kalaki kasalanan natin ay bayad na yun! Dahil bumababa at pinako si Jesus Christ upang tayo ay iligtas mula sa ating mga kasalanan. BDJ

Life Questions:

1) Ligtas ka na ba? Nagsisi ka na ba sa iyong kasalanan at tinanggap si Kristo bilang Tagapagligtas ng iyong kaluluwa?

2) Research—yan ang isa sa mga pinakamatunog na salitang nabasa mo sa artikulong ito. Tanong: Inaalam mo ba kung talagang totoo ang mga itinuro sa’yo? Nagre-research ka ba? Kung alam mong totoo nga, inaalam mo kung bakit natin iyun pinaniniwalaan?

3) Church—gaano kahalaga sa iyo ang iglesiya? Pwede ka bang lumago sa iyong ispiritwal pag wala nito?

4) Bibliya—isa pa sa mga paulit-ulit na binanggit sa artikulo. Binabasa at ina-apply mo ba ito, o hinahayaan mo lamang na “mabulok”?

5) Ang sumulat ng artikulong ito ay tinuturo ang kanyang kapatid na nagbukas sa kanya ng pagkakataong makilala si Jesus. Nagsisikap ka ba na maabot ang iyong kapamilya o kaibigan ng Salita ng Diyos?

6) Anu-ano ang mga naging blessing sa iyo ng artikulong ito?

Subukan mong ipa-xerox ang artikulong ito at ipabasa sa kilala mong unsaved, at ipanalangin mong gamitin ito ng Diyos.

Tama Ba, Against Ka Raw sa Choruses?

by Bro. Elijah E. Abanto

Lahat ng tunay na nakakakilala sa akin, especially yung mga bata sa church na aking hinahawakan, ay napapakunot ang noo kapag narinig nilang may nagtanong ng ganito. Ang kataka-taka, ay mayroong nag-aakusa sa akin ng bagay na ito. Sabi niya, “Edi huwag na tayong kumanta ng mga koro, sabi ni Elijah, mga himno na lang!”

Wala akong laban sa taong nagsabi nito, pero sasabihin ko ng direkta: MALI KA. Sa tingin ko noong una ay wala naman akong mapapala kung sasagutin ko ang akusasyong ito, pero, husto na—dapat na akong magsalita. Hindi ako laban sa mga koro, at sa totoo lang, nagsusulat ako ng mga koro. Just e-mail me kung gusto mong makakuha ng kopya ng mga na-compose ko. Hindi ako laban sa mga koro, lagi kaming kumakanta ng mga koro sa church. Kumakanta kami ng mga koro sa Good News, sa Sunday School, sa service. Hindi ako laban sa mga koro, at kung gagamitin ang artikulo na isinulat ko sa BDJ 18, mapapahiya lamang ang taong iyon, dahil ang nakalagay, “Kung puro [choruses] na lang, at wala man lang mga malalalim na awitin, [tulad ng mga himno]…” Kung puro… May sasabihin lamang ako: hindi lahat ng koro ay tama (which means ay biblikal), hindi lahat ng mga himno ay tama (mayroong mga himno kaming hindi inaawit), at hindi lahat ng CCM ay mali—yun ang aking stand. Clear?

Hindi naman makitid ang utak ko, eh.

Ano’ng Mali sa Drums?

drum

Isang Imbestigasyon sa Tunay na Isyu ng Ating Musika

by Bro. Elijah Abanto

It needs to be settled. It needs to be cleared.

Marami pa ring mga Baptists ang hindi malinaw sa issue na ito. At dahil sa kakulangan ng kaalaman, maraming iglesiya na ang nagko-compromise pagdating dito—na nagresulta sa pagkasira ng mga Kristiano (Hosea 4:6).

At akala ng marami basta lamang tayo naniniwala na tama ang ganitong musika at mali ang ganoong musika—ang hindi nila alam ay puno ng biblikal na dahilan ang mga paniniwalang ito. Marami tuloy na mga miyembro—at pastor—ng mga iglesiya sa buong mundo ang nagko-kontrahan sa isyung ito. Ang dahilan—walang alam. At alam nating lahat na hindi bulag ang ating pananampalataya—may dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ang isang bagay—partikular na rito ang musika.

Ano nga bang mali sa drums? Drums ang karaniwang pinagtutuunan ng pansin pagdating sa isyu ng musika. Hindi pwede ang music na yan kasi may drums. Pwede yan kasi walang drums. Is that so? Mali. The issue of music does not only rely on the use of drums. Hindi. Maliit na bahagi lamang ang drums sa pinaniniwalaan natin. Malawak yan. Malawak. May narinig akong nagsabi na, “Okay lang naman sa akin ang drums,” and I will concede to that. Yes. May mga pagkakataon (bagaman napakakaunti) na walang masama sa drums. Ops, ops, ops! Bago ka mag-react, let’s study what music is first.

Ang salitang musika o music ay binase sa Ingles na salitang “muse,” na ang ibig-sabihin ay, “to think” o “mag-isip,” “isipin.” So from that maaari nating i-conclude na dapat ang musika ay isang pinag-isipan na bagay, hindi isang gawain na basta na lang ginawa. (Ngayon ay isipin niyo ang musika ng ating mga awitin at yung ‘musika’ ng mga ‘metal rock’ nilang sinasabi. Mukha bang pinag-isipan?)

Sa Webster’s dictionary, ang ibig-sabihin ng music ay, “any succession of sounds so modulated as to please the ear, or any combination of simultaneous sounds in accordance or harmony, which can be vocal or instrumental.” (Ngayon ay isipin mo kung ang hard rock ‘music’ ay nakakalugod sa tainga. Nakakabinge! At iyon ay “please the ear,” hindi “please the  flesh”  na ginagawa hindi lang ng mga musika ng mga worldly songs kundi ng mga ‘Christian’ songs na may drums!)

Now let’s be clear. May nangyayaring pagkalito sa pagitan ng mga terminong ito: music, lyrics, at song. Kadalasan ay napapaghalu-halo natin ang mga katawagang ito kaya tayo naguguluhan sa isyu ng musika. Ang musika ay ang pagkakaayos ng mga tunog o nota. Ang lyrics ay mga salita na nilalagay sa musika. Ang song ay ang resulta ng pinagsamang music at lyrics. Did you get it? Music ang tunog, lyrics ang salita, song ang pinagsamang music at lyrics. Ang pinag-uusapan natin ngayon ay music, ang tunog, hindi ang lyrics o song. So hindi natin tinutukoy dito kung tama ang message noong awit, kundi tama ba ang tunog? Tsaka lamang matatawag na Christian ang isang song kung parehong Christian ang music at lyrics. Get it? Now, hindi na natin kailangan pag-usapan ang mga salita dahil obvious naman kung pang-Cristiano o hindi, kundi ang musika—ang tunog, pang-Cristiano ba?

Ano ba ang pang-Cristianong musika? Dapat ay magbigay ito ng lugod sa ispiritu, hindi sa katawan o pag-iisip. At ang tanging nagbibigay-lugod sa ispiritu ay mga bagay na nagbibigay-lugod sa Diyos, dahil Siya ay Ispiritu. (John 4:24) Ngayon ay dito papasok ang tatlong elemento ng musika: ang melody (melodiya), harmony (harmonya), at rhythm (ritmo). Ang melody ang siyang pangunahing tunog ng musika, at ito ang madaling matutunan sa musika. Technically, ito ang soprano – ito yung tono ng awit pag kumakanta tayo sa kongregasyon, at ito ang kumikilos sa ating ispiritu. Ang harmony ang siyang pumapangalawa, at ito ay nakakaapekto sa ating isip at emosyon—technically, ito yung mga mahihirap na bahagi ng musika: ang alto, tenor at bass—kailangan ng masugid na pag-aaral bago mo magawa ang mga tonong ito. Ang rhythm ang siyang pisikal na parte ng musika. Ito ang nakakaapekto sa ating katawan. Dito na pumapasok ang bilis (tempo), lakas (volume), at diin (stress) ng musika. Lahat ay mahalaga, ngunit kung mayroon dapat sa lahat ng pagkakataon, iyon ay ang melodiya, dahil iyon ang kumakausap sa ispiritu. Pagnilaynilayan ang nakalagay sa ibaba:

Melody

Harmony

Rhythm

Kung sa laki ng letra natin pagbabasihan ang musika, dapat malaki ang melody, katamtaman ang harmony at maliit ang rhythm. Diyan mo sukatin ang musikang pinakikinggan mo. Nasa ayos ba ang tatlo? O ang mas nangingibabaw ay ang harmony, o rhythm?

Rhythm? Diyan pumapasok ang drums. Ang drums ba ay ginagamit in such a way na hindi nasasapawan ang melody? Most of the time not. And besides, if we please the flesh, na ginagawa ng drums, o ng rhythm in other words, hindi ba lumalaban iyon sa sinasabi ng Kasulatan? (Matthew 6:33)

At ang drums parang alak yan. Sige, sabihin natin na kaunti lang naman ang alak na iinumin mo—owws! Ang nagsisimula sa kaunting alak ay nauuwi sa bote-bote na nauuwi sa kahon-kahon! Ganon ang drums. Paano ba nagsimula yang ‘alive’ music na yan? Sa pahina-hinang drums. At ngayon?

Ano’ng mali sa drums? The facts speak for itself. And besides, ano bang dahilan ba’t tayo magda-drums ngayon kung hindi ito ginawa ng church for over 2,000 years?