Life’s Basics: Teaching (Part 2)

teaching2

What I have showed you yesterday ay isang attempt upang makumbinse ang bawat isa sa kagandahan, pangangailangan at pagiging biblikal ng pagtuturo upang ikaw ay magpasya ring gawin itong mahalagang bahagi ng iyong buhay. Nagbigay din ako ng pangunahing mga bagay na dapat ay mayroon ka upang ikaw ay makapagsimulang magturo.

Ngunit iyon lamang ang simula. Kung nais mong maging isang mahusay at mabuting guro, kailangan mo munang maintindihan ang iba pang mga bagay na may kinalaman rito.

Nais kong muling bigyang-diin na ang pagtuturo ay hindi lang para sa mga tinatawag na “teachers” at “professors” sa mundo, kundi para sa sinumang nagtuturo. Ang problema kasi sa sistema ng sanlibutan ngayon, nauuna muna ang titulo bago ang gawain; mali, ang tama ay ang gawain muna bago ang titulo. Kahit ano man ang titulo mo, kung hindi mo naman ginagawa ang naaayon sa titulong iyon, hindi ka iyon. Ikaw ang kung ano’ng ginagawa mo. Ang tiyak na titulo lamang para sa atin ay ang “makasalanan”; bukod roon, wala nang ibang titulo ang dapat ibigay sa atin kung hindi naman tayo ganun. Hindi ka dapat tawaging ina kung hindi ka nagpapaka-ina; hindi ka dapat tawaging Kristiano kung hindi nagpapaka-Kristiano; hindi ka dapat tawaging pulis kung hindi ka nagpapaka-pulis; hindi ka tunay na guro kung hindi ka nagtuturo. Ganun lang kasimple.

Ngayon kung ikaw ay nagnanais na maging tunay na guro, dapat ay naiintindihan mo muna ang mga bagay na nakasaad sa article na ito at kung may kailangang i-apply, dapat isagawa mo iyon. “Then, and only then,” sabi nga ng isang karakter sa Tangled (isang pelikula ng Disney tungkol sa fairy tale character na si Rapunzel), matatawag na isang guro.

 

Requirements Before Teaching the Truth

Si Mary Herman, awtor ng aklat na “Methods of Teaching,” ay ibinibigay ang mga sumusunod na marka ng isang effective teacher. Sa aking palagay, ang mga bagay na ito ang kailangan din bago ka magturo ng katotohanan:

You must be saved first. Sa pagtuturo ng katotohanan, kailangan munang nasa iyo ang Katotohanan, walang iba kundi si Jesus (John 14:6). Sa pamamagitan nito, ang Banal na Ispiritu ay bibigyang-linaw sa iyong isip ang mga katuruan ng Salita ng Dios. Kung hindi ka ligtas, limitado ang maaari mong malaman. Kailangan mong magkaroon ng mata ng Dios upang makita ang katotohanan.

You should want a relationship with God. Sa pagbabahagi ng katotohanan, dapat ay may mabuti kang pakikipag-ugnayan sa May-Ari ng katotohanan, ang Dios. Sa pamamagitan ng panalangin, pagbubulay-bulay ng Salita ng Dios at pagsunod sa Kanyang kalooban, mas lalong mabubuksan ang iyong mga mata sa katotohanan, na sa kabilang banda ay ibabahagi mo sa iba.

You should recognize that teaching is a spiritual gift (Romans 12:7-8; 1 Corinthians 12:28; Ephesians 4:11). Ang pagtuturo ng katotohanan ay isang ispiritwal na gawain, at ang Banal na Ispiritu ang magbibigay sa’yo ng kagustuhan, oportunidad at kakayahan upang makapagturo. Sa pamamagitan nito, mare-realize mo na kung magtuturo ka, kasama mo dapat ang Dios.

You should be ready to give time to prepare your lesson. Kung hindi ka magde-dedicate ng oras para maghanda ng iyong ituturo sa iba, back out of teaching. Dahil kung hindi ka willing, sisirain mo lang ang magiging mga estudyante mo.

You should be interested in the prospective students. Anyone can be a student, any place can be a classroom. Kung paanong ang titulong guro ay para lamang sa sinumang nagtuturo, ang titulong estudyante ay para lamang sa mga handang makinig. Ngayon, dapat kang maging interesado sa mga tuturuan mo kung gaano ka ka-interesado sa pagtuturo mismo. You can never be a good teacher if you are not interested in the students.

You should take care of your appearance. Bagaman anumang lugar ay maaaring maging classroom basta may guro at may estudyante, hindi pipwede na kahit ano na lang ang itsura mo bilang guro. You should look like you’re gonna teach the truth before you teach the truth. Hindi ka pwedeng maging guro kung mukha kang sinungaling. Kaya kapani-paniwala ang mga bulaang guro tulad nina Soriano, mga ministro ng Iglesia ni Manalo at mga pari at papa ng Romano Katoliko ay dahil mukha silang makatotohanan. Kung silang mga mandaraya ay may kakapalan na mag-itsurang totoo, mas lalo dapat tayong tunay na nagdadala ng katotohanan.

 

Principles of Teaching

Lagi mong alalahanin na ang mga bagay na ito ay mahalaga, even vital, sa iyong pagtuturo:

Yung Ituturo Mo (Content). Walang kabuluhan ang pagtuturo mo kung walang kabuluhan ang itinuturo mo. Ang iyong ituturo ay dapat katotohanan—naaayon sa at binibigyang suporta ng Salita ng Dios.

Yung Tuturuan Mo (Relationship). Mahalaga ang relasyon mo sa mga estudyante kung ikaw ay magiging effective teacher.

Yung Pagtuturo Mo (Style). Paano mo ituro ang nalalaman mo? Mahalaga rin ang istilo ng iyong pagtuturo. Mawawalan ng halaga ang iyong itinuturo kung wala sa tamang istilo.

Dito ngayon papasok ang mga prinsipyo sa iyong pagtuturo. Ang mga ito (na mula sa Eberly Center ng Carnegie Mellon University, http://www.cmu.edu/teaching) ay dapat mong i-apply kapag nagtuturo ka na:

Mahalagang malaman mo ang katangian ng iyong mga tinuturuan. Kung ikaw ay magulang, marapat na kilalanin mo ang iyong mga anak. Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung paanong ang iyong ituturo ay “tatagos” sa kanya.

Mahalagang magkaroon ka ng mga goals, activities at assessment kakabit ng iyong ituturo. Sa bawat ituturo mo, dapat may nakatakda ka na gusto mong abutin at mangyari. Makakatulong din kung magkakaroon ka ng mga paraan kung saan magiging “hands-on” ang iyong tinuturuan. Dagdag pa rito, magandang mayroon kang kasama na titingin kung ang iyong pagtuturo ay nagawa mo nang mahusay o hindi.

Mahalaga na ang mga goals o objectives mo kaugnay ng iyong ituturo ay malaman ng mga estudyante o tuturuan mo. Mas nagiging epektibo ang iyong pagtuturo kung ipinapaalam mo sa una pa lang sa iyong tinuturuan kung ano ang nais mong mangyari pagkatapos mong magturo.

Mahalaga na hindi masyadong malawak ang iyong ituturo dahil nakakabawas ito ng pagkatuto. Magbigay ka lamang ng tuon sa kaunting mga katotohanan at kung marami kang gustong ibahagi mabuting hatiin mo na lamang ito sa ilang mga pagkakataon ng iyong pagtuturo.

Mahalaga na hindi natin ipagpalagay kung ano ang alam ng ating tinuturuan. Huwag mong isipin na alam na ng iyong tinuturuan ang bagay na hindi mo pa naituturo sa kanya. Mabuting magbigay ka lagi ng paliwanag sa mga puntong hindi mo pa naituturo sa kanya/kanila. Never assume anything. Isipin mo sila bilang mga walang lamang baso at ikaw ang maglalagay ng tubig.

Mahalagang gampanan natin ang ‘naaangkop na guro’ para sa mga tinuturuan natin. Kung bata ang tinuturuan natin, marapat na mga teacher tayo ng mga bata; gayundin kung kabataan o nakakatanda. Mayroong naaangkop na pagtuturo para sa bawat grupo ng tao depende sa kanilang edad, katayuan sa lipunan, o lebel ng edukasyon. Maaari ding nakasalaysay ang iyong teaching role sa kung anong uri ng lesson ang iyong ituturo. Kung dadalhin mo siya upang madiskubre ang katotohanan, ikaw ay dapat tumayo bilang isang guide teacher; kung nais mong magkaroon ng diskusyon ng mga opinyon, ikaw ay isang moderator; kung may ginagawa siyang proyekto, ikaw ay isang mentor. Ang iniisip ng marami ang pagtuturo ay pagiging isa lamang lecturer, ngunit ang pagtuturo ay maaaring gawin sa iba’t ibang paraan, depende sa kung ano ang kinakailangan.

Mahalagang paghusayan mo pa ang iyong pagtuturo sa pamamagitan ng repleksyon at mga komento. Ang repleksyon ay sarili mong pag-e-evaluate sa iyong sarili: “Nakikinig ba ang mga estudyante ko?” “Talaga bang natuto sila?” “Nakapagturo ba ako nang maayos at mahusay?” Ang mga komento ay masasabi ng ibang tao: “Ang galing ng pagkaturo mo.” “Marami akong natutunan.” “Siguro dapat mong i-improve ang iyong hand gestures.” Ang mga ito, kapag tinanggap mo sa tamang paraan, ay makatutulong upang mas lalo ka pang maging mahusay na guro.

 

Principles of Learning

Tingnan naman natin ang pagtuturo sa perspektibo ng mga estudyante o tinuturuan. Ano nga ba ang mga kailangan o mga prinsipyo na nakakaapekto sa pagkatuto nila?

Ang mga sumusunod ay mula sa “Principles of Learning” ng Wikipedia.org na batay sa nakita ni Edward Thorndike, atbp.:

Ang mga estudyante ay pinakamainam na natututo kapag sila’y handang matuto sa pisikal, mental, emosyonal at ispiritwal (readiness). Ipakita mo ang kahalagahan ng paksa. Patuloy na magbigay ng hamong pangkaisipan o pisikal. Nararapat na mayroon silang layunin para matuto ng isang bagay. Dapat magawa nilang alisin ang mga makakaistorbo sa kanila.

Pinakanaaalala ng mga estudyante ang mga bagay na palaging inuulit (exercise). Mabuting tanungin mo sa kanila kung ano ang kanilang narinig mula sa iyo. Ipaalala sa kanila ang iyong sinabi, o kaya’y balikan, o ibuod. Kailangan magbigay ka ng mga pisikal na aplikasyon.

Ang pagkatuto ay umiigting kapag nakapagbibigay ito ng maganda o kasiya-siyang pakiramdam, kundi ito’y hihina (effect).

Ang mga bagay na unang natutunan ay lumilikha ng malakas na impresyon sa isip at mahirap na itong mabura (primacy). Sikaping ituro ang iyong lesson nang tama sa unang pagkakataon pa lang. Kapag ang una mong sinabi sa klase ay mali at sinubukan mong bawiin ito at sabihin kung ano talaga ang tama, mahirap nang alisin ang una nilang natutunan sa kanilang isip. Magagawa mong makapagturo nang tama agad kapag pinaghandaan mo nang maigi ang iyong ituturo.

Ang mga bagay na pinakahuling natutunan ang pinakanaaalala (recency). Dito ipinapakita ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw (review) at pagbubuod (summary). Mahalagang ulitin, sabihin sa ibang paraan o bigyang-diin ang mga mahahalagang punto sa pagtatapos ng isang lesson.

Kung ang itinuro ay itinuro nang mas masidhi, mas malaki ang posibilidad na ito’y mas maalala (intensity). “Do it with passion,” sabi nga nila, at totoo din ito sa pagtuturo. Kaya nga mahalaga na ikaw ay hindi lamang nakatayong parang tuod kapag ikaw ay nagtuturo—mahalagang ikaw ay gumagawa ng mga kinakailangang paggalaw (gestures) at pag-iiba ng tono ng pananalita (voice). Makatutulong din ang pagde-demo ng iyong itinuturo (halimbawa ay kung paano pumana sa archery lessons), pagkakaroon ng mga skits at role-playing. Nakakatulong rin kung ito’y sinasamahan mo ng mga bagay na nagpapatotohanan sa iyong sinasabi (realism), kagaya ng pagbabahagi ng sarili mong karanasan, o pagpapanood ng isang video clip na may kinalaman rito. Nakakatulong rin sa pagkatuto ang paggamit ng kanilang mga senses.

Ang mga bagay na malayang natutunan ang pinakanatututunan (freedom). Nababawasan ang posibilidad ng pagkatuto kapag pakiramdam ng iyong tinuturuan ay masyado silang nasisikipan o nakakulong. Maganda kung hindi ka nananakot o namimilit.

Kailangang magkaroon sila ng isang bagay, kakayahan, kaalaman na aabutin (requirement). Kung sa pagtatapos ng aralin ay wala naman naidagdag sa kanilang pagkatao, ay madali nilang bitawan ang iyong itinuro sa kanila.

 

Teachers for the Future

Tiyak na ikaw ay magiging isang mahusay na guro habang iyong in-apply ang mga teaching at learning principles na iyong nabasa at patuloy kang nagtuturo.

Magandang ilagay mo na rin sa iyong pag-iisip at puso na mahalagang maipasa mo sa iba ang iyong puso at kaalaman sa pagtuturo. Tulad ng aking sinabi kanina, ang mga isinulat ko ay isang paraan upang kayo’y kumbinsihin na kunin ang gawain ng pagtuturo. While others may say that this is nothing compared to working in a company or growing a business, in fact, teaching has the most lasting effect. Kaya may Alexander the Great dahil may Aristotle. Kaya may Joshua ay dahil may Moses. Kay may mga apostoles ay dahil may Jesus.

Kakaunti lamang ang mga gawain na singhalaga ng pagtuturo ng katotohanan. Lalo na kung ito’y maipapasa mo sa iba.

 

 

Categories Christian service, community, God's Word, truthTags ,

Leave a comment

search previous next tag category expand menu location phone mail time cart zoom edit close