Life Stories: Masaklap na Katuparan (Based on a True Story)

“Children, obey your parents in the Lord: for this is right. Honour thy father and  mother, which is the first commandment with promise, that it may be well with thee, and thou mayest live long on the earth” (Ephesians 6:1-3, KJV).

Hindi pwede, Lenny*.”

Humingi siya ng permiso sa ina at ama na pumunta sa resort pagkatapos ng prayer meeting sa church para i-celebrate ang 3rd anniversary nila ni Levi* bilang mag-boyfriend. Tapat naman siya sa magulang tungkol sa kanyang relationships, at isa pa, tapat din sa church si Levi. Kaya nagtataka siya kung bakit ayaw siyang payagan ngayon ng magulang. “Bakit Ma? Wala naman kaming gagawin ni Levi doon, eh.”

“Basta, Lenny,” sabi ng kanyang ina bago magsimula ang service. “Gabi na, baka ano pang mangyari sa iyo. Si Papa mo na rin may sabi, huwag ka nang mangulit.”

Magsasalita pa sana siya nang magsalita na ang song leader para sa pag-awit. Habang kumakanta ay nasabi niya sa sarili, Basta, pupunta ako doon. Nothing will happen to me.

Sa buong prayer meeting service ay hindi siya nakinig. Pasikreto siyang nakipag-text kay Levi. Um-absent ito para sa event na iyon. Kaya hindi niya dapat ito biguin.

Mag-e-eight fifteen ng gabi natapos ang service. Wala sa loob siyang nakipagkamay sa mga miyembro. Tapos ay pumuslit siya palabas ng auditorium para makaalis na agad at huwag nang makita ng magulang. Agad siyang pumara ng jeep na papunta sa resort na sinasabi ni Levi. Tumigil naman ito at siya ay sumakay.

‘Saan ka na?’  na-receive niyang text mula kay Levi habang bumabiyahe siya.

‘Papnta n jan nkasakay na aq sa jeep,’ reply niya rito.

Tiningnan niya ang phone niya. Mag-a-alas-nuwebe na wala pa rin siya sa destinasyon. Sabi ni Levi fifteen minutes lang daw ay makakarating na siya roon.  Eight-twenty pa siya nakaalis sa church. Bakit ganon?

‘Nasan k n?’ na-receive niyang text mula kay Levi.

‘Kinakbhan aq, parang iba na2ng dnadaanan namin.’

“Obey your parents in the Lord…”

“Hindi pwede, Lenny.”

Isa-isang bumabalik sa utak niya ang mga sinabi sa kanya—una ang Salita ng Diyos, pangalawa ang salita ng kanyang ina.

“Gabi na, baka ano pang mangyari sa iyo…”

Tumingin siya sa driver. Halatang mabilis ang patakbo nito sa dyip. “Driver, nasaan na po tayo?”

Hindi man lang lumingon ang lalaki.

Kinakabahan na siya. Mukhang alam na niya kung ano ang mangyayari. Hindi man lang siya makakatakbo dahil hindi naman niya alam kung saan siya pupunta.

“That thou mayest live long on the earth.”

At dahil sumuway siya sa kanyang mga magulang, isang masaklap na katuparan ng hula ng Biblia ang matutupad sa kanya—ang kanyang katapusan.

Charity Begins at Home

charity

by Mrs. Olivia Abanto

As we have therefore opportunity, let us do good unto all men, especially unto them who are of the household of faith.

—Galatians 6:10

Maraming mahahalagang kagawian ang halos hindi na makita kahit sa ating mga Kristianong pamilya. Isa sa mga ito ay ang kabaitan o gawang kabutihan sa loob ng tahanan. Tila mas madaling magpamalas ng kabaitan o kabutihan, kahinahunan o pagpitagan, katiyagaan o pagpapasensiya sa labas ng tahanan. Mas madali ring maging maingat sa pagbibitiw ng mga salita na maaaring makasakit sa damdamin ng iba. Mas magaan magbahagi ang isang kalaro ng kanyang pagkain o laruan sa kanyang kalarong kapit-bahay.

Dito nating higit na mauunawaan ang sinasabi ng Biblia na ang kalikasan ng tao ay laging salungat sa Espiritu ng Diyos, hindi nakakapagtataka kung bakit ang pangkaraniwang tao ay ganito at kahit na tayong mga Kristiano ay nagpapatuloy pa rin sa ating mga maling gawi sapagkat ang lumang pagkatao ay nasa atin pa rin. Ang kaibahan nga lamang ay mayroon na tayong maka-Diyos na kalikasan na may pagnanais lumaban at magtagumpay sa lumang kalikasan upang matupad ang kalooban ng ating Ama. Kung may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti para sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa ating mga kasambahayan ng pananampalataya. Kaya dito natin paiiralin ang kasabihang “Charity begins at home.”

Maingat nating pagbulay-bulayan ang katotohanang ito. Ako ba’y totoo sa aking pagka-Kristiano? Ako ba’y Kristiano sa harap ng ibang tao, kung kaya’t nagagawa kong maging mabait at mahinahon? Alam kong nanatili pa rin akong Kristiano kahit ang sarili kong kapatid sa pananampalataya o sa laman ang kaharap ko, sariling asawa, sariling magulang at sariling anak, kung kaya’t magagawa ko pa rin ang parehong katangian. Ito’y patuloy kong gagawin nang may higit na mabuting kalooban para sa aking mga kapatid sa pananampalataya.

Napansin kong higit na binigyan ng pahalaga ng Salita ng Diyos ang karelasyon sa pananampalataya dahil hindi nga laging ang buong pamilya ang kumikilala sa Panginoong Hesus. Ito ang naghihiwalay sa relasyong pampisikal sapagkat makikita o natatanto ang kahalagahan ng mga bagay at kahit ng relasyon ayon sa itinatagal nito. Ang pisikal na relasyon ay natatapos sa kamatayan, datapwa’t ang ispiritwal na relasyon ay walang hanggan. Nawa nga mga kapatid, anak at kaibigan sa pananampalataya higit nating ipakita at ipadama ang ating pagpapahalaga, kabutihan, kabaitan at kahinahunan sa isa’t isa. Sa gayon matutupad natin ang kalooban ng Diyos na “Charity Begins at Home.”

Subukan nating isaalang-alang ang mga katotohanang ito para sa ating mga kapatid.

1) Ako’y tinanggap ng Panginoon bilang isang anak sa kabila ng aking kapintasan.

2) Ako’y pinatawad sa lahat ng karumihan at kasalanan.

3) Ako’y patuloy na minamahal at inaaruga sa kabila ng aking pagsuway.

4) Sa kahabagan at biyaya Niya ako’y walang hanggang makakaranas ng pagkupkop sa piling Niya.

Ganito tayo kahalaga sa ating Panginoon, kaya pahalagahan din natin ang isa’t isa. BD

 

The Church Must Not Die

RIP CHURCH

by Pastor Felizardo Abanto

“Without God and the doers of the Word, our ministry here in Cavite will die.” We do not have a book in the Bible entitled “The Sermons of the Apostles.” What we have is “The Acts of the Apostles.” The history of the first Baptist Church is about what the Apostles did, particularly the ministries of Apostle Peter and Paul. Even Muslims recognize that without the Apostle Paul the gospel of Jesus Christ will not spread throughout the then known world. Without the doers of the Word in our church, I mean if our members here and abroad will not obey the Bible, then no one will go out soul winning, no one will give tithes and offerings, no one will give to missions, no one will preach and teach the Word. We may be physically present but will be as unprofitable and unproductive as the fig tree which was cursed by the Lord and died an untimely death. We do not want that to happen to us. We want to be like the Blessed Man of Proverbs chapter one. We want to be like Onesimus, who was before unprofitable but because of  Apostle Paul became profitable, to him and to the ministry. We want to be like the house of Stephanus who have “addicted themselves to the ministry.” We want to “adorn the doctrine of God our Savior” by our exemplary behavior. We want that whatever we do, whether we eat or drink, we do everything for the glory of our Lord and Savior Jesus Christ.

LAUGH! Lighten Up

Nang kami’y nagmamaneho sa Pennsylvania Dutch county, ang aking pitong-taong-gulang na apo na si Michael ay hindi maalis sa kanyang isip ang mga Amish doon. “Lolo, bakit mas gusto nila ng kabayo imbes na kotse?”

“Dahil hindi sila naniniwala sa automobiles,” paliwanag ng kanyang ina.

Tahimik si Michael nang sandaling panahon nang muling magtanong, “Hindi ba nila ito nakikita?” —Christian Reader 1996

Si Barbara, ang limang-taong-gulang kong anak, ay sumuway sa akin kaya pinagkulong ko siya sa kanyang kwarto. Pagkalipas ng ilang minuto, pumasok ako doon para kausapin siya tungkol sa kanyang ginawa.

Naluluha, nagtanong siya, “Bakit tayo gumagawa ng maling bagay, Mommy?”

“Well,” sagot ko, “may mga panahong sinasabihan tayo ni Satan na gumawa ng mali at nakikinig tayo sa kanya. Imbes ay sa Diyos dapat tayo makinig.”

Nang marinig niya iyon suminghot siya at nagsabi, “Ayaw naman kasi Niya magsalita nang malakas!” —CR 1996

 

Bible Facts: Prophecies Fulfilled

Karamihan sa mga propesiya ng Biblia ay napatunayan ng mga nakasulat na kasaysayan—at ang kahanga-hanga ay sinabi ang hulang ito sa panahong hindi kapani-paniwalang matutupad ito. Ito ang ilan:

  • Na ang templo ng Israel ay mawawasak (Daniel 9:26b), ay natupad noong 70 A.D. sa pamamagitan ni Emperor Titus ng Rome. Sinabi ang hulang ito sa panahong hindi pa naitatayo ang templo.
  • Na magkakaroon ng malawakang pagtalikod sa daigdig o apostasy (Luke 18:8), ay kasalukuyang natutupad sa ngayon. Hinulaan ito sa panahong hindi pinaniniwalaan ng karamihan si Jesus.
  • Na magiging mga witnesses ang mga tagasunod ni Kristo sa kadulu-duluhang bahagi ng daigdig (Acts1:8), ay kasalukuyang tinutupad ng ating missions movement. Hinulaan ito sa panahong nagsisimula pa lang ang Iglesiya.
  • Na babalik ang lahi ng Israel sa kanilang lupain pagkatapos maikalat sa buong mundo (Ezekiel 37), ay natupad simula noong 1881 hanggang sa kasalukuyan. Hinulaan ito sa panahong nasa captivity ang Israel sa Assyria at Babylon lamang.

 

Great Quotables

To find truth, look to Christ. —Our Daily Bread

The Bible is old, but its truths are always new. —ODB

Many books can inform you; only the Bible can transform you. —ODB

The world’s riches are fool’s gold compared to God’s Word.

—ODB

We must adjust our lives to the Bible—not the Bible to our lives.

—ODB

The Bible is the constitution of Christianity. —Billy Graham

God walks in the Holy Scriptures, seeking men.

—St. Ambrose

 

Parenting: Train Not to Touch

TRAINING NOT TO TOUCH

Mayroong kaligayahan at satisfaction na naidududulot ang pagsasanay sa anak. Ito ay madali at nakaka-challenge. Kapag ang iyong anak ay gumagapang na (o di kaya’y gumugulang) sa loob ng iyong kwarto, subukang isagawa ang pagsasanay na ito.

Maglagay ng kaakit-akit na bagay sa kung saan ay maaabot nila ito, maaaring sa mesa na mababa at may mga babasaging displays. Kapag nakita nila ito at sinubukang lapitan upang kunin iyon, sa mahinahong boses ay sabihin mong “No, huwag mong hawakan iyan.” Agad silang magiging pamilyar sa “No” o “Huwag” kaya’t mapapahinto sila, titingin sayo nang may pagtataka, at pipihit din ulit at kukunin ang bagay na nakaakit sa kanya. Kunin ang kamay niya at ilayo at mahinahon pa ring sabihin “No.” Tandaan, hindi ka nagdidisiplina kundi nagsasanay. Isang tapik sa kamay at pagpihit dito ay sapat na. Hihilahin ulit nito ang kanyang kamay at maiisip niya ang kaakit-akit na bagay, ang naisin niyang makuha ito, ang utos sa kanya, at ang kaunting sakit na naramdaman niya. Maaaring abutin kayo ng ilang beses na paulit-ulit, ngunit kung ikaw ay magpapatuloy lamang, ay matututo din silang magpatuloy na sumunod sa iyo kahit wala ka sa paligid o hindi mo sila nakikita.

 

PLANT YOUR TREE IN THE MIDST OF THE GARDEN.

Noong naisin ng Diyos na “sanayin” ang Kanyang unang dalawang anak na huwag humawak, hindi Niya inilagay ang ipinagbabawal na bagay sa kung saan hindi nila ito maaabot. Sa halip, inilagay Niya ang “Puno ng Pagkaalam ng Mabuti at Masama” sa gitna ng hardin. At dahil nasa gitna ito ng hardin, palagi nila itong nadadaanan. Ang layunin ng Diyos ay hindi upang ingatan ang puno—ito ay upang sanayin ang dalawa. Kung susuriin natin, ang puno ay hindi lamang na “Pagkaalam sa Masama” kundi “Pagkaalam ng Mabuti at Masama.”

Sa pamamagitan ng hindi nila pagkain sa bunga nito, nalalaman nila ang kahulugan ng mabuti at masama. Ang pagkain nito ay nagpadali sa kaalamang iyon, ngunit hindi ito ang talagang paraan.

Ang kagandahan dito, ay sa tuwing napapadaan ang iyong anak sa ipinagbabawal na bagay, (ang kanilang “Puno ng Pagkaalam ng Mabuti at Masama,”) nakukuha nila ang kahulugan ng mabuti at masama, nang nasa kalayuan pa rin sila ng nakapagtagumpay sa pagsasanay na iyon. Kina Adan at Eba naman sa hardin, ang bagay at ang paghawak dito lamang ay walang consequence, ngunit ang kautusang kasama nito ang naging dahilan upang magmistulan itong “factory o pagawaan” ng character. Sa pag-uutos mo sa iyong anak na sundin ang utos mo, ay matututunan niya ang moral government, duty, at responsibility. Sa isang banda naman ay matututo silang huwag humawak ng ipinagbabawal, na magiging dahilan upang maging kaaya-aya ang pakikisalamuha ng bata sa ibang tao sa paligid niya.

Maaaring umabot lamang ng ilang minuto ang pagsasanay sa bata na huwag humawak sa isang bagay. Karamihan sa mga bata ay nagiging masayahin at totoong nagpapasakop o sumusunod sa loob lamang ng tatlong araw. Kung magpapatuloy ka lang sa pagsasagawa ng mga pagsasanay na ito ang iyong anak ay mananatili ring masaya at masunurin. Ang ibig-sabihin ng “masunurin” ay hindi mo na kailangang pagsabihan ng dalawang beses—ang isang utos ay sapat na. Kung inaasahan mong mapapasunod mo sila nang agaran at sasanayin mo sila hanggang sa puntong ito, magiging matagumpay ka. Kakailanganin mo nang mahabang oras sa pagsasanay sa kanila, ngunit kung makukuha mo ang “kabuuang pagpapasakop” ng anak ay mamamangha ka sa panahong matitipid mo, dahil magiging madali na ang susunod mong pagtuturo sa kanya!

Ang iba’y nagsasabing, “Ang iyong anak ang patunay kung ano ang iyong tahanan.” Ang sabi ko naman, “Ang iyong tahanan ang patunay kung ano ang iyong anak.”

Missions Emphasis: Bangladesh

Bangladesh

Kung ikaw siguro ay napadpad sa lugar na ito at hindi ka na makaalis, magiging miserable ka. Ang Bangladesh ang isa (kung hindi man mismo) sa mga pinakamahirap na bansa sa buong mundo dahil sa sobrang daming taong nakatira rito kumpara sa tamang kakayahan lamang nito na humawak ng tao. Bihira kang makakahanap ng mag-kapit-bahay na may malaking pagitan sa isa’t isa dahil karaniwan, ito ay tabi-tabi. Lagpas sa densidad na 1200 persons per square-kilometer ang Bangladesh. Karaniwan pa itong dinadalaw ng matinding kalamidad tulad malakihang pagbaha at mga bagyo. Mayroon lamang maliit na pag-asa na uunlad ang bansang gaya nito, idagdag pa ang 50% ng populasyon nito na underemployed. Magiging napaka-miserable talaga ang mabuhay sa Bangladesh kung hindi makikilala ng bawat isa ang Siyang nagbibigay ng kaligtasan at kaligayahan—walang iba kundi si Jesus.

POPULATION:160,000,000 approximately

Masikip ito para sa isang bansang mayroon lamang sukat na 144,000 square kilometers, idagdag pa ang mga establisiyementong kailangan sa lugar. Ikumpara mo ito sa ating bansa na may sukat na 300,000 sq km ngunit ang populasyon ay 80+ million lamang. Halos-doble ang laki ng ating bansa sa Bangladesh ngunit halos-doble naman ang laki ng kanilang populasyon sa atin.

LITERACY: 24%

Halos ikaapat na bahagi lamang ng bansa ang marunong magbasa at sumulat; 75% ang no read-no write. Paano nga naman uunlad ang bansang ang alam lang ay mag-anak at hindi alam ang mag-aral?

Opisyal na Lingwahe: Bengali at ang English ay palaging ginagamit. Mga Lingwaheng may Bible 14Bibles, 3New Testaments, 7portions.

CAPITAL: Dhaka Urbanization 15%

       Umaabot na sa 10 milyong katao rito, pumapangalawa ang Chittagong na may halos 6 na milyon na ring katao.

Kumikita lamang ang bansa sa pakikipagpalitan ng bigas, tela at jute.

RELIGION: Islam ang state religion bagaman may freedom of religion.

Muslim 87%. Dumarami ang mga panatikong Muslim na handang pumatay sa ngalan ng kanilang relihiyon.

Hindu 11.7% Kumakaunti na rin dahil sa pag-migrate at mababang birth rate.

Buddhist 0.6%. Other 0.3%

Roman Catholic 0.21%.

Protestant 0.23%. Salamat sa Panginoon dahil Baptist ang majority sa mga tinatawag na Protestante rito. Ilan sa mga grupong Baptists dito ay ang mga sumusunod: Bangladesh Baptist Fellowship, Bangladesh Baptist Shangha, Garo Baptist Union, Free Baptists, Association of Baptists for World Evangelism (ABWE), at hindi pa nabibilang na mga independent Baptists mula sa BBFI at ABC. Praise the Lord!

  1. Ang Bangladesh ay isang mahirap na field para sa ebanghelyo. Ang pagpapahirap ng Pakistan sa bansa sa ngalan ng relihiyon ay nagpahina ng loyalty nito sa Islam, at nagbigay ng mga bagong oportunidad para sa ebanghelyo. Sa kabila noon, tumataas ang bilang mga panatikong Muslim na ipinipilit ang relihiyon. Ipanalanging magamit ang kalayaan nito para patuloy na ma-propagate ang Mabuting Balita sa bansa.
  2. Purihin ang Panginoon sa progreso ng Ebanghelyo sa kabila ng pagtaas ng mga pampahirap.
  3. Purihin ang Panginoon sa patuloy na pagdami ng mga Cristiano sa Hindu at mga tribo.
  4. Ipanalangin na magkaroon ng revival ng mga Cristiano roon at magkaroon ng interes sa misyon.
  5. Ipanalangin na magkaroon ng matibay na leadership sa mga churches.
  6. Ipanalangin din ang mga hindi nararating na mga mamamayan: Muslims, Hindus, Bihari Muslims, Rohingya Muslims, tribal peoples, students, at mga young people at children (lagpas-kalahati ng populasyon ay under 16 years old).
  7. Church planting
  8. Missions

Sa pamamagitan ng ebanghelyo at pagsuporta natin sa mga misyonero doon, siguro ang Bangladesh ay hindi na rin miserableng lugar para tirahan.

Temperament Blends

Sa pamamagitan ng kanilang genes, may bahagi ang iyong mga magulang at ang apat mong mga abuelo sa pisikal, mental at temperamental make-up sa panahon na ikaw ay pinaglihi. Sa totoo lang, pwedeng mangyari na ang isang bata ay hindi magpakita ng kahit anong pagkakahawig sa kanyang mga magulang kundi sa kanyang lolo. Kasama din doon ang temperament.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi makita ng isang tao ang sarili sa isang temperament lamang,  ngunit mas nagagawa sa dalawa, o minsan pa nga, sa tatlo. With at least anim na taong makikibahagi sa pagbuo ng kanyang genes, nagiging halo tuloy ang kanyang temperament. Maaaring noong panahon na unang nadiskubre ang apat na temperaments at hindi pa ganoong uso ang pag-aasawa ng hindi kalahi, ay madaling malaman kung 100% melancholy o choleric o sanguine o phlegmatic ang isang tao. Ngunit sa ngayon bihira nang magkaroon ng taong ipinanganak na may magulang na may eksaktong parehong nasyonalidad. Halimbawa, ang purong German ay karaniwang may temperament na choleric o melancholic, or both, while ang mga Italian ay karaniwang mga sanguine o melancholy, or both; ang mga Britons ay karaniwang choleric o phlegmatic o pareho, habang ang mga Scots ay sanguine o choleric o pareho. Ibig-sabihin, kung gaano karami ang halo sa iyong lahi, makakaapekto ito sa iyong over-all temperament.

Ngunit, kung iyong pag-aaralang mabuti ang iyong sarili, magagawa mong i-identify ang iyong sarili sa dalawang temperament na may magkaibang intensidad (at sa ilang kaso, ay tatlo). Ang isa ay ang nangungunang temperament, at ang isa ay pumapangalawa. Ang nagpapalito lang ay ang percentage ng iyong primary temperament. Halimbawa, maaaring ang iyong primary temperament ay 60% at ang secondary mo ay 40%. Kung ikaw ay isang Sanguine-Phlegmatic, na tatawagin nating SanPhleg, ang 60% sanguine ay nangangahulugang ikaw ay isang extrovert, ngunit hindi naman katulad ng 60/40 na sanguine-choleric. Ihalintulad natin sa tubig. Kung ibubuhos natin ang sobrang init na tubig ni Sanguine (60) sa malamig na tubig ni Phlegmatic (40), magiging mainit ang kalalabasan. Kung atin namang ilalagay ang sobrang init na tubig ni Sanguine (60) sa mainit na tubig ni Choleric (40), mababanlian ka. Ang isang tao ay pwedeng maging 70% sanguine o 80%, kasama ang pumapangalawang temperament. Ang mga ganitong tao ay madaling nalalaman kung anong primary temperament nila pero nahihirapan silang malaman ang pumapangalawa.

Kapag nasa katamtaman lamang ang taas ng iyong primary temperament, magkakaroon ng kapansing-pansing epekto ang iyong secondary temperament sa iyong pag-uugali. Maaari nitong pakauntiin ang iyong kahinaan o patindihin. Halimbawa, parehong may problema ang melancholy at choleric sa pamamansin ng mali ng iba. Pero pwede itong maalis kung sasamahan ng sanguine o phlegmatic na temperament. Pero kung pagsasamahin ang dalawa, mapa-ChlorMel man yan o MelChlor, ang problema nila rito ay titindi lamang. Totoo ngang pwede ring tumindi ang kanilang mga kalakasan, ngunit kung ang ChlorMel o MelChlor na iyon ay hindi napagtatagumpayan ang kanilang mga kahinaan, ay hindi nila rin maabot ang tunay nilang potensyal.

Samakatwid, walang pag-aaral ng temperaments ang kumpleto hangga’t hindi natatalakay ang 12 kombinasyon ng temperament na karaniwang tinatawag na “blends.” Sa mga susunod na isyu ay ipapakilala ko kayo sa mga ito. Malamang ay mas makaka-identify ka sa mga ito agad kaysa sa apat na pangunahing temperament.

Ano kaya ang kalalabasan kung ang matalinong si Perfect Melancholy ay ihahalo sa isa sa iba pang temperament? Gaganda kaya o lalala? Tunghayan sa susunod na isyu ang Melancholy Blends…

A Meditation on the Song “Highest Praise”

Iniisip siguro natin, ang pagpuri sa Panginoon ay sa pag-awit sa Kanya tuwing Linggo—sa congregation, choir, o special number—akala natin ang pinakamagandang papuri sa Panginoon ay ang makuha ang pinakamataas na tono ng isang awit para sa Kanya o masabi ang mga pinakamagandang salita tungkol sa Kanya. Pero ang tunay na pinakadakilang papuring ating magagawa sa Kanya ay makikita sa awiting ito.

Agad na sinasabi ng mga manunulat na hindi sasapat ang papuri natin para matumbasan ang pag-ibig na iginagawad Niya sa atin. Sinabi ng Diyos na “Siya na gustong mauna, maging huli.” Kaya dapat nating ipanalangin na Siya ang unahin sa lahat ng ating hinihingi.

Sinasabi naman nila ang tatlong pinakadakilang papuring magagawa natin para sa Panginoon. Una, higit pa ito sa sinasabi ng bibig; ito ay kung ano’ng sinasabi ng ating puso, kung paano tayo mamuhay para sa Kanya. Pangalawa, ang manampalataya sa Kanya kahit hindi natin Siya nakikita at na Siya’y namatay para sa ating mga kasalanan—ang pagkilala natin sa Kanya para tayo maligtas ay isa sa mga pinakadakilang papuring naibigay natin sa Kanya. Kahit ang tahimik na pasasalamat ay pagpuri na sa Kanya. At panghuli, ang “highest praise” na maigagawad natin sa Kanya ay ang ihandog ang ating mga sarili.

Kitang-kita sa mga nagsatitik ng awiting ito na gustung-gusto nilang purihin ang Diyos. Tayo kaya? Kahit malaking bagay ang hingin sa kanila ng Diyos, susubukan nilang ibigay. Ngunit ang gusto lamang ng Diyos ay tayo—tayo lang, wala nang mga imposibleng gawain tulad kay Hercules—sapat na sa Kanya na ihandog natin ang ating sarili sa Kanya. Ngunit bakit tayo, isang araw lang ang hinihingi sa atin ng Panginoon, umaga lang ang naibibigay natin? Gusto Niya lang ng isang Huwebes ng gabi para manalangin tayo nang sama-sama sa Kanya, ayaw pa natin? Ibigay lang sa Kanya ang ikapu, mga handog, hindi pa natin magawa? Bakit ni mag-share ng Salita ng Diyos o umawit sa Kanya nagdadalawang isip pa tayo? Nagiging makasarili na tayo. Hindi na natin Siya iniisip, sarili na lang natin. Samantalang Siya hindi naging madamot—ibinigay Niya ang sariling Anak para sa atin.

Sana ay maging kagaya tayo ng mga manunulat na ito—handang ibigay ang lahat sa Kanya, at handang sumunod sa Kanyang Salita—sa gayon ay maihahandog natin ang pinakadakilang papuri natin sa Kanya.