Children: The Church of Tomorrow

by Bro. Elijah Abanto

Kilala ko siya na mapagmahal sa mga bata. Minsan nga ay mas gusto pa niyang kasama ang mga bata kaysa makipag-usap sa mga ka-edad niya. At alam niya na dapat turuan nang mabuti ang mga bata na sumunod at mahalin ang Panginoon, at siya’y nag-aalala sa pagpapabaya ng ilang pastor sa mga ito tuwing may pagsasama-sama ang mga iglesiya. Kaya naman sinabi niya sa mga ito na kailangan ay may gawin sa mga batang ito.

Nadagdagan siya ng pagkakataon na makapaglingkod—ngunit sa parte ng mga pastor na iyon ay hindi kalugud-lugod. Sinabi nila na siya na bahala sa mga bata, wala na silang paki-elamanan kung ano’ng gagawin noong tao. Iniwan nilang lahat sa kanya.

Hindi ako laban sa taong iyon, ngunit sigurado ako hindi ko ginawa, at hindi ko gagawin, na purihin ang ginawa ng mga pastor na iyon. Pinababayaan nila ang mga bata. At ang mga bata ay mga tao rin. At ayaw ng mga tao na mapabayaan, ngunit ang ginawa ng mga iyon ay pagpapabaya. Kung walang binanggit siguro ang taong iyon sa kanila, hindi nila iisipin ang mga bata.

 

Ano’ng mangyayari sa iglesiya ng kinabukasan? Kung ipagpapatuloy ng mga iglesiya (at tayo personally) ang mga ganitong kasanayan, hindi ako magtataka kung kinabukasan ang ating mga bata ay maging mga talikod sa pananampalataya. Ang iglesiya ng kinabukasan ay magiging iglesiya ng apostasy sa hinaharap.

Tingnan mo na lang ang mga nangyayari ngayon. Maraming malalaking iglesiya ang hinihiwalay ang mga bata tuwing worship service at nililipat sa tinatawag na children’s church. At imbes na matanggap nila ang parehong pagpapalang natatanggap ng mga kabataan at mga matatanda sa pangangaral ng Kanyang Salita ay kumakanta lamang sila o naglalaro o natutulog. Ang mga lesson na itinuturo sa Sunday School ay puro mga Bible story imbes na mga importanteng doktrina na itinuturo sa Sunday School ng mga kabataan at matanda. At may kilala ka bang nagdidisipulo ng bata? O nakapag-share ka ba ng Bible sa isang bata sa iyong soul winning?

Alalahanin po natin—ang mga bata ang iglesiya ng kinabukasan. At anuman ang tinuturo natin sa kanila o hindi tinuturo sa kanila ang magdidikta kung ano ang magiging kapalaran ng iglesiya ng kinabukasan—kung isang matatag na iglesiya ito o isang sira-sirang grupo ng mga tao.

Basahin po natin ang Deuteronomy 6. Dito ay muli kang mapapaalalahanan ng kahalagahan ng mga bata. Pansinin ang talata 6-7,

At ang mga salitang ito, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, ay sasa iyong puso; At iyong ituturo ng buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasalitain tungkol sa kanila pagka ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga at pagka ikaw ay bumabangon.

Isang paalala din sa atin ito, mga magulang. Tayo, higit sa lahat ang dapat na magturo at magsanay sa mga anak natin na malaman ang Salita ng Diyos at mabuhay nang tulad kay Kristo. Sa bahay dapat nagsisimula ang ating mga “Sunday School,” “prayer meeting”—mga kasanayan natin sa iglesiya—sa tahanan iyan nagsisimula. At kailangan natin silang turuan at sanayin.

Magkaroon tayo ng isang check-up. Obserbahan mo ang isang bata sa ating iglesiya (maaaring iyong anak) tungkol sa pananampalataya natin at mga kasanayan. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Doktrina. Tanung-tanungin mo siya tungkol sa mga pangunahing doktrina ng ating pananampalataya. Pareho kaya sa iyong pinaniniwalaan ang iyong anak? Kung hindi siya matatag dito ngayon, magiging mahirap na matutunan niya ito paglaki.

Pagdalo sa Iglesiya. Gusto niya bang um-attend o napipilitan lang siya? O sinanay mo ba siyang um-attend lamang ng umaga ng Linggo o pati gabi at Huwebes? Kung hindi mo pinapakita ang kahalagahan ng pagdalo sa iglesiya ngayon, malamang ay hindi rin niya matutunang dumalo sa iglesiya pagdating panahon.

Pagbibigay. May alam tungkol sa tithes, offerings o commitment ang iyong mga anak? Ngayon ba ay tinuturuan na silang gawin ito? Kaya ako natutong ibawas agad ang aking offering sa aking pera ay dahil sinanay ako noong bata pa ako na ibabawas sa baon ko yung tithes at offering.

Music. Ano’ng mga awit kaya ang paboritong kantahin ng bata? Puro kaya mga action song? Wala namang masama doon pero kung puro action song na lang at wala nang mga psalmo o malalalim na himno ng ating pananampalataya, malamang pagdating ng panahon ang aawitin niyan ay mga mababaw na Contemporary Christian Songs.

Pagsamba at Paglilingkod. Lumalaki ba ang bata na nagkakaroon ng malalim na pagkilala sa Diyos? Kapag kaya nakita niya ang Diyos eh, ano ang gagawin niya—luluhod o itatataas ang baba? Lumalaki ba siyang may kagustuhang maglingkod sa Diyos—mag-soul winning, umawit sa choir, o magturo? Ngayon iyan sinisimulan. Kung tamad sila ngayon sa church, bukas ganon din sila.

 

Ano ang mangyayari sa church of tomorrow? Nakadepende iyon sa atin. Itigil na natin ang pagpapabaya sa kanila. Linangin na lang natin sila na maging mga Cristiano na may takot sa Diyos. At sinong nakakaalam? Baka ang iglesiya ng kinabukasan ang siya pang muling magbaligtad ng sanlibutan—tulad ng ginawa ng unang iglesiya noon.

Obedience or Disobedience?

by Sis. Ella May Calderon

“…[F]or rebellion is as the sin of witchcraft, and stubbornness as iniquity and idolatry…”

(1 Samuel 15:23)

Disobedience. Simpleng pagsuway lang, pero hindi maliit iyon. Kung titingnan natin, pagsuway ang ginawa ni Saul sa kwentong ito. Ano nga ba ang nangyari? Inutusan kasi ng Diyos si Saul na patayin lahat ng mga Amalekites—lalake, babae, matanda, bata, buntis, maysakit o wala, pati hayop—walang ititira. Pero ano ang ginawa niya? Hindi niya pinatay ang mga magagandang hayop at mismo ang hari—in short, sumuway siya. Kung tutuusin ay mayroon naman siyang magandang intensyon (sayang nga naman yung mga tupa’t kambing)—pero ano ba ang sabi ng Diyos? “To obey is better than sacrifice.” Pero bakit kaya ang simpleng pagsuway na ito ay tinawag na agad Niyang “rebellion”? Dahil alam ng Diyos ang nasa puso natin.

Ano bang kinalaman ng pagsunod sa giving? Unang-una, ang pagbibigay ay inutos. Kaya pag nagbigay ka, sumunod ka na noon. Pero hindi lamang pera ang maaari nating ibigay. Kasali sa giving ang oras, talento at ung service natin.

Gusto ng Diyos na paglingkuran natin Siya. Gusto Niyang ibigay natin sa Kanya ang buhay natin. At kasali sa paglilingkod ang pagsunod. Maraming inuutos sa atin ang Diyos at isa nga rito ang pagpapasakop sa awtoridad. Awtoridad—sa eskwela, ang principal; sa munisipiyo, ang mayor; sa probinsya, ang gobernador; sa bansa, pangulo; sa bahay magulang, at sa church, ang pastor at mga guro. Awtoridad. Mahalaga na ito’y sundin.

Tulad nga ni Jesus: Sumunod Siya sa mga utos ng gobyerno na hindi naman laban sa Salita ng Diyos. May mga pagkakataon na maaari nating hindi sundin—yun ay kung laban ito sa Salita ng Diyos. Ngunit kung hindi, dapat tayong sumunod, lalo na sa mga pinuno natin sa iglesiya. Hangga’t hindi taliwas sa Bibliya ang utos sa atin, dapat sumunod tayo. Tandaan natin, wala naman silang iuutos na ikapapahamak natin. Kahit na hindi natin nauunawaan kung bakit, hangga’t wala namang mali, sumunod tayo. Isa pang ’di natin dapat kalimutan, ang pagre-rebelde ay tulad ng witchcraft (pangkukulam). Ibig-sabihin, ayaw ng Diyos ng pagsuway. Isipin natin, “Hindi naman tao ang talagang pinaglilingkuran ko, kundi ang Diyos.” And speaking of God, mayroon ba tayong dahilan para sumuway sa Isa na nagbigay ng buhay at kaligtasan?

Magpakabanal Ka! (A Story: Part 2)

Sa Elementary High School College, umaga…

Martin: Colette!

Colette: Oh! Martin! Musta?

Martin: Kaya naman pala. (iiling)

Colette: Ha?

Martin: May tsismis na kumakalat na nabuntis ka na raw ni Jefferson.

Colette: (nawalan ng kulay) Ano kamo? Buntis?

Martin: Siyempre, hindi muna ako naniwala. Pero hindi nga ako magtataka kung sakali.

Colette: (pinalo si Martin sa likod) Yabang! Bakit naman?

Martin: (tiningnan si Colette mula ulo hanggang paa) Tingnan mo naman yang itsura mo!

Colette (iikot-ikot): Bakit? Ano’ng problema dito?

Martin: Naka-pantalon ka, kaya kitang-kita yang hugis mo. Kaya nga kita napansin eh. Tapos para kang naka-sando, nilagyan lang ng kulay. Okay lang ba yan sa Mommy mo?

Colette: Pangit naman kasi pag nakapalda! Tsaka uso! At tsaka, oo, okay lang kina Mommy at Daddy. … At tsaka gusto nga ni Jeffer na ganito hitsura ko. Mas maganda raw ako.

Martin: Si Jeffer talaga! Huwag ka nang magsuot ng ganyan, ah! Parang wala namang alam ito sa modesty oh!

 1 Timothy 2:9: “In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with shamefacedness and sobriety; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array.” Ang problema sa karamihan, gusto talagang maglahad ng hugis! Isipin mo na lang kung ang suot mo ang suot ni Maria noon, papaniwalaan ba si Jesus?  Samantala, si Colette at Jefferson ay may date—matutuloy kaya? 1 Timothy 5:1-2: “Entreat… the younger as sisters, with all purity.”

Jefferson: (may kausap sa phone na patapos na) Yes, yes… opo, naintindihan ko po. Opo. Pasensya na po. Opo… Pagkakamali ko ho talaga yon. Oho. Sige po. Salamat po. Tatandaan ko ho iyan. Bye…. (sa isip) Buti na lang nabanggit sa akin ni Pastor. (naghanap ng bench at umupo) Dahil sa makalaman kong mga pagnanasa halos magalaw ko na si Colette. Wala namang nangyari sa amin, pero yon ang inisip ng mga tao! Buntis pa ang konklusyon! Lumabas pa na si Colette ang nangunguna. Hindi naman magdadamit si Colette nang ganon kung hindi ko sinabi. Masyado lang siyang obsessed sa akin kaya ginagawa niya ang gusto ko. Pero dapat tumigil na ’to.

Colette: (payakap na lumapit kay Jefferson) Jeffer, I’m here! Look at my out—

Jefferson: (pinigilan si Colette na yakapin siya) Colette, mayroon tayong problema. Colette: Problema? (tumingin sa mata) Ah… Oo, nabuntis mo raw ako.

Jefferson: Kasalanan ko ito Colette. We should have watched ourselves. (Pause) Mayroon ka bang pamalit?

Colette: Pamalit? (hindi makapaniwala) Gimme a break! Para yun lang?

Jefferson: Mali naman talaga ang magsuot ng ganyan eh. At tsaka hindi na tayo pupunta sa bahay ko.

Colette: We are not doing anything.

Jefferson: Yes, we are. Hindi masyadong malala, pero masama na tayong dalawa lang sa bahay. Kahit halik at holding hands lang tayo (at pati nga ang mga ito mali eh), hindi ganon ang iisipin ng tao. At sa tsismis, hindi lang tayo ang naaapektuhan, kundi pati ang mga magulang natin, Colette. I love you, but, I realized na against sa Diyos ang ginagawa natin. Do you get my point?

Colette: (pumameywang) Wala akong dala.

Jefferson: Kung ganon, ihahatid na muna kita.

Colette: Hindi na tuloy ang date natin? Ayoko!

Jefferson: I never said that! Sabi ko magpalit ka muna. Let’s go!

Ano’ng Mali sa Drums?

drum

Isang Imbestigasyon sa Tunay na Isyu ng Ating Musika

by Bro. Elijah Abanto

It needs to be settled. It needs to be cleared.

Marami pa ring mga Baptists ang hindi malinaw sa issue na ito. At dahil sa kakulangan ng kaalaman, maraming iglesiya na ang nagko-compromise pagdating dito—na nagresulta sa pagkasira ng mga Kristiano (Hosea 4:6).

At akala ng marami basta lamang tayo naniniwala na tama ang ganitong musika at mali ang ganoong musika—ang hindi nila alam ay puno ng biblikal na dahilan ang mga paniniwalang ito. Marami tuloy na mga miyembro—at pastor—ng mga iglesiya sa buong mundo ang nagko-kontrahan sa isyung ito. Ang dahilan—walang alam. At alam nating lahat na hindi bulag ang ating pananampalataya—may dahilan kung bakit natin pinaniniwalaan ang isang bagay—partikular na rito ang musika.

Ano nga bang mali sa drums? Drums ang karaniwang pinagtutuunan ng pansin pagdating sa isyu ng musika. Hindi pwede ang music na yan kasi may drums. Pwede yan kasi walang drums. Is that so? Mali. The issue of music does not only rely on the use of drums. Hindi. Maliit na bahagi lamang ang drums sa pinaniniwalaan natin. Malawak yan. Malawak. May narinig akong nagsabi na, “Okay lang naman sa akin ang drums,” and I will concede to that. Yes. May mga pagkakataon (bagaman napakakaunti) na walang masama sa drums. Ops, ops, ops! Bago ka mag-react, let’s study what music is first.

Ang salitang musika o music ay binase sa Ingles na salitang “muse,” na ang ibig-sabihin ay, “to think” o “mag-isip,” “isipin.” So from that maaari nating i-conclude na dapat ang musika ay isang pinag-isipan na bagay, hindi isang gawain na basta na lang ginawa. (Ngayon ay isipin niyo ang musika ng ating mga awitin at yung ‘musika’ ng mga ‘metal rock’ nilang sinasabi. Mukha bang pinag-isipan?)

Sa Webster’s dictionary, ang ibig-sabihin ng music ay, “any succession of sounds so modulated as to please the ear, or any combination of simultaneous sounds in accordance or harmony, which can be vocal or instrumental.” (Ngayon ay isipin mo kung ang hard rock ‘music’ ay nakakalugod sa tainga. Nakakabinge! At iyon ay “please the ear,” hindi “please the  flesh”  na ginagawa hindi lang ng mga musika ng mga worldly songs kundi ng mga ‘Christian’ songs na may drums!)

Now let’s be clear. May nangyayaring pagkalito sa pagitan ng mga terminong ito: music, lyrics, at song. Kadalasan ay napapaghalu-halo natin ang mga katawagang ito kaya tayo naguguluhan sa isyu ng musika. Ang musika ay ang pagkakaayos ng mga tunog o nota. Ang lyrics ay mga salita na nilalagay sa musika. Ang song ay ang resulta ng pinagsamang music at lyrics. Did you get it? Music ang tunog, lyrics ang salita, song ang pinagsamang music at lyrics. Ang pinag-uusapan natin ngayon ay music, ang tunog, hindi ang lyrics o song. So hindi natin tinutukoy dito kung tama ang message noong awit, kundi tama ba ang tunog? Tsaka lamang matatawag na Christian ang isang song kung parehong Christian ang music at lyrics. Get it? Now, hindi na natin kailangan pag-usapan ang mga salita dahil obvious naman kung pang-Cristiano o hindi, kundi ang musika—ang tunog, pang-Cristiano ba?

Ano ba ang pang-Cristianong musika? Dapat ay magbigay ito ng lugod sa ispiritu, hindi sa katawan o pag-iisip. At ang tanging nagbibigay-lugod sa ispiritu ay mga bagay na nagbibigay-lugod sa Diyos, dahil Siya ay Ispiritu. (John 4:24) Ngayon ay dito papasok ang tatlong elemento ng musika: ang melody (melodiya), harmony (harmonya), at rhythm (ritmo). Ang melody ang siyang pangunahing tunog ng musika, at ito ang madaling matutunan sa musika. Technically, ito ang soprano – ito yung tono ng awit pag kumakanta tayo sa kongregasyon, at ito ang kumikilos sa ating ispiritu. Ang harmony ang siyang pumapangalawa, at ito ay nakakaapekto sa ating isip at emosyon—technically, ito yung mga mahihirap na bahagi ng musika: ang alto, tenor at bass—kailangan ng masugid na pag-aaral bago mo magawa ang mga tonong ito. Ang rhythm ang siyang pisikal na parte ng musika. Ito ang nakakaapekto sa ating katawan. Dito na pumapasok ang bilis (tempo), lakas (volume), at diin (stress) ng musika. Lahat ay mahalaga, ngunit kung mayroon dapat sa lahat ng pagkakataon, iyon ay ang melodiya, dahil iyon ang kumakausap sa ispiritu. Pagnilaynilayan ang nakalagay sa ibaba:

Melody

Harmony

Rhythm

Kung sa laki ng letra natin pagbabasihan ang musika, dapat malaki ang melody, katamtaman ang harmony at maliit ang rhythm. Diyan mo sukatin ang musikang pinakikinggan mo. Nasa ayos ba ang tatlo? O ang mas nangingibabaw ay ang harmony, o rhythm?

Rhythm? Diyan pumapasok ang drums. Ang drums ba ay ginagamit in such a way na hindi nasasapawan ang melody? Most of the time not. And besides, if we please the flesh, na ginagawa ng drums, o ng rhythm in other words, hindi ba lumalaban iyon sa sinasabi ng Kasulatan? (Matthew 6:33)

At ang drums parang alak yan. Sige, sabihin natin na kaunti lang naman ang alak na iinumin mo—owws! Ang nagsisimula sa kaunting alak ay nauuwi sa bote-bote na nauuwi sa kahon-kahon! Ganon ang drums. Paano ba nagsimula yang ‘alive’ music na yan? Sa pahina-hinang drums. At ngayon?

Ano’ng mali sa drums? The facts speak for itself. And besides, ano bang dahilan ba’t tayo magda-drums ngayon kung hindi ito ginawa ng church for over 2,000 years?

Magpakabanal Ka! (A Story: Part 1)

Isang ordinaryong umaga…

(tunog ng alarm clock; ungol)

Medyo nagulantang si Martin sa ingay ng alarm clock. Kagabi kasi puyat na naman. Hindi naman puyat sa pagbabasa ng Bible o pananalangin kundi dahil katawagan niya ang crush niyang si Grace.

Martin: Alas singko y medya na pala! Kailangan ko nang maghanda. (makikita ang Bible sa ibabaw ng drawer) Bible, Bible… huwag na! Mamayang-gabi na lang. (tatayo at mukhang may maaalala) Ay! Magpe-pray pa pala! (uupo muli sa higaan) (pipikit at nagmamadaling nagsalita) Lord, salamat po sa araw na ito. Gabayan Niyo po ako. Sa ngalan ni Jesus, Amen! (tatayong muli at aalis sa kanyang kwarto)

 

Psalm 1:2, “But his delight is in the law of the Lord; and in his law doth he meditate day and night,” at sa 1 Thessalonians 5:17, “Pray without ceasing.”

Tapos ay naligo na siya. Habang naliligo…

 

(tunog ng shower)

Martin: (kumakanta) (any worldly song) (background: kumakanta pa rin si Martin) Ephesians 5:19, “Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs, singing and making melody in your hearts.”Mommy Claudia: (nakatayo sa gitna) Anak, ano yang kinakanta mo?Martin: (boses lang) Eh—Nay, wala po! Mommy Claudia: Anong wala? Anong Boo-boo ba yon? Ano bang pinagsasabi-sabi mo? Aga-aga kanta ng diyablo yang kinakanta mo! Kumanta ka ng Amazing Grace! (aalis sa gitna) Buti nga! Samantala, nagbihis na siya pagkatapos maligo. Nakahanda na ang almusal nang dumating siya sa hapagkainan. Martin: Ano yan, Nay?Mommy Claudia: Pritong itlog at sinangag.Martin: Na naman?Mommy Claudia: Oy, wag ka nang mag-reklamo! Baka wala akong ipakain sa iyo! Sabi sa 1 Thessalonians, In everything give thanks.”Martin: Sige na po. Sorry. (susubo)Mommy Claudia: Oy! Mag-pray ka muna! Sabi nang ‘in everything give thanks’ eh!Martin (pipikit at didilat): O yan na. (susubo)Mommy Claudia: Gusto mo Milo?Martin: Sige, Nay.Mommy Claudia: (ilalapag sa mesa ang mug ng Milo) O yan.Martin: Thanks. Mommy Claudia: (ngingiti) Anak, may bago na namang tsismis sa church!Martin: Pang-isang milyon na ba yang tsismis na sasabihin niyo, Nay? Mommy Claudia: (ngingiwi) Ano ka ba naman anak? Siyempre para hindi mo na ito gawin? By the way, si Jefferson daw nabuntis si Colette!Martin: (napatayo) Nabuntis?Mommy Claudia: Oo. Sayang ano? Kasi naman ’tong si Colette ay masyadong mainit! Bumigay lang daw ’tong si Jeff. Martin: (umupong muli) Sayang talaga. Kumpirmado na ba?Mommy Claudia: Hinde, narinig ko lang.Martin: Ay, ano ba naman yan! Hindi pa pala!Mommy Claudia: Eh malay mo kung totoo.Martin: Si Nay naman oh. Pasabi-sabi pa kayo na nauna si Colette eh hindi pa pala kumpirmado. Kaibigan ko pa naman yung dalawa. Baka nasira na sila sa akin kung kumpirmado na yon.

Proverbs 16:28: “A froward man soweth strife: and a whisperer separateth chief friends.” Malaking isyu ang tsismisan sa church, at kahit gaano pa kaayos ang buhay mo, kung tsismoso/tsismosa ka, mali din ang katayuan mo sa harap ng Diyos.

Lobo sa Damit ng Tupa?

Ang Tunay na Mukha ng Tsismis

by Mark D. Roberts

Napansin mo ba kahit isang beses kung paanong may mga kasalanan na madaling makatawag-pansin ng lahat samantalang ang ibang kasalanan naman ay hindi pinapansin? Kadalasan, tinututok natin ang spotlight ng panghuhusga sa maliliit na kasalanan ng iba—habang ang atin namang mga kasalanang kasinlaki ng troso ay pinapalabo ang ating mga paninging moral.

Tsismis ang isa sa mga kasalanan na napakadaling lumipad palayo sa ating radar. Kaya nating magkwento sa ating kaibigan ng malalaki at masasamang kasalanan ng iba na hindi man lang naiisip na, sa paggawa nito, tayo mismo ay gumagawa din ng sarili nating malaki at masamang kasalanan. Madali nating napapaliit ang ating pagsuway, kadalasan sa pamamagitan ng pakunwaring pag-aalala para sa ibang iyon. Sa tingin naman kasi natin, higit sa lahat, ay mahalaga ang maging tapat. Pero, ang pagtsitsismis ay maaaring kainin ang ating mga puso at maging ang buhay ng ibang tao.

Sa madaling salita: Ang tsismis ay pag-uusap tungkol sa ibang tao sa likod nila. Karaniwan nitong laman ay mga negatibo at pribadong detalye na nilalagay ang isang indibidwal sa masamang posisyon. Bagaman maaari na hindi naman ganoon kaskandaloso ang nilalaman ng diskusyon, ang ating mga walang ingat na mga pananalita ay maaari pa ring makasakit.

Ano Ba’ng Masama Sa Tsismis?

Tinatawag lang naman ng Biblia ang walang-kwentang usapang ito na kasalanan, tuldok. Kung ikaw ay napapaisip na ang tsismis ay isa lamang maliit na pagkakamali, pansinin mo na lang kung paano ito ilarawan ng Romans 1:29-30: ito ay “hindi matuwid,” kasama sa kategorya ng “kasakiman, masamang hangarin, inggit, pagpatay, paglalaban-laban, panlilinlang, hangaring manakit,” paninirang-puri, at kayabangan. Anumang may kaugnayan sa pagpatay at masamang hangarin ay mas malamang na may mapanirang kapangyarihan!

Matinding makasira ng mga relasyon ang tsismis: ito ay “… nakapaghihiwalay ng pinakamatalik na magkaibigan” (Kawikaan 16:28), nagbubunga ng paghihiwalay, galit, at kapaitan. Magpakita ka sa akin ng isang church na puno ng tsismisan, at magpapakita ako sa iyo ng tahanang hati, napaghiwalay ng sakit at kawalan ng tiwala. Ngunit gaya ng sinasabi ng isang kawikaan, “Kung saan walang kahoy, doon ay nawawala ang apoy: kaya kung saan walang tagatsismis, doon nawawala ang sigalutan” (26:20).

Mukhang Okay, Pero Pasama Pala

Ang pakikipag-usap tungkol sa iba ay maaaring makalikha ng bulaang pakiramdam ng pagiging matuwid ng sarili. Kung nakakalaklak ka ng nakakalasong alak ng tsismis, alam mo na sa likod ng panlabas na pag-aalala, sa totoo lang ito ay “tungkol lahat sa akin.” Sa katotohanan, kadalasan nating ibino-broadcast ang mga sikreto o pagkakamali ng iba, para sa atin ding kapakinabangan, bagaman manumpa tayo na para din sa kaniya. Hindi lang natin pinapayabang ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakita na “alam ko iyan,” ngunit atin ding ipinapahiwatig na mas matino tayo kaysa sa ibang tao.

Ang tsismis ay nakakatukso: kapag tayo’y nangtsi-tsismis, pakiramdam natin tayo ay mga taong mas mataas ang moralidad. Mas matindi, kung nagawa mo ito sa prayer meeting (sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang “alalahanin” tungkol sa isang indibidwal), nakakaramdam ka ng kakuntentuhan na para kang isang ispiritwal na higante. Ngunit ang panandaliang “kasiyahan” na iyon ay hindi mo maikukumpara sa maaari nitong maging bunga—sa church o sa iyo mismong sarili.

Ang Tupa ay Lumalaban

Sa pamamagitan ng pagtsi-tsismis, mukhaan nating ipinakikita na tayo ay mga makasalanang na nalinlang ng sarili na kulang sa paglago upang pagkatiwalaan ng pribadong impormasyon. Ouch. Ating tahasang sinusuway ang Salita ng Diyos at sinisira ang Kanyang katawan.

Ngunit may pag-asa pa! Hindi natin kailangan na mahuli sa mga ngipin ng tuksong ito.

  1. Kilalanin ang tsismis sa kung ano ito. Kung tinatawag ito ng Biblia na kasalanan, dapat lamang na ituring din natin itong kasalanan. Kapag nagsasalita tayo ng laban sa kapwa, ito ay halos palaging mali. (Mayroong mga pagbubukod kapag ang pagsasalita ay tama, tulad ng pag-uulat ng isang krimen o pagsasabi sa mga magulang tungkol sa mapanganib na pag-uugali ng kanilang anak.) Kung natutukso ka nang magtsismis, huwag mo nang isipin pa—hayaan ang Banal na Ispiritu ang magdala ng conviction sa iyo at dalhin ka sa pagsisisi.
  2. Unawain ang lawak ng pwedeng sirain ng tsismis. Binalaan ni Santiago ang iglesiya, “Ang dila … ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. … Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung tayo nabubuhay.” (3:5-6) Ang isang bagay na mukhang hindi naman nakakasakit sa simula ay sa totoo lang ay isang nakamamatay na virus na nagbabanta sa kalusugan ng iglesya. Kung tayo’y nagmamalasakit sa pagkakaisa ng iglesya tulad ng Panginoon (Juan 17:20-21), tayo’y mag-iisip muna bago magsalita.
  3. Gamitin ang kapangyarihan ng iyong mga salita upang makapagpalakas at makapagpatibay ng iba. Sinasabi ng Santiago 3:2-4 na, tulad ng timon ng barko, ang maliit na dilang ito ang magdidikta ng ating kahihinatnan—buhay o kamatayan. Kapag nakita natin na ang ating mga salita ay mayroong kapangyarihan upang gumawa ng mabuti at masama, titigil na tayong maliitin ang sakit na maidudulot ng tsismis at sisimulan mo nang gamitin ang mga ito upang palakasin ang iba, kahit na hindi tainga sa tainga.
  4. Kung ikaw ang tsini-tsismisan, sadyain na purihin ang pinagkakatsismisan, upang mapalitan ang masasakit na salita nang totoong pagpapatibay. Kapag sinagot ang isang malisyosong balita ng isang salita ng totoong pagpapalakas-loob ay maaaring ihayag ang kasalanan ng tsismis; sa proseso, pwede nitong itigil ang taong nangts-tsismis at ito ay magsisisi at makipag-ayos. Ipinapaalala ng 1 Pedro 4:8 sa atin, “Ang pag-ibig ay tumatakip sa maraming kasalanan.”

Kapag ating tinalikuran ang tsismis—na isang pagsisikap sa pagpapatibay ng sarili—makikita natin na tanging ang Diyos lamang ang magpupuno ng ating pangangailangan para sa ating halaga at tiwala. Madidiskubre din natin ang ligaya ng paggamit ng mga salita upang magbigay-buhay at pagkakaisa sa iglesiya.

Fear (A Poem)

by Elijah Abanto

I tremble, I shake, sometimes I break

I think, “This is more than I can take,”

Here he comes, oh here he comes

FEAR, with his ugly, big thumbs.

 

He prowls, he prowls, shout does He

Insults, revilings, or threats they may be.

And insult, revile, threaten he did—

All I could do is watch while I hid.

 

But then I realized, there’s still one bigger Giant

“I’m more powerful, more strong,” He did grant

So why should I tremble, shake, or break

When God, my Savior, is the Refuge I take?

 

Now O Fear, how I know to defeat you, my dear!

I’ll just listen to the voice of God, I now hear

And follow what He says, and do what He wills

And I will take COURAGE, and kill you, you Fear!

Ang Walang Mayroon

by Elijah Abanto

Nalaman na natin na ang pagiging Kristiano ay puno ng mga magkabaligtad-magkaugmang mga bagay (paradox). Halimbawa, sa pag-uusig ay dapat tayong magsaya. Mas pinagpala ang magbigay kaysa tumanggap. Ang krus, na sa panahon ng Romano ay simbulo ng kaparusahan, ay simbulo na ngayon ng pag-asa at kaligtasan. At kapag binasa mo pa ang Mateo 5:1-12, mamamangha ka sa kung paanong ang mas masaya o  pinagpala ay kabaligtaran ng inaasahan natin.

At kung mayroon mang tao na nakaintindi at tumupad ng mga paradox na ito, ay hindi maitatangging isa rito ang Anak ng Taong si Jesus. Ang taong pinakamahirap sa lahat ng taong nabuhay sa lupa ang Siya pang pinakamayaman din sa buong sangkatauhan. Ang Walang Mayroon. (!)

Siya ang pinakamahirap. Pinanganak siya sa sabsaban. Pinalaki siya sa pamilya ng isang mahirap na karpintero. Nang siya ay idedika sa templo, imbes na isang mamahaling tupa ang gamitin, ay dalawang kalapati lamang ang inihandog. Para makapunta sila sa Jerusalem noong siya ay mag-12 years old, kailangan nilang maglakad na pamilya—at hanggang paglaki niya, sa kanyang ministeryo, ay wala siyang karwahe, o kahit man lang asno (donkey) ay wala—noong kailangan niya ng isa ay nanghiram pa siya. Para makabayad siya ng buwis, pinangisda niya pa si Pedro. Para gumawa ng halimbawa, kinailangan niya pang manghiram ng barya. Nakikikain lamang siya sa mga pista, selebrasyon at mga kaarawan—minsan ay kumukuha pa sila ng butil ng mais sa pananim ng iba—na pribilehiyo sa mga mahihirap `pag tag-ani. Wala siyang bahay—hindi niya alam kung saan niya iuunan ang kanyang ulo `pag gabi. Kahit Bible wala din siya. Ang iisang damit na pag-aari niya ay kinuha pa sa kanya nang ipako siya sa krus. Nilibing din siya sa libingang pag-aari ng kanyang alagad. Mahirap siya. Pero bakit…?

Siya ang pinakamayaman. Isipin mo na lamang kung ano’ng ginawa Niya sa tatlong taon Siya na naglingkod sa tao. Isa Siyang ‘modernong doktor’: nagpagaling Siya ng mga may-sakit—bulag, bingi, pipe, lumpo, may ketong, dinudugo. Mayroon Siyang ‘advanced technology’—nakabuhay Siya ng patay, nakapagpakain Siya ng limang libo, at nakapagpatigil ng unos. Sa dami ng taong nabigyan Niya at mga bagay na naibigay Niya, iisipin mo rin na Siya ay mayaman.

Paano kaya yon? Isang taong walang-wala ang Siya pa mismong nakapagbigay ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay? Huwag mong sabihin na kaya nagkaganoon ay dahil Diyos Siya, bagaman tama iyon. Hindi lang iyon. Ibig sabihin lamang noon ay binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng kakayahang magbigay. Walang pwedeng maidahilan ang tao sa Diyos para hindi siya makapagbigay—dahil bawat isa ay binigyan ng kakayahan para gawin iyon—mapamayaman man o mahirap.

Alam niyo ba na ang maaaring dahilan kung bakit binigyan ng awtoridad si Jesus na magpagaling at gawin ang mga ginawa Niya ay dahil wala Siyang kahit-anong pag-aari? Malamang kung naging mayaman o may-kaya kahit papaano si Jesus ay hindi na Siya bibigyan ng ganitong  kapangyarihan, dahil mayroon na naman Siyang ibibigay—ang Kanyang pera at pag-aari. Ngunit dahil walang-wala Siya, ay binigyan Siya ng ganitong kapangyarihan ng Diyos—naaalala niyo ba na kahit ang damit Niya ay ginamit para makagawa Siya ng himala? Iniisip ko minsan na kung sakali siguro na isa sa atin ay wala na talagang pag-aari ay baka bigyan din ng kakayahan ng Diyos na gumawa ng himala para may kakayahan siyang makapagbigay. (Malay mo!) At kung anuman na mayroon si Jesus, ay kitang-kitang ibinigay Niya iyon lahat—pati Kanyang buhay. Kaya Siya naging pinakamayamang pinakamahirap. Dahil ibinigay Niya ang mayroon Siya.

Tayo ay may bahay, salapi at mga pag-aari—nagawa na ba nating magbigay mula rito? Alam na natin ang mag-ikapu, mag-offering, mag-commit—pero yung mas malalim pa na pagbibigay—nagawa na ba natin? Yung buhay ba natin ay inalay na rin natin sa Kanya para gamitin sa anumang paraan na maisip ng Diyos? Bakit di natin gawin? Baka maging Walang Mayroon din tayo—ang mahirap na mayaman.

Tamang Gamit Naman Oh!

by Elijah Abanto

Hayaan niyo pong isa-isahin ko ang mga bagay na ipinagkatiwala sa atin ng Diyos:

clock

Time (oras). Ang pinakamahalagang binigay sa atin ng Diyos para gamitin ay ang oras. Lahat ng tao sa mundo ay may pare-parehong bilang ng oras na natatanggap (24 oras kada araw)—walang sobra, walang kulang. At inaasahan ng Diyos na ang bawat segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon ay ginagamit natin nang may katuturan at naaayon sa Kanyang gusto. Mas mainam pa na mabuhay ka ng 20 taon sa mundo na naglingkod ka sa Diyos kaysa 100 na taon na ginamit lamang para magbisyo at pumunta sa party kaysa church. (Ephesians 5:16)

choir

Talent (kakayahan). Bawat isang tao ay may kakayahang natanggap sa Diyos, at nararapat lang na gamitin natin ang mga kakayahang ito para sa Kanya. Nakita naman natin sa Biblia kung paanong ginamit ng mga alagad ng Diyos ang kung anong mayroon sila para sa Diyos: si Moises ay may tungkod, yung balo ay may dalawang kusing, si Elias ay may mantel, at si Dorcas ay may karayom at tela. (Maaari mong alamin kung paano ginamit ng bawat isa ang kung anong mayroon sila sa Biblia o magtanong ka sa isang may alam na Kristiano.) Nagagamit mo ba ang sa iyo?

fruits

Body (katawan). Bakit ba tayo nagsusuot ng maayos na damit? Bakit ba tayo hindi naglalasing at naninigarilyo? Bakit ba tayo nagpapahinga at natutulog? Bakit tayo kumakain ng masustansya? Dahil isa rin ang ating katawan sa pinagkatiwala ng Diyos sa atin. Oo nga may 24 oras ka nga, may talento ka, ngunit sakitin ka naman, kung hindi naman maayos ang paggamit mo sa iyong katawan? Wala din. Unang-unang ginagamit natin upang makapaglingkod sa Diyos ay ang ating katawan, kaya dapat lamang nating ingatan. (1 Corinthians 6:19-20)

tract

Gospel/Salvation (ebanghelyo/kaligtasan). Hindi tayo niligtas ng Diyos para lang pumunta ng Langit at maligtas mula sa Impyerno—may dahilan kung bakit tayo naligtas. Nakapagbabahagi ba tayo ng Ebanghelyo sa mga hindi pa naliligtas? Hindi na kailangan ng Soul Winning Program para gawin iyon! (1 Peter 4:10; Romans 1:14; Mark 16:15)

Opportunities (mga pagkakataon). May mga pagkakataon na binibigay sa atin ang Diyos na maaari nating gamitin para makapag-lingkod sa Kanya. Nagagamit ba natin o pinapalagpas lamang natin? Dapat nating sikapin na ito’y kunin at gamitin para sa Kanya.

cash

Money and Possessions (salapi at mga pag-aari). Saan mo ginagamit ang iyong “mammon”? Diyan malalaman kung isa kang mabuting katiwala ng Diyos. Dapat ay nag-i-ikapu at nagbibigay-handog ka. Ngunit hindi lamang doon nagtatapos—maghanap tayo ng paraan para makatulong sa kapwa—at kung mayroon tayo magbigay tayo. (Deut. 8:18; Malachi 3:10)

Ngayon, tanong—nagagamit ba natin ang mga bagay na ito nang tama at maayos? Hinilihiling ko sa Diyos na sana ay nasa tama tayo.

May salitang kanto na kapag mali ang pagkagamit ng isang bagay o pananalita ay sinasabihan ng, “Tamang gamit naman oh!” at kapag ako ay nagaganon ay nag-iisip ako kung may mali akong ginawa (o kung mayroon man, eh mangangatal na akong magsalita). Masasabihan kaya tayo ng Diyos ng ganitong ekspresyon? Kung sakaling tingnan Niya ang iyong mga “records,” matutuwa kaya Siya? O masasabi Niyang “Tamang gamit naman oh!”

Nawa ay hindi. Sa tulong ng Diyos, gamitin natin ng totoong tama ang mga pinakatiwala Niya sa atin.

Hindi Na Mabigat

pail of water

by Elijah Abanto

Timbang puno ng tubig. Matabang tao. Kaldero ng kanin. Bag na puno ng libro. Mesa. Kilu-kilong bigas at karne.

Ano’ng pumapasok sa isip mo?

Sa tingin ko mabasa mo pa lang ang mga salitang ito nabibigatan ka na. Parang pasan-pasan mo na ang buong mundo.

Ano’ng pumasok sa isip mo?

Mabigat.

Ang salita pa lang na ito ay mabigat na bigkasin.

Mabigat.

Ini-imagine mo pa lang parang hindi mo na matagalan—parang gusto mo nang ipasa kahit wala naman.

Tutal nag-i-imagine na rin lang tayo, imagine-in mo nang may dala kang napakabigat na bagay. Iniisip mo na dapat ingatan mo ito nang maigi. Ingat ka nang ingat. Ayan, ayan… Dahan, dahan lang… O kaya naman dahil sa’yo naman sa tingin mo, ay kung papano na lang… Magtapon na lang kaya ako ng iba… Pagkatapos maya-maya ay may lumapit sa`yo at nagsabi, “Akin po yan.” Ano kayang mararamdaman mo?

Titingnan mo nang maigi yung gamit tapos…

Mapapaupo ka. Ang bigat ay biglang mawawala.

Ano kamo? Sa’yo?

“Oo nga pala, pinagkatiwala mo lang pala sa akin.” All of a sudden para sa isang ingat-na-ingat, ay mawawala ang bigat at sasabihin sa may-ari, “Tulungan mo naman ako.” At sa isa na kung papano na lang ay lalaki na lang ang mata ay, “Sorry, paano na yan? Natapon ko na ang iba!”

And yet think of this—halos-lahat ay either of the two sa simula. Do you know na ang lahat ng mayroon tayo ay hindi talaga sa atin?

“The earth is the Lord’s, and the fullness thereof; the world, and they that dwell therein” (Psalm 24:1).

“For every beast of the forest is mine, and the cattle upon a thousand hills. I know all the fowls of the mountains: and the wild beasts of the field are mine” (Psalm 50:10-11).

“The silver is mine, and the gold is mine, saith the Lord of hosts” (Haggai 2:8).

Kaya tayo hirap-na-hirap sa mga bagay na mayroon tayo (kabilang ang pera), ay dahil hindi natin napapagtanto na hindi talaga sa atin ang mga iyon, kundi mga bagay lamang na ipinagkatiwala. At tulad ng ingat-na-ingat ay hihingi tayo ng tulong sa Panginoon, na Siya talagang nakakaalam kung paano iyon gagamitin. At para sa nagbalewala, ay hindi tayo magkandatuto sa pagsisisi, at maaaring ngayon ay binabayaran na natin ang mga sinayang natin.

Nangyari na ito sa akin. Minsan ay masyado na akong nabigatan sa hawak-hawak ko, hindi ko na alam ang gagawin. Ngunit nang Makita ko ang Panginoon sa mga bagay na ito, simula noon ay magkatulong na kaming nagdadala ng bigat—at mas magaan na.

Hindi na mabigat.

Hindi na mabigat.

Di ba ang sarap ng pakiramdam?

Kailan natin yun mare-realize? Mas mabuti, ngayon pa lang ay humingi na tayo ng tulong, at huwag na tayong magpabaya.

At alam niyo isang paraan ng pagpapagaan?

Para maging magaan?

Pagbibigay.