Keeping Promises

by Elijah Abanto

Hindi ako eksperto sa pagtupad ng mga pangako. Lalo na yung mismong sa akin nanggaling na pangako. Tulad nito lamang mga nakaraang araw ay nangako ako sa mga prospect ko na bibisitahin ko sila, which I think ay inaasahan nila. Pero nitong mga nakaraang araw ay hindi ko nagawa ang karamihan sa mga iyon. Nangako ako sa isang bata sa church na bibisitahin ko sila para ipaalam kung kailan sila pwedeng sumama sa visitation. Nangako din ako sa isang bata sa Good News groups na tinuturuan ko noong Sabado na babalik ako sa hapon, ngunit ko rin nagawa.

Hindi ko rin matupad ang mga pangako ko sa sarili ko. Sabi ko sa sarili ko tatapusin ko na ang mga papers sa araw na iyon, gagawin ko na yung curriculum ng DVBS sa araw na ito, pero… hindi ko rin nagawa noong araw na iyon. Dapat kong gawin ang mga ito mangako man ako o hindi, pero nakaka-frustrate lang na hindi ko magawa. Ang pangako ko sa Diyos na tungkol sa aking buhay ay hindi ko matupad nang tuluy-tuloy.

“Promises are made to be broken,” sabi nga nila, ngunit, ang pangungusap na iyon ay nangyayari hindi dahil ayaw nating tuparin ang ating sinabi, ngunit dahil sa ating katamaran o kawalan ng commitment.

 

But let your communication be, Yea, yea; Nay, nay: for whatsoever is more than these cometh of evil.

(Matthew 5:37, KJV)

 

Isa ito sa mga prinsipyong dapat ko pang matutunan at isagawa nang tuluy-tuloy. Kung oo, oo; kung hindi, hindi; dahil masama na kapag higit pa rito.

 

Advertisements

Straight from the Pastor’s Heart: Perseverance

Hebrews 12:1-2

Ang buhay-Kristiano ay parang isang Tour de France. Ang Tour de France  ay isang taun-taong karera na may habang 3,500 kilometro sa bansang France at mga kalapit na bansa. Ang karera ay tumatagal ng tatlong linggo at umaakit ng mga bisiklista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang karera ay nahahati sa labindalawang mga bahagi, na tinatawag na stages. Sa ganitong klase ng karera ay kailangan, hindi lamang ng lakas at bilis, kundi determinasyon na matapos ang karera. Paano kang makakatagal sa ganoong kahabang karerang umaabot ng halos isang buwan? Kailangan ng perseverance. Siguradong sa karerang iyon ay maraming hadlang sa daan, kabilang na ang sobrang habang distansya nito. Ganundin sa buhay-Kristiano. Bilang mga Kristiano, tayo ay nasa karera. At para matapos natin ang karera nang matagumpay ay dapat tayong magkaroon ng perseverance, o katiyagaan.

Paano ba tayo magkakaroon ng katiyagaan?

 

Alisin ang mga hadlang.

 

Ang kasalanan na siyang kumukubkob at gumugulo sa atin, at mga kabigatan, ay iba-iba para sa bawat isa sa atin. Anuman iyon, dapat nating alisin ang mga iyon.

Ang mga hadlang ay makakapigil, at nililihis tayo sa tamang landas. Naaalala niyo ang Israel, dahil sa kanilang kasalanan, ay hindi nila lubusang mawasak ang kanilang mga kaaway.

Limiin ang talinhaga ng binhi sa Lukas 8:4-8, 11-15. Makikita natin na sa apat na tagapakinig, tanging yung isang naligtas ang nagtiyaga at nagbunga. Ang mga tunay na mananampalataya ay magtitiyaga. Upang tayo’y makapagtiyaga, kailangan nating alisin ang mga hadlang—ang mga bagay na pumipigil sa atin mula sa pagtitiyaga, ang mga tinik sa ating buhay, mga alalahanin sa ating buhay, mga kayamanan at kalayawan.

Huwag kayong maging tulad ni Esau na hinayaan ang ibang mga bagay na lamangan ang kanyang relasyon sa Diyos. (Hebrews 12:16) Hindi naman kasalanan ang pagkain. Ngunit mas binigyan niya ng atensyon ang kanyang tiyan kaysa pamana ng Diyos. (1 Corinthians 6)

Kapag nilagagay natin ang Diyos sa likuran ng ating trabaho, mga gawain, mga pampalipas-oras, mga senswal na kalayawan, o telebisyon, ay pinipigilan natin ang ating kakayahan na magtiyaga, maaaring hindi man ngayon, ay paglaon naman sa ating buhay, dahil ang ating pinili ngayon ay makakaapekto sa ating pipiliin paglaon. Tulad ni Esau—oo masaya nga siyang kumain ng pagkain noong oras na iyon, ngunit noong tatanggapin na niya ang kanyang mana, ay hindi na niya nakuha, sa kabila ng kanyang mga luha at pagsisisi.

 

Tanggapin ang Palakas-Loob ng Diyos.

 

  1. Mula sa mga tao ng pananampalataya (v.1)—ang mga dakilang lalaki at babae ng Hebrews 11 (11:24-26, 32-12:1)

 

Wala tayong maraming mga Kristiano na nabuhay bago tayo, na nagtayo para sa atin ng isang halimbawa ng katiyagaan at isang halimbawa ng pagdaan sa buhay, na dapat tayong magtiyaga.

Kung tayo ay magtitiyaga sa buhay nang matagumpay, nararapat tayong maging bahagi ng isang iglesiya, isang iglesiya kung saan ang mga tao ay nagmamalasakit sa bawat isa at nagpapalakas ng loob ng bawat isa, at nagmamahalan ang isa’t isa.

 

  1. Mula sa Tagaganap ng Pananampalataya—si Jesu-Kristo (vv. 2-3)

 

Kapag ating tinutuon ang ating mga mata kay Jesus at nalalaman kung ano ang ginawa Niya para sa atin, ang mga loob natin ay dapat na mapalakas sa ating sariling mga paghihirap.

Si Pablo, dahil sa kanyang pagtingin kay Jesus, ay masasabing:

 

For I am now ready to be offered, and the time of my departure is at hand.

I have fought a good fight, I have finished my course, I have kept the faith:

Henceforth there is laid up for me a crown of righteousness, which the Lord,

the righteous judge, shall give me at that day: and not to me only,

but unto all them also that love his appearing. (2 Tim 4:6-8, KJV)

 

Nagpapatotoo si Santiago:

 

Blessed is the man that endureth temptation: for when he is tried, he shall receive the crown of life, which the Lord hath promised to them that love him. (James 1:12, KJV)

 

  1. Mula sa Salita ng Pananampalataya—ang Biblia (v. 5a)

 

Ang Salita ng Diyos ay magpapalakas sa atin na magtiyaga dahil ito ang ating pagkain, ating karunungan—kung ano ang nangyayari sa pagtingin ng Diyos—ang katotohanan.

Yun ang dahilan kung bakit tayo may pang-araw-araw na pagbabasa ng Kasulatan sa Luma at Bagong Tipan. Yun ang dahilan kung bakit tayo may mga kinakabisadong mga talata. Yun ang dahilan kung bakit tayo may Sunday school. Yun ang dahilan kung bakit tayo nagtatagal sa iglesiya at mahabang pangangaral.

 

Tanggapin ang disiplina ng Diyos.

 

Upang magtiyaga papunta sa tagumpay, upang makakita ng pag-ani ng katuwiran, namunga sa pamamagitan natin, kailangan nating tanggapin ang disiplina ng Diyos.

Tayo ay may pagpili kapag dumadaan sa mahirap na pagkakataon: gulo sa pamil ya, problemang pinansyal, sakit at karamdaman, kaguluhan sa lipunan, problema sa trabaho, problema sa iglesiya—maaari tayong mapalakas sa pamamagitan ng pagtingin sa Panginoon. O tayo ba ay nagrerebelde laban dito at tumatalikod mula sa Panginoon?

Ang disiplina ng Diyos ay para sa ating kabutihan, tulad ng sinasabi sa Psalm 119:67, 71:

 

Before I was afflicted I went astray: but now have I kept thy word. …

It is good for me that I have been afflicted; that I might learn thy statutes.

 

Dapat nating tingnan ang mga panahon ng disiplina bilang ang Diyos na tinatrato tayo bilang mga anak na lalaki at babae na minamahal Niya at na nais Niya ang pinakamainam para sa atin.

Ang mga kahirapan o hardships ay mga bagay na nangyayari na hindi naman dahil sa ating sariling pagkakamali, ngunit kailangan nating tiisin ang mga ito bilang pagdidisiplina sa atin na mas umasa sa Panginoon kaysa sa sanlibutan.

Alam niyo ba yung tulang Footprints in the Sand? Sa unang parte ng tula ay makikita na nung masaya ang sumulat, ay may dalawang pares ng marka ng talampakan na makikita sa buhangin, ibig-sabihin magkasama silang dalawa ng Panginoon. Ngunit nung nasa panahon na ng kahirapan at kalungkutan, ay isang pares na lamang, kaya nagtanong siya sa Panginoon, “Bakit isang pares na lang? Nandyan lang po ba kayo kapag masaya ako?” kung saan sumagot si Jesus, “Hindi. Dahil sa mga panahon na nahihirapan ka, ay pasan kita sa aking likuran.”

Ikaw ba ay nagtitiyaga?

 

And not only so, but we glory in tribulations also:

knowing that tribulation worketh patience; And patience, experience;

and experience, hope: And hope maketh not ashamed;

because the love of God is shed abroad in our hearts

by the Holy Ghost which is given unto us. (Romans 5:3-5, KJV)

 

Kung ikaw ay nahihirapang magtiyaga, nais kong bigyan ka ng dalawang bagay na gagawin upang makabalik ka sa takbuhan:

1) Tumalon ka sa ating SRP: Scripture Reading Plan.

2) Maging AIC: Active in Church.

 

May malaking bahagi si Scott Kirchen sa pagkakasulat ng artikulong ito.

For Love of the Lord

Sino ang Ilan sa mga Cristiano na Nagpakita ng Paninindigan para sa Panginoon?

by Elijah Abanto

Tuwing nasa oras ako na nag-iisa at walang kasama, aside from assessing myself at ang relasyon ko sa Diyos, ay naiisip ko ang mga taong nanindigan para sa Panginoon at iniisip ko kung maaari akong maging tulad nila. Mapagpakumbaba akong humahanga sa mga taong ito na binigyan ng kakayahan ng Diyos upang ilagay ang kanilang tiwala sa Kanya at mula sa kanilang pag-ibig para sa Panginoon, ay manindigan para sa Kanya. Maraming hamon, maraming banta, ngunit nariyan sila, hanggang sa kamatayan ay tatayo para sa Panginoon. Hayaan niyong ipakilala ko sila sa inyo.

Hindi ko maaaring i-enumerate ang ibang Kristiano sa kanilang paninindigan hangga’t hindi ko binabanggit ang pangalan ng aking ama at pastor, si Pastor Felizardo Abanto. Hindi man siya nakasulat sa Biblia at di kilala ng Baptist world tulad ng ibang Filipino pastors, ay kinikilala ko siya bilang isang Kristianong naninindigan para sa katotohanan. He knows what he believes, and he stands up for it. Hindi siya nanahimik sa gitna ng tahasang paggawa ng mali ng mga pastor na nasa paligid niya, kahit na ang kapalit nito ay kawalan ng financial support at pagputol ng pagkakaibigan. Marami sa atin ang nakakaalam ng kanyang pag-walk out kasama ang Capitol BBC bilang protesta sa pagbalewala ng standard pagdating sa musika. It almost endangered his fellowship with the pastors, ngunit hindi siya natakot. Sa kanyang pagiging director ng isang Family Camp, ay hindi maitatanggi ang kanyang commitment sa pagtuturo at pagpapatupad ng katotohanan ayon sa Biblia. Alam niyang hindi ito ganun kasimple, dahil kailangan niyang harapin nang mukhaan ang mga pastor at ituro ang kanilang pagkakamali kapag kailangan. Kaunting mga pastor ang maihahambing sa kanya pagdating sa bagay na ito.

 

BIBLICAL EXAMPLES

 

Maraming mga halimbawa ang Biblia, ngunit ang mga babanggitin ko rito ay yung mga taong consistent sa kanilang paninindigan para sa tama, tulad nina, Joseph, Jeremiah, Daniel, at Stephen.

Joseph. (Genesis 37, 39-41) Ang lalaking ito ay lumaking matapang sa gitna ng kanyang mga kapatid, at hindi siya na natatakot na sumunod sa kanyang amang si Jacob ukol sa pagsasabi ng mga kalokohan ng kanyang mga kapatid, kahit na ito pa ang naging dahilan upang ibenta siya ng mga ito sa pagkaalipin ng Ehipto. Patuloy siyang naging matapat, tumaas ang katungkulan, ngunit dumating ang tukso sa kanya ng asawa ng kanyang amo na sipingan ito. Ang pagmamahal niya sa Panginoon at sa kanyang amo ang nagtulak sa kanyang tumakbo mula rito kahit na ang kapalit ay ang pagkakakulong sa maling akusasyon ng babaeng iyon. Sa mga pangyayaring masaklap sa kanyang buhay ay iisipin mo siguro na maaari na sana niyang sisihin ang Panginoon at sirain na ang kanyang buhay, ngunit hindi niya ito ginawa. Patuloy niyang ginawa ang nararapat bagaman hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng lahat.

Jeremiah. (Book of Jeremiah) Tinawag siya ng Panginoon sa isang batang edad upang maging propeta sa panahon na nasa tahasang pagrerebelde sa Panginoon ang kaharian ng Judah. Nakakatakot maging propeta ng Diyos sa panahon na iyon, dahil kapag hindi nagustuhan ang mga sinasabi mo ay maaari kang pahirapan o patayin ng mga mamamayan doon. Ngunit, hindi siya natinag, at kasama ang Panginoon, buong tapang niyang ipinangaral ang kasamaang ginagawa ng mga Judio at pagsamba nila sa diyus-diyosan imbes na sa tunay na Diyos, at hinulaan ang nakatakda nitong pagkagapi sa kamay ng mga taga-Babylon, na nakapagpantig ng mga tainga ng mamamayan. Paulit-ulit siyang ikinulong, itinapon sa balong puno ng putik, at hindi pinakain. Sinabi sa kanyang maaari siyang makalaya kung ititigil na niya ang “kahibangan” na ito ngunit, hindi siya papayag. He loved God more than his own life.

Daniel. (Daniel 1-2, 4-6) Nagsimula sa pagkabata ang kanyang pagtindig para sa Panginoon. Nasa panahon siya kung saan ang kanyang mahal na bayang Israel ay nasa ilalim ng rehimen ng Babylon, at maaari niyang idahilan na wala na siyang magagawa kundi sumang-ayon sa mga paganong kasanayan ng mga tao rito, kabilang na ang pagkain ng karneng inihain sa diyus-diyosan. Magalang siyang tumanggi kasama ang tatlo niyang kaibigan, at bagaman alam niyang malalagay sa panganib ang buhay ng eunuko na nag-aalaga sa kanila bukod pa sa kanya, ay hindi siya umurong sa kanyang paninindigan. Hindi rin siya natakot sa mga hari ng emperyo na dumaan sa kanyang panahon, upang sabihin ang mga naka-ambang parusa ng Diyos sa mga ito. Hindi siya natakot na maitapon sa kulungan ng mga leon, bilang parusa sa mga mananalangin sa ibang Diyos bukod sa hari. Mas mahal niya ang Diyos kaysa sa buhay at karangyaan na maibibigay ng emperyong kanyang kinaroroonan.

Stephen. (Acts 6-7) Siya ay isa sa mga diyakonong pinili ng iglesiya ng Jerusalem upang pakainin ang libu-libong mga Kristianong mahihirap dahil sa kapuspusan sa Ispiritu at kalaguan sa pananampalataya sa Panginoon. At hindi maitatanggi ng mga taong laban sa kanyang pananampalataya na siya ay puno ng Ispiritu at karunungan sa kanyang mga sinasabi. Dahil sa kanilang inggit at galit, ay inakusahan siya ng mga ito ng kung anu-ano, inaresto at dinala sa konseho sa harap ng mga pekeng testigo. Kung iisipin, sa ganitong pagkakataon, kung saan ikaw ay mag-isa lamang sa gitna ng mga nagugutom na leon, ay manginginig ka sa takot at susuko na lamang sa kanila. Ngunit hindi natinag si Stephen, buong tapang niyang itinuro ang kasalanan ng mga taong iyon, at bilang kapalit, ay hinatulan siya ng pagbabato hanggang kamatayan. Mas matamis para sa kanyang mamatay na lamang kaysa ikaila ang Kanyang Tagapagligtas.

 

THOSE BEFORE US

Bukod sa mga halimbawa ng Biblia, may mga Kristiano na nabuhay bago ang ating panahon na nanindigan at tumayo sa para katotohanan. Bawat isa ay hindi walang oposisyon, ngunit hindi ito naging dahilan para hindi ipaglaban ang Salita ng Diyos. Sila sina Francis Schaeffer, Charles Spurgeon, at C.S. Lewis. Kilalanin natin ang bawat isa.

Francis Schaeffer. Tinagurian siya na “Rebel for Truth,” dahil na rin sa kanyang katapangan na ituro ang moral na paglihis at doktrinal na kompromiso na unti-unting pumapasok sa mga iglesiya upang wasakin ang pinakapundasyon ng Kristiyanismo—ang Salita ng Diyos sa mga isinulat Niyang aklat. Sinabi niya na ang “iglesiya ay nasa matinding panganib.” Ayon sa kanya, ang mga pakikiayon ng mga iglesiya sa sanlibutan ay binabalewala ang mga ipinaglaban ng mga Kristiano noon at “pinagmumukha lamang itong away lamang ng mga bata.” Sumulat si Schaeffer ng 24 na aklat na tumatalakay sa lahat ng problema ng mundo mula sa abortion at euthanasia hanggang sa pagpatay ng mga sanggol at pagbagsak ng modernong iglesiya. Madalas siyang punahin, hindi lamang ng mga sekular na madla, kundi mismo rin ng mga Kristiano na hindi maintindihan ang hindi niya nababaling tindig para sa kawalang-pagkakamali ng Biblia. Sinabi niya na ginagawa niya ito “para sa ating mga sarili at para sa ating ispiritwal at bayolohikal na mga anak. Kung wala tayong matibay na pagtingin sa Salita ng Diyos bilang pundasyon, ay hindi tayo magiging handa para sa mahihirap na araw na parating…” Iniisip niya ang mangyayari sa susunod na henerasyon kung hindi tayo maninindigan para sa Banal na Kasulatan, kaya madalas niyang inilalagay ang kanyang reputasyon para ipaglaban ang Biblia.

Charles H. Spurgeon. Sa kilalang lungsod ng London, noong 1854, ay tinawag ang Baptist na ito upang mag-pastor sa isang iglesiya roon. Ngunit mula noong kunin niya ang posisyong iyon, ay lumaganap sa bansa ang epidemya ng cholera, na kumitil ng buhay ng maraming mamamayan noong panahon na iyon. Imbes na mawalan ng loob, ay buo ang kanyang katauhan sa pagtulong sa mga may sakit, at araw-araw siyang tumatayo upang mangaral sa mga burol ng mga namatay. Bukod pa roon, dahil sa kanyang mga biblikal na mga sermon, ay maraming mga nangaligtas na mga kaluluwa at naidagdag sa iglesiya. Libu-libo ang nakikinig sa kanyang pangangaral. Bukod pa roon, noong panahon niya, ang Baptist fellowship na kanyang kinabibilangan ay unti-unting sumunod sa kompromiso ng pagtanggi sa awtoridad ng Kasulatan, dahilan upang punahin niya ito sa kanyang mga sulatin at sa bandang huli ay humiwalay sa fellowship na ito. Maraming sumisira sa kanyang repustasyon resulta nito, ngunit nanatili siyang matatag at di natitinag.

C.S. Lewis. Kilala si Clive Staples Lewis sa mga isinulat niyang mga aklat, kabilang ang The Chronicles of Narnia at The Screwtape Letters. Ang mga ito ay mga alegorya na pinapakita ang mga malalalim na katotohanan ng Kristiyanismo, at maraming kumi-criticize sa kanyang mga gawa dahil sa paggamit niya ng satiro at mga ideya na abstrak upang ipahatid ang mga katotohanang ito. Sinabihan pa siya ng isang kilalang awtor na “wala kang karapatan na sumulat ng ganyang mga aklat dahil hindi ka naman na-ordinahan at hindi ka naman estudyante ng Biblia.” Ngunit hindi siya natinag sa mga salitang ito dahil, “hangga’t hindi nangangaral ang estudyante ng Biblia at mga taong naordinahan sa wikang maiintindihan ng mga ordinaryong tao, ay hindi ako titigil na magsulat ng ganitong mga aklat.” Sumulat din siya ng isang matinding aklat bilang depensa laban sa mga hindi naniniwala sa Kristiyanismo, ang Mere Christianity, na naging best-seller.

 

Ang oras at espasyo ay limitado para akin pang ilahad ang iba’t ibang mga halimbawa ng Biblia (tulad nina Abraham, Moses, Joshua, Samuel, David, Paul, Peter, John, etc.) at ng ating nakalipas at kasalukuyang kapanahunan (mga AnaBaptists, David Cloud,  etc.) ng mga tao na nanindigan para sa katotohanan ng Bibliya at dahil sa kanilang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.

Ngunit umaasa ang inyong lingkod na gamitin Niya ang mga halimbawang nabanggit upang ikaw din ay buong tapang at buong lakas at tiwala na tumindig para sa Diyos at Kanyang Salita. May isang dahilan na nagtulak sa kanilang gawin ang mga ito: for love of the Lord—ang pag-ibig para sa Panginoon. bdj

 

Ang mga impormasyong nakasulat sa section ng “Those Before Us” ng artikulong ito ay kinuha sa artikulong Ingles na isinulat ni Creston Mapes, ang “Aflame for His Glory” ng In Touch® magazine, January 2003, pp. 10-13.

 

A Costly Move

Bawat galaw natin ay may presyo. Ang isang simpleng hakbang ng iyong paa ay kumukunsumo ng karampatang enerhiya mula sa iyong katawan. Kahit ang pagpikit-bukas ng iyong mata ay gumagastos ng lakas kahit paunti-unti. Alam natin na ang kasalanan ay may presyo: kamatayan. (Romans 3:23) At kung gaano kasigurado na mababawasan ka ng lakas sa pagtatrabaho ay ganun din kasigurado na mamamatay tayo dahil sa kasalanan. At ngayong Kristiano na ang karamihan sa nakakabasa ng mga salitang ito, ang pagsunod natin sa Diyos ay may halaga—may kabayaran, may presyo. Kaya kaibigan, kung ang pagsunod mo sa Panginoon ay halos wala, kaunti, o walang kapalit na halaga, ay wala ka pa talaga sa tunay na pagsunod sa Kanya—nasa “comfort zone” ka pa. Baka sumusunod ka pa sa Panginoon sa mga panahon at sitwasyon na hindi ka masyadong nababawasan.

Nitong mga nakaraang linggo, ay naranasan kong magbayad ng malaki para sumunod sa Panginoon. Una ay nung hamunin ako ng kaklase ko tungkol sa aking paniniwala tungkol sa kaligtasan. (Ito yung nakwento nung nakaraang linggo.) Hindi niyo alam kung gaano kalaking oras at lakas at karunungan ang iginugol ko para lamang masagot ang kanyang mga katanungan. Ngunit gagawin ko ito dahil inutos ng Diyos (1 Peter 3:15; Jude 3). Ang pagtuturo sa mga bata ng Salita ng Diyos, maliit na bagay man sa iba, ay ibinibigay ko ang buong araw ng Sabado, na kailangang gumamit ng lakas, talino, at sigasig (minsan ay pera pa). Ginagawa ko ito dahil pagsunod ito sa Diyos (Matthew 19:14). Ang pag-aayuno ay may presyo—isang mag-hapon na walang pagkain ang tiyan. Ngunit ito’y para sa Diyos, kaya gagawin ko. Nitong nakaraang limang araw, mula umaga hanggang hapon, ay nagbahay-bahay kaming mga kabataan upang mag-akay ng kaluluwa, at bukod sa lakas, oras, at kaalaman, ay kailangan naming tiisin at harapin, ang pagtanggi, pagbalewala, at mga matitigas na mukha ng tao sa paligid. Ngunit ito ang tamang gawin (Proverbs 11:30), at pagsunod ito sa Panginoon (Matthew 28:19). At para matapos ang mga papel na ito ay kailangan ko ring gumugol ng lakas at talino. Ngunit pagsunod ito sa Panginoon, kaya ginagawa ko ito (1 Corinthians 14:26; Acts 13:49).

May presyo ba ang pagsunod mo sa Panginoon? Kung sumusunod ka sa Panginoon sa mga bagay na maliliit lamang na halaga, ay hindi pa ganap ang pagsunod mo sa Panginoon. Kapag may negosyo o trabaho, at dahil doon ay hindi ka na dadalo sa pagtitipon, ay hindi ka pa sumusunod nang may presyo para sa Panginoon. Kung iniisip mo na kailangan pang maglakad papuntang church at dahil ito ang presyo na kailangan para sumunod sa Panginoon, ay hindi ka na a-attend. Pag ang soul winning ay hinahadlangan ng mga dahilan na dahil nakakapagod, may negosyo ako, o natatakot ako sa tao, ibig-sabihin niyon ay hindi pa ako handang magbayad ng malaking halaga para sa pagsunod sa Diyos.

Ang mga nauna sa atin ay nagbayad ng malaking halaga para masunod lamang ang Panginoon: si John the Baptist, ang ating Panginoong Jesus, ang mga apostol, ang mga unang iglesiya, ang mga iglesiya sa Dark Ages, at mga iglesiya natin ngayon na nasa mga Komunista, at muslim—buhay. Ang pagsunod nila sa Panginoon ay hanggang kamatayan. Nahihiya ako sa mga ninuno nating ito dahil hindi pa ako dumarating sa ganoong sitwasyon. Ang malaking naranasan ko ay kahihiyan sa harap ng mga tao nang gawin ko ang ginawa ko noon sa harap ng bahay na iyon na binabastos ang ating pananambahan sa Diyos. But that was just a little thing compared to what my Savior has done for me. Ngunit naranasan mo na rin ba ito—kahihiyan sa ngalan ni Jesus? Mas mamatamisin ko pa ito kaysa naman sa pagharap ko sa Diyos ay sasabihin niya, “You haven’t given much.” – Bro. Elijah Abanto

Are You a Ready Pen?: Discover the Joy of Writing

ALAM MO NA ‘TO. YUNG MGA PANAHON KUNG SAAN, TATAYO ANG IYONG TEACHER SA ELEMENTARY, HIGH SCHOOL O COLLEGE, KUKUHA NG CHALK, AT SUSULAT SA BERDENG BLACKBOARD. Alam mo na kung ano ang gagawin mo—kailangan mo nang kunin ang notebook mo, pati writing pen, … at of course, magsusulat ka. And you hate it. Greatly. Bakit ba kailangang magsulat? tanong mo. Of course, sasagot ka, Kapag hindi ka sumulat, bagsak ka sa magaling mong exam. And so palilipasan mo ang ilang libong taon ng pagsusulat ng kung anong isinulat ng teacher.

Sa inyong tapos nang mag-aral, you might be relieved na hindi mo na kailangang magtiis sa ganung klase ng pahirap. But, then, noong maligtas ka, nagpa-baptize sa church, um-attend ng Sunday School, tapos ng service, you were suddenly sur-prised—Ano, kailangan pa ring mag-take notes? miserable mong sabi. Well, yes, kailangan mo pa ring magsulat. And so continues the worst fairy tale of your life.

Ganito ba ang tingin mo sa pagsusulat? Isang pagsubok na dapat lagpasan? Isang pahirap na dapat tiisin sa makasalanang mundong ito? Nababanas ka pa nga kapag yung form sa pag-a-apply mo sa trabaho o kung ano man ay sobrang daming hinihingi. Pero kailangan eh, yun ang sasabihin mo. Mahirap ba sa iyo na tanggapin na parte ng buhay ang pagsusulat?

Kung alam mo ang buhay ni Jesus, baka nainggit ka pa sa Kanya: “Buti pa si Jesus, hindi nagsulat sa buong buhay niya. Nagsulat siya sa buhangin pa. Hayy.” Well, wala ngang nakatala sa Banal na Kasulatan na may sinulat si Jesus.

Kung ganito ang iyong nararamdaman, nasa terible kang sitwasyon. Itinatanggi mo sa iyong sarili ang kaligayahan ng pagsusulat sa iyong buhay. Lumalabas pa na hindi ka mapagpasalamat sa Diyos sa kakayahan mong sumulat. Besides, hindi nga nagsulat si Jesus, pero sinigurado Niyang ang mga tagasunod Niya ay nagsulat—hindi lang ng kaunting lecture, kundi ng isa o higit pa—higit pa!—na aklat. Si Pablo ay su-mulat ng mahigit sa 10 na libro sa New Testament, si Moises ay isinulat ang limang mahahabang libro ng Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy ng Old Testament. Lalo ka pang mamamangha sa sumulat ng aklat ng Psalms. Throughout the ages, ang mga Kristiano ay tuwang-tuwa na kopyahin ang Bible (wala pang computer at printer noon). Sina Spurgeon, Matthew Henry, at lahat ng mga hinahangaan nating Kristiano ay nakapagsulat at least ng isang aklat. Besides, God really likes writing. Sumulat Siya ng 66 na aklat—ang mga aklat na bumubuo sa Biblia. God enjoys writing. Now, if you are a Christian, bakit hindi ka rin mag-enjoy sumulat?

Nadiskubre ko ang ligaya ng pagsusulat noong ako’y bata pa. Beginning from writing alphabet letters, ay natuto akong pagsama-samahin ang mga letra at bumuo ng mga salita, na naging mga pangungusap, na naging mga talataan (paragraph), na naging all forms of literature: nobela, maiikling kwento, essay, article, etc. (tulad ng binabasa ninyo) Kasama na rin dito ang pagte-take notes, pagfi-fill-up ng mga forms, at pagkopya. God has been gracious to me to give me a spirit of appreciation at kagustuhan na sumulat. Gusto mo bang maging kasiyahan mo na rin ang pagsusulat?

First, magpasalamat ka sa Diyos at naging marunong kang magsulat. Maraming mga tao ngayon na gustung-gusto na sumulat, but they can’t dahil hindi sila naturuan kahit ng mga basics. Alalahanin mo na kung hindi ka marunong magsulat, maraming mga oportunidad ang mami-miss mo sa buhay. Tingnan mo ang pagsusulat bilang isang regalo at pribilehiyo na ibinigay sa iyo ng Panginoon. Think of what your grades will be sa school kung hindi ka marunong magtake-notes at sumagot sa written exam. Isipin mo kung paano ka makakapag-apply sa trabaho kung hindi ka marunong magsulat. Isipin mo kung paano mo mapapasagot ang naging asawa mo kung hindi ka marunong magsulat ng love letter. Pagbulay-bulayan mo kung ano ang mawawala sa’yo kung hindi ka marunong magsulat. Kapag ganito, magkakaroon ka ng pani-bagong appreciation sa writing at yun na ang simula ng iyong “joyous writing career.”

Second, laging magdala ng papel at bolpen saan ka man magpunta. Literally! Through-out the day ay mayroon kang maririnig, malalaman, mababasa na gusto mo, and I’m very sure, hindi sapat ang makakalimutin mong memory. Kunin mo lang ang iyong “handy-dandy” pad at isulat ito with your great ballpoint pen. Maaari ka ring mag-sulat sa iyong spare time ng mga iniisip mo. This will be a very good exercise para malinang mo ang hilig mo sa pagsusulat. Hindi mahalaga kung mahaba o maikli, ang mahalaga nakapagsulat ka at tuluy-tuloy throughout the week.

Third, kunin ang bawat requirement na magsulat bilang isang magandang pagkakataon para i-exercise ang iyong kakayahang sumulat. There will be times na ire-require ka talagang magsulat, at hindi iyon maiiwasan, ayaw mo man o hindi, lalo na kung secre-tary ka o estudyante. Isipin na isa itong magandang pagkakataon upang malinang mo ang kakayahan mong magsulat. Hindi ka magsisisi kapag dumating ang panahon.

Fourth, itabi mo ang lahat ng mga isinulat mo at basahin mo sa isang convenient time. Baka magulat ka pa, “Aba, nakapagsulat pala ako ng ganito!” At mae-encourage ka na ipagpatuloy ang “career” mo ng pagsusulat. Besides, baka may matutunan ka pa sa mga mababasa mo. I’m having a good time doing that with myself. Naitabi ko ang mga notebook ko mula pa noong High school, at natutuwa ako sa mga sinulat ko at na-pansin ko kung gaano na kalayo ang narating ko pagdating sa larangang ito. Minsan ay naiiyak at naaapektuhan ako mismo ng mga nasulat kong article sa mga past issues ng BDJ.

Fifth, magbasa ka ng magbasa ng sulat ng iba. It may be a printed book, o kaya jour-nal ng kaibigan mo (na pwedeng basahin!), basta magbasa ka. Napansin ko kasi na kadalasan ng mga taong hindi mahilig magsulat ay hindi rin mahilig magbasa. Mayroong special effect ang pagbabasa na, dahil puro mga salita ang nakikita mo, at humahanga ka pa sa pagkakasulat, ay ma-encourage ka pa na sumulat din ng ganunding kaganda. Sa ngayon ay kakatapos ko lang magbasa ng aklat na Mistaken Identity, at dahil doon ay na-inspire akong magsulat ng isang thriller na novel, kung saan nasa pang-apat na akong chapter.

Sixth, tumingin ka sa paligid mo. Dito ka makakahanap ng inspirasyon na sumulat. Obserbahan mo lamang ang mga bagay o pangyayari sa iyong paligid, at kung magi-ging aware ka lamang ay marami ka nang maiisip na isulat. Halimbawa, napapansin mo ang paligid mo na puro basura sa paligid, at may nakikita ka pang nagtatapon ng cup ng ice cream pagkatapos kainin ang laman nang basta na lamang. Mula dito sa obserbasyong ito ay may maiisulat ka na tungkol sa kawalang-pahalaga ng tao sa ka-paligiran.

Seventh and last, pagkatapos mong gawin ang naunang anim, try now to write yourself. As in ikaw mismo, yung galing sa’yo. Hindi mo narinig, hindi mo na-take note, hindi mo kinopya, as in ikaw. Sinabi kong gawin mo ito pagkatapos nung unang anim dahil alam kong mahirap agad-agad itong gawin. Baka lalo pang maka-discourage sa’yo ang pagsusulat. I’ve just started writing stories and articles when I turned high school, walong taon simula noong natuto ako at nagustuhan kong magsulat.

Nagsimula ako na nagsusulat ng mga simpleng pangungusap. Kumukopya ng mga lecture sa board at sa oral lecture ng teachers, natuto akong maging good take-noter. Pagkatapos ay pinagsulat kami sa mga sulatin sa English at Filipino, I learned to be a good writer of essays and short stories. Later on, noong mahilig akong magbasa, I de-cided to write novels. As of now, I’ve finished writing two novels, at marami akong nasimulan na. Then I started writing Christian articles, na sa ngayon ay magtatatlong taon ko nang ginagawa. My latest improvement is writing a translation, so translator na ako. And this is all, mind you, by God’s matchless grace.

You look at me and say, “Imposibleng magawa ko ang nagawa mo.” Oh, you missed it again! Yun ay sa walang kapantay na biyaya ng Diyos. Of course you couldn’t do it all by yourself! Kahit ako! “I can do all things though Christ which strengtheneth me,” sabi ng Philippians 4:13. Just take it by heart. Have faith.

That’s how I experienced the joy of writing. Sana sundin mo rin ang mga tips na ito para magsimula ka nang mag-enjoy na magsulat, as I do. Simulan mo na—ngayon. At tuluy-tuloy lang, later on baka maging best seller pa ang aklat na masusulat mo.–Elijah Abanto

Wrong Presumptions

Alam na alam natin ang kasabihang “Maraming namamatay sa maling akala.” Bagaman hindi ako pupunta ng ganung kalayo na sabihing totoo ito, ngayon ay talagang naniniwala ako na may masamang naidudulot ang pagkakaroon ng maling akala. Nito lamang mga nakalipas na araw ay may dalawa akong major assumptions na mali pala.

Yung una ay tungkol sa sweldong matatanggap ko sa pagtatrabaho ko sa Seminary bilang librarian this summer. That was my second week of working there at nung nakaraang linggo ay P300 lang naman ang natanggap kong sweldo. (Tuesday afternoon ako dumating, at nagtrabaho ako ng 8 hours.) All I thought was P300 a week lang ang sweldo ko, at 8 hours lang mula Monday hanggang Wednesday. Kaya naman noong kukunin ko na ang sweldo by Wednesday nang about 2:30 nung hapon ay naguluhan yung bookkeeper sa work sheet na ipinakita ko. “8 hours ka lang nag-work?” she asked. Then she laughed very loud. Nalaman ko na 8 hours a day pala ako magwo-work at P300 a day ang sweldo ko, so dapat ang mata-tanggap kong sweldo ay triple noong iniisip kong tatanggapin ko. And you know what? All I could do was sit there, sa harapan niya, natatawa sa sarili, at the same time, frustrated. P900? I thought. At ang epekto ng mali kong akala ay napilitan akong mag-work till 11PM para makuha ko ang at least P600. Dahil dun hindi ako nakapag-sitting pretty sa harap ng computer para gawin na sana ang CYPA Papers o kahit makatulog man lang ng maaga. Hay.

Second, my talk with a high school classmate. Siya ay kilala ko na isang Church of Christ adherent (iba sa INC, halos pareho sa mga paniniwala natin bukod sa isang major point: naniniwala silang nakakapagligtas ang bautismo), at pastor ang tatay niya sa isa sa mga kongregasyon nito sa Pilipinas. Nung mag-login ako sa Facebook, he saw me online and started a chat with me. Nung una ay light-hearted lang ang aming pag-uusap nang biglang sabi niya, “Layj, may natutunan ako.” My illusion started there. (You can read the whole conversation at the C.Y.P.A. Paper Ministries page.) Sinabi niya sa akin na maliligtas ang tao ayon sa Ephesians 2:8, tapos sinabi niya na mali siya na nakakapagligtas ang tubig tulad ng kanyang paniniwala, hanggang sa mga paunti-unti niyang salita ay napaniwala ako na ligtas na siya at nag-iba na ang paniniwala niya. Micah, my brother, was beside me at that time browsing also the Internet at nagulat siya ng bigla akong tumalon mula sa upuan ko, napaiyak, tumawa-nang-tumawa, and everything na ginagawa ng isang Kristianong tuwang-tuwa sa kaligtasan ng isang taong matagal na niyang pinagpe-pray (matagal ko nang pinagpe-pray ang kaligtasan ng mga naging kaklase ko nung high school). Then—the happy scene faded. Nalaman kong yun pa rin ang paniniwala ng kaklase kong iyon at medyo naiba lang ang dahilan nito. Ang sinabi niya, “Ang bautismo ay kailangan para sa kaligtasan dahil ito ang paraan ng pagtanggap ng libreng kaloob ng Diyos.” Hindi niyo alam kung paano ako biglang kumalma, napaupo nang matindi, at malungkot na ikinunot ang noo sa pagkatanto sa isang maling akala. I spent the next few hours of that evening explaining to him na mali ang kanyang paniniwala. Before I slept, I was crying that still, that dear classmate is unsaved. Durog ang puso ko noon. You couldn’t imagine the sadness I felt.

Maling akala. Nag-isip ka ba minsan ng isang pag-aakala, tungkol sa isang kapatid sa Panginoon, only to see with your two eyes na maling-mali ka? I experienced it firsthand, at marahil alam ko kung ano’ng naramdaman mo nung mga oras na yun. Kaya naman binabalaan tayo ng kasulatan na huwag agad-agad humatol. He commanded it for our own good. Ayaw ng Diyos na maranasan natin ang pagkapahiya, o pagkabigo, o kalungkutang kakabit niyon. I learned that lesson the hard way.—Bro. Elijah Abanto

Church “Weight”

Ang Aral ng Mga Unang Iglesiya Para sa Iglesiya ng Kasalukuyan

Nakakaramdam ako ng hiya tuwing binabalikan ko ang kasaysayan ng Baptist churches at ng Kristiyanismo sa kabuuan. Ang mga nangyari sa kanila at ginawa nila na nakasulat sa Aklat ng Mga Gawa sa Biblia at sa mga tala ng kasaysayan tulad ng The Trail of Blood ni J.M. Carroll, sa aking palagay, ay nararapat na isulat sa kasaysayan, bagaman ang secular historians, ay ginagawa ang lahat upang magmukhang mga masasama ang mga Kristiano noon. Ngunit, ngayon ay iniisip ko, ang kasaysayan kaya ngayon ng mga Baptist churches ay karapat-dapat bang maisulat? You should answer that for yourself. Bukod sa mga kakaunting halimbawa ng paninindigan, ang mga modernong iglesiya ngayon, ay hindi karapat-dapat—baka pigilan ko pa nga ang sinumang magtatangka—na maisulat ang kasaysayan.

For one reason—ang mga iglesiya ngayon ay hindi na tulad ng dati, na binubuo ng mga indibidwal nitong miyembro. Alam ko ang mga indibidwal na Kristiano na gumagawa ng marka sa ating kasaysayan ngayon, ngunit, bilang iglesiya, ay kadalasan nang hindi makagawa ng “headlines”—kung makakagawa man, ay mga nakakahiyang headlines. At, ironic man kung tingnan, dahil din ito sa mga indibidwal na miyembro ng iglesiya. Sa mga iglesiya ngayon ay iilan lamang ang mga taong tatayo at maninindigan sa doktrina, susunod nang buong puso’t kaluluwa. Samantalang ang mga unang iglesiya ay hindi mo masasabing pastor lang ang gumagawa—lahat. Hindi lamang mga pastor ang inuusig—lahat. Bakit? Dahil lahat, hindi lamang ang pastor, ang naninindigan, sumusunod, tumatayo para sa Katotohanan at sa Diyos ng Katotohanang iyon. Mayroon sigurong mga indibidwal na talagang magiging prominente (tulad nina Pedro at Pablo), ngunit hindi dahil sila lang ang gumagawa ng dapat, kundi dahil gumawa pa sila nang higit sa dapat, at may partikular na utos sa kanila ang Diyos. Ang mga miyembro, bagaman hindi maisulat ang pangalan, ay ginagawa ang nararapat nilang gawin bilang iglesiya—nangangaral, nagtitiis ng pag-uusig, at nagdadala ng kaluluwa sa Panginoon. Sa ngayon kasi, kadalasan ang pastor lang ang gumagawa ng dapat, at ang mga miyembro ay hindi lahat ginagawa ang dapat. Kung hindi gayon eh di sana ay nagliliwanag na tayong mga bituin sa ating mga lugar. Wala, pagbalik natin sa ating tahanan ay parang hindi natin kilala ang kapit-bahay natin.

May gustong ituro sa atin ang mga unang iglesiya, at iyon ang gusto kong ibahagi sa inyo ngayon. Sa pamamagitan nito, makikita natin ang bigat ng pagiging isang miyembro ng iglesiya, o Church “Weight.”

Aral # 1: Ang Church Covenant nila ay nasa kanilang mga puso. Guess what, wala silang formal to-the-letter na kasunduan! Ang tanging mayroon sila ay ang Lumang Tipan—wala pang Bagong Tipan! And yet, paanong nagawa nilang manalangin nang matindi tulad ng nakasaad sa mga nababasa natin ngayon? (Acts 1:14) Paano nilang naisip na dapat silang laging nagtitipon? (Acts 2:1) Paano nilang nalaman na dapat silang mangaral sa mga tao at kung ano’ng mga sasabihin nila? (Acts 2:14-40) Paano nila naisip na dapat nilang pakinggan ang mga sinasabi ng mga apostol, na dapat silang makipag-fellowship, sumamba, mag-offering, mag-soul winning, na dapat silang maging mabuting testimony sa mga tao sa labas? (Acts 2:41-47) Dahil ang kasunduan nila ay nasa puso nila. Kasi pag nasa papel lamang, madali iyon mabura, madali iyong masira. Kung nasa isip lamang, madaling makalimot, madaling kalimutan, ang anumang ipinangako, isinumpa. Ngunit kung nasa puso, kailangan mo munang kunin ang puso nila bago mawala sa kanila ang kasunduan—pagbabayaran muna ng kanilang buhay bago nila mabali ang covenant nila sa Diyos at sa isa’t isa. We ought to be like that. Nasa puso nila ang sinabi ni Jesus na uusigin sila ng sanlibutan kapag sumunod sila, kaya buong tapang nila itong tinanggap—kapalit man nito ay ang mawalay sa mahal nilang pamilya, mawalan ng pag-aari, o mawalan pati, ng sarili nilang buhay. Ngunit ngayon, sino’ng hindi natitinag sa mga banta ng magulang? Sino’ng hindi iniintindi na baka mawalan siya ng trabaho? Sino’ng hindi iniisip ang sariling kapakanan? Sino’ng hindi natatakot sa sasabihin o gagawin ng tao sa kanila? I hate to say this, ngunit, mukhang labis tayong naaapektuhan ng mga bagay na ito. Why, wala kasi talaga sa puso natin ang kasunduan. Kaya nga ang pinakadakilang utos ng Diyos ay ang umibig, (Matthew 22:36-40) dahil ito ay nagmumula sa puso.

 

Aral # 2: Marunong silang tumanggap ng pagkakamali. Ang pinakadahilan kung bakit hindi nagfo-forward ang mga tao sa altar pag nag-i-invitation kahit may dapat namang ilapit sa Panginoon ay dahil hindi sila marunong tumanggap ng pagkakamali. Ikinakaila nilang may kasalanan sila, o binabalewala nila ito. That’s a saddening fact of today’s churches: ang katigasan ng leeg at puso. But consider the early church’s people—tinatanggap ba nila ang kanilang pagkakamali? Yes, they do. Consider Peter (Mark 14:66-72 cf. John 21; Acts 10); ang buong iglesiya ng Jerusalem (Acts 15); si Paul (Acts 15:36-41 cf. 2 Timothy 4:11); ang iglesiya ng mga taga-Korinto (1 Corinthians cf. 2 Corinthians 7:9-11). May ilan sa kanilang mali ang paniniwala, at nagpatama sila. May mga gumawa sa kanila ng mali; tinanggap nilang mali iyon. Hindi ba dapat maging gaya nila tayo? But most of us fail miserably. Ginagaya natin sina Adan at Eba na nagtuturuan; ginagaya natin si Cain na sumasagot pa sa Diyos; ginagaya pa natin si David na parang walang alam sa ginawa; at ginagaya natin ang marami pang halimbawa sa Biblia at mga hindi ligtas na ipinagpapatuloy pa ang maling ginagawa kahit alam nilang yun nga ay mali! And so, nothing’s changed. Kung hindi tayo magiging tulad ni Pablo, who “dies daily” (1 Corinthians 15:31), ay walang buhay na mababago. Kasi ang susi sa pagbabago ay pag-amin at pagsisisi. Hindi ba yun ang central message ni Jesus at ni John the Baptist at ng mga apostol: “Repent!”? (Matthew 4:17; 3:2; Acts 2:38)

 

Aral # 3: Alam nila kung sino sila. Yes, alam nila kung sino sila at hindi nila iyon nakakalimutan. Kaya alam nilang uusigin sila, kaya alam nilang dapat silang mangaral ng Salita ng Diyos, alam nilang dapat silang magtipon, na dapat silang magbigay, at magpatawad—dahil alam nila kung sino sila—mga mamamayan ng langit, mga anak ng Diyos—mga Kristiano. I hope we don’t forget who we are, why we are here, where we are going, and how to live.

 

Aral # 4: Buhay na nila ito; hindi parte lang ng kanilang buhay. Consider what they did: ibinenta nilang lahat ang kanilang pagmamay-ari, kung saan ang kanilang mga napagbentahan ay dinala sa paanan ng mga apostol, na sila namang naghati ng mga ito sa mga kapatiran. (Acts 2:42-47) Because they think it was their life then. Marami kang sasabihin: “Inaasikaso ko pa kasi ito eh,” “Hindi lang naman iyan ang inaalala ko,” so, ano na ang matitira para sa iglesiya? Tira-tira, minsan, wala pa. Not so with them. Bahala nang walang sariling bahay. Bahala nang walang pera. Bahala nang usigin. Kasi, “They had all things common.”

 

Do you see how “weighty” is the church for them? Yes. Handa silang ibigay ang lahat para sa iglesiya—anyway, hindi ba tayo ang iglesiya? They realized it, kaya naman ginawa nilang lahat para sa kanilang sarili—sila na iglesiya din. Do you think you’re separate from the church? Think of it carefully. Ano yung naligtas ka at nabautismuhan ka? Para lang makasali ka sa Baptist and have a good time?

No. Nang sumapi ka sa church, naging parte ka ng church. At tulad na dapat mong alagaan ang iyong katawan, dapat mo ring alagaan ang katawan ni Kristo kung saan ka parte—ang iglesiya. And with that came a heavy responsibility you should fulfill.

 

Heavy? Well that is the Church “Weight.” At tinuturo sa atin ng mga unang iglesiya, ng Bibliya, kung ano ang wala natin na mayroon sila na dapat mayroon tayo.

Are we hopeless? No. God still gives us a chance. We’re never too late. Why don’t we adapt those lessons into our life at magsimula tayo ng panibagong buhay-Kristiano? Hindi ka pa ba nagsasawa sa kung sino ka ngayon?

You should be.

The Making of a Covenant (Nehemiah 10)

by Pastor Felizardo Abanto

Introduction from the Editor:

Ang covenant, ayon sa Merriam-Webster’s Online Dictionary, ay may ilang ibig-sabihin. Ang una ay, “a usually formal, solemn, and binding agreement,” o isang pormal, seryoso, at umiiral na kasunduan. Bilang isang iglesiya, kahit walang nakasulat sa papel, ay mayroon tayong nakatakdang kasunduan sa isa’t isa. Ang pangalawa ay, “a written agreement or promise usually under seal between two or more parties especially for the performance of some action.” Ang covenant  ay isang nakasulat na kasunduan o pangako na ipinagtibay sa pagitan dalawa o higit pang partido partikular sa pagtupad ng isang aksyon. Doon nagmula ang ideya ng pormal na pagkasulat ng Church Covenant. Sa pamamagitan nito ay mas makikita natin ang ating mga responsibilidad bilang isang indibidwal sa isang iglesiya bagaman hindi tayo dapat malimitahan dito. Ang pangatlo ay ito: “the common-law action to recover damages for breach of such a contract,” o ang nakatalagang batas na gagawin upang makabawi sa mga pinsalang dulot ng paglabag sa naturang kontrata o kasunduan. Bilang isang iglesiya ay nararapat na mayroon tayong “plan B” kung sakaling ang isang Kristiano ay hindi tumupad sa kasunduang mayroon tayo.

Ang mga sumusunod ay isinulat ng ating pastor upang ipakita natin ang mga bagay na dapat nating bigyang-pansin tungkol sa isang kasunduan, at ginamit ng ating pastor ang halimbawa ng kasunduang ginawa ng nanumbalik na Israel mula sa Nehemiah 10.

  1. Ang Kalinawan ng Kasunduan. (vv. 1-27)

Ang isang covenant ay hindi lamang isang simpleng, “O ito gagawin ko ito, peksman!” Hindi ito basta salita na sasabihing gagawin ngunit dahil walang pruweba, ay may lisensya na upang hindi gawin. Basahin ang mga sumusunod: *

 

1Now those that sealed were, Nehemiah, the Tirshatha, the son of Hachaliah, and Zidkijah, 2Seraiah, Azariah, Jeremiah, 3Pashur, Amariah, Malchijah, 4Hattush, Shebaniah, Malluch, 5Harim, Meremoth, Obadiah, 6Daniel, Ginnethon, Baruch, 7Meshullam, Abijah, Mijamin, 8Maaziah, Bilgai, Shemaiah: these were the priests.

9And the Levites: both Jeshua the son of Azaniah, Binnui of the sons of Henadad, Kadmiel; 10And their brethren, Shebaniah, Hodijah, Kelita, Pelaiah, Hanan, 11Micha, Rehob, Hashabiah, 12Zaccur, Sherebiah, Shebaniah, 13Hodijah, Bani, Beninu.

14The chief of the people; Parosh, Pahathmoab, Elam, Zatthu, Bani, 15Bunni, Azgad, Bebai, 16Adonijah, Bigvai, Adin, 17Ater, Hizkijah, Azzur, 18Hodijah, Hashum, Bezai, 19Hariph, Anathoth, Nebai, 20Magpiash, Meshullam, Hezir, 21Meshezabeel, Zadok, Jaddua, 22Pelatiah, Hanan, Anaiah, 23Hoshea, Hananiah, Hashub, 24Hallohesh, Pileha, Shobek, 25Rehum, Hashabnah, Maaseiah, 26And Ahijah, Hanan, Anan, 27Malluch, Harim, Baanah.

 

Iisipin mo siguro, “Ano’ng kinalaman sa akin ng mga pangalang ito?” ngunit, dito nga makikita ang kalinawan ng kasunduan—dapat munang nakasulat ang mga pangalan ng mga pinuno at mga miyembro bago selyohan ang kasunduan. Nakikita niyo ba yung ating Church Covenant? Makikita niyo na matapos maisulat ang mismong kasunduan, ay nakasulat sa ilalim ang mga pangalan at pirma ng mga miyembrong kasali sa kasunduan. Ganoon kalinaw ang isang kasunduan o tipan.

 

  1. Ang Puso ng Kasunduan. (v. 28) Ang tunay na puso ng isang covenant ay separation, o pagiging hiwalay.

 

And the rest of the people, the priests, the Levites, the porters, the singers, the Nethinims, and all they that had separated themselves from the people of the lands unto the law of God, their wives, their sons, and their daughters, every one having knowledge, and having understanding;

 

Ang aspetong ito ng pagiging hiwalay o separation ay mayroong tatlong bahagi:

  1. Sa negatibong aspeto ito ay pagiging hiwalay “from the people of the lands,” o sa ibang mga salita, ay mga unsaved. Hindi ito pakikipaghiwalay tulad ng isang ermitanyo, kundi pagiging hiwalay sa kanilang mga ginagawa, hitsura, kultura, o pag-uugali. Bilang mga Kristiano, mayroon tayong kasunduan na maging iba pagdating sa ating ginagawa, itsura, paniniwala at pag-uugali. Kailanman ay hindi tayo dapat makisama sa kanila.
  2. Sa positibong aspeto naman ito ay pagiging hiwalay “to the law of God,” o tungo sa pagsunod sa batas ng Diyos. Ang pagiging hiwalay mula sa sanlibutan ay nangangahulugang susunod tayo sa anumang ipinag-uutos ng Diyos. Hindi tayo pwedeng humiwalay mula sa isang bagay na wala naman tayong pupuntahan o kakapitan na isa pang bagay.
  3. Sa sosyal na aspeto naman ito ay pagiging hiwalay kasama ang: “their wives, their sons, their daughters.” Tandaan natin na tayong mga pinuno ng tahanan ay may responsibilidad na isama ang ating asawa, at mga anak (lalaki man o babae) sa kasunduang ating gagawin sa Diyos at sa bawat isa.

 

Ngunit ating dapat tandaan na ang tunay na pagiging hiwalay ay nagsisimula mula sa ating puso bago makita sa ating mga panlabas na buhay. Mahirap humiwalay sa panlabas na aspeto kung hindi naman ito nanggagaling sa ating kalooban.

 

III. Ang Kaseryosohan ng Kasunduan. (v. 29)

Basahin ang sumusunod na talata:

 

They clave to their brethren, their nobles, and entered into a curse, and into an oath, to walk in God’s law, which was given by Moses the servant of God, and to observe and do all the commandments of the LORD our Lord, and his judgments and his statutes;

 

Makikita natin sa talata na ang Israel ay pumasok sa isang “sumpa,” o “curse” o “oath,” isang bagay na tumatawag ng pag-hatol ng langit kapag hindi natupad o naisagawa. Nakita mo ba kung gaano kaseryoso ang Church Covenant?

 

  1. Ang Mga Espesipiko ng Kasunduan. (vv. 30-39) Ang isang kasunduan ay hindi magtatagumpay sa mga malalabo o panlahatang pahayag o resolusyon. Dapat na magkaroon ng partikular, o mga espesipiko, na mga kasunduan, tulad ng mga sumusunod:

 

  1. Marriage, o Kasal. (v. 30)

 

And that we would not give our daughters unto the people of the land, not take their daughters for our sons:

 

Dapat tayong mga magulang ay maging responsable tungkol sa mapapangasawa ng ating mga anak. Kahit kailan ay hindi dapat sila mag-asawa ng hindi natin kapananampalataya.

 

  1. Sabbath. (v. 31)

Mayroon ding kasunduan pagdating sa mga araw ng ating pagtitipon, at pagtupad rito.

 

  1. Funds for Worship Maintenance, o Pondo para sa Pagpapanatili ng Pagsamba. (vv. 32-33)

Mayroon din silang kasunduan pagdating sa pagpapanatili sa kaayusan ng kanilang pagsamba. Pagdating sa atin, ito ay ang commitment sa mga expenses ng ating iglesiya, kuryente, pinagtitipunan, atbp. Basahin ang Exodus 30:11-16.

 

  1. Firewood, o Panggatong. (vv. 34)

Makikita natin na maging pagdadala ng mga kahoy na gagamitin sa paghahandog ay hindi mga lingkod ng Diyos ang magpo-provide kundi ang mga Israelita pa!

 

  1. Offering, o Paghahandog. (vv. 35-39)

 

* Ang mga salitang naka-italicize, bukod sa mga heading o punto, ay mula sa Editor. Idinagdag ito upang lalong maintindihan ng mambabasa ang isinasaad.

A Weighty Task

Making an issue of BDJ ay isang mabigat na gawain para sa akin. I had been busy working here in the library and doing other things, na naisip ko na parang wala na akong ganang kumalikot ng keyboard. And, one more thing, ayokong gumawa ng BDJ na second rate. I want it to be the best I could make for the Lord as well as for you, the readers. Kaya naman hindi ako matukso na magsulat lang ng kung ano para matapos na, kundi kapag gagawin ko ito ay sisiguraduhin kong ito nga ang BDJ na nais kong mai-publish at mabasa. At hindi tulad ng ibang issues, this time ay nilagay ko ang “Front Porch” sa unahan ng listahan ng isusulat ko ng articles. So, you see, even writing an article is a weighty task, kahit yung pagde-design. Napag-alaman ko nga na bago mai-publish ang isang libro, ay kailangan ng at least isang taon para magawa ito. Actually, marami akong alam na mga aklat na hindi maisusulat kung hindi muna dumaan ang awtor sa twenty-five years of research and experience. Alam niyo ba na para matapos ko ang buong BDJ ay kumukuha ako ng hanggang 5-6 hours? At ito ay isa lamang na weekly paper! No wonder kung bakit kumukuha ng ganoong katagal na panahon ang mga libro.

Do you know that as a Christian ay mayroon ka ring isang weighty task, specially kung bahagi ka ng katawan ni Kristo, ang church? Hindi ka lamang naligtas upang magpalubog sa tubig tapos ay mag-aattend lang tuwing Sunday ng umaga tapos maghuhulog ng pera sa offering pouch, kakanta sa choir, at lalabas at magso-soul winning. Kung akala mo you became a Christian just to do things like these, you’re mistaken. Utterly mistaken.

Don’t get me wrong. Ang lahat ng mga bagay na ito ay dapat nating gawin. Ngunit hindi lamang iyon. Sabi nga ni Pastor Jurem Ramos sa isang broadcast ng Shepherd’s Voice sa 702 DZAS (Weekdays, 7:30 ng gabi), “Ang tanong ay hindi, ‘Ano’ng dapat kong gawin bilang isang Cristiano?’ kundi, ‘Ano ako bilang isang Kristiano?’” Maiintindihan lamang nating tunay ang mga dapat nating gawin bilang isang Kristiano kung alam natin kung ano ang posisyon natin bilang isang Kristiano. Tayo ay mga “maliliit na Kristo,” sa ibang mga salita, ay mga tagasunod Niya. Our ultimate goal in life ay dapat na, “to be like Christ.” Kung naiintindihan natin ang ating posisyon, hindi tayo agad-agad madi-discourage sa mga hadlang na dumarating sa buhay. Kung naiintindihan natin na tayo’y “maliliit na Kristo,” hindi tayo male-late, lalong-lalo na ay hindi natin mami-miss ang kahit anong service. (Hindi dahilan ang trabaho, o layo, dahil si Jesus, para hindi ma-late at dahil ayaw Niyang ma-miss ang service sa Jerusalem, ay kinailangan Niyang maglakad ng ilang kilometro.) If we understood who we are, hindi manghihinayang na ibigay ang dapat sa Panginoon at pakainin ang kanyang mga lingkod. In fact, if we really know who we are, gagawin natin ang mga bagay-bagay na halos kapantay na ng mga bagay na ginagawa ng ating pastor! You read your New Testament at tingnan mo kung ano ang ginagawa ng mga ordinaryong miyembro ng church noon. You should know better.

“Mabigat ’yan, brod,” you will tell me. Yes, very much. Amen. That’s really a weighty task. Actually, ako ay naiinis sa sarili ko dahil hindi ko rin ito nagagawa at times. Narinig ko nga ang prominent evangelist na si Pastor John R. Rice na nagsabing (isinalin ko sa Tagalog), “Kapag hindi ka nagdadala ng kaluluwa sa Panginoon araw-araw, ikaw ay nasa rebelyon.” Such sharp words. But if I’m honest with myself, that’s true. Paano pa kaya ang mapabilang sa iglesiya na itinayo ng Panginoong Jesus? I’m sure I have a weighty task in front of me. At kung alam ko kung sino ako, hindi ako magdadalawang-isip, gaano man kabigat, na gawin ang dapat kong gawin upang maging tulad ni Kristo.—Bro. Elijah E. Abanto

 

The Landmine of Unforgiveness

by Charles F. Stanley

Kapag ikaw ay nasaktan, mayroong malaking tukso na makaramdam na tama lamang ang magka-roon ng isang hindi mapagpatawad na puso. Magbantay! Ito ay isang patibong, at isa sa mga pin-akamapangwasak na sandata ng Kaaway. Kung ikaw ay humakbang patungo sa direksyong iyon, hindi mo man maranasan ang pagkasira agad-agad, ay katagal-tagalan pag patuloy mong in-iipon ang kaisipan na hindi magpatawad, ay magiging mas malaki ang kasiraang maidudulot nito. Hindi mo siguro napapagtanto na ang ganoong klaseng tugon sa pananakit sa’yo ay isa sa mga pinakamapangwasak na bagay na magagawa mo sa iyong sarili. Kapag pinapanatili mo ang mga negatibong damdamin na ito sa iyong puso, mag-uugat ang kapaitan, at makikita mo ang mga implikasyon nito sa bawat bahagi ng iyong buhay.

Magsimula tayo sa mga depinisyon. Ang pagpapatawad ay tumutukoy sa pagsuko ng galit sa isang tao at ang karapatan na maging patas, anuman ang nagawa ng taong iyon. Ang hindi pagpapatawad, kung gayon, ay nagpapakita ng tahasang pagtanggi na isuko ang masamang kalooban at iyong karapatan na gantihan ang nanakit sa anumang paraan; ito ay base sa hindi maka-Kristong pag-uugali na mayroon dapat na magbayad para sa sakit, isang posisyon na pay-ak na walang biblikal na maaaring idahilan.

Sinasabi ng Efeso 4:31 sa atin na alisin ang lahat ng kapaitan, poot, at galit, kasama pati ang malisya, na siyang kagustuhan na makita ang isang tao na maghirap. Ang sumusunod na talata ay inuutusan tayong magpatawaran sa isa’t isa. Sa ibabaw, ang kasulatang ito ay parang madaling sundin; subalit, ang pagpapatawad ay maaaring maging isang malaking hamon, lalo na kapag ang sugat ay may kasamang matinding sakit. Minsan ay iniisip natin na napatawad na natin ang nakasakit ngunit sa katotohanan ay hindi naman—napakadali na sabihing “Pinapatawad na kita” nang hindi naman natin isinasapuso.

Ang pinakadahilan ng problema ay ang kawalan ng kagustuhan na ibigay sa iba ang kung anong ibinigay sa atin ng Panginoon. Nais ng Diyos na makita natin ang kaseryosohan ng ating kasalanan para ating maunawaan ang tindi ng awing ipinakita Niya sa atin. Kung pag-iisipan natin kung paano Niya tayo pinatawad, tayo ay walang masasabing dahilan para maging hindi mapagpatawad, gaanuman kasakit ang nagawang mali sa’yo. (Mateo 18:21-35)

Napakaraming mga tao ay nag-iingat ng mga sakit ng kalooban ngunit nabibigong makita ang ganoong klase ng ugali bilang isang malaking isyu sa kanilang buhay, na makakaapekto sa kanilang pisikal na kalusugan, emotional na pagkatao, at ispiritwal na konsidyon. Ang isang labis na kagustuhan na makaganti sa pamamagitan ng paghawak sa atin sa pagkaalipin—kapag ating pinipilit na huwag magbigay-patawad, tayo mismo ay mas nagiging malapit sa pagdurusa ng tensyon, depresyon, galit, at isang hating pag-iisip. Kahit na ang pagbanggit lamang ng kanyang pangalan ay nagdudulot sa atin ng reaksyon, na nagnanakaw ng ating kapayapaan at minsan maging ng ating pahinga. Hindi nakapagtataka kung nagbabala si Pablo ng, “Mga pina-ka-iibig, huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili, kundi bagkus magbigay lugar sa pagkapoot: sapagka’t nasusulat, Ang paghihiganti ay Akin; ako ang maghihiganti, sinasabi ng Panginoon” (Roma 12:19).

Ang hindi pagpapatawad ay tulad ng isang pagkalat ng anay. Sa simula, ang problema ay hindi masyadong halata, ngunit maaari nitong kainin ang ating pagkatao at magdulot ng malaking pagkasira. Ang paghawak sa sitwasyon nang tama ay maaaring magbalik na kaayusan sa iyong buhay.

  1. Seryosohin ito. Dahil hindi tinitingnan ng Diyos ang hindi pagpapatawad nang magaan, tayo rin, dapat, ay makita ang tindi nito.
  2. Kunin ito bilang iyong buong pananagutan. Mayroon sigurong nagdulot sa iyo upang makaranas ka ng sakit at dusa, ngunit ang paninisi ay hindi makakaalis ng prob-lema. Aminin—sa iyong sarili at sa Diyos—na, kahit na maaari ang taong iyon ay may bahagi, ikaw pa rin ay responsible para sa iyong hindi mapagpatawad na ispiritu.
  3. Ipahayag ito nang totoo. Huwag mong hayaang patuloy na mabuo ang iyong galit. Umayon sa Panginoon na ang iyong hindi pagpapatawad ay isang kasalanan.
  4. Isantabi ang iyong galit. Hangga’t hindi mo isinusuko ito, ang hindi mapagtawad mong ispiritu ay babalik. Sabihin mo, “Diyos ko, patawarin mo ako sa aking galit. Pini-pili ko na na ito’y aking isasantabi.” Pagkatapos ay isipin ang Krus at tanungin ang iyong sarili, Paano ako mag-iingat ng anumang laban sa isang tao kung ako mismo ay napa-tawad na?
  5. Ipanalangin ang taong iyon. Hindi mo man siguro ramdam na ipanalangin ang isang taong nanakit sa iyo, ngunit ang iyong damdamin ay walang kinalaman dito—gumawa ng isang tahasang pagpili na manalangin sa Ama para sa taong iyon.
  6. Kung ang tao na nagdulot sa’yo ng sakit ay alam na ikaw ay galit sa kanya, personal na humingi ng tawad sa indibidwal na iyon. Hindi man ito maging madali para sa iyo, ngunit ito ay kinakailangan kung nais mong maging malaya sa pagkaalipin sa sarili mong hindi pagpapatawad.
  7. Hilingin sa Diyos na magpakita Siya sa’yo ng isang bagay na maaari mong ma-gawa para sa sinumang nakasakit sa iyo. Hayaan na makita ang iyong mapagpatawad na ispiritu, kahit na ang maging reaksyon ng taong iyon ay maging sus-pisyoso.

 

Pagkatapos mong sundin ang mga hakbang na ito, ang mga pakiramdam ng kapaitan ay maaari pa ring magpakita. Kung iyon ay mangyari, manalangin, “Salamat, Ama—napatawad ko na ang taong ito.” Huwag mong hayaan si Satanas na dalhin ka na naman sa patibong na alalahaning muli ang nangyari, kung saan maaari ka na namang mairehas sa matanda na, at hindi malusog na ispiritu ng hindi pagpapatawad.

Pagkatapos ng isang sandali, malalaman mo na tunay mo na ngang napatawad yung nakaga-wa ng mali, dahil hindi mo na mararamdaman ang naramdaman mo dati. Maaari mong madisku-bre na, kung saan ay mayroong galit dati, ay mayroon nang pagmamalasakit o maging ng interes sa buhay ng taong iyon. Makikita mo, sa iyong pagkagulat at kaginhawahan, na iba na ang iyong ugali, at ikaw ay lumaya na.

Ang artikulong ito ay Tinagalog na sipi (ni Bro. Elijah E. Abanto) mula sa Ingles na artikulo ni Charles F. Stanley na, “No Record of Wrong: Avoiding the Landmine of Unforgiveness,” In Touch® magazine, January 2005, pp. 6-9, In Touch® Ministries. All rights reserved.